“Lucia, nakahanda na ba ang lahat? Naisaayos ba ang lahat ng utos ko?” Bungad na tanong ni Celsius Mijares sa mayordoma na nakaabang na sa may pintuan ng mansyon. “Nakahanda na ang lahat ayon sa inyong utos, sir.” sagot naman agad ng tauhan. “Mabuti naman. Si Ofelia, narito ba?” “Umalis po si madam, sir. Hindi po nagsabi kung saan ang tungo, pero tinawagan po ni Sir Yulence kanina bago umalis.” “Mabuti kung ganoon at mas maigi kung hindi muna sila magpang-abot ng ating mga panauhin. Pupunta lamang ako sa study, tawagin mo ako kapag dumating na ang mga bisita.” Utos muli ng matanda. “Masusunod po, Sir Celsius.” Nagdiretso si Celsius Mijares sa kan’yang study. Noon isang araw pa siya hindi mapakali dahil kagaya ni Diana ay nais na rin niya na maging malinaw ang lahat ng mga naging pangyayari sa nakaraan sa buhay ng kan'yang pamilya. At umaasa siya na ngayon na ang tamang oras upang maipaliwanag ang mga natitira pa na katanungan ng kahapon. Hindi na sila muli na nagkausap ni Diana
“Mabuti pa nga at magdesisyon ka na, honey, nang matapos na ang mga kaguluhan sa kumpanya. Ang dami na rin reklamo ng mga board members ukol sa kasalukuyan na CEO ng kumpanya. Hindi na nila ikinatutuwa ang nagiging pamamalakad ni Colton hindi lamang sa DU kung hindi sa buong Mijares empire. Isa pa sa hindi nagustuhan ng mga board members ay ang mga bali-balita kay Colton noon na nakabuntis ng empleyado ng DU na hindi pinanagutan at basta na lamang na iniwan dahil sa hindi niya ka-lebel ang babae. Hindi tama na ganoon ang gagawin ng iyong anak, Celsius. Sirang-sira ang imahe mo dahil sa kagagawan ng anak mo. Tapos ito na naman ngayon si Colton na may kasama na iba na naman na babae?” Sunod-sunod na sabi pa ni Ofelia upang lalo na masira ang papel ni Colton sa ama na si Celsius. Agad na itinaas ni Celsius ang kan'yang kamay sa harap ng mukha ni Ofelia upang patigilan at patahimikin sa sunod-sunod na pagsasalita. Matapang naman na nakatitig si Colton sa mag-ina na simula noon pa ay wala
Ilang linggo matapos ang paghaharap namin ng mag-ina na Villagomeza at ang mag-ama na sina Celsius at Colton ay mas lalo na naging mahigpit ang seguridad at pagbabantay para sa amin ng aking mga anak. Nagdagdag pa ng ilang tauhan si Colton at kahit ang mismo na ama niya na si Celsius upang masiguro na walang magagawa ang mga pagbabanta ni Ofelia. Hindi man kami na mag-iina ang nasa sentro ng galit na iyon ay kailangan namin na mag-ingat laban sa mga Villagomeza. Lahat kami ay gulat na gulat nang malaman na peke ang kasal ni Ofelia kay Celsius. Maski sa hinagap ay hindi ko inasahan ang katotohanan na iyon. Masama man ang maging masaya ako sa kinahinatnan niya ay iyon ang nararamdaman ko. Sa lahat ng pagkakamali at pang-aalipusta na ginawa niya sa akin, kulang pa ang kabayaran na iyon na inabot niya. Sa ngayon ay wala pa rin kami na balita sa nangyayari sa Genova. Nananatili rin na tikom ang bibig ni Nathan at ang lagi lamang na sinasabi ay huwag na ako na mag-alala dahil inaayos na l
Ilan linggo na simula nang makabalik ng Genova sina Prinsipe Aldrick at Reyna Isabel. Pagdating pa lamang nila ay iba’t-ibang usapin at haka-haka na ang agad na bumungad sa kanila sa paliparan pa lamang. At sa lahat ng iyon ay nanatili na tikom ang bibig ng mag-ina sa tunay na mga pangyayari. Hindi malaman ng prinsipe kung paano muli na bubuuin ang mga piraso ng kan’yang buhay. Galit na galit ang kan’yang ama na hari sa lahat nang natuklasan tungkol sa mga pinaggagagawa ng reyna. At hindi niya masisisi ang ama dahil kagaya ng nararamdaman nito ay ganoon din ang unang bugso ng damdamin ni Prinsipe Aldrick nang malaman ang lahat. Poot at galit ang tangi na naging emosyon niya para sa ina nang mabunyag ang kasamaan nito lalo na sa babae na pinakamamahal niya. Sa kabila ng pagkamuhi na nararamdaman ni Haring Alarick sa asawa ay hindi naman nawala ang suporta niya para sa reyna. Mabilis na kumilos ang ama ni Aldrick upang makipag-usap sa mga Altamirano at personal na humingi ng tawad sa
“Fucking Shit! Tang-ina! Buwisit talaga ang mga Mijares na iyon! This can’t be happening! Hindi ito puwede na mangyari sa amin ni mama. Hindi puwede na gagaguhin kami ng mga Mijares na iyan!” Ito ang galit na galit at nagwawala na sigaw ni Yulence Villagomeza sa condo unit ni Lia Madrigal. Simula nang mapaalis ang mag-ina sa mansyon ng mga Mijares ilan linggo na ang nakakaraan ay ngayon lamang nagkaroon ng pagkakataon si Yulence na muli na bisitahin si Lia. Kinailangan muna niya na asikasuhin ang lagay ng kan'yang ina na ngayon ay sa bahay nila ng asawa niya na si Vanny tumutuloy. “Akala ko ba kayang-kaya ninyo na paikutin sa mga palad ninyo ang matandang Celsius Mijares na iyon? Bakit mukhang kayo ang napaikot niya sa mga palad niya sa mahabang panahon?” Pigil na pigil naman ang kasiyahan ni Lia sa nakikita na pagbagsak ng mayabang na si Yulence. Kabawasan man iyon sa plano nila ay natutuwa si Lia na nahulog din buhat sa mataas na kinalalagyan nila ang mag-ina. Ang mag-ina na nak
“Tutulungan kita. I will help you with your plans.” Hindi man sigurado si Kane Loyola sa mga salita na kan'yang binibitiwan at sa mga hakbang na kan'yang ginagawa ay wala nang makakapigil sa kan’ya sa mga oras na ito. Nakapagdesisyon na siya at paninindigan na lamang niya iyon. “Mabuti naman at nakapag-isip-isip ka ng maayos. Ang tagal ko na hinintay at inasahan ang pagtawag mo na ito. At higit sa lahat mabuti naman na sa akin ka pa rin kumampi. I owe you on this, Kane, salamat.” Pagkasabi ng kausap ng mga salita na iyon ay agad na ni Kane na pinutol ang kan'yang tawag. Hindi na sigurado si Kane sa mga nagiging desisyon niya sa buhay, pero bahala na. Wala na rin siya na pakialam pa kung ano ang kahihinatnan ng kan’yang mga desisyon lalo na at pinaghahahanap na rin siya ng prinsipe ng Altamirano. Wala ng magandang bukas at maayos na buhay ang naghihintay sa kan’ya, kaya isasapalaran na niya ang lahat-lahat ng mayro’n siya. Muli na tumanaw si Kane sa malawak na lupain sa kan’yang h
“Sa wakas at lumabas ka rin sa lungga mo. Ano ang ginagawa mo rito sa probinsya, Kane Loyola?” Tinig na naman ni Samantha Randal ang naulinigan ni Kane nang lumabas siya sa kan’yang kuwarto at nagpasya na magpahangin sa may balkon. Hindi niya alam kung sadya ba siya na inaabangan nito kahit na pilit na siya na nagtatago at umiiwas rito. Simula nang dumating ang babae kahapon ay pilit na iniiwasan ni Kane si Samantha. Nagkulong na lamang siya sa kuwarto niya sa maghapon dahil ayaw niya na makausap ang kaibigan ni Atasha. Alam niya kung gaano kadaldal si Sam at sigurado si Kane na hindi siya makakaligtas sa mga pagtatanong na gagawin ng babae. “It’s none of your business, Samantha. Hindi ba at si Dustin ang pinuntahan mo rito? Bakit mukhang ako ang inaabangan mo?” Sarkastiko na pahayag pa ni Kane sa babae. Pakiramdam niya talaga ay minalas pa siya na masaktuhan ng babae sa paglabas niya sa kan'yang silid. Isa sa dahilan kung bakit pilit na iniiwasan ni Kane ang babae ay dahil sa kadah
Masayang-masaya si Lia Madrigal sa araw na ito. Ilang araw na lamang ang kailangan nila na hintayin upang maisakatuparan ang kanilang mga plano laban kina Colton at Atasha. Konting-konti na pagtitiis na lang ang kailangan nila at hindi lang ang isang Colton Mijares ang magmamakaawa sa kanila kung hindi pati ang Prinsesa Atasha na iyon. Hindi niya akalain na sa hinaba-haba man ng prusisyon ay sa kan’ya pa rin na mga kamay mahuhulog ang Mijares Empire at lalong lalo na ang lalaki na makapagbibigay sa kan'ya ng katanyagan at kapangyarihan na inaasam-asam niya. “Lia, kamusta na ang mga plano natin?” Tanong ni Yulence sa kan’ya na mukhang atat na atat na rin sa mga magiging hakbang nila sa mga susunod na araw. “Siguro naman ay magbubunga na ang halos isang buwan na pagpaplano natin at siguro naman ay maaasahan iyan tao na kausap mo.” “We’re almost at the finish line, Yulence. At huwag ka mag-alala, sigurado ako sa kakampi natin. I am right all along, may mga tao pa rin na nagngingitngit
Maraming salamat po sa lahat ng mga nagbasa at tumangkilik sa istorya nina Colton Mijares at Atasha Altamirano-Mijares. Sana po ay nagustuhan ninyo ang kuwento nila. Sa mga umasa ng isang Aldrick sa buhay nila ay abangan po ninyo ang kuwento niya. Ang kuwento na siya naman ang bida at hindi na pang-second male lead lamang. Sana po ay suportahan ninyo rin ang iba pa na on-going stories ko sa GN: Elliot and Ariella - My back-up Boyfriend is a Mafia Boss (English) Mikel and Tamara - Married to the Runaway Bride (Tagalog) Evan and Harper - The Rise of the Fallen Ex-Wife (Tagalog) Kenji and Reiko - Falling for the Replacement Mistress (Tagalog) Again, thank you for all your support. No words to express my gratitude to all of you. Hanggang sa susunod po na kuwento sana ay makasama ko pa kayo.
“Why are you staring at me, love?” Pupungas-pungas pa na tanong ni Atasha sa kan’yang asawa. Hindi namalayan ni Colton ang pagdilat ng asawa na si Atasha dahil masyado na natuon ang atensyon niya sa pagbabalik-tanaw niya sa naging love story nilang dalawa. Ang love story na hindi niya inakala na mapagtatagumpayan nila sa huli. Ngumiti siya at ginawaran ang asawa ng isang matamis na halik sa labi, "I’m just looking back at our love story. How far we’ve come along since that day that I saw you at the airport and met you in DU again." Namilog ang mga mata ni Atasha sa kan’yang sinabi. Hindi siya sigurado kung tama ba ang narinig niya sa sinabi ni Colton. “You saw me at the airport? Kailan mo ako nakita sa airport? Paano?” Napasimangot si Colton sa kaalaman na hindi man lamang talaga siya tumatak sa isipan ni Atasha. Siya lang yata talaga ang tanging babae na hindi naapektuhan ng kan’yang presensya. Is he that ordinary to her, kaya hindi man lamang nabighani si Atasha sa kan’ya? “Ibig
Darkness. I was consumed by total darkness at hindi ko alam kung makakaalis pa ako sa kadiliman na kinasasadlakan ko. Pinipilit ko na makaalpas kung saan lugar ako na naro’n pero may pumipigil sa akin. At kahit na anong pilit ko ay patuloy lamang ako na paikot-ikot sa madilim na lugar na ito. Ang sabi nila kapag oras mo na ay makakakita ka ng liwanag na gagabay sa’yo sa direksyon na patutunguhan mo, pero bakit sa akin ngayon ay walang kahit na anong liwanag? Wala akong maaninag na kahit na anong senyales ng buhay kung hindi ang patuloy na kadiliman lamang. I am lost and I am scared. Natatakot ako dahil hindi ko masilayan ang pamilya ko. Hindi ko makita si Atasha at ang kambal. Hindi ko maramdaman ang presensya ng babaeng mahal ko at ang mga anak ko. Is this the end? Hanggang dito na lamang ba ang buhay ko? Hanggang dito na lamang ba ang pakikipaglaban ko sa buhay? And because of the darkness, I found myself engulfed in it. Napapagod na ako na lumaban, napapagod na rin ako sa lahat.
Things were never easy dahil patuloy kami na sinusubok ng tadhan at ng pagkakataon. It’s as if the world is conniving against us. Pilit kami na pinagtatagpo pero pilit din kami na binibigyan ng rason upang magkahiwalay. But this time, we both stood with each other. Hindi na kami makakapayag na mawala at mahiwalay sa bawat isa lalo na at inuumpisahan na namin na buuin ang aming pamilya. At lahat ay gagawin namin para lamang makamit ang matagal na namin na pangarap na ito. And then another challenge came over us. Samantha Randal kidnapped our twins. At hindi ko alam kung ano ang gusto ko na gawin kay Samantha sa mga oras na iyon. She is Atasha's fucking bestfriend, but she is a traitor. “Colton.” “Fucking Samantha, Migs! Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa ang mga bagay na ito, pero pagsisisihan niya ito for hurting Atasha this way.” galit na galit na turan ko kay Miguel. At sa mga oras na ito ay wala akong pakikinggan na eksplanasyon. No words of wisdom from Miguel can change th
“Ano? Sigurado ka ba sa mga plano mo na ito, Colton?” Naguguluhan na tanong sa akin ni Miguel na sigurado ako ay hindi sang-ayon sa mga plano ko. “Yes, I need to make a diversion, Migs, and Lia is the available option that I have. She likes me so everything will be easier at wala na rin magiging pagtatanong pa ang pamilya namin kung sakali.” “I’m not sure about this. Hindi ganito kadali mo lamang na malilinlang ang mag-ina na iyon. At higit sa lahat, are you sure about Lia Madrigal? Alam natin ang background ni Lia and it’s not good, Colton.” “I need to try, Migs. I need to try to get them away from planning something against Atasha. Alam ko na may kinalaman sila sa pagkawala niya at kailangan ko na patuloy na siguruhin ang kaligtasan niya.” “We’ve been trying to find evidence, Colton, pero hanggang ngayon ay wala tayong link na may kinalaman nga sila sa pagkawala ni Atasha. Hindi kaya sinadya ni Atasha na umalis?” “Why would you even say that? Everything is good between us at wal
“What I did is just a rebound sex! No strings attached. Huwag mo sabihin na you’re expecting something out of that? ‘Yan ba ang inaasahan mo sa mga babaeng napupulot mo sa bar gabi-gabi?” Those words coming from her totally destroyed me. Ang maalab na gabi na pinagsaluhan namin ay nauwi sa pagtatalo nang magising siya at mahimasmasan sa kalasingan. She thought that I always engaged in one-night stands, but I never did. Last night was the first, and she was my first. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa kan’ya lalo na at iniwan niya na lang ako ng basta-basta. And what’s worst? She never bothered to know who I am, wala siyang pakialam sa presensya ko sa kan’ya. I don’t matter to her, and it’s that simple for her to leave me after what happened. Tang-ina lang talaga na parang nagkabaligtad pa kami ng papel dahil ako pa ang nag-iisip dahil sa nangyari sa pagitan namin habang siya ay walang pakialam. Mas lalo ko siya na hindi makalimutan pagkatapos nang nangyari sa amin. How ca
I continued admiring her and loving her from afar. Kahit na ano ang gawin ko, Atasha Andres is clouding my mind. But I am a gentleman at marunong ako na tumanggap ng pagkatalo. Kaya kahit na masakit sa akin na kay Yulence siya napunta ay wala akong ginawa upang magkasira silang dalawa. Her happiness is my happiness even if it hurts me deep inside. “Tasha!” Gulat na gulat si Atasha habang naglalakad sa labas ng DU building nang marinig ang malakas na boses ni Yulence. Nasaktuhan ko ang paglabas niya kanina kaya naisipan ko na tingnan kung saan siya papunta dahil hindi ko nakita na sinundo siya ni Yulence. Sinadya ko na magtago upang hindi nila malaman ang presensya ko. “I have to go, Yulence.” Pilit niya na nilampasan si Yulence ngunit hinatak siya nito sa braso dahilan upang bumangga siya sa dibdib nito. Bumangon ang inis ko dahil sa nakita ko na marahas na pagtrato sa kan’ya ni Yulence. “We need to talk, Tash. Please talk to me.” Pagsusumamo ni Yulence. “Wala na tayong dapat p
“Hi Atasha!” Gulat na lumingon ang babae sa tumawag sa pangalan niya at paglingon niya ay sumilay ang pagkatamis-tamis na ngiti sa kan’yang labi. Huminto siya sa paglalakad at hinintay ang paglapit ng lalaki na tumawag sa kan’ya. May dala-dala na tsokolate ang lalaki na ngiting-ngiti rin na nakatunghay kay Atasha. Inabot niya kay Atasha ang bitbit niya kaya mabilis naman na pinamulahanan pa ng mukha si Atasha habang hiyang-hiya na nagpasalamat. “Thank you, Yulence. Para saan ba ang mga ito?” Hindi maalis-alis ang pagkakangiti sa mga labi niya habang titig na titig sa kanya si Yulence Villagomeza, my fucking step-brother. “I told you last time na liligawan kita, hindi ba? Don’t tell me na nakalimutan mo na kaagad.” Lalo na pinamulahanan ng mukha si Atasha Andres sa sinabi ni Yul pero hindi nawawala ang mga ngiti sa labi niya, “Let’s go and let’s have dinner at pagkatapos ay ihahatid na kita sa apartment mo.” Pagyaya pa ni Yulence sa kan’ya habang nakahawak ang mga kamay sa beywang ni
Mataman na pinagmamasdan ni Colton ang natutulog na asawa. Hindi pa rin siya makapaniwala na pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan nila ay asawa na niya ang babae na kan’yang pinapangarap. Hindi niya lubos maisip kung ano ang kabutihan na nagawa niya upang pagbigyan siya sa naging hiling niya na maging asawa ang babae na bumihag sa puso niya. Napangiti pa siya nang maalala kung gaano nila pinagsaluhan ang init ng kanilang pagmamahalan kagabi. Hinimas niya ang ulo ng tulog na tulog na asawa at muli na binalikan ang kanilang nakaraan. --- “Ouch!” Shit! Napatigil at napalingon ako nang marinig ang mahina na impit na boses na ‘yon ng isang babae. Dahil sa pagmamadali ko ay nabangga ko siya at nagsilaglagan ang mga gamit na dala-dala niya. Itinaas ko ang shades na suot-suot ko at inilagay iyon sa aking ulo at muli ako na napatingin sa babae na nakayuko na nagpupulot ng mga gamit na nalaglag. “I’m sorry, miss, hindi kita napansin. Are you alright?” Tanong ko pa pero ang aking atensyon ay