Isang mensahe ang ipinadala sa akin ni Colton. "Love, ayaw ko na magtago na naman sa'yo ng isang sikreto. Pagkagaling ko sa opisina ay magkikita kami ni Diana Mijares, ang aking ina. Mas kilala mo bilang Reyna Isabel Laureus. Gusto ko lamang talaga na matapos na ang lahat ng kasinungalingan niya at malaman na ang buong katotohanan. I'll be back tonight at sasabihin ko sa'yo ang lahat ng tungkol sa pagkatao ko." Nang mabasa iyon ay hindi ko na naman sigurado kung ano ang magiging reaksyon ko. May parte ng puso ko ang umaasa na baka sa pagkakataon na ito ay makuha na niya hindi lamang ang buong katotohanan sa pagkatao niya kung hindi pati ang dahilan sa aksidente na ginawa ng reyna. Ang totoong dahilan na hanggang sa ngayon ay hindi ko matanggap na sinasabi ng reyna. Alam ko na malaki ang pagkakasala ko sa anak niya na si Colton nang mapagdesisyunan ko na itago ang kambal ngunit hindi iyon sapat na dahilan upang pagtangkaan ang buhay ng aking anak at ng aking kapatid na susunod na hari
“What are you doing here?!” Galit na galit na sigaw ni Prinsipe Aldrick kay Colton Mijares nang mabungaran ang kapatid pagpasok niya sa silid na iyon kung saan sila nakatakda na magkita ng reyna ng Laureus. At kagaya niya ay kasalukuyan din na madilim ang mga tingin na ipinupukol sa kan’ya ng nakatatandang kapatid. Wala pa man salita ang namumutawi sa labi ng lalaki ay ramdam na ang galit na nais kumawala rito. “Aldrick, huminahon ka nga muna. Maupo ka at nang makapag-usap tayong tatlo ng maayos.” Pag-awat sa kan’ya ng reyna. Sarkastiko na napatawa si Aldrick. Hindi niya inaasahan ang oras na ito na paghaharap-harap nila na mag-iina. Iniisip niya kung tama ba ang hinala niya na magkasabwat ang kan'yang ina at ang kapatid sa ginawang plano ng aksidente. “Ano ito, reunion? Gano’n ba, reyna? Naisip mo na ngayon ang tamang oras na pagtagpuin kami ng anak mo? Puwes, huli ka na! Kung ano man ang plano mo ay nahuli ka na dahil nasabi ko na ang mga sikreto mo sa panganay na anak mo!” “Ald
“Colton, patawarin mo ako. Hindi ko sinasadya at hindi iyon ang nais ko na mangyari. Gulong-gulo ang isip ko at tanging si Celsius lamang ang kilala ko rito. Wala akong malapit na kaibigan. Sa kan’ya lamang umikot ang buhay ko simula nang mapunta ako rito kaya nang lokohin niya ako ay gumuho rin ang mundo ko. Hindi ko makayanan ang sakit na nararamdaman ko noon.” “Kung hindi iyon ang plano mo, kung hindi iyon ang nais mo na mangyari, bakit hindi mo ako binalikan? Bakit hindi mo ako kinuha makalipas ang isang taon na gaya nang sinasabi mo?” Patuloy ang pagluha ng reyna, nasasaktan din siya dahil alam niya na tama ang anak niya. Sarili lamang niya ang inisip niya noon. “Dahil dumating si Aldrick sa buhay namin ni Alarick. Wala rin sa plano pero nangyari at nabuo agad ang prinsipe. Pagkabalik na pagkabalik ko sa Genova ay inayos ang aming kasal ni Alarick at agad kami na naupo sa trono bilang hari at reyna pagkatapos ng kasal. Kasunod niyon ay ang usapan sa pagkakaroon ng anak na susun
“I can’t believe this? Nakipagsabwatan ka sa kan'ya? Nakipagsabwatan ka rito sa anak mo para lang pasakitan si Atasha?” galit na galit na sigaw ni Aldrick sa kan’yang ina na reyna. “Itinaya mo ang pangalan ng Laureus at ang posisyon mo bilang reyna para lang dito sa panganay mo?” “Hoy, magdahan-dahan ka sa pananalita mo, prinsipe. Wala akong kinakasabwat. Iniligtas ko lamang ang anak ko sa tiyak na kapahamakan.” sigaw rin nang galit na galit na si Colton. “Will you two stop it!” sigaw ng reyna. “Wala na kayong ginawa kung hindi ang magbangayan at magsigawan. Paano maaayos ang kaguluhan kung pareho ninyo na halos gusto na patayin ang isa’t-isa? Wala sino man sa inyong dalawa ang kasabwat ko. Wala sino man sa inyo ang nakakaalam ng mga plano ko. Kaya puwede ba huwag ninyo na pagdudahan ang isa’t-isa. Pareho kayong insosente sa mga pagkakasala ko.” Napaupo ang reyna, hindi na niya alam kung ano ang gagawin sa dalawang anak na walang tigil sa pagbabangayan. “Nakapagdesisyon na ako. Su
Nagulantang ako sa pakikipaglaro sa mga anak ko nang marinig ko ang kaguluhan sa may labasan. Bigla ang pagkabog ng dibdib ko dahil sa hindi malaman na banta sa amin. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari ngunit ang tanging nasa isipan ko ay ang siguraduhin ang kaligtasan ng mga anak ko. Mabilis na lumapit sa akin ang mga yaya ng mga bata kasunod ang ilan sa mga bodyguards. “Ano ang nangyayari. Nasaan si Nathan?” nag-aalala na tanong ko sa mga tauhan. “Prinsesa, makakabuti na pumasok na muna kayo ng mga bata sa inyong silid. Susunod na lamang doon si Sir Colton.” anang isang tauhan sa akin. “Nariyan na si Colton?” Kumakalma na tanong ko. Nang malaman ko na narito na si Colton ay nahimasmasan ako sa takot at kaba na kanina lamang ay bumabalot sa kaibuturan ko. Iniisip ko na walang mangyayari sa amin kung narito na si Colton. “Halika na, prinsesa.” Muli ay tawag sa akin ng tauhan na hindi man lamang sinagot ang aking tanong tungkol sa kanilang amo. “Nariyan na ba si Colton? Nasaan
Ramdam ko ang kaba ni Reyna Isabel ngayon habang walang emosyon ako na nakatitig sa kan’ya. Ako man ay kabadong-kabado rin sa mga oras na ito. Hindi ko alam ano ang dapat ko na sabihin sa kan’ya o ano ang aking dapat na maramdaman. Ang alam ko lang sa mga oras na ito ay gusto ko siya na makausap at gusto ko na malaman ang lahat-lahat. Gusto ko na matapos na rito ngayon ang lahat ng kaguluhan. Umaasa ako na pagkatapos namin mag-usap ay rito na rin matatapos ang lahat ng masasamang ugnayan sa pagitan ng mga Altamirano at Laureus. “Why?” Madiin na tanong ko sa kan’ya, habang ang mga mata ko ay nakatingin lamang sa mukha niya. “Patawarin mo ako, Prinsesa Atasha. Patawarin mo ako sa mga naging pagkakamali ko. Hindi ko ginusto na pasakitan ka.” “But you did! Kahit na alam mo ang relasyon ko sa anak mo na prinsipe ay ginawa mo pa rin. Kahit na alam mo na buo ang tiwala ng pamilya ko sa’yo, nagtraydor ka pa rin sa amin.” Pinipilit ko na magpakatatag sa kabila nang nakikita ko na pagbagsak
“Prinsesa Atasha, maaari ba tayo na mag-usap?” Hindi ko inaasahan ang paglapit na iyon sa akin ni Aldrick matapos namin makapag-usap ng kan’yang ina na reyna. Kasalukuyan naman din na nag-uusap sina Colton at Reyna Isabel kaya nanatili lamang ako rito sa hardin upang makapag-isip hinggil sa mga bagay-bagay na sinabi ng reyna. “Prinsipe Aldrick.” mahina na tawag ko sa kan’ya. Hindi pa man kami nagsisimula na makapag-usap ay nararamdaman ko na ang pagbadya na naman na pagtulo ng aking mga luha lalo na at nakikita ko pa rin ang sakit at lungkot sa mga mata ni Aldrick. Ang mga sakit at lungkot na ako ang naghatid sa kan'ya. “Kamusta ang mga bata? Kamusta na ang prinsesita ko? Si Cole? Mabuti naman ba ang lagay niya?” sunod-sunod na pagtatanong niya sa akin. Alam ko kung gaano kamahal ni Aldrick ang mga anak ko at hindi kailanman na mababago iyon dahil lamang sa hindi naging maayos ang relasyon namin. Humakbang siya papalapit sa akin habang nanatili naman ako sa aking kinatatayuan. “
Seryoso na nakatanaw si Colton sa may hardin. Tinitingnan ang pag-uusap ng nakababata na kapatid at ng babae na kan’yang pinakamamahal. Sa kabila ng mga nakita niya na pagyakap at paghalik ng kapatid sa babae ay wala siya na naramdaman na galit at selos para rito sa pagkakataon na iyon. Pinili niya na huwag sumunod kay Atasha sa hardin. Gusto niya na bigyan ng pagkakataon na makapag-usap at maayos na tapusin ng dalawa kung ano man ang namagitan sa kanila. Nais niya na maging maayos ang samahan nina Atasha at Aldrick dahil alam niya kung gaano ka-importante ang kan'yang kapatid para sa prinsesa. Muli siya na bumalik sa pagkakaupo at hinimas ang noo. Kahit paano ay nakaramdam siya ng kaluwagan ng loob dahil sa naging pag-uusap ng kan'yang ina at ni Atasha. Patuloy niya na hihilingin na unti-unti na maayos ang buhay niya at ng pamilya niya. Umaasa siya na matatapos na ang lahat ng gulo kasama ang hindi nila pagkakaunawaan ng kan'yang kapatid na prinsipe. “Colton Mijares.” tawag sa kan’
Maraming salamat po sa lahat ng mga nagbasa at tumangkilik sa istorya nina Colton Mijares at Atasha Altamirano-Mijares. Sana po ay nagustuhan ninyo ang kuwento nila. Sa mga umasa ng isang Aldrick sa buhay nila ay abangan po ninyo ang kuwento niya. Ang kuwento na siya naman ang bida at hindi na pang-second male lead lamang. Sana po ay suportahan ninyo rin ang iba pa na on-going stories ko sa GN: Elliot and Ariella - My back-up Boyfriend is a Mafia Boss (English) Mikel and Tamara - Married to the Runaway Bride (Tagalog) Evan and Harper - The Rise of the Fallen Ex-Wife (Tagalog) Kenji and Reiko - Falling for the Replacement Mistress (Tagalog) Again, thank you for all your support. No words to express my gratitude to all of you. Hanggang sa susunod po na kuwento sana ay makasama ko pa kayo.
“Why are you staring at me, love?” Pupungas-pungas pa na tanong ni Atasha sa kan’yang asawa. Hindi namalayan ni Colton ang pagdilat ng asawa na si Atasha dahil masyado na natuon ang atensyon niya sa pagbabalik-tanaw niya sa naging love story nilang dalawa. Ang love story na hindi niya inakala na mapagtatagumpayan nila sa huli. Ngumiti siya at ginawaran ang asawa ng isang matamis na halik sa labi, "I’m just looking back at our love story. How far we’ve come along since that day that I saw you at the airport and met you in DU again." Namilog ang mga mata ni Atasha sa kan’yang sinabi. Hindi siya sigurado kung tama ba ang narinig niya sa sinabi ni Colton. “You saw me at the airport? Kailan mo ako nakita sa airport? Paano?” Napasimangot si Colton sa kaalaman na hindi man lamang talaga siya tumatak sa isipan ni Atasha. Siya lang yata talaga ang tanging babae na hindi naapektuhan ng kan’yang presensya. Is he that ordinary to her, kaya hindi man lamang nabighani si Atasha sa kan’ya? “Ibig
Darkness. I was consumed by total darkness at hindi ko alam kung makakaalis pa ako sa kadiliman na kinasasadlakan ko. Pinipilit ko na makaalpas kung saan lugar ako na naro’n pero may pumipigil sa akin. At kahit na anong pilit ko ay patuloy lamang ako na paikot-ikot sa madilim na lugar na ito. Ang sabi nila kapag oras mo na ay makakakita ka ng liwanag na gagabay sa’yo sa direksyon na patutunguhan mo, pero bakit sa akin ngayon ay walang kahit na anong liwanag? Wala akong maaninag na kahit na anong senyales ng buhay kung hindi ang patuloy na kadiliman lamang. I am lost and I am scared. Natatakot ako dahil hindi ko masilayan ang pamilya ko. Hindi ko makita si Atasha at ang kambal. Hindi ko maramdaman ang presensya ng babaeng mahal ko at ang mga anak ko. Is this the end? Hanggang dito na lamang ba ang buhay ko? Hanggang dito na lamang ba ang pakikipaglaban ko sa buhay? And because of the darkness, I found myself engulfed in it. Napapagod na ako na lumaban, napapagod na rin ako sa lahat.
Things were never easy dahil patuloy kami na sinusubok ng tadhan at ng pagkakataon. It’s as if the world is conniving against us. Pilit kami na pinagtatagpo pero pilit din kami na binibigyan ng rason upang magkahiwalay. But this time, we both stood with each other. Hindi na kami makakapayag na mawala at mahiwalay sa bawat isa lalo na at inuumpisahan na namin na buuin ang aming pamilya. At lahat ay gagawin namin para lamang makamit ang matagal na namin na pangarap na ito. And then another challenge came over us. Samantha Randal kidnapped our twins. At hindi ko alam kung ano ang gusto ko na gawin kay Samantha sa mga oras na iyon. She is Atasha's fucking bestfriend, but she is a traitor. “Colton.” “Fucking Samantha, Migs! Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa ang mga bagay na ito, pero pagsisisihan niya ito for hurting Atasha this way.” galit na galit na turan ko kay Miguel. At sa mga oras na ito ay wala akong pakikinggan na eksplanasyon. No words of wisdom from Miguel can change th
“Ano? Sigurado ka ba sa mga plano mo na ito, Colton?” Naguguluhan na tanong sa akin ni Miguel na sigurado ako ay hindi sang-ayon sa mga plano ko. “Yes, I need to make a diversion, Migs, and Lia is the available option that I have. She likes me so everything will be easier at wala na rin magiging pagtatanong pa ang pamilya namin kung sakali.” “I’m not sure about this. Hindi ganito kadali mo lamang na malilinlang ang mag-ina na iyon. At higit sa lahat, are you sure about Lia Madrigal? Alam natin ang background ni Lia and it’s not good, Colton.” “I need to try, Migs. I need to try to get them away from planning something against Atasha. Alam ko na may kinalaman sila sa pagkawala niya at kailangan ko na patuloy na siguruhin ang kaligtasan niya.” “We’ve been trying to find evidence, Colton, pero hanggang ngayon ay wala tayong link na may kinalaman nga sila sa pagkawala ni Atasha. Hindi kaya sinadya ni Atasha na umalis?” “Why would you even say that? Everything is good between us at wal
“What I did is just a rebound sex! No strings attached. Huwag mo sabihin na you’re expecting something out of that? ‘Yan ba ang inaasahan mo sa mga babaeng napupulot mo sa bar gabi-gabi?” Those words coming from her totally destroyed me. Ang maalab na gabi na pinagsaluhan namin ay nauwi sa pagtatalo nang magising siya at mahimasmasan sa kalasingan. She thought that I always engaged in one-night stands, but I never did. Last night was the first, and she was my first. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa kan’ya lalo na at iniwan niya na lang ako ng basta-basta. And what’s worst? She never bothered to know who I am, wala siyang pakialam sa presensya ko sa kan’ya. I don’t matter to her, and it’s that simple for her to leave me after what happened. Tang-ina lang talaga na parang nagkabaligtad pa kami ng papel dahil ako pa ang nag-iisip dahil sa nangyari sa pagitan namin habang siya ay walang pakialam. Mas lalo ko siya na hindi makalimutan pagkatapos nang nangyari sa amin. How ca
I continued admiring her and loving her from afar. Kahit na ano ang gawin ko, Atasha Andres is clouding my mind. But I am a gentleman at marunong ako na tumanggap ng pagkatalo. Kaya kahit na masakit sa akin na kay Yulence siya napunta ay wala akong ginawa upang magkasira silang dalawa. Her happiness is my happiness even if it hurts me deep inside. “Tasha!” Gulat na gulat si Atasha habang naglalakad sa labas ng DU building nang marinig ang malakas na boses ni Yulence. Nasaktuhan ko ang paglabas niya kanina kaya naisipan ko na tingnan kung saan siya papunta dahil hindi ko nakita na sinundo siya ni Yulence. Sinadya ko na magtago upang hindi nila malaman ang presensya ko. “I have to go, Yulence.” Pilit niya na nilampasan si Yulence ngunit hinatak siya nito sa braso dahilan upang bumangga siya sa dibdib nito. Bumangon ang inis ko dahil sa nakita ko na marahas na pagtrato sa kan’ya ni Yulence. “We need to talk, Tash. Please talk to me.” Pagsusumamo ni Yulence. “Wala na tayong dapat p
“Hi Atasha!” Gulat na lumingon ang babae sa tumawag sa pangalan niya at paglingon niya ay sumilay ang pagkatamis-tamis na ngiti sa kan’yang labi. Huminto siya sa paglalakad at hinintay ang paglapit ng lalaki na tumawag sa kan’ya. May dala-dala na tsokolate ang lalaki na ngiting-ngiti rin na nakatunghay kay Atasha. Inabot niya kay Atasha ang bitbit niya kaya mabilis naman na pinamulahanan pa ng mukha si Atasha habang hiyang-hiya na nagpasalamat. “Thank you, Yulence. Para saan ba ang mga ito?” Hindi maalis-alis ang pagkakangiti sa mga labi niya habang titig na titig sa kanya si Yulence Villagomeza, my fucking step-brother. “I told you last time na liligawan kita, hindi ba? Don’t tell me na nakalimutan mo na kaagad.” Lalo na pinamulahanan ng mukha si Atasha Andres sa sinabi ni Yul pero hindi nawawala ang mga ngiti sa labi niya, “Let’s go and let’s have dinner at pagkatapos ay ihahatid na kita sa apartment mo.” Pagyaya pa ni Yulence sa kan’ya habang nakahawak ang mga kamay sa beywang ni
Mataman na pinagmamasdan ni Colton ang natutulog na asawa. Hindi pa rin siya makapaniwala na pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan nila ay asawa na niya ang babae na kan’yang pinapangarap. Hindi niya lubos maisip kung ano ang kabutihan na nagawa niya upang pagbigyan siya sa naging hiling niya na maging asawa ang babae na bumihag sa puso niya. Napangiti pa siya nang maalala kung gaano nila pinagsaluhan ang init ng kanilang pagmamahalan kagabi. Hinimas niya ang ulo ng tulog na tulog na asawa at muli na binalikan ang kanilang nakaraan. --- “Ouch!” Shit! Napatigil at napalingon ako nang marinig ang mahina na impit na boses na ‘yon ng isang babae. Dahil sa pagmamadali ko ay nabangga ko siya at nagsilaglagan ang mga gamit na dala-dala niya. Itinaas ko ang shades na suot-suot ko at inilagay iyon sa aking ulo at muli ako na napatingin sa babae na nakayuko na nagpupulot ng mga gamit na nalaglag. “I’m sorry, miss, hindi kita napansin. Are you alright?” Tanong ko pa pero ang aking atensyon ay