Hindi makapaniwala si Colton sa naririnig buhat sa ina. Si Atasha? Ano ang kinalaman ni Atasha sa lahat ng ito? Lalo lamang nagiging magulo ang gulo-gulo na katotohanan sa buhay nila. May mas kokomplikado pa kaya sa magulo na nila na buhay? “Hayaan mo muna ako magpaliwanag, Colton. Sasabihin ko sa ‘yo ang buong katotohanan kung bakit umabot tayo sa ganito. Bigyan mo lamang ako ng pagkakataon. Bigyan mo lamang ako ng tsansa na maitama ang lahat ng pagkakamali at sakit na naibigay ko.” Hindi na malaman ni Colton kung ano ba sa mga katotohanan na itinago sa kan’ya ang nais niya na una na maliwanagan. Sa dami ng problema na gumugulo sa isipan niya ay hindi niya alam kung ano ang dapat unahin at alamin. Tumayo si Colton habang pilit na pinapakalma ang sarili. Hinimas pa niya ang kan’yang noo habang palakad-lakad sa loob ng kuwarto. “Ano ang kinalaman ni Atasha rito? Ano ang nagawa niya at kailangan siya na masali sa mga kaguluhan na ginawa mo?” “I never meant to, Colton. Hindi ko ginus
Napagpasyahan ko na magpunta rito sa may poolside upang matawagan sina Samantha at Icel. Napag-isip-isip ko na panahon na talaga upang muli ako na makipag-usap sa mga tao na dumamay sa akin noon ngunit pinili ko rin na pagtaguan. Panahon na upang humingi ng tawad sa mga matatalik ko na kaibigan. Si Ashira ay nakikipaglaro kay Nathan sa may playroom. Pareho naman na umalis sina Akiro at Aldrick ngayon araw. Matapos namin na makapag-usap at magka-iyakan ni Aldrick noon isang araw ay naging abala siya lalo at mas malimit na umaalis. Ang sabi niya lamang ay marami siyang mga trabaho na inaasikaso bilang prinsipe. Hindi ako sigurado pero pakiramdam ko ay sadyang iniiwasan niya ako upang huwag muna namin pag-usapan ang mga bagay tungkol sa amin. Alam ko sa sarili ko na nararamdaman na ni Aldrick ang nais ko, ngunit hanggang sa ngayon ay wala akong lakas ng loob upang sabihin sa kan’ya ang katotohanan at ang desisyon ko. Natatakot ako na makita siya na nasasaktan dahil sa akin. Ayaw ko siy
“Atasha.” Muli ang lumuluhang pagtawag sa akin ni Aldrick. Agad ko na pinutol ang tawag ni Colton at itinago ang aking telepono sa aking bulsa. "Babe? Tash, bakit?" “Aldrick, magpapaliwanag ako.” At ng mga sandali na iyon wala akong ibang gustong gawin kung hindi ang saktan ang sarili ko. Hindi ko alam kung gaano ako kasama para pasakitan ng ganito si Aldrick. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang hinanakit sa mga narinig na sinabi ko kay Colton. “Ma-mahal mo siya? Mahal na mahal mo pa rin si Colton Mijares. Siya pa rin hanggang ngayon.” Hindi ko na rin napigilan ang mga luha na kumawala sa mga mata ko. Ito ang iniiwasan ko na mangyari pero sinadya na yata ng pagkakataon na marinig ako ni Aldrick upang matapos na ang paglolokohan namin at upang maputol na ang pananakit ko sa kan'ya. “I’m sorry, patawarin mo ako. Pinilit ko, maniwala ka. Pinilit ko na mahalin ka. Pinilit ko na turuan ang puso ko na ikaw ang piliin. I was ready to let him go. Patawarin mo ako, Aldrick. Hindi ko sinasa
Hindi malaman ni Colton ang gagawin ng basta na lamang putulin ni Atasha ang pag-uusap nila. Narinig ni Colton nang tawagin ni Atasha si Aldrick kaya alam niya na naroon na ang kapatid kasama ang prinsesa. Nais man niya na muli na tawagan si Atasha ay alam niya na kailangan niya bigyan ng pagkakataon ang dalawa na makapag-usap. Ayaw rin ni Colton na humantong sa ganito ang lahat. Kahit paano ay may awa sa kan’yang puso para sa kapatid lalo na nang marinig ang kuwento ng ina niya. Ngunit gaano man ang awa na nararamdaman niya para sa prinsipe ay hindi iyon sapat upang isuko niya ang pagmamahal niya kay Atasha at ang pangarap niya na buuin ang sariling pamilya. Sapat na siguro ang naranasan niya na sakit nang abandonahin siya ng ina at takasan siya ni Atasha. Hindi na siguro masama kung iisipin niya ang kan'yang sarili sa pagkakataon ngayon at gagawin ang nais niya. Sapat na marahil ang unang beses siya na naagawan ng pamilya at sa pagkakataon ngayon hindi na siya makakapayag na muli a
Galit na galit si Lia Madrigal habang inaayos ang mga gamit sa kan’yang opisina. Hinding-hindi niya matatanggap na ganoon na lamang siya ipinagtabuyan ni Colton Mijares. At mas lalo na hindi niya matatanggap na pagkatapos ng lahat ng sakripisyo at paghihirap niya na pakisamahan ang bilyonaryo na ubod ng sungit at higpit ay mababalewala ang lahat dahil lamang sa pagbabalik ng Atasha Andres na iyon. Hindi matatanggap ni Lia na hindi maisasakatuparan ang nais niya na maging Misis Mijares. Hindi puwede na mawala sa kan’ya ang Mijares Empire kaya sisiguraduhin niya na si Colton Mijares mismo ang luluhod at magmamakaawa sa kan’ya. Isang pagkatok sa pintuan ang narinig ni Lia at nang sumulyap siya sa direksyon ng pintuan ay papasok na si Miguel Daza, ang matalik na kaibigan ni Colton. “What!?” Pagbubulyaw niya rito pagkapasok ni Miguel sa opisina niya. “I was given orders to ensure that you leave the company peacefully.” “What!? Ano sa tingin ninyo ang gagawin ko? Ang lalo pa na ipahiya
Hindi pa rin ako makapaniwala sa narinig kay Aldrick. Kapatid niya si Colton? Hindi ko alam kung paano nangyari na magkapatid sila at ngunit ngayon lamang nila nalaman ang tungkol dito. At iisa lamang ang naiisip ko na dahilan, ang reyna. Iyon din ba ang bagay na nalaman ni Colton? Iyon ba ang mga katotohanan na lubhang nagpapasakit sa damdamin niya ngayon? Ang ina ba na tinutukoy rin ni Colton ay ang reyna ng Laureus? Siya ba ang ina na nag-abandona at nang-iwan sa lalaki na mahal ko? Gulat na gulat ako sa bagay na iyon at wala akong nagawa kung hindi ang lumuha na lamang. Hindi ko alam kung saan hahantong ang lahat ng ito kung totoo na magkapatid ang parehong lalaki na nagmamahal sa akin. Ano bang klase na biro ito ng pagkakataon na naman sa amin? Pilit kami na ginugulo at pinagsasabong-sabong at ayaw kami na bigyan ng katahimikan “Atasha.” Seryoso na tawag sa akin ni Akiro nang makapasok sa aking silid. “Aki?” “Ano ang nangyari? Why are you crying? At ano itong ibinalita ni Na
Naging mabilis ang pagkilos ng araw na iyon nang malaman ni Akiro ang mga impormasyon patungkol kina Colton at Cole Ashton. Namalayan ko na lamang na bumibiyahe na kami patungo sa sinasabi na lugar sa Batangas. Hindi na ako binigyan ng pagkakataon ni Akiro na kontakin at makausap si Colton. Kabadong-kabado ako sa buong biyahe, hindi para sa sarili ko kung hindi para sa mga anak ko na maaari na maipit sa kaguluhan kapag nagkataon. Pero nangako sa akin si Akiro na walang mangyayari na gulo sa pag-uusap na ito. Kagaya ko may bahagi niya na naniniwala na kakampi namin si Colton sa lahat ng ito. Naniniwala rin siya na hindi kalaban ang lalaking mahal ko. Pilit ko na pinapakalma ang sarili ko habang nasa daan kami. Itinuon ko ang aking atensyon kay Ashira na masayang-masaya na muli siya nakakapamasyal. “Prinsesa Atasha?” tawag sa akin ni Nathan. Makaraan ang ilang oras na biyahe ay hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa bahay bakasyunan na iyon. Maganda ang lugar, tahimik at
Nakahinga ako ng maluwag matapos ang paghaharap at pag-uusap sa pagitan nina Akiro at Colton. Kahit paano ay nabawasan ang pangamba sa puso ko. Alam ko na marami pa kami na kahaharapin pero alam ko na basta’t magkasama kami ni Colton ay magiging maayos ang lahat. Hindi pa namin napag-uusapan ang tungkol sa kaugnayan niya kina Aldrick at sa reyna at ayaw ko na rin muna isipin ang mga bagay na iyon. Nais ko muna na namnamin ang mga oras na makakasama ko ang buong pamilya ko. Pagkatapos ng pag-uusap nila ay nagpaalam na sa akin si Akiro na muli na siya na babalik ng Maynila. “Atasha, I have to go. May mga kailangan kami na asikasuhin ni Caden. Maiiwan si Nathan dito kasama ninyo. Masaya ako para sa’yo, Atasha. Masayang-masaya ako na muli mo makakasama si Cole. Mabubuo na ang pamilya na pangarap mo.” Yumakap ako kay Akiro. Mula noon si Akiro na ang naging sandigan ko sa lahat ng problema ko sa buhay. “Masayang-masaya rin ako, Aki. Hindi pa rin ako makapaniwala na buhay siya. Buhay ang
Maraming salamat po sa lahat ng mga nagbasa at tumangkilik sa istorya nina Colton Mijares at Atasha Altamirano-Mijares. Sana po ay nagustuhan ninyo ang kuwento nila. Sa mga umasa ng isang Aldrick sa buhay nila ay abangan po ninyo ang kuwento niya. Ang kuwento na siya naman ang bida at hindi na pang-second male lead lamang. Sana po ay suportahan ninyo rin ang iba pa na on-going stories ko sa GN: Elliot and Ariella - My back-up Boyfriend is a Mafia Boss (English) Mikel and Tamara - Married to the Runaway Bride (Tagalog) Evan and Harper - The Rise of the Fallen Ex-Wife (Tagalog) Kenji and Reiko - Falling for the Replacement Mistress (Tagalog) Again, thank you for all your support. No words to express my gratitude to all of you. Hanggang sa susunod po na kuwento sana ay makasama ko pa kayo.
“Why are you staring at me, love?” Pupungas-pungas pa na tanong ni Atasha sa kan’yang asawa. Hindi namalayan ni Colton ang pagdilat ng asawa na si Atasha dahil masyado na natuon ang atensyon niya sa pagbabalik-tanaw niya sa naging love story nilang dalawa. Ang love story na hindi niya inakala na mapagtatagumpayan nila sa huli. Ngumiti siya at ginawaran ang asawa ng isang matamis na halik sa labi, "I’m just looking back at our love story. How far we’ve come along since that day that I saw you at the airport and met you in DU again." Namilog ang mga mata ni Atasha sa kan’yang sinabi. Hindi siya sigurado kung tama ba ang narinig niya sa sinabi ni Colton. “You saw me at the airport? Kailan mo ako nakita sa airport? Paano?” Napasimangot si Colton sa kaalaman na hindi man lamang talaga siya tumatak sa isipan ni Atasha. Siya lang yata talaga ang tanging babae na hindi naapektuhan ng kan’yang presensya. Is he that ordinary to her, kaya hindi man lamang nabighani si Atasha sa kan’ya? “Ibig
Darkness. I was consumed by total darkness at hindi ko alam kung makakaalis pa ako sa kadiliman na kinasasadlakan ko. Pinipilit ko na makaalpas kung saan lugar ako na naro’n pero may pumipigil sa akin. At kahit na anong pilit ko ay patuloy lamang ako na paikot-ikot sa madilim na lugar na ito. Ang sabi nila kapag oras mo na ay makakakita ka ng liwanag na gagabay sa’yo sa direksyon na patutunguhan mo, pero bakit sa akin ngayon ay walang kahit na anong liwanag? Wala akong maaninag na kahit na anong senyales ng buhay kung hindi ang patuloy na kadiliman lamang. I am lost and I am scared. Natatakot ako dahil hindi ko masilayan ang pamilya ko. Hindi ko makita si Atasha at ang kambal. Hindi ko maramdaman ang presensya ng babaeng mahal ko at ang mga anak ko. Is this the end? Hanggang dito na lamang ba ang buhay ko? Hanggang dito na lamang ba ang pakikipaglaban ko sa buhay? And because of the darkness, I found myself engulfed in it. Napapagod na ako na lumaban, napapagod na rin ako sa lahat.
Things were never easy dahil patuloy kami na sinusubok ng tadhan at ng pagkakataon. It’s as if the world is conniving against us. Pilit kami na pinagtatagpo pero pilit din kami na binibigyan ng rason upang magkahiwalay. But this time, we both stood with each other. Hindi na kami makakapayag na mawala at mahiwalay sa bawat isa lalo na at inuumpisahan na namin na buuin ang aming pamilya. At lahat ay gagawin namin para lamang makamit ang matagal na namin na pangarap na ito. And then another challenge came over us. Samantha Randal kidnapped our twins. At hindi ko alam kung ano ang gusto ko na gawin kay Samantha sa mga oras na iyon. She is Atasha's fucking bestfriend, but she is a traitor. “Colton.” “Fucking Samantha, Migs! Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa ang mga bagay na ito, pero pagsisisihan niya ito for hurting Atasha this way.” galit na galit na turan ko kay Miguel. At sa mga oras na ito ay wala akong pakikinggan na eksplanasyon. No words of wisdom from Miguel can change th
“Ano? Sigurado ka ba sa mga plano mo na ito, Colton?” Naguguluhan na tanong sa akin ni Miguel na sigurado ako ay hindi sang-ayon sa mga plano ko. “Yes, I need to make a diversion, Migs, and Lia is the available option that I have. She likes me so everything will be easier at wala na rin magiging pagtatanong pa ang pamilya namin kung sakali.” “I’m not sure about this. Hindi ganito kadali mo lamang na malilinlang ang mag-ina na iyon. At higit sa lahat, are you sure about Lia Madrigal? Alam natin ang background ni Lia and it’s not good, Colton.” “I need to try, Migs. I need to try to get them away from planning something against Atasha. Alam ko na may kinalaman sila sa pagkawala niya at kailangan ko na patuloy na siguruhin ang kaligtasan niya.” “We’ve been trying to find evidence, Colton, pero hanggang ngayon ay wala tayong link na may kinalaman nga sila sa pagkawala ni Atasha. Hindi kaya sinadya ni Atasha na umalis?” “Why would you even say that? Everything is good between us at wal
“What I did is just a rebound sex! No strings attached. Huwag mo sabihin na you’re expecting something out of that? ‘Yan ba ang inaasahan mo sa mga babaeng napupulot mo sa bar gabi-gabi?” Those words coming from her totally destroyed me. Ang maalab na gabi na pinagsaluhan namin ay nauwi sa pagtatalo nang magising siya at mahimasmasan sa kalasingan. She thought that I always engaged in one-night stands, but I never did. Last night was the first, and she was my first. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa kan’ya lalo na at iniwan niya na lang ako ng basta-basta. And what’s worst? She never bothered to know who I am, wala siyang pakialam sa presensya ko sa kan’ya. I don’t matter to her, and it’s that simple for her to leave me after what happened. Tang-ina lang talaga na parang nagkabaligtad pa kami ng papel dahil ako pa ang nag-iisip dahil sa nangyari sa pagitan namin habang siya ay walang pakialam. Mas lalo ko siya na hindi makalimutan pagkatapos nang nangyari sa amin. How ca
I continued admiring her and loving her from afar. Kahit na ano ang gawin ko, Atasha Andres is clouding my mind. But I am a gentleman at marunong ako na tumanggap ng pagkatalo. Kaya kahit na masakit sa akin na kay Yulence siya napunta ay wala akong ginawa upang magkasira silang dalawa. Her happiness is my happiness even if it hurts me deep inside. “Tasha!” Gulat na gulat si Atasha habang naglalakad sa labas ng DU building nang marinig ang malakas na boses ni Yulence. Nasaktuhan ko ang paglabas niya kanina kaya naisipan ko na tingnan kung saan siya papunta dahil hindi ko nakita na sinundo siya ni Yulence. Sinadya ko na magtago upang hindi nila malaman ang presensya ko. “I have to go, Yulence.” Pilit niya na nilampasan si Yulence ngunit hinatak siya nito sa braso dahilan upang bumangga siya sa dibdib nito. Bumangon ang inis ko dahil sa nakita ko na marahas na pagtrato sa kan’ya ni Yulence. “We need to talk, Tash. Please talk to me.” Pagsusumamo ni Yulence. “Wala na tayong dapat p
“Hi Atasha!” Gulat na lumingon ang babae sa tumawag sa pangalan niya at paglingon niya ay sumilay ang pagkatamis-tamis na ngiti sa kan’yang labi. Huminto siya sa paglalakad at hinintay ang paglapit ng lalaki na tumawag sa kan’ya. May dala-dala na tsokolate ang lalaki na ngiting-ngiti rin na nakatunghay kay Atasha. Inabot niya kay Atasha ang bitbit niya kaya mabilis naman na pinamulahanan pa ng mukha si Atasha habang hiyang-hiya na nagpasalamat. “Thank you, Yulence. Para saan ba ang mga ito?” Hindi maalis-alis ang pagkakangiti sa mga labi niya habang titig na titig sa kanya si Yulence Villagomeza, my fucking step-brother. “I told you last time na liligawan kita, hindi ba? Don’t tell me na nakalimutan mo na kaagad.” Lalo na pinamulahanan ng mukha si Atasha Andres sa sinabi ni Yul pero hindi nawawala ang mga ngiti sa labi niya, “Let’s go and let’s have dinner at pagkatapos ay ihahatid na kita sa apartment mo.” Pagyaya pa ni Yulence sa kan’ya habang nakahawak ang mga kamay sa beywang ni
Mataman na pinagmamasdan ni Colton ang natutulog na asawa. Hindi pa rin siya makapaniwala na pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan nila ay asawa na niya ang babae na kan’yang pinapangarap. Hindi niya lubos maisip kung ano ang kabutihan na nagawa niya upang pagbigyan siya sa naging hiling niya na maging asawa ang babae na bumihag sa puso niya. Napangiti pa siya nang maalala kung gaano nila pinagsaluhan ang init ng kanilang pagmamahalan kagabi. Hinimas niya ang ulo ng tulog na tulog na asawa at muli na binalikan ang kanilang nakaraan. --- “Ouch!” Shit! Napatigil at napalingon ako nang marinig ang mahina na impit na boses na ‘yon ng isang babae. Dahil sa pagmamadali ko ay nabangga ko siya at nagsilaglagan ang mga gamit na dala-dala niya. Itinaas ko ang shades na suot-suot ko at inilagay iyon sa aking ulo at muli ako na napatingin sa babae na nakayuko na nagpupulot ng mga gamit na nalaglag. “I’m sorry, miss, hindi kita napansin. Are you alright?” Tanong ko pa pero ang aking atensyon ay