Nagmamadali ako na pumasok ng opisina. Sampung minuto na lang ay male-late na ako, buti na lang at sakto ang bukas ng elevator. Tinanghali ako ng gising at wala sana akong balak pumasok ngayon pero naisip ko na sinabi ko na sa sarili ko na kakalimutan ko ang mga nangyari sa nakaraan at kasama ro’n ang mga katangahan ko sa nakalipas na araw.
Nagkulong ako sa bahay noon weekend at walang sinagot na tawag o text man lang nina Samantha at Icel. Pilit ko na tinatanggal sa isip ko ang lalaki na ’yon.
Kinakabahan ako na hindi ko malaman. Parang may hindi maganda na mangyayari ngayon kung kaya’t bumibilis ang tibok ng puso ko. Kalma, Atasha, kalma lang, puyat lang ‘yan.
Pagkahinto ng elevator sa tenth floor ay nagmamadali ako na lumabas at dumiretso sa puwesto ko. Nagkakagulo ang mga katrabaho ko at lahat sila ay hindi mapakali.
Nakita ko si Vincent na papalapit sa akin nang nakangiti. “Goodmorning, Atasha,” bati niya sa akin.
“Good morning, Vincent. Anong mayro'n? Bakit nagkakagulo ang lahat?”
Ngumiti muna siya sa akin bago sumagot, “Si Mr. CEO, bababa raw dito mamaya.”
“Si Mr. Colton Mijares? Bakit daw?” balik-tanong ko sa kan'ya.
Nagulat ako na pupunta ang CEO rito sa floor namin. Simula nang magtrabaho ako rito ay hindi ko pa nakita ang CEO. Kilala ko lamang siya sa pangalan pero wala siyang mga litrato man lang sa buong opisina. Tahimik na tao lamang daw kasi siya at kaisa-isa na anak ng milyonaryo na si Mr. Celsius Mijares.
“Ang sabi ni Sir Miguel ay department check lang daw at wala naman daw dapat na ikabahala. Gusto lang din daw na makilala ang mga taga-rito sa departamento natin. Nagulat nga rin ako dahil bihira naman na mag-ikot ang CEO rito.” Tuloy-tuloy na kuwento pa niya sa akin.
“Baka ngayon lang siya nagkaro’n ng libreng oras kaya ginusto na mag-ikot?” Pagkibit-balikat ko naman.
“Ihanda mo rin, Tasha, ang mga hawak mo na proyekto at baka raw bigla na magtanong.” Tumango naman ako sa sinabi niya sa akin.
“Ikaw lang ang relaks ah. Ang mga kasamahan natin dito na mga babae ay panay paglalagay ng kolerete sa mukha nila.” Napapailing pa niya na kuwento.
“Malay mo naman kasi na tsismis lang ang bali-balita na guwapo ang CEO. Malay mo matanda na pala at hindi ang mga sinasabi nila na guwapo at bata pa. Kaya nga siguro ayaw niya na magpalitrato dahil baka matanda na at pangit pa.” Pagbibiro ko pa kay Vincent na nagpatawa sa kan'ya ng malakas dahilan upang pagtinginan kami ng iba namin na kasamahan.
Nasa gano’n kami na pagkukulitan ni Vincent nang tumunog ang elevator. Lahat ng kasamahan namin ay nagsitinginan sa parating. Lahat ay excited at aligaga sa balita na pagbisita ng CEO.
Sino nga ba ang hindi magkakainteres na makita ang CEO? Marami ang nagsasabi na ubod ng guwapo ang nag-iisang anak ng mga Mijares.
Lumabas sa elevator si Mr. Miguel Daza, ang department head namin, nakangiti siya sa amin lahat. Maya-maya ay kasunod niya ang isang lalaki na may dalang notebook. Mas maliit siya kay Sir Miguel at mukhang istrikto dahil hindi man lamang siya ngumingiti.
Sinasabi ko na nga ba na hindi naman siya guwapo. Wala naman kaabang-abang sa itsura niya pero mukha na masungit talaga siya.
“Good morning, everyone!” bati ni Sir Miguel sa amin.
Lahat naman kami ay bumati sa kan’ya pabalik. “As you have heard the CEO will be gracing us with his presence today. Just a simple department check and nothing to be worried about."
Sumulyap siya sa amin ni Vincent at muli na nagsalita, "Vincent and Atasha please proceed to the conference room.”
Nagulat ako na pinapapunta kami sa conference room. Hindi pa nga kami naipapakilala sa CEO ay pinauuna na kami ni Sir Miguel. Tumango kami ni Vincent at magalang na nagpaalam sa kanilang dalawa at tsaka kami naglakad patungo sa conference room.
Bigla ako na kinabahan, bakit kami pinapunta rito ni Vincent? “Vin, bakit kaya tayo pinapunta rito?”
“Don’t worry, Tash, ipapakilala lang tayo ni Sir Miguel bilang tayo ang mga may hawak ng malalaking proyekto ng kumpanya.” Agad siya na naupo nang makapasok kami sa silid kung kaya’t mabilis ako na tumabi sa kan'ya.
“Iyon na ba ang CEO, ang kasama ni Sir Miguel? Mukhang masungit at hindi man lamang ngumingiti. Pero hindi naman guwapo, sabi sa’yo eh, tsismis lang ang lahat.” Pagbibiro ko pa sa kan'ya upang mabawasan ang kaba na nararamdaman ko.
“Ano, Atasha, mas guwapo pa ako? Buti ‘di ka na nakipagsabayan sa kanila na magpaganda.” Ganti na biro naman niya kaya nagkatawanan kami ng malakas.
Bigla na bumukas ang pinto at pumasok ang lalaki na masungit kanina na kasama ni Sir Miguel. Bigla rin kami na napatigil sa pagtawa ni Vincent at napatayo.
“The two of you seems to be very amused with each other. It’s nice to know na masasaya ang mga empleyado ko.”
Nagulat kami sa bigla na nagsalita sa may pintuan kung kaya’t parehas kami na napalingon ni Vincent sa kasunod na pumasok ng lalaki na hindi marunong ngumiti.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang bagong dating. Ang lalaki na kasama ko no’n isang gabi ay nasa aking harapan. Hindi ako nakagalaw at parang naestatwa lang ako. Muli siya na sumulyap sa akin sabay ngumiti ng pagkatamis-tamis.
Tama nga ako! Napakaguwapo ng lalaking ito, lalo na at kapag naka pormal na bihis. Depinang-depina ang maganda na pangangatawan niya sa suot na long sleeves at ang ganda ng mga mata at ngiti niya. Medyo may katangkaran rin siya na parang si Vincent.
Naputol ang pagtitig ko sa kan’ya nang maramdaman ko ang pagsiko sa akin ni Vincent. Napatingin ako at kumunot ang noo ko. Hindi ko maintindihan ang nais niya na iparating kung kaya’t nagkatitigan kami. Naputol lamang ‘yon nang pumasok si Sir Miguel sa silid.
“Mr. Mijares, these are the two top design engineers in my department. Both of them are handling our big projects.” Naupo si Sir Miguel sa tabi ng guwapo na lalaki.
Teka, Mr. Mijares? Siya si Mr. Mijares? Ang lalaki na nakasama ko no’n isang gabi ay si Colton Mijares, ang CEO ng Designers Unlimited?! Muli na nanlaki ang mga mata ko sa bagong kaalaman na ito. Fuck, Atasha! You just slept with the CEO?!
Pero kung siya ang CEO, sino ang lalaki na masungit na hindi nangiti? Gulong-gulo na ako kaya’t ang puso ko ay lalo na naghuhurumentado sa kaba.
Ngumiti naman siya ulit tsaka humarap kay Sir Miguel. “That’s good, Miguel. I’ll go over their files later.”
Bigla siya na bumaling sa lalaki na hindi marunong na ngumiti, “Lawrence, get their 201 files from the HR department.” Tumango naman ang inutusan at magalang na umalis.
Shit! Siya nga ang CEO! Ang CEO ang naka one-night stand ko!
“It’s nice to meet the both of you.” Panimula niya na salita na nakangiti pa sa amin.
Nakatingin siya sa akin kung kaya’t lalo ako na hindi mapakali. Kabadong-kabado ako na parang gusto ko na lamang na himatayin. Sana bumukas ang lupa at kuhanin na lamang ako. Bakit sa dinami-rami ng lalaki, bakit si Colton Mijares pa?
“Are you okay, Atasha?” Muli ako na napabalik sa reyalidad nang magsalita si Sir Miguel.
Pilit ako na ngumiti sa kan'ya at marahan na tumango. “Mr. Mijares, let me formally introduce them to you. This is Vincent Lizardo and Atasha Andres.”
Nakangiti pa rin ang CEO habang diretso pa rin na nakatingin sa amin, “Vin and Atasha, this is Mr. Colton Mijares, CEO of Designers Unlimited.”
Tumayo si Vin at nag-abot ng kamay sa CEO, para ako na naestatwa at hindi ko magawa na kumilos sa kinauupuan ko. Ano ba ang kamalasan ko?
Marahan ako na binangga ni Vincent at isinenyas sa akin si Mr. Mijares. Kabado man ay pilit ko na pinatatag ang itsura ko bago marahan na tumayo at inabot ang kamay ko sa kan’ya.
“Goo-good morning, Mr. Mijares.” Para ako na nakuryente nang abutin niya ang kamay na inilahad ko upang makipagkamay rin.
Agad ko sana ito na babawiin ngunit hinigpitan niya ang pagkakahawak sa akin, kaya’t sa nanlalaking mga mata ay napatitig ako sa kan’ya, “Nice meeting you, Ms. Atasha Andres. Have we met somewhere? You seem very familiar.” Tanong pa niya sa akin habang hindi binibitiwan ang mga kamay ko.
Lalo naman ako na naging aligaga sa tanong na ’yon. Napansin ko rin ang pagtingin sa amin nina Sir Miguel at Vincent.
Umiling naman ako bilang pagsagot, “You must be mistaken, sir.”
Binawi ko ang kamay ko at yumuko upang hindi kami magkatitigan. Hindi ko kinakaya ang mga tingin na ibinibigay niya sa akin.
“You really seem very familiar to me.” Ngumiti siya at ibinaling muli ang atensyon kay Sir Miguel.
Bumalik naman ako sa pagkakaupo at napaharap sa mga nagtatanong na mata ni Vincent. Nagkibit-balikat na lamang ako at sinubukan na ‘wag magpaapekto sa presensya ng lalaking ito.
Dahil nag-uusap pa sina Sir Miguel at Sir Colton ng tungkol sa ilang proyekto ay pinauna na nila kami na lumabas. Pagkalabas na pagkalabas namin ng conference room ay nagsalita si Vincent, “Kilala mo si Colton Mijares?” tanong agad niya sa akin.
“Hi-hindi ah.” mariin na pagtanggi ko.
“Sigurado ka?”
“Oo nga, bakit ba ang dami mong tanong? Tsismoso ka rin pala.” Natatawa na biro ko sa kan'ya tsaka mabilis na naglakad papunta sa puwesto ko.
Atasha, you’re doomed! Paano mo ngayon makakalimutan ang lalaki na ‘yon? Bakit ba talaga panay kamalasan ang nangyayari sa’yo, Atasha?
Isang pagkakataon ka lang sinuwerte dahil siya ang nakasama mo ng gabi na naging tanga ka. Atleast may pakonsuwelo na lamang na guwapo ang nakauna sa’yo, pero sa kamalas-malasan mo naman ay CEO mo pa talaga!
Maghapon ako na hindi mapakali dahil sa kaalaman na si Colton Mijares ang naka-sex ko ng gabi na ‘yon. Pero kahit ano pa ang gawin ko ay nangyari na ang nagyari at wala na akong iba pa na magagawa.
Tumunog ang telepono ko kaya’t sinagot ko ito.
“Ms. Atasha Andres, this is Lawrence, CEO’s executive assistant. You are being requested by the CEO in his office now.”
Agad na bumilis ang tibok ng puso ko pagkarinig nang sinabi ng tao sa kabilang linya. Bakit niya ako pinapatawag? Nagsisikip ang dibdib ko sa alalahanin na kailangan ko siya na pakiharapan.
“Ms. Andres, are you still there?”
“Yes, papunta na ako.” May pag-aalinlangan na sagot ko bago ibaba ang telepono.
Gaga ka talaga, Atasha! Sana man lang ay kinilala mo kung kanino ka nakipag-sex, ngayon mas lalo mo na ginawa na komplikado ang buhay mo.
Agad ako na kumilos para umakyat sa executive floor. Ito ang unang beses ko rito sa palapag na ito. Wala sa amin ang nakakapunta rito maliban kay Sir Miguel. May sarili rin na executive elevator ang CEO kung kaya’t nakabukod talaga siya sa mga empleyado.
Pagbukas ng elevator ay dumiretso ako sa lamesa ng executive assistant, “Good afternoon, Mr. Lawrence, you called for me?”
Tumango siya at pumindot sa intercom sa lamesa para sabihin kay Colton ang pagdating ko. Tapos ay iginiya niya ako sa may pinto ng opisina ni Colton tsaka siya kumatok. Nang marinig ang pagsagot ng kan'yang amo na maaari na kami na pumasok ay sinenyasan na niya ako.
Pagkapasok ko sa malaking opisina ni Colton ay namangha agad ako. Ang laki ng kuwarto pero mag-isa lang siya rito. Hindi ko namalayan na hindi na pala ako kumilos pagkapasok at wala na rin si Lawrence sa loob ng opisina.
“Hi, Atasha, you may sit down.” Itinuro niya sa akin ang upuan sa may harap ng lamesa niya. Tumango naman ako at umupo.
“It’s fancy seeing you here, Atasha.” Nakangiti pa rin siya sa akin.
Kalma, Atasha, kalma. Susme ngiti pa lang ay nakakatunaw na, paano pa ako kakalma?
“I’m sorry that I cannot easily forget that night. Forgive me if I can’t get you out of my mind. You have caught my attention, lalo na nang iwan mo ako pagkatapos ng nangyari sa atin. But don’t worry, I'm not taking it against you. Kung ano man ang sinabi mo ng umaga na ‘yon, I’ll take it as you’re just too overwhelmed by what happened. So, why don’t we start again, Atasha. I want to get to know you because I intend to see you more and make you mine.”
“What?! You mean you hooked-up with Colton Mijares?! The heir of Mijares empire?” Ito ang gulat na gulat na tanong ni Sam ngayon habang nandito kami sa bar. Ngayon lang ulit ako nakipagkita sa kanila ni Icel at ‘yon ang unang naikuwento ko sa kanila. Ang katangahan ko dahil sa pagsunod sa sinabi ni Sam na rebound sex. “Are you okay, Tash?” tanong naman ni Icel. Tumango lang ako bilang pagsagot. Okay na naman talaga ako sa ngayon. Hindi ko lang alam kung paano pa pakikiharapan si Colton matapos ang sinabi niya sa akin nang ipatawag niya ako sa opisina niya. “I am okay. As if naman may magagawa pa ako. Nangyari na ang mga nangyari at hind ko na maibabalik pa ang nakaraan kaya mas mabuti pa na mag-move on na lamang.” pagpapaliwanag ko pa. Parehas naman ako na tiningnan ng dalawang kaibigan ko. Marahil alam nila na sinasabi ko lamang na okay ako pero ang totoo ay hindi. “So how was it, Tash? Performer ba? Grabe ang suwerte mo, si Colton Mijares! Dax ba?” Nanlaki ang mga mata ko sa wa
“Hey, you’re awake. Wait, let me just call the doctor.” Ito ang malambing na boses na nabungaran ko sa muli ko na pagdilat ng mga mata ko. Ang una ko na naaninag ay ang isang lalaki na masuyo na nakatunghay sa akin habang nakaupo sa tabi ng kama at nakahawak sa mga kamay ko. Malambing siya na ngumiti sa akin at akma na tatayo pero pinigilan ko siya at hinawakan ng mahigpit ang mga kamay niya. “Please, ‘wag mo akong iwan. Natatakot ako. Ba-baka balikan niya ako. Baka kunin niya ako at hindi na ako makatakas pa.” Muli siya na bumalik sa pagkakaupo at nakita ko ang pigil na pagkunot ng noo niya. Bumuntong-hininga muna siya tsaka nagsalita sa akin, “Atasha, you don’t have to worry, I’m here. Sisiguraduhin ko na hindi na siya makakalapit pa sa’yo. But for now, you have to be checked by the doctor. Kagabi ka pa nawalan ng malay.” Nang marinig ang mga sinabi niya ay pabalikwas ako na napabangon sa kama, “What? May trabaho pa ako, sandali late na ako.” Akma na bababa ako ng kama nang pigi
“Hi, Atasha, I miss you. Kamusta ka? Sabi ni Miguel nag-file ka raw ng sick leave. May sakit ka ba?” Ito ang nag-aalala na bungad ni Colton sa akin sa video call isang araw matapos ang pag-alis niya. Halata na hindi siya mapakali sa nalaman na masama ang pakiramdam ko. “Ayos lang ako, Colton. Medyo nahilo lang ako kanina baka dahil sa puyat.” Bigla talaga na sumama ang pakiramdam ko kanina na paggising ko, malamang dahil sa pagod at puyat nitong mga nakaraan na araw dahil sa malaking proyekto na hinahabol namin nila Vincent. “Are you sure? Nag-aalala ako sa’yo. Alam ko na mag-isa ka lang diyan sa apartment mo kaya sinabihan ko si Kane na puntahan ka at samahan ka sa doktor para makapagpatingin. May miting kasi si Miguel kaya hindi ka mapupuntahan ngayon.” Si Kane ay ang isa pa na matalik na kaibigan ni Colton bukod kay Miguel. Nakilala ko na rin siya sa minsan na pagyaya sa akin ni Colton na mag-dinner kasama ang mga malalapit na kaibigan niya. “I’m okay, Colton. Sige na at magpapa
Simula pa lang nang lumapag ang eroplano na sinasakyan namin sa paliparan ay hindi na ako makapag-isip ng matino. Binabagabag ako ng matindi na takot at maraming katanungan. Ang dami na gumugulo sa aking isipan, ang dami ng emosyon na gusto na kumawala sa akin ng sabay-sabay. Pagbaba ng eroplano ay ilang mga kalalakihan na naka suot ng itim ang nakalinya sa daanan namin. Hindi malayo sa pinaghintuan ng eroplano ay ang ilang sasakyan na itim din na nakaparada. Iginiya kami ng mga guards papunta sa sasakyan na nasa gitna ng pila na may bandila ng Genova. Inalalayan ako ni Nathan hangang sa makapasok ng sasakyan habang kasunod ko na pumasok si Akiro. Kasalukuyan na kami na bumibiyahe sakay ng kotse pauwi sa palasyo. Hindi maikakaila ang labis na kaba na nararamdaman ko ngayon. Kanina pa ako hindi mapakali at alam ko na napapansin na ‘yon ni Akiro. Manaka-naka siya na sumusulyap sa akin habang ako ay pinananatili lamang ang mga mata sa bintana, tinatanaw ang amin dinaraanan. Karamihan
Nanlaki ang mata ko sa mga tinuran ni Akiro. Alam ko na isang araw ay maghaharap kami ni Aldrick pero hindi ko inaasahan na mas magiging madali pala ang pagkikita na ‘yon lalo na at bahagi siya ng komite. Ang komite ay binubuo ng mga prinsipe at prinsesa na nakalinya para sa trono sa kani-kanilang kaharian. At dahil ako ang muli na nagbalik na prinsesa nangangahulugan lamang ‘yon ng pagiging bahagi ko ng komite. “Sorry, Tash. Though I was really hoping that you would return, I know for a fact that you wouldn’t kaya hindi ko na naisipan pa na sabihin ito sa’yo.” Nakakaramdam tuloy ako ng inis ngayon kay Akiro. Sana man lang isa ito sa mga una na nabanggit niya sa akin nang magkita kami. Napasimangot ako sa kan'ya kaya bahagya siya na napangiti, “Sorry na, little sister. Pero pangako naman na wala nang mamimilit sa inyo ng kasal, maliban na lamang kung ikaw mismo ang magpumilit.” Lalo naman sumama ang tingin ko sa kan'ya dahil sa mga makahulugan na sinabi niya na ‘yon. “I don’t inte
Nagulat ako pagbukas ng pintuan ng great hall nang makita na hindi ito simple na dinner lamang ng aming pamilya. Muli ako na binalot ng kaba at pag-aalinlangan. Narito ang pamilya ni Aldrick at ang mga advisers. Kinabahan ako na baka muli na naman kami na ipagkasundo ng aming mga magulang. Kapag nagkataon mas malaki ang komplikasyon nito lalo na at buntis ako kay Colton. “Princess Atasha, let’s go.” bulong sa akin ni Aldrick na hindi ko namalayan na nakalapit na pala sa may gilid ko. Inilahad niya ang kan’yang palad sa akin. Nakita ko ang pagsulyap sa amin dalawa ng mga tao sa loob. Nagdadalawang-isip man ay inabot ko ang kamay na inilahad ni Aldrick sa akin at sabay kami na pumasok sa loob. Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa mga magulang ko. “Princess Atasha.” bati ng ina ni Aldrick na lumapit pa sa amin, siya si Queen Isabel. “Queen Isabel.” magalang na tugon ko sabay yukod sa kan’ya. “Mom.” sagot naman ni Aldrick. Nagulat ako na gano’n lamang ang tawag niya sa kan’yang ina. L
“What?” gulat na tanong ko. Alam niya at kilala niya si Yulence? “Yulence Villagomeza, your ex-boyfriend and the bastard who tried to rape you. If not for Colton Mijares baka naisahan ka na ng animal na ‘yon.” galit na sabi ni Akiro. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang mga bagay na ito, pero ipagtataka ko pa ba ‘yon? Malawak ang koneksyon ni Aki at mabilis siya na makakakuha ng impormasyon lalo na at alam ko na may tauhan siya sa Pilipinas. Kaya niya nga rin naisipan na ro’n ako papuntahin nang tumakas ako. “Akiro.” bulong ko. Nakikita ko ang galit sa mata ni Akiro at ayaw ko na masira ang gabi na ito para sa pamilya namin. “I’m waiting for you to call me, Atasha. Nag-aantay ako na aminin mo sa akin ang kamuntikan mo na pagkapahamak pero hindi ‘yon nangyari. Kulang na lang ay lumipad ako papunta ng Pilipinas para ako mismo ang magsigurado na hindi ka malalapitan ng Villagomeza na ‘yon.” Nabawasan na ang galit sa boses niya at napalitan na ng pagtatampo. Naiintindihan ko ang
Naging maaliwalas at panatag ang buhay ko sa pagbabalik ko kasama ang aking pamilya. Ngayon ay narito ako sa hardin dahil nakaugalian ko na ang maglakad-lakad dito tuwing umaga. Mag-aapat na buwan na rin ang tiyan ko kaya medyo malaki na rin ito. Naupo ako para pagmasdan ang magandang tanawin. Ngayon ko lamang masasabi na nasisiyahan ako sa pamamalagi ko rito. Simula nang makabalik ako naging normal ang pamumuhay namin. Hindi na gaya ng dati na madami ang sinusunod na pamantayan. Ngayon ay malaya ako na nakakakilos ayon sa aking kagustuhan. Napabalik-tanaw na naman ako sa mga nangyari sa nakaraan. Ang araw na umalis ako at sinubukan na kalimutan ang lahat ng ito. Hindi ko masabi kung tama ang mga naging desisyon na ‘yon, pero ang alam ko marami ang nagbago ng dahil sa hakbang na ginawa ko. ---- “Good Morning, Princess Atasha!” nakangiti na bati ni Aldrick sa akin. Simula nang magkakilala kami ay madalas ang nagiging pagbisita niya rito sa palasyo. “Good Morning, Prince Aldrick.
Maraming salamat po sa lahat ng mga nagbasa at tumangkilik sa istorya nina Colton Mijares at Atasha Altamirano-Mijares. Sana po ay nagustuhan ninyo ang kuwento nila. Sa mga umasa ng isang Aldrick sa buhay nila ay abangan po ninyo ang kuwento niya. Ang kuwento na siya naman ang bida at hindi na pang-second male lead lamang. Sana po ay suportahan ninyo rin ang iba pa na on-going stories ko sa GN: Elliot and Ariella - My back-up Boyfriend is a Mafia Boss (English) Mikel and Tamara - Married to the Runaway Bride (Tagalog) Evan and Harper - The Rise of the Fallen Ex-Wife (Tagalog) Kenji and Reiko - Falling for the Replacement Mistress (Tagalog) Again, thank you for all your support. No words to express my gratitude to all of you. Hanggang sa susunod po na kuwento sana ay makasama ko pa kayo.
“Why are you staring at me, love?” Pupungas-pungas pa na tanong ni Atasha sa kan’yang asawa. Hindi namalayan ni Colton ang pagdilat ng asawa na si Atasha dahil masyado na natuon ang atensyon niya sa pagbabalik-tanaw niya sa naging love story nilang dalawa. Ang love story na hindi niya inakala na mapagtatagumpayan nila sa huli. Ngumiti siya at ginawaran ang asawa ng isang matamis na halik sa labi, "I’m just looking back at our love story. How far we’ve come along since that day that I saw you at the airport and met you in DU again." Namilog ang mga mata ni Atasha sa kan’yang sinabi. Hindi siya sigurado kung tama ba ang narinig niya sa sinabi ni Colton. “You saw me at the airport? Kailan mo ako nakita sa airport? Paano?” Napasimangot si Colton sa kaalaman na hindi man lamang talaga siya tumatak sa isipan ni Atasha. Siya lang yata talaga ang tanging babae na hindi naapektuhan ng kan’yang presensya. Is he that ordinary to her, kaya hindi man lamang nabighani si Atasha sa kan’ya? “Ibig
Darkness. I was consumed by total darkness at hindi ko alam kung makakaalis pa ako sa kadiliman na kinasasadlakan ko. Pinipilit ko na makaalpas kung saan lugar ako na naro’n pero may pumipigil sa akin. At kahit na anong pilit ko ay patuloy lamang ako na paikot-ikot sa madilim na lugar na ito. Ang sabi nila kapag oras mo na ay makakakita ka ng liwanag na gagabay sa’yo sa direksyon na patutunguhan mo, pero bakit sa akin ngayon ay walang kahit na anong liwanag? Wala akong maaninag na kahit na anong senyales ng buhay kung hindi ang patuloy na kadiliman lamang. I am lost and I am scared. Natatakot ako dahil hindi ko masilayan ang pamilya ko. Hindi ko makita si Atasha at ang kambal. Hindi ko maramdaman ang presensya ng babaeng mahal ko at ang mga anak ko. Is this the end? Hanggang dito na lamang ba ang buhay ko? Hanggang dito na lamang ba ang pakikipaglaban ko sa buhay? And because of the darkness, I found myself engulfed in it. Napapagod na ako na lumaban, napapagod na rin ako sa lahat.
Things were never easy dahil patuloy kami na sinusubok ng tadhan at ng pagkakataon. It’s as if the world is conniving against us. Pilit kami na pinagtatagpo pero pilit din kami na binibigyan ng rason upang magkahiwalay. But this time, we both stood with each other. Hindi na kami makakapayag na mawala at mahiwalay sa bawat isa lalo na at inuumpisahan na namin na buuin ang aming pamilya. At lahat ay gagawin namin para lamang makamit ang matagal na namin na pangarap na ito. And then another challenge came over us. Samantha Randal kidnapped our twins. At hindi ko alam kung ano ang gusto ko na gawin kay Samantha sa mga oras na iyon. She is Atasha's fucking bestfriend, but she is a traitor. “Colton.” “Fucking Samantha, Migs! Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa ang mga bagay na ito, pero pagsisisihan niya ito for hurting Atasha this way.” galit na galit na turan ko kay Miguel. At sa mga oras na ito ay wala akong pakikinggan na eksplanasyon. No words of wisdom from Miguel can change th
“Ano? Sigurado ka ba sa mga plano mo na ito, Colton?” Naguguluhan na tanong sa akin ni Miguel na sigurado ako ay hindi sang-ayon sa mga plano ko. “Yes, I need to make a diversion, Migs, and Lia is the available option that I have. She likes me so everything will be easier at wala na rin magiging pagtatanong pa ang pamilya namin kung sakali.” “I’m not sure about this. Hindi ganito kadali mo lamang na malilinlang ang mag-ina na iyon. At higit sa lahat, are you sure about Lia Madrigal? Alam natin ang background ni Lia and it’s not good, Colton.” “I need to try, Migs. I need to try to get them away from planning something against Atasha. Alam ko na may kinalaman sila sa pagkawala niya at kailangan ko na patuloy na siguruhin ang kaligtasan niya.” “We’ve been trying to find evidence, Colton, pero hanggang ngayon ay wala tayong link na may kinalaman nga sila sa pagkawala ni Atasha. Hindi kaya sinadya ni Atasha na umalis?” “Why would you even say that? Everything is good between us at wal
“What I did is just a rebound sex! No strings attached. Huwag mo sabihin na you’re expecting something out of that? ‘Yan ba ang inaasahan mo sa mga babaeng napupulot mo sa bar gabi-gabi?” Those words coming from her totally destroyed me. Ang maalab na gabi na pinagsaluhan namin ay nauwi sa pagtatalo nang magising siya at mahimasmasan sa kalasingan. She thought that I always engaged in one-night stands, but I never did. Last night was the first, and she was my first. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa kan’ya lalo na at iniwan niya na lang ako ng basta-basta. And what’s worst? She never bothered to know who I am, wala siyang pakialam sa presensya ko sa kan’ya. I don’t matter to her, and it’s that simple for her to leave me after what happened. Tang-ina lang talaga na parang nagkabaligtad pa kami ng papel dahil ako pa ang nag-iisip dahil sa nangyari sa pagitan namin habang siya ay walang pakialam. Mas lalo ko siya na hindi makalimutan pagkatapos nang nangyari sa amin. How ca
I continued admiring her and loving her from afar. Kahit na ano ang gawin ko, Atasha Andres is clouding my mind. But I am a gentleman at marunong ako na tumanggap ng pagkatalo. Kaya kahit na masakit sa akin na kay Yulence siya napunta ay wala akong ginawa upang magkasira silang dalawa. Her happiness is my happiness even if it hurts me deep inside. “Tasha!” Gulat na gulat si Atasha habang naglalakad sa labas ng DU building nang marinig ang malakas na boses ni Yulence. Nasaktuhan ko ang paglabas niya kanina kaya naisipan ko na tingnan kung saan siya papunta dahil hindi ko nakita na sinundo siya ni Yulence. Sinadya ko na magtago upang hindi nila malaman ang presensya ko. “I have to go, Yulence.” Pilit niya na nilampasan si Yulence ngunit hinatak siya nito sa braso dahilan upang bumangga siya sa dibdib nito. Bumangon ang inis ko dahil sa nakita ko na marahas na pagtrato sa kan’ya ni Yulence. “We need to talk, Tash. Please talk to me.” Pagsusumamo ni Yulence. “Wala na tayong dapat p
“Hi Atasha!” Gulat na lumingon ang babae sa tumawag sa pangalan niya at paglingon niya ay sumilay ang pagkatamis-tamis na ngiti sa kan’yang labi. Huminto siya sa paglalakad at hinintay ang paglapit ng lalaki na tumawag sa kan’ya. May dala-dala na tsokolate ang lalaki na ngiting-ngiti rin na nakatunghay kay Atasha. Inabot niya kay Atasha ang bitbit niya kaya mabilis naman na pinamulahanan pa ng mukha si Atasha habang hiyang-hiya na nagpasalamat. “Thank you, Yulence. Para saan ba ang mga ito?” Hindi maalis-alis ang pagkakangiti sa mga labi niya habang titig na titig sa kanya si Yulence Villagomeza, my fucking step-brother. “I told you last time na liligawan kita, hindi ba? Don’t tell me na nakalimutan mo na kaagad.” Lalo na pinamulahanan ng mukha si Atasha Andres sa sinabi ni Yul pero hindi nawawala ang mga ngiti sa labi niya, “Let’s go and let’s have dinner at pagkatapos ay ihahatid na kita sa apartment mo.” Pagyaya pa ni Yulence sa kan’ya habang nakahawak ang mga kamay sa beywang ni
Mataman na pinagmamasdan ni Colton ang natutulog na asawa. Hindi pa rin siya makapaniwala na pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan nila ay asawa na niya ang babae na kan’yang pinapangarap. Hindi niya lubos maisip kung ano ang kabutihan na nagawa niya upang pagbigyan siya sa naging hiling niya na maging asawa ang babae na bumihag sa puso niya. Napangiti pa siya nang maalala kung gaano nila pinagsaluhan ang init ng kanilang pagmamahalan kagabi. Hinimas niya ang ulo ng tulog na tulog na asawa at muli na binalikan ang kanilang nakaraan. --- “Ouch!” Shit! Napatigil at napalingon ako nang marinig ang mahina na impit na boses na ‘yon ng isang babae. Dahil sa pagmamadali ko ay nabangga ko siya at nagsilaglagan ang mga gamit na dala-dala niya. Itinaas ko ang shades na suot-suot ko at inilagay iyon sa aking ulo at muli ako na napatingin sa babae na nakayuko na nagpupulot ng mga gamit na nalaglag. “I’m sorry, miss, hindi kita napansin. Are you alright?” Tanong ko pa pero ang aking atensyon ay