Ramdam ni Colton ang bigat sa kan'yang dibdib. Kaharap niya ngayon ang sanggol na alam niya sa kaibuturan ng puso niya na tunay niya na anak. Kuhang-kuha ng bata ang itsura niya at hindi maipagkakaila na sa kan’ya ang bata. “Sheesh! He looks exactly like you, Colt.” Ito ang namamangha na nasambit ng kaibigan ni Colton na si Miguel. “Baby, narito na ang iyong daddy.” Inabot ni Auntie Sabel kay Colton ang bata, at sa hindi inaasahan na pagkakataon ay walang iyak na narinig buhat sa sanggol. Kusa na sumama sa lalaki ang munting anghel habang titig na titig ang mga maliliit na mata kay Colton. Pagkabuhat ni Colton sa sanggol ay muli niya na naramdaman na parang may nakabara sa kan’yang lalamunan. Hindi niya mapigilan ang muli na naman na pagtulo ng luha habang ang bata ay titig na titig sa kanya’ng mukha. Nagulat pa ang bilyonaryo nang masuyo na abutin ng bata ang kanya’ng pisngi at sinundan ng kamay nito ang pagpatak ng luha sa pisngi ng ama. “Aba, sabi ko na at nami-miss lamang kay
Hindi mapakali si Colton Mijares sa kan’yang condo. Kanina pa siya aligaga dahil ngayon ang ikalawang araw buhat nang magpakuha sila ng DNA test ni Cole. Ngayon ang nakatakda na araw ng paglalabas ng resulta ng paternity test nila. Hinihintay niya ang pagdating ni Miguel na siyang kumuha ng resulta. Nakakailang tawag na siya sa kaibigan ngunit hindi nito sinasagot ang tawag kaya’t lalo siya na kinakabahan. Kahit alam niya sa kaibuturan ng puso niya na anak niya si Cole ay gusto niya pa rin na makita ito na nakasulat sa dokumento. Gusto niya na may patunay siya na siya mismo ang ama ng bata. Muli siya na napasulyap sa bata na ngayon ay mahimbing na naman ang tulog. Kahit nasa may sala lamang at sa couch lang nakahiga ay mukhang sarap na sarap ang tulog ng kan'yang anak. “Konting sandali na lamang, Cole. But I know deep down that you are mine. You are my son.” Masuyo pa na hinaplos ni Colton ang ulo ng anak. Kahit na naging mahirap ang mga nagdaan na araw buhat nang malaman niya ang
Aligaga si Kane. Hindi siya makapuslit ng tawag kay Mateo. Sinigurado ni Colton na wala siya na makakausap at animo siya ikinulong nito sa sarili na condo unit niya. Wala siyang magawa ngayon kung hindi ang maghintay sa susunod na magiging hakbang ng dating kaibigan. Hindi niya lubos maisip kung sino ang nagtraydor sa kan’ya. Si Mateo ba? O si Yulence mismo? Ang alam niya lang kapag nalaman niya kung sino ang naglaglag sa kan’ya ay malilintikan iyon. Ang laki ng panghihinayang ni Kane na nasa kan’ya na ang alas ay nawala pa. Umaasa na lamang siya na magkakaroon pa siya muli ng pagkakataon para magamit ang natitira pa na dalawang impormasyon na alam niya patungkol kay Atasha: ang pagiging prinsesa nito at ang isa pa sa kambal na anak nila ni Colton. Masuwerte pa rin si Kane at hindi niya inilabas ang lahat ng sikreto niya dahil baka kung nagkataon ay talunan na agad ang labas niya. Ang kailangan niya ngayon ay makaisip ng paraan kung paano pa gagamitin ang mga ito. Bigla na bumukas
Maluha-luha na pinagmamasdan ni Colton ang anak na masaya na naglalaro. Ilan araw pa lamang ang nakakalipas nang malaman niya ang katotohanan sa pagkatao ni Cole. Malungkot man dahil wala siyang kaalam-alam tungkol sa anak, ngunit ang importante sa kan’ya ngayon ay kasama na niya at nasa tabi na niya ang bata. Simula nang makumpirma ni Colton na anak niya nga si Cole ay hindi na siya lumayo rito. Kung pupuwede lang na oras-oras niya na makasama ang bata ay ginawa na niya. Nais niya na punuan ang mga araw at buwan na hindi sila magkapiling. Sa mga nakaraan na araw, ang atensyon niya ay tutok sa bata. Sumasaglit lamang siya sa opisina upang mas makasama si Cole rito sa kan'yang condo. Hanggang sa ngayon ay nananatili na isang sikreto ni Colton si Cole. Hindi sa ayaw niya na ipagmalaki ang anak niya kung hindi sa kadahilanan na gusto niya muna masiguro ang kaligtasan at seguridad nito. Sa ngayon ay iilan lamang ang nakakaalam ng tunay na pagkatao ng bata: si Miguel ang natitira na ma
“So you’re telling me na alam na ni Lia ang tungkol kay Cole? I should have known na nang maaga siya na lumabas kanina ay rito ang diretso niya sa condo mo.” Pagkuwento ni Miguel sa kaibigan na si Colton. Pagkalabas ng opisina ay dumiretso agad siya sa condo ni Colton para tulungan ang kaibigan na bantayan ang anak. Ito na ang naging araw-araw nila na iskedyul maliban na lamang kung pupunta sina Samantha o Icel para bisitahin ang bata. “Yes.” sagot ni Colton na may kasama na pagtango. “And?” “And she threatened me. Tinakot niya ako na ilalabas niya ang tungkol kay Cole. Pero papayag ba ako na pagbabantaan niya ako? Siyempre, hindi. Ako pa ba? Natural binantaan ko rin siya na kapag nakalabas ang tungkol kay Cole ay mananagot siya sa akin. At bago pa siya makagawa ng hakbang para sirain ako ay mauuna na siya na masira.” “You better be careful, Colton. Alam mo na isa pa na tuso iyan si Lia. Maaari na umaayon at sunod-sunuran siya sa’yo ngayon pero malamang may mga pinaplano siya. Hin
“Babe.” masuyo na tawag ko kay Aldrick. Kasalukuyan kami na nasa garden at masaya na naglalaro sina Aldrick at Ashira sa may damuhan. Agad na nagtaas siya ng tingin sa akin. “Yes, babe?” tanong niya sa akin pabalik. “Can I ask you something?” Lumakad ako papunta sa kinaroronan nila at naupo rin sa damuhan katabi ni Ashira. Agad na ngumiti ang anak ko sa akin at inabot sa akin ang laruan na hawak-hawak niya. “What is it?” “Uhm, do you- uhm, ano kasi-“ Hindi ko alam kung paano kokompletuhin ang mga sasabihin ko. Kinakabahan ako at sobra ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ni Aldrick sa sasabihin ko. “Babe, Atasha, look at me.” Iniharap pa niya ang mukha ko upang mapatingin ako sa kan’ya. “Now, tell me what is it that you want to ask?” “Uhm.” Bumuntong-hininga muna ako bago nagpatuloy nang pagsasalita. “Akiro told me not too long ago that I and Ashi should move out. I mean, go somewhere para makalimot at maka-move on.” “And?” “And I thin
“Pumayag na siya? Pumayag na si Atasha na bumalik ng Pilipinas?” tanong ni Akiro kay Aldrick. “Yes.” Agad naman na sagot ng prinsipe na may kasama pa na pagtango. “Good. Sooner or later ay malalaman din natin kung sino-sino ang mga traydor. Patuloy na gumagalaw ang mga tao ko na inutusan ko para mag-imbestiga sa pangyayari. At tama tayo ng hinala, Aldrick, hindi ito isang aksidente lamang.” Agad na napatingin si Aldrick kay Akiro nang marinig ang sinabi nito. Hindi aksidente ang nangyari na pagbangga ng trak? Paano? “Ano ang ibig mo na sabihin?” “Planado ang lahat nang nangyari. Ang inaalam pa namin ay kung sino sa mga royal guards ang kasabwat. Patuloy ang pag-uusap namin ni Nathan at patago na imbestigasyon sa lahat ng royal guards na naka-assign sa araw na iyon.” “Pero sino ang magtatangka at sa ano na dahilan?” Napabuga ng hangin si Akiro. Siya man ay gulong-gulo kung sino ang magtatangka sa buhay ng pamilya nila. “Hindi ko alam, Drick. Wala rin ako na maisip na maituro na
Mabilis ang naging paglipas ng araw. Halo-halo ang emosyon na nararamdaman ko. Ngayon ang lipad namin papunta ng Pilipinas. Hindi ako mapakali sa dami ng senaryo na naglalaro sa isipan ko. Pero alam ko na wala nang atrasan ito. Ito na ang oras upang harapin ko ang aking nakaraan. “Princess Atasha.” tawag ni mama sa akin. “Queen.” magalang na bati ko pabalik. Nakita ko na agad ang mga namumuo na luha sa mga mata ng aming reyna. “It’s time. I’ve dreaded this day na kailangan mo ang muli na umalis. Nang sabihin sa amin ni Akiro ang plano mo ay matinding lungkot agad ang naramdaman ko.” “Ma.” Hinawakan niya ang aking mga kamay at masuyo na hinimas ang pisngi ko. “I will miss you and Ashira. Masyado na nasanay ang palasyo sa presensya ninyo kaya muli na mababalot ng kalungkutan dito. But I know you need this. Alam ko, anak, kailangan mo lumayo para maibsan ang sakit sa pagkawala ni Cole. I know how hard all of this is for you. And I am proud of you, Atasha. I am proud of the woman you
Maraming salamat po sa lahat ng mga nagbasa at tumangkilik sa istorya nina Colton Mijares at Atasha Altamirano-Mijares. Sana po ay nagustuhan ninyo ang kuwento nila. Sa mga umasa ng isang Aldrick sa buhay nila ay abangan po ninyo ang kuwento niya. Ang kuwento na siya naman ang bida at hindi na pang-second male lead lamang. Sana po ay suportahan ninyo rin ang iba pa na on-going stories ko sa GN: Elliot and Ariella - My back-up Boyfriend is a Mafia Boss (English) Mikel and Tamara - Married to the Runaway Bride (Tagalog) Evan and Harper - The Rise of the Fallen Ex-Wife (Tagalog) Kenji and Reiko - Falling for the Replacement Mistress (Tagalog) Again, thank you for all your support. No words to express my gratitude to all of you. Hanggang sa susunod po na kuwento sana ay makasama ko pa kayo.
“Why are you staring at me, love?” Pupungas-pungas pa na tanong ni Atasha sa kan’yang asawa. Hindi namalayan ni Colton ang pagdilat ng asawa na si Atasha dahil masyado na natuon ang atensyon niya sa pagbabalik-tanaw niya sa naging love story nilang dalawa. Ang love story na hindi niya inakala na mapagtatagumpayan nila sa huli. Ngumiti siya at ginawaran ang asawa ng isang matamis na halik sa labi, "I’m just looking back at our love story. How far we’ve come along since that day that I saw you at the airport and met you in DU again." Namilog ang mga mata ni Atasha sa kan’yang sinabi. Hindi siya sigurado kung tama ba ang narinig niya sa sinabi ni Colton. “You saw me at the airport? Kailan mo ako nakita sa airport? Paano?” Napasimangot si Colton sa kaalaman na hindi man lamang talaga siya tumatak sa isipan ni Atasha. Siya lang yata talaga ang tanging babae na hindi naapektuhan ng kan’yang presensya. Is he that ordinary to her, kaya hindi man lamang nabighani si Atasha sa kan’ya? “Ibig
Darkness. I was consumed by total darkness at hindi ko alam kung makakaalis pa ako sa kadiliman na kinasasadlakan ko. Pinipilit ko na makaalpas kung saan lugar ako na naro’n pero may pumipigil sa akin. At kahit na anong pilit ko ay patuloy lamang ako na paikot-ikot sa madilim na lugar na ito. Ang sabi nila kapag oras mo na ay makakakita ka ng liwanag na gagabay sa’yo sa direksyon na patutunguhan mo, pero bakit sa akin ngayon ay walang kahit na anong liwanag? Wala akong maaninag na kahit na anong senyales ng buhay kung hindi ang patuloy na kadiliman lamang. I am lost and I am scared. Natatakot ako dahil hindi ko masilayan ang pamilya ko. Hindi ko makita si Atasha at ang kambal. Hindi ko maramdaman ang presensya ng babaeng mahal ko at ang mga anak ko. Is this the end? Hanggang dito na lamang ba ang buhay ko? Hanggang dito na lamang ba ang pakikipaglaban ko sa buhay? And because of the darkness, I found myself engulfed in it. Napapagod na ako na lumaban, napapagod na rin ako sa lahat.
Things were never easy dahil patuloy kami na sinusubok ng tadhan at ng pagkakataon. It’s as if the world is conniving against us. Pilit kami na pinagtatagpo pero pilit din kami na binibigyan ng rason upang magkahiwalay. But this time, we both stood with each other. Hindi na kami makakapayag na mawala at mahiwalay sa bawat isa lalo na at inuumpisahan na namin na buuin ang aming pamilya. At lahat ay gagawin namin para lamang makamit ang matagal na namin na pangarap na ito. And then another challenge came over us. Samantha Randal kidnapped our twins. At hindi ko alam kung ano ang gusto ko na gawin kay Samantha sa mga oras na iyon. She is Atasha's fucking bestfriend, but she is a traitor. “Colton.” “Fucking Samantha, Migs! Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa ang mga bagay na ito, pero pagsisisihan niya ito for hurting Atasha this way.” galit na galit na turan ko kay Miguel. At sa mga oras na ito ay wala akong pakikinggan na eksplanasyon. No words of wisdom from Miguel can change th
“Ano? Sigurado ka ba sa mga plano mo na ito, Colton?” Naguguluhan na tanong sa akin ni Miguel na sigurado ako ay hindi sang-ayon sa mga plano ko. “Yes, I need to make a diversion, Migs, and Lia is the available option that I have. She likes me so everything will be easier at wala na rin magiging pagtatanong pa ang pamilya namin kung sakali.” “I’m not sure about this. Hindi ganito kadali mo lamang na malilinlang ang mag-ina na iyon. At higit sa lahat, are you sure about Lia Madrigal? Alam natin ang background ni Lia and it’s not good, Colton.” “I need to try, Migs. I need to try to get them away from planning something against Atasha. Alam ko na may kinalaman sila sa pagkawala niya at kailangan ko na patuloy na siguruhin ang kaligtasan niya.” “We’ve been trying to find evidence, Colton, pero hanggang ngayon ay wala tayong link na may kinalaman nga sila sa pagkawala ni Atasha. Hindi kaya sinadya ni Atasha na umalis?” “Why would you even say that? Everything is good between us at wal
“What I did is just a rebound sex! No strings attached. Huwag mo sabihin na you’re expecting something out of that? ‘Yan ba ang inaasahan mo sa mga babaeng napupulot mo sa bar gabi-gabi?” Those words coming from her totally destroyed me. Ang maalab na gabi na pinagsaluhan namin ay nauwi sa pagtatalo nang magising siya at mahimasmasan sa kalasingan. She thought that I always engaged in one-night stands, but I never did. Last night was the first, and she was my first. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa kan’ya lalo na at iniwan niya na lang ako ng basta-basta. And what’s worst? She never bothered to know who I am, wala siyang pakialam sa presensya ko sa kan’ya. I don’t matter to her, and it’s that simple for her to leave me after what happened. Tang-ina lang talaga na parang nagkabaligtad pa kami ng papel dahil ako pa ang nag-iisip dahil sa nangyari sa pagitan namin habang siya ay walang pakialam. Mas lalo ko siya na hindi makalimutan pagkatapos nang nangyari sa amin. How ca
I continued admiring her and loving her from afar. Kahit na ano ang gawin ko, Atasha Andres is clouding my mind. But I am a gentleman at marunong ako na tumanggap ng pagkatalo. Kaya kahit na masakit sa akin na kay Yulence siya napunta ay wala akong ginawa upang magkasira silang dalawa. Her happiness is my happiness even if it hurts me deep inside. “Tasha!” Gulat na gulat si Atasha habang naglalakad sa labas ng DU building nang marinig ang malakas na boses ni Yulence. Nasaktuhan ko ang paglabas niya kanina kaya naisipan ko na tingnan kung saan siya papunta dahil hindi ko nakita na sinundo siya ni Yulence. Sinadya ko na magtago upang hindi nila malaman ang presensya ko. “I have to go, Yulence.” Pilit niya na nilampasan si Yulence ngunit hinatak siya nito sa braso dahilan upang bumangga siya sa dibdib nito. Bumangon ang inis ko dahil sa nakita ko na marahas na pagtrato sa kan’ya ni Yulence. “We need to talk, Tash. Please talk to me.” Pagsusumamo ni Yulence. “Wala na tayong dapat p
“Hi Atasha!” Gulat na lumingon ang babae sa tumawag sa pangalan niya at paglingon niya ay sumilay ang pagkatamis-tamis na ngiti sa kan’yang labi. Huminto siya sa paglalakad at hinintay ang paglapit ng lalaki na tumawag sa kan’ya. May dala-dala na tsokolate ang lalaki na ngiting-ngiti rin na nakatunghay kay Atasha. Inabot niya kay Atasha ang bitbit niya kaya mabilis naman na pinamulahanan pa ng mukha si Atasha habang hiyang-hiya na nagpasalamat. “Thank you, Yulence. Para saan ba ang mga ito?” Hindi maalis-alis ang pagkakangiti sa mga labi niya habang titig na titig sa kanya si Yulence Villagomeza, my fucking step-brother. “I told you last time na liligawan kita, hindi ba? Don’t tell me na nakalimutan mo na kaagad.” Lalo na pinamulahanan ng mukha si Atasha Andres sa sinabi ni Yul pero hindi nawawala ang mga ngiti sa labi niya, “Let’s go and let’s have dinner at pagkatapos ay ihahatid na kita sa apartment mo.” Pagyaya pa ni Yulence sa kan’ya habang nakahawak ang mga kamay sa beywang ni
Mataman na pinagmamasdan ni Colton ang natutulog na asawa. Hindi pa rin siya makapaniwala na pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan nila ay asawa na niya ang babae na kan’yang pinapangarap. Hindi niya lubos maisip kung ano ang kabutihan na nagawa niya upang pagbigyan siya sa naging hiling niya na maging asawa ang babae na bumihag sa puso niya. Napangiti pa siya nang maalala kung gaano nila pinagsaluhan ang init ng kanilang pagmamahalan kagabi. Hinimas niya ang ulo ng tulog na tulog na asawa at muli na binalikan ang kanilang nakaraan. --- “Ouch!” Shit! Napatigil at napalingon ako nang marinig ang mahina na impit na boses na ‘yon ng isang babae. Dahil sa pagmamadali ko ay nabangga ko siya at nagsilaglagan ang mga gamit na dala-dala niya. Itinaas ko ang shades na suot-suot ko at inilagay iyon sa aking ulo at muli ako na napatingin sa babae na nakayuko na nagpupulot ng mga gamit na nalaglag. “I’m sorry, miss, hindi kita napansin. Are you alright?” Tanong ko pa pero ang aking atensyon ay