Mabilis na lumipas ang mga araw. Isang buwan na simula nang magtrabaho si Zandra sa kumpanya ni Luke bilang secretary nito. At sa loob ng isang buwan na iyon ay wala itong ginawa kun'di pahirapan siya. Araw-araw ay tambak ang gawain niya. Dagdag pa na panay ang utos ng Boss niyang si Luke ng kung ano-ano na wala namang kinalaman sa trabaho. Kahit naiinis ay wala siyang magawa kun'di sumunod. Kailangan niyang pakisamahan ang lalaki dahil parte ito ng trabaho niya.
Ngayon ay sabay silang naglalakad patungo sa conference room."Boss, you have a conference meeting at 10 A.M, lunch meeting at 12 p.m. You also have a contract signing at 5 P.M," Zandra informed while looking at the schedule plan. Nag-angat ng tingin si Zandra nang hindi ito nagsalita. Naabutan niya si Luke nakatingin sa cleavage niya. Napangisi siya at mas lalong inilahad ang dibdib. Napatingin ito sa kaniya at bakas ang gulat sa mga mata nito nang magtama ang paningin nila.Ngumiti siya dahilan para umiwas ng tingin si Luke.Luke nodded. "Okay."Nauna itong naglakad. Ngingisi-ngising sumunod naman siya.Sabay ang dalawa na pumasok sa conference room. Agad na natahimik ang lahat ng mga empleyado nang makitang pumasok si Luke sa loob. Umupo sa gitna si Luke habang siya naman ay nanatiling nakatayo sa gilid nito. Wala na kasing bakanteng upuan sa paligid.Nakita niyang luminga ng tingin ni Luke sa paligid bago siya nito nilingon.Kumunot ang noo nito."Why are you standing there?" parang yelong sabi nito habang mariin siyang tinitingnan.
Napakamot naman siya ng ulo bago ito kiming nginitian. "Wala na po kasing upuan, Sir." Napaasik ito. Sinenyasan ni Luke ang isang lalaki na kanina pa nakatingin kay Zandra. "You." Turo ni Luke sa lalaking kaagad nag-iwas ng tingin kay Zandra bago umayos ng upo.Inayos nito ang suot na salamin bago tumingin kay Luke na madilim ang matang nakatingin dito.
"S-Sir?" nauutal na anito."Stand up," malamig ang boses na utos ni Luke.Nagugulang tumayo naman ang lalaki."Give her your seat."
Nagulat si Zandra sa sinabi ng kaniyang Boss. Mabilis na umiling siya bago ikinumpas ang kamay, ipinapahiwatig na huwag na."No, I'm okay. I can stand here. You can take a seat." Tanggi ni Zandra.Namula naman ang lalaki bago inilahad ang upuan. "Uhm... okay lang po. Maupo ka na po rito, Ma'am."
Ramdam niya ang tingin sa kanila kung kaya kahit nahihiya ay umupo na lamang siya. Ayaw niya namang mag-inarte at paghintayin sila. Masasayang lamang ang oras ng lahat kapag ginawa niya iyon. Nang makaupo ay ramdam niya ang mga mapang-usisang tingin nila sa kaniya. Habang ang lalaking inagawa naman niya ng upuan ay nanatiling nakatayo sa gilid.
Tumikhim ang nakatayo sa gitna ng lamesa na lalaki. Ito 'ata ang magprepresent ng project sa kanila.
"So let's start now?" wika ng presenter sa pormal na tinig."Go ahead." Senyas ni Luke.Nakikinig ang lahat nang maigi sa nagsasalita sa harap. Habang nagti-take note siya ay may naramdaman siya na nakatingin sa kaniya. Nag-angat siya ng tingin at nakita ang isang lalaki na panay ang sulyap sa kaniya. Agad na nagtama ang paningin nila.Nagkatitigan sila. Ngumiti ang lalaki. Agad na nasilaw ang mata niya sa magandang ngiti nito. Hindi maipagkakailang guwapo ito lalo na kapag nakangiti ito. He has a soft feature and a beautiful smile. Halatang gentleman din ito. May pagka moreno ito at bahagyang nakataas ang buhok nito. He also has a nice set of eyes that are narrowed everytime he smiles. Sa kabuuan ay hindi maipagkakailang guwapo ito."Stop staring at my secretary and focus!" galit na sigaw ni Luke sa mga lalaking hindi rin maiwasang mapatingin kay Zandra.Napapahiyang nag-iwas ng tingin ang lalaking katitigan niya."Sorry, Sir," sabay na saad nila.Natahimik ang lahat. May iilan na napapatingin sa gawi nila habang ang iba naman ay nakapokus sa pakikinig.Mabilis na natapos ang meeting. Abala siya sa pag-aayos ng mga gamit at papeles nang lumapit sa kanya ang pamilyar na lalaki.
"Hi," nakangiting bati ng lalaking naka titigan niya kanina.Zandra looked at his face before she smiled back. Nakakahawa kasi talaga ang ngiti nito.
"Hi. May kailangan ka?" mahinang aniya.
"Gusto ko lang magpakilala. I'm Jeremy nga pala," anito bago inilahad ang kamay."Zandra," tipid na tugon niya bago tinanggap ang kamay nitong nakalahad.Bahagya pa nitong pinisil ang kamay niya bago binitawan. Nagpatuloy naman siya sa pag-aayos ng gamit. Isinilid niya sa bag ang mga importanteng dokumento na kakailanganin ng kumpanya habang nanatili naman ang lalaki sa tabi niya.
"Bago ka lang ba rito?"Hindi pa rin pala ito umaalis sa tabi niya.
"Yeah. 1 month, I guess." Kibit-balikat niya."Gano'n ba? Uhm.. puwede ko bang makuha ang number mo?" nag-aalinlangang tanong ni Jeremy dahilan para matigilan siya bago umayos ng tayo at hinarap ito."Why?" she asked.
Napakamot naman ito ng ulo bago nahihiyang nginitian siya. "Gusto ko lang makipagkaibigan kung okay lang sa 'yo."Napatango naman siya. "Okay-"
"No."Naputol ang akmang sasabihin niya nang biglang sumingit si Luke sa tabi niya.
Natigilan si Jeremy bago naguguluhang nilingon si Luke sa tabi niya."Sir?"
"Why are you flirting with my secretary?" matigas na tanong nito kay Jeremy."Gusto ko lang po makipagkaibigan-"Magpapaliwanag pa sana si Jeremy nang kaagad itong pinutol ni Luke.
"Tsk. Get lost. Find someone else to fuck."Pagkatapos sabihin iyon ay hinigit na siya ni Luke palabas. Pagkarating sa opisina ay agad na binitawan siya nito bago tumalikod. Kita niya ang mabilis na pagtaas-baba ng balikat ng kaniyang Boss na si Luke habang nakapatong sa magkabilang baywang nito ang kamay nito.
Bumuntong-hininga si Luke bago humarap kay Zandra.
"Why did you let him flirt with you?" madilim na tanong nito habang mariing nakatingin sa kaniya.Base sa reaksyon nito ay mukhang hindi nito nagustuhan ang nangyari kanina.
"I'm not flirting," walang reaksyong giit ni Zandra na pilit nilalabanan ang malalim na tingin ni Luke."Do you think I am blind?" sarkastikong tanong ni Luke. "Is it wrong if I socialize with other employees here?" nakataas ang kilay na saad naman niya.Luke grimaced. "Tsk. It is not socializing, it's flirting. And it was so obvious that he was hitting on you.""Well, it's not my problem anymore." Kibit-balikat niya.Napahinga ito nang malalim at inis na napasabunot sa buhok."Get out," madiin na utos nito sa kaniya.Kumunot naman ang noo niya dahil doon."Why? Is there any problem? Ano bang problema mo? Hindi naman niya ako nililigawan-"
"I said get out!" he shouted.Muntik nang mapatalon sa kinatatayuan si Zandra sa biglaang pagsigaw nito.Lumabas na lamang siya bago malakas na isinara ang pintuan.
PADABOG na nilapag ni Zandra ang mga papeles sa harap ng Boss niyang prenteng nakaupo sa Ceo's chair nito.
"Tapos na po ang pinapagawa niyo. May ipapagawa pa po ba kayo?" plastik ang ngiti na aniya sa lalaki.Isa-isa naman nitong tiningnan ang mga papeles na nilapag niya bago napatango."Good."Nakahinga siya nang maluwag bago ito matalim na pinukulan ng tingin.
"Puwede na po ba akong umalis?" nagtitimping aniya rito."Get me a coffee first," walang ganang utos nito habang binubuklat ang papeles.Napabuga ng malalim na hininga si Zandra. Gusto niyang irapan at murahin ang lalaki dahil kanina pa siya nito inaalila ngunit pinigilan niya na lamang ang sarili.Wala naman siyang magagawa. Afterall, ito ang palaging masusunod at palaging tama habang siya naman ay mananatiling sunod-sunuran sa Boss niyang hindi niya maipaliwanag ang ugali.
Ginawa na lamang niya ang utos nito at pagkatapos ay ibinigay niya ang kape rito. Ganoon na lamang ang panlalaki ng mata niya nang magtama ang kamay nila nang inilahad niya ang baso ng kape rito. May kung anong kuryenteng dumaloy sa dugo niya at sa hindi malamang dahilan ay biglang bumilis ang paghinga niya.
Tumikhim ito kaya dali-dali siyang napabitaw sa pagkakahawak sa baso. Kapuwa sila ngayon na hindi makatingin sa isa't isa. Hindi niya alam kung nararamdaman din ba nito ang naramdaman niya kanina.
'Bakit tila umiinit ang silid na ito?' tanong ni Zandra sa sarili.
"Uhm.. I think I should leave," naiilang na aniya pagkatapos ng ilang minutong katahimikan sa pagitan nila.
"Yeah…" mabigat ang hiningang usal nito habang mainit na nakatingin sa kaniya.Akmang lalabas na si Zandra nang tinawag nito ang pangalan niya."Zandra."
Tiningnan niya ito. Nagulat siya nang tumayo si Luke at naglakad papunta sa kaniya. Napasinghap si Zandra nang huminto ito sa harap niya dahilan upang maamoy niya ang pabango ng lalaki."Clean my office first before you can leave," Luke said. Agad na napaawang ang labi ni Zandra sa narinig.'Ano raw? Nagbibiro ba ito' aniya sa isip habang hindi makapaniwalang tiningnan ang kaniyang Boss na walang emosyong nakatingin sa kaniya.
"May janitor naman-"Mariing umiling ang lalaki habang naka igting ang panga. "No. I want you to clean this mess. I will leave now. Huwag kang magtangka na umalis dahil malalaman at malalaman ko rin iyan. Now, move."Nanatiling nakaawang lamang ang labi ko. Nilampasan niya ako at dumiretso sa pinto ngunit bago tuluyang umalis ay nagsalita siya.
"I'll leave now. Good night."Kasunod nito ay narinig na lamang niya ang pagsara ng pinto.
"Arggh! Buwiset!" Inis na napasabunot siya sa buhok nang mag-isa na lamang siya.
Akala niya ay makakapagpahinga na siya pagkatapos ang isang araw na nakatayo siya at panay ang sunod sa utos nito.
Nakasimangot na pinulot niya ang mga kalat sa sahig na alam niyang sinadya ng lalaki na ihulog. Ni hindi man lang niya ito napansin kanina nang pumasok siya dala na rin ng pagod at kagustuhang makauwi kaagad."Nakakainis naman ang lalaking iyon! Bangungutin sana siya!" inis na bulong niya sa hangin.
Nakasimangot lamang siya hanggang sa matapos. Habang tumatagal ay lalong lumalaki ang inis niya sa boss niya. Hindi niya alam kung ano ang problema ng lalaking iyon sa kaniya pero sana lang ay may maganda itong rason kung bakit nito ito ginagawa dahil hindi siya magdadalawang-isip na patulan ito kapag nalaman niya na pinaglalaruan lamang siya nito.
Luke was busy reading some documents when someone knocked on his door. "Come in," he said coldly. His eyes didn't leave the paper. Bumukas ang pinto at narinig niya ang tunog ng takong nito na unti-unting naglalakad papunta sa gawi niya. Napakunot ang noo niya nang maamoy ang pamilyar na pabango. "Good morning, Sir." That familiar voice. Nagkasalubong ang kilay niya at unti-unting nag-angat ng tingin. From the woman's black flat shoes to her pencil skirt, up to her white blouse. He scanned her whole body until his eyes stopped on her face. Napasinghap siya nang makita ang pamilyar na mukha na ito. None other than his ex-girlfriend. Matagal na rin simula nang magkita sila. He never thought of seeing her and now she was here, standing in front of him, looking so innocent. Nakatitig ito sa kaniya na para bang hindi siya nito kilala, na para bang wala itong nasaktang tao. His heart tightened and his jaw clench. Kumuyom ang kamay niya. "What are you doing here?" Luke said while look
"Kumusta lakad? Natanggap ka ba?" bungad sa kaniya ng kaniyang ina pagkarating niya sa bahay. Hinalikan niya ito sa pisngi at umupo sa bakanteng upuan bago tinanggal ang sapatos. Pumasok sa isip niya ang nangyari kanina. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang ang gulat sa mukha ng lalaking iyon nang makita siya kanina. Para bang kilala siya nito and to think that she never met him yet, he looks familiar. "Hindi pa po sigurado. Mag-sesend na lang daw po sila ng email kapag tanggap na ako," tugon niya bago tumungo sa kusina para uminom ng tubig. Sumunod naman ang mama niya sa kaniya. "Talaga? Nakakapanibago, usually kasi kapag alam nilang may experience ka sa ibang bansa, tanggap ka kaagad," takang sabi nito. Nagkibit-balikat naman siya "Ewan ko po. Baka naninigurado lang po, alam mo naman ang mga Pilipino, malaki ang trust issue lalo na't sinungaling talaga ang karamihan sa atin." Sinara niya ang ref bago uminom ng tubig. "Si Papa nga pala?" baling niya ina niya na nakahaluk
Mabilis na lumipas ang mga araw. Isang buwan na simula nang magtrabaho si Zandra sa kumpanya ni Luke bilang secretary nito. At sa loob ng isang buwan na iyon ay wala itong ginawa kun'di pahirapan siya. Araw-araw ay tambak ang gawain niya. Dagdag pa na panay ang utos ng Boss niyang si Luke ng kung ano-ano na wala namang kinalaman sa trabaho. Kahit naiinis ay wala siyang magawa kun'di sumunod. Kailangan niyang pakisamahan ang lalaki dahil parte ito ng trabaho niya.Ngayon ay sabay silang naglalakad patungo sa conference room."Boss, you have a conference meeting at 10 A.M, lunch meeting at 12 p.m. You also have a contract signing at 5 P.M," Zandra informed while looking at the schedule plan. Nag-angat ng tingin si Zandra nang hindi ito nagsalita. Naabutan niya si Luke nakatingin sa cleavage niya. Napangisi siya at mas lalong inilahad ang dibdib. Napatingin ito sa kaniya at bakas ang gulat sa mga mata nito nang magtama ang paningin nila.Ngumiti siya dahilan para umiwas ng tingin si Luk
"Kumusta lakad? Natanggap ka ba?" bungad sa kaniya ng kaniyang ina pagkarating niya sa bahay. Hinalikan niya ito sa pisngi at umupo sa bakanteng upuan bago tinanggal ang sapatos. Pumasok sa isip niya ang nangyari kanina. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang ang gulat sa mukha ng lalaking iyon nang makita siya kanina. Para bang kilala siya nito and to think that she never met him yet, he looks familiar. "Hindi pa po sigurado. Mag-sesend na lang daw po sila ng email kapag tanggap na ako," tugon niya bago tumungo sa kusina para uminom ng tubig. Sumunod naman ang mama niya sa kaniya. "Talaga? Nakakapanibago, usually kasi kapag alam nilang may experience ka sa ibang bansa, tanggap ka kaagad," takang sabi nito. Nagkibit-balikat naman siya "Ewan ko po. Baka naninigurado lang po, alam mo naman ang mga Pilipino, malaki ang trust issue lalo na't sinungaling talaga ang karamihan sa atin." Sinara niya ang ref bago uminom ng tubig. "Si Papa nga pala?" baling niya ina niya na nakahaluk
Luke was busy reading some documents when someone knocked on his door. "Come in," he said coldly. His eyes didn't leave the paper. Bumukas ang pinto at narinig niya ang tunog ng takong nito na unti-unting naglalakad papunta sa gawi niya. Napakunot ang noo niya nang maamoy ang pamilyar na pabango. "Good morning, Sir." That familiar voice. Nagkasalubong ang kilay niya at unti-unting nag-angat ng tingin. From the woman's black flat shoes to her pencil skirt, up to her white blouse. He scanned her whole body until his eyes stopped on her face. Napasinghap siya nang makita ang pamilyar na mukha na ito. None other than his ex-girlfriend. Matagal na rin simula nang magkita sila. He never thought of seeing her and now she was here, standing in front of him, looking so innocent. Nakatitig ito sa kaniya na para bang hindi siya nito kilala, na para bang wala itong nasaktang tao. His heart tightened and his jaw clench. Kumuyom ang kamay niya. "What are you doing here?" Luke said while look