Sheldon looks mature now. Hindi man sa itsura pero siguro sa pag-iisip. Napansin ko rin na parang nag-iingat na siya sa kanyang galaw. Ano nga ba ang nangyari kay Sheldon sa nakalipas na apat na taon?
“I hope you like the food,” he said. “You also like to drink wine?”
Hindi ako sumagot at saka subo lang nang subo. Natawa siya nang napansin niya na parang nagmamadali ako. Of course, sino ba ang gustong makasama ang lalaking ito na parang wala lang nangyari rati?
Hindi ako bitter, pero hindi na dapat kami nagkikita ng ganito.
“You sure are a fast eater, huh? Or you are just excited to get off my sight,” mapait niyang sinabi.
Natigil ako at agad kinuha ang tubig sa tabi nang naubo ako. Nakita ko ang pagtayo niya at paglapit niya sa akin. Napasinghap ako nang umupo siya upang magka-level ang mukha namin at saka kumuha ng tissue. Siya na mismo ang nagpunas sa tubig na lumabas sa bibig ko at kanin.
Nagulat ako s
“It’s nice to see you again, Hija!”Ngumiti si Tita Ruffa sa akin at saka niyakap ako.“Ikaw din po,” balik kong sinabi at saka inaya sila na umupo sa malaking sofa na narito sa opisina ko.Inutusan ko rin si Venice na kumuha ng meryenda. Biglaan ang kanilang pagpunta rito kaya hindi ako nakahanda.Umupo ako sa tapat nila.“M-May kailangan po ba kayo?” nag-aalinlangan ko na tanong.Tahimik lang si Tito Antonio sa gilid ni Tita Ruffa. Parang napilitan pa yata siyang nagtungo rito samantalang si Tita Ruffa naman ay nakangiti sa akin.“Masama bang bisitahin ang aking daughter-in-law?”Napasinghap ako at humigpit ang kapit ko sa damit ko. Tumawa siya muli at saka ininom ang kape na hinanda ni Venice para sa kanila.“Tita…”“Alam mong miss na miss na kita, lalo na ang anak ko. Nangungulila sa iyo. Masaya ako na nakabalik ka na
Napahanga ako sa mga nag-plano sa event na ito. Nasa loob pa lang ako ng sasakyan pero kinakabahan na ako sa paglabas ko. Hindi ko pa suot ang maskara ko at pinagpawisan pa ang kamay ko.“Nanay, hindi talaga ako sanay na iniiwan si Shelo sa gabi,” sabi ko kay Nanay at nanginginig pa ang paa ko.Hinawakan ni Nanay ang kamay ko. “Tulog na si Shelo, anak. Huwag kang mag-alala, tatawag naman ang yaya kapag may nangyari.”Tumango ako at saka bumuntong-hininga. Pareho kami ng kulay ng gown ni Nanay kaya itim na itim na kami. Isama pa natin ang kotse na sinasakyan namin.“Ngayong araw na ako opisyal na magpapakilala sa lahat,” sabi ko sabay baling sa may bintana. “Ako na ang magpapatuloy sa mga hindi natapos ni Papa, Nay. Hindi ko siya bibiguin.”Nang binalingan ko si Nanay ay ngumiti siya sa akin. “Sigurado ako na proud sa iyo ang Papa mo. Hindi mo siya binigo, anak…”Napangiti na
Lumabas ako ng hotel at nagtungo sa maliit na park dito sa Azura na malapit lang sa venue. Tumutulo pa rin ang luha ko habang matamlay na papatungo sa may bench.Hinubad ko ang maskara ko at saka nang nakarating ay umupo sa may bench. Tumingala ako sa kalangitan at saka paulit-ulit na suminghot.Siguro dito na lang talaga magtatapos ang kwento. Hindi ko na rin naman kasi kayang makasama siya lalo na ngayon na alam ko na ang dahilan. He just did it for me. He’s just trying to save me and yet…Ibinaba ko ang aking tingin at saka tinakpan ang aking mukha gamit ang aking mga palad. Humagulhol ako hanggang sa nailabas ko na ang bigat sa aking dibdib.Ako ang nasasaktan para sa anak ko. Wala talaga akong kwenta. Pinunasan ko ang luha ko at saka pinagtagpo ang kamay ko. Nakaramdam ako ng lamig kaya niyakap ko ang aking sarili.Kapag maghihiwalay na kami, babalik na ako sa abroad.Bumuga ako ng hangin at saka naisip na naman ang anak ko
Tulala ako habang nakatitig sa salamin. Hinubad ko na ang aking hikaw at iba pang mga nasa katawan ko. Mugtong-mugto ang aking mata kakaiyak at hindi pa rin mawawala ang kaba sa dibdib ko.Nakatulog na si Shelo kalaunan na may ngiti sa labi. Pinangako ko kasi sa kanya na magkikita sila ng Daddy niya, pero ang hindi alam ni Shelo ay nakita na kami ng Daddy niya. Maghihiwalay na kami at pinapakawalan na namin ang isa’t isa pero masyadong mapaglaro ang tadhana.Ano na kaya ang iniisip ni Sheldon ngayon? Nakita niya ako na may hawak na bata at natatakot ako na kukunin niya ang anak ko sa akin.Suminghap ako at saka sinuklay ang buhok ko. Kahit kabang-kaba na ako ay may positive thinking pa rin sa akin. Pero mas umusbong talaga ang takot. Kung tanggap man niya, masaya ako para sa magiging anak ko, kung hindi niya matanggap, magiging malungkot ako para sa anak ko at kapag tanggap niya pero kukunin niya sa akin si Shelo, baka mabaliw ako.Natigilan lang ak
Noong bata pa ako, pinangarap ko na makapunta ng Mall kasama ang Nanay ko. Noong bata pa ako, pinangarap ko na makakain ng masasarap na pagkain. Pinangarap ko na makapunta sa matatayog na building at higit sa lahat, pinangarap ko na magkaroon ng maraming pera.Masaya ang anak ko na bumaba sa sasakyan. Hawak-hawak ko ang kanyang kamay habang may bodyguards sa likod namin. Pinagtitinginan kami ng mga tao at ang iba ay nagbubulong-bulungan.Siguro nagtataka sila kung bakit may hawak ako na bata. Hindi ko naman tinatago ang anak ko, sadyang ayaw ko lang din siya madamay sa gulo. Kay Sheldon ko lang naman siya tinatago, eh.“Mommy! I want balloon!” Tinuro niya ang isang airplane na balloon na hawak-hawak ng isang lalaki.“Shelo, pasok muna tayo sa loob,” I said at saka tuluyan na kaming pumasok sa loob ng mall.Sobrang kulit ng anak ko na kailangan pa ni Nanay na hawakan din si Shelo. Kung ano-ano na lang ang tinutu
“Mommy, where did you go?”Niyakap ako ng anak ko nang makabalik ako. Kumakain na siya ng ice cream ngayon habang ang isang kamay niya naman ay may hawak na bagong laruan.Umupo agad ako sa tabi ng anak ko at saka mabilis siyang niyakap. Nakita ko naman ang mapanuring tingin ni Nanay sa akin. Batid niya siguro na may masamang nangyari dahil kapag ganito, niyayakap ko ang anak ko.Kinagat ko ang labi ko at saka binalingan ang anak.“Shelo, you want to go somewhere else?” Sinubukan kong pasiglahin ang boses ko. “You want to eat fried chicken? Pizza?”Sunod-sunod ang aking pagtanong para maiwala ko ang kanina. Hindi ko na dapat iniisip ang lalaking iyon.“Mommy, I want to meet Daddy!”Namilog ang mata ko at agad binalingan si Nanay na nagulat din. Napalunok ako at hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.“Shelo,” tawag ko sa kanya. “Daddy is not here&hellip
Ilang araw ang nakalipas, nabalitaan ko na lang na nagpapadala ng bulaklak si Sheldon sa bahay namin ngunit hindi man lang nag-stay.Ilang araw na ang nakalipas matapos siyang lumuhod sa harapan ko at paulit-ulit na humingi ng tawad. Ilang araw din akong hindi nakatulog dahil doon. Marami rin akong napagtanto.Masyado akong naging bulag at hindi ko man lang nakita ang paghihirap niya. Naging selfish ako at hindi ko siya pinakinggan.While he was doing his best just to make me safe back then, ako itong tangang hindi nakikinig sa kanya. Pinagkaitan ko pa siya ng anak at hindi ko man lang nasabi sa kanya ang totoong nararamdaman ko.Kumalabog nang husto ang puso ko nang nabasa ko ang sticky note na hawak ko na galing sa bulaklak.‘Good Morning, I hope you have a great day. I am still hoping that you will meet me with our son when you’re ready.’ -Sheldon.Napalunok ako at saka napahapl
“Sigurado ka ba, Alexa?” nag-aalalang tanong ni Nanay nang nasa sala na kami ng anak ko.Sinabi ko kasi sa kanya na ngayon kami magkikita ni Sheldon kasama ang anak ko. Ito namang si Nanay ay inaalala pa ako.“Nay, para kay Shelo po itong ginagawa ko,” sabi ko sa kanya.Umiling siya sa akin. “Hindi naman iyon ang inaalala ko. Ang inaalala ko ay iyang puso mo…”Natigilan ako.Somehow, nabawasan nang kaunti ang guilty sa akin dahil sa gabing iyon. I still can’t face him, even his family pero ginagawa ko ito ngayon para sa anak ko. May karapatan naman siya at ilang taon ko iyong pinagkait sa kanya.“Nay.” Bumuntong-hininga ako. “Okay lang ako, Nay. Ang mahalaga po ay magiging masaya ang anak ko sa araw na ito. Karapatan din naman ni Sheldon ang makilala ang anak niya.”Tumayo na ako at binalingan si Shelo.“Shello, are you excited to meet Daddy?”
Special Chapter 1.2 Tahimik na inilapag ko ang bulaklak sa puntod ni Papa. Pinalis ko ang luha sa aking mata habang nasa tabi ako ni Sheldon. Ang kanyang kamay ay nakaakbay sa akin habang ang isa ay may dala ring bulaklak. Nang nangibabaw ang aking emosyon ay sumandal ako sa kanyang balikat. "I know your dad is in a good place." Tumango ako. "Alam ko." "And why are you crying? Miss mo na?" Tumango muli ako habang ang tingin ko ay nasa puntod ni Papa. "H-Hindi ko man lang siya nakasama nang matagal," I said. "Gustong-gusto ko pa naman siyang makasama nang matagal." Suminghap ako nang tumulo muli ang luha sa aking mga mata. "If I have know na may ganoon pala siya na sakit dati ay sana kinapalan ko na ang mukha ko." "Shss..." Pinalis ko muli ang luha sa aking mata at napatingin sa ina ko na ngayon ay tahimik na sa kanyang puwesto. I know that she was
Special Chapter Tatlong taon na ang nakalipas simula nang nangyari ang lahat. Masaya ako na nasa tamang kalalagyan na ang lahat. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin limot ang mga pinagdaraanan ko. Kung paano ako naghirap hanggang sa nalaman ko ang isang bagay na nagbabago ng pag-ikot ng buhay ko. "Alexa, let's sleep, hmm?" Gusto ko nang bumangon mula sa pagkakahiga dahil paghahandaan ko pa sila ng makakain ngunit masyadong makulit itong asawa ko at mas gusto pa yatang humiga pa sa kama kahit sumisikat na ang araw. "Sheldon..." Nilingon ko siya. "Alas otso na. Baka gutom na si Sheldon." "May yaya, please my wife. Sa akin ka na lang muna ngayon kahit ngayong araw lang, hmm? Pagod ako sa work." Umirap ako. "Sinabi ko ba na magpagod ka?" Humalakhak siya at mas lalong isinisiksik ang kanyang sarili sa akin. "Hindi...Pero maaga kong tinapos ang lahat ng mg
“Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday! Happy birthday! Happy birthday to you!” “Blow the candle, Shelo!” “Yes, Mommy!” And when he blew the candle, the visitors clapped their hands. Lumapit ako kay Alexa at hinalikan siya sa pisngi. “Uy, huwag ka ngang manghalik diyan! Maraming tao at birthday pa ng anak mo!” saway niya sa akin. I chuckled and looked at our little boy who resembled to his Mommy. “Happy birthday, Shelo,” I said and kissed his cheek. “Thank you, Daddy!” masayang sambit ni Shelo and he hugged me. “You’re welcome and thank you for existing,” makahulugan kong sinabi at sinulyapan ko ang pinakamagandang babae sa mata ko. She was entertaining the guest and she was smiling. The whole Azura was shocked when they knew that Alexa already had a child. I think Alexa already knew how to handle such issues calmly. My wife is so great that I want to marry her again in front of th
I gave him a chance. Napangiti na lamang ako nang sinalubong ako ng isang halik sa noo nang mag-umaga. Inilahad niya sa akin ang kanyang dalang bulaklak. “Flowers for my wife,” aniya. Ngumiti ako at saka tinanggap ito. “Maraming salamat!” “Sobrang maaga naman yata ang pagbisita mo, hijo?” si Nanay sabay halakhak. “Tulog pa nga ang apo ko.” Ngumiti lang si Sheldon kay Nanay at saka bumalik ang kanyang tingin sa akin. “I hope you like the flower.” “G-Gusto ko…” “Pasok ka muna sa loob, hijo. Kumain ka na ba ng umagahan?” tanong ni Nanay. Kinuha ko na ang kamay ni Sheldon at saka hinila na siya sa loob. Last night was our moment. I gave him a chance and I think he deserves it. Habang papatungo kami sa sala ay naramdaman ko ang pagdaos-os ng kanyang kamay patungo sa kamay ko. Umawang ang labi ko at napasinghap nang pinagsiklop niya ito. “Nay, I am going to ask her out. Can you please let us have some
Nakaupo kaming lahat sa sala. Si Nanay, si Tita Ruffa, Tito Antonio, ako, si Sheldon at si Shelo.Ang anak ko ay walang kamalay-malay habang nakatitig sa kanyang Lolo at Lola. Ibinaba ni Tita Ruffa ang tasa at saka tumikhim.“I am sorry for the surprise visit,” sabi ni Tita Ruffa sabay baling kay Nanay. “It’s been a while, Alejandra. Mukhang hindi ka pa rin talaga nagbago, mabait ka pa rin.”Binalingan ko si Nanay upang makita ko ang reaksyon niya at nagulat ako nang nginitian ito ni Nanay.“Alexa…”Napasinghap ako at agad-agad siyang binalingan.“P-Po?”Naramdaman ko ang palad ni Sheldon sa bewang ko at hinaplos-haplos niya ito upang pakalmahin ako. Napalunok tuloy ako.“I am so sorry for what I said back then,” aniya sabay ngiti sa akin. “I never intended to hurt you like that. I hope you are not going to ignore me anymore.&rdqu
Kahit na masama ang pakiramdam ko, hindi ko hinayaan na maapektuhan ang outing namin dahil lang sa nararamdaman ko.“Mommy, you are not sad anymore?” tanong ng anak ko at nagulat ako nang sinapo niya ang noo ko. “You are not sick too…”Ngumuso ako at ginulo ang kanyang buhok.“I am not sad anymore because you are here,” sabi ko sa kanya.“Yeahy!”At napangiti ako nang niyakap niya ako sa leeg.“Shelo will not leave your side, Mommy!”“I will not gonna leave by your side too, Shelo,” I said and kissed him on his cheek.Naging masaya na ulit ang 3 days outing namin. Marami ring pictures si Shelo dahil nalibot namin ang buong resort.At ngayon, ngayon na ang araw na uuwi kami ng Azura.“Mommy! I want to swim on the pool when we went home!” kwento ni Shelo habang kumakain siya ng chocolate sa backseat.Hanggang ngayon ay
Nasa may tea shop kami nagtungo sa resort na ito. Hindi ko akalain na nagbabago na ang babaeng ito. Mula sa pagiging artem nagiging simple na lang. Hindi ko talaga maatim na kasama niya ang anak ko kanina.Takot na takot ako na baka na may nangyari sa kanya tapos kasama niya pala ang babaeng ito. Hindi ko nga alam at baka may ginawa ang babaeng ito sa anak ko.Binaba niya ang kanyang baso at saka tumikhim.“H-Hindi ko alam na nandito ka na pala,” panimula niya at binalingan ang anak ko. “At hindi ko akalain na anak mo ito.”Tinaasan ko siya ng kilay at humalukipkip. “Wala ka bang TV?”Mahina siyang natawa at saka bahagyang yumuko. “Wala na akong panahong mag-TV.”Umawang ang labi ko. “At bakit mo kasama ang anak ko? May ginawa ka bang masama sa kanya?”Umiling siya at tiningnan muli ang anak ko. “Hindi ko alam na anak mo pala siya. Lumapit kasi siya sa akin nang dumaan
“Mommy, look!”Nag-angat ako ng tingin sa anak ko. Hapon na at narito pa rin kami sa tabing dagat.Nakita ko na may dala ng star fish si Shelo habang papalapit sa akin.“Star fish!” maligaya niyang sinabi.Napangiti na lamang ako.“Daddy, you love star fish?”Ngumuso ako at saka binalingan si Sheldon na nakaupo sa buhangin.“I love your Mommy!” sambit ni Sheldon sabay angat ng tingin sa akin.Nanlaki ang mata ni Shelo at saka napawi ang kanyang ngisi. Naibaba niya rin ang star fish at saka binalingan si Sheldon.“I love Mommy!”Sheldon chuckled. “I love your Mommy too!”“Mommy is mine!”“She’s my wife!”“No! I love Mommy more!” hindi pagpapatalong sabi ni Shelo.“I love her and she loves me—”“Tama na nga iyan! Mukha kang bata, Sheldon!”
“Mommy! Hurry up!”Nagbihis na ng panligo ang anak ko at ngayon, sobrang excited na siyang lumabas.“I’m gonna change first!” I said.Akmang papasok na sana ako sa banyo ngunit aksidente kong nabangga si Sheldon na kalalabas lang din ng banyo.“S-Sorry!”“Where are you going?” Topless na ngayon si Sheldon.“Um, magbibihis. Maliligo na kasi si Shelo ng dagat,” sabi ko.Nagbaba ng tingin si Sheldon sa dala kong swim suit na kulay pula. Nagsalubong ang kanyang kilay ngunit wala siyang sinabi. Tumabi siya para makapasok ako sa loob ng banyo. Akala ko pa naman ay may sasabihin siya sa susuotin ko. Mabuti na lang ay wala dahil hindi ko rin hahayaan na pagbawalan ako.Matapos kong magbihis ay lumabas na ako at medyo nahiya nang nakita ko si Sheldon na nakahiga sa kama. Umawang ang kanyang labi nang nakita niya ako. Nakita ko ang pagpasada niya ng tingin sa akin mula ulo