Kumatok muna siya bago pumasok ng kwarto. Mula sa pinto ay nakita niyang abalang nagbabasa ng mga papeles si Hellios. Ni hindi man lang ito nag-angat ng tingin sa kanya. Hindi niya tuloy alam kung papaano niya sasabihin dito na makikipagkita siya kay Ivan ngayong umaga.
"B-Busy ka ba?" Tanong niya dito.
Hindi parin umimik ang lalaki, at nagpatuloy lang sa pagbabasa. Parang wala itong naririnig kung balewalain siya nito.
"Ahm... G-Gusto ko lang sanang magpaalam."
Natigilan si Hellios nang makita ang namumutlang mukha ni Santina. Nagpaalam ito kanina na aalis para makipagkita kay Ivan na kaibigan umano nito. Hindi niya alam kung ano ang nangyari sa dalawa at ganito ang itsura ng asawa niya pag-uwi ng bahay. Hindi niya ito kinikibo nitong mga nakaraan na araw. Nahihirapan man sa sitwasyon nila ay tinitiis niya. Lalaki din siya. May pride na inaalagaan. Kaya lang binababa niya iyon para sa asawa niya. Masakit isipin na kahit ginawa na niya ang lahat para kay Santina ay hindi pa rin iyon naging sapat para dito. Mas gusto pa rin nitong lumayo sa kanya at iwan siya mag-isa.
Abala si Hellios sa pag-aasikaso ng mga papeles na gagamitin niya sa meeting ng biglang pumasok si Bianca sa opisina. Sa likod nito ay ang sekretarya niyang hingal na hingal at magulo ang buhok habang nakangiwing nakatingin sa kanya. "Hindi ba sinabi ko na sayo. Ayoko nang disturbo." Malamig na sabi niya sa babae. Namumula ang mukha nito at magulo din ang buhok nitong parang tinuka ng maraming manok. Mukhang nag-away pa yata ang sekretarya niya at si Bianca. He wil remind himself to give her another bonus dahil sa ginagawa nitong pagpigil sa Ex-girlfriend niya. "Pinigilan ko po siya, Sir. Sinabi ko na po na ayaw niyo ng bisita pero nagpumilit pa rin po siyang pumasok dito." Sumbong sa kanya ng secretary niya. "Sino ka para pigilan ako? Hindi mo ako kilala? Ako ang girlfriend ng boss mo!" Mataray na sigaw dito ni Bianca. "Sa pagkakatanda ko po ay may asawa
Naglalapag siya ng mga pinggan sa lamesa ng biglang pumasok ng kusina si Hellios. Mukhang kagagaling palang nito sa trabaho dahil na rin sa nakasuot pa rin ito ng business suit ng pumasok sa kusina. Blanko ang mukha nito ng tingnan ang mga platong nilagay niya sa lamesa. Medyo awkward dahil hindi talaga siya nito iniimik. Kahit noong nasa ospital ito ay hindi pa rin ito umiimik. Mabuti na nga lang at hindi rin nito kinakausap si Bianca. Kung hindi ay magmumukha siyang tanga sa harap ng bruha.Nginitian niya ito. "Kumain ka na ba? Naghanda ako ng Menudo. Kung gusto mo sumalo kana sa amin ni Brio maghapunan." She said in a friendly tone.Pakiramdam niya ay nanigas ang mga panga niya sa kakangiti dito. Dahil ilang minuto ang lumipas sa pagitan nila ay hindi pa rin ito nagsasalita. Pagkuway bigla nalang itong tumalikod sa kanya at luabas ng kusina.Doon lang siya nakahinga ng maayos. Hindi niya napansin na kani
She dresses to impress when she wears her new Christian Dior midnight blue dress for her dinner date with Hellios tonight. She did not notice that she was already smiling in front of the mirror while playing her favorite Taylor Swift song on the disc player. She wore her long brown hair loose in the back and wore light eyeshadow and lipstick. She didn't put on too much makeup because Hellios said that she was more attractive with her light makeup.Natigil lang siya sa kakaikot sa harapan ng salamin nang pumasok si Mang Gerry para ipaalam sa kanya na dumating na si Hellios mula sa opisina. Tumango siya dito at tumayo na para lumabas ng kwarto. Halos matalisod pa siya sa kakamadali para lang mauna kay Gerry na sumalubong kay Hellios sa sala.Kaagad na lumiwanag ang mukha niya nang makita itong nakatayo malapit sa pintuan sa sala. Nang mag-angat ito n
"B-Bakit ka nakatingin ng ganyan?" Nauutal na tanong niya rito.Kanina pa sila naka-order at kanina pa din siya naaasiwa sa paraan ng pagtingin nito sa kanya. Dinala siya nito sa isang fine dining restaurant kung saan personal na kakilala nito ang chef na isang sikat na celebrity din pala."Just like what I've always said, you are beautiful, Santina." Anito sa kanya habang malamlam ang mga mata na nakatitig sa kanya, Imbes na matuwa sa sinabi nito ay parang nalungkot pa siya sa sinabi nito. Para kasi itong nagpapaalam sa kanya.Hindi niya alam kung napapraning lang ba siya kaya kung ano-ano ang napapansin niya dito o naninibago lang siya dahil kinikibo na siya ulit ni Hellios."Thank you.""How was your friend?" Biglang tanong nito sa kanya."Sinong kaibigan?" Nangunot ang noo niya sa tanong nito.
Kanina pa siya hindi mapakali habang palakad-lakad na naghihintay sa labas ng mini-office ni Hellios. Dumating si Ivan sa bahay kaninang umaga, at hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalabas ang dalawang lalaki mula sa loob ng mini office ni Hellios.Sinubukan niyang idikit ang tainga sa pinto ng kwarto para may marinig ang pinag-uusapan ng dalawang lalaki pero wala siyang marinig.Hindi niya napaghandaan ang biglang pagbukas ng pintuan kaya pagbukas niyon ay kaagad na natamaan ang mukha niya. "Ouch!" Reklamo niya pagkatapos tamaan ng pintuan sa mukha. Hinilot niya ang ilong at noo na mukhang magkakabukol pa yata.Mula sa pagkakasalampak sa sahig ay nakita niya ang isang kamay at inabot iyon para makatayo. Ang gulat na mukha ni Ivan ang una niyang nakita. Medyo nadismaya siya dahil ang buong akala niya ay kamay iyon ng asawa niya."Thank you." Nahihiyang sabi niya rito. Ngumit
Hebrio's eyes lit up when he saw the clear blue sea of Amanpulo. It was breathtakingly beautiful, with its soft waves and warm breeze. It was like a taste of heaven. So peaceful and serene, so perfect for her introverted nature. She could read her favorite romance pocketbooks here while her son was swimming in the sea with his father. Hellios really did a good job of finding a place where they could enjoy their family bonding peacefully. She missed this kind of life with him.Naalala niya ang mga panahon na nasa Palawan silang dalawa. She thought he was already in love with her before, dahil sa mga ipinapakita nitong kabutihan sa kanya dati. Tama nga talaga ang kasabihan na less exp
Nakatulog na si Brio sa sobrang pagod. Namumula ang balat nito mula sa maghapon na paliligo sa dagat. Nakalimutan na nga nitong maghapunan, at natulog nalang pagkatapos niyang paliguan kanina sa shower.Ngayon lang niya nakitang ganito kasaya ang anak niya. Kadalasan kasi ay nakatutok lang ito sa libro, kung hindi naman ay nakikipag-chess sa Tito Ivan nito sa sala nila maghapon. She never thought that they could enjoy the beach together. Labis-labis ang pasasalamat niya kay Hellios sa ginawa nito para sa kanilang mag-ina. Buong hapon itong nakipaglaro sa anak nila sa dagat. Wala itong reklamo. Sino ba namang mag-aakala na ang seryoso at masakit na magsalita na si Hellios ay mahilig pala sa bata."Let him sleep peacefully, honey. Kumain na tayo dahil kanina pa ako nagugutom." Ungot sa kanya ni Hellios na hindi niya namalayan na nakabihis panlakad na pala.Napataas ang kilay niya ng may in