EVERYONE strolled up at their fastest pace carefully. Habang tumataas ay nagiging mahirap ang daan. The temperature was hotter as they went up. Halos hindi na rin niya mabilang sa daliri ang mga Shadow na nakasalubong nila at napatay nila habang paakyat.
They were in the last part of the Labyrinth a few kilometers away from the fortress when they encountered higher Shadows. The fight was risky. Muntik nang makatakas ang dalawang nakarahap nila mabuti na lang at agad nilang naabutan ni Zenus. Halos magkasabay na tumama ang mga espada nila sa leeg ng dalawang Shadow at sabay na tumumba. Itinago nila sa madilim na bahagi ang mga katawan ng kalaban na napaslang nila. Airoh quickly burned their dead bodies.
Ilang sandali pa silang naglakad paakyat at narating din nila ang paanan ng dalawang higanteng watchtower. Nagkalat ang malalaking bato sa paligid dahil sa pagkasira ng matayog na gusali sa gitna. Rieska did those horrible damages. Kahit paano ay nakuha niy
THERE was a complete disorder when Airoh released his black fire. Gayundin si Zenus, hindi ito nangiming pigilan ang itim at pulang usok na nagmumula sa mga kamay nito na dumadaloy sa dalawang espada. Pilit nilang kinukuha si Rieska pero hindi nila maigalaw. Mayroong nakatagong mahika si Esdras sa katawan ng reyna.Furcas attacked them. Pinakawalan nito ang itim na elemento ng hangin na agad nilang nasalag. Alam ng hari ang uri ng kapangyarihan nito. Any living being who touched his dark air would suffer extreme torture from the mind.Tumulong sina Shax at Lahash sa pag-atake ni Furcas. Pero mabilis ang naging kilos nila ni Zenus at naiilagan ang kapangyarihan ng mga ito.Esdras was just standing in the air like a spectator. Nanatili lang itong nakatingin sa paligid at wala man lang bakas ng pagkabahalang makikita sa mukha.Ito na ang totoong simula ng digmaan. Lumabas sa pinagkukublihan ang kanyang mga kasamahan. Some fought on the ground a
“YOU’RE a fool, Airoh. Kahit pa makuha niyo si Rieska rito, hindi na siya magigising hangga’t nasa ilalim siya ng kapangyarihan ko. You know my gift, I am the only one can wield—the magic of unhealing.”“Bring her back to me!” dumadagundong sa paligid ang tinig ng hari. Kahit hindi iyon alintana dahil sa malakas na palitan ng tunog ng espada at iba-ibang uri ng mga mahika.Tumawa nang malakas si Esdras. He widely spread his arms, and suddenly they were surrounded by the red smoke.“I’m tired of playing around. Any last words from you?” Inisa-isang tiningnan ni Esdras ang mukha ng kanyang mga kaibigan. Zenus was heavily wounded on the ground. Pilit itong itinatayo ni Harewyn, he just shifted from his animal form.Natigilan si Esdras nang biglang bumulaga sa ere ang pinaghalong asul at dilaw na liwanag na nagmumula sa isang pakpak. Si Zuaine! She just transformed into her other form.
UNTI-UNTING dumilim ang paningin ni Airoh. He was trying to catch his breath. Nakita pa niya sa paligid ang mga kasamahan niyang nakahandusay. Hindi pa rin natatapos ang labanan. Maging ang higate ay lumipat ng dereksyon dahil sa mga diwatang kasama ni Zuaine sa himpapawid.Apat sa walong High Sentinels ni Esdras ay duguan din na nakahandusay.Yerie, please let my friends live…and my queen.Umiikot ang paningin ni Airoh. Paisa-isa na rin ang kanyang paghinga habang nakayakap kay Rieska. They were both lying on the ground. Pasalamat pa rin siya sa maraming kawal mula sa Ebryae na nakapalibot sa kanila. They were still fighting and holding the line for them.Sorath…give me enough power to fight.He called to his deity again. Minsan na siya nitong tinulungan at alam niyang sa pagkakataong ito ay hindi siya nito bibiguin.But Sorath failed to help him this time. Hindi ito nagpakita kahit paulit-ulit
BIGLANG napasinghap si Airoh. Punong-puno ng hangin ang dibdib niya. He shuddered because of pulsating sensation of power moving inside his body. Nababalot siya ng nakasisilaw na liwanag. Mayroong puwersang hindi niya mapigilan na nagmumula sa kaloob-looban ng katawan niya.He screamed when his entire body trembled. Lumulutang ang katawan niya sa ere habang nakapaloob sila sa pabilog na liwanag. Nanginginig ang kanyang buong katawan at damang-dama niya ang pagbabago ng kanyang anyo. He was shifting into his higher form!Ngayon lang ito nangyari sa kanya. He was never aware that he possessed this kind of ability. Unti-unting naging platinum white ang kulay ng buhok niya. Hinawakan niya ang sentido dahil parang puputok iyon sa sobrang sakit. Natigilan siya nang makapa ang isang korona—a royal headband. It was a gold diadem with a sun emblem.Mas naging matingkad ang kanyang gintong mata at nag-uumapaw sa bawat himaymay ng ugat niya ang kapangyarihang kahit siya ay hindi matantiya kung g
NAGULAT si Winzi nang biglang sumulpot si Harewyn sa kanyang kinaroroonan. He was in in his beast appearance, which he immediately shapeshifted back to his faerie form upon seeing her. Kasalukuyan kasi siyang naroon sa malalim na kagubatan ng Noyuh at malalim na nag-iisip dahil sa kasalukuyang sitwasyon. “Anong ginagawa mo rito?” Inihanda niya ang sarili. Agad na kuminang ang kanyang marka sa noo. Hindi siya basta dapat magtiwala kahit kanino. Kahit pa sa diwatang ito. Lalo na ngayon at hindi lingid sa kaalaman ng lahat na wala sa Erganiv ang katapatan nito. “Calm down, princess!” magiliw na wika ni Harewyn. Pero hindi nito napigilan si Winzi na gumawa ng katamtamang laki na magic circle. It swirled on her right palm. “I don’t trust you.” Hindi naman nabagabag si Harewyn sa inasal ng diwata. He even stretched both his arms as if preparing to be hit. “Do it then. We need to talk. I hope you have heard about what happened to the queen, and she needs your help.” Awtomatikong naglaho
HINDI mapakali si Airoh habang nagsimula si Winzi sa patingin sa kalagayan ni Rieska. The Princess of Alsache just came back after sending her brother back home. Bumalik naman ito kaagad gaya ng ipingako nito. Pero hindi lingid sa kanyang kaalaman na nagluluksa ang buong Alsache dahil sa nangyari sa susunod na tagapagmana. Airoh trusted Winzi’s skills in healing. Lalo pa at galing na mismo kay Harewyn ang rekomendasyon na malaki ang maitutulong nito para bumalik ang kanyang reyna sa normal. Tumingin sa kanya si Winzi matapos ang ilang sandali. Naglaho ang puting liwanag sa palad nito na siyang pumapailalim sa walang malay na reyna. Malakas ang kabog ng dibdib niya dahil kitang-kita sa mukha ni Winzi ang matinding pagkabahala. “Ano ang nakita mo?” “Hindi ko inaasahan na ganito kakumplikado ang kalagayan ng reyna. Mukha naman siyang maayos nang una ko siyang tiningnan nang nakaraang araw. Pero ngayon ko lubos na napagtanto na bawat himaymay ng kanyang ugat ay nakapaloob ang mahika.
NANGINGINIG ang mga kamay ni Aserah habang binubuo ang isang magic circle gamit ang kanyang dugo. She did not join the alliance, and she knew the drawback for doing so. Alam niyang malaki ang magiging epekto niyon sa Mirasaen at sa buong Noyuh. Mapapahamak ang kanyang nasasakupan dahil tiyak na maiipit sila sa digmaan. Kaya kailangan niyang makagawa ng paraan para maprotekahan ang mga diwatang umaasa sa kanya.“Therrash vati khea…” Aserah chanted the ancient fae spell to summon someone from Elduri. Her eyes were shut, and she felt the surging of magical energy around her. Paulit-ulit ang pagbigkas niya ng sinaunang lenggwahe hanggang sa maramdaman niya ang malakas na enerhiya mula sa ilalim ng lupa.Naroon siya sa masukal na kagubatan ng Mirasaen kung saan malayo sa Gintong Palasyo. Nasa loob siya ng isang malalim na kuweba na tanging siya lang ang nakakaalam. Pinili niya iyon para sa gagawin niyang ritwal dahil hindi siya puwedeng maantala.Although she was bestowed the title of bein
SA MALAYONG kagubatan ng Muhler napadpad sina Esdras matapos ang matinding sagupaan sa Arcton Fortress. Nakaalalay sa kanya si Allocen at Furcas dahil sa labis na paghihina ng kanyang katawan. Tiyak na aabutin ng ilang araw bago niya tuluyang mabawi ang dating taglay na kapangyarihan. Hindi akalain ng Emperador na lalakas nang ganoon si Airoh at hindi niya iyon napaghandaan.Hindi kita mapapatawad, Airoh. Biglang nagtangis ang mga bagang ni Esdras.Biglang bumulaga ang isa niyang alagad na si Shax at sumenyas ito. Inutusan niya kasi itong tingnan ang paligid sa maaaring pag-atake ng kalaban dahil sa mga oras na ito lahat sila ay hinang-hina. Dapat rin niyang masiguro na walang sinuman na nagmamanman sa kanila lalo na at ang kanilang patutunguhan ay ang kanyang totoong tirahan.“Your Imperial Majesty, nakahanda na ang portal ng lagusan,” wika ni Shax. Punit-punit ang kulay itim na mahabang kasuotan nito at bahagyang nakikita ang dibdib nito na bahagya nitong tinatakpan.Tumango si Esdr
ICY WORLD THE mortal world was covered in ice. Nagpatuloy sa paglalakad si Zaza patungo sa landas na walang kasiguraduhan. Samantalang si Yiyi, sa kanyang anyong pusa ay kumportableng nakaupo sa tuktok ng ulo ng kapatid para mabigyan ito ng init. Zaza’s small body was filled with frostbite. “Yiyi, kailangan natin na makahanap ng pansamantalang masisilungan…” bulong niya habang pinagmamasadan ang naiipong maitim na mga ulap. His gut feeling was telling him that something horrible would happen. Thunder had roared and the flash of lightning seemed enraged that it never halted. Iniisip ni Zaza kung bakit ni isang buhay na nilalang ay wala silang makita sa ginawa nilang paglalakbay. Halos ay mga bangkay na nagkalat sa makapal na niyebe. Napakaraming patay at hindi niya maintindihan ang nangyayari. Hanggang sa natagpuan niya ang sarili na nagpapahinga sa loob ng isang kuweba. Naupo siya sa isang malaking nakausling bato habang gumalaw naman si Yiyi at tumungo sa kanyang mga hita. Ramdam
CURSE OF AYI AND AZACRIMSON lightning filled the dark sky and the entire armada of the aerial army led by King Airoh launched a full-scale attack against the Shadow Army of the Muhler Empire. Ang pulang kidlat ay pinakakawalan ng makapangyarihang si Reyna Rieska. Nagmistulang dagat ng dugo and malawak na disyerto habang nakikipaglaban ang libong mga diwatang kawal sa pamumuno ng hari at reyna ng Alegerio.As the two heads of the Kingdom of Alegerio were busy holding the line, another sinister plan was set to harm their twin offspring—Ayil and Azahil.Tahimik na natutulog ang tatlong taong gulang na kambal na supling na walang kamalay-malay sa digmaang nagaganap sa labas ng Palasyo ng Raledia. Their room was heavily warded.Ten Alegerian high guards were there overseeing the twins, and their hands gracefully waved to produce bright yellow magic circle to strengthen the protection shield.Pero isang hindi inaasahang bisita ang biglang nagpakita at pumasok sa silid ng kambal. He wore a
THE QUEEN walked in the path of darkness. She fought hard with her weakened body. Esdras did this to her. And she would not let him succeed. Hindi siya mangingiming tapusin ang sariling buhay kaysa maging daan siya sa mga masasamang plano nito. Paubos na ang kanyang mahika. From the time she was imprisoned in the iron room in the watchtower, her power was slowly draining. The ritual. The excruciating pain. She cried. Her beautiful dream. Halos walang katapusan ang pagdaloy ng mga alaala sa isip niya simula ng una niyang naramdaman ang enerhiya ng mahika ni Airoh pagkatapos ng mahigit sampung libong taon. She managed to follow the flickering ember of the king’s mana in the mortal realm. She had seen how he bargained his life to Sorath, and she was just there unbelievingly staring while the king’s body transformed into a human baby. Sinigurado niyang mababantayan palagi ang mortal na katawan ng sinaunang hari habang nasa mundo ito ng mga tao na walang alam sa tunay nitong pinagmul
NAGBIGAY-DAAN si Airoh para ma tingnan ni Phali si Rieska. The Aogian faerie seemed to scan Rieska’s body using the light from her eyes. Matapos ay hinawakan ni Phali ang dibdib ng reyna at may maliit na magic circle na lumabas sa palad nito.“Nasa katawan ko ang lahat ng kristal. Inipon ko iyon isa-isa sa napakahabang panahon pero sa lakas na taglay ng kapangyarihan nito ay tuluyang nawala ang aking paningin. Dahil sa iyong pagtulong sa amin, hayaan n’yong ako naman ang tumulong. Sinisiguro kong ibabalik ko sainyo ang reyna sa dati niyang estado.” Nakatinginan sina Winzi at Harewyn. Samantalang tulala naman si Airoh at hindi makapaniwala sa takbo ng mga pangyayari. “Maraming salamat, Phali.” Nagagalak na sambit ni Airoh.“Napakakumplikado ng mahikang sumpa na nakapaloob sa katawan ng reyna.” Nilingon ni Phali si Winzi, “Kakailanganin ko ang tulong mo Winzi.”Winzi assisted the blind faerie. It took them a while before Phali fully reconstructed the queen’s inner core. Paunti-unti at
NAGULAT si Airoh nang biglang palibutan sila ng mga kalaban sa himpapawid kahit nakalayo na sila sa kinaroonan nina Zanti.“King, use the transportation magic to get them in a safe place, if you can still make it. Let me handle this, kaya ako sumama sa ‘yo dahil inaasahan ko nang mangyayari to. Hindi mo puwedeng sagarin ang kapangyarihang nasa katawan mo, nararamdan ko ang mahinang tibok ng iyong pulso.” Tumalon si Zaza mula kay Griga at lumutang ito sa hangin pero hindi nito kasama ang kambal.Yiyi, in her cat form, was being held by Phali. Samantalang napagitnaan nila ang dalawang batang Aogian.Ipinusisyon ni Airoh ang dalawang daliri sa kanyang noo at lumabas doon ang dilaw na liwanag matapos ay ipinasa niya iyon sa ulo ni Zaza. He just shared information about Raledia. Hindi niya maintindihan kung bakit sadyang magaan ang pakiramdam niya sa diwatang ito.“Zaza, mag-iingat ka. Hihintayin kita sa aking palasyo. Ako nang bahala sa kapatid mo,” Airoh assured him.“Alam ko, handa na b
“SIRE, I’m glad you’re back!” Tila nakahinga nang maluwag si Neilmyr nang makita ang hari. Kung walang maraming buhay ang nakasalalay ay kanina pa sana niya pinakawalan ang buong lakas. His barrier magic was very basic compared to Airoh and being outnumbered like this was unexpected.“What heck is wrong with these creatures?” Iritadong sambit ni Zenus. Habang nakatayo lang sila roon ay parami nang parami ang kalaban. “We fought around fifty of them at first.” Nahihirapan wika ni Winzi. Ginagamot nito ang sarili dahil malaki ang sugat nito sa tagiliran. Namumutla na rin ang kulay nito pero sinisikap nitong tumayo nang tuwid.“Winzi, ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni Airoh sa diwata. Akma sana niya itong tutulungan sa paggamot pero pinigilan siya nito. “Maayos lang ako. Kaya ko na ito. Ang mga nilalang na iyan ay bigla na lang sumulpot mula sa ilalim ng lupa,” ani Winzi. “Mahal na Hari, ano na ang gagawin natin?” tarantang wika ni Phali. Nasa unahan ito ng mga batang Aogian.
NANG masiguro ni Airoh na wala nang magiging balakid sa pakikipaglaban sa mga nilalang na naroon. He unleashed his black fire in an instant. Napuno ng matinis na sigaw mula sa mga halimaw ang paligid nang matamaan sila ng itim na apoy. Wala ring inaksayang sandali sina Zaza at Zenus. Magkasabay nilang pinakawalan ang buong lakas na taglay. Zenus was eradicating the creatures using his hell fire. Pero hindi naging madaling lipulin ang mga kalaban. “Sire, these shadow hybrids are far stronger than the soul stealers,” ani Zenus na namumuo ang pawis sa noo. The temperature was getting humid. Marahil iyon sa haring na ginawa ni Airoh na walang hangin na nakakapasok.“I know.” Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ni Airoh kay Hasmal. Kagaya sa Kaluwah, may kakayahan ang mga nilalang na magpalit anyo. They could shapeshift to red particles. The only difference was that these creatures were built not just to possess a living being, but also to suck the life of anything it touched. Kaya p
“WHAT is going on here?” Tiningnan ni Airoh si Zaza. The young fae took his human form. At halos magkapantay na ang tangkad nilang dalawa. “Nagmadali kaming pumunta rito nang maramdaman ko ang malakas na enerhiyang mula sa kailaliman ng lupa. It took us a while to look for the portal. But the dark magic doesn’t come from that tentacled beast earlier,” paliwanag ni Zaza. “What do you mean?” sabat ni Zenus. “I’m talking about…” sandali g tumigil si Zaza at waring may hinintay bago nagpatuloy, “that thing.”Itinuro nito ang isang nilalang na malaki ang pagkakahawis sa isang Muhlerian Shadow. It was a cloaked creature with bat wings and probably eight meters tall. Wala itong mukha kundi usok na pula lamang. It was like a hellfire crafted as a head while its body had six hands with deadly claws. “I have never seen a creature like that.” Hindi maalis ni Winzi ang mata sa nilalang na lumilipad. “It’s like the Shadow hybrid,” wika ni Zenus at idinagdag sa sarkastikong tono, “The enemies
SAMANTALA sa loob ng Gintong Palasyo. Napukpok ni Nahil ang mesa nang marinig ang sinabi ni Ahldrin. Dahilan para magulat ang dalawang diwatang tagasilbi na nakatayo sa hindi kalayuan. Katatapos lang nilang maghapunan at tanging silang dalawa lang ang naroon sa malaking parihabang mesa. Magkaharap ang dalawa at seryosong nag-uusap sa lenggawahe ng mga diwata. “Nahihibang ka na ba, Ahldrin?” Naikuyom ni Nahil ang kamao. “Nagsasabi lang ako ng totoo, Nahil. Ilang linggo nang nawawala si Aserah at hindi puwedeng manatiling ganito ang Mirasaen lalo na at paparating na ang napipintong digmaan,” kaswal na wika ni Ahldrin. “Hindi ako kailanman interesado sa trono. Tandaan mo 'yan.” Patuloy ang pagtaas-baba ng dibdib ni Nahil dahil sa nararamdamanang tensyon. Pero pilit niyang kinakalma ang sarili. Handa na nga ba siyang gawin ang napakalaking responsilibilidad na iniatang sa kanya ni Aserah? “Ano bang mali sa pagpapatawag ng pulong sa mga pinuno ng apat na rehiyon? Sila ang magdedes