Clesea’s POVNatapos ang party’ng iyon. Kapapasok lang namin ni Aziria. Iniwan namin si Azimia sa condo, mas pabor naman sa kaniyang manood na lang nang manood doon. Hindi pa alam ni dean, kilala niya si Azimia. Naghihintay lang ako sa desisyon ng kaibigan kong ‘to."Clesea!" tawag sa akin ng kaibigan ko habang naglalakad kami patungo sa silid."Bakit?" harap ko sa kaniya.Nangunot ang kaniyang noo. Tila malalim ang iniisip. Ilang segundo muna siya bago magtanong dahil nagdadalawang isip siya kung magsasalita. "Paano mo malalaman kapag gusto mo ang isang tao?""At bakit, aber?" Huminto ako sa paglalakad. Humarap sa kaniya na nakapaywang. Ngayon lang kasi siya nagtanong ng ganiyan. Kailan pa siya nagkainteres?"Just answer, please?""May nagugustuhan ka na, ano?" pangungulit ko pa. "Ayieee! Sino ‘yan? Share mo, bee, hoy! Secret lang natin!""Hays, kulit. Wala."Napasimangot ako nang nauna na siyang maglakad. May nakita kaming nagkukumpulang estudiyante habang nakatingin sa bulletin boa
Aziria’s POV"Clesea, Azimia, inaantok pa ako!" irita kong sigaw sa kanila dahil kanina pa nila ako ginigising. Hindi ko man lang makuhang tumayo."Wake up, ate! Wake up!" tila batang hinahatak ni Azimia ang isang kamay ko. Paulit-ulit siya sa kaniyang sinasabi. Pinapatayo talaga ako sa kama.Kinuha ko ang kamay ko kay Azimia. Kinuha ko rin ang isang unan at tinaklob sa mukha. "Ano bang kailangan niyo?" Ramdam na ramdam ko pa ang antok sa akin.Tinanggal naman ni Clesea ang unan sa mukha ko. "Tumayo ka na riyan, Aziria!"Nakapikit akong binabawi ang unan sa kaniya. "Maaga pa," tamad kong turan. "Aray!" Bigla na lang akong nahulog sa kama. Sumobra pala ang pag-urong ko. Nagtawanan ang dalawa. "HAHAHAHAHAHA!""Excited ka ba pumasok, Azimia?" I pouted at them pero kahit anong pagmamakaawa ko, mukhang ayaw nila akong bigyan kahit limang minuto lang."Hindi ako ang excite—"Hindi niya na natapos ang sasabihin niya nang takpan ni Clesea ang kaniyang bibig. Tinuloy ni Clesea ang naputol. "
Israel’s POVIsang linggo na ang nakalilipas, nagawa ko naman ang maayos na panliligaw kay Aziria. Nandito kami ngayon sa pasilyo, nakatambay. Nakaiinis pa dahil ang daming nakatingin sa aming babae, panay kuha ng litrato at ipopost sa social media. "Bro, in love ka ba talaga kay Aziria?" Napataas ang kanang kilay ko sa kaniyang tanong. Ang layo dahil iba ang pinag-uusapan namin. Sa isang linggo kong panliligaw, ngayon lang siya nanigurado. What’s wrong with him?"What do you think?" balik kong tanong."Alam mo, Trill," sabi ni Klyde na nakatingin sa kawalan. "Sino bang hindi ma-iinlove kay Aziria?Maganda siya kapag pinagtatanggol niya ang sarili niya, takot din ang ibang lalaki. She’s good at singing. Let’s admit she’s beautiful, hmm?""Yay! Bakla! HAHAHAHAHAHA!" Pinalo ni Trill ang balikat ni Klyde. "Wo—Aray!"Binatukan siya ni Klyde. "I’m serious. Uso ba ang love at first sight? Ganoon kasi ang nangyari sa akin dati kay Aziria.”"HAHAHAHAHAHAHA! Pare-parehas pala tayo!" Napailin
Clesea’s POVKahapon nang umuwi kami ni Azimia, wala kaming naabutang Aziria. Nang maggabi, agad din naman siyang umuwi. Kaya nga lang, pilit namin siyang kausapin ni Azimia dahil hindi kami pinapansin. Masaklap pa dahil diretso siya tulog kagabi.Ako naman ang palaging nagigising kaya pinuntahan ko na sila."Gising na, bee," mahina kong yugyog sa kaniyang balikat. Agad siyang tumayo at ngumiti sa akin. Tila nga walang nangyari sa kaniya kahapon. Mukhang alam niya na kung paano magdala ng emosyon.Sinunod ko si Azimia. "Wake up. Papasok pa tayo.""Hmm?" halinghing niya."Bilisan mo na riyan."Labag sa loob niya ang tumayo, nakanguso pa. "Ito na.""Azir—" Hindi ko na tuloy ang sasabihin ko nang makitang wala ng Aziria. Masyado naman siyang sabik maligo.Pumunta na ako sa kusina at pinagluto ng tuyo si Aziria. Nasampal ko siya kahapon dala ng emosyon. Baka sakaling pansinin kami kapag nalaman niyang niluto ko ‘to para sa kaniya. Nang matapos ako magluto, siya namang pagdating ng dalaw
Israel’s POVIsang linggo na ang pagbabago ni Aziria at aaminin kong nagtataka ako. Grabe ang kaniyang pagbabago, hindi ko alam ang rason niya kung bakit kailangan niyang maging ganoon. Kung titingnan ko siya, tila lang siyang ordinaryong estudiyante para sa akin. Hindi rin ako nakakaramdam ng kilig, parang mas lalo pang dumadagdag ang galit ko. Hindi ako sanay, mas gusto ko pa ‘yong dating siya. May ibang tao at bagay siyang hindi alam. Hindi ko alam ang puwedeng itanong sa kaniya tungkol sa kaniyang sarili dahil hindi ko masyado kilala si Aziria. Until now, she’s still mysterious. Kasalukuyan kaming nasa silid ng aking mga kaibigan, naghihintay ng guro. Naiinip na ako, kung ano-ano pa pumapasok sa aking isipan. Pero sandali, si Tyrone, isang linggo na ring hindi nagpapakita sa amin. Imposibleng lumiban siya ng klase ng ganiyang katagal? Lalo na sina Ryxel pati ang mga kasama nito, hindi ko na rin nakita. Gusto kong alamin ang nangyayari. Simula nang pag-aaway namin ni Aziria, nag
Israel’s POV"Nasa Hospital," sagot ni Lianna, iyon ang narinig kong pangalan galing kay Clesea.Nangunot ang noo naming lahat."Anong ginagawa niya roon? May kaugnayan ba sina Tyrone at Ryxel? Sa pagkawala nila?" tanong ni Clesea na gulong-gulo. Hindi makapaniwala sa narinig. "Si Aziria dapat ang magsabi niyan. Sa totoo lang kagigising niya lang kagabi." Kita ko ang kaniyang paglunok. Nag-alinlangan muli siyang nagsalita. "Masama pa ang pakiramdam niya dahil sa tama ng baril..." Nakagat niya ang ibang labi. Parang gustong sisihin ang sarili sa pagiging madaldal."Tama ng baril?" "Ask Aziria or Ryxel. Galit kasi si Aziria kay Ryxel dahil si Ryxel ang huling nakita niya bago siya mawalan ng malay. Si Ryxel ang dahilan kung bakit siya bumagsak. Hanggang ngayon naguguluhan pa rin kami sa nangyayari.""Where’s my baby?" I raised my right eyebrow.Napangiwi siya sa aking tinuran. "Sa Shincer Hospital."Agad na nagdeliryo si Clesea. "Bakit sa ospital nila Sunshine? Magwawala na naman ang
Clesea’s POVBiglang bumukas ang pintuan, niluwa si Knight na seryoso lamang ang mukha. Lahat ay napunta ang atensyon sa kaniya. Wala siyang naging salita. Binasag ni Israel ang katahimikan. Huminga siya nang malalim para kalmado siyang magtanong. “Sinong may gawa niyan sa ‘yo?” Napakagat labi si Aziria, hindi makasagot. Lumapit si Rael sa kaniya. “Lay down.” Naguguluhang sinalubong ni Aziria ang tingin ni Israel. Napataas naman ng kanang kilay ang lalaki dahil sa naging reaksyon ng babae. “I said, lay down, Aziria.”"Y-Yes,” aniya. Nakita ko pa ang paglunok niya. Napangiti ako ng palihim dahil kay Israel lang siya naging ganiyan. Sinusunod niya lang ang lolo’t lola niya kaya nakakapagtaka. Ganito ba talaga si Aziria kapag nadadala sa ospital?“HAHAHAHAHAHAHAHAHA!”Lahat kami ay natawa. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang pasimpleng ngiti ni Knight. Nagtataka ang dalawang napatingin sa aming lahat. Masyado naming kilala si Aziria, hindi namin akalaing ganoon! Hindi ko na sana pap
Tyrone’s POVIsang linggo na ang nakalipas simula nang makalabas ng ospital si Aziria. Kasalukuyan akong naglalakad papasok sa paaralan. Hindi na ako nasanay dahil naiinis pa rin ako sa mga babaeng kinukuha ang aking atensyon. I don’t know them, please, shut up.Maaga akong pumasok dahil alam kong nandirito ang nanay nina Aziria at Azimia, walang iba kun’di si Tita Ashanti. Hindi ko alam ang kaniyang pakay at kung saan siya kumuha ng lakas ng loob para pumunta rito dahil magkaaway sila ni Tito Morris. Pero sa pagkakaalam ko, sa opisina ni dad ang unang destinasyon niya.Ano pa nga bang aasahan ko? Habang naglalakad ako patungo kay dad, ang daming bodyguards na diretso ang mga tayo. Kumuha lang naman sila ng guwardiya para sa pagpapahanap kay Aziria. Noong nasa puder nila, hindi makalabas si Aziria ng mag-isa dahil kailangan lagi siyang may bantay. Really? Sila mismo ang nagdadala ng kapahamakan kay Aziria. Katulad ni General, nasa murang edad pa si Aziria pero tinuruan agad humawak n
Third Person’s POV"Love." Yumakap si Aziria sa baywang ng kaniyang asawa habang nagluluto ito. "I miss your kiss. Kiss mo na ako.""Nagluluto ako, love," natatawang tugon dito ni Israel. "Saka bago ako magluto, I kissed you. Miss mo na agad?""Please? Sinong hindi makakamiss kong 8 years akong walang kiss from you?" lihim na napairap ang babae. "Dad is cooking, mom," mahinahong suyaw ng anak nila. Nakasalong-baba ito sa lamesa. Naghihintay matapos ang tatay niyang magluto. Lumapit si Aziria at pinisil ang pisngi ng anak. "Nagmana ka talaga sa tatay mo, baby.""I’m not baby anymore, mom," reklamo pa ni Ishezea."I’m handsome and she’s beautiful, right, baby? Talagang mana iyan sa akin," gatong pa ni Israel. Ngumiti nang malawak ang bata. "Yes, dad! I agree!""Hays, napagtutulungan na ako," mahinang bulong ng ina.Nasa ganoon silang sitwasyon nang bumukas ang pintuan at pumasok si Tyrone."Nandirito ka?" agad na tanong ni Aziria. Inis na naupo si Tyrone sa sofa. Napasabunot pa sa
Third Person’s POV8 years later...Pagod na bumagsak ng upo si Aziria dahil sa pagod na nararamdaman. Sinalubong siya ng kaniyang mga magulang."How’s your business trip?" tanong ng ama habang sumisimsim ng kape. Ang mga mata ay nakatuon sa kaniya. "It’s okay, dad. Too tired," antok niyang tugon dito. Pabagsak na hiniga ang sarili."I told you magpasama ka kay Azimia, baby," ani naman ng ina na nakaharap sa cellphone. Namimili ng kung anu-anong damit.Bumuntong-hininga siya at muling umupo para hubarin ang sapatos. "Hays, mom. Wala naman pong maitutulong ‘yon sa akin."Napatango-tango na lang ang ina. "Tulog na ang anak mo, umakyat ka na lang doon sa taas.""Yes, mom. Pupuntahan ko."May anak si Aziria. Kilala ng mga magulang niya kung sino ang tatay. Ayaw ipaalam ni Aziria sa tatay nitong nagkaanak sila dahil hindi pa siya handa roon. Ayos lang naman sa mga magulang ng dalaga ang maaga niyang pagbubuntis dahil kaya naman nilang tustusan ang gastusin. Kahit ganoon, natupad ni Aziria
Aziria's POV"KUYA!" rinig kong sigaw ng isang babae habang nasa taas ako ng hagdan. Kanina ko pa naririnig itong sumisigaw. "KUYA!"Nagtaka naman ako dahil nilapitan ako ni Israel at pahatak papasok sa kwarto."B-Bakit?"Problema nito?"Magtago ka.""Huh, love? Pinagsasabi mo?""Magtago ka nga," pilit niya pa at walang hirap-hirap akong pinasok sa kwarto. Napasimangot ako at labag sa loob kong ginagawa niya sa akin 'to. Kuya? Sino ba ang babaeng 'yon para itago pa ako ng boyfriend ko rito sa kwarto?"Ano ba?! Wala nga! Kulit naman!" sigaw ni Rael.Rinig ko ang kanilang usapan dahil kung magsagutan silang dalawa ay pagalit. Akala mo may mga sama ng loob sa isa't isa."No way!" matinis na tugon ng babae. Baka naman babae ito ni Israel kaya tinago niya ako rito? Joke.Lumabas ako ng kwarto. Napahinto ako sa railings ng hagdan nang maisip kong kailangan ko magtago, baka kailangan talaga. Mapait akong napangiti sa naisip. Tumigin ako sa ibaba, nakita ko ang dalawang postura ng tao na na
Aziria’s POVNilapag ko ang cellphone ko sa lamesa matapos kong kausapin ang tumawag. Humarap ako kay Israel nang magtanong siya."Sino ‘yon?" tanong niya."Si dad?""Ano raw ang kailangan?"Lihim akong napabuntong-hininga. "Kailangan naming mag-usap, kaming lahat. Pupunta ako.""With me," matigas niyang sabi."Huwag na. Kaya ko naman ang sarili ko.""Sabi mo sa tabi mo lang ako," nakanguso niyang turan kaya napangiti ako roon. "Babalik naman akong buo. Pamilya ko naman ang kakausapin ko. Don’t worry, okay?""Kukunin ka na nila sa akin," giit niya pa. "I will not leave you," lansak akong tumitig sa kaniya."Hmm? Naniniwala naman ako sa ‘yo."Pinisil ko ang pisngi niya gamit ang dalawa kong kamay at ngumiti rito. "That’s goods."Lumabas akong nakangiti ng bahay ni Rael. Sumakay na ako sa kotse. Bago ako magmaneho, tiningnan ko muli si Israel na nakatayo sa gate. Malungkot ang kaniyang mga mata. Wala naman akong balak iwan siya. Para mapanatag ang loob nito, ngumiti ako ng matamis.Na
Aziria’s POVBumalik na ako sa aking condo simula nang mangyari iyon sa akin. Pinauwi na ako ni Tyrone at iyon ang hindi ko alam na dahilan. Ngayon, papunta ako kay Lianna. Kakausapin ko siya tungkol sa back up ng gang. Halos lahat ng suot ko ay itim. Black jeans, black jacket, black shades glasses at black mask. Mapapahamak ako kung hindi ganito ang aking ayos. Delikado ang maglakad daraanan ko dahil puro may gangs ang tumatambay doon. Lumabas na ako ng condo nang matapos mag-ayos ng sarili. Pinaharurot agad ang sasakyan. Kalmado lamang akong nagmamaneho dahil maganda ang aking gising sa hindi ko alam na dahilan. Dahil sa katahimikan, rinig ko agad ang tunog ng cellphone ko nang may tumawag."Hello?"[Aziria, where are you now? Kailangan ka namin dito ngayon. Fuck it!]Si Heart."Nasaan ba kayo? Tarantang-taranta ka."[Nasa school, almost all of student are here in the gymnasium.]"Oh, anong gagawin ko sa mga estudiyante?"She sighed.[Gosh, ngayon ang punta ng mga co-stock holders
Aziria's POVNakikinig ako sa tinuturo ng guro. Tinatamad akong makinig dahil alam ko ang kaniyang tinuturo, bawat bigkas ng kaniyang bibig ay walang pinagkaiba sa nalaman ko. Mabigat ang aking mga mata kaya mas pinili ko na lang yumuko sa arm rest at pumikit upang matulog. Nainis ako nang may kumalabit sa akin. "Ano?!" Agad na lumambot ang aking ekpresyon nang makitang si Israel. "May guro."Huminga ako nang malalim. Umayos ako ng upo at pinilit ang sariling makinig sa harapan. Habang ginagawa ko 'yon, nakahaba ang aking nguso. Kanina pa ako naghihintay ng break time. Bakit ba kasi ang tagal ng oras?!Papikit-pikit kong tinitingnan si ma'am. Mata lamang ang aking ginagamit, hindi ang aking tainga para makinig sa kaniyang tinuturo. Nabuhayan lang ako nang matapos ang klase. Mabilis akong tumayo at inayos ang aking mga gamit na nakapatong sa arm rest na hindi ko naman nagamit. Ang nobyo ko naman ay halatang namimili kung anong iiiwan niya sa lockrer. "Anong nginingiti-ngiti mo riyan
Aziria’s POV"ENOUGH!"Hingal na hingal kaming napatigil dahil sa sumigaw na ‘yon. Napalingon kaming lahat at nakita ko ang galit na galit na mukha ni dean. Napalunok ako nang makitang nasa likuran ni dean si Israel. Nangungusap ang aking mga mata sa kaniya pero siya ay walang emosyon. Senyales na hindi niya nagustuhan ang naabutan ngayon. "Ano na naman ‘to, Miss Sullvian?!" sobrang lakas ng boses ni tito. Rinig na rinig. "Sangkot ka na naman sa gulo!" Walang sumagot. "Pagod na akong disiplinahin kayo!" he sighed. "Go to my office now!"Mabigat ang paghinga ni titong umalis. Nauna ‘tong maglakad, sumunod sina Clesea at Butiki. Ang naiwan ay ako, Israel at ang aking mga kagrupo. Lalapitan ko sana ang boyfriend ko nang umatras siya, sunod niyon ay tumalikod at naglakad na. Napayuko ako sa nakita. Sinisi ang sarili. Napakatanga mo, Aziria. Tangina, may boyfriend ka. Huwag kang kumilos na parang walang nag-aalala sa ‘yo. "Hayaan mo muna siya," bulong ni Ryxel sa aking likuran.Pinatig
Aziria’s POVNagmamaneho ako ngayon papasok ng paaralan, nauna na ang aking mga kasama. Pinauna ko na sila dahil anong oras na akong nagising. Kausap ko ngayon si Israel sa phone, gamit ko ang earpiece.[Nasaan ka na, love?]"Malapit na ako."[Bilisan mo but careful? You’re going to be late.]"Hayaan mo ‘yan, pangingialam naman ng buhay ang tinuturo niyan," tukoy ko sa aming guro ngayon. [Pabayaan mo na ang mga guro dito, love. Huwag mo na lang sila bigyan ng pansin dahil alam ko namang tigil din sila.]"Okay, fine. Hindi ko makalimutan ang pagtatalo namin ni tito kahapon."[Love, calm down. Nasa atin pa rin naman ang desisyon kung magpapaapekto tayo sa kanila. Hayaan mo na ang tito mo kung anong sasabihin niya, huwag na sanang maulit ang nangyari kahapon.]Hindi ako nakasagot dahil malakas akong napapreno nang biglang may dumaang matanda. Napahilamos ako dahil aaminin kong kinabahan ako roon. "Sandali, love," paalam ko at bumaba na ng kotse.Nakita ko ang matandang nakahiga sa kals
Israel’s POV"She really needs to hide," aniko. Agad na nangunot ang kanilang noo. "Why?"Humarap ako sa kanila na nangungusap ang mga mata. "Trill, Klyde. Her mommy will take Aziria to New York, like her, I don’t want to either. Sino bang gustong mahiwalay sa girlfriend nila? Fuck."Napangiti si Klyde at tumango-tango. “You’re really in love, huh.”Hindi ko pinansin ang sinabi niya dahil totoo. "Kaya ba ayaw niyang sabihin kung sino siya dahil kilala natin ang kaniyang mga magulang? Hindi niya rin nababanggit sa akin." I sighed. "I'm confused. Wala ba siyang tiwala sa akin?""Mayroon." Tinapik ni Trill ang aking balikat. "Ayaw niyang malaman ng iba kung sino ang kaniyang mga magulang dahil nagtatago nga siya. Pagkapasok pa lang sa Klent International School, she has a lot of secrets na, right? Magagalit ka sa kaniya kapag nalaman mong nanlinlang siya or she lied?"Agad na umigting ang panga ko roon. "Bakit naman ako magagalit? Mas matutuwa pa ako dahil mas pinili niyang magsabi sa a