Kabanata 97
Yohan Miguel Tanaka’s Point of View
I did everything. Simula nang nakita ko siya sa restaurant na iyon ay hindi ko na siya tinatantanan. At first, the only thing that I am thinking about is about our child. Hindi ko alam kung mayroon ba. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kokote ko kung bakit ko siya in-offer-an ng gano’n. Alam ko na hindi siya gano’n na babae pero sobrang atat ko lang na makuha siya.
She pushed me away, multiple times at masyadong nasaktan ang ego ko dahil wala pang babae ang tumaboy sa akin at siya lang. This is totally unbelievable. Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng pagtanggi niya. Siguro dahil sa in-offer ko?
Nang tumagal ay mas lalo akong nainis sa aking sarili. Palagi ko na siyang iniisip at naiinis ako sa tuwing may ibang lalaki na nagpapangiti sa kanya. Hindi ko nga siya nakikita na ngumingiti sa akin. Maybe I annoyed her. Medyo nagsisi ako na gano’n ang unang
Kabanata 98Yohan Miguel Tanaka’s Point of ViewPresent TimeI stayed for almost a week in the hospital here in San Mateo. Ang totoo ay gusto kong hablutin ang dextrose at puntahan ang babaeng mahal ko. Hindi ako takot sa banta. Mas takot ako na baka si Fiona mismo ang lumayo sa akin.Hindi lang si Felecity ang kukunin ko, pati ang ina mismo ng anak ko.“Anak—”“I said leave me alone! Mahirap bang intindihin iyon!?” galit ko na sambit.Mas lalo lamang akong nairita dahil sa mga sermon ni Mommy. Hindi siya nakakatulong. Kahit nasa ganito na ang kalagayan ko ay sarili niya pa rin ang iniisip niya. Hindi ako bulag para hindi makita iyon. She doesn’t really care about me. Siya ang tipong didikit sa iyo para sa sariling interes.Mommy sighed. “Huwag mong ibuntong sa akin ang galit mo sa babae mong hindi man lang bumisita rito. Siya ang dahilan kung bakit ka
Kabanata 99Fiona Carolina Mendez’ Point of ViewI am a mess.Sobrang gulo ko na to the point na hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Marami akong naiisip. Si Yohan na nasa ospital pa lang, ang problema ko sa kanya at ang anak ko na hindi na umiimik sa akin.Sumama siya sa akin na lumuwas ng ibang bayan ngunit hindi na niya ako pinapansin. Nagtatampo siguro siya na hindi namin binisita si Yohan. Pilit ko na pinaintindi sa kanya pero naniniwala siya na hiniwalayan ko raw si Yohan kaya hindi na bumibisita at nagpapakita sa kanya.I want my daughter to know na mahirap din sa akin ito. Mahirap sa akin ang mga nalalaman. All this time, I was played and used. Sino ba ang hindi magagalit? Ano ba ang iniisip ng iba? Na matatanggap ko agad? Na yayakapin ko si Yohan sa kanyang ginawa.Hindi ko ipagkakait sa kanya ang anak ko. Pero hindi ko hahayaan na kukunin siya sa akin at ilalayo. Itatago ko siya hangga’
Kabanata 100“Mommy, Ice cream! Ice cream!”Hila-hila ako ni Felecity patungo sa isang ice cream shop dito sa San Pedro. Hindi ko akalain na magiging ganito kasaya ang anak ko. Napangiti na lamang ako at nagpahila sa kanya. Pareho kaming naka-dress, parehong design at kulay. Pareho rin kami ng buhok, naka-bun.“Mommy! Cookies and Cream!”Pati ang tindera ay natutuwa sa pagiging hyper ng anak ko. Natatawa na lamang ako habang kinukuha ko ang phone sa sling bag ko. Gusto kong kunan ang pagkakataong ito. Ang araw na ito ay para sa amin ng anak ko at dapat walang maki-epal.“Cookies and cream ang gusto mo?” Binuhat ko siya patungo sa high chair. “Iyon lang.”Ngumuso ang anak ko at saka tumango. “Yes, Mommy!”Ngumiti ako sa kanya at saka naupo na rin.Noong hindi pa dumating si Yohan sa buhay ko, hindi ako masyadong nagkaroon ng oras sa anak ko.
Kabanata 101Padabog ko na inilapag ang plastic bag sa lamesa at saka dumiretso na sa kuwarto upang magbihis ng pambahay. Mula sa kuwarto ay naririnig ko ang masayang tili ng anak ko. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako.Masaya ako dahil maayos na siya at hindi siya napuruhan. Hindi naman puwedeng yayakap agad ako. Hindi kami magkaayos at ang huling usap namin ay nag-aaway kami. Sa totoo lang ay kinakabahan ako sa kanyang ipinunta ngayon. Nagkausap sila ni Mommy, diba? Hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan nila at pakiramdam ko ay hindi iyon magandang balita.Nang lumabas ako ay nahuli ko na sinusundan niya ako ng tingin habang nasa kandungan niya ang aking anak, naglalaro sa kanyang selpon. Iniwas ko agad ang tingin ko sa kanya nang nagtama ang aming paningin. Inilabas ko ang binili kong ulam at saka natigilan.“Kumain ka na ba?” malamig kong tanong.“H-Hindi pa.”Bumuga ako ng han
Kabanata 102Nakatulugan ko ang panonood ko ng palabas kagabi. Grabe, hindi pala effective ‘yong kape na ininom ko kagabi. Bumangon ako sa kama na nakapikit. Humikab ako at nagpa-inat-inat. Ang sarap sa pakiramdam. Parang ang tagal kong natulog.Wait…Agad kong inimulat ang aking mata at nagpalinga-linga. Umawang ang labi ko nang na-realize ko na nasa kuwarto pala ako. Wait? Naglakad ba ako kagabi? O may bumuhat sa akin patungo rito?Bigla ko tuloy naisip si Yohan. Agad kong naibaba ang tingin ko sa kama at biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang wala akong nakita na Felecity. Sa sobrang taranta ko ay muntik na akong mahulog sa kama nang bumaba ako. Hindi ko na inayos ang aking sarili at dumiretso na ako sa pagtakbo patungo sa labas ng aking kuwarto.Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Halo-halo ang aking nararamdaman. Paano kung kinuha ni Yohan si Felecity sa akin habang tulog ako?&ld
Kabanata 103Matapos ang yakapan naming dalawa ni Felecity ay tumayo na siya at nagulat ako nang kinuha niya ang kamay ko at hinila upang makatayo ako nang maayos.Tumingala siya sa akin. “Mommy, kain na po tayo.”Umawang ang labi ko at napabaling sa banda ni Yohan na naglalapag na ng mga ulam sa hapag. Siya rin ang naglalagay ng mga pinggan, kutsara, tinidor at baso.“Anak…”“Mommy, sabay po tayo kumain ni Daddy!”Bago pa man ako makapagprotesta ay hinila na ako ng anak ko patungo sa hapagkainan. Puwersahan ang aking pag-upo lalo na’t nakatingin pa rin si Yohan sa akin. Napalunok ako.“Wow, ang sarap, Daddy!”“Yup. I hope you will both like it.”“Siyempre po! Favorite po ni Mommy ang hotdog!”Namilog ang mata ko at napatingin sa anak ko na masayang-masaya sa kanyang pag-upo. Nang bumaling ang mata ko k
NATIGIL ako sa pagmuni-muni nang narinig ko na tinawag niya ang aking pangalan. Kinuyom ko ang aking kamay habang unti-unting bumibilis ang tibok ng puso ko. “Fiona...”
Kabanata 105UMALIS si Yohan.Hindi naman umiyak anv anak ko. Hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan nilang dalawa bago umalis si Yohan. Gusto kong tanungin ang anak ko, pero para saan pa?“’Yon na iyon?” halos sigaw na tanong ni Trexie sa akin matapos kong ikuwento sa kanya ang nangyari. Na-i-imagine ko tuloy ang pagbusangot ng kanyang mukha habang nagdadabog. “Naaawa tuloy ako kay Miguel—I mean, Yohan! Gosh, Fiona! Umiyak siya! Meaning, pinagsisihan niya! Alam mo ba na hindi kadalasan umiiyak ang mga lalaki?”Napairap ako, medyo nagsisi na nagkuwento pa ako sa kanya. Akala ko pa naman ay against siya kay Yohan. Ano ang nangyari?“Gosh, ang tanga mo!” patuloy niya.“Ano ba, Trexie? Akala ko ba ay against ka?”“Duh, people change! Base sa kuwento mo, kawawa naman pala siyang tao kahit sobrang sama ng ginawa niya sa iyo!”Kinagat ko ang ibabang labi ko. Sawing-sawi
WakasI didn’t waste my time. Pagkatapos ng ilang araw naming honeymoon ay naghanda na ako para sa pagbalik ko. I promised them na babalik ako. Babalik ako.Pero kahit sumang-ayon na sila, hindi ko pa rin maiwasan ang mag-alala at mag-overthink sa mga bagay-bagay.Paano kapag nakabalik ako ay babalik sa dati? Paano kung sumang-ayon lang si Felecity pero ang totoo ay hindi pala? Paano kung napilitan lang si Yohan na payagan ako na umalis?“Gosh, Fiona! Kasal ka na okay? Tanaka ka na. Hindi ka itatakwil ng asawa’t anak mo sa ilang araw mong pag-stay sa New York!” si Mommy nang tinawagan ko siya at sinabi ko sa kanya ang mga thoughts ko. “Kung ayaw mong umalis, huwag ka nang tumuloy! Sayang nga lang ang opportunity.”Kinagat ko ang ibabang labi ko. “Mom—”“Ako mismo ang uuwi diyan kapag tinaboy ka nila. Don’t worry, Fiona. Sa ngayon, bigyan mo rin ng pansin ang nego
Kabanata 174Hindi ako makapaniwala na kasal na kami ni Yohan ngayon. Halos hindi nga ako makatulog sa kakaisip. Na baka panaginip lang pala iyon at hindi totoo.Pero hindi, kasal na ako at katabi ko na ang asawa ko.Asawa ko…Ang sarap sa pandinig. Nakakaganda ng araw. Parang isang magic lang ang lahat. Biglaan. Ang alam ko lang ay ang magd-date kami sa resort na iyon pero sa isang iglap, kinasal ako.Kinagat ko ang ibabang labi ko at saka unti-unting bumangon mula sa pagkakahiga.Ito ang unang araw naming bilang mag-asawa at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.“Yohan…” tawag ko kay Yohan para gisingin siya. “Gising na. Kailangan pa nating umuwi.”Nandito pa rin kasi kami sa resort at gusto ko nang umuwi para makita ang anak ko.“Hmm. Let’s sleep pa, hmm? Inaantok pa ako.”Napairap na lamang ako at saka mag-isa na lamang na bumangon. Akmang
Kabanata 173Hilang-hila ako ni Yohan na para bang walang katapusan. Napatingin ako sa kamay naming magkahawak. Parang ang sarap sa pakiramdam. Parang bumalik kami noon. Ang sarap sa feelings.“T-Teka Yohan! Saan tayo pupunta?” tanong ko at halos magpahila na nang husto sa kanya dahil sa malaki niyang mga hakbang.“Somewhere in here, Fiona,” aniya habang patuloy pa rin sa paghila at pagkatakbo.Bigla akong na-excite at kinabahan at the same time.Nang nakarating kami sa isang malaking space na buhangin na sobrang puti, tumigil kami at saka hiya ako hinarap. Ngumiti siya sa akin.“Close your eyes, Fiona,” aniya.“Bakit?”“Surprise nga, right?” he chuckled. “Now, close your eyes, Fiona.”Tiningnan ko muna siya nang matagal bago pumikit. Naghintay ako na mayroong mangyayari pero wala. Ang tanging naririnig ko lang ay mga alon na nagh
Kabanata 172 Tulala akong nakatingin sa baso ko habang si Tita Ylena ay kalmadong nagkakape sa harapan ko. Hindi ako makapaniwala na nakita ko siya ulit. Oo, sinabi ni Yohan na pupunta ang Mommy niya pero hindi ko akalain na ngayon na araw pala. “I’m happy to see you, hija,” panimula ni Tita Ylena. “It’s been five years.” Ngumiti ako ng tipid sa kanya. “Oo nga po, five years.” Ngumiti siya pabalik sa akin at saka ininom niya ang kape. Narito kami ngayon sa isang open space na coffee shop dito sa resort. Ang view namin ay ang dagat na may naghahampasan na mga alon. Huminga ako nang malalim at saka tiningnan siya. “Five years na po siya Tita, pero hindi ko pa rin makakalimutan,” ani ko. Napawi ang ngiti niya at saka siya tumikhim. “Hija, I am not here to have another fight with you.” Umiling siya. “I am actually here to visit. I told my son. Napaaga nga lang.” Humalukipkip ako at tiningnan siya. “Oo
Kabanata 171 Naunang nakatulog si Yohan. Ako naman ay narito lamang, inaalala ang mga pangyayari. Tiningnan ko ang singsing na nasa aking daliri. I remembered five years ago, when Yohan unexpectedly proposed to me. Hindi mawala sa isip ko iyon at kung may malungkot man akong mararamdaman, iniisip ko iyon. “I am happy, Fiona…” Napasinghap ako nang hinawakan niya ang kamay ko. “Masaya ako na makasama kita sa paskong ito.” “Yohan…” “Ayoko na pagsisihan ko ito sa huli. Maybe you are doubting me because of my family but I don’t really care about it, Fiona, as long as I have you.” “W-What are you saying, Yohan? Pasko ngayon, seryosong-seryoso mo yata ngayon…” “Because I am dead serious, Fiona Carolina.” Napalunok ako. “Alam ko na hindi ako nagiging mabuti sa iyo. I ruined your life. I ruined everything. Hindi siguro ako deserving sa iyo pero kahit ganoo
Kabanata 170Nang mas naging malalim pa ang aming halikan ay unti-unti niya akong inihiga sa malambot na kama. Nang nagkatinginan kami ay parang tumigil ang mundo ko. Parang sa sandaling ito ay siya lang ang nakita ko.“Yohan…”Huminga ako nang malalim.“Alam mo na kung gaano ako kasabik sa iyo, Carolina,” he huskily said.Ang kanyang kamay ay unti-unting gumapang paitaas sa aking damit.“Y-Yohan…” Daing ko sa kanyang pangalan.Hinaplos niya ang binti ko bago niya ako hinalikan ulit. Unti-unting nag-init ang aking katawan dahil sa kanyang kakaibang paghaplos. Nang bumaba ang kanyang halik sa aking leeg ay napakagat na lamang ako sa aking ibabang labi. Habang busy siya sa kanyang paghalik, busy din ang kanyang kamay sa panggagapang.Parang nanibaguhan ulit ang aking katawan sa kanyang mga halik at hawak. Bago ulit ito sa akin dahil ngayon ko lang ulit
Kabanata 169Sa La Luca resort ang tungo namin ni Yohan na siya lamang ang naghahanda. Wala akong kaalam-alam na dito pala kami magd-date or something. Kung alam ko lang ay nakapaghanda na sana ako.I was just teasing him last night. Hindi ko naman alam na totohanin niya. At ang cute niya magselos, ah? Anak ko pa talaga ang pinagseselosan niya?“Yohan, ilang araw ba tayo rito? Kasi si Felecity kasi, baka ma-miss niya tayo.”Sinamaan ako ng tingin ni Yohan nang binalingan niya ako. “Don’t mention Felecity in here, Fiona.”Hindi makapaniwala ko siyang tiningnan. “Sure ka ba riyan, Yohan? Pinagseselosan mo ngayon si Felecity.”Ngumuso siya. “Is it a bad thing? I want you alone. So, you should only think about me, like how you only think of Felecity when you were trying to make her soft or something.”Umirap ako at saka umupo sa kama. “Don’t worr
Kabanata 168And now that my relationship with my daughter is finally okay, hindi ko na kailangang mag-alala pa. Alam na rin ng mga tao at hindi sila makapaniwala. That I got pregnant at an early age at nag-assume din sila na kaya ako biglang nawala dahil nabuntis ako. Iyon naman ang katotohanan.But my image is not important anymore. Ayoko na e-save ang reputasyon ng isa na nasisira naman ang isa. I don’t want my daughter to be at the dark again. Ayoko na ganoon.Napailing na lamang ako at saka tinapos ko na ang red wine ko. Bukas ang bintana ng condo unit ni Yohan kaya nagkaroon ako ng time para sa sarili ko. I looked at the buildings. Gabing-gabi na at sa totoo lang, maganda ang tanawin sa gabi. Nakikita ko ang iba’t ibang kulay at nakita ko ang pag-ilaw ng malaki at mahabang bridge na nagkokonekta sa dalawang isla sa lugar na ito.Bumuntonghininga ako.I am planning to stay here for good. Alam ko na hindi
Kabanata 167Another week had passed, and I think my relationship with my daughter improved. She became open to me and she told me about her worst days at school. Nalaman ko na kaya siya nang-aaway kasi inaaway siya. Muntik na siyang ma-expelled dahil sa dumugo ang labi ng kaklase na sinampal niya. Mabuti at nabigyan ng pagkakataon. Nalaman ko rin na naglayas siya sa bahay nila ni Yohan dahil siya lang mag-isa.I felt sad and guilty at the same time.Nang dahil sa pag-iwan ko sa kanya ay nagkaganyan siya. Walang ina sa kanyang tabi. Walang nag-guide sa kanya sa paglaki. Kaya ngayon, hangga’t hindi pa huli ang lahat ay gagawin ko ang best ko.“Fiona…”Binalingan ko si Yohan. “Bakit?”He handed me an envelope. Kumunot ang noo ko. “Ano ito?”“Felecity asked me to give this to you. Nahihiya raw siya, Fiona. Project nila iyan sa paaralan nila.”