Kabanata 85
“Calm down, Fiona. Calm down.”
Sinubukan akong pakalmahin ni Trixie nang nakabalik kami s hotel room namin. Naghahabol pa rin ako ng hininga habang umiiyak.
Ang kawawang anak ko ay nakatingin lamang sa akin. Tumutulo rin ang luha sa kanyang mata pero kitang-kita ko pa rin ang kanyang pagtataka. Siguro naitanong niya sa sarili niya kung bakit ako umiiyak.
Hindi ako umiyak dahil nagsisisi ako. Naiiyak ako na planado pala lahat. Planado ba na ako ang lalapitan niya no’n?
Binigyan ako ng tubig ni Trixie at niyakap muli ako. “Tahan na…Tahan na, Fiona.”
Sino ang matutuwa kapag malaman iyon? Sino?
Nanginginig ang kamay ko.
Tiningnan ko si Trixie. “’Yong envelope…”
Umiling si Trixie sa akin at kumalas sa pagkayakap.
“Huwag mo muna buksan. Please lang. Matulog na lamang tayo. O manood ng TV. Kung ano man ang narinig mo mula sa lalaking iyon, learn to accept, Fiona—”
Kabanata 86Namimilog ang mata ko habang unti-unti akong yunuko upang pulutin ang papel na laman ng envelope. Nanginginig ang kamay ko na kinuha ito at tiningnan at tahimik na binasa ang laman.Tumulo ang luha sa aking mata at halos maubusan ako ng hininga nang nakita ko.99.9%“T-Trixie…” Tinakpan ko ang bibig ko upang pigilan ang sarili ko na humagulhol. “S-Siya nga…”Tumayo si Trixie at saka niyakap niya ako nang mahigpit. Iyak ako nang iyak. Nasasaktan ako. Nasasaktan ako sa mga pangyayari. Para akong pinaglaruan.Pina-DNA test niya ang anak ko na hindi man lang nagpapaalam sa akin.Siguro isa ito sa plano niya. Lumapit siya sa akin, sinabi na gusto ako para makalapit sa anak ko. Natatakot na ako. Hindi ko na alam. Baka isang araw, kukunin niya na sa akin si Felecity at maiiwan ako na mag-isa. Iyon ang hindi ko hahayaan na mangyayari.Magsisisi siya kung bakit pa siya puma
Kabanata 87 Tulala ako habang nakatitig sa mga bulaklak na galing kay Yohan. Inamoy-amoy ito ng anak ko at siya pa ang sumilip sa laman ng paper bag. Napalunok ako at hindi ko alam kung ano ang ire-react ko. “Ayan ang problema…” si Trixie. “Ang gulo…” Napayuko ako. Bakit niya ba ako pinapadalhan ng mga ganito? Space nga hindi ba? Akmang iiwas na sana ako ng tingin sa mga bulaklak nang napansin ko na parang may naka-ipit na sobre roon. Kumunot ang noo ko at saka kinuha ito. “Oh, sulat ba iyan?” Lumapit muli si Trixie sa akin at tiningnan ang hawak ko na sobre na kulay pula. “Ang taray, ah. Mukhang love letter siya, Fiona.” Hindi ko maibuka ang bibig ko. Para akong nanginig at kinabahan. Love letter? Sulat ba ito? “Buksan mo na…” pang-aasar ni Trixie. Pabirong tinulak-tulak pa niya ako sa balikat. Kinagat ko ang ibabang labi ko. “Bakit niya naman ako susulatan?” “Aba malay ko.
Kabanata 88 Lumabas ako ng apartment ni Trixie. Suot ko ay simpleng damit lamang. Maong na pants at V-neck plain shirt. Suot ko ang black na sombrero. Nagmumukha tuloy ako na sasayaw lalo na’t naka-sapatos pa ako. Bahala na. I just want to give my Mom a gift at iyon na iyon. Wala sa plano ko ang makipagkita o ano pa. Good thing na ipinasyal ni Trixie si Felecity nang magkaroon ako ng oras sa sarili ko at hindi ko na kailangan siyang dalhin sa party na iyon. I looked at my wristwatch. It’s already 2 in the afternoon at hindi pa ako nakapag-decide kung ano ang bibilhin ko. Wala akong masyadong pera. Ano naman ang ibibigay ko? Afford naman ni Mommy ang lahat. Hindi ko na kailangang bumili. I sighed. Ano ba talaga ang ibibigay ko? Nasa gitna ako ng Mall, undecided nang biglang tumunog ang phone ko. Bumuga ako ng hangin at sinilip ko ito kung sino ito. Agad kong sinagot at naghanap ako na hindi crowded places.
Kabanata 89 Wala akong masyadong alaala mula sa Mommy ko. Bata pa lang ako ay busy na talaga sila sa politics. Hindi na rin naman ako nagreklamo noon kasi binibigay naman nila ang gusto ko. I was a spoiled brat back then. Lahat ng mga tao ay tinitingala ako dahil sa angking kagandahan ko at ang istado ko sa buhay. My parents are quite popular kaya naging instant sikat na rin ako dahil sa kanila. Alas syete ng gabi ako nakarating sa San Mateo Hotel. Maraming mga tao at talagang pinaghahandaan ang birthday ni Mommy. I smiled bitterly. Kung hindi ako naging suwail, baka kasama pa nila ako riyan, nakangiti habang may hawak na wine glass. I sighed. “Miss…” Hindi pa man ako nakaapak ay hinarang na ako ng isang guard. Napalunok ako at nakita ko ang pagdududa sa kaniyang mata lalo na naka-sombrero lang ako. Tumikhim ako. “C-Can you give this bouquet of flower t-to my mother?” Kumunot ang noo ng bodyguard a
Kabanata 90“Huh?”Nalilito kong tiningnan si Trixie. Hindi ko siya maintindihan. Bakit naman nandito si Yohan?“Hindi siya nakita ni Felecity but he is here,” aniya.“Huh?”“Check the second room. Nandoon siya. He wants to talk to you, Fiona.”Kumalabog ang puso ko. Iniwan ako ni Trixie na tulala. Sabi ni Yohan ay space? Ano na naman ito?Kumuyom ang kamao ko. Dinala na ni Trixie si Felecity sa kanyang kuwarto kaya ako na lamang ang mag-isa sa sala. Maybe I should ask him. Siguro ito na ang oras. Ayoko nang paabutin pa ng pasko dahil ayoko na maging malungkot ang pasko ko.Kahit kinakabahan ay nagawa ko pa ring humakbang nang paunti-unti patungo sa kuwarto na tinutukoy ni Trixie. Kinagat ko ang ibabang labi ko at halos nagpipigil na ako ng hininga. Bakit pa ba siya naririto? Hindi na ba siya makapaghintay?Mabuti! Kasi ako rin, hindi na rin ako
Kabanata 91Mabilis ang mga pangyayari. Dinala si Yohan sa ospital. Hindi ako nakapagsalita at paulit-ulit ko na sinisisi ang sarili sa nangyari.Hinilamos ko ang palad ko sa mukha ko habang umupo sa upuan, naghihintay ng resulta. Natatakot ako. Kasalanan ko kung bakit siya ang nasagasaan. Ako sana ’yong nasa kalagayan niya. Ako sana…Walang ibang sisihin kundi ang sarili ko. Hindi naging malinaw sa aming dalawa ang lahat. Galit ako. Nilinlang niya ako. Pinaikot niya ako. Ano pa ba ang dapat ko na marinig? All I want is a happy life, a peaceful life. Noong una pa lang, hindi ko hinangad na magkaroon ng lalaki sa buhay ko dahil sapat na sa akin ang anak ko, pero nagbago ang lahat nang dumating siya sa buhay ko.Mahina akong napahikbi. Wala akong kasama. Masakit ang siko ko pero mas masakit itong nararamdaman ko. Ano ang motibo ni Yohan kung bakit niya ginawa iyon sa akin? Para mapasakanya ang kompanya na kanyang tin
Kabanata 92Isang yakap ang ibinigay sa akin ni Trixie nang nakapasok ako sa loob. Sobrang pag-aalala ang kanyang mukha at sinilip pa niya ang sugat ko sa siko.“Akala ko ba ay siko lang? Ano ang nangyari sa pisngi mo?” tanong niya sa akin.Napalunok ako at nagpalinga-linga dahil baka sakali na gising pa si Felecity. Ayoko na marinig niya ang pag-uusapan namin ni Trixie. Umupo ako sa sofa at hinilamos ko ang aking palad sa aking mukha.“Sino ang gumawa niyan, Fiona?”“Si Felecity?” tanong ko, binabalewala ang kanyang tanong sa akin.Tumabi siya sa akin. “Huwag kang mag-alala. Tulog na pero ano ba ang nangyari? Narinig ko na lang ang ambulansya kanina pero hindi na kita makita nang sinubukan kong puntahan. Nalaman ko na lang na may nasagasaan.”Kinagat ko ang ibabang labi ko. “Si Yohan…”“Si Yohan? Bakit naman siya nasagasaan?&rd
Kabanata 93Yohan Miguel Tanaka’s Point of ViewI panicked when she knew the truth. I wanted to explain that it’s not like that but it’s too late. Naiinis ako sa paligid ko. I hate myself for doubting her. Naniwala ako sa mga sinasabi ni Mommy na pawang kasinungalingan lang naman ang lahat. At ngayon, nagkalamat na ang relasyon namin. She distance herself. Alam ko iyon at ramdam ko iyon.My head hurts, maybe because of the accident. Akala ko ay masasagasaan na siya. Akala ko ay huli na ang lahat. Siya sana ang nasa kalagayan ko ngayon kung hindi ko siya agad naitulak. Mapait ako na napangiti.Ilang araw na ako rito sa ospital ngunit ni anino ni Fiona ay hindi ko nakita. Hindi ba siya nag-alala sa akin? Gano’n ba siya kagalit sa ginawa ko?“Yohan…” Inis na dumaing si Diana nang hindi ko sinubo ang kanin.She tried to feed me but I don’t want to. Ngayon, naiinis na siya sa akin. Hi
WakasI didn’t waste my time. Pagkatapos ng ilang araw naming honeymoon ay naghanda na ako para sa pagbalik ko. I promised them na babalik ako. Babalik ako.Pero kahit sumang-ayon na sila, hindi ko pa rin maiwasan ang mag-alala at mag-overthink sa mga bagay-bagay.Paano kapag nakabalik ako ay babalik sa dati? Paano kung sumang-ayon lang si Felecity pero ang totoo ay hindi pala? Paano kung napilitan lang si Yohan na payagan ako na umalis?“Gosh, Fiona! Kasal ka na okay? Tanaka ka na. Hindi ka itatakwil ng asawa’t anak mo sa ilang araw mong pag-stay sa New York!” si Mommy nang tinawagan ko siya at sinabi ko sa kanya ang mga thoughts ko. “Kung ayaw mong umalis, huwag ka nang tumuloy! Sayang nga lang ang opportunity.”Kinagat ko ang ibabang labi ko. “Mom—”“Ako mismo ang uuwi diyan kapag tinaboy ka nila. Don’t worry, Fiona. Sa ngayon, bigyan mo rin ng pansin ang nego
Kabanata 174Hindi ako makapaniwala na kasal na kami ni Yohan ngayon. Halos hindi nga ako makatulog sa kakaisip. Na baka panaginip lang pala iyon at hindi totoo.Pero hindi, kasal na ako at katabi ko na ang asawa ko.Asawa ko…Ang sarap sa pandinig. Nakakaganda ng araw. Parang isang magic lang ang lahat. Biglaan. Ang alam ko lang ay ang magd-date kami sa resort na iyon pero sa isang iglap, kinasal ako.Kinagat ko ang ibabang labi ko at saka unti-unting bumangon mula sa pagkakahiga.Ito ang unang araw naming bilang mag-asawa at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.“Yohan…” tawag ko kay Yohan para gisingin siya. “Gising na. Kailangan pa nating umuwi.”Nandito pa rin kasi kami sa resort at gusto ko nang umuwi para makita ang anak ko.“Hmm. Let’s sleep pa, hmm? Inaantok pa ako.”Napairap na lamang ako at saka mag-isa na lamang na bumangon. Akmang
Kabanata 173Hilang-hila ako ni Yohan na para bang walang katapusan. Napatingin ako sa kamay naming magkahawak. Parang ang sarap sa pakiramdam. Parang bumalik kami noon. Ang sarap sa feelings.“T-Teka Yohan! Saan tayo pupunta?” tanong ko at halos magpahila na nang husto sa kanya dahil sa malaki niyang mga hakbang.“Somewhere in here, Fiona,” aniya habang patuloy pa rin sa paghila at pagkatakbo.Bigla akong na-excite at kinabahan at the same time.Nang nakarating kami sa isang malaking space na buhangin na sobrang puti, tumigil kami at saka hiya ako hinarap. Ngumiti siya sa akin.“Close your eyes, Fiona,” aniya.“Bakit?”“Surprise nga, right?” he chuckled. “Now, close your eyes, Fiona.”Tiningnan ko muna siya nang matagal bago pumikit. Naghintay ako na mayroong mangyayari pero wala. Ang tanging naririnig ko lang ay mga alon na nagh
Kabanata 172 Tulala akong nakatingin sa baso ko habang si Tita Ylena ay kalmadong nagkakape sa harapan ko. Hindi ako makapaniwala na nakita ko siya ulit. Oo, sinabi ni Yohan na pupunta ang Mommy niya pero hindi ko akalain na ngayon na araw pala. “I’m happy to see you, hija,” panimula ni Tita Ylena. “It’s been five years.” Ngumiti ako ng tipid sa kanya. “Oo nga po, five years.” Ngumiti siya pabalik sa akin at saka ininom niya ang kape. Narito kami ngayon sa isang open space na coffee shop dito sa resort. Ang view namin ay ang dagat na may naghahampasan na mga alon. Huminga ako nang malalim at saka tiningnan siya. “Five years na po siya Tita, pero hindi ko pa rin makakalimutan,” ani ko. Napawi ang ngiti niya at saka siya tumikhim. “Hija, I am not here to have another fight with you.” Umiling siya. “I am actually here to visit. I told my son. Napaaga nga lang.” Humalukipkip ako at tiningnan siya. “Oo
Kabanata 171 Naunang nakatulog si Yohan. Ako naman ay narito lamang, inaalala ang mga pangyayari. Tiningnan ko ang singsing na nasa aking daliri. I remembered five years ago, when Yohan unexpectedly proposed to me. Hindi mawala sa isip ko iyon at kung may malungkot man akong mararamdaman, iniisip ko iyon. “I am happy, Fiona…” Napasinghap ako nang hinawakan niya ang kamay ko. “Masaya ako na makasama kita sa paskong ito.” “Yohan…” “Ayoko na pagsisihan ko ito sa huli. Maybe you are doubting me because of my family but I don’t really care about it, Fiona, as long as I have you.” “W-What are you saying, Yohan? Pasko ngayon, seryosong-seryoso mo yata ngayon…” “Because I am dead serious, Fiona Carolina.” Napalunok ako. “Alam ko na hindi ako nagiging mabuti sa iyo. I ruined your life. I ruined everything. Hindi siguro ako deserving sa iyo pero kahit ganoo
Kabanata 170Nang mas naging malalim pa ang aming halikan ay unti-unti niya akong inihiga sa malambot na kama. Nang nagkatinginan kami ay parang tumigil ang mundo ko. Parang sa sandaling ito ay siya lang ang nakita ko.“Yohan…”Huminga ako nang malalim.“Alam mo na kung gaano ako kasabik sa iyo, Carolina,” he huskily said.Ang kanyang kamay ay unti-unting gumapang paitaas sa aking damit.“Y-Yohan…” Daing ko sa kanyang pangalan.Hinaplos niya ang binti ko bago niya ako hinalikan ulit. Unti-unting nag-init ang aking katawan dahil sa kanyang kakaibang paghaplos. Nang bumaba ang kanyang halik sa aking leeg ay napakagat na lamang ako sa aking ibabang labi. Habang busy siya sa kanyang paghalik, busy din ang kanyang kamay sa panggagapang.Parang nanibaguhan ulit ang aking katawan sa kanyang mga halik at hawak. Bago ulit ito sa akin dahil ngayon ko lang ulit
Kabanata 169Sa La Luca resort ang tungo namin ni Yohan na siya lamang ang naghahanda. Wala akong kaalam-alam na dito pala kami magd-date or something. Kung alam ko lang ay nakapaghanda na sana ako.I was just teasing him last night. Hindi ko naman alam na totohanin niya. At ang cute niya magselos, ah? Anak ko pa talaga ang pinagseselosan niya?“Yohan, ilang araw ba tayo rito? Kasi si Felecity kasi, baka ma-miss niya tayo.”Sinamaan ako ng tingin ni Yohan nang binalingan niya ako. “Don’t mention Felecity in here, Fiona.”Hindi makapaniwala ko siyang tiningnan. “Sure ka ba riyan, Yohan? Pinagseselosan mo ngayon si Felecity.”Ngumuso siya. “Is it a bad thing? I want you alone. So, you should only think about me, like how you only think of Felecity when you were trying to make her soft or something.”Umirap ako at saka umupo sa kama. “Don’t worr
Kabanata 168And now that my relationship with my daughter is finally okay, hindi ko na kailangang mag-alala pa. Alam na rin ng mga tao at hindi sila makapaniwala. That I got pregnant at an early age at nag-assume din sila na kaya ako biglang nawala dahil nabuntis ako. Iyon naman ang katotohanan.But my image is not important anymore. Ayoko na e-save ang reputasyon ng isa na nasisira naman ang isa. I don’t want my daughter to be at the dark again. Ayoko na ganoon.Napailing na lamang ako at saka tinapos ko na ang red wine ko. Bukas ang bintana ng condo unit ni Yohan kaya nagkaroon ako ng time para sa sarili ko. I looked at the buildings. Gabing-gabi na at sa totoo lang, maganda ang tanawin sa gabi. Nakikita ko ang iba’t ibang kulay at nakita ko ang pag-ilaw ng malaki at mahabang bridge na nagkokonekta sa dalawang isla sa lugar na ito.Bumuntonghininga ako.I am planning to stay here for good. Alam ko na hindi
Kabanata 167Another week had passed, and I think my relationship with my daughter improved. She became open to me and she told me about her worst days at school. Nalaman ko na kaya siya nang-aaway kasi inaaway siya. Muntik na siyang ma-expelled dahil sa dumugo ang labi ng kaklase na sinampal niya. Mabuti at nabigyan ng pagkakataon. Nalaman ko rin na naglayas siya sa bahay nila ni Yohan dahil siya lang mag-isa.I felt sad and guilty at the same time.Nang dahil sa pag-iwan ko sa kanya ay nagkaganyan siya. Walang ina sa kanyang tabi. Walang nag-guide sa kanya sa paglaki. Kaya ngayon, hangga’t hindi pa huli ang lahat ay gagawin ko ang best ko.“Fiona…”Binalingan ko si Yohan. “Bakit?”He handed me an envelope. Kumunot ang noo ko. “Ano ito?”“Felecity asked me to give this to you. Nahihiya raw siya, Fiona. Project nila iyan sa paaralan nila.”