Kabanata 18
Napasinghap ako sa sandaling may humawak sa kamay ko. Para akong nauubusan ng hininga nang naamoy ko ang pamilyar na perfume.
“Nakita mo na ako…” Naramdaman ko na siya sa likod ko.
Napapikit ako nang naramdaman ko ang kanyang kamay sa expose ko na tiyan. Naka-crop top kasi ako na pink at high waist skirt.
“A-Akala ko ba ay titigilan mo na ako?” I gasped.
Naramdaman ko ang kanyang hininga sa tainga ko. Hiningang nang-aakit.
“Wala akong sinabi na tigilan na kita,” bulong niya.
Kumalabog ang puso ko at bigla akong nanghina. Pilit kong kumawala sa kanya ngunit hinawakan niya ang bewang ko at pilit na ipirme.
“A-Alam mo na may anak ako, di ba?” Nanginig ang boses ko. “Kaya wala ka nang dapat ilapit pa sa akin dahil wala ka rin namang makukuha.”
“Alam ko,” sagot niya. “At least reject that Chinese guy too.” He c
Kabanata 19Wala na akong magawa nang puwersahan niya akong pinaupo sa front seat. Pagkatapos ay ikinulong niya ako sa braso. Yumuko siya at pinagmasdan ang galit kong hitusra. Ngayon ko lang siya ulit nakita ng malapitan at hindi ko maipagkaila na gwapo siya lalo na sa suot ko ngayon.“I just want a nice chat with you,” bulong niya, halos lapit na namin sa isa’t isa. “I am not going to do bad, alright? Just talk…” He assured me.Hindi ako nagsalita at pinilit ko na mag-iwas ng tingin sa kanya. Nakita niya at nakita ko rin na umangat ang skirt ko kaya mas lalong lumantad ang hita ko. Pumula ang pisngi ko at narinig ko ang kanyang pagbuntong-hininga. Siya na mismo ang nagbaba sa suot ko bago niya sinarado ang pinto. Kinagat ko na lamang ang labi ko at huminga nang malalim.Hindi ko alam kung ano ang pag-uusapan namin. Saglit lang naman hindi ba? Naroon pa sa loob ang kaibigan ko at hindi ko a
Kabanata 20Hindi na muli nagparamdam si Yohan. Hindi ko na dapat poproblemahin iyon pero hindi ko akalain na iniisip ko hanggang sa pagbalik ko sa trabaho. Kinagat ko ang labi ko at mas lalong nawalan ng gana nang nakita ko na hindi na siya kumakain sa restaurant na ito.“Okay ka lang?” tanong ni Jane sa akin. “Simula nang bumalik ka, kakaiba ka na. May nangyari ba?”Umiling ako at saka nagpunas na sa mga lamesa. “Okay lang ako.”Bumuntonghininga siya. “Alam mo ba na araw-araw si Sir Jude dito? Nagbabaka sakali yata na papasok ka,” aniya. “Mukhang may tama na rin yata si Sir Jude sa iyo. Ang haba ng hair mo.”Iyon na naman ang problema ko. Kapag nakaharap ko ulit si Sir. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Pasekreto akong naghahanap ng ibang trabaho. Kung tatanggihan ko siya, hindi ko na alam kung anong mukha ang ihaharap ko sa kanya pagkatapos. Mas mabuti nang
Kabanata 21Mabuti na lang at may dala akong extra damit sa tote bag ko. Hindi ko inaasahan ito kaya hindi ko alam kung babagay ba ang suot ko sa restaurant na pupuntahan namin.“Hindi ba—”“You’re good.” He chuckled. “Kakain lang tayo.”Nakahinga ako nang maluwag. Naiilang pa ako na sumakay sa kotse niya dahil pinagtitinginan kami ng ibang katrabaho ko na sobrang lapad ng ngiti. Napailing na lamang ako at mas lalong namula nang hinawakan ni Sir Jude ang pisngi ko at iginiya sa loob ng kanyang kotse.Masyado itong nakakailang dahil boss ko siya at waitress ako ng restaurant niya. Kailangan ko munang tiisin ito. Hindi ko siya pinapaasa o ano. Gusto ko lang linawin sa kanya ang lahat. Sana may oras kapag nasa restaurant na kami.“You’re so beautiful, Carolina,” ani ni Sir nang nasa kotse na kami. “Hindi ko akalain na may anak ka na.”
Kabanata 22Tahimik ako habang si Sir ay panay ang kuwento tungkol sa mga bagay-bagay. Naiilang ako dahil na rin sa nakatitig si Yohan sa akin. Ni hindi na niya pinapansin ang ka-date niya dahil nasa akin na lang ang tingin niya.“You are not from here?” he asked.Tumango ako. Medyo kinabahan ako. Kilala niya siguro ang magulang ko pero hindi niya siguro alam na ako ang anak ng dalawang iyon. Huminga ako nang malalim. Nagdadalawang-isip ako kung ano ang isasagot ko, pero hindi naman puwedeng gumawa ako ng storya.“H-Hindi, uh…Lumipat ako rito f-four years ago.” Lumunok ako at hindi na siya matignan.“How old is your daughter then? You’re twenty two, right?”Tumango ako. “Magfo-four na siya.”Akmang magtatanong pa sana siya ngunit natigil lang nang biglang dumating ang waiter. Mabuti na lamang at dumating siya dahil hindi ako kumportable. Baka mawa
Kabanata 23“Talagang pinormahan ka na talaga ni, Sir, no?”Umawang ang labi ko at hindi magawang magsalita. Matapos ang araw na iyon ay naging usapan na ako sa mga katrabaho ko kinabukasan. Hindi maiwala ang kaba ko lalo na’t curious sila. Hindi naman ako pumayag na pormahan niya ako o ligawan. Akala ko rin ay lunch lang, hindi ko alam na may pa-bulaklak din pala.Siguro nasa isip ni Sir Jude ay pumayag ako pero hindi. Gusto kong linawin iyon sa kanya ngunit nauungasan lang ako ng kaba. Idagdag pa na naroon si Yohan.Hindi ko maintindihan si Yohan. Bakit siya gano’n makatingin? May kasama siyang ibang babae. Hindi siya nagparamdam sa akin pagkatapos niya akong dalhin sa kotse niya para mag-usap. Tapos makikita ko na lang siya na makita ulit ang babaeng kasama niya noong nakita ko siya sa labas ng restaurant. Tinawag pa siya na “Darling” kaya mas lalo lamang akong nadismaya.“Nap
Kabanata 24Hindi nawala sa isip ko si Yohan. Hanggang sa bahay ay naiisip ko siya at ang kanyang mga pinagsasabi. Sobra akong nagulat nang nalaman niya ang buo kong pangalan. Tinulungan pa ako ni Trixie na mag-fabricate. Pero sa huli, ang lalaki lang pala na iyon ang makakaalam.“Mommy, are you okay? You look sad!” Lumapit ang anak ko sa akin at saka umupo sa tabi ko. “I am here, Mommy!”Ngumuso ako at saka niyakap ang anak.“I am not sad,” sambit ko sabay kurot sa kanyang pisngi. “Pagod lang ako sa work.”“But you brought a bunch of flowers, Mommy,” malambing na sambit ulit ni Felecity. “May nagbigay ba ng gift sa iyo?”Bumuntonghininga ako. “Binigay lang ng boss ko, anak.”Mas napunta sa akin ang atensyon ng anak ko. “The chocolate guy?” she gasped. “He wants to be your boyfriend?”Hindi ako
Kabanata 25“Waitress?”Kurap na kurap na tanong sa akin ng babae nang nag-inquire ako. Interesado naman akong tumango.“I have an experience po—”“Ayaw mo mag-modeling?” putol niya sa akin.Kumunot ang noo ko. “Po?”Pinasadahan niya ako ng tingin. Nakatayo ako sa harap ng desk habang ang anak ko ay nakaupo sa sofa. The lady looks nice. Hindi niya naman pinagbawalan ang anak ko.“Maganda ka, matangkad. Actually, kayo ng anak mo. We are actually looking for a model right now kaya katakang-taka na waitress ang hinahanap mo. Malaki ang sahod ng model dito lalo na sa new clothing products ng Valdez group of companies,” paliwanag niya.Huminga ako ng malalim. Kung magmo-model ako, makikilala ako ng lahat at mas makilala ako ni Mommy at Daddy.“P-Pasensya na po pero waitress po ang gusto ko sanang -inquire,” pagpilit ko.
Kabanata 26Mabilis ang naging hakbang ko hanggang sa nakalabas kami ng building. Bilis na bilis pa rin ang pagtibok ng puso lalo na’t alam ko na nakasunod lang sa amin si Yohan. Minsan ay nalalayo siya sa amin dahil hinaharangan siya ng mga kapareho niyang business man upang sana ay makipag-usap.Masayang-masaya ang anak ko. Hindi ko maitindihan kung bakit magaan ang loob niya kay Yohan.“Mommy, siya po yata iyong guy na kausap ko sa phone. Pareho po sila ng voice,” nakatingalang sambit ni Felecity sa akin habang kami ay nag-aantay ng masasakyan.Sa gilid ng mata ko ay nakita ko si Yohan. Siya lang mag-isa at wala ang mga alipores niya. Wala rin siyang babae. Nasaan na kaya iyon? Tapos na ba sila no’n?“Hi po!” si Felecity.“Saan kayo kakain?” tanong ni Yohan pero nasa akin ang tingin.Napalunok ako at pilit na hindi siya tingnan.“Sa Jollibee po
WakasI didn’t waste my time. Pagkatapos ng ilang araw naming honeymoon ay naghanda na ako para sa pagbalik ko. I promised them na babalik ako. Babalik ako.Pero kahit sumang-ayon na sila, hindi ko pa rin maiwasan ang mag-alala at mag-overthink sa mga bagay-bagay.Paano kapag nakabalik ako ay babalik sa dati? Paano kung sumang-ayon lang si Felecity pero ang totoo ay hindi pala? Paano kung napilitan lang si Yohan na payagan ako na umalis?“Gosh, Fiona! Kasal ka na okay? Tanaka ka na. Hindi ka itatakwil ng asawa’t anak mo sa ilang araw mong pag-stay sa New York!” si Mommy nang tinawagan ko siya at sinabi ko sa kanya ang mga thoughts ko. “Kung ayaw mong umalis, huwag ka nang tumuloy! Sayang nga lang ang opportunity.”Kinagat ko ang ibabang labi ko. “Mom—”“Ako mismo ang uuwi diyan kapag tinaboy ka nila. Don’t worry, Fiona. Sa ngayon, bigyan mo rin ng pansin ang nego
Kabanata 174Hindi ako makapaniwala na kasal na kami ni Yohan ngayon. Halos hindi nga ako makatulog sa kakaisip. Na baka panaginip lang pala iyon at hindi totoo.Pero hindi, kasal na ako at katabi ko na ang asawa ko.Asawa ko…Ang sarap sa pandinig. Nakakaganda ng araw. Parang isang magic lang ang lahat. Biglaan. Ang alam ko lang ay ang magd-date kami sa resort na iyon pero sa isang iglap, kinasal ako.Kinagat ko ang ibabang labi ko at saka unti-unting bumangon mula sa pagkakahiga.Ito ang unang araw naming bilang mag-asawa at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.“Yohan…” tawag ko kay Yohan para gisingin siya. “Gising na. Kailangan pa nating umuwi.”Nandito pa rin kasi kami sa resort at gusto ko nang umuwi para makita ang anak ko.“Hmm. Let’s sleep pa, hmm? Inaantok pa ako.”Napairap na lamang ako at saka mag-isa na lamang na bumangon. Akmang
Kabanata 173Hilang-hila ako ni Yohan na para bang walang katapusan. Napatingin ako sa kamay naming magkahawak. Parang ang sarap sa pakiramdam. Parang bumalik kami noon. Ang sarap sa feelings.“T-Teka Yohan! Saan tayo pupunta?” tanong ko at halos magpahila na nang husto sa kanya dahil sa malaki niyang mga hakbang.“Somewhere in here, Fiona,” aniya habang patuloy pa rin sa paghila at pagkatakbo.Bigla akong na-excite at kinabahan at the same time.Nang nakarating kami sa isang malaking space na buhangin na sobrang puti, tumigil kami at saka hiya ako hinarap. Ngumiti siya sa akin.“Close your eyes, Fiona,” aniya.“Bakit?”“Surprise nga, right?” he chuckled. “Now, close your eyes, Fiona.”Tiningnan ko muna siya nang matagal bago pumikit. Naghintay ako na mayroong mangyayari pero wala. Ang tanging naririnig ko lang ay mga alon na nagh
Kabanata 172 Tulala akong nakatingin sa baso ko habang si Tita Ylena ay kalmadong nagkakape sa harapan ko. Hindi ako makapaniwala na nakita ko siya ulit. Oo, sinabi ni Yohan na pupunta ang Mommy niya pero hindi ko akalain na ngayon na araw pala. “I’m happy to see you, hija,” panimula ni Tita Ylena. “It’s been five years.” Ngumiti ako ng tipid sa kanya. “Oo nga po, five years.” Ngumiti siya pabalik sa akin at saka ininom niya ang kape. Narito kami ngayon sa isang open space na coffee shop dito sa resort. Ang view namin ay ang dagat na may naghahampasan na mga alon. Huminga ako nang malalim at saka tiningnan siya. “Five years na po siya Tita, pero hindi ko pa rin makakalimutan,” ani ko. Napawi ang ngiti niya at saka siya tumikhim. “Hija, I am not here to have another fight with you.” Umiling siya. “I am actually here to visit. I told my son. Napaaga nga lang.” Humalukipkip ako at tiningnan siya. “Oo
Kabanata 171 Naunang nakatulog si Yohan. Ako naman ay narito lamang, inaalala ang mga pangyayari. Tiningnan ko ang singsing na nasa aking daliri. I remembered five years ago, when Yohan unexpectedly proposed to me. Hindi mawala sa isip ko iyon at kung may malungkot man akong mararamdaman, iniisip ko iyon. “I am happy, Fiona…” Napasinghap ako nang hinawakan niya ang kamay ko. “Masaya ako na makasama kita sa paskong ito.” “Yohan…” “Ayoko na pagsisihan ko ito sa huli. Maybe you are doubting me because of my family but I don’t really care about it, Fiona, as long as I have you.” “W-What are you saying, Yohan? Pasko ngayon, seryosong-seryoso mo yata ngayon…” “Because I am dead serious, Fiona Carolina.” Napalunok ako. “Alam ko na hindi ako nagiging mabuti sa iyo. I ruined your life. I ruined everything. Hindi siguro ako deserving sa iyo pero kahit ganoo
Kabanata 170Nang mas naging malalim pa ang aming halikan ay unti-unti niya akong inihiga sa malambot na kama. Nang nagkatinginan kami ay parang tumigil ang mundo ko. Parang sa sandaling ito ay siya lang ang nakita ko.“Yohan…”Huminga ako nang malalim.“Alam mo na kung gaano ako kasabik sa iyo, Carolina,” he huskily said.Ang kanyang kamay ay unti-unting gumapang paitaas sa aking damit.“Y-Yohan…” Daing ko sa kanyang pangalan.Hinaplos niya ang binti ko bago niya ako hinalikan ulit. Unti-unting nag-init ang aking katawan dahil sa kanyang kakaibang paghaplos. Nang bumaba ang kanyang halik sa aking leeg ay napakagat na lamang ako sa aking ibabang labi. Habang busy siya sa kanyang paghalik, busy din ang kanyang kamay sa panggagapang.Parang nanibaguhan ulit ang aking katawan sa kanyang mga halik at hawak. Bago ulit ito sa akin dahil ngayon ko lang ulit
Kabanata 169Sa La Luca resort ang tungo namin ni Yohan na siya lamang ang naghahanda. Wala akong kaalam-alam na dito pala kami magd-date or something. Kung alam ko lang ay nakapaghanda na sana ako.I was just teasing him last night. Hindi ko naman alam na totohanin niya. At ang cute niya magselos, ah? Anak ko pa talaga ang pinagseselosan niya?“Yohan, ilang araw ba tayo rito? Kasi si Felecity kasi, baka ma-miss niya tayo.”Sinamaan ako ng tingin ni Yohan nang binalingan niya ako. “Don’t mention Felecity in here, Fiona.”Hindi makapaniwala ko siyang tiningnan. “Sure ka ba riyan, Yohan? Pinagseselosan mo ngayon si Felecity.”Ngumuso siya. “Is it a bad thing? I want you alone. So, you should only think about me, like how you only think of Felecity when you were trying to make her soft or something.”Umirap ako at saka umupo sa kama. “Don’t worr
Kabanata 168And now that my relationship with my daughter is finally okay, hindi ko na kailangang mag-alala pa. Alam na rin ng mga tao at hindi sila makapaniwala. That I got pregnant at an early age at nag-assume din sila na kaya ako biglang nawala dahil nabuntis ako. Iyon naman ang katotohanan.But my image is not important anymore. Ayoko na e-save ang reputasyon ng isa na nasisira naman ang isa. I don’t want my daughter to be at the dark again. Ayoko na ganoon.Napailing na lamang ako at saka tinapos ko na ang red wine ko. Bukas ang bintana ng condo unit ni Yohan kaya nagkaroon ako ng time para sa sarili ko. I looked at the buildings. Gabing-gabi na at sa totoo lang, maganda ang tanawin sa gabi. Nakikita ko ang iba’t ibang kulay at nakita ko ang pag-ilaw ng malaki at mahabang bridge na nagkokonekta sa dalawang isla sa lugar na ito.Bumuntonghininga ako.I am planning to stay here for good. Alam ko na hindi
Kabanata 167Another week had passed, and I think my relationship with my daughter improved. She became open to me and she told me about her worst days at school. Nalaman ko na kaya siya nang-aaway kasi inaaway siya. Muntik na siyang ma-expelled dahil sa dumugo ang labi ng kaklase na sinampal niya. Mabuti at nabigyan ng pagkakataon. Nalaman ko rin na naglayas siya sa bahay nila ni Yohan dahil siya lang mag-isa.I felt sad and guilty at the same time.Nang dahil sa pag-iwan ko sa kanya ay nagkaganyan siya. Walang ina sa kanyang tabi. Walang nag-guide sa kanya sa paglaki. Kaya ngayon, hangga’t hindi pa huli ang lahat ay gagawin ko ang best ko.“Fiona…”Binalingan ko si Yohan. “Bakit?”He handed me an envelope. Kumunot ang noo ko. “Ano ito?”“Felecity asked me to give this to you. Nahihiya raw siya, Fiona. Project nila iyan sa paaralan nila.”