ASH POV
“Almost 9 na Ash, hindi pa ba tayo pupunta?” tanong ni Sophia. Tiningnan ko ang oras at malapit na nga magnine. Humugot muna ako ng malalim na hininga saka tumayo ganun na rin sila.“Goodluck friend, galingan mo hawak niyo ang school natin.” Tapik pa sakin ni Jamin, nadedelikado ako sa kamay ko, sana makisama ka.Nagtungo na kami kung saan gaganapin ang laro. Pagpasok namin may mga naglalaro pa at marami rin ang nanunuod.“Mauna na kayo dun, pupuntahan ko lang mga kasama ko.” saad ko sa kanila at nagsitanguan naman sila. Nabaling ang paningin ko kay warfreak na nag-aalalang nakatingin sa akin. Napapailing na lang ako dahil pinapanindigan talaga niya na may gusto siya sakin? Tsss.Nang tumalikod na sila ay tumalikod na rin ako at tinungo ang pintuan ng exit. Hindi pa naman talaga ako pupunta sa mga kasama ko gusto ko munang pumunta sa matahimik na lugar. Diret"Oo mamaya pa." sagot sa kaniya ni Kendrick. Naglakad na kami palabas ng gym. "Dre ano ng balak mo ngayong hindi naman pala mag-asawa si Ash at Vance? mananahimik ka na lang?" bulong sa akin ni Kendrick. Tiningnan ko siya at ang mga mata niyang nang-aasar na ngayon. "Bahala na pre." hindi ko siguradong usal sa kaniya. "Guys, maiwan ko na muna kayo." agaw atensyon ni Vance sa amin kaya nilingon namin siya. "Hindi ka manunuod ng laro ko?" kunot noong tanong ni Aira. "Sa susunod na lang siguro." "Kadaya mo naman kapag si Ash ang maglalaro nanjan ka pero kapag ako aalis ka na. Walastik ka naman Vance eh." tunog nagtatampong saad ni Aira. "Kailangan ko kasing puntahan si Mommy at Daddy, sa susunod manunuod ako. Myth mauuna na ako. Guys." tinanguan na lang namin siya saka tuluyang tumalikod sa amin. "Mahal na mahal ka talaga nun eh n
KENT POV Pagkatapos ng laro nila ay nagtungo na kami sa cafeteria para mananghalian. Dahil sa school namin ginaganap ang interhigh ay halos mapuno ang cafeteria pero ang pwesto lang namin ang walang tao dahil may nakalagay dun na 'reserve'. "Ang galing naman hahaha, reserve talaga ang mesa natin?" namamangha pang saad ni Freya. "Ano ka ba Freya syempre iba na yung kaibigan natin ang may-ari no hahaha." saad din ni Jamin. "Sabagay hahaha." nag-apir pa silang dalawa ni Freya. Nang makaupo na kami ay may lumapit sa amin na staff ng cafeteria. "Ano po sa inyo ma'am? Hatid na lang po namin dito." Tanong niya kay baduy girl. "Ano raw gusto niyo?" baling niya naman sa amin. Kaniya kaniya naman na kaming sabi ng mga order namin at ang huli ay si baduy girl. Nang matapos ilista ng staff ang order namin ay nagkwentuha
Nakarating kami ng cafeteria at nandun naman na silang lahat at naghihintay. "Ash okay ka lang ba?"Nag-aalalang tanong ni Charlotte. "Bakit ba kasi hindi mo sila nilabanan?! Mga dayo na nga lang ang lalakas pa ng loob maghariharian sa school natin." Galit na usal ni Aira. "Hayaan niyo na." "Yan! jan ka magaling puro ka si hayaan mo na!" "Eh anong gusto mo? Labanan ko yung mga taong alam kong walang laban sa akin?" "King ina, kung nakakamatay lang ang kahambugan? Mauuna ka na." natawa na lang sa kanya si baduy girl sa sinabi ni Aira. "Feeling hero tayo jan hahaha." sinamaan ko naman ng tingin si Kendrick. "Ma'am palitan na lang po namin ang pagkain niyo. Nalamigan na po kasi." lapit sa amin ng staff. "Ok na kami dito, hindi na kailangan." tanggi ni baduy girl.
"Kuya pakibilisan naman po oh." saad ko sa nagdradrive."Sige po ma'am." sagot niya saka mabilis na pinaandar ang sasakyan. Nakarating kami ng ACIS kaya mabilis kong inilibot sa paligid ang paningin ko pero hindi ko sila makita kaya sinubukan ko silang hanapin sa loob ng gym. Pagpasok ko ay nakita ko silang lahat dun. Silang lahat na lang ang naiwan dito."Ash." napalingon silang lahat sa akin ng tawagin ako ni Sophia. Nabaling din ang paningin ko kay warfreak na hindi na maipinta ang mukha ngayon. Salubong na salubong ang kilay niya at mukhang galit, anong nangyari dito?"Saan ka pa ba galing? Ang tagal naming naghihintay dito dahil darating ka raw sabi ni Kent." si Freya."Kanina pa namin siya inaayang umuwi dahil baka nakauwi ka na pero ayaw niya, wala naman kaming magawa kundi ang hintayin siya." saad ni Sophia. Nilingon ko uli si warfreak na nasa isa pang bench.Hinintay pa
KENT POV Masaya akong umuwi ng bahay. "I'm home." masigla kong bati ng makapasok ako sa bahay. "Hi Mommy, you're so beautiful tonigth." isinayaw ko pa siya saka inikot at hinalikan ang pisngi. "Anong meron anak? Bakit ang saya mo yata?" nakangiti ngunit nagtatakang tanong ni Mommy. "Nanalo lang kami Mommy." "Sa unang araw? expected ko na yun son. Kung makangiti ka ngayon akala mo nanalo na kayo sa champion ah hehehehe." inakbayan ko naman si Mommy. "Tell me son, what happened?" "I'm just happy Mommy, soon I'll tell you." saad ko sa kaniya saka dumiretso sa kusina at kumain. "May nagpapasaya sayo tama?" umupo si Mommy sa harapan ko saka ko nginitian. "Yiiieeee who's that lucky girl." usisa ni Mommy. Kagat kagat ko ang labi ko dahil sa kilig na nararamdaman ko. Nakakabakla man pero yun t
ASH POVPagkarating ni Gavin ay pumunta na kami ng court. Marami na ang nandito. Papasok pa lang kami pero nangibabaw na ang sigawan ng mga estudyante.“ACIS”“ACIS”“GO BABY KENT”“I LOVE YOU GAVIN, ANG GWAPO GWAPO MO TALAGA.”Sigawan ng mga tao.“Mga tao talaga, Go baby Kent, I love you Gavin. Tsss.” Panggagaya pa ni Aira sa mga boses ng mga babaeng sumisigaw.“Ang bitter mo naman te, kung gusto mo sigaw ka rin ng ‘Go Baby Gavin’ hahaha.” Pang-aasar ni Jamin.“Yuck kahit huwag na.” pagtataray naman ni Aira. Hindi naman na ako nakisali pa sa daldalan nila at umupo na sa bench ng mga player ng ACIS. Kung bakit ba naman kasi dito pa kami pinaupo eh.“Hawakan mo ito ah hehehe.” Abot sa akin ni warfreak ng lagayan niya ng tubig at towel. Nag
Tiningnan ko si warfreak na naagaw pa ang bola. 5 seconds na lang ay matatapos na ang laro pero umayos pa siya sa three points saka sinubukang ishoot ang bola.Saktong tunog ng buzzer ay siyang pagpasok ng bola sa ring kaya parang batang nagtatatalon pa itong warfreak na to. Akala mo hindi na inaasahang mananalo eh. Nagyakapan silang mga magkakateam at mga nakipagshake hands na rin sa mga kalaban nila. Pagkatapos ay masaya silang lumapit sa coach nila.“ACIS.”“ACIS”“ACIS” sigawan ng mga supporter nila.“Good job teams, good job.” Masayang saad ng coach nila at nagyakapan pa sila. “Maganda laro natin ngayon Luxorious ah, sana kahapon mo pa ginawa.” Dagdag pa ng coach nila kay warfreak. Napakibit balikat naman si warfreak saka natawa.“Nanjan kasi yung charger niya coach kaya siya full charge hahahaha.” Biro pa ni Kendric
“Pre.” Awat ni Chase sa kaniya sa pagtangkang lapit niya sa mga lalaki.“Lalapitan ko lang, don’t worry.” Saad niya saka naglakad na palapit sa mga mayayabang na mga lalaki.“Anong kaguluhan to?” rinig naming tanong ni warfreak. Mahinahon ang pagkakatanong niya, binitawan ng lalaking kumwelyo sa staff ng makita si warfreak.“At sino ka naman para mangialam dito?” maangas na tanong ng lalaking nasa kaliwa. Mayayabang pala tong mga kumag na ito. Bakit? Porket kasama nila ang anak ng vise gobernador dito? Eh anong pakialam namin sa tatay niyang nasa politika, sa kaban lang din naman ng mga tao kinukuha ang pinangkakain nila.“Ako ang apo ng Dean dito, ano bang problema niyo?” mahinahon pa ring pakiusap ni warfreak. Maangas na lumapit ang isang lalaki kay warfreak hanggang sa ilang inches na lang ang layo nilang dalawa sa isa’t isa.“Eh ano naman
Sorry po kung ngayon lang ako nagparamdam sa story na 'to. Ngayon ko na lang kasi siya ulit navisit since nabusy ako sa maraming stories ko. The true reason kung bakit hindi na ako nakakapag-update is because para raw siyang HIH or His into Her ni Miss Jonaxx. Ayaw ko naman na plagiarize ako or something ginagaya ko siya, nagkataon lang na nagkaroon kami ng same plot. So, since then parang nawalan ako ng gana na ituloy siya kahit kompleto na siya sa isip ko until sa ending niya. Kung itutuloy ko naman siya need ko na naman basahin hanggang umpisa para maintindihan ko yung flow ng sarili kong story. As an author po kasi mahirap yung makumpara sa mga sikat ng author lalo na kung tingin nila ay nanggagaya ako ng gawa ng iba. Maraming salamat po sa mga nagbasa at naghihintay ng update ko. Kapag lumuwag po schedule ko, magsisingit po ako ng update medyo busy pa po ako 'till June. Thank you;)
“Ayan na!” sigaw niya kaya tiningnan ko naman yung butas at may pumasok nga. Mabilis ko naman iyung hinukay hanggang sa mahuli ko ang isang malaking talangka.“Oh my God, ang laki niya.” gulat pa niyang saad. Hinawakan ko naman sa magkabilang sipit niya saka ko iniabot sa kaniya.“Anong gagawin ko jan?” “Diba gusto mong makahuli.” “Yes pero ikaw na lang maghawak haha, masakit mangagat yan eh.” Napakamot na lang ako sa batok ko, walangya hahaha. Akala ko pa naman gusto niyang makahawak ng ganto. “So? Bitawan ko na?” “Edi bitawan mo na, kawawa naman kapag pinatay mo.” Napapailing na lang akong tumatawa sa kaniya.“Halika ka na, madilim na oh. Wala pa tayong ilaw. May dalang ilaw at battery jan si Vance, alam mo bang ikabit?” binitawan ko naman na ang kawawang talangka saka ko siya sinundan.“Isabit mo na lang jan sa sanga ng kahoy.” “Nasan yung battery?” “Ito oh.” Turo niya sa napakalaking battery. Talagang nanigurado
Pagkatapos naming kumain ay nagtungo na nga kami sa sinabi niya. Medyo may kalayuan nga lang pero okay lang dahil siya naman ang kasama ko, wala na akong hihilingin pa. Bumyahe kami palabas ng metro makarating lang ng dagat. Dahil nga may kalayuan nakatulog na siya sa byahe. Kararating namin pero hindi pa rin ako bumababa dahil tulog pa siya. Ang ganda niya talagang titigan. Wala ng gaganda sa kaniya. Napaiwas naman ako ng tingin ng gumalaw na siya. “Kanina pa ba tayo?” paos pa niyang tanong. “Kararating lang din naman.” Umayos na siya ng upo at inilibot ang paningin sa paligid saka bumaba kaya bumaba na rin ako. “May hinahanap ka ba?” tanong ko sa kaniya ng hindi matigil sa kakatingin niya sa paligid. “Ayun, dun tayo.” Turo niya sa isang ilalim ng puno na may mga gamit. Kumunot naman ang noo ko, kanino yan? “Kilala mo ba kung kaninong gamit yan?” tanong ko sa kaniya ng pakialamanan niya ang mga dun. “Ito ang gagamitin na
Bumili naman na ako ng ticket para sa papanuorin naming movie. Ako na rin bumili ng makakain namin sa loob. Pagkarating namin sa loob ay kakaunti pa lang din ang tao. Sa pangawalang upuan na rin kami umupo. “Mahilig ka manuod ng romance?” tanong ni Ash. “Ah siguro hehe, yan nadampot ko eh.” “Tsss, yan nadampot o yan talaga pinili mo?” “Pwede both? Haha.” Natatawa kong saad sa kaniya na ikinatawa niya naman. “Mag-ingat ka baka maulit nanaman yung nangyari sayo noong nakaraan.” “Hindi mo naman ako pababayaan diba?” “Ang bading mo talaga.” “Sige isang sabi mo pa ng bading ako, maski maraming tao hahalikan kita. Hamunin mo ako, sige.” Usal ko na ikinatikom naman ng bibig niya. Takot lang mahalikan eh, tssss. Sayang hehehe mahahalikan ko nanaman sana ang malambot niyang labi, haaaay. Pinatay naman na ang ilaw at ang tanging nagbibigay na lang ng liwanag ay ang screen sa harap. Marami rami na rin ang tao at ka
“Hindi ba maganda?” napakurap kurap naman ako ng ilang beses at tumikhim ng magsalita siya at pinasadahan ng tingin ang sarili niya. “Hindi naman, ang ganda mo nga eh.” Namamangha ko pang saad sa kaniya. “Kaya nga natulala eh, naku jan na nga kayong dalawa. Hoy warfreak ingatan mo yan ha?” “Oo naman yes!” tuwang tuwa ko pang saad kay Aira. Umakyat naman na ako sa hagdan at inilahad ang kamay ko sa kaniya habang nakayuko. Bahagya naman siyang natawa. “Akala mo naman prinsesa ang tutulungan mo.” Usal niya. “Eh prinsesa kita eh.” Napailing iling naman siya habang natawa. Inilahad niya na ang kamay niya at maingat ko namang hinawakan iyun. “Kumain ka na ba?” tanong ko sa kaniya. “Hindi pa, ikaw kumain ka na ba?” napakagat labi naman ako dahil inaalala niya na ako kung kumain na ba ako. Eh sa natutuwa ako kahit na mga simpleng tanong lang eh. “Kain na lang tayo sa labas.” Saad ko na lang sa kaniya, kaunti lang naman
“Mali ba ako?” tanong ko sa kaniya pero umiling lang naman siya.“Hindi naman, I like your answer pero paano na kaya kapag nandun ka na? hindi na siguro natin alam kung tama pa nga ba nating pagsabayin.”“Bakit mo nga ba natanong?”“Wala naman, natanong ko lang. Mahilig kasi ako manuod ng mga ganun haha yung love story siya tapos may katungkulan yung isa sa kanila.” Saad niya, pero bakit pakiramdam ko hindi talaga iyun ang dahilan.Jusko Kent Chester, umayos ka baka mamaya iba ang isipin niya.“Oh.” Nilingon ko naman siya ng masalita siya.“Alas dose na pala.” Saad niya habang nakatingin sa cell phone niya.“Hindi ko rin namalayan, ang sarap mo kasi kausap eh.” Bahagya naman siyang natawa saka tumayo.“Umuwi na tayo baka hinahanap ka na rin sa inyo.”“Hoy, anong tingin mo sa akin? Babae? At ikaw ang lalaki? Hell no, hindi
Tuluyan na kaming nakalabas ng hotel na pinagkainan namin at hindi pa rin iyun maalis sa isip ko lahat ng sinabi niya simula kanina ng makasama ko siya. Para bang isang awitin na ang sarap pakinggan. Paulit-ulit ko iyong naririnig sa isip ko. Nakakabading pero iba yung saya na nararamdaman ko. Mag-uumapaw na iyun sa sobrang dami. Hindi ako agad nakakapagsalita kapag mga ganung biglaan ang mga sinasabi niya. “Saan naman tayo ngayon?” tanong ko sa kaniya at hindi ipinapahalata ang lakas ng epekto niya sa sistema ko. “Manatili na lang tayo sa isang mataas na bahagi ng lugar.” “Ng ganto na lang? Dumaan tayo sa mall bili tayo ng mangunguya natin.” Saad ko, tumango naman siya at sumakay na kami na sa motor niya. Umalis kami sa hotel, I lean my head on her shoulder habang nakasakay ako pero hindi niya naman iyun pinansin. The best resting place. Kung ganito ba naman ang mapagpapahingahan ko kapag napapagod ako, makakapagpahinga talaga ako ng
“Sakay na.” aniya kaya kahit na nahihiya at naiilang ako dahil magkadikit na magkadikit kami dito sumakay na lang ako.“Kumapit kang mahigpit baka mahulog ka at masalo ka ng iba.” Napakagat labi naman ako sa sinabi niya, kung baga ayaw niyang masalo ako ng iba? Yiiieee hahaha kinikilig talaga ako. “Sasalohin mo ba ako kapag nahulog ako?” “Siguro, maaaring oo.” Hindi siya sigurado ibig bang sabihin nito nalilito na rin siya sa nararamdaman niya? haaaaay sarap sa pakiramdam. Napahawak naman ako sa bewang niya ng bigla niyang bilisan ang pagpapatakbo niya. Dinama ko ang hangin na dumadampi sa katawan ko, mas masaya pala ang magmotor kesa ang magkotse dahil bukod sa nakakayakap mo ang mahal mo mas enjoy na enjoy pa yung view at ang hangin. Mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kaniya pero hindi niya naman ako sinita o pinagbawalan kaya mas lalo akong nakakaramdam ng tuwa. Wala ng mas sasaya sa rides niyo ng taong mahal mo. Kailangan ko na yatang bumili n
KENT POVMay ngiti ako sa mukha ng pumasok ako ng kwarto ko, hindi ko pa rin makalimutan si Ash, araw gabi na lang ganito ako. Ang sarap palang mainlove.Hihintayin ko ang next time na sinasabi niya hehehehe. Parang wala nanaman siya sa mood kanina eh, ano kayang nangyari dun?Hindi bale, kahit araw-araw kang magsungit sakin okay lang, mahal kita eh. Hihiga na sana ako ng may kumatok sa pintuan ko.“Anak gising ka pa ba?” boses yun ni Mommy. Anong kailangan niya? nagtungo na lang ako sa pintuan saka pinagbuksan siya.“Why Mom?” nginitian niya naman ako ng nakakapangloko. Kaya kumunot ang noo ko.“Yiiieeee Ash is waiting you, nanjan siya sa sofa.” Natulala naman ako sa sinabi ni Mommy. She’s here at this hour?“Lalabas ka ba o hindi? Ikaw ang nanliligaw pero ikaw ang pinupuntahan, ano ba naman yan son?”“She’s different Mom, may nagagawa siyan