ASH POV
Ilang araw na rin ang nakalipas simula ng mangyari yun. Wala ng masyadong bumubulong bulong simula ng araw na yun pero may mga natitira pa ring ilan.“Ash nanjan na si warfreak, nakapasok na raw.” Saad ni Aira ng makaupo na siya sa tabi ko. Tatlong araw na lang ang natitira sa amin para sa interhigh, makakapaglaro ba siya?Mabuti naman at hindi siya nagtagal sa hospital, sino nga ba naman ang makakatagal sa hospital.“Hoy kayong dalawa kanina pa namin kayo hinahanap, hindi pa ba kayo kakain? Nakakagutom na guysuu.” Reklamo ni Jamin. Inayos ko naman na ang mga gamit ko dahil nandito kaming dalawa ni Aira sa mga bench. Sumunod naman na kami ni Aira sa kanilang tatlo. Malayo pa lang kami sa cafeteria pero rinig na namin ang sigawan ng mga estudyante. Ibig sabihin nanjan na sila.Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami ng cafeteria. Naabutan naman namin silKENT POV “Ano na dre? Hahaha seryoso na natin ah.” Tapik sakin ni Kendrick. Napabuntong hininga naman ako. “Naguguluhan ako dre.” Usal ko, ramdam ko ang seryosong tingin sakin ni Kendrick. “Pambihira, hanggang ngayon pa rin ba hindi mo pa rin maamin sa sarili mo?” inilingan ko naman siya. Hindi naman yun, hindi ko maintindihan yung sarili ko dapat nga magalit ako sa kaniya eh dahil sa ginawa niya sa akin pero kinokontra ako ng puso ko. “Nababaliw na yata ako.” ani ko. “What? Hahaha hoy Luxurious is that you?” nilingon ko siya, napatikhim naman siya ng makitang seryoso ako. “Kung tungkol pa rin yan kay Ash, you’re really inlove dre.” Seryoso niya na ring sabi. Kung ganun nga hindi ko na ikakaila pa. “Luxurious may naghahanap sayo!” sigaw ni coach kaya sabay pa kaming napalingon dun ni Kendrick. “Saglit lang dre.” Anas ko saka naglakad palabas ng gym. Inilibot ko ang paning
“Pero siya ang nakita kong may hawak ng bat!” usal ko pa sa kaniya. “King ina.” Napahilamos pa siya sa mukha niya bago uli bumaling sa akin. “Hindi si Ash ang pumokpok sayo Kent. Hawak niya ang softball bat na yun dahil papasok siya ng building ng ihagis sa kaniya ang bat kaya nung nakita ka niya hawak niya ang bat na yun.” Sabat na rin ni Chase. “Pre hindi yun magagawa ni Ash sayo, kung balak ka man niyang saktan edi sana noong mga panahon na naabutan ka niya sa mga delikadong sitwasyon hinayaan ka na niya.” usal na rin ni Gavin kaya mas lalo akong natahimik. “Si Ellise ang may gawa nun sayo. It’s a long story dre, wala kaming nagawa nun sayo dahil hindi na kami makasingit sa galit ni Ash.” Dagdag ni Gavin. Napapakuyom ako sa kamao ko dahil ang dami kong sinabi sa kaniya na hindi ko dapat sinabi. Kaya pala gulong gulo siya sa mga sinasabi ko dahil wala talaga siyang kasalanan. Bakit nga ba pinagbasehan ko ang nakita ko at hindi ako na
Nang makaalis na sila ay saka ko hinarap si warfreak. “Ano bang kailangan mo?” tanong ko na sa kaniya ng nananatili lang siyang tahimik. “Sisigawan mo nanaman ba ako? sasabihan ng mamamatay tao. Gusto mo bang malaman kung anong klase akong tao. Kapag nalaman mo ba katatakutan mo ako? Ano? Tatahimik ka na lang.” Dagdag kong usal sa kaniya. Napabuntong hininga naman siya bago ako hawakan sa palapulsuhan ko at hilain maglakad. "Saan mo ba ako dadalhin?” inis ko ng tanong sa kaniya.“Bakit ba ang daldal mo na?” inis niyang usal. Wow as in wow talaga. Ako pa ngayon ang madaldal na. Nilapit lapitan ako at kakausapin kuno pero kapag tinatanong naman siya puro siya tihimik. King inang yan.Nagpatuloy kaming dalawa sa paglalakad at huminto na lang ng makarating kami sa pinakadulo ng mga bench malapit sa garden ng school.Ilang minuto pa kaming tahimik na dalawa. Ganito na ba ang kakausa
Bakit ba naman kasi sa dami ng babae jan, sa dami naman ng kaya akong mahalin pabalik siya pa na minsan kong naging kaaway. Ngayon anong mangyayari? Siya na ang iiwas sa akin malamang. Hindi ko na maintindihan ang itinuturo ng prof namin na nasa harap dahil masyadong naglalayag ang isip ko. Siguro minahal ko siya dahil siya lang yung babaeng nakakagawa nun sa akin. Siya lang yung babaeng naglakas loob na patulan ako sa mga kalokohan ko. Lalo na ang ginawa niyang pagliligtas sa akin na kahit sinong babae hindi kayang gawin. Naglalakad na ako ngayon patungong gym, may ginawa pa kasi ako kaya nahuli ako sa kanila ng makasabay ko si baduy girl na maglakad. Tahimik lang kaming dalawa, naiilang ako pero parang wala lang sa kaniya. “Ah Ash.” Usal ko sa kaniya bago siya lumiko. Hinarap niya naman ako. “Wala akong narinig sa lahat ng sinabi mo warfreak. Kalimutan mo na yun at kakalimutan ko rin. Isipin na lang natin na hindi tayo nag-usap.
KENT POV “Let’s welcome our major stockholder of this school, Mrs. Mazie Moondale” malakas na anunsyo ng speaker. Gulat akong napatingin sa gawi nila baduy girl dahil sa guest ng school. “Moondale ba narinig ko? Moondale ang major stockholders ng ACIS?” hindi rin makapaniwalang saad ni Gavin. Anong nangyayari? sino itong Mazie Moondale? Kaano ano siya ni baduy girl at ni Vance? Ibig bang sabihin nito mother in law ni baduy girl ang may-ari ng school? at sila ang mga magulang ni Vance? ang tunay na nagmamay-ari ng school? Bakit ba masyado kayong mga misteryoso?Bakit ba ang hilig niyong pag-isipin kami kung sino talaga kayo? Kung ano talaga ang mga pagkatao niyo. “Good morning everyone. Masaya akong nandito ngayon sa inyong harapan para ipagdiwang ang interhigh ng inyong paaralan. Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa mukhang excited naman na kayo?” masaya nitong tanong. “YEEEESSSSS.” Sigaw ng mga estudyante
“Dre alam kong naguguluhan ka rin pero itinuon mo na muna ngayon ang buo mong atensyon sa laro, kailangan ka namin.” saad ni Kendrick na nakapagpabalik sa akin sa wisyo. Nabawasan na ang tao ng gym, ang natitira na lamang ay ang mga manlalaro at manunuod sa laro.Gusto ko sana silang sundan pero hindi pwede.“Mamayang 3pm pa ang first game natin.” Saad sa amin ni coach pagkatapos makita ang schedule sa board.“Kung ganun pwede po bang bumalik na lang kami mamaya?” si Chase.“Pwede naman pero dapat 2pm kompleto na tayo dito sa court.”“Sige coach, salamat.” Umalis na kaming apat dun at tuluyang lumabas ng gym. Inilibot ko naman ang paningin ko baka sakaling makita ko sila baduy girl pero mga mukha lang ng iba’t ibang estudyante ang nakikita ko.“Nahahati ang atensyon ko ngayon, sa katauhan ni Ash at sa laro natin.” Pagbubukas ni K
ASH POV“Almost 9 na Ash, hindi pa ba tayo pupunta?” tanong ni Sophia. Tiningnan ko ang oras at malapit na nga magnine. Humugot muna ako ng malalim na hininga saka tumayo ganun na rin sila.“Goodluck friend, galingan mo hawak niyo ang school natin.” Tapik pa sakin ni Jamin, nadedelikado ako sa kamay ko, sana makisama ka.Nagtungo na kami kung saan gaganapin ang laro. Pagpasok namin may mga naglalaro pa at marami rin ang nanunuod.“Mauna na kayo dun, pupuntahan ko lang mga kasama ko.” saad ko sa kanila at nagsitanguan naman sila. Nabaling ang paningin ko kay warfreak na nag-aalalang nakatingin sa akin. Napapailing na lang ako dahil pinapanindigan talaga niya na may gusto siya sakin? Tsss.Nang tumalikod na sila ay tumalikod na rin ako at tinungo ang pintuan ng exit. Hindi pa naman talaga ako pupunta sa mga kasama ko gusto ko munang pumunta sa matahimik na lugar. Diret
"Oo mamaya pa." sagot sa kaniya ni Kendrick. Naglakad na kami palabas ng gym. "Dre ano ng balak mo ngayong hindi naman pala mag-asawa si Ash at Vance? mananahimik ka na lang?" bulong sa akin ni Kendrick. Tiningnan ko siya at ang mga mata niyang nang-aasar na ngayon. "Bahala na pre." hindi ko siguradong usal sa kaniya. "Guys, maiwan ko na muna kayo." agaw atensyon ni Vance sa amin kaya nilingon namin siya. "Hindi ka manunuod ng laro ko?" kunot noong tanong ni Aira. "Sa susunod na lang siguro." "Kadaya mo naman kapag si Ash ang maglalaro nanjan ka pero kapag ako aalis ka na. Walastik ka naman Vance eh." tunog nagtatampong saad ni Aira. "Kailangan ko kasing puntahan si Mommy at Daddy, sa susunod manunuod ako. Myth mauuna na ako. Guys." tinanguan na lang namin siya saka tuluyang tumalikod sa amin. "Mahal na mahal ka talaga nun eh n
Sorry po kung ngayon lang ako nagparamdam sa story na 'to. Ngayon ko na lang kasi siya ulit navisit since nabusy ako sa maraming stories ko. The true reason kung bakit hindi na ako nakakapag-update is because para raw siyang HIH or His into Her ni Miss Jonaxx. Ayaw ko naman na plagiarize ako or something ginagaya ko siya, nagkataon lang na nagkaroon kami ng same plot. So, since then parang nawalan ako ng gana na ituloy siya kahit kompleto na siya sa isip ko until sa ending niya. Kung itutuloy ko naman siya need ko na naman basahin hanggang umpisa para maintindihan ko yung flow ng sarili kong story. As an author po kasi mahirap yung makumpara sa mga sikat ng author lalo na kung tingin nila ay nanggagaya ako ng gawa ng iba. Maraming salamat po sa mga nagbasa at naghihintay ng update ko. Kapag lumuwag po schedule ko, magsisingit po ako ng update medyo busy pa po ako 'till June. Thank you;)
“Ayan na!” sigaw niya kaya tiningnan ko naman yung butas at may pumasok nga. Mabilis ko naman iyung hinukay hanggang sa mahuli ko ang isang malaking talangka.“Oh my God, ang laki niya.” gulat pa niyang saad. Hinawakan ko naman sa magkabilang sipit niya saka ko iniabot sa kaniya.“Anong gagawin ko jan?” “Diba gusto mong makahuli.” “Yes pero ikaw na lang maghawak haha, masakit mangagat yan eh.” Napakamot na lang ako sa batok ko, walangya hahaha. Akala ko pa naman gusto niyang makahawak ng ganto. “So? Bitawan ko na?” “Edi bitawan mo na, kawawa naman kapag pinatay mo.” Napapailing na lang akong tumatawa sa kaniya.“Halika ka na, madilim na oh. Wala pa tayong ilaw. May dalang ilaw at battery jan si Vance, alam mo bang ikabit?” binitawan ko naman na ang kawawang talangka saka ko siya sinundan.“Isabit mo na lang jan sa sanga ng kahoy.” “Nasan yung battery?” “Ito oh.” Turo niya sa napakalaking battery. Talagang nanigurado
Pagkatapos naming kumain ay nagtungo na nga kami sa sinabi niya. Medyo may kalayuan nga lang pero okay lang dahil siya naman ang kasama ko, wala na akong hihilingin pa. Bumyahe kami palabas ng metro makarating lang ng dagat. Dahil nga may kalayuan nakatulog na siya sa byahe. Kararating namin pero hindi pa rin ako bumababa dahil tulog pa siya. Ang ganda niya talagang titigan. Wala ng gaganda sa kaniya. Napaiwas naman ako ng tingin ng gumalaw na siya. “Kanina pa ba tayo?” paos pa niyang tanong. “Kararating lang din naman.” Umayos na siya ng upo at inilibot ang paningin sa paligid saka bumaba kaya bumaba na rin ako. “May hinahanap ka ba?” tanong ko sa kaniya ng hindi matigil sa kakatingin niya sa paligid. “Ayun, dun tayo.” Turo niya sa isang ilalim ng puno na may mga gamit. Kumunot naman ang noo ko, kanino yan? “Kilala mo ba kung kaninong gamit yan?” tanong ko sa kaniya ng pakialamanan niya ang mga dun. “Ito ang gagamitin na
Bumili naman na ako ng ticket para sa papanuorin naming movie. Ako na rin bumili ng makakain namin sa loob. Pagkarating namin sa loob ay kakaunti pa lang din ang tao. Sa pangawalang upuan na rin kami umupo. “Mahilig ka manuod ng romance?” tanong ni Ash. “Ah siguro hehe, yan nadampot ko eh.” “Tsss, yan nadampot o yan talaga pinili mo?” “Pwede both? Haha.” Natatawa kong saad sa kaniya na ikinatawa niya naman. “Mag-ingat ka baka maulit nanaman yung nangyari sayo noong nakaraan.” “Hindi mo naman ako pababayaan diba?” “Ang bading mo talaga.” “Sige isang sabi mo pa ng bading ako, maski maraming tao hahalikan kita. Hamunin mo ako, sige.” Usal ko na ikinatikom naman ng bibig niya. Takot lang mahalikan eh, tssss. Sayang hehehe mahahalikan ko nanaman sana ang malambot niyang labi, haaaay. Pinatay naman na ang ilaw at ang tanging nagbibigay na lang ng liwanag ay ang screen sa harap. Marami rami na rin ang tao at ka
“Hindi ba maganda?” napakurap kurap naman ako ng ilang beses at tumikhim ng magsalita siya at pinasadahan ng tingin ang sarili niya. “Hindi naman, ang ganda mo nga eh.” Namamangha ko pang saad sa kaniya. “Kaya nga natulala eh, naku jan na nga kayong dalawa. Hoy warfreak ingatan mo yan ha?” “Oo naman yes!” tuwang tuwa ko pang saad kay Aira. Umakyat naman na ako sa hagdan at inilahad ang kamay ko sa kaniya habang nakayuko. Bahagya naman siyang natawa. “Akala mo naman prinsesa ang tutulungan mo.” Usal niya. “Eh prinsesa kita eh.” Napailing iling naman siya habang natawa. Inilahad niya na ang kamay niya at maingat ko namang hinawakan iyun. “Kumain ka na ba?” tanong ko sa kaniya. “Hindi pa, ikaw kumain ka na ba?” napakagat labi naman ako dahil inaalala niya na ako kung kumain na ba ako. Eh sa natutuwa ako kahit na mga simpleng tanong lang eh. “Kain na lang tayo sa labas.” Saad ko na lang sa kaniya, kaunti lang naman
“Mali ba ako?” tanong ko sa kaniya pero umiling lang naman siya.“Hindi naman, I like your answer pero paano na kaya kapag nandun ka na? hindi na siguro natin alam kung tama pa nga ba nating pagsabayin.”“Bakit mo nga ba natanong?”“Wala naman, natanong ko lang. Mahilig kasi ako manuod ng mga ganun haha yung love story siya tapos may katungkulan yung isa sa kanila.” Saad niya, pero bakit pakiramdam ko hindi talaga iyun ang dahilan.Jusko Kent Chester, umayos ka baka mamaya iba ang isipin niya.“Oh.” Nilingon ko naman siya ng masalita siya.“Alas dose na pala.” Saad niya habang nakatingin sa cell phone niya.“Hindi ko rin namalayan, ang sarap mo kasi kausap eh.” Bahagya naman siyang natawa saka tumayo.“Umuwi na tayo baka hinahanap ka na rin sa inyo.”“Hoy, anong tingin mo sa akin? Babae? At ikaw ang lalaki? Hell no, hindi
Tuluyan na kaming nakalabas ng hotel na pinagkainan namin at hindi pa rin iyun maalis sa isip ko lahat ng sinabi niya simula kanina ng makasama ko siya. Para bang isang awitin na ang sarap pakinggan. Paulit-ulit ko iyong naririnig sa isip ko. Nakakabading pero iba yung saya na nararamdaman ko. Mag-uumapaw na iyun sa sobrang dami. Hindi ako agad nakakapagsalita kapag mga ganung biglaan ang mga sinasabi niya. “Saan naman tayo ngayon?” tanong ko sa kaniya at hindi ipinapahalata ang lakas ng epekto niya sa sistema ko. “Manatili na lang tayo sa isang mataas na bahagi ng lugar.” “Ng ganto na lang? Dumaan tayo sa mall bili tayo ng mangunguya natin.” Saad ko, tumango naman siya at sumakay na kami na sa motor niya. Umalis kami sa hotel, I lean my head on her shoulder habang nakasakay ako pero hindi niya naman iyun pinansin. The best resting place. Kung ganito ba naman ang mapagpapahingahan ko kapag napapagod ako, makakapagpahinga talaga ako ng
“Sakay na.” aniya kaya kahit na nahihiya at naiilang ako dahil magkadikit na magkadikit kami dito sumakay na lang ako.“Kumapit kang mahigpit baka mahulog ka at masalo ka ng iba.” Napakagat labi naman ako sa sinabi niya, kung baga ayaw niyang masalo ako ng iba? Yiiieee hahaha kinikilig talaga ako. “Sasalohin mo ba ako kapag nahulog ako?” “Siguro, maaaring oo.” Hindi siya sigurado ibig bang sabihin nito nalilito na rin siya sa nararamdaman niya? haaaaay sarap sa pakiramdam. Napahawak naman ako sa bewang niya ng bigla niyang bilisan ang pagpapatakbo niya. Dinama ko ang hangin na dumadampi sa katawan ko, mas masaya pala ang magmotor kesa ang magkotse dahil bukod sa nakakayakap mo ang mahal mo mas enjoy na enjoy pa yung view at ang hangin. Mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kaniya pero hindi niya naman ako sinita o pinagbawalan kaya mas lalo akong nakakaramdam ng tuwa. Wala ng mas sasaya sa rides niyo ng taong mahal mo. Kailangan ko na yatang bumili n
KENT POVMay ngiti ako sa mukha ng pumasok ako ng kwarto ko, hindi ko pa rin makalimutan si Ash, araw gabi na lang ganito ako. Ang sarap palang mainlove.Hihintayin ko ang next time na sinasabi niya hehehehe. Parang wala nanaman siya sa mood kanina eh, ano kayang nangyari dun?Hindi bale, kahit araw-araw kang magsungit sakin okay lang, mahal kita eh. Hihiga na sana ako ng may kumatok sa pintuan ko.“Anak gising ka pa ba?” boses yun ni Mommy. Anong kailangan niya? nagtungo na lang ako sa pintuan saka pinagbuksan siya.“Why Mom?” nginitian niya naman ako ng nakakapangloko. Kaya kumunot ang noo ko.“Yiiieeee Ash is waiting you, nanjan siya sa sofa.” Natulala naman ako sa sinabi ni Mommy. She’s here at this hour?“Lalabas ka ba o hindi? Ikaw ang nanliligaw pero ikaw ang pinupuntahan, ano ba naman yan son?”“She’s different Mom, may nagagawa siyan