Share

Kabanata 24.1

Author: Rhea mae
last update Huling Na-update: 2021-11-20 23:42:18

Nagtuloy tuloy lang ang sayawan at pinahiram naman ng mga kaibigan ko ang mga babae nila tss. Kung sabagay ok naman na kesa ang tumunganga ako dito buong magdamag. Pabalik balik din dito yung Vance na yun para isayaw ng paulit ulit si baduy girl. Akala mo laging mawawala sa kaniya.

Mas lalong lumalim ang gabi pinaalis muna nila ang mga nagsasayawan sa gitna.

“Ok so good morning guys dahil alas dose na. Are you excited to our King and Queen? May papalit ba o mananatili ang ating mga dating King and Queen?!” masiglang sigaw ng council president. Kaniya kaniya silang sigawan.

“Handa na ba ang lahat?!”

“YEEEEEESSS.” Sigawan nila. Nagpangalumbaba na lang ako habang naghihintay sa result. Nahagip ng mga mata ko si baduy girl na umiinom ng juice. Halos magitla pa ako ng tingnan niya ako. Umiwas ako ng tingin sa kaniya at sa harap na lang ako tumingin.

“So gaya ng dati kung sino ang ma
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 24.2

    “Akina lahat ng gamit mo hatid ko na lang sa inyo.” Kinuha naman lahat ni Vance ang mga gamit ni baduy girl at Aira saka inilagay sa kotse niya.“Mag-iingat ka, kukutusan talaga kita kapag nagalusan ka.” Hindi ko na lang sila pinansin pa at sumakay na ako sa kotse ko. Tiningnan ko pa sila, pinanuod ko pang sumakay si baduy girl sa motor niya at nagsuot ng helmet. Nagbihis naman siya kanina habang si Aira naman ay nanatiling nakadress. Sumakay na rin si Aira saka isinuot ang helmet. Bumusina pa si baduy girl saka tumingin sa akin. Kitang kita ko yung mga mata niyang diretsong nakatingin sa akin na nakasuot siya ng helmet. Tinted ang sasakyan ko pero kung tumingin siya sa akin parang nakikita niya lang ako sa loob.Nang unti unti na silang nagsialisan ay umalis na rin ako ng parking lot at umuwi. Mga katulong na lang ang sumalubong sa akin tulog na iyun si Mommy. Dumiretso na ako sa kwarto ko at nagshower na lang ng saglit saka humiga

    Huling Na-update : 2021-11-23
  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 25.1

    “Hawakan mo na lahat huwag lang ang pag-aari ko dahil kaya kong pumatay ng tao.” Bakas ang galit sa kaniyang tinig. Napalunok ako dahil sa sinabi niya.Seryosong seryoso siya sa sinabi niya at kita ko rin ang paglunok ng katabi kong babae. Batid kong nagpapanggap siyang girlfriend ko siya para lubayan na ako nitong babae. Kung ganun nga ang ginagawa niya mapapaniwala niya lahat ng tao dahil sa emosyon na ipinapakita niya. Kahit ako ay nadadala sa emosyon na lumalabas mula sa kaniya.Mas lalo kong naramdaman ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam pero sa tuwing nanjan siya lagi na lang akong ganito. Lagi akong naaasar sa kaniya kahit na wala naman siyang ginagawa sa akin. Lagi akong natutulala at pinagmamasdan siya. Ayaw kong maniwala sa kung anong sinasabi sakin ni Kendrick na baka may gusto ako sa kaniya. Impossibleng mangyari yun dahil kung magmamahal man ako hinding hindi ko siya sasaktan. Impossibleng impossible.“Ah eh hehehehe.

    Huling Na-update : 2021-11-24
  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 25.2

    ASH POV“Bakit ba tinutulungan mo pa iyun Ash? Ang dami niya ng kalokohang ginawa sayo.” Iiling iling na saad sa akin ni Aira habang papasok pa lang kami sa loob ng bahay.“Ang mga ganun kaliit na bagay Aira hindi na dapat pang pinapalaki at pinapatulan.”“Alam ko naman iyun, oo sabihin na natin ayaw mong paglaanan ng oras mo pero ang hindi ko maintindihan eh sa tuwing kailangan na lang niya ng tulong o nila pinaglalaanan mo ng oras mo.” Hindi ko rin alam pakiramdam ko kasi responsibilidad kong gawin iyun. Hindi ko matiis na hindi sila tulungan tuwing kailangan. Umupo ako sa sofa at humarap naman sakin si Aira.“Pero kung sabagay ok naman na rin iyun. Tingnan mo na lang ang Luxurious na yun naging mabait. Akalain mong marunong na tumanaw ng utang na loob hahaha.” Tsss lagi na lang nagugulat kapag tinitingnan. Para bang isa akong nakakatakot na nilalang at lagi na lang

    Huling Na-update : 2021-11-24
  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 26.1

    Pumasok na kaming dalawa ni Aira at iniwan na yung dalawa. Ako pa talaga ang pagtatalunan nila? Tsss. Dumiretso na ako sa upuan ko at nandun na rin yung tatlo. Nagdaldalan pa sila hanggang sa dumating ang prof namin.Wala akong gana para pakinggan ang mga lesson nila ngayon. Mas lalong bumibilis ang oras namin dito pero wala pa rin kaming nakakalap na impormasyon. Hindi ko dapat iniiwan ang responsibilidad ko sa amin ng ganito katagal.Wala akong ginawa kundi ang maglakbay ang isip ko hanggang sa matapos ang pang-umagang subject namin. Para akong natutulala habang iniisip kung kamusta na sila dun, kung ano ng nangyayari.“Ash are you okay?” nilingon ko si Sophia na nagtanong.“Huwag mo akong alalahanin dahil ok lang ako.” sagot ko saka umupo sa upuan namin.“WAAAAAHHHHHH.”“KYAAAAAAHHHHH ANG GWAPO GWAPO TALAGA NILAAA.” Napapatakip na lang ako sa tenga ko dahi

    Huling Na-update : 2021-11-25
  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 26.2

    “Para namang bata iyun eh, pag-aawayan ang isang lalaki?” napasapo na lang ako sa noo ko at napabuntong hininga.“Hindi pa ba tayo late?” tanong ko sa kanila.“Wala tayong klase ngayon Ash vacant natin parepareho.” Sagot naman sa akin ni Sophia. Hindi ko na rin napansin kung anong schedule namin.“Sige bahala na.” Anas ko saka naglakad.“Teka Ash!” sigaw nila sa akin at rinig ko na rin ang pagtayo nila sa mga upuan nila.“Seryoso ka ba talaga dito? Pero kilala siyang magaling sa archery.” Wala akong pakialam kung siya pa ang pinakamagaling. Nakakapagod makipagtalo sa kanila. Lalaki lang pero bakit kailangan pang pag-awayan?“Bahala na.” Tanging nasabi ko na lang. Naglakad na kami patungo dun. Hindi ko akalaing marami na rin palang mga estudyante dun. Nakita ko si Kristel na nakatayo sa gitna at inaasinta ang hawak niyang ar

    Huling Na-update : 2021-11-25
  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 27.1

    GAVIN POVParepareho na kaming hindi nakapasok sa unang subject. Nagtataka kaming nakatingin ngayon kay Kent habang may sinasabi kay Ash na hindi na namin maintindihan. Bulungan lang silang dalawa. Ano bang ginagawa ni Kent? Base sa nakikita ko naman ay hindi siya galit ewan ko pero pakiramdam ko iba ang lumalabas na emosyon ngayon kay Kent. Alam naming mainit ang dugo niya kay Ash pero yung ngayon? iba eh, makikita mo sa mga mata niya ang pag-aalala dito.Maya maya pa ay umatras na si Kent na nakakunot na ang noo pero hindi dahil sa inis kundi dahil sa pag-aalala? Hindi ako sigurado dahil knowing Kent? Kelan pa yan nag-alala sa mga taong ayaw niya. Bumalik siya sa tabi namin at nakatutok na uling nakatingin ngayon kay Ash.“May problema ba dre?” tanong ko dito pero inilingan niya lang ako habang kay Ash pa rin ang mga mata niya. Bumunot na si Ash ng tatlong palaso. Humugot pa siya ng malaking hininga saka pum

    Huling Na-update : 2021-11-26
  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 27.2

    ASH POVNakapasok kami sa susunod naming subject pero wala akong naintindihan kahit isa dun. Masyadong busy ang isip ko sa paglalakbay. Dumagdag pa yung warfreak na yun. Kung makipag-usap akala mo close kami ah? Tss.Ipinatong ko ang noo ko sa armchair ko. Tao rin naman ako napapagod. Gusto kong nakafocus lang ako sa dapat kong gawin dito hindi kung saan saan. Natapos ang panghapong klase namin at naglalakad na kami ng masalubong namin yung tatlo.“Hindi niyo ba napansin jan si Kent?” salubong na tanong ni Kendrick.“Hindi. Eh kayo ang magkakaklase ah.” Sagot ni Freya.“Simula kasi nung umalis siya kanina nung magkakasama tayo hanggang ngayon wala pa rin eh.” Si Kendrick.“Hindi siya pumasok?” tanong naman ni Sophia na inilingan ni Kendrick.“Baka nanjan lang yun. Baka gusto lang mapag-isa.” Si Aira.

    Huling Na-update : 2021-11-26
  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 28.1

    ASH POV“Eh paano na yan Ash? Kung wala na nga silang magagawa para bawiin ang pangalan mong naipasa nila. So kailangan mong maglaro.” Isinandal ko na lang ang batok ko sa sofa. Nakwento ko kay Aira ang nangyaring pagpapalista ng pangalan kong hindi ko alam. “Bakit hindi mo subukan? Magaling ka namang pumana.” Marunong akong pumana at hindi lang marunong dahil magaling ako sa larangang iyun. Pero hindi ko alam kung kakayanin ko nga bang bitawan ang bawat palaso kung imahe ni Ama ang lagi kong nakikita.Ipinikit ko ang mga mata ko ng hamunin ako ni Kristel hindi dahil para magpakitang gilas o para ipakita sa kanilang lahat na magaling ako. Ipinikit ko iyun dahil nakikita ko ang naghihingalong mahal kong Ama kapag nakamulat ako.“Wala naman akong magagawa kung nandun na nga ang pangalan ko.” sagot ko sa kaniya.“Kung ganun edi sabay na tayong umuwi pagkatapos ng

    Huling Na-update : 2021-11-27

Pinakabagong kabanata

  • The Heiress(Tagalog)   Author's note

    Sorry po kung ngayon lang ako nagparamdam sa story na 'to. Ngayon ko na lang kasi siya ulit navisit since nabusy ako sa maraming stories ko. The true reason kung bakit hindi na ako nakakapag-update is because para raw siyang HIH or His into Her ni Miss Jonaxx. Ayaw ko naman na plagiarize ako or something ginagaya ko siya, nagkataon lang na nagkaroon kami ng same plot. So, since then parang nawalan ako ng gana na ituloy siya kahit kompleto na siya sa isip ko until sa ending niya. Kung itutuloy ko naman siya need ko na naman basahin hanggang umpisa para maintindihan ko yung flow ng sarili kong story. As an author po kasi mahirap yung makumpara sa mga sikat ng author lalo na kung tingin nila ay nanggagaya ako ng gawa ng iba. Maraming salamat po sa mga nagbasa at naghihintay ng update ko. Kapag lumuwag po schedule ko, magsisingit po ako ng update medyo busy pa po ako 'till June. Thank you;)

  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 70.2

    “Ayan na!” sigaw niya kaya tiningnan ko naman yung butas at may pumasok nga. Mabilis ko naman iyung hinukay hanggang sa mahuli ko ang isang malaking talangka.“Oh my God, ang laki niya.” gulat pa niyang saad. Hinawakan ko naman sa magkabilang sipit niya saka ko iniabot sa kaniya.“Anong gagawin ko jan?” “Diba gusto mong makahuli.” “Yes pero ikaw na lang maghawak haha, masakit mangagat yan eh.” Napakamot na lang ako sa batok ko, walangya hahaha. Akala ko pa naman gusto niyang makahawak ng ganto. “So? Bitawan ko na?” “Edi bitawan mo na, kawawa naman kapag pinatay mo.” Napapailing na lang akong tumatawa sa kaniya.“Halika ka na, madilim na oh. Wala pa tayong ilaw. May dalang ilaw at battery jan si Vance, alam mo bang ikabit?” binitawan ko naman na ang kawawang talangka saka ko siya sinundan.“Isabit mo na lang jan sa sanga ng kahoy.” “Nasan yung battery?” “Ito oh.” Turo niya sa napakalaking battery. Talagang nanigurado

  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 70.1

    Pagkatapos naming kumain ay nagtungo na nga kami sa sinabi niya. Medyo may kalayuan nga lang pero okay lang dahil siya naman ang kasama ko, wala na akong hihilingin pa. Bumyahe kami palabas ng metro makarating lang ng dagat. Dahil nga may kalayuan nakatulog na siya sa byahe. Kararating namin pero hindi pa rin ako bumababa dahil tulog pa siya. Ang ganda niya talagang titigan. Wala ng gaganda sa kaniya. Napaiwas naman ako ng tingin ng gumalaw na siya. “Kanina pa ba tayo?” paos pa niyang tanong. “Kararating lang din naman.” Umayos na siya ng upo at inilibot ang paningin sa paligid saka bumaba kaya bumaba na rin ako. “May hinahanap ka ba?” tanong ko sa kaniya ng hindi matigil sa kakatingin niya sa paligid. “Ayun, dun tayo.” Turo niya sa isang ilalim ng puno na may mga gamit. Kumunot naman ang noo ko, kanino yan? “Kilala mo ba kung kaninong gamit yan?” tanong ko sa kaniya ng pakialamanan niya ang mga dun. “Ito ang gagamitin na

  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 69.2

    Bumili naman na ako ng ticket para sa papanuorin naming movie. Ako na rin bumili ng makakain namin sa loob. Pagkarating namin sa loob ay kakaunti pa lang din ang tao. Sa pangawalang upuan na rin kami umupo. “Mahilig ka manuod ng romance?” tanong ni Ash. “Ah siguro hehe, yan nadampot ko eh.” “Tsss, yan nadampot o yan talaga pinili mo?” “Pwede both? Haha.” Natatawa kong saad sa kaniya na ikinatawa niya naman. “Mag-ingat ka baka maulit nanaman yung nangyari sayo noong nakaraan.” “Hindi mo naman ako pababayaan diba?” “Ang bading mo talaga.” “Sige isang sabi mo pa ng bading ako, maski maraming tao hahalikan kita. Hamunin mo ako, sige.” Usal ko na ikinatikom naman ng bibig niya. Takot lang mahalikan eh, tssss. Sayang hehehe mahahalikan ko nanaman sana ang malambot niyang labi, haaaay. Pinatay naman na ang ilaw at ang tanging nagbibigay na lang ng liwanag ay ang screen sa harap. Marami rami na rin ang tao at ka

  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 69.1

    “Hindi ba maganda?” napakurap kurap naman ako ng ilang beses at tumikhim ng magsalita siya at pinasadahan ng tingin ang sarili niya. “Hindi naman, ang ganda mo nga eh.” Namamangha ko pang saad sa kaniya. “Kaya nga natulala eh, naku jan na nga kayong dalawa. Hoy warfreak ingatan mo yan ha?” “Oo naman yes!” tuwang tuwa ko pang saad kay Aira. Umakyat naman na ako sa hagdan at inilahad ang kamay ko sa kaniya habang nakayuko. Bahagya naman siyang natawa. “Akala mo naman prinsesa ang tutulungan mo.” Usal niya. “Eh prinsesa kita eh.” Napailing iling naman siya habang natawa. Inilahad niya na ang kamay niya at maingat ko namang hinawakan iyun. “Kumain ka na ba?” tanong ko sa kaniya. “Hindi pa, ikaw kumain ka na ba?” napakagat labi naman ako dahil inaalala niya na ako kung kumain na ba ako. Eh sa natutuwa ako kahit na mga simpleng tanong lang eh. “Kain na lang tayo sa labas.” Saad ko na lang sa kaniya, kaunti lang naman

  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 68.2

    “Mali ba ako?” tanong ko sa kaniya pero umiling lang naman siya.“Hindi naman, I like your answer pero paano na kaya kapag nandun ka na? hindi na siguro natin alam kung tama pa nga ba nating pagsabayin.”“Bakit mo nga ba natanong?”“Wala naman, natanong ko lang. Mahilig kasi ako manuod ng mga ganun haha yung love story siya tapos may katungkulan yung isa sa kanila.” Saad niya, pero bakit pakiramdam ko hindi talaga iyun ang dahilan.Jusko Kent Chester, umayos ka baka mamaya iba ang isipin niya.“Oh.” Nilingon ko naman siya ng masalita siya.“Alas dose na pala.” Saad niya habang nakatingin sa cell phone niya.“Hindi ko rin namalayan, ang sarap mo kasi kausap eh.” Bahagya naman siyang natawa saka tumayo.“Umuwi na tayo baka hinahanap ka na rin sa inyo.”“Hoy, anong tingin mo sa akin? Babae? At ikaw ang lalaki? Hell no, hindi

  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 68.1

    Tuluyan na kaming nakalabas ng hotel na pinagkainan namin at hindi pa rin iyun maalis sa isip ko lahat ng sinabi niya simula kanina ng makasama ko siya. Para bang isang awitin na ang sarap pakinggan. Paulit-ulit ko iyong naririnig sa isip ko. Nakakabading pero iba yung saya na nararamdaman ko. Mag-uumapaw na iyun sa sobrang dami. Hindi ako agad nakakapagsalita kapag mga ganung biglaan ang mga sinasabi niya. “Saan naman tayo ngayon?” tanong ko sa kaniya at hindi ipinapahalata ang lakas ng epekto niya sa sistema ko. “Manatili na lang tayo sa isang mataas na bahagi ng lugar.” “Ng ganto na lang? Dumaan tayo sa mall bili tayo ng mangunguya natin.” Saad ko, tumango naman siya at sumakay na kami na sa motor niya. Umalis kami sa hotel, I lean my head on her shoulder habang nakasakay ako pero hindi niya naman iyun pinansin. The best resting place. Kung ganito ba naman ang mapagpapahingahan ko kapag napapagod ako, makakapagpahinga talaga ako ng

  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 67.2

    “Sakay na.” aniya kaya kahit na nahihiya at naiilang ako dahil magkadikit na magkadikit kami dito sumakay na lang ako.“Kumapit kang mahigpit baka mahulog ka at masalo ka ng iba.” Napakagat labi naman ako sa sinabi niya, kung baga ayaw niyang masalo ako ng iba? Yiiieee hahaha kinikilig talaga ako. “Sasalohin mo ba ako kapag nahulog ako?” “Siguro, maaaring oo.” Hindi siya sigurado ibig bang sabihin nito nalilito na rin siya sa nararamdaman niya? haaaaay sarap sa pakiramdam. Napahawak naman ako sa bewang niya ng bigla niyang bilisan ang pagpapatakbo niya. Dinama ko ang hangin na dumadampi sa katawan ko, mas masaya pala ang magmotor kesa ang magkotse dahil bukod sa nakakayakap mo ang mahal mo mas enjoy na enjoy pa yung view at ang hangin. Mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kaniya pero hindi niya naman ako sinita o pinagbawalan kaya mas lalo akong nakakaramdam ng tuwa. Wala ng mas sasaya sa rides niyo ng taong mahal mo. Kailangan ko na yatang bumili n

  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 67.1

    KENT POVMay ngiti ako sa mukha ng pumasok ako ng kwarto ko, hindi ko pa rin makalimutan si Ash, araw gabi na lang ganito ako. Ang sarap palang mainlove.Hihintayin ko ang next time na sinasabi niya hehehehe. Parang wala nanaman siya sa mood kanina eh, ano kayang nangyari dun?Hindi bale, kahit araw-araw kang magsungit sakin okay lang, mahal kita eh. Hihiga na sana ako ng may kumatok sa pintuan ko.“Anak gising ka pa ba?” boses yun ni Mommy. Anong kailangan niya? nagtungo na lang ako sa pintuan saka pinagbuksan siya.“Why Mom?” nginitian niya naman ako ng nakakapangloko. Kaya kumunot ang noo ko.“Yiiieeee Ash is waiting you, nanjan siya sa sofa.” Natulala naman ako sa sinabi ni Mommy. She’s here at this hour?“Lalabas ka ba o hindi? Ikaw ang nanliligaw pero ikaw ang pinupuntahan, ano ba naman yan son?”“She’s different Mom, may nagagawa siyan

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status