ASH POV
Nakapasok kami sa susunod naming subject pero wala akong naintindihan kahit isa dun. Masyadong busy ang isip ko sa paglalakbay. Dumagdag pa yung warfreak na yun. Kung makipag-usap akala mo close kami ah? Tss.Ipinatong ko ang noo ko sa armchair ko. Tao rin naman ako napapagod. Gusto kong nakafocus lang ako sa dapat kong gawin dito hindi kung saan saan.Natapos ang panghapong klase namin at naglalakad na kami ng masalubong namin yung tatlo.“Hindi niyo ba napansin jan si Kent?” salubong na tanong ni Kendrick.“Hindi. Eh kayo ang magkakaklase ah.” Sagot ni Freya.“Simula kasi nung umalis siya kanina nung magkakasama tayo hanggang ngayon wala pa rin eh.” Si Kendrick.“Hindi siya pumasok?” tanong naman ni Sophia na inilingan ni Kendrick.“Baka nanjan lang yun. Baka gusto lang mapag-isa.” Si Aira.ASH POV“Eh paano na yan Ash? Kung wala na nga silang magagawa para bawiin ang pangalan mong naipasa nila. So kailangan mong maglaro.” Isinandal ko na lang ang batok ko sa sofa. Nakwento ko kay Aira ang nangyaring pagpapalista ng pangalan kong hindi ko alam. “Bakit hindi mo subukan? Magaling ka namang pumana.” Marunong akong pumana at hindi lang marunong dahil magaling ako sa larangang iyun. Pero hindi ko alam kung kakayanin ko nga bang bitawan ang bawat palaso kung imahe ni Ama ang lagi kong nakikita.Ipinikit ko ang mga mata ko ng hamunin ako ni Kristel hindi dahil para magpakitang gilas o para ipakita sa kanilang lahat na magaling ako. Ipinikit ko iyun dahil nakikita ko ang naghihingalong mahal kong Ama kapag nakamulat ako.“Wala naman akong magagawa kung nandun na nga ang pangalan ko.” sagot ko sa kaniya.“Kung ganun edi sabay na tayong umuwi pagkatapos ng
KENT POVNaglalakad na kami patungong cafeteria at kabilaan nanaman ang tilian. Napako ang tingin ko kay baduy girl na nakikipag-usap sa kaharap niyang lalaki. Sino naman ang lalaking kasama nanaman nito?Halos tumingin lahat ang mga kasama niya sa table pero tanging siya lang ang hindi lumingon. At ano naman sayo ngayon? umaasa ka na tatapunan ka niya ng tingin.Nang makalapit na kami ay ang asawa niya palang si Vance ang kausap niya. Himalang napadpad iyan dito. Naalala ko nanaman yung nangyari sa kanilang dalawa ni baduy girl kanina. Nagulat na lang ako ng bigla niyang sigawan ito at hilain kung saan.FLASHBACKNang makaalis na silang dalawa ay tahimik lang kami.“May LQ sila?” saad pa ni Freya na nakatingin din kung saan dumaan ang dalawa.“Hayaan niyo na lang muna, ganiyan talaga. Pumasok na lang tayo.” Naglakad na silang lahat pero
ASH POVMabilis naman na lumilipas ang araw nagiging tahimik na rin ang buhay ko sa ACIS. Wala ng gumugulo sa akin pero hindi pa rin nawawala ang kabilaang bulungan. Hindi na rin ako ginugulo ni warfreak, kung kakausapin niya ako malumanay naman na.Nagstart na rin ang training namin sa archery pero saglit ko lang na hinahawakan ang bagay na yun. Hindi rin ako humaharap sa target, gaya nga ng nasabi ni Vance ay kakausapin niya ang coach namin tungkol dun. Hindi naman niya ako pinapagalitan kapag saglit lang ang practice ko. Hindi naman ako nagmamayabang na porket alam ko na ay hindi na ako magprapractice.Hindi rin ako iniimikan ni Kristel. Iniismiran niya lang naman ako minsan hindi ko naman na iyun pinapatulan pa. Wala namang mangyayari sa akin sa ismid lang.“Excited na ako sa darating na interhigh. Papanuorin ko talaga lahat ng laro niyo ni Ash.” Sambit ni Sophia.“Eh paano kung n
KENT POVWala akong ginawa kundi ang ituon ang atensyon ko sa paglalaro. Wala akong ginawa kundi sa bawat pasa nila ay diretso sa ring mapatres o dos lang. Kanina pa kami laro ng laro at naliligo na rin ako sa sarili kong pawis.“Pre masyado kang seryoso hahaha wala pa tayo sa laro.” Tapik ni Kendrick sa balikat ko habang nakapatong ang dalawa kong palad sa tuhod ko. Hindi ko naman siya nasagot dahil hinahabol ko pa ang hininga ko.Natapos ang practice namin. Naliligo na ang mga kateam ko habang ako naman ay nananatiling nakaupo pa dito sa bench.“Pre maligo ka na hintayin ka na namin.” nilingon ko silang tatlong mga nakaligo na.“Hindi na dre mauna na kayo, ayos lang.”“May problema ba?” si Gavin.“Wala wala ok lang ako. Walang mangyayari sakin dito.” Ngiting saad ko sa kanila.“Sigurado ka ba? Sus
Anong klaseng tao ka ba Moondale? Masyado ka ng nagiging misteryosa. Anong lakas ng loob meron ka para sumugod sa mga ganitong sitwasyon? Kung makapagsalita ka akala mo kayang kaya mo silang lahat pero ang totoo kapag nilabanan ka nila paniguradong matatalo ka. Ang ipinagtataka ko lang anong relasyon kayong lahat meron ang isa’t isa para sundin ka nila?Hindi kaya isa ka sa kanila? O ikaw mismo ang boss nila? Masyado akong naguguluhan.“Ash naman.” Nangungusap ng anas ni Lucas.“Sinong pumalo sa kaniya?” ang tinig ng boses niyang makakapagpatayo ng mga balahibo mo sa katawan. Nilapitan niya ang isang lalaking may hawak ng baseball bat na siyang pumalo sa akin. “Ikaw?” maangas niyang tanong. Hindi naman nakapagsalita ito at nakayuko na ngayon habang nanginginig ang kamay. Dahan dahan namang kinuha ni baduy girl ang baseball bat na hawak ng pumalo sa akin. "Alam mo bang kapag ako ang pumalo sayo nito hind
Gaya nga ng sabi niya ay sinundan niya ako hanggang sa makarating kami ng hospital. Tinulungan niya akong maglakad papasok, sinalubong naman kami ng ilang nurse.“Ano pong nangyari sa kaniya?” tanong ng isang babaeng nurse.“Napalo ng baseball bat.” Anas pa niya. Tiningnan naman ng nurse ang binti ko, akala mo naman ay makikita niya yun gayong nakapantalon ako. Pinaupo nila ako sa wheelchair at itinulak naman ako ng isang lalaking nurse. Nililingon ko naman si baduy girl kung nakasunod pa rin ba siya sa akin. Nakarating kami sa isang room at pinaalis sa akin ang pantalon ko, buti na lang pala may baon akong short at iyun na ang isinuot ko.Nagulat din ako sa naging itsura ng binti ko. Para na itong kulay ube!! Pesteng to paano ako makakapagpractice kung ganito ang kalagayan ko?“Mukhang malakas ang pagkakapalo dito ah. Ano bang nangyari?” kunot noong tanong ng Doctor.“Napagtri
ASH POVPaulit ulit akong napapabuntong hininga. Hindi ko alam kung nakakailan na ba ako ngayong gabi. Kapag naaalala ko ang takot na takot na mukha ng warfreak na yun. Siya na nga itong tinulungan tapos ako pa pag-iisipan ng masama. Mukha ba akong gangster? Ayos yun ah.Nakauwi akong bahay at nakita ko naman si Aira na parang tamad na tamad umakyat sa hagdan.“Kumain ka na lang jan ah, pasensya na hindi na kita hinintay pagod na pagod talaga ako sa training eh.” Nahihikab pa niyang aniya.“Ayos lang.” Umakyat na siya sa taas at nagtungo naman ako sa kusina para kumain. Mabilis naman akong natapos saka diretsong naligo at humiga sa kama.Ginawa kong unan ang dalawa kong kamay habang nakatulala sa kisame. Wala akong ginawa sa kaniya para katakutan niya ako at umatras palayo sa akin. Matinding kaba rin ang naramdaman ko ng muntik siyang mahagip ng gagong sasakyan na yun. Kapag nah
VANCE POVNaglakad ako patungo sa training room ni Aira.“OMG Si Vance.”“Ang gwapo niya talaga.”“Sayang lang may asawa na siya.”Mga rinig kong bulungan ng makapasok sa training room nila Aira. Hindi ko na lang pinansin ang mga bulungan nila. Hindi ko akalaing uso pala dito sa bansang ito ang pagtilian ka na akala mo ay isang sikat na artista.Hinanap ng mga mata ko si Aira hanggang sa makita ko siya sa pinakadulong bahagi ng kwartong ito.“Aira.” Tawag ko sa pangalan niya na ikinalingon niya naman.“Oh Vance nanjan ka pala. Si Ash hindi mo kasama?”“Nasa parking lot na siya, siya ang nagpapunta sa akin dito.”“Ganun ba sige sandali lang, kunin ko lang iba kong gamit.” Tinanguan ko na lang siya saka pinanuod na lang na ilagay sa bag niya ang mga gamit niya. &ldq
Sorry po kung ngayon lang ako nagparamdam sa story na 'to. Ngayon ko na lang kasi siya ulit navisit since nabusy ako sa maraming stories ko. The true reason kung bakit hindi na ako nakakapag-update is because para raw siyang HIH or His into Her ni Miss Jonaxx. Ayaw ko naman na plagiarize ako or something ginagaya ko siya, nagkataon lang na nagkaroon kami ng same plot. So, since then parang nawalan ako ng gana na ituloy siya kahit kompleto na siya sa isip ko until sa ending niya. Kung itutuloy ko naman siya need ko na naman basahin hanggang umpisa para maintindihan ko yung flow ng sarili kong story. As an author po kasi mahirap yung makumpara sa mga sikat ng author lalo na kung tingin nila ay nanggagaya ako ng gawa ng iba. Maraming salamat po sa mga nagbasa at naghihintay ng update ko. Kapag lumuwag po schedule ko, magsisingit po ako ng update medyo busy pa po ako 'till June. Thank you;)
“Ayan na!” sigaw niya kaya tiningnan ko naman yung butas at may pumasok nga. Mabilis ko naman iyung hinukay hanggang sa mahuli ko ang isang malaking talangka.“Oh my God, ang laki niya.” gulat pa niyang saad. Hinawakan ko naman sa magkabilang sipit niya saka ko iniabot sa kaniya.“Anong gagawin ko jan?” “Diba gusto mong makahuli.” “Yes pero ikaw na lang maghawak haha, masakit mangagat yan eh.” Napakamot na lang ako sa batok ko, walangya hahaha. Akala ko pa naman gusto niyang makahawak ng ganto. “So? Bitawan ko na?” “Edi bitawan mo na, kawawa naman kapag pinatay mo.” Napapailing na lang akong tumatawa sa kaniya.“Halika ka na, madilim na oh. Wala pa tayong ilaw. May dalang ilaw at battery jan si Vance, alam mo bang ikabit?” binitawan ko naman na ang kawawang talangka saka ko siya sinundan.“Isabit mo na lang jan sa sanga ng kahoy.” “Nasan yung battery?” “Ito oh.” Turo niya sa napakalaking battery. Talagang nanigurado
Pagkatapos naming kumain ay nagtungo na nga kami sa sinabi niya. Medyo may kalayuan nga lang pero okay lang dahil siya naman ang kasama ko, wala na akong hihilingin pa. Bumyahe kami palabas ng metro makarating lang ng dagat. Dahil nga may kalayuan nakatulog na siya sa byahe. Kararating namin pero hindi pa rin ako bumababa dahil tulog pa siya. Ang ganda niya talagang titigan. Wala ng gaganda sa kaniya. Napaiwas naman ako ng tingin ng gumalaw na siya. “Kanina pa ba tayo?” paos pa niyang tanong. “Kararating lang din naman.” Umayos na siya ng upo at inilibot ang paningin sa paligid saka bumaba kaya bumaba na rin ako. “May hinahanap ka ba?” tanong ko sa kaniya ng hindi matigil sa kakatingin niya sa paligid. “Ayun, dun tayo.” Turo niya sa isang ilalim ng puno na may mga gamit. Kumunot naman ang noo ko, kanino yan? “Kilala mo ba kung kaninong gamit yan?” tanong ko sa kaniya ng pakialamanan niya ang mga dun. “Ito ang gagamitin na
Bumili naman na ako ng ticket para sa papanuorin naming movie. Ako na rin bumili ng makakain namin sa loob. Pagkarating namin sa loob ay kakaunti pa lang din ang tao. Sa pangawalang upuan na rin kami umupo. “Mahilig ka manuod ng romance?” tanong ni Ash. “Ah siguro hehe, yan nadampot ko eh.” “Tsss, yan nadampot o yan talaga pinili mo?” “Pwede both? Haha.” Natatawa kong saad sa kaniya na ikinatawa niya naman. “Mag-ingat ka baka maulit nanaman yung nangyari sayo noong nakaraan.” “Hindi mo naman ako pababayaan diba?” “Ang bading mo talaga.” “Sige isang sabi mo pa ng bading ako, maski maraming tao hahalikan kita. Hamunin mo ako, sige.” Usal ko na ikinatikom naman ng bibig niya. Takot lang mahalikan eh, tssss. Sayang hehehe mahahalikan ko nanaman sana ang malambot niyang labi, haaaay. Pinatay naman na ang ilaw at ang tanging nagbibigay na lang ng liwanag ay ang screen sa harap. Marami rami na rin ang tao at ka
“Hindi ba maganda?” napakurap kurap naman ako ng ilang beses at tumikhim ng magsalita siya at pinasadahan ng tingin ang sarili niya. “Hindi naman, ang ganda mo nga eh.” Namamangha ko pang saad sa kaniya. “Kaya nga natulala eh, naku jan na nga kayong dalawa. Hoy warfreak ingatan mo yan ha?” “Oo naman yes!” tuwang tuwa ko pang saad kay Aira. Umakyat naman na ako sa hagdan at inilahad ang kamay ko sa kaniya habang nakayuko. Bahagya naman siyang natawa. “Akala mo naman prinsesa ang tutulungan mo.” Usal niya. “Eh prinsesa kita eh.” Napailing iling naman siya habang natawa. Inilahad niya na ang kamay niya at maingat ko namang hinawakan iyun. “Kumain ka na ba?” tanong ko sa kaniya. “Hindi pa, ikaw kumain ka na ba?” napakagat labi naman ako dahil inaalala niya na ako kung kumain na ba ako. Eh sa natutuwa ako kahit na mga simpleng tanong lang eh. “Kain na lang tayo sa labas.” Saad ko na lang sa kaniya, kaunti lang naman
“Mali ba ako?” tanong ko sa kaniya pero umiling lang naman siya.“Hindi naman, I like your answer pero paano na kaya kapag nandun ka na? hindi na siguro natin alam kung tama pa nga ba nating pagsabayin.”“Bakit mo nga ba natanong?”“Wala naman, natanong ko lang. Mahilig kasi ako manuod ng mga ganun haha yung love story siya tapos may katungkulan yung isa sa kanila.” Saad niya, pero bakit pakiramdam ko hindi talaga iyun ang dahilan.Jusko Kent Chester, umayos ka baka mamaya iba ang isipin niya.“Oh.” Nilingon ko naman siya ng masalita siya.“Alas dose na pala.” Saad niya habang nakatingin sa cell phone niya.“Hindi ko rin namalayan, ang sarap mo kasi kausap eh.” Bahagya naman siyang natawa saka tumayo.“Umuwi na tayo baka hinahanap ka na rin sa inyo.”“Hoy, anong tingin mo sa akin? Babae? At ikaw ang lalaki? Hell no, hindi
Tuluyan na kaming nakalabas ng hotel na pinagkainan namin at hindi pa rin iyun maalis sa isip ko lahat ng sinabi niya simula kanina ng makasama ko siya. Para bang isang awitin na ang sarap pakinggan. Paulit-ulit ko iyong naririnig sa isip ko. Nakakabading pero iba yung saya na nararamdaman ko. Mag-uumapaw na iyun sa sobrang dami. Hindi ako agad nakakapagsalita kapag mga ganung biglaan ang mga sinasabi niya. “Saan naman tayo ngayon?” tanong ko sa kaniya at hindi ipinapahalata ang lakas ng epekto niya sa sistema ko. “Manatili na lang tayo sa isang mataas na bahagi ng lugar.” “Ng ganto na lang? Dumaan tayo sa mall bili tayo ng mangunguya natin.” Saad ko, tumango naman siya at sumakay na kami na sa motor niya. Umalis kami sa hotel, I lean my head on her shoulder habang nakasakay ako pero hindi niya naman iyun pinansin. The best resting place. Kung ganito ba naman ang mapagpapahingahan ko kapag napapagod ako, makakapagpahinga talaga ako ng
“Sakay na.” aniya kaya kahit na nahihiya at naiilang ako dahil magkadikit na magkadikit kami dito sumakay na lang ako.“Kumapit kang mahigpit baka mahulog ka at masalo ka ng iba.” Napakagat labi naman ako sa sinabi niya, kung baga ayaw niyang masalo ako ng iba? Yiiieee hahaha kinikilig talaga ako. “Sasalohin mo ba ako kapag nahulog ako?” “Siguro, maaaring oo.” Hindi siya sigurado ibig bang sabihin nito nalilito na rin siya sa nararamdaman niya? haaaaay sarap sa pakiramdam. Napahawak naman ako sa bewang niya ng bigla niyang bilisan ang pagpapatakbo niya. Dinama ko ang hangin na dumadampi sa katawan ko, mas masaya pala ang magmotor kesa ang magkotse dahil bukod sa nakakayakap mo ang mahal mo mas enjoy na enjoy pa yung view at ang hangin. Mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kaniya pero hindi niya naman ako sinita o pinagbawalan kaya mas lalo akong nakakaramdam ng tuwa. Wala ng mas sasaya sa rides niyo ng taong mahal mo. Kailangan ko na yatang bumili n
KENT POVMay ngiti ako sa mukha ng pumasok ako ng kwarto ko, hindi ko pa rin makalimutan si Ash, araw gabi na lang ganito ako. Ang sarap palang mainlove.Hihintayin ko ang next time na sinasabi niya hehehehe. Parang wala nanaman siya sa mood kanina eh, ano kayang nangyari dun?Hindi bale, kahit araw-araw kang magsungit sakin okay lang, mahal kita eh. Hihiga na sana ako ng may kumatok sa pintuan ko.“Anak gising ka pa ba?” boses yun ni Mommy. Anong kailangan niya? nagtungo na lang ako sa pintuan saka pinagbuksan siya.“Why Mom?” nginitian niya naman ako ng nakakapangloko. Kaya kumunot ang noo ko.“Yiiieeee Ash is waiting you, nanjan siya sa sofa.” Natulala naman ako sa sinabi ni Mommy. She’s here at this hour?“Lalabas ka ba o hindi? Ikaw ang nanliligaw pero ikaw ang pinupuntahan, ano ba naman yan son?”“She’s different Mom, may nagagawa siyan