KENT POV
Nagising akong wala ng bakas ng baduy girl na yun. Tiningnan ko ang relo ko at 8:30 na pala. Tinitigan ko pa ng ilang minuto ang blanket na siyang naging kumot ko. Sino naglagay nito dito? Impossible namang si baduy girl malamang si Mommy ang may gawa nito.Palabas na sana ako ng study room ng makita ko ang sariling repleksyon sa glass naming bintana. Lumapit ako dun at sinigurado ang nakikita ko sa noo ko.“Ano to?” kinuha ko ang isang notepad na nakalagay sa noo ko.“Everything has a reason, huwag mong hayaang kainin ka ng sarili mong galit. ” –baduy girl.Inalis ko ang isang note dahil may isa pa.“Let’s meet in school at 9:30” –baduy girl.Basa ko sa note na ito. Ewan ko pero nakaramdam ako ng tuwa akala ko nakalimutan niya na talaga ako at iniwan ng walang paalam. Ang hindi ko lang maintindihan ay yung unang note niyASH POVPagkatapos naming magpasa ng Analysis ay dumiretso na ako sa mall na sinasabi ni Aira. Wala rin naman akong gagawin sa loob ng bahay. Alam ko ring wala pang ibabalita sakin si Lucas, tsss tama ba ang pinaghanap kong tao? Parang pera lang gumagana sa mga grupong iyun eh.Mabilis kong pinatakbo si sasha gray patungong mall. Pagpasok ko panay ang linga ko dahil hindi ko alam kung saan ko ba hahanapin ang babaeng iyun. Naisip kong may dala nga pala akong cell phone kaya mabilis kong denial ang number ng babaeng iyun.RIIIIIIING“Oh ano?!” nailayo ko na lang sa tenga ko ang cell phone ko dahil sa lakas ng boses ng babaeng iyun.“Nasan ka?”“Nasa boutique ako, pupuntahan mo ba ako?”“Oo kaya bilisan mong sabihin kung saan yan banda bago ko ipalamon lahat sayo ang mga damit jan.” Gigil kong saad sa kaniya.“It
Mabilis na lumipas ang araw ng sabado at linggo. Wala kaming ginawa kundi ang magkulong sa bahay. Araw ng lunes, maaga akong nagising at naligo na bago bumaba para kumain. Naabutan ko namang naghahain pa lang si Aira.“Akala ko tulog ka pa, gigisingin na sana kita.”aniya habang inaayos na ang dalawang pinggan. Umupo na ako kung saan nakasanayan ko ng upuan. “Siya nga pala Ash hindi ba at kasali ka ng Dance Troupe pwede ba sa inyo ang magsuot ng dress after ng performance niyo? Diba syempre iba yung uniform niyo as DT members.” Nginuya ko muna saka nilunok ang laman ng bibig ko bago ko siya tiningnan.“Oo naman yun ang sabi ni Kim, tatlong beses lang naman kami magsasayaw, matatapos naman na yung performance namin bago magsaya ang lahat.” Tatango tango naman siya.“Kukuha ka ng partner mo?” inilingan ko siya. Wala akong oras para sa partner partner na yan lalo na kung hindi nama
“Were not done yet. What’s your name?” galit niyang tanong sa akin. Nginitian ko naman siya.“She’s creepy.” Nilingon ko ang nagsabi nun at mabilis niya namang iniwas ang paningin sa akin at tumingin na sa harapan.“Mark may name Sir, Ashery Myth Moondale.” Ngiting sagot ko sa kaniya. Inis niyang nilisan ang room namin at kaniya kaniya silang bugahan ng malalalim na hininga.“Pinakaba mo kami te. May nalalaman ka pang ibabagsak nya tayong lahat. Jusko hindi mo ba alam na kapag sinabi niya gagawin niya.” kabang saad ni Jamin. Nagkibit balikat na lang ako.“Ang astig kaya, nasagot niya lahat ng questions ni Sir edi isang linggo tayong walang klase hahahaha.” Masayang anas ng isang lalaking kaklase namin. Sumang-ayon na rin ang iba sa sinabi niya.“Penge naman ng talino Ash hehehe” biro ni Sophia.“Kaya nga hahaha kahit
GAVIN POVMaaga akong nakarating sa school iniisip ko kung sino ang yayayain ko para sa partner sa acquaintance. Wala akong inaya noong nakaraan kahit na marami namang pwedeng hilain jan. Ayaw ko naman kasing mag-assume yung kukunin ko, hays.Bumaba na ako sa kotse ko ng biglang may dumaan na isang motor. Tiningnan ko iyun dahil sa paraan pa lang ng pagsakay nito ay halatang babae na. Pinanuod ko siyang magtanggal ng helmet hanggang sa bumaba ito at humarap na sa akin. Kunot noo ko naman siyang tiningnan. All this time? Si Ash ang may-ari ng motor na iyan at minsang nakikita naming umuwi ng late?“Ash?” paninigurado ko pa kahit na mas malinaw pa sa tubig ang mukha niya ngayon. Blangkong tiningnan niya lang naman ako.Naisip kong paano kaya kung siya na lang ayain ko? tutal maganda naman siya yun nga lang medyo baduy manamit which is hindi naman ganun kasama.“Ah Ash.” Ta
ASH POVMaaga pa lang pero kung ano ano na ang naririnig ko sa paligid ko.“Nakakadiri siya, pati si Charlotte hindi pinakawalan.” Bulungan ng mga nakakasalubong kong mga estudyante.“Salot ang mga katulad niya. Dapat jan nililibing ng buhay.” Kabilaan man ang mga bulungang mga naririnig ko hindi ko na pinansin pa at pumasok na sa room.“Ash!” malakas na sigaw ni Freya ng makapasok ako.“Bakit?” tanong ko sa kanila ng pareparehong nag-aalala ang mga tingin.“May kumakalat kasi ngayon sa school natin.” Saad ni Freya. Isa isa ko naman silang tiningnan at nagtatanong kung anong sinasabi nila.“Kumakalat kasi ngayon na tomboy ka raw at ex mo raw si Charlotte.” Lalong nangunot ang noo ko sa sinabi ni Sophia. Anong tomboy? Anong ex? Kelan ko pa naging ex si Charlotte eh kakakilala ko nga lang dun sa tao.
KENT POVNagtungo akong hospital pagkatapos ko sa cafeteria. Akala ko ok na, akala ko hindi na mangyayari ang ganitong eksena pero nagkamali ako. Hindi ko maipaliwanag ang galit na nararamdaman ko kanina ng makita ko si Charlotte na nasa ganung posisyon. Matagal na kaming magkakakilala at nasasaktan kami kapag nakikita naming nasasaktan sila.Nakarating akong hospital at mabilis na hinanap sila.“Ms. alam mo kung saan banda si Charlotte Valle?” tanong ko sa kadadaan na nurse.“Pakitanong na lang po dun sir.” Turo niya sa isang front desk.“Salamat.” Saad ko saka nagtungo dun.“Nurse, Charlotte Valle po.” Anas ko, tiningnan niya naman ang kaharap niyang computer.“Nasa emergency room pa po Sir.” Hindi na ako umimik at nagtungo na akong emergency room, naabutan ko naman silang lahat dun na hindi mapakali sa paghihintay.
“Si Ellise ang nakahampas kay Charlotte.” Singit na ni Jamin. Gulat akong napalingon sa kaniya at ganun na rin si Chase pero parang wala lang kay Kendrick at Gavin. Bakit nga ba hindi na muna kami nagtanong bago namin siya pinagbintangan. Ako pa ang naunang nagpahiya sa kaniya at kung ano ano ang sinabi.“Masaya na kayo? Masaya na kayo dahil nasaktan niyo na si Ash? Akala ko matatalino kayo pero katulad din pala kayo ng iba na masyadong mapanghusga.” Tumalikod sa amin si Sophia.“Sophie.” Tawag sa kaniya ni Kendrick pero wala itong pinakinggan at dirediretsong umalis.“Sa tingin ko deserve ni Ash ng isang masinsing sorry.” Huling saad ni Freya bago sumunod kay Sophia ganun na rin si Jamin. Namutawi ang katahimikan sa aming apat dahil sa nalaman, gusto kong sabunutan yung sarili ko dahil sa inis.Ang dami kong nabitawang salita simula nung nasa cafeteria pa lang kami hang
KENT POVLumabas na kami sa Dean’s office at hindi mawala ang paningin ko kay baduy girl dahil panay lang ang titig niya kay Ellise na wari mo’y pinag-aaralan ang bawat kilos nito. Ipinagtataka ko rin ang bahagyang pagkagulat ni Lolo kanina ng makita siya, pareho ng pagkagulat din ni Daddy. Pakiramdam ko kilala nila si baduy girl, sino ka ba talaga?Parepareho kaming tahimik, mabilis na nag-iba ng direksyon si Ellise na siyang hindi na rin namin pinansin.“Ash.” Sabay sabay naming tawag sa pangalan niya ng akma na sana itong aalis. Nagtinginan lang kaming apat saka ibinaling uli kay baduy girl. Nilingon niya kami at tumingin ng nagtatanong, bumuntong hininga ako bago nagsalita.“I’m sorry, I didn’t know. I know it’s my fault hindi ako nagtatanong bago sumugod.” Sinsero kong hinging tawad sa kaniya. Wala namang nagbago sa reaksyon niya at nanatili lang itong blan
Sorry po kung ngayon lang ako nagparamdam sa story na 'to. Ngayon ko na lang kasi siya ulit navisit since nabusy ako sa maraming stories ko. The true reason kung bakit hindi na ako nakakapag-update is because para raw siyang HIH or His into Her ni Miss Jonaxx. Ayaw ko naman na plagiarize ako or something ginagaya ko siya, nagkataon lang na nagkaroon kami ng same plot. So, since then parang nawalan ako ng gana na ituloy siya kahit kompleto na siya sa isip ko until sa ending niya. Kung itutuloy ko naman siya need ko na naman basahin hanggang umpisa para maintindihan ko yung flow ng sarili kong story. As an author po kasi mahirap yung makumpara sa mga sikat ng author lalo na kung tingin nila ay nanggagaya ako ng gawa ng iba. Maraming salamat po sa mga nagbasa at naghihintay ng update ko. Kapag lumuwag po schedule ko, magsisingit po ako ng update medyo busy pa po ako 'till June. Thank you;)
“Ayan na!” sigaw niya kaya tiningnan ko naman yung butas at may pumasok nga. Mabilis ko naman iyung hinukay hanggang sa mahuli ko ang isang malaking talangka.“Oh my God, ang laki niya.” gulat pa niyang saad. Hinawakan ko naman sa magkabilang sipit niya saka ko iniabot sa kaniya.“Anong gagawin ko jan?” “Diba gusto mong makahuli.” “Yes pero ikaw na lang maghawak haha, masakit mangagat yan eh.” Napakamot na lang ako sa batok ko, walangya hahaha. Akala ko pa naman gusto niyang makahawak ng ganto. “So? Bitawan ko na?” “Edi bitawan mo na, kawawa naman kapag pinatay mo.” Napapailing na lang akong tumatawa sa kaniya.“Halika ka na, madilim na oh. Wala pa tayong ilaw. May dalang ilaw at battery jan si Vance, alam mo bang ikabit?” binitawan ko naman na ang kawawang talangka saka ko siya sinundan.“Isabit mo na lang jan sa sanga ng kahoy.” “Nasan yung battery?” “Ito oh.” Turo niya sa napakalaking battery. Talagang nanigurado
Pagkatapos naming kumain ay nagtungo na nga kami sa sinabi niya. Medyo may kalayuan nga lang pero okay lang dahil siya naman ang kasama ko, wala na akong hihilingin pa. Bumyahe kami palabas ng metro makarating lang ng dagat. Dahil nga may kalayuan nakatulog na siya sa byahe. Kararating namin pero hindi pa rin ako bumababa dahil tulog pa siya. Ang ganda niya talagang titigan. Wala ng gaganda sa kaniya. Napaiwas naman ako ng tingin ng gumalaw na siya. “Kanina pa ba tayo?” paos pa niyang tanong. “Kararating lang din naman.” Umayos na siya ng upo at inilibot ang paningin sa paligid saka bumaba kaya bumaba na rin ako. “May hinahanap ka ba?” tanong ko sa kaniya ng hindi matigil sa kakatingin niya sa paligid. “Ayun, dun tayo.” Turo niya sa isang ilalim ng puno na may mga gamit. Kumunot naman ang noo ko, kanino yan? “Kilala mo ba kung kaninong gamit yan?” tanong ko sa kaniya ng pakialamanan niya ang mga dun. “Ito ang gagamitin na
Bumili naman na ako ng ticket para sa papanuorin naming movie. Ako na rin bumili ng makakain namin sa loob. Pagkarating namin sa loob ay kakaunti pa lang din ang tao. Sa pangawalang upuan na rin kami umupo. “Mahilig ka manuod ng romance?” tanong ni Ash. “Ah siguro hehe, yan nadampot ko eh.” “Tsss, yan nadampot o yan talaga pinili mo?” “Pwede both? Haha.” Natatawa kong saad sa kaniya na ikinatawa niya naman. “Mag-ingat ka baka maulit nanaman yung nangyari sayo noong nakaraan.” “Hindi mo naman ako pababayaan diba?” “Ang bading mo talaga.” “Sige isang sabi mo pa ng bading ako, maski maraming tao hahalikan kita. Hamunin mo ako, sige.” Usal ko na ikinatikom naman ng bibig niya. Takot lang mahalikan eh, tssss. Sayang hehehe mahahalikan ko nanaman sana ang malambot niyang labi, haaaay. Pinatay naman na ang ilaw at ang tanging nagbibigay na lang ng liwanag ay ang screen sa harap. Marami rami na rin ang tao at ka
“Hindi ba maganda?” napakurap kurap naman ako ng ilang beses at tumikhim ng magsalita siya at pinasadahan ng tingin ang sarili niya. “Hindi naman, ang ganda mo nga eh.” Namamangha ko pang saad sa kaniya. “Kaya nga natulala eh, naku jan na nga kayong dalawa. Hoy warfreak ingatan mo yan ha?” “Oo naman yes!” tuwang tuwa ko pang saad kay Aira. Umakyat naman na ako sa hagdan at inilahad ang kamay ko sa kaniya habang nakayuko. Bahagya naman siyang natawa. “Akala mo naman prinsesa ang tutulungan mo.” Usal niya. “Eh prinsesa kita eh.” Napailing iling naman siya habang natawa. Inilahad niya na ang kamay niya at maingat ko namang hinawakan iyun. “Kumain ka na ba?” tanong ko sa kaniya. “Hindi pa, ikaw kumain ka na ba?” napakagat labi naman ako dahil inaalala niya na ako kung kumain na ba ako. Eh sa natutuwa ako kahit na mga simpleng tanong lang eh. “Kain na lang tayo sa labas.” Saad ko na lang sa kaniya, kaunti lang naman
“Mali ba ako?” tanong ko sa kaniya pero umiling lang naman siya.“Hindi naman, I like your answer pero paano na kaya kapag nandun ka na? hindi na siguro natin alam kung tama pa nga ba nating pagsabayin.”“Bakit mo nga ba natanong?”“Wala naman, natanong ko lang. Mahilig kasi ako manuod ng mga ganun haha yung love story siya tapos may katungkulan yung isa sa kanila.” Saad niya, pero bakit pakiramdam ko hindi talaga iyun ang dahilan.Jusko Kent Chester, umayos ka baka mamaya iba ang isipin niya.“Oh.” Nilingon ko naman siya ng masalita siya.“Alas dose na pala.” Saad niya habang nakatingin sa cell phone niya.“Hindi ko rin namalayan, ang sarap mo kasi kausap eh.” Bahagya naman siyang natawa saka tumayo.“Umuwi na tayo baka hinahanap ka na rin sa inyo.”“Hoy, anong tingin mo sa akin? Babae? At ikaw ang lalaki? Hell no, hindi
Tuluyan na kaming nakalabas ng hotel na pinagkainan namin at hindi pa rin iyun maalis sa isip ko lahat ng sinabi niya simula kanina ng makasama ko siya. Para bang isang awitin na ang sarap pakinggan. Paulit-ulit ko iyong naririnig sa isip ko. Nakakabading pero iba yung saya na nararamdaman ko. Mag-uumapaw na iyun sa sobrang dami. Hindi ako agad nakakapagsalita kapag mga ganung biglaan ang mga sinasabi niya. “Saan naman tayo ngayon?” tanong ko sa kaniya at hindi ipinapahalata ang lakas ng epekto niya sa sistema ko. “Manatili na lang tayo sa isang mataas na bahagi ng lugar.” “Ng ganto na lang? Dumaan tayo sa mall bili tayo ng mangunguya natin.” Saad ko, tumango naman siya at sumakay na kami na sa motor niya. Umalis kami sa hotel, I lean my head on her shoulder habang nakasakay ako pero hindi niya naman iyun pinansin. The best resting place. Kung ganito ba naman ang mapagpapahingahan ko kapag napapagod ako, makakapagpahinga talaga ako ng
“Sakay na.” aniya kaya kahit na nahihiya at naiilang ako dahil magkadikit na magkadikit kami dito sumakay na lang ako.“Kumapit kang mahigpit baka mahulog ka at masalo ka ng iba.” Napakagat labi naman ako sa sinabi niya, kung baga ayaw niyang masalo ako ng iba? Yiiieee hahaha kinikilig talaga ako. “Sasalohin mo ba ako kapag nahulog ako?” “Siguro, maaaring oo.” Hindi siya sigurado ibig bang sabihin nito nalilito na rin siya sa nararamdaman niya? haaaaay sarap sa pakiramdam. Napahawak naman ako sa bewang niya ng bigla niyang bilisan ang pagpapatakbo niya. Dinama ko ang hangin na dumadampi sa katawan ko, mas masaya pala ang magmotor kesa ang magkotse dahil bukod sa nakakayakap mo ang mahal mo mas enjoy na enjoy pa yung view at ang hangin. Mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kaniya pero hindi niya naman ako sinita o pinagbawalan kaya mas lalo akong nakakaramdam ng tuwa. Wala ng mas sasaya sa rides niyo ng taong mahal mo. Kailangan ko na yatang bumili n
KENT POVMay ngiti ako sa mukha ng pumasok ako ng kwarto ko, hindi ko pa rin makalimutan si Ash, araw gabi na lang ganito ako. Ang sarap palang mainlove.Hihintayin ko ang next time na sinasabi niya hehehehe. Parang wala nanaman siya sa mood kanina eh, ano kayang nangyari dun?Hindi bale, kahit araw-araw kang magsungit sakin okay lang, mahal kita eh. Hihiga na sana ako ng may kumatok sa pintuan ko.“Anak gising ka pa ba?” boses yun ni Mommy. Anong kailangan niya? nagtungo na lang ako sa pintuan saka pinagbuksan siya.“Why Mom?” nginitian niya naman ako ng nakakapangloko. Kaya kumunot ang noo ko.“Yiiieeee Ash is waiting you, nanjan siya sa sofa.” Natulala naman ako sa sinabi ni Mommy. She’s here at this hour?“Lalabas ka ba o hindi? Ikaw ang nanliligaw pero ikaw ang pinupuntahan, ano ba naman yan son?”“She’s different Mom, may nagagawa siyan