Share

Kabanata 16.2

Author: Rhea mae
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

“Si Ellise ang nakahampas kay Charlotte.” Singit na ni Jamin. Gulat akong napalingon sa kaniya at ganun na rin si Chase pero parang wala lang kay Kendrick at Gavin. Bakit nga ba hindi na muna kami nagtanong bago namin siya pinagbintangan. Ako pa ang naunang nagpahiya sa kaniya at kung ano ano ang sinabi.

“Masaya na kayo? Masaya na kayo dahil nasaktan niyo na si Ash? Akala ko matatalino kayo pero katulad din pala kayo ng iba na masyadong mapanghusga.” Tumalikod sa amin si Sophia.

“Sophie.” Tawag sa kaniya ni Kendrick pero wala itong pinakinggan at dirediretsong umalis.

“Sa tingin ko deserve ni Ash ng isang masinsing sorry.” Huling saad ni Freya bago sumunod kay Sophia ganun na rin si Jamin. Namutawi ang katahimikan sa aming apat dahil sa nalaman, gusto kong sabunutan yung sarili ko dahil sa inis. 

Ang dami kong nabitawang salita simula nung nasa cafeteria pa lang kami hang

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 17.1

    KENT POVLumabas na kami sa Dean’s office at hindi mawala ang paningin ko kay baduy girl dahil panay lang ang titig niya kay Ellise na wari mo’y pinag-aaralan ang bawat kilos nito. Ipinagtataka ko rin ang bahagyang pagkagulat ni Lolo kanina ng makita siya, pareho ng pagkagulat din ni Daddy. Pakiramdam ko kilala nila si baduy girl, sino ka ba talaga?Parepareho kaming tahimik, mabilis na nag-iba ng direksyon si Ellise na siyang hindi na rin namin pinansin.“Ash.” Sabay sabay naming tawag sa pangalan niya ng akma na sana itong aalis. Nagtinginan lang kaming apat saka ibinaling uli kay baduy girl. Nilingon niya kami at tumingin ng nagtatanong, bumuntong hininga ako bago nagsalita.“I’m sorry, I didn’t know. I know it’s my fault hindi ako nagtatanong bago sumugod.” Sinsero kong hinging tawad sa kaniya. Wala namang nagbago sa reaksyon niya at nanatili lang itong blan

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 17.2

    “Pasensya ka na talaga.” Ngumiti ako at tumayo.“Mauna na ako sayo.”“Salamat sa oras mo Ash.” Nginitian ko na lang siya at tumalikod na. Kaya naman pala akong tawagin sa pangalan ko may pabaduy baduy girl pa siya, tsss. Nakarating ako ng motor ko at pinaandar na iyun para makauwi.“Kamusta ang pag-uusap niyo?” umupo ako sa sofa at isinandal ang batok ko dun.“Maayos naman.” Umupo naman si Aira sa harap ko at tinitigan ako.“Friend na kayo?” napangiwi na lang ako sa sinabi niya. Nag-usap lang kami pero hindi ibig sabihin nun ay magkaibigan na kami.“Hindi, walang dahilan para maging magkaibigan kami.” saad ko.“Yung Dean natin.” Biglang saad niya kaya umayos ako ng upo at seryoso ang mukha niya.“What about him?” kumunot ang noo niya na tila may inaalala.

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 18.1

    ASH POVNakarating kami ng room namin at nandun na yung tatlo.“Galing kayo kay Charlotte?” tanong ni Sophia na ikinatango ko dahil mas nauuna akong maglakad kay Aira. Umupo na ako sa upuan ko.“Kamusta siya?” Si Freya naman.“Ok naman na siya, kagigising lang din kanina.” Si Aira ang sumagot. Nakahinga naman sila ng maluwag sa narinig.“Salamat naman kung ganun.” Nakatanaw ako sa labas ng bintana ng maalala ko si Ellise.“Anong balita kay Ellise?” tanong ko ng hindi lumilingon sa kanila.“Ang balita ko suspended lang siya ng isang linggo, may sinabi ang parents niya kay Dean na naging valid ng reasons niya kaya yun lang ang parusang natanggap niya.” valid reasons? Ano naman sana ang magiging valid reasons niya sa paghampas ng tubo sa kaestudyante niya?“Alam niyo ba kung ano?” ibina

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 18.2

    “Anong kailangan niyo?” natatakot na tanong ni Kendrick habang umaatras.“Pasensya na mga boss trabaho lang.” Nakangising saad ng nasa gitna. Hindi namin kakayanin ang lahat ng mga ito. Nasaan ba ang guard at nakapasok ang mga hampas lupa na ito?“Sinong nag-utos sa inyo nito?” matigas na tanong ni Gavin. Nilingon ko si Kendrick na pinuntahan si Chase na nasa sahig pa rin.“Hindi niyo na kailangang malaman pa.” habang hinahampas pa niya sa palad niya ang isang baseball bat. Kung hindi ako nagkakamali ay mga gangster sila. “Sige bugbugin ang mga iyan.” Utos niya sa mga kasama. Kaniya kaniyang lapit naman ang mga bata nito sa amin. Hindi naman kami pwedeng umatras dahil hindi namin kasama si Chase, hindi namin siya pwedeng iwan.“Anong plano natin?” tanong ko kay Gavin dahil siya ang malapit sa akin.“Wala tayong cho

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 19.1

    “Ayos lang ba kayo?” inalalayan niya akong tumayo. Gusto kong magtanong, gusto kong matakot pero parang wala akong boses para magsalita. Ano ka ba talaga? Bakit ganun na lang sila matakot sayo kahit na kayang kaya ka naman nilang patumbahin ano mang oras. Ang daming gumugulo sa isip ko, bakit kapag binubuyo ko siya o nasasaktan na hindi ka lumalaban. Hindi mo ako pinapansin, gumaganti ka pero kung anong nagawa ko sayo yun din ang ibabalik mo, pero bakit ganun? Bakit kung sumuntok ka para bang bihasang bihasa ka.“Hoy okay ka lang ba?” pitik niya sa mismong harapan ko na siyang nakapagpabalik sa akin sa realidad. Kunot noo ko siyang tinitigan, hawak hawak niya ang braso ko habang nakatingin sa pwesto nila Gavin at Kendrick na itinatayo si Chase. “Let’s go to the hospital.” Anas niya. Iniakbay niya ang kamay ko sa balikat niya at inilalayang maglakad patungong kotse ko. Hindi ako makapagsalita, tulala lang akong nakatitig sa kaniy

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 19.2

    “Sinabi na ngang ibalik mo na lang bukas eh.” Bakas na ang inis sa tinig ko. Salitan naman ang mga mata ni Gavin na tumingin sa amin.“May motor nga ako sabi.”“Edi sakyan mo na yang kotse ko hanggang ACIS saka mo iwan dun. Ano ok ka na? Mag-iinarte pa?” halos tumaas na rin ang boses ko. Napangisi siya at ngumiti na siyang ikinaiwas ko ng tingin. Kailangan pa bang ngumiti kapag napahiraman? Tsh!“Sige balik ko sayo bukas susi.” Papayag din naman pala pahirapan pa. Isinarado ko na ang kurtina pero nanatili akong nakaupo at pinapakiramdaman silang dalawa ni Gavin.“Hayaan mo na mainit lang ang ulo.” Rinig ko pang saad ni Gavin.“Ok lang lagi naman mainit ang ulo eh.” Anas niya na may kasamang pagbungisngis.“Hatid na kita sa labas.” Huling mga salitang narinig ko bago ko sila narinig na umalis.“Yieeee nag-

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 20.1

    GAVIN POVNandito pa rin kami sa hospital dahil hindi pa nagigising si Chase habang si Kent naman ay pinapainom pa ng mga pain killer na gamot. Pareho kaming nakayuko ngayon ni Kendrick dahil nandito na ang mga magulang namin. Hindi pa napapagalitan yung dalawa dahil si kent, gagong yun nagtutulog-tulugan.“Ano bang mga balak niyo sa buhay niyo at nasasangkot na kayo sa mga ganiyang gulo?!” sigaw ni Mommy. Hawak hawak niya ang sintido niya dahil sa galit habang pabalik balik ang lakad niya.“Mom hindi namin alam, wala kaming pinasok na gulo. Look nasa loob kami ng school ng mangyari ang insidente. Hindi nga namin sila kilala eh.” Nakikiusap ko ng saad. Galit sila pero bakas pa rin ang mga pag-aalala sa mga mukha nila.“Bakit nasaan ang guard? Ang sabi niyo may dala silang mga baseball bat, ni hindi man lang ba niya yun narinig. Lalo na ang mga sigawan niyo dun.” Seryosong tanong

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 20.2

    “Oh siya maiwan ko na muna kayo, babalik na lang ako mamaya.” Tinanguan na lang namin si Mommy at lumabas na rin siya.“Seryoso ba kayo na si Ash ang tumulong sa atin sa mga taong yun?” biglang pagbubukas ni Chase sa nangyari kagabi.“Oo dre nakakahiya pero grabe ang astig. Ang cool tingnan ni Ash kagabi.” Namamangha pang kwento ni Kendrick. Nakakunot naman si Chase na para bang ayaw maniwala.“Kung nakita mo lang yung ginawa niya kagabi? Pinulot niya yung baseball bat at inihampas sa hangin na siyang ikinatakot ng mga lalaki tapos ang cool ng pananalita niya. Naaastigan talaga ako sa kaniya. Akalain mong pananalita pa lang niya kinatakutan na. Kinikilabutan din ako sa kaniya kagabi.” Hinaplos pa niya ang balat niya na akala mo ay hanggang ngayon kinikilabutan pa rin siya.“Sayang kung nakita ko lang.” Namamangha na ring anas ni Chase. “Mukhang hindi basta basta ang

    Huling Na-update : 2024-10-29

Pinakabagong kabanata

  • The Heiress(Tagalog)   Author's note

    Sorry po kung ngayon lang ako nagparamdam sa story na 'to. Ngayon ko na lang kasi siya ulit navisit since nabusy ako sa maraming stories ko. The true reason kung bakit hindi na ako nakakapag-update is because para raw siyang HIH or His into Her ni Miss Jonaxx. Ayaw ko naman na plagiarize ako or something ginagaya ko siya, nagkataon lang na nagkaroon kami ng same plot. So, since then parang nawalan ako ng gana na ituloy siya kahit kompleto na siya sa isip ko until sa ending niya. Kung itutuloy ko naman siya need ko na naman basahin hanggang umpisa para maintindihan ko yung flow ng sarili kong story. As an author po kasi mahirap yung makumpara sa mga sikat ng author lalo na kung tingin nila ay nanggagaya ako ng gawa ng iba. Maraming salamat po sa mga nagbasa at naghihintay ng update ko. Kapag lumuwag po schedule ko, magsisingit po ako ng update medyo busy pa po ako 'till June. Thank you;)

  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 70.2

    “Ayan na!” sigaw niya kaya tiningnan ko naman yung butas at may pumasok nga. Mabilis ko naman iyung hinukay hanggang sa mahuli ko ang isang malaking talangka.“Oh my God, ang laki niya.” gulat pa niyang saad. Hinawakan ko naman sa magkabilang sipit niya saka ko iniabot sa kaniya.“Anong gagawin ko jan?” “Diba gusto mong makahuli.” “Yes pero ikaw na lang maghawak haha, masakit mangagat yan eh.” Napakamot na lang ako sa batok ko, walangya hahaha. Akala ko pa naman gusto niyang makahawak ng ganto. “So? Bitawan ko na?” “Edi bitawan mo na, kawawa naman kapag pinatay mo.” Napapailing na lang akong tumatawa sa kaniya.“Halika ka na, madilim na oh. Wala pa tayong ilaw. May dalang ilaw at battery jan si Vance, alam mo bang ikabit?” binitawan ko naman na ang kawawang talangka saka ko siya sinundan.“Isabit mo na lang jan sa sanga ng kahoy.” “Nasan yung battery?” “Ito oh.” Turo niya sa napakalaking battery. Talagang nanigurado

  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 70.1

    Pagkatapos naming kumain ay nagtungo na nga kami sa sinabi niya. Medyo may kalayuan nga lang pero okay lang dahil siya naman ang kasama ko, wala na akong hihilingin pa. Bumyahe kami palabas ng metro makarating lang ng dagat. Dahil nga may kalayuan nakatulog na siya sa byahe. Kararating namin pero hindi pa rin ako bumababa dahil tulog pa siya. Ang ganda niya talagang titigan. Wala ng gaganda sa kaniya. Napaiwas naman ako ng tingin ng gumalaw na siya. “Kanina pa ba tayo?” paos pa niyang tanong. “Kararating lang din naman.” Umayos na siya ng upo at inilibot ang paningin sa paligid saka bumaba kaya bumaba na rin ako. “May hinahanap ka ba?” tanong ko sa kaniya ng hindi matigil sa kakatingin niya sa paligid. “Ayun, dun tayo.” Turo niya sa isang ilalim ng puno na may mga gamit. Kumunot naman ang noo ko, kanino yan? “Kilala mo ba kung kaninong gamit yan?” tanong ko sa kaniya ng pakialamanan niya ang mga dun. “Ito ang gagamitin na

  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 69.2

    Bumili naman na ako ng ticket para sa papanuorin naming movie. Ako na rin bumili ng makakain namin sa loob. Pagkarating namin sa loob ay kakaunti pa lang din ang tao. Sa pangawalang upuan na rin kami umupo. “Mahilig ka manuod ng romance?” tanong ni Ash. “Ah siguro hehe, yan nadampot ko eh.” “Tsss, yan nadampot o yan talaga pinili mo?” “Pwede both? Haha.” Natatawa kong saad sa kaniya na ikinatawa niya naman. “Mag-ingat ka baka maulit nanaman yung nangyari sayo noong nakaraan.” “Hindi mo naman ako pababayaan diba?” “Ang bading mo talaga.” “Sige isang sabi mo pa ng bading ako, maski maraming tao hahalikan kita. Hamunin mo ako, sige.” Usal ko na ikinatikom naman ng bibig niya. Takot lang mahalikan eh, tssss. Sayang hehehe mahahalikan ko nanaman sana ang malambot niyang labi, haaaay. Pinatay naman na ang ilaw at ang tanging nagbibigay na lang ng liwanag ay ang screen sa harap. Marami rami na rin ang tao at ka

  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 69.1

    “Hindi ba maganda?” napakurap kurap naman ako ng ilang beses at tumikhim ng magsalita siya at pinasadahan ng tingin ang sarili niya. “Hindi naman, ang ganda mo nga eh.” Namamangha ko pang saad sa kaniya. “Kaya nga natulala eh, naku jan na nga kayong dalawa. Hoy warfreak ingatan mo yan ha?” “Oo naman yes!” tuwang tuwa ko pang saad kay Aira. Umakyat naman na ako sa hagdan at inilahad ang kamay ko sa kaniya habang nakayuko. Bahagya naman siyang natawa. “Akala mo naman prinsesa ang tutulungan mo.” Usal niya. “Eh prinsesa kita eh.” Napailing iling naman siya habang natawa. Inilahad niya na ang kamay niya at maingat ko namang hinawakan iyun. “Kumain ka na ba?” tanong ko sa kaniya. “Hindi pa, ikaw kumain ka na ba?” napakagat labi naman ako dahil inaalala niya na ako kung kumain na ba ako. Eh sa natutuwa ako kahit na mga simpleng tanong lang eh. “Kain na lang tayo sa labas.” Saad ko na lang sa kaniya, kaunti lang naman

  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 68.2

    “Mali ba ako?” tanong ko sa kaniya pero umiling lang naman siya.“Hindi naman, I like your answer pero paano na kaya kapag nandun ka na? hindi na siguro natin alam kung tama pa nga ba nating pagsabayin.”“Bakit mo nga ba natanong?”“Wala naman, natanong ko lang. Mahilig kasi ako manuod ng mga ganun haha yung love story siya tapos may katungkulan yung isa sa kanila.” Saad niya, pero bakit pakiramdam ko hindi talaga iyun ang dahilan.Jusko Kent Chester, umayos ka baka mamaya iba ang isipin niya.“Oh.” Nilingon ko naman siya ng masalita siya.“Alas dose na pala.” Saad niya habang nakatingin sa cell phone niya.“Hindi ko rin namalayan, ang sarap mo kasi kausap eh.” Bahagya naman siyang natawa saka tumayo.“Umuwi na tayo baka hinahanap ka na rin sa inyo.”“Hoy, anong tingin mo sa akin? Babae? At ikaw ang lalaki? Hell no, hindi

  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 68.1

    Tuluyan na kaming nakalabas ng hotel na pinagkainan namin at hindi pa rin iyun maalis sa isip ko lahat ng sinabi niya simula kanina ng makasama ko siya. Para bang isang awitin na ang sarap pakinggan. Paulit-ulit ko iyong naririnig sa isip ko. Nakakabading pero iba yung saya na nararamdaman ko. Mag-uumapaw na iyun sa sobrang dami. Hindi ako agad nakakapagsalita kapag mga ganung biglaan ang mga sinasabi niya. “Saan naman tayo ngayon?” tanong ko sa kaniya at hindi ipinapahalata ang lakas ng epekto niya sa sistema ko. “Manatili na lang tayo sa isang mataas na bahagi ng lugar.” “Ng ganto na lang? Dumaan tayo sa mall bili tayo ng mangunguya natin.” Saad ko, tumango naman siya at sumakay na kami na sa motor niya. Umalis kami sa hotel, I lean my head on her shoulder habang nakasakay ako pero hindi niya naman iyun pinansin. The best resting place. Kung ganito ba naman ang mapagpapahingahan ko kapag napapagod ako, makakapagpahinga talaga ako ng

  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 67.2

    “Sakay na.” aniya kaya kahit na nahihiya at naiilang ako dahil magkadikit na magkadikit kami dito sumakay na lang ako.“Kumapit kang mahigpit baka mahulog ka at masalo ka ng iba.” Napakagat labi naman ako sa sinabi niya, kung baga ayaw niyang masalo ako ng iba? Yiiieee hahaha kinikilig talaga ako. “Sasalohin mo ba ako kapag nahulog ako?” “Siguro, maaaring oo.” Hindi siya sigurado ibig bang sabihin nito nalilito na rin siya sa nararamdaman niya? haaaaay sarap sa pakiramdam. Napahawak naman ako sa bewang niya ng bigla niyang bilisan ang pagpapatakbo niya. Dinama ko ang hangin na dumadampi sa katawan ko, mas masaya pala ang magmotor kesa ang magkotse dahil bukod sa nakakayakap mo ang mahal mo mas enjoy na enjoy pa yung view at ang hangin. Mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kaniya pero hindi niya naman ako sinita o pinagbawalan kaya mas lalo akong nakakaramdam ng tuwa. Wala ng mas sasaya sa rides niyo ng taong mahal mo. Kailangan ko na yatang bumili n

  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 67.1

    KENT POVMay ngiti ako sa mukha ng pumasok ako ng kwarto ko, hindi ko pa rin makalimutan si Ash, araw gabi na lang ganito ako. Ang sarap palang mainlove.Hihintayin ko ang next time na sinasabi niya hehehehe. Parang wala nanaman siya sa mood kanina eh, ano kayang nangyari dun?Hindi bale, kahit araw-araw kang magsungit sakin okay lang, mahal kita eh. Hihiga na sana ako ng may kumatok sa pintuan ko.“Anak gising ka pa ba?” boses yun ni Mommy. Anong kailangan niya? nagtungo na lang ako sa pintuan saka pinagbuksan siya.“Why Mom?” nginitian niya naman ako ng nakakapangloko. Kaya kumunot ang noo ko.“Yiiieeee Ash is waiting you, nanjan siya sa sofa.” Natulala naman ako sa sinabi ni Mommy. She’s here at this hour?“Lalabas ka ba o hindi? Ikaw ang nanliligaw pero ikaw ang pinupuntahan, ano ba naman yan son?”“She’s different Mom, may nagagawa siyan

DMCA.com Protection Status