Please ,don't hesitate to give this story some gems if you enjoy it! Thank you for reading this far! Mahal ko kayoooooo..
"The best thing we could do for ourselves is to become transparent regarding our feelings." Third Person's POV “KAILANGAN mong pasukin ang teritoryo ng kalaban para makakuha ng mga importanteng impormasyon na maaari kong magamit laban sa kanila.” Ma-awtoridad na sabi ni Emil kay Wade. “Boss, sino ba ang tinutukoy mo?” Kunot noong tanong ni Wade. “My ex-boyfriend.” Napatingala si Wade sa hagdan nang marinig niya ang boses ng babaeng mahal niya. “Joanne.” Mahinang wika ni Wade. “Bakit ka nandito sa Palace Fuego? A-anong koneksyon mo kay Boss Emil?” Magkakasunod na tanong ni Wade kay Joanne. Lumapit sa kanya si Joanne at ipinulupot ang kanyang kamay sa leeg ni Wade. “Iyan ba talaga ang una mong sasabihin sa akin matapos nating hindi magkita ng halos pitong buwan?” Mapang-akit ng saad ni Joanne. Umukit ang magandang ngiti sa labi ni Wade. Hinila niya palapit sa kanyang katawan si Joanne. Tinitigan niya ng diretso sa kanyang mga mata si Joanne bago muling magsalita. “I miss you J
"Dapat alam mo kung kailan ka kakapit at kung kelan ka bibitaw pagdating sa pag-ibig para hindi ka masaktan ng paulit-ulit." Third Person's POV MAHIMBING na natutulog si Wade samantalang si Joanne ay panay na panay naman ang pag-iyak habang nakatitig kay Wade."M-Mahal, mahal mo pa ba ako o may nilalaman ng iba yang puso mo?" Humihikbing bulong ni Joanne."Kung hindi na ako ang laman niyan, kung nawala na ang pagtingin mo sa akin sa maikling panahon na hindi tayo nagkasama.. wag kang mag-alala dahil ipaparamdam ko pa rin sa'yo kung gaano kita kamahal. Ipaglalaban ko yung pagmamahal ko sa'yo kahit na...unti-unti ka nang bumibitaw."Nanlalabo man ang paningin ni Joanne dahil sa kanyang mga luha ay malinaw pa rin niyang nakikita ang imahe ng lalaking mahal na mahal niya."Hindi ko hahayaang mapahamak ka. Alam kong pinapa-ibig ka lang ni Klea para ipaghiganti ang pagkamatay ng bestfriend nyang si Shana. Aaminin ko Mahal na nagu-guilty ako dahil isa ako sa dahilan kung bakit kinitil ni Sh
"Don't believe things without evidence or solid proof, or you'll come to regret it later." Third Person's POV"KAILANGAN ba talagang kaunin ko pa si Wade?" Nagrereklamong tanong ni Axie."Iyon ang napag-usapan namin ni Wade, Axie. Tumakas siya mula sa Palace Fuego kaya sigurado akong nanganganib ang buhay niya. Nagkaroon pala siya ng malaking pagkakautang kay Emil eh." Paliwanag ni Ricci habang humihithit ng sigarilyo."Nasaan ga raw siya?""Bumalik siya sa Singrimoto Village. Siya nga pala, wag mong kakalimutang isama yong si Manang Iska. Mahigpit na bilin iyon ni Klea." Tumayo si Ricci bago muling nagbuga ng usok mula sa kanyang mamahaling sigarilyo.Labag man sa kalooban ni Axie na sunduin si Wade ay wala siyang nagawa kundi ang sundin ang utos ni Ricci. Si Klea naman ay nagpapahinga pa rin sa kanyang bagong room sa loob ng Palace Costa. Kailangan ni Klea ng mag-aalaga sa kanya kaya naman ipinagbilin niya ang matandang katulong nila na si Manang Iska. Binigyan ni Ricci ng bagong sa
"Love without a single adversary or impediment is boring." Third Person's POVPAREHONG tahimik sina Wade at Axie habang sakay sa limited edition na Bugatti Veyron na dinisenyo ni Mansory Vivere. It is known as one of the fastest and most expensive cars in the world. Si Axie ang nagdadrive samantalang magkatabi naman sa likod sina Manang Iska at Wade."Mga Iho, saan ba tayo pupunta? Totoo bang nakamkam na ng madrasta ni Francine ang kayamanan nila?"Nakuha ng matandang babae ang atensyon ni Wade dahil sa pagtawag nito sa second name ni Klea. Tinitigan niya ang matanda at namangha sa kagandahang taglay nito sa kabila ng kulubot nitong balat. Nakatingin lang si Wade sa may bintana ng sasakyan nang maisipan niyang tanungin ang kanilang katulong."Did I really hire you?" Simpatikong tanong ni Wade. Tumango lang ang matandang babae."Because I don't remember hiring an old maid. I am sure I hired someone younger than you." Pagpapatuloy ni Wade habang nakatingin kay Manang Iska.Napatingin s
"Sometimes, we despise someone but can't help but fall in love with them for some inexplicable reason." Third Person's POVMASIGLANG sinalubong ni Klea si Manang Iska sa pag-aakalang kasama nito ang kanyang asawang si Wade. Nang makita niyang mag-isa lang si Manang Iska ay agad napawi ang matamis na ngiti sa kanyang mapulang labi."You look dissatisfied." Nakangiting wika ni Manang Iska habang inaayos ang mga gamit na dala niya.Iniikot lang ni Klea ang kanyang mga mata at ibinaling ang kanyang atensyon sa mga gamit na bitbit ng matandang katulong."Are you sure na wala kang naiwang importanteng gamit sa mansyon?" Klea spoke authoritatively."Ganyan ka ba talaga makipag-usap sa nakatatanda sa'yo, Iha?" Manang Iska expressed her dissatisfaction.Napaawang ang bibig ni Klea bago tumawa ng ubod ng lakas."I used to be polite and courteous, but when adults began to expose their ugliness, things started to change." Mapait na tugon ni Klea. Napatango naman si Manang Iska sa kanyang sinabi.
"Kapag inaapi ka, lumaban ka. Wag na wag kang papayag na tapak-tapakan ka lang nila lalo na kung sagad na sa mga ulap ang atraso nila sa'yo." Klea Francine's POVKALMADO akong naglalakad patungo sa kinaroroonan nina Matilda at Del Mundo. Nakasuot ako ng itim na dress at Brent Black's Hat. Ngayong araw na ito gaganapin ang business sales.Kapag may ganitong event, the assets and contracts of the business being sold must all be transferred to the winner of the bidding and the consent of customers, suppliers, landlords, licensors, and others is more likely to be required. Contracts, agreements, real estate, and intellectual property rights will all need to be formally transferred. Everything else remains with the company except the assets and liabilities that the buyer expressly agrees to purchase. Furthermore, the employees' current terms of employment will be automatically transferred to the buyer, and the buyer will become their employer.Ibebenta ni Matilda ang pinaghirapang kompanya
"Masakit gumanti ang kapalaran sa mga taong may maruming adhikain sa kanyang kapwa." Third Person's POV "ARE you sure you want to see my face, Matilda?" Klea asked while smiling behind her black hat."Oo naman Miss F. WE want to see your beautiful face. Right Honey?" Matilda kissed Del Mundo in his cheeks. Tumango naman si Del Mundo at hinalikan sa noo si Matilda bago sumulyap kay Klea.Nagsigawan ang mga elitista at pinuri ang pagiging sweet ng dalawa. Kabi-kabila rin ang pag flash ng camera.Napataas ang kilay ni Matilda nang biglang lumapit si Axie sa kanila."Anong ginagawa mo rito, Laxamana?" Tiningnan ni Matilda si Axie mula ulo hanggang paa.Axie gave her a silly laugh. Umiling pa siya na siyang ikinainis ni Matilda.“Kung si Erin ang sadya mo rito, bumalik ka na sa pinanggalingan mo. Binabalaan kita. Layuan mo ang anak ko. Hindi siya nababagay sa isang dukhang kagaya mo. I am going to find a CEO for her kaya tigilan mo na ang ambisyon mong maging kasintahan ang anak ko!” May
"Pinapatay ng paghihiganti ang ating pagkakataong maging masaya at maging malaya." Third Person's POV"NASAAN si Ricci?" Tanong ni Klea habang lumilinga-linga sa paligid.Ngumiti lang si Axie sabay kamot ng kanyang batok."Axie, akala ko ba hinahanap ako ni Ricci?" Kunot noong tanong ni Klea. May halong pagkainis ang tono ng boses niya."Ang totoo niyan .."Tumaas ang kilay ni Klea nang biglang huminto si Axie sa pagsasalita. Nakatitig lang siya ng diretso habang naghihintay sa sasabihin ni Axie."Ang totoo niyan Klea, ayaw ko kasing nakikita kang kasama mo si Wade." Nakatungong saad ni Axie."WHAT?" Gulat na reaksyon ni Klea."Tatapatin na kita. Klea, gusto kita at nagseselos ako kapag na kay Wade ang atensyon mo. Matagal na akong may pagtingin sa iyo. Siguro naman aware ka ron." Tinitigan ni Axie ng diretso sa mga mata si Klea.Natigilan si Klea sa sinabing iyon ni Axie. Hindi niya alam ang isasagot niya dahil miski siya ay hindi niya rin alam kung si Axie ba ang gusto niya o ang ka
Iniwan ko muna sa loob ng penthouse si Xynon at si Tito Wensley. Yes, my father-in-law is my biggest surprise to my husband. Alam ko kung gaano niya kamahal ang kaniyang papa. He even paid a fortune para lang ipahanap ito pero nabigo ang mga tao niya."My husband is crying because of joy. I loved seeing him genuinely happy," I murmured."Ma'am Klea, paano niyo po nahanap si Sir Wensley?" usisa ng sekretarya ko.Nginitian ko siya. "It's a secret."Bumalik sa isip ko ang nangyari. Isang araw, nagulat na lang ako nang biglang lumitaw sa harapan ko si Tito Wensley. Akala ko minumulto niya ako dahil sa pagsusungit ko nang sunod-sunod na araw sa anak niya! Buong akala namin ay napaslang na siya nina Emil! He fought my securities to penetrate my place dahil ayaw siyang papasukin ng mga tauhan ko. Hindi ko naman siya nakilala agad dahil sa hitsura niya. Sobrang dungis niya tapos sobrang lago na ng mga buhok, bigote at balbas niya! Nangangamoy kanal rin siya noon. Natakot pa nga ako pero noong
"Lahat nang ginawa mong masama, babalik at babalik sa iyo. Hindi man agad-agad pero sigurado."KLEA FRANCINE'S POVShocked. Disappointed. Dismayed. Irked. Those emotions were clearly painted on their faces while here I am, raising my chin while slowly putting a beautiful smile on my fúcking pretty face."Aren't you going to kneel before me? Joanne?" I averted my gaze to that bítch and then to her husband. "Ricci?"I clearly saw how Joanne smirked at me. She still has the audacity to do it despite their current situation."Diyos ka ba para luhuran?" sambit ni Joanne."Hindi ka pa rin nagbabago," bulong ko sabay tawa."How did you do it?" Joanne asked."Did what?" I want to provoke her even more."Huwag na tayong maglokohan dito, Klea. Sinadya mo ang lahat, 'di ba? You hid yourself at the back of other people. Gano'n ka ba kaduwag?" ani Joanne."Ako? Duwag? Ha! Alam mo ba ang salitang STRATEGY, JOANNE? Kung nagpakilala ako bilang Miss KF sa inyo, sa tingin mo ba papayag kayong tulungan
"The greatest revenge is to become successful than your foes."THIRD PERSON'S POVSLAP!Napahawak si Ricci sa kaniyang magkabilang pisngi nang bigla na lamang siyang salubungin ng sampal ng isang matandang lalaki."You're a disgrace to this family! How could you enter such dirtiest businesses? You and your father are the same! Mga inútil!" sigaw ng matandang lalaki."L-lolo? B-buhay pa po kayo?" hindi makapaniwalang sabi ni Ricci. Kung may kinatatakutan man siya, iyon ay walang iba kung hindi si Rivero Costa…ang kaniyang lolo."Tarantàdo! Anong gusto mo? Mamatay na ako? Malamang buhay na buhay pa ako. Kung hindi dahil kay Xenon ay hindi ko pa malalaman ang mga kagaguhan mo! Hindi pa sana ako uuwi ng Pilipinas kung hindi lang dahil sa'yo!" Kitang-kita ang galit sa mukha ni Rivero habang titig na titig ito kay Ricci."Sino pong Xenon?""Hindi na iyon mahalaga. Ang importante sa ngayon ay kailangan mong bumaba sa lahat ng posisyon mo." Nanigarilyo si Rivero.Walang imik na nakikinig sa k
"You can't escape your conscience. Hindi lahat nang ibinaon mo sa limot ay mababaon nang tuluyan. Sisingaw at sisingaw pa rin ang baho kahit na tabunan pa ito ng sangkatutak na pabango."THIRD PERSON POV“Yaya, bantayan mo nang maayos si Rianne ha. Don’t let her eat junk foods and chocolates. Also, please stop hugging and kissing her, okay? Kapag nagkasakit ‘ang anak kong ‘yan, ikakaltas ko sa sahod mo ang lahat ng magagastos niya sa pagpapagamot. Maliwanag ba?” mataray na sabi ni Joanne sa kanilang katulong.“Masusunod po, madam,” nakayukong sagot ng katulong.“Honey, masyado ka namang harsh kay manang. Siya ang nagpalaki sa akin kaya sigurado akong hindi niya pababayaan ang anak natin. Stop stressing yourself too much. Tingnan mo, nagkaroon ka na ng wrinkles. Ikaw rin, mababawasan ang ganda mo,” pabirong sabi ni Ricci.“Ah basta! Ayokong makikitang kumakain ng hindi masustansyang pagkain si Rianne,” giit ni Joanne bago siya tuluyang pumasok sa kanilang sasakyan.Ngayong araw ay may
"Sometimes, someone who survived the strongest storm in his life became merciless and cold-hearted."KLEA FRANCINE POVI removed my sunglasses as I stared at an ideal family. It’s been five years since they killed my loved ones.“Ma’am Klea, tumatawag po si sir,” ani ng katulong kong si Aling Rosa.Kamukhang-kamukha talaga siya ng dati kong katulong…I mean, ng lola ko. Bumuntong hininga ako at nginitian siya.“Tell him that I will call back later,” utos ko kay Aling Rosa.“Sige po ma’am, masusunod po,” tugon niya sabay labas ng aking kwarto.Ibinalik ko ang tingin ko sa magandang tanawin. Kinuha ko ang kopita sa may mesa at nilagyan iyon ng red wine. I swayed the goblet before I took a sip. Tingnan mo nga naman, ikinasal na pala si Joanne kay Ricci at ngayon ay may isa na silang anak na babae. They looked perfectly fine and happy. I smirked. Now, I have something to ruin.Hindi ko na namalayan ang oras. Hindi ko na kasi naalis ang paningin ko sa mag-anak na Costa habang nakaupo ako sa
"Living without your loved ones is more painful than death itself."KLEA FRANCINE'S POVDahil sa pagsabog na iyon ay nagkagulo sa hospital. Kaniya-kaniyang dampot ng kanilang mga gamit. Kaniya-kaniyang hakot ng mga pasyente. Hindi sila magkamayaw sa gagawin samantalang ako ay nakatayo lang sa tabi ni Xynon habang nakatulala."Francine, kailangan na nating lumabas dito. Hindi na ligtas na manatili pa rito," narinig kong sabi ni Xynon.Habang hinahanap ko ang sarili ay napaupo ako nang makarinig ako ng sunod-sunod na putok ng baril. Nakayuko ako habang hawak-hawak ko ang aking dalawang tainga. Napatunghay lang ako nang marinig ko ang aking pangalan."Long time no see, Klea Francine!"Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung kaninong boses iyon. "R-Ricci?" bulong ko.Isa pang putok ng baril ang aking narinig. Pakiramdam ko ay nagkaroon na ako ng ugat sa aking posisyon. Naalala ko si Axie. Umagos mula sa aking mga mata ang mga luhang pilit kong itinatago buhat nang bumalik ang akin
"Once in a while, free yourself from any worries. Always choose what will make your heart flutter. Time is ticking. We only have one life to live."KLEA FRANCINE POVAgad kong inaya ng kasal si Xynon matapos ang aking medical examinations. Maybe, God showered His mercy on me today. Himalang luminaw ang aking paningin at himalang naalala ko na ang tungkol sa pangyayaring iniiwasan kong maalala. Isang putok lang pala ng baril ang makakapagpaalala sa akin ng isa sa pinakamasakit na pangyayari sa aking buhay. I cried a lot in front of my doctor and personal nurse. Axie's death gave me excruciating pain that no one can heal. Only vengeance can make me feel better. Hindi ko alam kung bakit nagsinungaling sa akin si Xynon pero sigurado akong mahal niya ako."Pakasalan mo na ako ngayon din," muli kong sabi sa nakangangang si Xynon. Before I start my revenge, I want to be the happiest woman alive kahit sa loob lamang ng isang linggo."Pero Francine, h-hindi ka pa o-okay," nag-aalalang turan ni
"Huwag na huwag mong tatalikuran ang mga taong nandiyan para sa'yo noong walang-wala ka. Hindi iyon dahil sa may utang na loob ka sa kanila kung hindi dahil maalam kang magpasalamat at magpakatao."WADE XYNON'S POVI was patiently waiting for Francine. Halos isang oras at kalahati na siya sa loob. Masyado akong nasabik nang pumayag siyang magpakasal ulit sa akin. It will be our second wedding pero para sa akin, iyon ang unang beses na ikakasal ako sa kaniya. Our first wedding happened because of revenge, confusion and hatred. Akala ko ay iyon na ang pinakamasamang nangyari sa buong buhay ko. I guess, hindi talaga dapat tayo magsalita ng tapos. Our first wedding became the most memorable time of my life. Napapangiti na lang ako kapag naalala ko ang mga pinagdaanan namin ni Francine.Napatayo ako sa kinauupuan ko nang bigla na lang mag-vibrate ang cell phone ko. Tumatawag na naman si Joanne. Hanggang ngayon ay hindi ko lubos maisip na kamumuhian ko siya nang ganito. They still have my f
"Minsan, tuso ang utak ng tao. Kapag hindi na nito kayang dalahin ang sakit, pinipili na lamang nitong ibaon sa limot ang lahat. Lilinlangin ka nito na okay lang ang lahat kahit na ang totoo ay durog na durog ka na."Klea Francine's POVNagising ako mula sa pagkakahimlay nang tumama sa aking mga mata ang liwanag mula sa bintana. Agad akong napahawak sa aking ulo dahil ramdam na ramdam ko ang pagkirot noon pero walang-wala iyon sa bigat ng pakiramdam ko ngayon. Parang may nakapatong na tone-toneladang bato sa ibabaw ng aking dibdib. Ano nga ba ang nangyari? Bakit ganito na lang kabigat ang nararamdaman ko?Napalingon ako sa lalaking nasa tabi ko nang tawagin niya ako sa aking buong pangalan."Klea Francine, kumusta ang pakiramdam mo? Okay ka lang ba?" tanong ng lalaki.Pilit kong inaaninag ang kaniyang hitsura pero nanlalabo ang aking mga mata."Anak, si Daddy Linel ito. Nakikita mo ba ako?"Biglang gumapang ang takot sa aking katawan. Bakit hindi ko makita ang mukha ni daddy? Anong na