Walang nakitang mali si Frank sa pagpunta roon. Wala naman siyang ibang gagawin sa sandaling iyon. Ang ginagawa niya lang ay maghintay para kay Ciaran Zobel na lumapit sa kanya, at hindi niya iyon magagawa kaagad. Ang mas mahalaga pa roon… Naririnig ni Frank ang tahimik na mga yabag na naglalakad papunta sa kwarto niya. Natural na ito ay walang iba kundi si Kat. At habang nananatili si Helen sa kabilang kwarto, ano pa bang mangyayari kapag nahuli sila ni Helen?Huminto sandali si Frank, pagkatapos ay tumayo at inasar si Abel, “Alam mong kailangan mong nagbayad ng consultation fee kapag pinakiusapan mo kong pumunta nang ganyan, Mr. Loggins.”“Walang problema!” Pinagaan ni Abel ang loob niya—mas nag-aalala siyang tumanggi si Frank. Hindi lang malalim ang kakayahan ni Frank bilang manggagamot, dalawang beses na siyang kinailangang abalahin ni Abel. Halos pangkaraniwan na para sa pinakamagagaling sa alinmang negosyo na magkaroon ng kakaibang katangian, at ang paghingi ng masy
Pagkatapos humingi ng tawad sa pasyente niya, nagmadali si Abel para salubungin si Frank. Gayunpaman, dahil ang Loggins Apothecary ay isang mansyong itinayo sa tradisyonal na arkitektura ng Draconia, malayo-layo ang lalakarin niya mula sa opisina niya papunta sa pintuan. Sa sobrang sabik ni Abel ay ilang beses siyang muntik madapa, pero palagi siyang nasasalo ni Jim—pagtatawanan siya ng lahat kapag nasaktan siya bago makita si Frank!“Lolo, ganun ba talaga kagaling ang lalaking yun kagaya ng sabi mo?” tanong ni Jim, isang binatang nasa dalawampung taong gulang mahigit na mukhang malumanay magsalita suot ng salamin niya at mukhang mas matanda kaysa kay Frank. Kahit na ganun, hindi siya interesado sa kabila ng sabik ng lolo niya. Kahit na nirespeto niya si Frank noonh una dahil ang isang taong kagaya ni Abel ay umabot sa puntong tinawag niya siyang guro, ang lalaking nakita niya kanina ay walang dudang mas bata pa kaysa sa kanya. Nagduda rito si Jim—tumatanda na ba ang lolo ni
Kung talagang iinumin ni Ava ang kahit na alin sa listahan, lalala lang ang kondisyon niya. Walang makakapagsabi sa mangyayari sa puntong iyon. Nilukot ni Frank ang reseta sa sandaling iyon at itinapon ito sa malapit na basurahan. “Hindi, hindi mo siya pwedeng painumin nito. Lalala lang ang sakit ng anak mo!”“Ano?” Natulala si Brenda. "Pfft—"Tumawa si Jim sa malapit at tinuro si Ava, na umiiyak pa rin sa mga braso ni Brenda, habang umiiling at nakangiti. “Lolo, yan ang guro mo? Tumatanda ka na ba? Malinaw na may sipon ang bata sa pag-ubo niya at sa naninigas na ugat niya. At nakikita mo ba kung paanong paulit-ulit niyang hawak ang leeg niya? Apektado rin ang lalamunan niya—walang dudang may sipon siya, at ang seryosong klase pa nga.”Huminto siya sandali para tumawa. “At sinasabi ng lalaking yan na isa yang heat condition? Yan ang guro mo, Lolo? Binibiro mo ba ako?”“Huh…” Sumang-ayon rin si Abel sa apo niya dahil hindi niya makita kung bakit inisip ni Frank na may heat ill
Habang iniunat ang mga braso niya, nagyabang si Ferdy kay Frank. “Dali, sabihin mo sa'kin kung sino ka! Gusto kong makita kung sa aling sikat na unibersidad o sa kaninong guro ka natuto!”Huminga nang malalim si Frank at nagsalita habang nanood ang mga tao. “Kung ganun, sa mga mata ni, ang bilang ng pasyente, ang sahod mo, at ang karangalan mo ang bumubuo sa isang magaling na doktor?”Namumuhing tinitigan ni Ferdy si Frank na para bang isa siyang tanga. “Ano, mali ba ako?”“Mali ka,” matatag na sabi ni Frank. “Mas pinahahalagahan ng mga doktor ang pagligtas ng buhay at panggagamot ng mga sakit. At ginagawa nila yun sa pamamagitan ng pagsusuri nang tama, pagkatapos ay ang paggamit ng pinakasimple at pinakaepektibong lunas. Samantalang ikaw…”Dinampot ni Frank ang resetang itinapon niya sa basurahan at ibinato ito kay Ferdy habang malamig na nagsabing, “Hindi ka doktor. Negosyante ka lang! Kahit na kailangan lang ng bata ng reseta para sa sipon kagaya ng sabi mo, ang kailangan lang n
Nag-aalangan si Ava. “Pero sabi ng lalaking yun…”Nainis si Brenda, “Wag mo siyang alalahanin. Baliw siya.” Nang nakasiguro siyang naubos na ni Ava ang mangkok ng medicinal soup niya, kinarga niya si Ava at umalis nang walang pakialam. Habang umiling si Frank nang pinanood niya sila, mayabang namang nakangiti si Ferdy. “Oras na para umalis, Kuyang Baliw, kundi ay palalayasin ka namin.”Naglakad ang matatangkad na security guards sa paligid ni Frank at pinalibutan siya. Kasabay nito, malamig na tumingin si Abel sa apo niya. “Jim, may kailangan kang ipaliwanag.”Kinagat ni Jim ang labi niya. “Wag kang mag-alala, Lolo. Akong bahala.”Lalo na't sa kabila ng pagsusuri ni Frank, tama pa rin siya tungkol sa pagpipilit ni Ferdy sa mga pasyente na bumili ng mahal na gamot. Malinaw na nagtayo siya ng sistemang mapagkakakitaan sa Loggins Apothecary. Maging si Jim ay nabigla dahil hindi niya talaga ito inasahan—ang ginawa ni Ferdy ay walang dudang isang sampal sa mukha niya dahil s
“Wala ka nang pakialam sa kahit anong gawin ko.” Suminghal si Frank. Wala siyang pakialam tungkol kay Ferdy. Hindi lang siya nagkulang bilang isang doktor, ang inaalala niya lang ay pera at ang sarili niyang kayabangan—wala talaga siyang kahit kaunting prinsipyo ng isang tradisyonal na manggagamot ng Draconia. “May problema ka ba sa'kin?” Sumama ang mukha ni Ferdy nang makitang nanatiling mayabang si Frank. “Kalma ka lang, Ferdy. Wag mo siyang pagsayangan ng oras.” Mabilis na sinubukang ayusin ni Jim ang gusot nang malapit na naman silang magbanggaan. Ito ang negosyo ng pamilya niya, at makakasama sa imahe nila ang kahit na anong kahulugan rito. “Itutuwid kita kung wala lang rito si Jim.” Tinuro ni Ferdy si Frank habang sumigaw siya, halos dumampi ang mga daliri niya sa mukha ni Frank. “Iniisip mo ba talagang malakas ka? Nagyayabang ka nang wala ka namang lisensya?”Hindi pa rin siya pinansin ni Frank na walang pakialam na nakatayo habang nakatitig sa pintuan, na para bang n
Hindi nagtagal ay kinalimutan ni Ferdy ang ideyang baka nagkamali siya. Tiyak na hindi siya nagkamali—may sipon ang anak ng babae. “Sige!” Suminghal siya, sabay tumango kay Frank at tinanggap ang pusta niya. Kahit na wala naman siyang ibang masabi, nagmadali siyang bumalik sa opisina niya nang medyo nagsisisi…-Pagkatapos umalis ni Ferdy, sabi ni Jim, “Nakikita kong tama ka tungkol sa pagrereseta ni Ferdy ng mahal na gamit para sa mga pasyenteng di naman nangangailangan nito. Kaagad namin itong aayusin.”Huminto siya, pagkatapos ay nagtanong, “Bakit mo pinipilit na may heat condition ang bata? Kahit ang lolo ko ay hindi makita yun.”“Syempre hindi niya makikita.”Nanatiling nakatitig si Frank sa pintuan habang nagsalita siya nang may patay na tono. “Mas malamig talaga ang pangangatawan ng mga babae. Pero dahil ang baga niya ang namamaga, at ang katotohanang flat-footed siya ay isang kombinasyon ng mga bagay na naging dahilan kung bakit niyo napagkamalan itong isang pangkara
“Lumayo ka.” Sinampal ni Frank si Ferdy at pinalipad siya. Nanood si Jim habang lumipad ng anim na metro papalayo ang halos anim na talampakang anyo ni Ferdy at bumagsak sa sarili niyang mesa na nasira sa bigat niya. “Imposible…” paulit-ulit na bulong ni Ferdy habang bumagsak siya sa lapag. “Sir, pakiusap… iligtas mo ang anak ko…” Paulit-ulit pa ring nagmamakaawa si Brenda. “Wag kang mag-alala,” pinagaan ni Frank ang loob niya. “Magiging ayos lang siya ngayong nandito ako.”Nagsimula siyang itusok ang mga karayom sa acupoints sa tiyan ni Ava, pagkatapos ay kumuha siya ng isang gintong pill na pinainom naman niya kay Ava. Para bang pamilyar para kay Jim ang pill. “Mr. Lawrence? Ano yan?”“Isang Ichor Pill,” kalmadong sagot ni Frank nang hindi tumitingala. Gayunpaman, nanigas si Jim sa gulat sa pangalan pa lang na iyon. “Ano? Isang Ichor Pill? Seryoso?! Tapos binigay mo lang yun sa kung sinong batang babae?”“Kung sinong batang babae?”Tumingala si Frank na suminghal haba
Pagkatapos pinadaan ni Frank ang room card at binuksan ang pinto, natulala siya nang makitang isa itong kwartong may deluxe bed. Naiilang siyang lumingon kay Helen, na umiling habang pumasok siya. “May nag-book ng presidential suite, kaya kailangan kong magtiyaga sa deluxe twin. Wag kang mag-alala, ang kondisyon ng hotel ay…”Natulala rin siya nang nakita niyang isang kama lang ang nasa loob ng malaking kwarto. “Heh. Kung ganun…” Kinamot ni Frank ang ulo niya at naiilang na tumawa. May nakita si Helen sa ngiti niya na nagpamula sa kanya at nagreklamo siya. “Hindi maaari to… Naalala kong sinabi ko kay Cindy na kukuha ng twin bed room…”Lumabas siya at nagtanong sa isa sa mga attendant sa labas, na humingi naman ng tawad. “Pasensya na, Ms. Lane, pero wala kaming oras para ipaalam ito sa'yo kanina. Dati kang nilagay sa Room 506, isang deluxe twin room. Gayunpaman, biglang nagkaroon ng biglaan government inspection, at kinailangan ka naming ilipat. Pumayag dito ang sekretarya mo ka
Nang bumalik sila sa mga mesa nila, gumawa ng palusot si Will na natumba siya at tumaga ang kamay niya sa tinidor na nasa lapag, na nagsanhi ng kahulugan kanina. Hindi nakayanan ni Cindy na manood na lang at maupo, at sinimulan niya siyang hilahin. “Halika na. Dadalhin kita sa doktor para linisin yan.”“Ayos lang,” naiilang na sabi ni Will habang sumilip kay Frank at umubo. “Tinulungan na ako ni Mr. Lawrence at hindi na'to masakit kaya…”Natural na hindi nagtiwala sa kanya si Cindy at suminghal sa ideyang kayang tumulong ni Frank. “Imposible! Sanggano lang siya—sinong mas papaniwalaan mo, siya o ang doktor?! Tara na, kundi baka maimpeksyon ka dahil sa kanya. Masama ito kapag nag-iwan yan ng peklat.”Sa huli, walang nagawa si Will kundi umalis dahil hinila siya ni Cindy paalis. Nang naiinis, tumango siya kay Frank bago umalis, ngunit umiinom si Frank ng kape at parang hindi siya sumagot. Nanood si Helen habang umalis sina Will at Cindy, pagkatapos ay kinakabahan siyang lumingon
“Ano?!” Nabigla si Frank. Nagpasya ang mga Lionheart na makipaggiyera laban sa mga Turnbull?!Pero sabi ni Glen Turnbull, ang plano laban sa mga Turnbull ay plinano at sinagawa ni Titus Lionheart nang mag-isa. Kung nasa paligid ang head ng mga Lionheart, hindi sila susugal nang ganito ka-delikado. Ngunit sa kung anong dahilan, nagbago ang isip ng mga Lionheart pagkatapos ng isang buwan at handa na silang umatake?!Metikuloso pa nga sila at binalak nilang sirain ang Lane family… Mukhang habol din siya ng mga Lionheart!“Ganun pala… Iyon pala ang nangyayari…” Tumawa nang malamig si Frank pagkatapos isipin ang mga pagpipilian niya at kumuha ng isang mabahong itim na pill at sinaksak ito sa bibig ni Will. “Dahil kilala ako ako, alam mo dapat kung gaano ako kagaling sa medisina. Ang pill na pinainom ko sa'yo ngayon ay tinatawag na Veinbreaker, at kailangan mo ng antidote bawat linggo, kundi ay mamamatay ka nang nagdurusa habang pumuputok ang bawat isang ugat na mayroon ka.”Habang
“Sir, anong—”“Tabi.” Tinulak ni Frank ang mga attendant na nakaharang sa daan niya at naglakad papunta kay Will. Hinablot niya ang lalaki sa kwelyo, pagkatapos ay tinulak ito sa men's room at sinara nang malakas ang pinto para i-lock ito. “Ano bang gusto mo?!” Sumigaw si Will habang nagngitngit ang ngipin. Nagsimulang mag-apoy ang mga mata niya sa galit kay Frank habang pinanood niyang dumugo nang matindi ang palad niya. “Anong gusto ko? Ikaw ang dapat kong tanungin niyan.”Tinulak ni Frank si Will sa lapag nang nakangisi habang inapakan niya ang butas na kamay ni Will. Napasigaw siya ulit. Habang malamig na naningkit ang mga mata, sumigaw si Frank, “Unang-una, magsimula tayo sa kung sino ka ba talaga… Lumapit ka sa Lanecorp mula kay Cindy, para saan? Para may manatiling aligaga?! Sino yun?! Magsalita ka!”“A-Anong sinasabi mo?! Wala akong alam!”Nataranta si Will sa mga tanong ni Frank. Hindi niya alam kung paano ito nalaman ni Frank. “Hindi ka magsasalita, ha? Kung gan
Mapagbantang sumagot si Helen, “Wag mo kong hawakan, Mr. Zeller, kundi ay baka hindi mo malaman ang mangyayari sa'yo.”“Talaga? Kilala mo ba kung sino ang mga kaibigan ko? Hehe… Aatakihin ka sa puso kapag sinabi ko sa'yo, pero iibahin ko ang usapan.”Madilim na ngumiti si Will, dinilaan niya ang mga labi niya habang hinarangan niya si Helen. “Samahan mo ko ngayong gabi, Ms. Lane, at nangangako ako sa karangalan ko na makukuha mo ang larawan at lahat ng files na kinopya ko… Kundi baka bukas, lumitaw sa mesa ng CEO ng karibal mong kumpanya ang lahat ng nasa larawan. Kaya ano ang pipiliin mo?”Pumikit si Helen sa kabila ng banta niya, at nanahimik sandali bago nagsabing, “Kung ganun, pwede ko bang isiping pinagbabantaan mo ko?”“Tama.” Nanatiling nakangiti si Will, na tuwang-tuwa dahil kumbinsido siyang sa kanya na si Helen. Nagsimula pa nga siyang magpantasya kung anong kayamanan ang nasa ilalim ng suit niya at tumindi ang init sa pagitan ng binti niya. Walang makakapigil dito, a
“Sige.” Tumango si Cindy at mabilis na bumalik sa mga dessert na nasa mesa. Sa kabilang banda, pinagpatong ni Frank ang mga braso niya sa dibdib niya habang pinanood niya si Will na pumunta sa banyo. Dumilim ang titig niya. “Hoy, anong tinitingin-tingin mo? Naiinggit ka lang, ano?”Nagmayabang si Cindy nang makitang nakatitig si Frank kay Will. “Iba ang boyfriend ko sa'yo—isa siyang tunay na department head na nagrereview ng bawat isang tender ng korporasyon. Alam mo ba kung gaano karaming tao sa Zamri ang kailangang sumunod sa kanya? Ang alam mo lang gawin ay masali sa away at kumapit kay Helen, para magmakaawang bigyan ka ng trabaho.”Hinampas niya nang paulit-ulit ang mesa habang tinawanan niya si Frank. “Walanghiya ka talaga—wala kang alam sa pagkakaroon ng trabaho, ano? At tinakda ka ni Helen bilang head ng health and safety department… Di ba ibig sabihin nun ay security guard ka lang? Oh, pinapatay mo ko sa kakatawa! Umaabot ba sa sampung libo ang buwanang sahod mo?!” Tum
Malamig na tumingala si Frank sa kanya. “Ano? Di ba ako pwedeng umupo rito?”Kaagad na nagalit si Will—matapang siya para sa isang hamak na bodyguard!“Hinanda kong maupo rito si Ms. Lane, dahil mayroon kaming malaking business deal na pag-uusapan.” Malamig na sabi ni Will. “Kaya bang akuin ng isang pinabangong security guard na kagaya mo ang mangyayari kapag sinira mo to para sa kanya?!”“Syempre naman.” Tinaas ni Frank ang mukha niya nang mukhang sinasadyang nagtataka. “Ano…” Nanggalaiti si Will. “Tama na yan.” Tinaas ni Helen ang isang kamay niya at pinigilan ang dalawang lalaki habang umupo siya sa tabi ni Frank. Habang nakatingin nang seryoso kay Will, sabi niya, “Kinuha ng pinsan kong si Cindy ang laptop ko. Pakibalik ito sa'kin kung nasa’yo pa rin ito.”Ito ang prayoridad niya dahil maraming sensitibong dokumento at papeles ng Lanecorp na naka-save sa laptop na iyon. Hindi ito dapat makita ng iba at masasaktan ang kumpanya kapag nalaman ito ni Will at ibenta niya ang
Namutla si Kallum habang nilamon siya ng kawalan ng pag-asa. Dumulas ang phone niya sa mga daliri niya at bumagsak ang malakas sa lapag. Talagang nakakatakot ang pagkamatay ni Cid, kagaya kung paanong hindi inasahan ni Kallum na aatakihin ni Victor ang anak niya nang hindi man lang siya binigyan ng tyansang manlaban.“Frank Lawrence… ang bodyguard ni Helen Lane? Ang head ng health and safety department?! S-Sino ba siya?!”Nakatulala niyang bulong bago nanahimik. -Samantala, nagmadaling bumalik sina Helen at Frank sa Lanecorp. Mananatili sila dapat sa labas, ngunit nakatanggap ng tawag si Helen mula kay Cindy, sinabi niyang dumating na ang bagong nobyo niya kasama ng laptop ni Helen. Gayunpaman, sa sandaling nakabalik sina Helen at Frank, lumapit sa kanila ang kalilipat lang na sekretaryang naghihintay sa pintuan at naiilang na nagsabi, “Ms. Lane, umalis ang pinsan mo kalahating oras ang nakaraan. Nag-iwan sila ng address at pinapapunta kayo sa kanila.”Kinuha ni Helen ang
"Hehe…"Nakangiti si Victor habang nilapitan niya si Frank, inabutan siya ng tasa ng tsaa, at nagtanong, “Mr. Lawrence, nakausap ko mismo si Tito Emilio at pinapasabi niya ang pagbati niya.”“Ganun ba.”Tumango si Frank—hindi talaga siya takot kay Victor, ininom pa niya kaagad ang tsaa at tumango. “Masarap ang tsaang to.”“Hehe… Kung gusto mo, pwede ko tong ipadala sa'yo, Mr. Lawrence.”“Hindi kailangan yan.” Tumanggi si Frank, iniunat ang likod niya, at lumingon kay Helen. “Pag-usapan natin ang utang mo sa Lanecorp. Kung tama ang pagkakaalala ko, 200 milyong investment funds ito, at tungkol naman sa interes…”“Oh, wag mong alalahanin yun.” Ngumiti si Victor at pinigilan si Frank sa pagbibilang—matalino siya para maintindihan ito. “Kumuha na lang kayo ng 300 milyon mula sa'kin, nang may interes na 100 milyon. Isipin niyo na lang itong regalo para sa Lanecorp. Pwede na ba yun?”“Oo.” Tumango si Frank. Gayunpaman, kumunot ang noo ni Helen. “Hindi tama yun. Tumagal na ang utang,