Umigkas ang kamay ni Frank ng parang isang missile.Si Bocek, na umiikot sa hangin matapos siyang padalhin ni Frank, ay naramdaman ang mga daliri ni Frank sa kanyang balikat.Hindi nagtagal ay sumunod ang narinig na bitak ng kanyang mga buto, at nadurog ang balikat ni Bocek."Argh!!!"Nawala na ang kanyang pagiging matandang kalmado, humihiyaw si Bocek nang mapinsala siya ng nag-iisang strike.Gayunpaman, siya ang ikaapatnapung taon ni Skyrank, at mabilis niyang naisip ang kanyang sentido, nagngangalit ang kanyang mga ngipin habang siya ay gumanti ng mabilis na mga sipa."Moonbreaker Drive!"Ang mga binti ni Bocek ay dapat na tumama ng sampung puwesto nang sabay-sabay. Ang hangin ay pumuputok nang maririnig habang purong sigla ang bumaril mula sa kanyang katawan, na nakatutok sa mukha ni Frank."Masyadong mabagal! Iyon lang ba ang kayang gawin ng ika-apatnapung Skyrank?!"Napangisi si Frank habang umaatras ng isang hakbang, muling ginagaya ang pamamaraan ni Bocek. "Moonbreaker
”Sandali.”Habang ginagawa ni Quinn ang lahat ng kanyang makakaya upang tulungan ang kanyang baldado na ama sa loob ng kotse, nagsalita si Frank, inilagay ang kanyang kamay sa pinto nang bumalik siya sa kanyang karaniwang kalagayan.Bumilis ang tibok ng puso ni Quinn, sa pag-aakalang noon pa lang ay nagbabago na ang isip ni Frank.Gayunpaman, si Frank ay hindi ganid.Sinulyapan niya si Bocek kahit na humihingal ito at tahimik na nagsalita, "May iba pa.""Sabihin mo, Mr. Lawrence," sabi ni Quinn, napakaamo."Narinig ko ang iyong ama na nagpadala ng isang tao upang patayin ang pamilyang Puti," sabi ni Frank. "Sabihin sa kanila na huminto ngayon, at ang pamilyang Puti ay hindi kailanman dapat hawakan."Tiyak na nakahinga si Quinn na hindi nagbabago ang isip ni Frank, kahit na di nagtagal ay sumimangot siya. "Ngunit ang pamilyang Puti ang nag-akit sa iyo sa bitag na ito. Hahayaan mo na lang ba sila?""Iyan ang aking negosyo." Ang cool na tingin ni Frank ay naiwan kay Quinn na kumik
Umiyak ang lahat ng miyembro ng White family nang umalis ang guild ni Jorg, nagsaya sila dahil nakalusot sila sa bingit ng kamatayan.Ngunit sino kaya ang nagligtas sa kanila?Sa kabilang banda, tuluyan na ngang hindi pinansin ni Eron si Kim, kahit ibinagsak nito ang sarili sa walang buhay na katawan ng ama at humagulgol.Panay ang tingin niya kay Shane, na palihim na kausap sa kanyang telepono habang nagtatago sa likod ng isang puno.Iniisip niya kung sino ang nagligtas sa kanyang pamilya at nagkataon na naalala niya ang pagsabog ni Shane bago siya itinaboy palabas ng White Hall."Mr. White, sumikat ang pamilya ko sa Southstream dahil may suporta kami. Maaaring makapangyarihan ang Sage Lake Sect, ngunit hindi sila magagapi tulad ng iniisip mo! Pagsisisihan mo ang iyong mga aksyon sa araw na ito!"Nasabi lang ni Shane ang lahat ng iyon dahil sa walang kabuluhan, ngunit tinanggap ito ni Eron para sa katotohanan.At ngayon, nakadapa siya, hinawakan ang pantalon ni Shane habang pau
At ngayon, bumalik si Frank sa White Hall para tapusin ang lahat sa White family. “Si Aria Lond ay…”Sasabihin na sana ni Eron na malubhang nasugatan si Aria nang dumating ang ambulansyang tinawag niya. Natauhan siya bigla sa sandaling iyon—bakit siya matatakot kay Frank?At ngayong naisip niya ito, binayaran siguro ni Frank ng malaking halaga si Bocek kaya siya tinalikuran nito. Iyon ang dahilan kung bakit pinadala ni Bocek ang guild hitmen ng Sage Lake Sect para burahin ang pamilya ni Eron! Bakit babalik nang walang galos si Frank?Higit pa roon, sinabi ni Bocek kay Eron na masyado siyang maraming nalalaman, na lalo lang nagpatunay na tama siya—si Frank ang dahilan kung bakit muntik mamatay ang buong pamilya niya!Pero kahit na matatakot at manginginig si Eron kay Frank noon, nasa kanya na ngayon ang suporta ni Shane Tomen. Bakit siya matatakot kay Frank ngayong gigolo lang siya ni Vicky, at umatras ang Sage Lake Sect dahil namagitan ang mga Tomen?Nang nagbago ang ekspres
Tinitigan ni Eron si Kim. Natulala siya na tinawag niya siya sa pangalan bago nagwala sa galit. “Tatay mo ko, Kim! Gumalang ka!”“Manahimik ka!” sagot ni Kim habang tinitigan niya siya nang masama. “Patay na ang tatay ko, at nagsasagawa kami ng burol para ipagluksa siya at ang lolo ko. Bastusin mo pa ako ulit at paparusahan kita gamit ng karapatan ko bilang head ng pamamahay na'to!”“Ano…” Nasamid si Eron matinding inis ngunit nagngitngit ang ngipin niya nang naalala niya ang ginawa niya sa anak niya at hindi siya nakasagot. Sumabat si Shane sandaling iyon. “Kim, ginawa yun ng tatay mo para sa kapakanan ng pamilya mo. Hindi mo ba pwedeng—”Hindi siya pinansin ni Kim na lumingon palayo at mahabang na naglakad sa parlor, “Wala kang karapatang magsalita rito! Liv, ihatid mo siya palabas!”“Ihatid…” Halatang wala sa wisyo si Liv at nakatulalang nagtanong, “Ihatid sino?”“Kailangan ko pa bang sabihin sa'yo?” Biglang huminto si Kim at lumingon sa kanya nang may matatalim na mga mata
Nabuhay si Aria sa kabila ng pag-atake sa kanya ni Jorg gamit ng purong vigor niya, pero nabasag ang buong balikat niya at sobra ang pagdurugo niya. Halos patay na siya nang dumating ang ambulansya at dinala siya sa ospital, at nasa peligro pa rin siya. . Bumuntong-hininga si Frank nang sinabi sa kanya ni Kim ang lahat. “Siya naman ang bahala kung anong gagawin niya ngayon. Wala na talaga akong pakialam sa kanya.”"Hey…"Biglang lumingon si Kim at natulala si Frank sa mga luha sa mata niya. “Tuloy pa rin ba ang pangako mo kagabi?”Nakaramdam ng panlalambot si Frank sa loob niya nang nakita niya ang kalungkutan niya at iniabot niya ang business card niya sa kanya sabay tumango. “Pumunta ka sa bahay ko kung may oras ka para bumisita sa Riverton, pero hindi nga lang ito kasing elegante ng White Hall.”Ngumiti si Kim sa kabila ng mga luha niya. -Pagkatapos magpaalam kay Kim, handa nang magmaneho si Frank pabalik ng Riverton. Gayunpaman, nang dumating silang dalawa ni Burt sa
Simpleng ngumiti si Mona sa sandaling iyon. “Nag-aalangan ba kayong kunin ako dahil sa Haply Hall? Wag kayong mag-alala—puputilin ko ang ugnayan ko sa kanila ngayon din.”Nilabas ni Mona ang phone niya sa sandaling iyon at tinawagan ang isang numero. Nagsalita siya kaagad sa sandaling may sumagot dito, “Hello, elder? Tinawagan lang kita para sabihing aalis na ako sa sect. Oo, kaya wag mo na kong tawagan kahit kailan, o baka magkamali ng iniisip si Frank.”“Oh, wala naman—hindi na lang kita mahal. Paalam, at wag mo na akong tawagan ulit.”“Oo, ingat. Di kita mamimiss.”Nagkatinginan sina Frank at Burt habang binaba ni Mona ang tawag at inosenteng umiling. “Ano? Kakaiba ba yun?”“Pwede ko bang matanong… Gaano na karami ang naging boyfriend mo?” biro ni Burt. “Ang galing ng mga pambasurang linya mo para makipaghiwalay.”Umirap si Mona. “Boyfriend? Anong sinasabi ko diyan? Bata lang ako.”Napahawak si Frank sa mukha niya. -Ang daming nangyari sa araw na iyon at sa huli ay nagman
Burp.Busog na busog si Mona pagkatapos ubusin ang dalawang kaserola ng pasta at tumirik ang mga mata niya. Natakot sina Carol at Winter dito, inisip nilang may masamang nangyari sa kanya. Para naman kay Frank, nakaisip siya ng palusot para umalis sa Skywater Bay bago nagmaneho papunta sa Grande Pharma. Sa research lab, ginamit niya ang cauldron na ginamit ni Vicky para i-refine ang Goldeater Cane. Pagkatapos ng kalahating gabi, niluto niya ito para maging dalawang pills na kulay ginto, na nilunok niya nang walang pagdadalawang-isip. Gamit ng Five-Peat Archeus technique niya para palakasin ito, umilaw din nang ginto ang mga mata ni Frank. Unti-unting gumaling ang sugat niya sa paggamit ng Death Eater at ang halos natuyot na meridian nexus niya ay kuminang sa gintong vigor. Nagpatuloy ang Goldeater Cane na ibalik ang katawan niya sa pinakamalakas na anyo nito mula tatlong taon ang nakaraan. Pagkatapos ng mahabang sandali, nagpakawala si Frank nang tahimik na ungal, na nagpaya
“Imposible! Hindi natin sila hahayaang kunin si Walter!”“Oo nga! Lalaban tayo kapag umabot ito sa sukdulan!”“Tama! Hindi tayo natatakot sa kamatayan!”Sumama ang mukha ni Glen habang nakipagtalo ang mga Turnbull. “Lalaban?! Madaling sabihin yan para sa'yo!” sigaw niya. “Wala ba sa inyong nakaisip kung gaano seryosong dagok ito sa pamilya natin kapag nakipaglaban tayo sa mayor ng Morhen?! Hindi lang ang Martial Alliance—kapag pinadala ng mayor ang garrison, talagang katapusan na natin!”Habang nakatitig nang masama sa mga tao sa paligid niya, nagpatuloy siya, “Sa puntong iyon, hindi natin malilinis ang pangalan natin habang tumalon tayo sa bangin na inihanda ng mga kalaban natin para sa'tin! At iyon mismo ang gusto nila—ang labanan natin ang Martial Alliance!”Habang natulala ang karamihan sa mga Turnbull, mayroon pa ring nakipagtalo. “Ano, dapat na lang ba tayong sumuko?”“Oo nga. Kahit sa pinakamagandang sitwasyon, mawawala sa'tin si Walter… At mawawala ang reputasyon nati
“Sandali! Hindi kayo pwede rito!”Matapat na nanindigan ang Turnbull bodyguards at pinigilan ang mga miyembro ng Martial Alljance sa gate. Sumigaw naman si Silverbell sa kanila, “May ebidensya ako ng mga krimen ni Walter Turnbull! Nag-isyu na ng warrant ang mayor ng Morhen! Humarang kayo sa daan namin, at ituturing kayong kalaban ng Martial Alliance at ng Draconia!”Nagkatinginan ang Turnbull bodyguards, ngunit sa huli ay sumuko sila at pinaraan sila. Kahit na magpasya silang makipaglaban sa Martial Alliance, hindi sila ang magdedesisyon nito. Higit pa roon, hindi sila ang nasa tama—may ebidensya ang Martial Alliance at ligal silang nang-aaresto. Kapag nagmatigas sila, katumbas ito ng pagtatanggol sa isang kriminal. Malinaw na naghintay si Silverbell ng ebidensya para makaiwas sa pagpatay, dahil magkakagulo kapag sumugod sila sa Turnbull Estate ng dahil lang sa ilang akusasyon. “Sugod!” Habang pinangunahan ni Silverbell ang mga miyembro ng Martial Alliance, hindi nagtagal
Kahit na ganun, nagdalawang-isip sandali si Frank bago tinapik si Susan sa balikat. “Pasensya na, Mrs. Turnbull—hindi ngayon ang oras para diyan. Kailangan nating malaman kung anong nangyari.”“Anong nangyari…?” Bulong ni Walter. Takang-taka siya habang tumingin siya sa mga miyembro ng pamilya niyang nakapalibot sa kanya. Pagkatapos ay sinampal niya ang noo niya at kumunot ang noo nang naalala niya, “Teka lang, hindi ba dapat dadalo ako sa coming-of-age ceremony ni Denise Laine? Paano ako nakarating dito?”“Iniuwi ka ni Jet.” Lumingon si Glen sa matangkad na lalaking may seryosong mukha na mukhang nasa tatlompung taong gulang. “Jet…?” Nabigla si Walter, dahil si Jet ang lider ng mga blackguard ng mga Turnbull at ang ampon ni George Turnbull. Kung kinailangang ipadala ng pamilya ni Walter ang mga blackguard para iuwi siya, ibig sabihin ay nagkaroon ng malaking problema. “Naaalala mo ba kung anong nangyari sa ceremony kahapon?”“Kahapon?”Napangiwi si Walter habang nagsikap s
"Phew…"Nakahinga nang maluwag si Silverbell nang nakita niya ang tango ni Frank, at lumuwag ang pagkakahawak niya sa espada niya. “Lady Silverbell, ang lalaking iyon…”“Kapatid ko siya,” sabi niya at hindi na nagpaliwanag. “Kapatid, ha… At Lawrence ang apelyido niya… Sa tingin ko naiintindihan ko na,” bulong ng isa sa mga elder sa tabi ni Silverbell. Lumingon si Silverbell sa kanya, ngunit nanatiling tahimik. -Bang!Sinipa ni Frank ang pinto ng Turnbull Hall at halatang naiinis ang lahat ng tao sa loob. Ang iba ay handa pang sigawan siya, ngunit mabilis na tinitigan nang masama ni Glen Turnbull silang lahat kahit na nagulat din siya. Sa sobrang seryoso ng insidente ay nakabitin ang kapalaran ng pamilya niya—hindi ito oras para sa wastong pag-uugali. Lumapit si Glen kay Frank nang nakatango at nagsabing, “Nagkita tayong muli, Mr. Lawrence. Nabanggit na ba sa'yo ng hipag ko ang sitwasyon?”“Oo.” Tumango si Frank. “Nasaan si Mr. Walter? Titignan ko siya ngayon din.”
Sa wakas, sumuko na si Kallum kay Helen. Kahit na malaking dahilan ang investment ni Gene sa tagumpay niya, naintindihan ni Helen na si Frank ang dahilan kung bakit kaya niyang maging chairwoman ng Lanecorp nang ganito kadali at ayusin ang lahat ng problemang kinaharap nila. Gayunpaman, hindi nagtagal si Frank sa Lanecorp. Nang makahinga nang maluwag matapos marinig na sumuko na si Kallum, kaagad siyang umalis. Sumakay siya sa kotse niya at nagmaneho diretso sa Morhen. Halos maluha na si Susan Redford, ang nanay ni Vicky. “Frank… Hindi ako hinayaan ni Vicky na magsabi sa'yo kasi… kumplikado ito. Nilason si Walter at wala pa rin siyang malay, at hindi namin siya matanong kahit na gustuhin namin. At patuloy kaming ginagambala ng Martial Alliance na ibigay siya… Malapit nang sumuko ang mga Turnbull…”“Kalma ka lang, Mrs. Turnbull,” kalmadong sabi ni Frank habang hawak ang manibela sa isang kamay at ang phone niya sa kabila. “Nasaan si Vicky? Nasa Morhen siya ngayon, di ba?”“S
Tumango si Frank kay Will nang binigay niya sa kanya ang pill. “Magaling ang nagawa mo—kagaya ng pinangako ko, heto ang antidote. Aalisin nito ang lason sa katawan mo.”“Salamat, Mr. Lawrence,” sabi ni Will habang marespeto niya itong kinuha.Pagkatapos ay nagtanong si Frank, “Nakikita kong nagsanay ka rin sa martial arts, tama?”“Oh, uh…” Kinamot ni Will ang ulo niya sa hiya at naiilang na ngumiti. “Oo, pero isang basic na style lang kaya…”“Mabuti.” Binigyan siya ni Frank ng isa pang pill. “Isa tong Ichor Pill na magpapalakas sa vigor mo. Hindi ito milagroso, pero maganda rin ito. Inumin mo ito kapag nagsimula kang magsanay ulit, at magiging vigor wielder ka.”“Salamat, Mr. Lawrence!” Sabi ni Will habang masaya niyang tinanggap ang pill, nang may pasasalamat sa mga mata niya. Natural na natuto siya ng martial arts mula kay Sif, na walang pakialam dahil napatunayang mabagal siyang matuto. Para mas lalo pa siyang insultuhin, sinabi niya sa kanyang wala siyang ibang masisisi sa
Pagkatapos, biglang naningkit ang mga mata niya sa pagbabanta. “Kapag nalaman kong binastos mo uli si Mr. Lawrence o sumobra ka, kahit si Ms. Lane ay hindi ka mapoprotektahan mula sa'kin!”Pagkatapos nito, suminghal siya at umalis Nakahinga nang maluwag si Cindy pagkatapos niyang umalis at lumingon naman siya kay Frank. Handa na siyang tumingin nang masama kay Frank, ngunit mabilis siyang yumuko nang naalala niya ang babala ni Gene. “Umalis ka na. Walang lugar ang kumpanya para sa'yo, at wala nang makakapagligtas sa'yo kapag nangyari to ulit!”Pagkatapos ng malalamig na salitang iyon, hinabol ni Helen si Gene at naiwan si Frank kasama ni Will. Mukhang kabado si Will dahil kanina pa siya naghihintay na magsalita. “May mahalagang bagay kang dapat malaman, Mr. Lawrence.”“Mahalagang bagay?” Napahinto ang puso ni Frank dahil alam na niyang kumilos na si Sif Lionheart base lang sa ekspresyon ni Will. Pinasunod niya si Will sa opisina niya, at sa sandaling naupo sila, nagpaliwan
Kahit na paparusahan nang matindi ni Gene si Cindy kung naibang okasyon lang ito, nasa presensya siya ni Frank at nirespeto niya siya. Dahil dito, nagtanong siya, “Ano sa tingin mo ang dapat nating gawin rito, Mr. Lawrence?”“Ako—”Bago pa nakapagsalita si Frank, bumukas ang pinto ni Helen, at nagmadaling lumabas si Helen matapos marinig ang kaguluhan sa hallway. Muntik na siyang mahimatay sa inis nang nakita niya si Cindy—paanong naroon pa siya at nagdala ng mas marami pang gulo para a kanya?Kahit na ganun, hindi niya hahayaang magkamali siya sa presensya ng iba, at tumango siya kay Frank. “Nakabalik ka na.”Pagkatapos, lumingon siya kay Gene at nagtanong, “At sino naman ang ginoong ito?”Ngumiti naman si Gene. “Isang lalaking binayaran ni Frank para magpanggap na si Gene Pearce, ang pinakamayamang tao sa east coast.”Natulala si Helen sa kakaibang pagpapakilala, ngunit may talino siya para maintindihan ito pagkatapos tumingin kay Cindy. “Urgh, malas ka talaga…”Nakahilo
Pasensyoso at seryosong lalaki si Gene pasalamat sa mga taon niya bilang isang negosyante, at hindi talaga siya bababa sa lebel ni Cindy. Gayunpaman, ang mga salita niya ay halatang isang insulto para kay Frank at sa posisyon niya.“Ayos lang, Mr. Lawrence. Hayaan mong patunayan ko ang sarili ko.”Tinaas niya ang isang kamay niya para pigilan si Frank bago siya kumilos at bumunot siya ng isang makintab na gintong cars mula sa bulsa niya. Sa katotohanan, sa sobrang kintab nito ay nasilaw sandali ang mga empleyado ng Lanecorp. “Ano yan?” Kumunot naman ang noo ni Cindy at hindi niya ito nakilala. “Isa itong custom gold card na gawa mismo para sa executives ng Pearce Group. Ang kahit na sinong may dala nito ay kayang bumili nang hindi kailangang magbayad sa kahit na anong establisimyento sa ilalim ng tatak namin.”Nang nakangiti, tinuro ni Gene ang mukhang nakatatak sa gold card. “Ms. Zonda, hindi ba kamukha ko ang tao sa larawang ito?”“Kamukha?” Kinuha ni Cindy ang gold card na