Sumugod sa Sorano Estate at pinilit silang humingi ng tawad? Kahit mga bata ay di maniniwala sa ganitong pantasya!“Titignan natin!” Madilim na ngumiti si Cid kay Frank. Suminghal naman si Frank—hindi niya pipigilan si Cid kung talagang gusto niyang mamatay, at hindi rin naman siya obligadong pigilan siya. Hindi nagtagal, bumalik si Victor nang may dalang isang tray ng tsaa at magalang itong nilapag sa mesa niya. Gayunpaman, bago niya ito maisalin, tumakbo si Cid papunta sa kanya at tinuro si Frank. “V-Victor, ininsulto ng batang yan ang pamilya mo! Kailangan mo siyang turuan ng leksiyon!”“Talaga?”Tumingala si Victor at mahinang nagtanong, “At ano namang sinabi niya?”“Sabi niya…”Mukhang tuwang-tuwa si Cid habang lumunok siya. “Sabi niya nakaaway niya ang mga Sorano, pagkatapos, sumugod siya sa Sorano Estate sa Morhen, sinaktan si Willy Sorano, at pinilit ang main family na humingi ng tawad.”"Hah!" Dumura si Cid nang may huwad na galit. “Hindi man lang niya tinignan a
"Hehe…"Nakangiti si Victor habang nilapitan niya si Frank, inabutan siya ng tasa ng tsaa, at nagtanong, “Mr. Lawrence, nakausap ko mismo si Tito Emilio at pinapasabi niya ang pagbati niya.”“Ganun ba.”Tumango si Frank—hindi talaga siya takot kay Victor, ininom pa niya kaagad ang tsaa at tumango. “Masarap ang tsaang to.”“Hehe… Kung gusto mo, pwede ko tong ipadala sa'yo, Mr. Lawrence.”“Hindi kailangan yan.” Tumanggi si Frank, iniunat ang likod niya, at lumingon kay Helen. “Pag-usapan natin ang utang mo sa Lanecorp. Kung tama ang pagkakaalala ko, 200 milyong investment funds ito, at tungkol naman sa interes…”“Oh, wag mong alalahanin yun.” Ngumiti si Victor at pinigilan si Frank sa pagbibilang—matalino siya para maintindihan ito. “Kumuha na lang kayo ng 300 milyon mula sa'kin, nang may interes na 100 milyon. Isipin niyo na lang itong regalo para sa Lanecorp. Pwede na ba yun?”“Oo.” Tumango si Frank. Gayunpaman, kumunot ang noo ni Helen. “Hindi tama yun. Tumagal na ang utang,
Namutla si Kallum habang nilamon siya ng kawalan ng pag-asa. Dumulas ang phone niya sa mga daliri niya at bumagsak ang malakas sa lapag. Talagang nakakatakot ang pagkamatay ni Cid, kagaya kung paanong hindi inasahan ni Kallum na aatakihin ni Victor ang anak niya nang hindi man lang siya binigyan ng tyansang manlaban.“Frank Lawrence… ang bodyguard ni Helen Lane? Ang head ng health and safety department?! S-Sino ba siya?!”Nakatulala niyang bulong bago nanahimik. -Samantala, nagmadaling bumalik sina Helen at Frank sa Lanecorp. Mananatili sila dapat sa labas, ngunit nakatanggap ng tawag si Helen mula kay Cindy, sinabi niyang dumating na ang bagong nobyo niya kasama ng laptop ni Helen. Gayunpaman, sa sandaling nakabalik sina Helen at Frank, lumapit sa kanila ang kalilipat lang na sekretaryang naghihintay sa pintuan at naiilang na nagsabi, “Ms. Lane, umalis ang pinsan mo kalahating oras ang nakaraan. Nag-iwan sila ng address at pinapapunta kayo sa kanila.”Kinuha ni Helen ang
Malamig na tumingala si Frank sa kanya. “Ano? Di ba ako pwedeng umupo rito?”Kaagad na nagalit si Will—matapang siya para sa isang hamak na bodyguard!“Hinanda kong maupo rito si Ms. Lane, dahil mayroon kaming malaking business deal na pag-uusapan.” Malamig na sabi ni Will. “Kaya bang akuin ng isang pinabangong security guard na kagaya mo ang mangyayari kapag sinira mo to para sa kanya?!”“Syempre naman.” Tinaas ni Frank ang mukha niya nang mukhang sinasadyang nagtataka. “Ano…” Nanggalaiti si Will. “Tama na yan.” Tinaas ni Helen ang isang kamay niya at pinigilan ang dalawang lalaki habang umupo siya sa tabi ni Frank. Habang nakatingin nang seryoso kay Will, sabi niya, “Kinuha ng pinsan kong si Cindy ang laptop ko. Pakibalik ito sa'kin kung nasa’yo pa rin ito.”Ito ang prayoridad niya dahil maraming sensitibong dokumento at papeles ng Lanecorp na naka-save sa laptop na iyon. Hindi ito dapat makita ng iba at masasaktan ang kumpanya kapag nalaman ito ni Will at ibenta niya ang
“Sige.” Tumango si Cindy at mabilis na bumalik sa mga dessert na nasa mesa. Sa kabilang banda, pinagpatong ni Frank ang mga braso niya sa dibdib niya habang pinanood niya si Will na pumunta sa banyo. Dumilim ang titig niya. “Hoy, anong tinitingin-tingin mo? Naiinggit ka lang, ano?”Nagmayabang si Cindy nang makitang nakatitig si Frank kay Will. “Iba ang boyfriend ko sa'yo—isa siyang tunay na department head na nagrereview ng bawat isang tender ng korporasyon. Alam mo ba kung gaano karaming tao sa Zamri ang kailangang sumunod sa kanya? Ang alam mo lang gawin ay masali sa away at kumapit kay Helen, para magmakaawang bigyan ka ng trabaho.”Hinampas niya nang paulit-ulit ang mesa habang tinawanan niya si Frank. “Walanghiya ka talaga—wala kang alam sa pagkakaroon ng trabaho, ano? At tinakda ka ni Helen bilang head ng health and safety department… Di ba ibig sabihin nun ay security guard ka lang? Oh, pinapatay mo ko sa kakatawa! Umaabot ba sa sampung libo ang buwanang sahod mo?!” Tum
Mapagbantang sumagot si Helen, “Wag mo kong hawakan, Mr. Zeller, kundi ay baka hindi mo malaman ang mangyayari sa'yo.”“Talaga? Kilala mo ba kung sino ang mga kaibigan ko? Hehe… Aatakihin ka sa puso kapag sinabi ko sa'yo, pero iibahin ko ang usapan.”Madilim na ngumiti si Will, dinilaan niya ang mga labi niya habang hinarangan niya si Helen. “Samahan mo ko ngayong gabi, Ms. Lane, at nangangako ako sa karangalan ko na makukuha mo ang larawan at lahat ng files na kinopya ko… Kundi baka bukas, lumitaw sa mesa ng CEO ng karibal mong kumpanya ang lahat ng nasa larawan. Kaya ano ang pipiliin mo?”Pumikit si Helen sa kabila ng banta niya, at nanahimik sandali bago nagsabing, “Kung ganun, pwede ko bang isiping pinagbabantaan mo ko?”“Tama.” Nanatiling nakangiti si Will, na tuwang-tuwa dahil kumbinsido siyang sa kanya na si Helen. Nagsimula pa nga siyang magpantasya kung anong kayamanan ang nasa ilalim ng suit niya at tumindi ang init sa pagitan ng binti niya. Walang makakapigil dito, a
“Sir, anong—”“Tabi.” Tinulak ni Frank ang mga attendant na nakaharang sa daan niya at naglakad papunta kay Will. Hinablot niya ang lalaki sa kwelyo, pagkatapos ay tinulak ito sa men's room at sinara nang malakas ang pinto para i-lock ito. “Ano bang gusto mo?!” Sumigaw si Will habang nagngitngit ang ngipin. Nagsimulang mag-apoy ang mga mata niya sa galit kay Frank habang pinanood niyang dumugo nang matindi ang palad niya. “Anong gusto ko? Ikaw ang dapat kong tanungin niyan.”Tinulak ni Frank si Will sa lapag nang nakangisi habang inapakan niya ang butas na kamay ni Will. Napasigaw siya ulit. Habang malamig na naningkit ang mga mata, sumigaw si Frank, “Unang-una, magsimula tayo sa kung sino ka ba talaga… Lumapit ka sa Lanecorp mula kay Cindy, para saan? Para may manatiling aligaga?! Sino yun?! Magsalita ka!”“A-Anong sinasabi mo?! Wala akong alam!”Nataranta si Will sa mga tanong ni Frank. Hindi niya alam kung paano ito nalaman ni Frank. “Hindi ka magsasalita, ha? Kung gan
“Ano?!” Nabigla si Frank. Nagpasya ang mga Lionheart na makipaggiyera laban sa mga Turnbull?!Pero sabi ni Glen Turnbull, ang plano laban sa mga Turnbull ay plinano at sinagawa ni Titus Lionheart nang mag-isa. Kung nasa paligid ang head ng mga Lionheart, hindi sila susugal nang ganito ka-delikado. Ngunit sa kung anong dahilan, nagbago ang isip ng mga Lionheart pagkatapos ng isang buwan at handa na silang umatake?!Metikuloso pa nga sila at binalak nilang sirain ang Lane family… Mukhang habol din siya ng mga Lionheart!“Ganun pala… Iyon pala ang nangyayari…” Tumawa nang malamig si Frank pagkatapos isipin ang mga pagpipilian niya at kumuha ng isang mabahong itim na pill at sinaksak ito sa bibig ni Will. “Dahil kilala ako ako, alam mo dapat kung gaano ako kagaling sa medisina. Ang pill na pinainom ko sa'yo ngayon ay tinatawag na Veinbreaker, at kailangan mo ng antidote bawat linggo, kundi ay mamamatay ka nang nagdurusa habang pumuputok ang bawat isang ugat na mayroon ka.”Habang
"Pfft…"Si Cindy ang naunang bumasag sa katahimikan. Ngumisi siya kay Frank at sarkastikong nagtanong, “Ayos ka lang ba, Frank? Kailangan mo bang magpatingin ng utak? Ibibigay ng pinakamayamang lalaki sa east coast ang mga lote sa isang kung sinong kagaya mo dahil lang nanghingi ka… Ano ka ba niya, anak, apo, o baka… kalaguyo?”Hindi nagsayang ng oras si Frank sa sagutin ang mga pang-iinsulto niya. Sa halip, kalmado siyang tumingin kay Helen at nagsabing, “Wag kang mag-alala. Maayos na ang isyu—kailangan na lang nating pumunta sa Drenam Limited bukas kasama ng transfer agreement.”“Talaga…?” Nabigla si Helen sa biglaang balita at hindi siya sigurado kung paano kikibo. Lalo na't nanlulumo na siya kanina… ngunit nakaramdam naman siya ng pag-asa ngayon. Pabago-bago nga ang emosyon niya at talagang nabigla siya, habang nakahawak ang isang kamay niya sa dibdib niya. “Syempre.” Ngumisi si Frank. “Kailan ba ako nagsinungaling sa'yo?”“Frank, n-napaka… napaka…” Hindi nahanap ni Helen
Nagpatuloy si Helen, “At binibili ni Gene ang lahat ng loteng iyon gamit ng blangkong tseke. Dapat bang gamitin ng Lanecorp ang bawat isang patak ng kapital para manalo laban sa pinakamayamang lalaki sa east coast? Sabihin mo na lang nang diretso na gusto mo kaming magsara!”Paulit-ulit na tumango ang bawat isang staff member ng Lanecorp. Tama si Helen—hindi nauubusan ng pera si Gene, at hindi matalinong lumaban sa kanya sa ganitong sitwasyon. “Hah! Wala akong pake!”Kahit na ganun, umirap si Kallum at tumawa—wala siyang pakialam sa kahit na ano at mas nahibang siya pagkatapos mamatay ang anak niya. “Ibig sabihin pa rin nito ay nabigo kayong magawa ang pangalawang bagay na pinagagawa ko sa'yo, di ba?”Kumunot ang noo ni Helen. “Totoo yun, pero—”“Walang pero-pero.” Ngumisi si Kallum. “Ang pakialam ko lang ay ang resulta. Nabigo ka, at yun na yun. Sasabihin ko pa nga sa'yo kung magkano na ang nakuha ko sa kumpanyang to ngayon… Labindalawang bilyon!”Napanganga ang Lanecorp staff
Pinanood ni Zorn na umalis si Frank habang ngumisi ang mga labi niya. “Kung ganun, katapusan na niya bukas? Talagang kakampi ko ang tadhana…”"Rory… Zorn…"Mahinang tumawag si Gene mula sa banyo sa sandaling iyon. Masayang nagngitian sina Zorn at Rory ngunit mabilis nilang pinakalma ang mga sarili nila para magmukhang nag-aalala. -Pagkatapos sumakay ni Frank ng taxi pabalik ng Lanecorp, nakita niya si Cindy na nagwawala sa isa sa mga pasilyo. Dumampot siya ng plorera, ibinato ito kay Will, at sumigaw, “Nangako kang tutulungan mo si Helen na makuha ang mga loteng iyon! Ano, tignan mo ang ginawa mo ngayon, hindi mo nakuha ang kahit isa sa mga yun pagkatapos mong magyabang nang sobra! Alam mo ba kung anong nararamdaman ko? Hindi ko man lang kayang harapin si Helen!”Natural na natawag ang atensyon ng marami sa pagwawala niya kahit na iniwasan ni Will ang paparating na plorera. Nagpunta siya para kausapin si Frank at ipaliwanag ang sarili niya, ngunit nakasalubong niya ang bal
Nagsikap si Gene nang higit isang dosenang minto at biglang sumigaw, “Argh!!!”Nagmadali sina Rory at Zorn papunta sa banyo, pero nagtaas ng kamay si Frank para pigilan sila. Lumapit siya at kumatok sa pinto nang nakangiti. “Kumusta, Mr. Pearce?”“Mr. Lawrence, ang galing mo! I-Ikaw…”Halatang nakita ni Gene ang lumabas sa kanya kanina at natulala siya. “Haha!” Tumawa si Frank. “Aalis na ako ngayong maayos ka na, Mr. Pearce… pero pwede ko bang matanong kung kailan ko aasahan ang bayad?”“Bukas—teka, argh!!! Hindi!!! Mr. Lawrence, tulong… ang sakit na naman! Mas malala ngayon! Argh!!!”Inisip ni Frank na magaling na si Gene at handa na siyang umalis, ngunit nagsimula na namang sumigaw ang lalaki!“Ano?!” Sigaw niya sa gulat—may nalampasan ba siya?Nang walang ibang sinabi, pumasok siya sa banyo at nakita niyang nakasandal si Gene sa pader. Mukha pa ring mahina si Gene, pero hindi siya mukhang nasasaktan kagaya ng pinapahiwatig ng mga sigaw niya. Ang totoo, naglagay siya n
Hinila ni Zorn si Rory papunta sa kanya nang nakangisi. “Wala nang makakapaghiwalay sa'ting dalawa.”“Pero… nag-aalala ako.”Kumunot ang noo ni Rory habang lumingon sa direksyon kung nasaan sina Frank at Gene. “Sinasamba ni Noel York si Frank Lawrence. Hindi siya masyadong kagwapuhan, pero nakapunta na ako sa farm resort niya sa Riverton. Nakakamangha talaga ito, at—”“Tama na!”Naging strikto ang ekspresyon ni Zorn, ngunit pinagaan niya ang loob niya, “Dahil ayaw na ayaw mo sa kanya, mag-iisip na lang ako ng plano para burahin siya. Birthright rank ako, alam mo ba—napakadali lang iligpit ng isang batang kagaya niya!”Ngumiti si Rory. “Sige, nangako ka!”“Hehe, syempre.” Ngumiti si Zorn. “Basta't mapasaya ka lang, tatawirin ang impyerno at karagatan—”“Ahem!” Biglang umubo nang malakas si Frank. “Huh?!” Kaagad na napalingon si Zorn sa direksyon ni Frank at kaagad na nagduda. Gayunpaman, may pader sa pagitan nila, at dapat aligaga si Frank na gamutin si Gene, kung kaya't naku
Naghinala na noon si Gene, ngunit nawala ang lahat ng pagdududa niya salamat sa sinabi ni Frank nang napagtanto niya kung sino ang may gawa nito. Wala siyang tagapagmana, kaya maaga niyang sinulat ang will niya, na nagsabing sina Zorn at Rory ang magkasamang magmamana ng estate niya. “Rory Thames… Zorn Woss…” Nalukot sa galit ang mukha ni Gene habang sinara niya ang kamao niya. May pakiramdam na siyang ‘napakamalapit’ nina Zorn at Rory sa isa't-isa, at sa totoo lang, dapat magkaaway sila para sa estate niya kung sakaling mamatay siya. Ngunit ang kakaiba rito, mas naging malapit pa nga sila sa isa't-isa at hindi nagpakita ng senyales ng pag-aaway. Naisip ni Gene na sinusubukan lang nilang panatilihin payapa ang lahat para sa kanya bago siya mamatay, ngunit kaduda-duda na lang ang lahat ngayon. Ayaw niya talaga itong aminin, pero siguradong-sigurado na siya ngayong nagtutulungan ang dalawang iyong patayin siya para sa pera niya! Nakita ni Frank ang sari-saring ekspresyong n
“Ano…”Naiilang na bumulong si Frank, sabay lumingon kay Rory na nakatayo sa malayo. "Hmm…?"Mabilis na naintindihan ni Gene ang ibig niyang sabihin at kinawayan si Rory para umalis. May bakas ng inis na lumitaw sa mukha ni Rory sa isang iglap, at tinitigan niyang maigi si Frank habang nagpunta siya sa kwarto niya. Ngayong wala na siya, nagtanong si Gene, “Sige, malaya ka nang makakapagsalita ngayon, Mr. Lawrence. May kinalaman ba kay Rory ang sakit ko?”Bahagyang tumango si Frank. “Ang totoo, kailangan mong kumalma at makinig sa sasabihin ko sa'yo ngayon, Mr. Pearce.”“Sabihin mo sa'kin.” Sumama ang timpla ni Gene kahit nang nakita niya ang masamang ekspresyon sa mukha ni Frank. “May nagtanim ng Chestbusters sa loob mo… Ang totoo, may tatlo nito sa loob mo, nasa kalahating metro ang haba ng bawat isa nito. Kapag naging magulang ito, bubutasin nito ang dibdib mo.”Bumagsak ang ekspresyon sa mukha ni Gene kahit na binalaan siya ni Frank na kumalma. Nagsimula siyang matara
“Nagkataon lang talaga ito.” Matapat na sabi ni Frank. “Bumalik tayo sa kung saan tayo huminto, Mr. Lawrence. Ano ang gusto mong gantimpala?” Tanong ni Gene. Hindi siya nag-aalalang baka subukan siyang lokohin ni Frank—nag-aalala siya sa mga mas pambihirang hiling. Kilala ang mga espesyalista sa pagiging kakaiba at nanghihingi ng mga bagay na hindi kayang bilhin ng pera. At kung pera lang ito, marami nito si Gene, kundi ay hindi niya magiging kasintahan ang top songstress ng Draconia. “Sige pala, didiretsuhin kita.” Ngumiti si Frank. “Kanina, gumawa kami ng asawa ko ng bid para sa ilang lote sa South Zamri, ngunit may nauna sa'min.”“Hmm?” Bulong ni Gene, at mabilis niyang napagtantong gusto ni Frank ang mga loteng iyon at tumawa siya, “Oh, maliit na bagay lang yun. Sasabihan ko si Zorn Woss ngayon din at tignan kung nakaalis na siya sa bid. Kung oo, sasabihan ko siyang gawin ang paperwork—sa’yo na ang lahat ng lote, Mr. Lawrence.”“Ano?!” Sumigaw si Rory Thames sa sandalin
Nagulat din si Frank. Lalo na't hindi niya inasahang makita rito si Rory Thames, ang top singer ng Draconia na nakaaway niya noon sa opening ceremony ng farm resort niya. Naaalala ni Frank ang okasyong iyon nang parang kahapon lang ito nangyari, kaya hindi siya magkakamali. Halatang nakilala rin siya ni Rory at kaagad niya siyang sinigawan, “Sinong nagsabi sa’yong pumunta ka rito? Layas!” Sinubukan niyang isara ang pinto sa mukha niya, ngunit nasalo ito ni Frank gamit ng isang kamay. Hindi siya interesado kay Rory, pero hindi niya rin hahayaang mawala sa kanya ang pagkakataong ito. Nang nakangiti, sabi niya, “Ms. Thames, nandito ako para gamutin ang sakit ni Mr. Pearce. Hindi ba nakakabastos kung palalayasin mo ako kaagad ngayon?”“Gagamutin mo si Mr. Pearce? Talaga?” Suminghal si Rory, pero sumuko siya sa pagsara ng pinto nang makitang hawak itong maigi ni Frank. Umatras siya nang ilang hakbang, sabay pinagpatong ang mga braso niya sa dibdib niya habang suminghal siya,