Chapter 01|Her Character/s
~×~×~×~
|TAYJA PRISH|
A crease formed on my forehead as I reread how I wrote the prologue of the story I was trying to write.
"Why does it feel weird to read my name on it?" tanong ko sa aking sarili habang tinititigan ko ang mga papel na nagsikalat sa aking lamesa sa loob ng aking kuwarto.
Kanina pa ako sumusubok magsulat nang isang prologo ngunit hanggang ngayon ay hindi ko magustuhan kung papaano ko binubuo ang mga iba't ibang salita. Parang hindi sumasakto ang mga ito sa kung papaano ko gustong i-express ang sarili. I was having a hard time formulating words that wouldn't feel awkward when someone reads them. Pero kung susumain, hindi ko naman ipagpapaalam sa kahit sino na mayroon akong ganito.
They wouldn't know.
So, why am I bothered by something that will not happen anyway? Kung ako lang naman ang magbabasa, hindi ko naman maiisip pa kung okay ba iyong pagbuo ng mga pangungusap o ang mga ibang salita. I will only realize that I have this kind of personality that people don't know but me. Ako lang.
I sighed. Idinukdok ko ang aking noo sa lamesa sa aking harapan habang ipinatong ko naman ang aking mga braso sa magkabilaang gilid ko. I freely rested my aching arms after many tries of writing a prologue.
Ipinikit ko ang aking mga mata at sibubukang i-analisa kung ano ang kulang sa aking sinulat kani-kanina lamang. I could write words that I've learned since I was in grade school but it's not enough. I can feel the gap of emptiness somewhere. I just couldn't point it out.
Something is missing.
Tinatamad akong umayos ng upo at hinigpitan ang kapit sa aking panulat. Hinayaan ko ang aking kamay na magsulat nang magsulat habang ang aking isipan ay lumilipad sa kung saan. Alam ko kung ano ang mali. Alam ko pero hindi ko mapangalanan. Iyong tipong alam mo na ang sagot at naroon na sa isipan mo pero hindi mo masabi. Ganoon na ganoon iyong nangyayari sa akin and it's too frustrating!
"Tayja~ Tayja~," I mumbled out loud. Mababaliw na ako kakaisip pero hindi ko pa rin talaga malaman kung ano iyong kulang.
I sighed and write my name instead. Nakailan akong sulat sa pangalan kong Tayja and then it hits me. Napakurap kurap ang aking mga mata dahil sa napagtanto. I slapped my forehead because of my stupidity. Iyon lang naman pala pero bakit kailangan pang sumakit ang aking ulo para lang malaman ang sagot?
Nandoon na eh. Nasa dulo na ng dila ko hindi ko pa masabi. Napahinga ako ng malalim at binura ang aking pangalan sa aking sinusulatang papel.
"Tairi? Taira?" I kept on repeating those words in my mind as I tapped the tip of the ballpen that I was holding on the table. The sound of it was making me feel like the time is running out.
"Alright! Taira Jaz na nga lang. Bakit ba ako nagpapakahirap bumuo ng pangalan? Pinapahirapan ko lang ang sarili ko. God!" I exclaimed as I rewrite the name of my character.
Muli kong binasa ang prologue na aking sinulat. As I was reading words after another, there's this weird feeling that I can't name. The feeling of not having the things that you always wish upon the stars in the sky.
The night was full of darkness yet my mind seemed to fly to nowhere as I let my pen guided my hands to give life to the characters that I created in my own world.
The world where I let my other persona has its own life.
~×~(Taira)~×~×~
Taira Jaz was a sweet-innocent girl before things turned out to be worst for a young girl like her. She was 8 years old at the time when they decided to have a vacation in their resort. They were all waiting on their doorstep for their father to pick them up from his work.
"Taira? Nakuha mo na ba lahat ng mga gamit mo? Baka mamaya may nakalimutan ka pala habang nasa daan tayo," her older sister, Tiara asked her habang busy nitong isinasara ang travel bag niyang kulay asul.
Ang inosenteng mga mata ni Taira ay tumingin sa kaniyang kapatid habang nakahawak ito sa magkabilaang strap ng barbie nitong bag. Ngumiti siya at iniiling ang kaniyang ulo kahit pa hindi nakatingin dito ang kaniyang nakatatandang kapatid.
"Wala naman na po akong nakalimutan Ate. Baka ho ikaw po? Nakita ko po, wala pa ang kulay itim niyong panakip sa inyong mata," pagsasaad ni Taira na nakapagpatigil sa kaniyang Ate sa pagsasara ng sarili nitong bag.
"Oh, my! Thanks, baby Taira! I forgot my glasses, sh-! Bro! Pakikuha sa kuwarto ko ang glasses! Hindi puwedeng maiwan iyon dito! It's a no, no, no!" Tiara shrieked as if the world is near an end.
Taira couldn't help but smile at that. Her sister was too obsessed with her glasses that things wouldn't be complete without them. Palagi nito iyong dala sa tuwing gumagala sila o kung kaya ay kapag kumukuha ito nang larawan gamit ang mamahalin nitong cellphone. Iyong apple na may kagat sa bandang gilid nito.
"Nasaan na po si Mama, Ate?" tanong ni Taira pagkalipas nang ilang minuto.
Ang kapatid naman nitong lalaki ay kasalukuyang bumababa sa hagdanan.
"Here! Your brain's a little shaky already, my sister. Magpacheck-up ka na sa neurologists," biro nang kanilang kapatid na si Tairon.
Tiara shooted him a death glare using her threatening gaze.
"Shut up, Ayron!" Sigaw nito sa kapatid.
"Such a hot-headed ugly girl you are, Tiara. Tsk. Hello, baby Taira! Aren't you hungry?" binalingan nito ang nakababatang kapatid na si Taira na kanina pang nanunood at nakikinig sa asaran ng mga ito.
"Hindi pa naman po, Kuya. Ikaw po ang hindi pa kumakain ng breakfast," with her sweet voice, her brother smiled at her lovingly as he brushed Taira's hair using his fingers.
"My sweet Taira! Come," lumapit naman si Taira sa kaniyang Kuya nang ilahad nito ang mga braso para sa isang yakap.
Taira gladly hugged her brother and a contented smile made its way into their lips. They were such a good example of a good relationship between siblings inside a family.
"Hoy! Pasali ako! Aba! Ano iyan? Hindi ako kapatid, ha? Ano ako dito?" kunwaring pagrereklamo nang kanilang Ate.
"Kasambahay ka po, Ate. Know your place, okay? Go, wash the dishes now- Aray!"
Napahawak si Tairon sa kaniyang kanang braso nang sinampal ito ni Tiara.
"Iyan ang dapat sa iyo! Akala mo kung sino. Hmph!"
"Pikon ka naman,"
"Aba't!"
"Ano iyan? Bakit na naman kayo nag-aaway? Umagang-umaga Tiara! Tairon!"
Boses ng kanilang ina ang nakapagpatigil sa bangayan nang dalawa habang si Taira naman ay lumawak ang pagkakangiti. Kanina pa nga naman niya hinahanap ang ina at dahil hindi na nasagot pa ng kaniyang ate ang tanong nito, hinintay na lamang niya ang ina.
"Mama!"
Taira ran towards her mother as a sweet big smile was plastered on her lips.
"Taira, anak. Huwag kang tumakbo! Mamaya niyan madapa ka pa!" Saway nang kanilang ina sa kanilang kapatid na kasalukuyang tumatakbo papalapit sa ina sa may pintuan.
"Saan po kayo nanggaling? Kanina pa po kita hinahanap!" She asked enthusiastically. Her bright smiles were the ones that was making them feel blessed every day of their life.
Taira was a miracle baby. Akala nila hindi na makakabuo pa ang kanilang magulang dahil nagkaproblema noon ang matres ng kanilang ina ngunit lumipas ang buwan na nakararamdam ito nang pagkahilo maya't maya, nagpasuri na ito sa isang Ob-Gyn sa isang ospital malapit sa kanilang lugar. Doon nila nalaman na mayroon na palang isang buhay sa kaniyang sinapupunan.
That was why they were all sweet and loving towards Taira. She was lucky to have a family that was so loving and caring for her liking.
"Ay! Diyaan lang kila Manang Marites, anak. Nakipagchikahan muna ako at ang dami nitong alam na bagong kuwento!"
"Ang chismosa mo talaga, Ma. Tigilan mo na iyan!" Tawa naman ni Tairon sa kaniyang ina na nakapagpatawa sa kanilang lahat.
"Oh, siya. Nasaan na ba ang inyong ama ha? Kanina pa dapat siya nandito. Nasaan na ba iyon? Nagtext ba, Tiara?" tanong nito sa anak habang binubuhat ang walong taong gulang na si Taira.
"Mama, baka po mabigat na ako. Sasakit pa likod mo po," inosente nitong saad sa ina.
"Ano ka ba, anak. Bubuhatin kita hangga't kaya ko pa. Ang bilis mo naman kasi lumaki. Jusko!" Mukha pa itong namroblema sa nasabi.
"Eh, Ma. Kanina ko pa ho tinatawagan si Papa pero hindi naman po sumasagot. Baka malapit na iyon at nasa daan pa. Delikado pa naman ho ang magtext habang nagmamaneho," saad ni Tiara habang nagba-browse ito sa kaniyang contacts.
"Oh, siya. Hintayin na lang muna natin siya. Naayos na ba ang mga gamit niyo?"
"Yes, Ma!"
"Oo naman, Ma!"
"Opo, Mama!"
Sabay-sabay na sagot ng kaniyang mga anak. Hindi naman nito napigilang ngumiti dahil sa narinig.
Ilang minuto pa ay napatigil silang lahat nang biglaang bumagsak ang malakas na ulan. Napayakap ang mga maliliit na braso ni Taira sa leeg ng kaniyang ina dahil sa gulat.
"Sh-! That's too shocking!" Sinuway naman nang kanilang ina ang pagmumura ni Tiara dahil na rin sa gulat.
"Yara kasi! Iyang bunganga mo, napaka-,"
"Ano?!"
"Whoa, chill lang Yara! Heto naman, ang pikon-,"
"Isa pa!"
"Ang- aray! Ma, oh!"
"Tumigil na nga kayong dalawa. Para kayong mga bata. Daig niyo pa itong si Taira," Tiara only rolled her eyes to her brother which he answered with a mocking smile.
Napatulala na lamang sila sa labas ng kanilang teresa upang pagmasdan ang bagsak nang malakas na ulan. The sky was already dark as thunder and lightning were threatening to appear any moment from now.
Mukhang hindi na muna sila matutuloy sa plano nilang bakasyon sa isa nilang resort na malapit lang sa kanilang lugar dahil sa namumuong bagyo sa kalangitan.
Napapitlag silang lahat nang tumunog ang cellphone ni Tiara. It was an unregistered number na ipinagtaka ni Tiara. Sumilip naman ang kaunting bahagi ng ulo ni Tairon upang tingnan kung sino ang tumatawag nang hindi sinasagot ni Tiara ang tawag.
"Sino ba iyan, Tiara? Ang papa mo ba?"
"Hindi, Ma. Unregistered,"
"Sagutin mo na. Baka importante,"
At that moment, Taira suddenly felt her heart become heavy as it started to beat slowly.
"Hello- Ay!" Napasigaw si Tiara na sinundan naman nang pagmumura ni Tairon nang biglang kumulog nang malakas. Taira hugged her mother tightly because of the loud sound of thunder.
"Sh-! Ano ba Tiara! Mas nakakagulat ka naman!" Reklamo ni Tairon na ikina-irap lamang ni Tiara bago nito sagutin ang tawag na hindi niya nasagot dahil sa biglaang kulog.
"Hello?"
"Hello, po?" Nagkatinginan sina Tiara at Tairon nang marinig ang isang tinig ng babae.
"Yes, po. Sino po sila?" tanong niya.
"Ah, ma'am. Kayo po ba ang pamilya ni Mr. Thyron Guenza?"
"Uhm, yes po. Anak po niya ako. Bakit p-po?" She couldn't help but stutter as her heart was already pounding hard inside her chest.
Napahawak na rin siya kay Tairon na mukha ring napatigil dahil sa narinig. Sila lang dalawa ang nakakarinig sa sinasabi ng babae dahil ang kanilang ina ay busy nang kinakausap ang anak nitong si Taira para libangin mula sa malalakas na kulog mula sa kalangitan.
"I'm sorry po, Ma'am. Mr. Thyron was admitted to the hospital at kailangan po kayong pamilya niya dito,"
"A-Ano pong nangyari?" Kahit kinakabahan at nanginginig ang kamay na hawak ang kaniyang cellphone, tinanong niya ang babae. Nagbabasakaling mali ang iniisip nilang magkapatid. Nagkatinginan silang dalawa. Kapwa pinagdadasal na sana ay ligtas ang kanilang ama.
Ngunit mukhang kasabay nang malakas na bagyo, ang balitang narinig mula sa kausap ang siyang nakapagpabagsak sa kanila sa malamig na sahig.
"He was in a car accident po. Dead on arrival,"
Chapter 02 | Nightmare~×~×~×~|TAYJA PRISH|Pinaglaruan ko ang empty bottled water habang hinihintay na magdismiss ang aming professor sa harapan. He was once again repeating his words of wisdom, na lagi nitong isinisingit sa kaniyang discussion na nagiging dahilan para iyon na lamang ang nagiging content ng kaniyang klase. Which by the way was too tiring to listen to. Nakakabisado ko na nga yata bawat salitang lumalabas sa bibig nito.I mean, why won't he just discuss his lessons without putting information that isn't related to it right?"Class, dismiss!" "Yes! Naman!""Great, 'yon oh!""Damn, that has been what? An eternity!""Sa wakas! My gosh! Hindi na lesson niya ang nasa utak ko kung hindi puro kuwento ng buhay ni Sir!""Kaya nga! I'm glad it's already finals!"Kaniya-kaniyang lintanya ng aking mga kaklase habang hindi mapakaling inaayos ang mga sarili at mga gamit pagkaalis na pagkaalis ni Sir. That was how sarcastic and bored they can get every after class with our profess
Chapter 03 | The Murder|TAYJA PRISH|~×~(Taira)~×~Taira has been struggling to understand what was happening around her. Things were too hasty and blurry na hindi na nito alam kung papaano pa niya iintindihin ang mga bagay bagay. "Taira? Nakita mo ba si Mama?" her brother asked her habang lumilinga linga ito sa buong paligid dahil pagkatapos ng burol ay bigla na lamang itong nawala na parang bula.He thought, their mother just went out for a while to breathe somewhere else pero talagang wala na ito sa lugar ng pinaglibingan ng kanilang Ama. Tatlong araw lang ang itinagal ng burol dahil na rin sa bilin nang kanilang ina kinabukasan matapos matanggap ang masamang balita."Sabi niya po sa akin may pupuntahan lang siya, Kuya. Hindi naman niya po sinabi kung saan," napabuntonghininga naman si Tairon na mukhang nakahinga nang maluwag dahil sa narinig. "Ah. Mabuti naman pala at nagpaalam sa iyo. Akala ko-," ipinilig nito ang ulo at napagpasiyahang huwag na lang ituloy ang dapat nitong sa
Chapter 04 | The Fear~×~×~×~|TAYJA PRISH|"I guessed it right!"Muntik na akong matapilok dahil sa gulat nang bigla na lang may magsalita pagkaliko ko sa corridor papunta sa aking classroom. With my brows furrowing, I lifted my head to see the devil and heaved a sigh when Asver's stupid smiling face came in contact with my 'eye'. He was again wiggling his eyebrows as if trying to knock some senses on me but I just couldn't get his point."Umagang umaga. Wala ka bang klase?" tanong ko sa kaniya at ipinagpatuloy ang naudlot kong paglalakad papunta sa classroom. Nasa pinakadulo iyon kaya naman nagtataka ako bakit ko siya nakasalubong."Did you wait? Sino?" I'm asking not because I was trying to catch him in the act. It's just that, I always see him after my class every time. I didn't know he was waiting for someone at times like this because usually, he has his schedule full every morning. "You're starting to ask me questions that I only wish you do every day. Wow! Is this progress?
Chapter 05 | Answer the Question~×~×~×~|TAYJA PRISH|I don't know when things started between me and Asver. I just woke up in the morning, having the excitement to see and have a talk with him. Things might appear fast but with the help of having to write my dark side, it was kind of an escape from the reality I was afraid to know yet. 'Yong reyalidad kung saan mayroong isang bahagi sa akin na pilit kong itinatago pero pilit naman itong kumakawala. At gamit ang panulat na itim, it would fill all the spaces it could until I was already out of words to write. Days passed like a blurry movie tape as I realized I haven't experienced nightmares since the day I wrote how Taira's mother went back to escape with them. It was a great help talaga ang presensya ni Asver as it made me a bit conscious of how my thoughts can drive me to write such things.For a bit, I escaped from my dark world. Leaving Taira behind."How are you, Love?"I had the strength to let out a smile because he couldn'
Chapter 06 | Their DeathWarning: Contents might trigger something to some of you so, I'm going to say sorry and you can skip this part if it is. Should you wish to continue, you've been warned. Thank you.~×~×~×~|TAYJA PRISH|~×~(Taira)~×~"Ayr, tama na hmm? Tama na, please?" ni hindi na makahinga si Taira dahil sa pag-iyak. Umalis ulit ang kanilang ina ngunit hindi na nila iyon pinansin. Tairon was crying in her arms for minutes now at hindi pa tumitigil. Nasasaktan siyang nakikita kung gaano kawasak ang kaniyang kapatid. "A-Ate-," her tears flowed without a warning. Tinawag lang naman siyang ate bakit sobrang sakit?"It-s o-okay A-Ayr. Nandito lang si Ate, hmm?" They were both crying nonstop at ipinagpapasalamat nilang mahimbing ang tulog ni Taira. They couldn't handle it anymore once they would see their little sister crying with them."Ang s-sakit na, A-Ate... Ate...," she kept nodding her head, kissing his forehead as she tightened her hug on him. "It's okay. Tama na," naka
Chapter 07 | Her DreamWarning: Contents might trigger something to some of you so, I'm going to say sorry and you can skip this part if it is. Should you wish to continue, you've been warned. Thank you. ~×~×~×~|TAYJA PRISH|"Okay ka na?"Nilingon ko si Asver pero ibinalik ko rin ang tingin sa dagat na nasa harapan namin. Ihinilig ko ang ulo ko sa ibabaw ng aking mga braso na nakayakap sa aking mga tuhod."I will be," sagot ko habang tumulala sa madilim na karagatan.I called him after waking up from a bad dream but before that, I wrote every single thing that had happened in one of my notes. It was disturbing but somehow, I understand why it happened. "Lagi ka bang nananaginip nang masama? Should I be worried?'' umiling lang ako sa kaniya."Ngayon na lang ulit pero huwag kang mag-alala. It's not that alarming. So, don't."I heard him sigh but said nothing. Ilang minuto pa kaming tumulala lang sa kung saan bago siya inayang umuwi na. Gabing gabi na rin kasi at magmamaneho pa siya.
Chapter 08 | The Escapade~×~×~×~|TAYJA PRISH|~×~(Taira)~×~"Lash!"Isang nakakabinging sigaw ang nakapagpatigil sa mga taong busy sa kani-kanilang reviewer para sa nalalapit nilang examination. They were tempted to look at the girl who shouted but their determination to pass the exam was stronger for a chismiss. "Nakakahiya ka talagang babae ka," bulong nang isang lalaki na nagngangalang Lash. He was seated at the back, near the window. Busy siyang nagdo-doodle sa likod ng kaniyang notebook nang marinig ang nakakarinding sigaw nang isang babaeng nagngangalang Taira Jaz Guenza. "Lash freaking Villeza! Hayop ka talagang lalaki ka!""Alangan naman babae," asik nito sa sarili matapos marinig ang sigaw ni Taira na kulang na lang ay siya na ang maging reyna sa palengke sa kung paano ito sumigaw. "TJ! Shh," asik nang isang kaklase nilang babae sa may harapang puwesto. "Anong 'shh, shh' pinagsasabi mo? Ahas ka girl? Kaya pala break na sina Ara at Archie. My, gosh!" Kunwari pa itong ma
Chapter 09|The Reason~×~×~×~|TAYJA PRISH|~×~(Taira)~×~"Laganap pa rin ang balita tungkol sa haka-haka na mayroong serial killer sa ating lugar. Ayon nga sa nakalap na impormasyon galing sa mga pulis, nahanap na raw ang nasabing killer ngunit huli na ang lahat nang matagpuan nila ang pinagtataguan nito na tinutupok na nang apoy. Patuloy ang pag-iimbestiga nang mga pulis kasama ang mga tagapagsuri kung aakma ba ang DNA test sa nahanap na katawan sa loob dahil hindi na ito makilala sapagkat nasunog na halos lahat ang bahagi ng mukha,""Why did you kill him? I thought you'll only get those mother f*ckers right into the cell bars," Lash's voice resonated the place as Taira was blankly staring at the 24-inch screen in front of them. "I couldn't stop my hands," she answered nonchalantly. Not giving a damn about Lash, trying to get a piece of information from her as he always does."The whole truth, Taira Jaz. I need the whole f*cking truth, not your typical response." Hindi niya malama
Chapter 18|The Epilogue~×~×~×~|TAYJA PRISH|"Hi!"Tumikhim ako at iniiwas ang tingin sa kaniya. Naupo ako sa gilid ng kama niya habang siya ay nakahiga at nakapikit. Natutulog. Kararating ko lang sa bahay nila at pinapasok sa kuwarto niya. I thought he was in his condo. Natulog pala siya sa kanila. Mahigpit akong kumapit sa kumot, naghahanap nang masusuportahan dahil pakiramdam ko, matutumba na lang ako sa sahig kahit nakaupo naman ako sa gilid ng kama. I feel like I would lose every strength that I have in my body at any moment now."Hindi na kita ginising at baka pagod ka talaga. You need to rest so, I'll just be here, waiting for you to wake up," I mumbled as I blankly stared at the transparent glass window in front of me. Nasa gitna ang kama ni Asver. Nasa isang gilid naman ang mini-sala niya bago ang bookshelf malapit sa may pintuan.Umayos ako nang upo at muling tiningnan ang nakatuping papel sa aking kamay. Tita Rash gave it to me when I arrived earlier. I think that was a
Chapter 17|The RedemptionA/N: This is the last chapter! ~×~×~×~|TAYJA PRISH|"Hi . . . Ma," Ngumiti ako at dinamdam ang maaliwalas na hangin na isinasayaw ang bistida kong kulay puti. I wore my white eyepatch to match my outfit for today. Sunday ngayon at naisipan kong bisitahin ang puntod ni Mama. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko kailangan ko siyang bisitahin. And now looking at her grave, I was between feeling fine and nonchalant.Thinking back to the days I felt like life was pulling me down to the ground, I realized, I was just confused. I felt empty.It was because growing up, I didn't have a mother to guide me through everything and a father who will keep me safe from everyone. The feeling of having a family confused me. Hindi ko naman kasi iyon naranasan sa ampunan. The Sisters were good to me but they couldn't give me the right love of a family.They were only obligated to take care of us, abandoned kids, and nothing more. Kaya hindi ko malaman kung papaano ko
Chapter 16|Their Love~×~×~×~|TAYJA PRISH|Gasping for air, my right eye flashed open. But when my vision got the familiar road that I saw in my dream got me terrified."Pull over, Asver!"I said in panic and all of a sudden that caused him to step on the break without a warning. Napahawak ako sa aking left shoulder kung saan doon lahat napunta ang force na gawa nang pag-break ni Asver. Hindi ko na iyon pinansin at dali-daling binuksan ang pintuan ng kotse kahit hindi pa ito na-i-park sa gilid ng kalsada."What are you doing?" I momentarily shook my head and cover my mouth as I ran towards the side of the road and vomited as if my life was already in the line.Shivers ran down my veins as chills travels on my arms 'till my nape. "Hey," naramdaman ko ang magaang paghagod nito sa aking likod habang patuloy akong sumuka dahil sa hindi ko malamang dahilan. What I saw kept on replaying in the back of my head and it triggered my body to vomit again. Damn, it was so disgusting!"Masama n
Chapter 15|The Glimpse~×~×~×~|TAYJA PRISH|I woke up from a loud ringing coming from my phone that I left in my bed yesterday. I weakly opened my eye as my lips twitched in pain. Hindi ko na pala nagamot ang sugat sa mata ko dahil nawalan na ako nang malay. Kaya ngayon ramdam ko na ang matinding hapdi. Hindi ko nga alam kung bakit naghahanap pa ako nang sakit sa katawan kung ganito lang din naman pagkatapos.I'd just suffer from it afterward.Baliw na nga talaga ako. Huminga ako nang malalim at bumangon kahit parang mahuhulog na lang ang ulo ko sa sahig dahil sa sakit at bigat. I gently wash my face, avoiding getting my left eye further damaged. Baka mamaya nito nakahandusay na pala ako sa sahig dahil may naapektuhang ugat na konektado sa utak ko. Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko. I wanted pain but I don't want to suffer from it. I sighed and walked inside my room and fixed myself.Katatapos ko lang isuot ang dark gray kong eyepatch nang marinig ang sunod-sunod na ka
Chapter 14|The Paper~×~×~×~|TAYJA PRISH|"Are you sure you're okay?"Asver's voice halted my thoughts for a moment. Inisip ko pa 'yong tanong niya dahil parang hindi sumasakto sa pakiramdam ko.'Am I okay?'Tanong ko rin iyan sa aking sarili. Ayos pa ba ako? Since when? Inalis ko ang tingin sa labas ng bintana sa aking gilid bago ko nilingon si Asver na kasalukuyang nagmamaneho. We're heading home after I was discharged from the hospital. "Yes, I'm sure. Narinig mo naman ang sinabi nang Doktor kanina. Naghalo lang ang lamig at init sa katawan ko. I feel okay," sabi ko sa kaniya at tumingin na sa harapan.Huminga siya nang malalim pero hindi na nagsalita pa. Which, I was thankful for because my mind was still in chaos. It wasn't just because of what happened earlier. I think Taira has been affecting me for real. Hindi naman sana talaga dapat na maapektuhan ako pero pakiramdam ko, parte na siya ng buo kong pagkatao. Ang tanga ko naman para tanungin pa kung bakit naaapektuhan ako ni
Chapter 13|Her Reconsideration~×~×~×~|TAYJA PRISH|~×~(Taira)~×~Kasabay ng galit nang kalangitan, tiningala ni Taira ang ceiling ng kaniyang kuwarto. She sighed as if she has been already burned out even if she just slept the whole week. No more killings, no more fires. She doesn't know what happened. She just woke up, feeling like even having to breathe for the day felt like she was slowly losing the life inside her. Or that, she already lost it. "Kumain ka na," ni hindi niya nilingon si Lash na pumasok sa kaniyang kuwarto bitbit ang isang lagayan kung saan naroon ang mg pagkain para sa kaniya. Hindi siya gumalaw man lang. Nanatili siyang nakatitig sa ceiling na parang may nakikita na hindi nakikita ni Lash. He sighed and stared at the black carpet that he was stepping on while carrying the tray. "Ganito na lang ba, Taira?" bulong niya na narinig naman ni Taira ngunit wala siyang sinabi. Katahimikan ang namayani sa pagitan nilang dalawa. Kahit nga yata paglipad ng lamok ay m
Chapter 12|What Happened? A/N: This chapter is dedicated to ajixaya, alexcy_wolf. Thank you, guys!! Labya! ~×~×~×~|TAYJA PRISH|"Rash, pasabay!""Hindi p'wede! Ang liit lang ng payong ko, oh!""Sige na! Lilibre kita, pasabay lang!""Ayoko nga! Do'n ka sa crush mo!""Ay, bitter?""Shut up!""Rash!"I blinked once as I watched my two classmates arguing over a single umbrella. Bigla na lang kasi bumagsak ang napakalakas na ulan pagka-dismiss ng huling klase namin sa araw na 'to. Kaniya-kaniya naman silang hila sa mga may dalang payong at isa na doon ang babae kanina. If I know, Rash has a crush on her. Hindi niya lang masabi. Siguro may gano'n talaga. There will be a time that you will feel that fleeting surge of emotions in your heart but you couldn't even say a word. Coward? Torpe? Name it however you want, but it's true. Try putting yourself in their shoes and you'll understand. "Prish," napatalon ako nang bahagya dahil sa pagkagulat. "Don't scare me like that," asik ko kay Asv
Chapter 11| Lose itA/N: (___×××××___) - means flashbacks~×~×~×~|TAYJA PRISH|"Nandito na tayo,"Napatingin ako sa harapan at nakitang nasa may entrance na kami ng sementeryo. "Saan banda?" Asver asked while I was still looking ahead of us. My brain temporarily shut down but seconds later, my senses came back."Park mo na lang d'yan sa may gilid," turo ko sa kaniya at iniiwas ang tingin sa harapan. Bumagsak ang tingin ko sa shoulder bag na kandong ko. Naalala kong inilagay ko sa loob ang mga papel na pinagsusulatan ko. Inayos ko na iyon mula umpisa hanggang sa parte kung saan ako natigil. I planned to make him read it besides, it was only different words combined to form an unrealistic story. If he can read the lines in between, then better.I no longer had to explain my side.It's up to him whether he'll speak his mind or he'll decide to not involve himself in it. Just like what Taira was doing to Lash. She was pushing him to be out of her business which Lash could never do. Ang
Chapter 10|The DifferenceA/N: Light chapter muna tayo ngayon. Desisyon ako, eh. ~×~×~×~×~|TAYJA PRISH|"Have you forgotten how to knock?" asik ko kay Asver habang nanatili akong hindi humaharap sa kaniya.Nakatingin lang ako sa papel na binaliktad ko nang marinig ang kaniyang boses. Malakas ang kabog nang dibdib ko dahil hindi ko suot ang aking eyepatch. He shouldn't see the scar that killed me years ago.Hindi ko namalayang maliwanag na sa labas. I couldn't sleep that's why I tried to continue 'her' story. Hindi ko alam. Pakiramdam ko, babangungutin ako kapag hindi ako makapagsulat. I needed distractions from those voices who kept whispering in my ears.Dahil kung patuloy akong makikinig sa mga boses na laging nagpaparamdam kapag mag-isa ako, may pakiramdam akong may masasaktan ako sa oras na mangyari 'yon. I know who, but I just couldn't push myself to believe it nor think about it. Kasi, ayokong masaktan.I was too broken to even break for the nth time."Kanina pa kaya ako kum