Hi, guys! Sobrang sorry sa matagal na paghihintay. I'm sorry if I wasn't able to update agad. Madami lang talaga akong iniisip at kailangan gawin. So yun, sorry kung lame ang update. Bawi ako next update. Love, Mikee
Third Person's POV Nagpakabusy si Louelle sa paglalaro at hindi na napansin ang mga matang nakatitig sa kanya. Tila ba pinag-aaralan ang kanyang mga kilos at kung anong klaseng tao siya. Lingid sa kaalaman ng dalaga ay magiging parte ang taong ito ng buhay niya. Whether in a good or a bad way, no one knows. Tila pa nagtataka kung anong ginagawa ng babaeng mukhang ang alam lang ay mag-aral sa lugar na iyon. Hawak nito ang kopita ng wine habang nakatingin sa salaming bubog na tanging siya lang ang nakakakita kung anong nangyayari sa labas. "Sensei, ito ang mga bagong member ng ating VIP. Mukhang magkakaroon ng malalaking pustahan at malalaking tao din ang magwawaldas ng pera sa lugar natin," wika ng lalaking nakangisi ngayon sa lalaking tinawag niyang Sensei. Tumango lang ito at tanging "hmmm" lang habang curious pa ding nakatingin sa baba kung saan tila ito'y Timezone na madadaming machine ma pwedeng pagkalibangan. Nakadako ang tingin nito sa dalagang mag-isang naglalaro ng basket
Louelle's POV Gabi na nang makauwi ako sa mansyon ng mga Soriano. May dala akong ilang gamit para sa school dahil naalala ko na may project nga pala kaming gagawin sa is naming subject. Which I find so boring. Para sa akin ay aksaya lang sa oras yun pero sabagay grades din naman yun. and I prefer to work alone. Kung may iba pa akong kasama baka maging sagabal lang siya sa mataas na grades. Hindi sa pagmamayabang pero kaya kong gawin yun ng hindi naasa sa ka groupmates ko na hindi na ako nag-aksaya ng panahon na makipag-group. Dumerecho naman na ako sa quarters nina Nana Celia kung saan nandun din ang kwarto ko. Pagpasok ko pa lang ay naabutan ko na doon ang nakangising si Anghel Soriano na nakaupo sa kama ko. "What are you doing here?" I asked as my brows furrowed at his weirdness. Hindi ko maintindihan kung ano man ang pinaplano ng taong ito. "Saan ka galing?" tanong nito bago humiga sa kama ko. "You cut classand I was asked by the dean to look after you," patuloy nito na itin
Nana Celia's POV Mahabaging langit. Nangangatal ako habang tinitingnan ang Young Master Anghel na walang malay sa kama ni Louelle. Tiningnan ko si Louelle na parang wala lang sa kanya ang nangyayari. Alam kong siya ang may gawa nito at hindi ko alam kung paano ieexplain kay Madam kapag nabalitaan nito na nahimatay ang anak niya dahil kay Louelle. "His fault. He's an asshole, anyway," narinig namin na sabi nito. Napabuntong-hininga na lamang ako sa sinabi nito. Malamang ay napuno na ito sa kakulitan ni Young Master. Nang panahon na kasama ko pa ang pamilya nito noon ay hindi miminsan na nakita ko itong nagtantrums kahit na bata pa ito. Wala kahit na sino ang gustong lumapit noon kay Louelle dahil matindi itong magalit lalo na kapag sinusumpong ito. "Hala siya sige, Young Master Gabe, tumawag kayo ng doctor at baka kung mapaano pa si Young Master Anghel," natataranta kong sabi sa binata. Mukha din naman itong natauhan sa pagkalito at biglang tumayo. Napansin ko ang kumplikadong
Louelle's POV I'm so frustrated right now. Matapos akong pagsabihan ni Nana Celia ay lumabas na ako sa maids quarters nakita ko naman doon sina Simon sa labas at nireprimand pa ako ng mga ugok na ito. Wala naman akong pakialam sa mga ito. Dumerecho na lamang ako sa may garden para magpahangin doon. Naupo akong muli sa may fountain kung saan huli kaming nagkausap ni Gabe. I just want to have a peace of mind at least. Naisip ko naman ang VIP Card na natanggap ko kanina, naalala kong nasa bulsa ko iyon. Inilabas ko ito kasama ng invitation card. May nakalagay na date dito, it would happen one month from now. Napaisip tuloy ako kung may kinalaman ba yung naramdaman kong nakatitig sa second floor kanina. The biggest question is what might happen, one month from now? At bakit ako binigyan ng lugar na iyon ng VIP Card? A black rose. Whose group might they be? Natigil lang ako sa pag-iisip ng biglang nagring ang phone ko. Napakunot naman ang noo ko. Si Nana Celia lang naman ang may alam ng
Louelle's POV Nakasimangot akong nakatingin sa lalaking nasa harapan ng table ko ngayon. Kasalukuyan kaming nasa loob ng room na ibinigay ni dean para sa club namin. The Entrepreneur's Club. Dahil wala pa naman nito sa buong University. Ito ngang si Anghel Soriano at ang myembro ng Classic 5 ang unang nagpalista para sa club na pinabuo nila sa akin. May lima pang members ang sumali dito, mga ka-blockmates namin pero hindi sila makalapit sa table dahil nakaharanh ang Classic 5 sa daan. "Can you guys move aside?" Naiinis kong turan sa mga ito. "May mga magsa-sign up para sa club." Tila naman bato ang mga ito lalo na si Anghel Soriano na alam kong masama ang tingin sa akin kahit na nakasuot ito ng sunglass. Dalawang araw na mula ng nangyari. Yes, ganun kabilis nabuo ang club namin. Dahil na rin siguro sa influence ng Classic 5 sa University kaya napabilis kahit na wala talaga akong plano na isali sila pero wala akong nagawa nang ipilit nila ang pangalan nila sa mga group leaders ng
Louelle's POV Mukha namang mga disenteng tao ang nasa panig ni Dr. Yorkshire. Kasama ng mga ito ang tinaguriang, "Classic 5 Princess" na si Angela Patricio pati na ang Conyo Clown Duo na busy sa pagtingin sa salamin. Akala mo naman ay may pag-asa pa ang mga face nila na kasing kapal ng icing ng cake. Tatlo lang ang lalaki sa grupo nila. Mukhang mga taga ibang course. Why would they want to crossover? Hindi naman sa bawal pero mabuti na din yung nag-iingat diba? "Magandang araw sa inyo, students," narinig namin na bati ni Dr. Yorkshire sa amin. "Ako ang temporary professor na mag-gaguide sa inyo to be better entrepreneurs. Anyway, ito pa ang anim sa mga new members ng club. You know Ms. Angela Patricio, right? This two girls ay sina Lana Segismundo at Steph Marshall," pakilala nito sa mga babae at tila napangiwi sa hitsura ng dalawang clown sa tabi ni Angela Patricio. "What are these guys doing here?" Nakakunot ang noong turan ni Elliot. Seryoso na ang mukha nito na tila ba sini
Elliot's POV D*mn! Ano itong nangyayari? Pinagtatanggol ba ni Anghel si Nerd? Anyway, alam ko naman na hindi iyon ang dahilan. Hindi pa din kasi nito nakakalimutan na nasisi siya nang mainjured ang Nerd na ito. Dahil pala talaga sa Conyo Clown Duo na ito kung tawagin ni Nerd. Isa pa naman itong si Angela Patricio, hindi pa makaramdam na si Nerd ang gustong pahirapan ni Anghel. Bukod pa doon, narealize din namin na hindi pala siya ang hinahanap ni Anghel.L Based on his coldness towards her, hindi malabong sa una pa lang ay alam na ni Anghel iyon. Pero nasaan na nga kaya si Les? Nandito nga ba siya sa Yorkshire University? Ang daming tanong na gusto ko na din na masagot pero kelan pa? "My...my, Anghel, hindi naman yata iyang ang tamang pag handle sa mga babae," sabat ni Arthur na lumapit para ipasa kay Nerd ang form niya. "Shut the f*ck up, Manuel!" Asik ni Anghel dito. Hindi naman kasi makikita ang pagsama ng tingin niya dahil naka-sunglass ito. Ayaw man nitong aminin ay inis din i
Louelle's POV What's wrong with her? She's crazy! Patanong-tanong pa kung anong relasyon namin ni Anghel. Tsk. Parang ang pangit na tanong nun at hindi ko nagustuhan ang tono niya. Akala naman yata nun ay rival niya ako kay Anghel. Yuckkk. Wala akong interes sa Anghel na iyon ano! (A/n: weeeh? Baka malunok mo sinasabi mo?🤔😊) Ehermmm. Change topic na nga. Naglakad na lang ako papuntang library, kailangan ko kasing icheck ang ilan sa mga proposals na sinend sa akin ni Dale. Para maipasa ko na agad sa kanya. Nilabas ko naman ang phone ko para icheck ang oras, may time pa ako bago ang sunod kong klase. Baka makatapos ako ng isang proposal bago yun. Nang nasa library na ako ay dumerecho na ako para maglog sa isa sa mga computers. Ibinigay naman sa akin ng librarian ang key password sa desktop. Agad akong nagpasalamat at dumerecho na doon. Chineck ko muna kung safe ang server nila para masigurado na walang maglileak sa mga proposals na gagawin ko. Bukod pa doon, alam kong prone sa viru
Third Person's POV ISANG malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Les, tanging pagod ang naramdaman niya matapos ang mga pangyayari. Sinapo niya ang sintindo at marahan na hinilot ito. Her mind just can't cope with what she has done. She just wanted to end everything. Kesedohang tapusin niya ang sariling buhay para matapos na ang nararamdaman niyang pagod. But No! She just can't. Alam niyang may mas mahalaga pa siyang kailangan na gawin at pagtuunan ng pansin. She just sighed once again. Napansin naman ng bagong pasok na butler nila ang pagbuntong-hininga niya. Umiling-iling ito at dumerecho ng pasok habang dala ang tea na ginawa at dahan-dahan na inilapag ito sa harapan ng tila namomroblemang mistress. 'Ojōsama, nani ga mondai no yōdesu ka?' narinig ni Les na tanong ng butler na nasa harapan na pala niya. Hindi na niya ito namalayan dahil sa mga iniisip. "Nani mo shinpai suru hitsuyō wa arimasenga," wika ni Les na muling bumuntong hininga ulit bago siya kumuha ng tea na gi
Louelle's POV What's wrong with him? Tsk. Gusto ko lang naman na maging friends na talaga kami. I don't want to have anymore conflict with him. Umiling-iling na lang ako sa kaweirduhan nito at tiningnan ang oras sa phone ko. Napangisi naman ako dahil may oras pa ako para pumunta sa condo. Isesend ko na din kay Dale ang mga files na kailangan niya. And also to know how my half-sister is. I just can't believe that she's suffering her life now. Sana lang ay maging okay ito. I am happy that Cousin Cristine found my half-sister. I just hope na Papa will do everything to protect her and get her out of her misery. Unlike me who don't need it. Napahinga na lang ako ng malalim bago naglakad palabas ng Soriano Mansion, kailangan kong pumunta sa condo ngayon para malaman ang gagawin namin sa party. At kung sino ang makakasama ko doon. Kailangan mas prepared kami dahil hindi ako sigurado kung ano ang nasa loob ng misteryoso na club na yun. Bukod pa dun gusto kong malaman kung sino ang misteryos
Louelle's POV For the mean time, I forgot about my frustration when I've learned about my half sister. Hindi ako makapaniwala na magkakaroon ako ng kapatid at kay Papa pa talaga. He's known from being strict and disciplined. Who would have thought that he also has that side of him. Hindi ko na din alam kung paano ako nakauwi basta binilinan kami ni Cristine na huwag munang guluhin ang mga plano nina Dale. Darating din naman daw kami sa araw na magkakakila-kilala kami. Pumasok na ako sa kwarto ko at nakita ko doon si Nana Celia na hindi mapakali na nagpapaikot-ikot sa sa paglalakad. "Nana," tawag ko dito nang hindi ko na makayanan ang pag-ikot nito. Lumapit ako dito para hawakan ito. Nagulat naman ito sa pagtawag at paghawak ko dito. Muntik pa akong tamaan ng sampal niya kundi lang mabilis ang reflexes ko. Nagulat din ako sa bilis ng reflexes nito. Pero alam ko kung bakit, hindi ito nagtagal sa family namin kung wala itong natutunan doon. "Lady Les!" Gulat na turan nito na humawak p
Elliot's POV Agad naming dinala si Anghel sa ospital nang makaalis na Sina Matsuo at Louelle. Wala na din akong naging oras para isiping Kung ano ang relasyon ng dalawang iyon. Mas mahalaga na naasikaso agad si Anghel dahil ito na ang pangalawang beses na nawalan Ito ng Malay. Para pala talagang amazona magalit ang Need na iyon. The last we didn't see how he was punched but now. Tsk. Baliw itong so Anghel lagi na lang ginagalit si Nerd. Hindi ko ba naman maintindihan dito sa bestfriend kong ito dahil lagi nitong inaasar si Louelle. Hindi ko na nga agad naisip kung anong relasyon nito kay Matsuo Takego, isa sa mga head leader ng Andrade Mafia Organization. It is quite weird na nandito ito sa Pilipinas and to see Louelle? Sino ba talaga ito para pahalagahan ng ganun nito. Anong relasyon nila sa isa't isa at parang close na close pa ang dalawa. At hindi ko naman maintindihan dito kay Anghel kung bakit nawalan na naman ito ng kontrol at inaway na naman si Louelle. This man was a pain in t
Third Person's POV Hindi ini-expect ni Louelle ang tutulong sa kanya. Ni hindi niya ini-expect na nandito pala ang lalaking ito sa Pilipinas. To think that he's here in La Sangre. He is surely doing something for the organization. Bukod pa doon, bihira itong umalis ng bansa dahil doon siya nagtetraining. *Flashback* Tumawag siya sa opisina ni Cristine pero wala agad sumagot. Inintay niya pa ang pangalawang try bago may sumagot. "The Queen's office, who's this?" Narinig niyang turan ng pamilyar na boses sa kabilang linya. Hindi lang niya mapinpoint kung sino ito. Maybe her hearing skills has turned rusty. "May I speak with the Queen?" She asked as she opened the car window. Matino pa naman siya dahil ayaw niyang ma-suffocate. "May I know why?" Tanong pa nito. Medyo naiinip na ang dalaga kaya naman naiinis na siya. "Tell her, I'm outside La Sangre. I'm trapped in a car in the parking lot," wika niya sa kausap. "Oh, okay, I'll be there," hindi naman napansin ni Louelle an
Louelle's POV Hindi ko talaga maintindihan ang kaweirduhan ng lalaking ito. Kasalukuyan na kaming nakasakay sa kotse nito. Nagdadrive na pauwi ng mansyon nila. Napaisip naman ako dahil hindi ko pala naibigay kay Stanford ng number ko. In case na may kakailanganin ako, hihingi na lang ako ng permission kay Cristine. Wala naman kaming imikan ni Anghel dahil mainit ang ulo niya base na din sa pagkuyom ng kamao niya sa manibela ng kotse at ang nakakunot niyang noo. This guy is really weird pabago-bago ng mood niya. Tsk. "May mga kailangan ba tayong gawin sa club bukod sa nabanggit mo kanina?" I suddenly asked. Hindi ko alam kung bakit naisipan kong tanungin siya noon. I just felt the need to, I guess? Hindi naman niya ako sinagot sa halip ay napansin kong lumampas kanu sa entrance ng subdivision nila. "Hey, where are we going?" I asked but he still doesn't answer. Ano na naman kayang problema ng lalaking ito? Pati ako dinadamay sa kainitan niya ng ulo eh. Nakauniform pa man din kami.
Anghel's POV I actually don't know what I'm up to. To just warmed up to her. Maybe because Dale told me to? And why do I find her beautiful without her eyeglass on a while ago? Napatingin ako kay Louelle na namimili ng gusto niyang milktea. Inayos nito ang suot na eyeglass na kabibili lang namin. "Miss, a cup of matcha and okinawa milk tea please then pa-add ng extra pearls," turan nito habang may kinukuha siya sa bag niya. "Would that be all, Maam?" Turan ng cashier sa kanya. Hindi ko naman agad namalayan na nakatitig na din pala sa akin si Louelle. Saka ko lang siya napansin nang makita ko na nakataas na ang kilay niya sa akin. "What's your order?" Tanong nito sa akin. "I'll have what you order," tanging sagot ko lang dito at umiwas na ng tingin. Medyo na-awkward na din ako sa babaeng ito eh. Tsk. Not so me. Bakit nga ba ako nag-eeffort sa babaeng ito? Eh una pa lang naman ay mainit na ang ulo namin sa isa't isa. Nang makita ko na nakuha na nito ang orders namin ay nauna na a
Louelle's POV Ipinagkibit ko na lang si Anghel. He's being weird but it works for me. Aayusin ko sana ang salamin ko pero naalala kong nalaglag pala ito nung magkabunggo kami ni Abegail. Sh*t, nakita ako ni Anghel na walang salamin. That's the only disguise that would do for me. Napabuntong-hininga na lang ako. Pwede siguro akong magpasama sa weird na iyon sa mall para bumili ng bagong eyeglass. Nagmadali na akong kinuha ang mga papers sa club room bago dumerecho sa pwesto ni Anghel. "Let's go," nakangiti kong wika dito bago sinuklay ang buhok gamit ang kamay ko. Tinanggal ko ang suot kong ponytail kanina dahil wala na naman ang eyeglass ko pero mas bet ko pa din ang nakalugay talaga kahit may salamin ako. "Okay," composed na turan na nito. Hawak nito ang phone at tila ba may tinetext. Baka sina Gabe. Makikikopya na lang ako sa kanila kapag may sinulat o kung ayaw naman nila may mga naging acquaintances naman ako sa room sa ilang buwan ko ng estudyante, may mga mababait naman
Louelle's POV Nakahinga na ako ng maluwag ng lumipas ang isang linggo. Wala namang kakaibang nangyari at parang wala ding ginagawang kalokohan ang Classic 5. Inaayos ko na ang gamit ko para sa last class nang may tumigil sa desk ko. Pagtingin ko sa harapan ay si Anghel lang pala. Inayos ko lang ang salamin ko at kinuha na ang bag ko. "Louelle," tawag nito sa akin. "What?" Nakabusangot na tanong ko dito pero direcho lang din ako sa paglalakad. Alam ko naman na kasunod ko lang ito. "Are you free after last class? Dale told me to pick you up," wika nito pero parang normal lang naman ang pagsasalita nito hindi tulad ng nakaraan na laging mainit ang ulo. Tumigil naman ako sa paglalakad at tumingin sa kanya na parang sinusuri siya. Lumapit ako dito at kinapa ang noo niya. "May lagnat ka ba?" Tanong ko dito pero hinawi lang nito ang kamay ko. "Wala, okay," turan nito na tumingin sa may window. Napansin ko naman ang pamumula ng tenga nito kaya naisipan kong asarin pa ito. "Why ar