Share

Chapter 3 : Who are them?

last update Last Updated: 2020-08-11 12:50:40

Chapter 3: [ Who are them? ]

Ella's POV

"I'm so sorry, Monique. Pag-kaka alala ko kasi ay nilagay ko na sa bag ko 'yung sanitizer kani" napaigtad na lang ako nang maramdaman kong may bumuhos na malamig na likido sa ulo ko.

"Shut up! kahit anong sabihin mo, stupida kapa din!" singhal n'ya sa'kin.

Napayuko ako nang marinig kong nagtawanan ulit 'yung mga kasama n'ya maging ang lahat ng estudyante sa Cafeteria. Pakiramdam ko ay nanginginig na ang tuhod ko sa kahihiyan. Hindi ko na alam ang gagawin.

'Nakakainis!' hindi ko man lang maipagtangol ang sarili ko. Sa sobrang panlulumo ay tumulo na lang ang luha ko.

"Now, get out of my sight! ang sakit mo sa mata!" bulyaw n'ya ulit sa muka ko.

Paalis na sana ako nang may kung sinong pumatid sa'kin dahilan para mabitawan ko ang tray na hawak ko na noo'y puno ng mga pagkain. Tila ba slow motion ang nangyari at dahan dahang lumanding ang mga laman n'un sa isang bag. Natulala na lang ako habang pinagmamasdan ang 'di maipintang muka ng may-ari nun.

'No, hindi 'to nangyayari.' Nang dahan dahan s'yang tumingin sa'kin ay halos mapigil ko ang hininga ko.

"D*mn you! this is the last Chanel bag I had in the US. How dare you!?" tila mapuputol na ang litid na sigaw neto sa'kin.

"I-I'am really sorry, Monique. H-hindi ko sinasadya, m-may pumatid kasi sak—"

"Be thankful. I borrowed you from Spade. You have the privilege to hang out with me yet this is all you gonna do? are you fvcking stupid!?"

Tuluyan na akong napapikit nang makita kong mabilis na umangat ang kamay n'ya papunta sa muka ko. Hinihintay kong dumapo ang kamay n'ya sa mukha ko nang may marinig akong nagsalita na nagpbilis ng tibok ng puso ko.

"So this is your new den, Monique?"

Agad akong napadilat ng mata dahil sa narinig ko. Kahit bahagya s'yang nakayuko at natatakpan ng itim sa sumbrero ang kalahati ng muka n'ya ay 'di sigurado ako.

'X-xyrine?'

"What the hell are you talking about? and who are you to casually say my name? don't you know who I am? I'm Monique Hernandez! The soon-to-be-daughter ng university na 'to! so what rights do you have to say my name?!" gigil na gigil na sigaw ni Monique kay Xyrine ngunit ang nakakapagtaka ay hindi man lang natinag ang huli.

"Soon-to-be daughter?" ngumisi ito, " right, so how about mine, would you mind asking my name?" tanong nito habang nakayuko at mariin pa ring nakahawak sa braso ni Monique.

"The hell? and why would I ask your freaking name? let see what confident do you have there, " mabilis na kinuha ni Monique ang cap ni Xyrine upang makita ang muka neto, ngunit bigla s'yang napahinto.

Ilang segundo muna s'yang natulala dito bago s'ya tuluyang namutla. "I-ikaw?" di makapaniwala n'yang tanong, "No! it can't be..." nang sabihin n'ya y'on ay buong lakas n'yang hinatak ang braso n'ya at tumakbo palabas.

Nadatnan ko na lang ang sarili ko na nakatulala ako habang unti unting napupuno ng bulong-bulongan ang buong Cafeteria.

'Teka, anong nangyari? bakit parang mag-kakilala sila? pero bakit gan'to? dapat ba akong matuwa sa ginawa ng pinsan ko o dapat ba akong mas matakot. I know Monique. There's something bad will happen 'pag binanga mo s'ya.'

Nakatingin pa rin ako sa kawalan ng marinig kong nagsalita si Xyrine.

"So, this is what you mean?"

Hindi ako nakapagsalita.

"Ito ba ang dahilan kung bakit ayaw mong pansinin kita dito at kung bakit ayaw mo akong pumasok sa Montreal?"

Napayuko na lang ako sa sinabi n'ya. She is right. Ayokong malaman n'ya at baka masabi n'ya pa kay daddy ang mga nangyayari sa loob ng Unibersidad na 'to. Ordinaryong business man lang si daddy. For sure, once na mag-sumbong ako, pati si daddy ay mapapahamak. Kumpara sa mga halimaw na namumuno sa eskwelahang ito ay para lang kaming langam sa kanila.

Hindi biro ang pamilya ni Monique dahil s'ya lang naman ang Heiress ng Montreal Group of Company. As she claimed, s'ya ang 'Soon-to-be-daughter' ng may-ari ng University na 'to. Kaya hanga't maari, titiiisin ko ang lahat ng paghihirap ko dito hangang makatapos ako at makatakas sa impyerno na 'to.

"Hey!" bumalik ako sa ulirat ng bigla n'ya akong tapikin. "kung ano man 'yang iniisip mo, labas na ako doon. Hindi kita papakialaman. Gusto ko lang makakain ngayon dahil gutom na gutom na ako," walang expression n'yang anas.

Tila ba nawala ang lahat ng alalahanin ko dahil sa sinabi n'ya. Wala sa sariling napangiti ako. Hindi ko alam kung sino o ano s'ya bago s'ya dumating sa bahay namin. Ang alam ko lang, hindi na ako nag-iisa ngayon.

"S-salamat, Xyrine."

"Thank you for what? if you want to thank me, then buy us a food."

"Us?" agad akong napatingin sa kan'ya.

"May kasama ako."

'Paanong first day n'ya pa lang dito ay may kaibigan na s'ya?' nakaramdam ako ng saya dahil kahit papaano ay may kakilala na agad s'ya. "O-okay, sino at nasaan ba ang kasama mo?" curios at sa wakay ay nakngiti kong tanong.

Nang mag-angat s'ya ng daliri upang ituro ang tinutukoy n'ya ay agad akong nanghina.

'T-tama ba ako ng nakikita?'

Pakiramdam ko ay dahan dahang nanigas ang katawan ko sa kinatatayuan ko nang makita ko kung sino ang tinutukoy n'ya. Nakatalikod ito sa'min pero alam ko kung kaninong likod ang nag mamay-ari nito.

'LORD GOD. Please, sana hindi ako tama. Sana hindi si Tong 'yung tinutukoy n'ya.'

Kinusot ko ng ilang ulit ang mata ko ngunit mas maliwanag pa sa sikat ng araw ang katotohanang s'ya si Tong nang makita kong humarap s'ya at mabasa ko ang placard na nakasabit sa leeg n'ya.

Napasalampak na lang ako sa sahig sa sobrang panghihina.

"Anong nagyayari sa'yo?" walang ka alam alam n'yang tanong.

"Hindi, Xyrine, ANONG MANGYAYARI SA ATIN!" Natulala na lang ako habang iniisip kung anong malalang mangyayari sa amin sa susunod na mga araw.

"Ano?"

"Kilala mo ba kung sino 'yang tinuturo mo?"

"Sino? 'yung kasama ko?"

"S'ya si Tong! Ang toy ni Spade!"

"Toy? Spade? as in Baraha?" nakakunot n'ya ng tanong.

"No xyrine, hindi 'to totoo! hindi 'to nangyayari. Okay pa sanang bangain si Monique pero ang 4 kings?" napalunok ako ng ilang ulit. "We're going to be dead soon."

"Ha?"

"Si Tong, hindi mo ba naiintindihan?! pag-mamay ari s'ya ni Spade! Ang leader ng 4 kings at ang President ng class A!"

"What? sino bang Spade? at ano bang 4 kings? at anong kalokohan ba 'yang sinasabi mo?" tila nabubugnot n'ya ng tanong.

Tumayo ako at mabilis ko s'yang hinila pati na rin si Tong sa isang sulok. "Ganito, makinig kang mabuti!" umiwas lang s'ya ng tingin dahil sa sinabi ko. 

"Listen up, ok? Ang eskwelahang ito ay mina-manage ng class A. Sila ang mga anak ng tagapagmana nang naglalakihang kompan'ya dito sa Pilipinas. Both local and international.

"Yung babae kanina. S'ya si Monique Hernandez. S'ya ang nag iisang tagapagmana ng Montreal Group of Company. S'ya din ang nag-iisang babaeng myembro ng class"

"Don't mention her name," putol n'ya sa'kin.

"O-okay, chill. Muka ngang magkakilala kayo but you still don't know her yet! s'ya ang pinaka d*monyong babaeng nabubuhay sa mundong ibabaw!"

"I am not intere—"

"Pwede ba, makinig ka muna?!" napabuga na lang s'ya ng hangin ng 'di ko sinasadyang magtaas ng boses.

"I'm sorry, If you don't want to hear something about Monique, fine! but you better should know who is the 4 Kings!"

"Are they that important?"

'Akk! ano ba s'ya?!'

"Okay, makinig ka mabuti, binubuo ng apat na lalaki ang 4 KINGS. And lahat sila ay ruler ng Montreal university! Pinaka una sa kanila ay si Tennessee Stanphil. Half american Half Filipino. Kilala ang pamilyang Stanphil sa Food, Pharmaceuticals, and manufacturing industry. Kilala din s'ya sa pangalang Ten. s'ya na ata ang pinaka f*ckboy na nakilala ko. Ay hindi! dalawa sila ni Ren!"

"Okay?"

"What? anyway, speaking of Ren, Si Ren Nagasa. Isa din s'ya sa 4 kings. Half Japanese half filipino, and half Babaero, arggg! kilala naman ang Nagasa family sa news and media, music and entertainment and energy industry. Lahat ata ng model nila ay natikman n'ya na. He is Certified Manwhore! at hindi lang 'yon, madaming nagsasabing mafia member s'ya or mafia leader something."

"Ohh, Mafia.." Tila naiinip n'yang komento.

"I am not sure, sabi sabi lang. Moving forward, next on the list, si Louren Choi. Isa s'yang pure korean. Pero marunong s'ya magtagalog cause he is multi linguistic mad genius. Kilala ang pamilyang Choi sa hospital and electronic industry.

"Wala akong mas'yadong alam sa kan'ya. Pero may narinig ako na isa s'yang secret agent sa isang private agency na naka base sa US."

"Secret agent?" ulit n'ya na parang nakuha nito ang atensyon n'ya.

"Chismis lang din 'yon. Hindi pa sure." Napangiwi ako. 'Teka, bakit ba s'ya putol ng putol sa'kin!'

"At ang pinaka huli at pinakatatakutan ng lahat. Ang leader ng 4 Kings. Ang british/chinese/ filipino na Si Spade Inigo Sy. Kilala ang ang pamilya Sy sa Aviation, Telecommunication at education, logistic, and legal industry. Best Reminder lang. kung gusto mo tumagal sa University na 'to, umiwas ka sa kan'ya! iwasan mo ang taong 'yon! 'wag na 'wag ka magpapakita sa kan'ya!"

Napakamot na lang ako ng noo ng bigla s'yang humikab ulit. Argg!

"Ang pamilya ng 4 kings ang pinaka malaking stock holder sa Montreal University. Kaya lahat ng gustuhin nila ay nagagawa nila. Even to toyed you! Naiintindihan mo ba?"

"Tapos ka na ba?"

"Arg! seriously?! ano?! sa lahat ng sinabi ko 'yon lang ang masasabi mo?" 'di makapaniwala kong tanong. Palibahasa'y di n'ya pa nararanasan ang lahat ng nararanasan ko. Ewan ko na lang talaga sa kan'ya bukas. Dahil sa Malamang sa malamang alam na ni Spade ang nangyari ngayon.

Waag! wait, I need to breath first. Huminga ako ng malalim at kinalma ko ang sarili ko.

"Xyrine, pag-mamay ari ng 4 kings ang pinakialaman mo, at sobrang powerful nila! don't interfere with them! naiintindihan mo ba?!" na-iistress ko ng tanong.

"Hindi at ayoko intindihin. Isa pa, wala akong pinakikialaman na pag mamay-ari nila. At wala pa akong ginagawang hakbang para kalabanin sila at kung mangyari man 'yon, I'm telling you," tumingin s'ya ng seryoso sa'kin dahilan para mag tayuan ang balahibo ko sa batok.

"Limang segundo lang ang kailangan ko."

'What did she means?'

I got chills nang tumitig ako sa mata n'ya. "Sino kaba talaga?" wala sa sarili kong tanong.

"If their name called like a g*damn palying card, then I am the ACE." Simple lang 'yung sagot n'ya pero hindi ko maintindihan.

"Ayos! The Ace and the Four Kings hehe."

Napatingin ako kay Tong. "Isa kapa! ano bang tingin mo nasa w*****d tayo?" anas ko sabay sakal sa kan'yang nerd s'ya.

Pero isa lang alam ko ngayon.

Bukas.

We are DEAD.

Related chapters

  • The Four Kings and The Ace [SERIES 1]   Chapter 4 : The Four Kings

    Chapter 4: [The Four Kings]Xyrine Jean's POV[ kring kring ]Napabalikwas ako ng bangon nang makarinig ko ng nakakabinging tunog mula sa gilid ko. "Arg! Alas-syete pa lang!" anas ko saka ko pinatay ang alarm clock na nasa tabi ko. Hihiga pa sana ulit ako ng may mapansin ko ang papel sa gilid nito.XYRINE JEAN PUMASOK KA NG MAAGA! 7:30 DAPAT NA SA MONTREAL KANA! OKAAAY?!PS: WEAR YOUR UNIFORM!'What? 7:30? Ang alam ko, 9 ang start ng klase? bakit ang aga? ah! whatever!' dahil inaantok pa 'ko ay bumalik ako sa pagtulog. [After few hours] Mataas na ang sikat ng araw ng maalimpungatan ako. Kahit mabigat ang katawan ay pinilit kong tumayo para maligo, pagkatapos kong maligo ay umupo muna ako sa kama at mariing tinitigan ang uniform na susuotin ko.Yeah, It's a new set of uniforms that Ella gave me. Tinangap ko 'to kahit sa totoo lang ay hindi ko alam kung paano ko susuotin ang gan'tong klase ng damit."Aish! ba

    Last Updated : 2020-08-11
  • The Four Kings and The Ace [SERIES 1]   Chapter 5 : Sobra na!

    Chapter 5: [Sobra na!]Xyrine Jean's POV"Xyrineeee Jeaaaan!"'Argh. Ano na naman ba 'yon?' pupungas pungas akong napabangon sa higaan ko."Xyrine, nagmamakaawa ako sa'yo, 'wag ka na pumasok ngayong araw. Panigurado ako, may masamang mangayayari sa'yo."For pete's sake, gusto ko pang matulog. "Pwede ba Ella. Just mind your own business?""Xyrine. Hindi ako nagbibiro. Please, 'wag kana — Acck!" Hindi ko na s'ya pinatapos magsalita dahil tinulak ko na s'ya palabas ng kwarto ko.It's too early to deal with this kind of crap.[ kring kring ](Uncle Julyo is calling...)Napatitig ako sa cellphone ko nang makita ko kung sino ang tumatawag.'Ha, tumawag ka din sa wakas.'"Hello uncle, papabalikin mo naba ako?" bungad ko agad sa kan'ya kahit alam kong 'di 'yon ang sasabihin n'ya."No."Napakunot ako ng noo. "Hindi mo pa din ba na-rerealized na hindi ako dapat na andito at nandyan ako sa headquearters?""No.""So why are you calling then?""Just giving you an order.""Order? what do you mean b

    Last Updated : 2020-08-11
  • The Four Kings and The Ace [SERIES 1]   Chapter 6 : The Race

    Chapter 6: [The race]BBO HeadquartersXyrine Jean's POV"Look who's back. The assassin turned university student – XJ Mont—""I need a car," putol ko sa sasabihin ni Kuya Jacob.Napatitig s'ya sa'kin pagkaway ngumiti s'ya ng nakakaloko. "You know naman, there's nothing I can't provide you, my princess," aniya sabay kindat na sinamaan ko lang ng tingin."Really? eh parang nung isang araw lang ay halos pabayaan mo akong mamatay.""Haha! well, an order is an order. Saka may gwapong binata naman na nagligtas sa'yo, mahal na prinsesa," ngumisi ulit s'ya. 'Kairita.'Napaiwas na lang ako ng tingin sa sinabi n'ya, "anyways, I need a car. A Racing car.""Right, I forgot, isa ka na palang University student, and you seem enjoying your new life."I laughed sarcastically at his remark, "fool. Alam mo bang araw-araw nasa hukay ang isa kong paa dahil sa unibersidad na 'yon? at kung hindi ko mapapanalo ang race na 'to. Hindi lang ako, may iba pang estudyanteng madadamay!""Woah, hold on, where's tha

    Last Updated : 2020-08-11
  • The Four Kings and The Ace [SERIES 1]   Chapter 7 : Be my Mistress

    Chapter 7 : [ Be my Mistress ]Xyrine Jean's POV"Ugh! Nasaan ako?" Nang imulat ko ang mata ko ay nasa bahay na ako.'Shet. Ang sakit ng ulo ko!' Hihilutin ko sana ang sintido ko nang may makapa ako dito, 'Teka, Ano 'to? bakit may benda ako sa ulo?'"Good morning insan, gising kana pala. Ok ka na ba?""AAAAH!" Muntikan ng tumalon ang puso ko ng biglang sumulpot si Ella sa harapan ko. "Pwede ba, 'wag kang nagsasalita basta basta! aatakihin ako sa puso sa'yo eh! Teka, Anong nangyari kagabi?" hinilot hilot ko pa ang ulo ko dahil sa sobrang sakit."Teka Insan, 'wag mo sabihing..." Tumayo s'ya pagkaway hinawakan n'ya ako sa balikat, "Xyrine! Ako 'to si Ella ang pinsan mo! Insan, 'wag ka mag-kaka-amnesia! Insaaaaan!"Sinamaan ko s'ya ng tingin."Hehe! charot lang! 'di ka na mabiro, pero nawalan ka kasi ng malay pagkatapos ng mga nangyari kagabi.""Yung kagabi?" Napatingin ako sa malayo, 'Ah, oo! naaalala ko na.'Paglabas ko ng kotse ay bigla akong nahilo, Pagkatapos n'un ay 'di ko na malala

    Last Updated : 2020-08-11
  • The Four Kings and The Ace [SERIES 1]   Chapter 8 : Disaster

    Chapter 8 : [ Disaster ]Xyrine jean's POV "Nasan na ba ang Tennessee na 'to!?" Bulalas ko pagkaway binasa ko ulit ang address na nakasulat sa kapirasong papel na inabot n'ya sa'kin kahapon.Saturday nightHeaven's club8pm. "Tama naman ang lugar at ang oras kung ganun na s'ya?" Nagpalinga-linga ako upang hanapin s'ya nang mabanga ako sa kung sino."Hey! What the hell?" Tinaasan ako ng kilay nito pagkaway tinignan ako mula ulo gang paa. "What pathetic cheap looking girl." Pahabol pa nito saka ako tuluyang nilagpasan.'Did she just called me cheap?'Kung bakit ba naman kasi pumayag ako na maging 'TOY' ng mga baliw na 'yon! Imagine, hindi isa, dalawa, kung hindi apat na may sayad ang pagsisilbihan ko. Kahit saan, oras, o lugar basta gugustuhin nila ay kailangan ko silang puntahan!"Be my Mistress."'And what did he mean by that? Is he a married man to use the term mistress? Well, if he is not crazy enough to just pick a random people to be his mistress, I don't know else.'Matapos ko

    Last Updated : 2020-08-11
  • The Four Kings and The Ace [SERIES 1]   Chapter 9 : Order

    Chapter 9: [ Order ]Spade's POV "It looks like Zeke and the rest of his gang members are dead." Ten stated, who was solemnly observing the scattered corpses around us."Who ever do this. They are professional killer," Louren seriously stated. "And a brutal one." he added. Whatever they say, it doesn't sink in. My mind is too occupied to process their words. 'That girl...' 'Where is she..'My gaze shift to Ren, who is now unconscious. If they hadn't dragged Ren's sister into this, I'm sure he wouldn't have hesitated to fight back. That's for sure."Young master, nakita na po namin s'ya." "Bring him here," walang emosyon kong saad. Halos makuyom ko ang palad ko nang makita ko ang nag-iisang natira sa myembro ng gang ni Zeke. "Bitiwan n'yo ako! Mga walangya kay—AAAH!" Agad s'yang napasubsob sa sa sahig ng tadyakan ko s'ya sa sikmura. "I will only ask you once, kaya pag-isipan mong mabuti ang isasagot mo." Mariin ko s'yang tinapakan sa muka, "Where the hell is she?""Kahit ilang ul

    Last Updated : 2020-08-11
  • The Four Kings and The Ace [SERIES 1]   Chapter 10 : Fiancée

    Chapter 10 : [Fiancée]Xyrine Jean's Pov "Ui, ano ba talagang nangyari nung weekends." Kanina pang pangungulit sa'kin ni Ella. "Wag kana lang magtanong," kunot noo kong sagot dahil ayoko na ding alalahanin. "Ano ba 'yan! Ang damot naman." Hindi ko na s'ya pinansin at nagpatuloy ako sa paglalakad papasok ng Montreal. Yeah, ngayon lang kami nagka-sabay pumasok."Wait, bakit kaya ang daming babae sa gate? anong pinagkakaguluhan nila?"Napatingin naman ako sa tinuro ni Ella. Tititig pa sana ako dito ng otomatiko akong mapatago sa cap ko. 'Arg! anong ginagawa ng hangal na'to sa harapan ng gate? may balak ba s'yang manlimos?'Muli akong napasulyap sa kan'ya. May suot s'yang itim na shade habang naka-cross arms at nakasandal sa kotse n'ya na para bang nag-momodel s'ya ng betsin."Stay away from everyone. That's an order!" Napahinto ako pagkaway napahawak sa dibdib. 'Shet na puso ka! Na-aabnormal kana din ba sa t'wing makikita mo ang saltik na 'yon?! Gusto mo na bang palitan na din kita?

    Last Updated : 2020-08-11
  • The Four Kings and The Ace [SERIES 1]   Chapter 11 : kanino?

    Chapter 11 :[Kanino?]Xyrine Jean's Pov"Insan, una na ako. Kita na lang tayo mamayang break!" Nag-nod lang ako kay Ella.Habang naglalakad papuntang Class A, Iniisip ko pa din 'yung nangyari kahapon. I feel weird. May nararamamdaman akong hindi ko maipaliwanag. Parang pinagbagsakan ako ng langit at lupa, parang ganun.'Arg! bakit ko ba naman kasi tinanong 'yon? anong pumasok sa utak ko at tinanong ko 'yon!?' gusto kong sabunutan ang sarili ko."Hey!" napaigtad ako ng biglang may umakbay sa'kin."Ren?" tinabig ko nga ang kamay n'ya."So grumpy. Anyways, I just just want to thank you personally.""Para saan?" Tanong ko.Nang tumingin s'ya sa'kin na para bang nagtataka s'ya sa sinabi ko ay napakunot ako ng noo."Why are you asking like I didn't see everything you did last time?"Agad akong napahinto sa narinig ko. I almost forgot what happened last time. 'Would he be a problem?'"But don't worry. I've been in a Mafia Industry since I was 10. Killing is just a normal thing to me. But, I m

    Last Updated : 2020-08-12

Latest chapter

  • The Four Kings and The Ace [SERIES 1]   SEASON 2

    Hello Everyone,I’m excited to inform you that Season 2 of this series " The Ace of the Aces " has now been published here on Goodnovel and will be updated regularly.Thank you for your patience in waiting for this season, and for your continued support of Season 1.Happy reading! M.HHello Everyone,I’m excited to inform you that Season 2 of this series " The Ace of the Aces " has now been published here on Goodnovel and will be updated regularly.Thank you for your patience in waiting for this season, and for your continued support of Season 1.Happy reading! M.HHello Everyone,I’m excited to inform you that Season 2 of this series " The Ace of the Aces " has now been published here on Goodnovel and will be updated regularly.Thank you for your patience in waiting for this season, and for your continued support of Season 1.Happy reading! M.HHello Everyone,I’m excited to inform you that Season 2 of this series " The Ace of the Aces " has now been published here on Goodnovel and

  • The Four Kings and The Ace [SERIES 1]   Author's Note

    Hello everyone,This is MH, the author of The Ace and The Four kings.Wow, after 8 months ngayon ko lang natapos e-edit 'tong libro. HAHAHAHHA! Kakatapos ko lang kasi tapusin yung second book ko (ako at ang Gobernador heneral ) anyways, maraming salamat po sa mga nag-tyaga magbasa ng rough version 🥺 (unedited one)At kahit hindi ganun ka ganda yung story line. (This is my first novel, by the way. Lol)Anyway, i just want to say na may book 2 po ito, Which is story ni ace (anak ni xyrine at ni spade at ni ice (yung bata sa chapter 45) The Ace of aces of ang title. (Opo, Mahilig po talaga ako sa baraha. hahahaha xD)Please stay tune po!'yon lang. Maraming salamat! ^^

  • The Four Kings and The Ace [SERIES 1]   Chapter 52: Special Chapter

    The Ace and the Four KingsSpecial Chapter( Xyrine Jean's Pov )"Insan, Kinakabahan ka?" Nakangiting tanong sa 'kin ni ella habang nasa labas pa kami ng Reception Area kasama ang iba pang Bride's Maid ko. Napatingin muna ako sa kabila kung nasaan ang mga Best Man bago ako sumagot."Medyo." Sagot ko"Hahaha! bakit ka naman kinakabahan? Pinractice naman natin ng maigi 'yung mga dance step natin kaya for sure we will going to nailed our prod!""First time kong gagawin 'to ella. Yes, naka kanta na ako sa harap ng maraming tao pero ang sumayaw? Parang gusto ko na lang mag back-out.""Haha! Isipin mo na lang makikita mo kung paano mag sexy dance ang asawa mo kasi ako waaah! Na-eexcite na ako.""Haha! Sumbong kita kay ten.""Haha! loka!"Nagtatawanan lang kami ni ella ng marinig kong nagsalita ng ang MC sa loob ng Venue."Good Evening Everyone, to Start this Wonderful After Wedding Party Please let me Introduce our Ha

  • The Four Kings and The Ace [SERIES 1]   Chapter 51: Special Chapter

    The Ace and the four kingsSpecial Chapter : The Wedding(Xyrine Jean's Pov)"insan, ito na 'yon!"Nangingilid ang luhang sambit sa 'kin ni ella ng makababa ako ng puting kotse na nagdala sa 'kin tungo dito sa simbahan."Salamat ella." Buong puso kong tugon. Nanginginig syang hinawakan ang kamay ko."Sorry, insan. I shouldn't cry right now. Pero naiiyak talaga ako. Kung meron mang pinaka masayang tao para sa'yo ngayon, ako na ata 'yon.Hindi ko akalain na ang Babaeng dumanas ng napaka daming pagsubok Noon ay sa wakas ay magiging masaya na ngayon. Grabe, sobrang naiiyak talaga ako." Nangilid naman ang luha ko sa sinabi nya."Oh! 'Wag kang iiyak. Ang ganda ganda ng ayos mo ngayon!" Natatawa nyang sambit kaya natawa na lang din ako. Napaigtad ako ng biglya nya akong yakapin."Pasensya kana baka hindi na kita mayakap kapag naikasal kana eh.""Ella." Tanging nasabi ko."Hays! Napak

  • The Four Kings and The Ace [SERIES 1]   Chapter 50:The Beginning

    The Ace and the Four KingsChapter 1 : The Beginning( Xyrine Jean's Pov)Kinuha ko 'yung uniform ko at maayos na sinuot 'to. Naalala ko 'nung unang beses kong makita ang uniform ng Montreal. Itinapon ko ito sa trashcan, pero 2 years ago din, kung anong saya ang nararamdaman ko t'wing susuotin ko 'to.Napangiti na lang ako ng mapait ng maradaman Kong tumutulo na maman ang luha ko.Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko dahil ayoko ng masaktan pa. Binitiwan ko na sya. Tapos na kami. Dapat na akong maging masaya para sa kanya."Ohh insan, guluhin mo lang ng unti uniform mo at magsuot ka lang ng cap parang ikaw na ikaw pa rin yung xyrine 2 years ago."Napangitiako ng mapakla sa sinabi ni ella."Sana nga ako na lang ulit 'yung xyrine 2 years ago, noong hindi ko pa silang nakikilalang lahat, kasi naiingit ako sa kanya, wala syang pakialam sa mundo at hindi pa sya nasasaktan. Buong buo pa 'yung puso nya. Sana lang kaya kong ibalik ang l

  • The Four Kings and The Ace [SERIES 1]   Chapter 49 : The End

    Xyrine Jean's POV After 2 Years "M-mi." Napatingin ako sa paslit na nasa paahan ko. Mapapangiti na sana mabuti ay napigilan ko. Tinutukan ko s'ya ng katana sa leeg. "Ikaw, nais mo bang tikman ang talim ng katana ko?" seryoso kong tanong sa kan'ya. "D-dede," sagot nito sabay taas ng mga kamay habang nakangiti ng malaki. Pfft. Hahaha! Kinalma ko ulit ang sarili ko. "Pinagtatawanan mo ba ako paslit?" tanong ko. "D-dede," sagot ulit nito. "Sapat na ang sinabi mo para kunin ko ang buhay mo. Ngayon, pwede ko na bang hingiin ang ulo mo?" "M-mimi dedey!" cute nitong anas sabay thumb suck. Napangiti na lang ako ng tudo at 'di ko na napigila

  • The Four Kings and The Ace [SERIES 1]   Chapter 48 : One Last

    Xyrine jean's POV After 1 week "Ang dami na nating pinagdaanang dalawa, xyrine, kahit tila ba naging roller coaster ang relasyon natin heto tayo ngayon patuloy na lumalaban at sa wakas pareho nating napagtatagumpayan," nakangiti n'yang sambit habang nangingilid ang luha. "Nagawa ko na 'to noon pero gagawin ko ulit ngayon. Pasensya na kung masyadong pang maaga para dito pero anong magagawa ko? Ayoko ng malayo ka sa'kin, ayoko ng matapos ang araw-araw na hindi kita kasama at hindi ka ganap na akin," tuloy tuloy n'ya pa ring sambit. "Alam mo ba kung bakit dito ko sa eskwelahan naisipan mag-propose? Dahil napaka memorable ng lugar na 'to para sa ating dalawa. Dito kita unang nakita, dito kita unang nahawakan, dito kita unang nagustohan at dito ka naging akin," nakangiti pa nitong

  • The Four Kings and The Ace [SERIES 1]   Chapter 47 : Save

    SPADE'S POV BEFORE THE PROPOSAL "Sir spade, si Ma'am Xyrine po," umiiyak na wika ng isa sa mga maid ng Montreal. Mabilis kong binaba ang tawag at umalis ng mansyon ng mga Sy at bumalik ng mansyon ng mga Montreal. Pagkarating na pagkarating ko pa lang sa mansyon ay dumiretso na ako agad sa kwarto namin ni Xyrine kung saan naaabutan ko sa labas ang ilang mga maids na nagkakagulo. "Anong problema?" tanong ko sa Head Maid nang makalapit ako. "Sir, si Ma'am Xyrine po," nakayoko nitong sambit habang umiiyak. "Tell me, what's the problem?!" sigaw ko. "Kaninang umaga pa po kasi s'ya hindi lumalabas simula ng umalis kayo. Pero kanina, nakarinig na po kami ng kung anong nabasag

  • The Four Kings and The Ace [SERIES 1]   Chapter 46 : Proposal

    Xyrine Jean's POV "Anak, ok ka lang ba? Kumapit ka mabuti, ha?" Hinimas ko ang tyan ko na noo'y sumasakit dahil sa sobrang lamig. Kinuskos ko naman ang braso ko gamit ang mga palad ko dahil nanginginig na din ako sa sobrang lamig na sanhi ng malakas na ulan na kanina pa bumubuhos. "Babalikan pa kaya nila ako dito?" Pabiro ngunit nanginginig ko ng bulong. "Dadating kaya ang daddy mo para iligtas tayo, anak?" ngumiti ako ng mapait. Nakayoko pa rin ko nang maramdaman kong bumigat ang talukap ng mata ko dahil sa sobrang hilo. Kahit pilitin kong manatiling gising ay hindi ko na kinaya dahil nanlalabo na din ang paningin ko. Papikit na sana ako ng may naaninag akong ilang kalalakihan na kaka-ahon lang ng pangpanga. "Anak, and'ya

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status