Masaya, makulit at puno ng inspirasyon ang tono ng boses ni Skylar pero nang marinig iyon ni Lito, nakaramdam siya ng lungkot. Alam niyang gusto ni Skylar na matanggap at pagpalain ng lahat ang kasal nila ni Jaxon. Ang dahilan kung bakit natatakot si Jaxon na hindi si Skylar tanggapin ng pamilya nito ay dahil lumaki si Skylar sa hirap at hindi raw bagay sa isang pamilya gaya ng sa Larrazabal. At kasalanan ni Lito iyon. Dahil sa pagiging mahina niya, minamaliit ng iba ang kanyang anak.Napakunot-noo si Lito habang nakatingin sa likuran ni Skylar, ramdam ang pagsisisi at bigat ng loob. Ilang saglit pa, tahimik siyang lumakad palayo, na parang hindi siya bumalik at hindi niya narinig ang sinabi ni Skylar sa puntod ni Alyona.Alam kasi niyang ayaw ni Skylar na malaman nilang na nasasaktan ito. ---Bago ang araw pag-alis ni Jaxon para sa business trip, natapos na nila ng pamilya Lim ang plano nilang pabagsakin ang Rodriguez Family. Kaya nang makabalik si Skylar mula sa sementeryo, nagsim
Chapter 78: Dating kasintahanHINDI inakala ni Skylar na sasagot ito nang ganoon kapilyo. Napatulala siya saglit, tapos biglang namula ang mukha. Napahiya at naiinis, itinulak niya si Jaxon nang malakas. "Lumayas ka diyan! Lalabas ako para kumain ng masarap na pagkain!"Nang makita siyang galit, hindi napigilan ni Jaxon ang tumawa. Itinaas nito ang kamay at pinisil ang malambot na pisngi ni Skylar. "Tanga ka talaga. Nagmadali akong umuwi kasi miss na miss kita."Pero hindi ganoon kadali mawala ang inis ni Skylar. "Nang-aasar ka lang!" Nagpumiglas siya para makawala. "Bitawan mo ako! Wala akong balak kumain kasama ang isang manyak na gaya mo!"Mahigpit na hinawakan ni Jaxon ang kamay niya tapos ngumiti nang makahulugan. "Wife, hindi mo ba alam na kapag tinutukso mo ang isang gutom na manyak, may malaking kapalit ‘yon?"Kumikislap ang malalim nitong mga mata, puno ng saya pero ang tono ng boses niya ay may halong babala.Biglang bumalik sa isip ni Skylar ang nangyari kaninang umaga—kun
Napangiti si Skylar at tumango. "Oo na, oo na! Hindi ka pa lasing! Iinom pa tayo mamaya!""Haha! Alam ko talagang ikaw ang pinakaloyal sa akin!" tawang-tawa si Audrey, pero dahil sa kalasingan, muntik na itong madapa.Agad itong inalalayan ni Skylar habang patuloy silang naglakad papunta sa sasakyan ni Jeandric."Dahan-dahan." Inalalayan ni Skylar si Audrey papunta sa sasakyan. Dahan-dahan niya itong isinandal sa kotse, habang binuksan naman ni Jeandric ang pinto."Ayos lang ako, talagang ayos lang ako! Skylar, wag kang mag-alala, malinaw pa ang isip ko... ugh—" Hindi pa man natatapos ang sinasabi niya, bigla na lang siyang sumubsob sa pinto ng kotse at nagsimulang sumuka.Nang marinig iyon, agad na bumalik si Jeandric mula sa driver's seat. "Skylar, sumabay ka na sa loko mong asawa. Ako na ang bahala sa kanya.""Sige." Tumango si Skylar at tumalikod para umalis, pero hindi niya inaasahan na hahawakan siya ni Audrey.Halos lumuha ito habang nakikiusap, "Skylar, wag mong agawin ang lal
Chapter 79: KayamananILANG minuto ang lumipas, isang lalaking nasa kalagitnaan ng edad ang dinala mismo ni Wallace papasok sa opisina ni Jaxon."Pasok po kayo." Magalang na binuksan ni Wallace ang pinto at iniabot ang kamay bilang paanyaya.Si Jaxon na kasalukuyang abala sa kanyang trabaho ay hindi sinasadyang napatingin sa direksyon ng pinto.At sa nakita niya—halos hindi siya makapaniwala. Nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat.Nakita ito ni Wallace, kaya hindi nito napigilang takpan ang bibig at tumawa nang mahina.Napagtanto ni Jaxon na masyado siyang nagpakita ng emosyon kaya agad niyang tiningnan si Wallace nang masama. Agad namang umiwas ng tingin si Wallace at sinabing, "Mr. Larrazabal, itong si sir ang nagpakilala bilang dating kasintahan ng girlfriend mo. Ang totoo, matagal mo na rin siyang kilala. Ang pangalan niya ay Linus Theodore Aquino o mas kilala bilang Lito Aquino."Muling sinamaan ng tingin ni Jaxon si Wallace. 'Hindi mo na kailangang ipaalala kung sino siya—hindi
Tahimik lang si Jaxon. Nananatili pa rin ang malamig at kalmadong ekspresyon sa kanyang gwapong mukha pero sa loob-loob niya, hindi niya maiwasang magtaka. Ano ba talaga ang pakay ni Lito at bakit siya nagbibigay ng ganito kamahal na mga bagay?Makalipas ang ilang minuto, tahimik pang binuksan ni Lito ang ilan pang kahon.Isa-isa itong tiningnan ni Wallace—jade, silver, agate, pearls, mga mamahaling bato..."Diyos ko, puro antique na sobrang mahal!"Muntik nang lumuwa ang mga mata ni Wallace. "Boss, totoo nga, sobrang yaman ng biyenan mo! Super rich!"Nagkikislapan ang kanyang mga mata na parang may mga bituin at pakiramdam niya ay halos mabulag na siya sa kinang ng kayamanan ni Lito.Sino ang mag-aakala? Ang lalaking dating kinukutya bilang isang sugarol na laging walang pambili na kahit briefs dahil sa kakatalo—ito pala ay isang milyonaryo!Kung malalaman lang ito ng mga dating nangaalipusta kay Lito dahil wala ito pera, siguradong mahihimatay sila sa galit. Pinakawalan nila ang isa
Chapter 80: Paghahanap ng peraANG HANGIN SA LOOB ng office ay puno ng tensyon, parang isang laban na walang baril at bala, kundi apoy ng sagupaan sa mga mata nina Jaxon at Lito."Ibalik mo ang mga antique na 'yan." Matapos ang mahabang katahimikan, sa wakas ay nagsalita si Jaxon. Malamig at matalim pa rin ang kanyang mga mata at ang tono ng kanyang boses ay nanatiling matigas at hindi maaaring suwayin—tulad ng nakasanayan bilang isang CEO."Paano mo nagagawang gawin ito? Hindi mo ba mahal si Skylar? Ikaw mismo ang nagsabi na hindi mo hahayaang magdusa siya o dumanas ng anumang hirap. Kinasal na kayo, bakit hindi mo siya bigyan ng isang marangyang kasal?"Galit na galit si Lito, nakakunot ang noo at halos lumipad ang kanyang laway sa sobrang pagsasalita. Talagang nagngingitngit siya sa galit."Huwag kang masyadong magalit. Ang ibig kong sabihin, sapat na ang bride price na tiara at ang wedding gown."Sa malamig ngunit kalmadong boses ni Jaxon, unti-unting humupa ang galit ni Lito. Nan
Ang lahat ng ginawa ni Jaxon—ang pag-aalaga, pagmamahal, at pagiging tapat—ay parang paputok na sumabog sa kanyang mga mata. Nagningning ito nang husto, pinabilis ang tibok ng kanyang puso, pinainit ang kanyang pisngi, at...Gusto niyang halîkan ito.Bahagyang itiningkayad ni Skylar ang kanyang mga paa upang abutin ang kanyang asawa. Pero bago pa siya makagalaw, si Jaxon na mismo ang yumuko at hinalîkan siya.Isang hàlik na puno ng pagmamahal—parang gusto nitong protektahan at ipaglaban sila habambuhay.Sa hardin na punong-puno ng bulaklak, mahigpit na magkayakap sina Jaxon at Skylar, naghàlikan nang parang wala nang bukas hanggang sa dumilim na ang langit.Parang silang dalawa lang ang tao sa mundo. Lahat ng nasa paligid nila ay naging parang background lang sa isang napakagandang painting o tula.Hanggang sa maramdaman ni Skylar na nauubusan na siya ng hangin. Saka lang huminto si Jaxon. Mapula ng bahagya ang kanyang mukha at ang madilim niyang mga mata ay kumikislap sa kakaibang ali
Chapter 81: Puputulin ko 'yang iyoNAGULAT si Lito nang bigla siyang harangin nina Skylar at Jaxon sa kalye."Skylar, anong ginagawa mo dito?"Iritadong tumingin si Skylar sa ama. "Kung hindi kami pumunta, gusto mo bang pabayaan ka na lang naming pumunta sa Letat Gang para mamatay?""Huwag kang mag-alala..." Hindi pa natatapos magsalita si Lito nang putulin siya ni Skylar."Paano ako hindi mag-aalala? Ang Letat Gang ay teritoryo nina Jessie at ng kapatid niya—napakadelikadong lugar! Pupunta ka doon nang walang kahit anong paghahanda? Parang sinadya mo nang ipahamak ang sarili mo!" Medyo namasa ang mga mata ni Skylar sa sobrang galit. "Linus Theodore Aquino, hindi mo ba pwedeng bawasan ang mga inaalala ko? Isang beses na kaming nawalan ng mahal sa buhay, ayaw na naming maulit ‘yon!"Naantig si Lito sa ipinakitang pag-aalala ni Skylar. Kahit na tinawag siya sa buong pangalan nito, hindi siya nabastusan sa anak kundi nanariwa sa alaala niya si Alyona. Ganito ang asawa tuwing nagagalit sa
Chapter 193: KidnappedBIGLANG bumuhos ang malakas na ulan sa Metro. Parang kabayong nagwawala sa bilis ang Bugatti Veyron ni Jeandric habang tinatakbo ang malapad na kalsada. Nakahiga si Audrey sa passenger seat, nakapikit pa at hindi pa rin nagigising mula sa pagkaka-coma."uu~"Tuloy-tuloy ang pag-vibrate ng cellphone. Tumatawag si Jaxon. Pang-108 na niya itong tawag.Hindi pa rin ito sinagot ni Jeandric. Ni hindi nga niya tiningnan ang phone. Diretso lang ang tingin niyang malamig at seryoso sa kalsada at kay Kris na hindi tumitigil sa paghabol sa kanya.Si Kris, nandito lang para masigurong ligtas si Audrey. Alam niyang mahal na mahal ni Jeandric si Audrey, kaya kahit papaano, hindi mapapahamak ang buhay nito sa kamay ni Jeandric.Pero sa ibang bagay; gaya ng dangal; ibang usapan na 'yon. Bilang boyfriend at kaalyado ni Audrey, ramdam ni Kris na responsibilidad niya itong ibalik mula kay Jeandric.Tiningnan ni Jeandric si Kris sa rearview mirror. Halatang inis siya. Bigla niyang
Chapter 192: RegaloNASA kalagitnaan ng pagsasalita si Barbara nang bigla siyang napasigaw sa takot. Bigla na lang naging kakaiba ang pakiramdam ng katawan niya, parang masakit ang bawat parte. Hindi ito sobrang sakit, pero parang tinutusok-tusok na mahapdi.Tapos, may biglang nagsulputang maraming lalaking naka-itim na suit sa harap niya. Lahat sila may suot na sunglasses at may hawak na baril. Nakatutok sa kanya ang mga itim na dulo ng mga baril mula sa iba't ibang direksyon."Ahhhhh!"Napasigaw si Barbara at tinakpan ang ulo niya. Awtomatiko siyang tumalikod at tumakbong palayo. Pero pagharap niya, nakita niyang napapalibutan siya ng mga lalaking naka-itim. Wala na siyang matatakasan."‘Wag n’yo kong patayin, ‘wag n’yo kong patayin!" Umupo siya sa lupa habang tinatakpan ang ulo niya, tapos lumuhod parang aso, gumapang at hinila ang pantalon ng isa sa mga lalaki habang nagmamakaawa.Pero sa totoo lang, iba ang nakikita ng lahat ng tao sa paligid.Wala namang killer o baril. Ang toto
Chapter 191: PanlolokoGalit at nakakatakot ang itsura ni Barbara. Ang kutsilyo sa kamay niya ay kumikislap sa ilaw ng kristal, at ang dulo nito ay nakatutok diretso sa tiyan ni Skylar.Biglang dumilim ang mukha ni Jaxon, agad siyang yumuko at inakay si Skylar sa bewang, pinaikot para makaiwas.Habang umiikot sila, nagkalat ang buhok ni Skylar sa hangin, at ang dulo ng buhok niya ay dumampi sa ilong ni Jaxon, may dala itong amoy na sobrang bango.Tumingala si Skylar sa kanya. Ang mukha ni Jaxon ay kalmado, parang walang nangyayaring delikado kahit muntik na silang saksakin. Mahigpit lang siyang nakayakap kay Skylar habang umiikot ng elegante.Para silang nasa isang eksena sa drama kung saan nililigtas ng bida ang babae. Sa paningin ni Skylar, sobrang gwapo ni Jaxon.Namumula ang mukha niya at mabilis ang tibok ng puso, parang dalagang napaibig sa unang pagkakataon. Si Jaxon lang ang tinitingnan niya, wala na siyang ibang nakikita.Kumikinang ng kaunti ang mahahabang pilikmata ni Jaxon
Chapter 190: ScandalPAVILIONMay hawak na sigarilyo si Kris sa pagitan ng kanyang payat na mga daliri. Nasa bulsa ang kaliwang kamay niya habang nakatitig sa malabong tanawin ng gabi. Pumapalibot ang puting usok sa kanyang gwapong mukha.Nakatayo si Audrey sa may hagdan sa labas ng pabilyon. Tahimik siyang tumingin kay Kris ng ilang sandali. Naka-pulang evening dress siya at napakaganda sa ilalim ng buwan."Anong gusto mong pag-usapan?" tanong ni Kris nang hindi siya nililingon.Ngumiti si Audrey at lumapit. "Ganyan ka palagi. Sampung taon mo na akong tinataboy. Buti na lang, hindi ikaw ang mahal ko. Kung hindi, matagal na siguro akong nasaktan ng sobra."Hindi nagalit si Kris. Inapakan niya ang sigarilyo at saka siya nilingon. "Ikaw ba 'yung nakarinig sa usapan namin ni Zandra?""Hindi ko naman sinadya. Malungkot lang ako noon, tapos napadaan ako at narinig ko.""Anong gusto mong sabihin ngayon?""Ano pa nga ba?" sabi ni Audrey. "Matagal na kitang hinahabol, kahit nakakahiya. Lahat
Chapter 189: PaghahanapMALAMIG ang hangin at tahimik sa paligid. Walang sumasagot kay Zandra. Kaya sumigaw siya ulit, “Sino ka? Lumabas ka na! Kung hindi, ako na ang lalapit sa 'yo at hindi ako magiging mabait!”Walang lumabas, kaya tinanong ni Kris, “Saan galing ang tunog?”Tinuro ni Zandra ang mga puno sa gilid ng hardin. Nilapitan ito ni Kris. Paglapit niya, biglang tumalon ang isang pusa at sinugod siya.Matalas ang mga kuko ng pusa at mukhang galit ito. Akala ni Kris ay isang rabid na pusa kaya agad siyang umiwas. Habang iniiwasan niya ito, may isang tao na nagtago sa likod ng puno ang biglang tumakbo palayo. Pagbalik ni Kris, wala na ang taong nakatago.“Kuya, nahuli mo ba?” tanong ni Zandra.Tahimik ang paligid, maliban sa malakas na ihip ng hangin at kaluskos ng mga dahon. Naka-kunot ang noo ni Zandra.“Wala? Baka namalik-mata lang ako.”Tahimik lang si Kris. “Sige na, papasok na ako, hahanapin ko si Skylar.” Naglakad na si Zandra, pero huminto muli at tinanong si Kris. “Kuy
Chapter 188: Totoong gusto"HUWAG kang mag-alala, Skylar. Kilala ko ang kapatid ko. Kahit ayaw niya, uunahin pa rin niya ang mas mahalaga. Tsaka engagement lang naman ‘to, hindi kasal. Kung ayaw niya talaga sa babae, puwede namang makipaghiwalay sa huli."Kalmado lang si Audrey. Hindi siya nag-aalala na hindi darating si Harvey. Nag-text na rin siya dito at alam niyang alam ni Harvey kung gaano kaimportante ito kaya siguradong pupunta ito."Okay, kung hindi nag-aalala ang ‘main character’, edi hindi na rin mag-aalala ang ‘audience’."Napailing si Audrey at inirapan si Skylar. "Kung anu-ano talaga sinasabi mo, Miss Skylar."Umiling si Skylar at gumawa ng nakakatawang mukha. "Tawagin mo na lang akong Mrs. Larrazabal. Ayoko na sa Miss Skylar, gusto ko na yung Mrs. Larrazabal."Nakita ni Audrey sa mga mata ni Skylar na seryoso siya, pero halatang ayaw ni Audrey itong tawagin na Mrs. Larrazabal, iyon ang titulong matagal na niyang pinapangarap para sa sarili.Pero hindi naman pinilit ni Sk
Chapter 187: DNA TESTKINABUKASAN, nagpadala ang clothing store ng mahigit sampung damit kay Yssavel para mapagpilian niya. Ito ang unang banquet na dadaluhan niya mula nang bumalik siya sa Pilipinas kaya kailangan niyang mag-ayos.Buong hapon siyang nagfitting sa cloakroom pero hindi pa rin siya makapili. Tinawagan niya si Xenara para tumulong pero hindi ito makontak.“Xenara...” Tawag niya habang lumalabas ng kwarto at sumisilip sa hallway pero walang sumagot. Kaya nagpunta siya sa kwarto ni Xenara at binuksan ito.“Xenara...” Wala ring tao sa loob.“Saan na naman napunta ang batang ’yon?” inis na sabi ni Yssavel, sabay balik sa kwarto. “Bahala na, ako na lang mamimili.”Si Jetter ay pabalik na sa army pagkatapos ng bakasyon. Si Jaxon naman ay bumalik sa ancestral house para ihatid ang kapatid. Habang umaakyat silang magkapatid, nasalubong nila si Yssavel sa hallway.Napansin agad ni Yssavel si Jetter at tinawag ito. “Jetter, tamang-tama ang dating mo. Pupunta si Mama sa banquet ng
Chapter 186: Sinaktan niya si SkylarNANG dumating si Zedrick nang hindi inaasahan, natigilan sina Jaxon at Skylar ng ilang segundo.Si Skylar na medyo mahiyain, ang unang nakabawi sa sarili. Agad niyang binunot ang mga daliri niya mula sa bibig ni Jaxon, hinarap ang mukha sa kabilang direksyon habang namumula ang mukha at inayos ang damit niyang nagulo dahil sa halikan nila ni Jaxon."Tito Zed, napaka-wrong timing mo."Hindi talaga gusto ni Jaxon si Zedrick. Matagal na rin mula nang nagkaroon siya ng masayang sandali kasama si Skylar at ang pagkabigo niyang ituloy ito ay tila kasalanan ni Zedrick.Kaya naman, nang makita niyang hindi siya binigyan ng importansya ni Jaxon, ngumiti na lang si Zedrick ng pilit at sabay turo palabas. "Gusto niyo ba, lalabas muna ako tapos balik na lang ako pagkatapos n'yo?"Pagkarinig nito, agad na tumalikod si Skylar at tinawag siya. "Tito Zed, huwag ka pong seryoso. Nagbibiro lang si Jaxon. Kung may sasabihin ka, upo ka lang at pag-usapan natin.""Sa to
Chapter 185: Gwapong lalakiNGAYONG gabi ay mukhang magiging kakaiba.Tumawag si Wallace kay Jaxon at sinabi na ligtas na sina Skylar at ang anak nila. Kailangan lang nilang magpahinga nang kaunti at pwede na silang umuwi. Kaya agad bumalik si Jaxon sa kwarto ni Skylar, iniwan sina Xalvien at Jeandric para tulungan si Audrey laban kina Beatrice at ang anak nito habang siya, babalik sa pamilya niya. Habang tinatanong ni Zedrick kung nasaan si Jaxon, sakto namang nasa pinto na si Jaxon ng kwarto ni Skylar. Nang hahawak na siya sa doorknob, narinig niyang may kausap si Skylar na lalaking di niya kilala, masaya silang nagkukwentuhan at nagtatawanan.Napakunot noo si Jaxon. May bago na naman bang karibal?Pero saglit lang 'yun. Naalala niyang kahit si Kris na sobrang bait at matalino, tinanggihan lang din ni Skylar. Kaya hindi na niya inisip masyado. Wala naman sigurong problema kung may isa pang lalaki na may gusto kay Skylar.Pagbukas niya ng pinto, bigla siyang natigilan. Hindi na siya