Let's pretend na French iyong lyrics sa taas hahahahaha
Chapter 42: Star of AfricaNang makita ang nangyari, parehong kinabahan sina Skylar at Audrey habang patuloy na kumakanta at sumasayaw sa stage. Pareho nilang naisip na baka mag-away ang dalawa. "Boss, dumudugo ang kamay mo."Pinagtabuyan ni Wallace ang ibang bisita at mabilis na kumuha ng panyo para balutan ang sugat ni Jaxon, pero agad itong itinaboy ni Jaxon. "Kahit anong klaseng buhay ang gusto ni Skylar, wala kang pakialam doon," malamig na sabi ni Jaxon kay Kris. "Kasi noon, ngayon, at sa hinaharap, akin siya— she's Jaxon Larrazabal's woman. Kaya hindi mo kailangang mag-alala kung paano kami mamumuhay."Matalim ang tingin na ibinigay niya kay Kris bago siya tumalikod para gamutin ang sugat niya. Nakita ni Skylar ang dugo sa kamay ni Jaxon kaya hindi niya napigilan ang pag-aalala. Tinapos niya agad ang huling linya ng kanta sabay baba ng stage habang hawak ang palda niya. Si Audrey naman birthday celebrant kaya kailangan niyang manatili sa stage para makihalubilo sa mga g
Biglang hinawi ni Jaxon ang isang hibla ng buhok niya at bumulong sa tenga niya gamit ang mababa at paos na boses, "Gusto mo bang gawin ang mga bagay na gusto mo?" Dumikit ang mainit na hininga nito sa tenga ni Skylar dahilan para kilabutan siya. Alam niyang may pinaplano si Jaxon, parang may patibong ito sa kanya. Pero dahil matagal na niyang hinahangad ang kalayaan, pumasok siya sa bitag na walang pag-aalinlangan. "Paano?"Napangisi si Jaxon, isang mapanganib pero nakakaakit na ngiti. Hinàlikan nito ang earlobe niya at hinimas ang tenga gamit ang ilong niya. "Huwag..."Napaatras si Skylar, pilit iniiwasan ang ginagawa nito. Kung magpapatuloy ito, alam niyang mahuhulog siya nang tuluyan. "Huwag ano?" muling bumulong si Jaxon, halatang nilalaro siya. "Pero mukhang hindi yan ang sinasabi ng katawan mo."Pakiramdam ni Skylar ay pinagpapawisan siya ng malamig. Kaya imbes na umiwas, humarap siya kay Jaxon. "Matagal mo na akong pinatawad, di ba?"Biglang nawala ang ngiti sa labi
Chapter 43: Para sa magiging asawaKAHIT hindi kasing bigat ng diyamanteng nasa korona ng Reyna ng England ang mga diamonds sa kwintas na ibinigay ni Jaxon kay Skylar, bihira at napakahalaga pa rin ng Star of Africa. Kaya ang kwintas na ito ay hindi pwedeng sukatin sa pera — isa itong kayamanang walang katumbas na halaga. Hindi inakala ni Skylar na bibigyan siya ni Jaxon ng ganito kamahal na bagay. "Para sa akin talaga 'to?"Matagal nang nanginginig ang kanyang mga labi bago niya naitanong ito, halatang hindi makapaniwala. "Of course. This is for you." Sa ngayon, maliban kay Skylar at sa nanay niya, wala siyang binibigyan ng alahas na ibang babae. "Totoo talaga?" Napasigaw si Skylar sa sobrang tuwa. Medyo nagulat si Jaxon sa reaksyon niya at tinaasan siya ng kilay. 'Isang kwintas lang naman ‘to, kailangan ba talagang ganito ka-excited? Paano kung mas mahal pa ang ibigay ko sa kanya balang araw, baka magwala na siya sa tuwa.'"Pasensya na, nadala ako."Mabilis niyang ibinaba
Masamang tumingin si Skylar sa likod ni Jaxon pero sinundan pa rin ang lalaki. Habang paparaan siya sa pagitan nina Xenara at Barbara, ang Star of Africa diamond necklace sa leeg niya ay kumikinang nang todo. Kitang-kita sa mga mata nina Xenara at Barbara ang matinding galit habang pinagmamasdan ang makinang na kwintas na suot ni Skylar. Lalo na si Barbara. Kahit hindi pa masyadong nakakalayo sina Skylar at Jaxon, hindi na ni Barbara itinago ang selos at nagsalita siya nang may pangmamaliit, "Ano bang ipinagyayabang niya? Kwintas lang 'yan, meron din ako niyan."Lumingon si Xenara sa kwintas na suot ni Barbara at medyo nag-alinlangan bago nagsalita, "Ate Barbara, pero ang kwintas na binigay ng kuya ko kay Skylar... ibang klase. Hindi mo ito maikukumpara sa suot mo."Napangisi si Barbara. "Mas malaki lang naman ng kaunti ang bato sa kwintas niya, ano namang espesyal doon? Kung gusto ko, pabili ako ng mas malaki kay Mommy." Sa tingin ni Barbara, basta may pera, walang bagay na hindi
Chapter 44: Masakit ba? "Skylar, sino pa ba?"Bilog ang mata sa tuwa ng nakababatang kapatid ni Barbara nang lumingon siya sa nagsalita. "Oh, ako pala ang pinag-uusapan niyo." Marahang inalog ni Skylar ang hawak niyang wine glass saka siya tumawa nang mahina, may bahagyang ngiti sa kanyang labi. Ngunit sa likod ng ngiting iyon, may nakakakilabot na aura. Biglang namutla ang ate-atehan ni Barbara, parang binuhusan ng malamig na tubig. Mabilis itong tumingin kay Barbara na parang humihingi ng tulong. Isa lang itong maliit na tauhan sa likod ng dalawang sikat na anak-mayaman, sina Barbara at Yannie. Kung wala ang suporta ng mga ito, hindi nito kayang labanan si Skylar. Napansin ni Barbara ang pag-aalalang tingin ng kanyang ate, kaya lihim siyang tumingin kay Yannie. Agad namang umayos ng upo si Yannie at lumaban, "Oo nga, Skylar, ikaw mismo! Ikaw ang pinag-uusapan naming malandi!"Tahimik lang si Skylar pero nanatili ang nakakatakot niyang ngiti. Nainis si Yannie at tinaasan siy
Habang nagsasalita si Skylar, may ilan sa paligid na nagsimulang kabahan. Iniisip nila, "Kung magtuloy-tuloy ang gulong ito, baka may mamatay!"Dahil sa tensyon, dali-daling inutusan ng mayordomo ng Lim Family ang mga tauhan na hanapin sina Jaxon at Audrey. Alam nilang parehong hindi pwedeng bastahin sina Skylar at Yannie, kaya kailangan ng may kapangyarihan para ayusin ang sitwasyon. Habang ang ilan ay nag-aalala, may iba namang nanood lang at hindi nakialam. "Si Skylar, girlfriend ni Jaxon. Si Yannie naman, anak ng King of pharmaceutical company. Sino kaya ang mananalo sa away na ‘to?""Hindi na kailangang tanungin ‘yan. Malamang si Yannie ang mananalo. Si Jaxon ay negosyante, siguradong hindi niya ipaglalaban ang isang babae kung kapalit nito ay makakabangga niya ang pamilya Rodriguez."Narinig ni Yannie ang usapan at agad siyang nabuhayan ng loob.'Humph! Binugbog mo ako, tapos gusto mong basta na lang umalis? Hindi pwede ‘yan!'Mabilis nitong hinablot si Skylar na paalis na.
Chapter 45: Wala akong ibang mamahalinNAGTAKA si Skylar at tiningnan nang maigi ang lalaking nasa tabi niya.Alam niyang malaki ang negosyo ng Rodriguez's Pharmaceutical sa loob at labas ng bansa pero ngayon lang niya nakita kung paano hinarap ni Jaxon si Philip—ang presidente ng Rodriguez’s Enterprise—dahil lang sa kanya. "Anong tinitingin-tingin mo?" Biglang lumingon si Jaxon at nagtama ang mga mata nila. May halong pagtataka ang tingin ni Skylar. "Are you stupid? Dahil sa akin, nag-away kayo ni Philip. Alam mo namang mapaghiganti siya, ang dami ng gulo na dadalhin nito sa'yo sa hinaharap!" Biglang dumilim ang mukha ni Jaxon. Hindi siya sumagot pero tumalikod at umalis nang hindi man lang lumingon. Ayaw na ayaw ni Jaxon na ganito si Skylar—parang hindi alam kung sino talaga ang kakampi. Habang papalayo si Jaxon, lumapit si Zedrick, ama ni Audrey, at tinignan nang maigi si Skylar. "Siya ba ang girlfriend mo?" May halong interes ang boses nito nang tanungin si Jaxon. Al
Dahil doon, nagsimula siyang magduda —maaaring may nararamdaman para sa kanya si Kris. At kung tama nga ang hinala niya… Siya ang magiging hadlang kay Audrey sa taong gusto nito.Sa totoo lang, gusto talagang malaman ni Skylar kung iiwan ba siya ni Audrey o magiging magkaaway sila kung sakaling magkagusto nga sa kanya si Kris. Matagal siyang tinitigan ni Audrey, mariin ang mga labi at saka sumimangot. "Bakit mo biglang naitanong ‘yan? Umamin ba sa’yo si Kris ngayong gabi?" Dahil sa sinabi ni Audrey, kumpirmadong tama ang hinala ni Skylar— may gusto nga sa kanya si Kris.Napabuntong hininga siya nang mabigat ang loob. Mukhang kailangan na niyang lumayo kay Kris, hindi lang para kay Audrey kundi pati kay Jaxon."Hindi, nagbigay lang ako ng halimbawa. Pero kung sakali ngang magkagusto sa akin si Kris, magiging magkaaway ba tayo?" "Hindi." Sagot ni Audrey, pero pagkatapos ng ilang saglit, nagdagdag pa ito, "Maliban na lang kung magkakagusto ka rin sa taong pinakamamahal ko at agaw
[Trigger Warning: Some uncomfortable scene ahead]“Umakyat ka nga at tingnan mo kung gising na si Second Young Lady. Sabihin mong handa na ang almusal. Pababa mo na siya agad para mainit pa ang pagkain.”Pero hindi gumalaw ang kasambahay. Tiningnan muna si Beatrice, tapos mahina siyang nagsalita.“Sir, Ma’am… parang hindi po umuwi si Second Young Lady kagabi. Kaninang umaga habang naglilinis ako sa itaas, bukas ang pinto ng kwarto niya at wala siyang laman.”"Ano?! Hindi umuwi si Barbara kagabi?" Napalaking gulat ni Beatrice habang nakatingin kina Audrey at Harvey.Agad ding tumingin si Zedrick sa kanila ng seryoso: "Anong nangyari?""Huwag mo akong tanungin. Hindi ba't gusto n'yong ireto ako sa blind date ko? Siya ang kasama ko kagabi," sagot ni Harvey na patuloy lang sa pagkain na parang walang pakialam.Si Audrey naman, dahan-dahang ininom ang gatas sa kanyang tasa bago sumagot ng mabagal: "May sarili naman siyang paa. Kung gusto niyang tumakas kasama ang ibang lalaki at ayaw nang
Chapter 164: Kinahantungan ni BarbaraITO pala talaga ang pakay ni Jeandric.Biglang parang nadurog ang puso ni Audrey. Tinitigan niya si Jeandric nang malamig, kita sa mga mata niya ang konting panunuya. “Jeandric, akala ko mahal mo talaga ako, pero sa huli, katawan ko lang pala ang habol mo. Ang babaw ng pagmamahal mo.”Napangiti si Jeandric nang pilit, binuksan ang pinto ng kotse, at pilit siyang pinapasok. Mahina ang boses niya, may halong sakit na hirap mapansin. “Binigyan kita ng mas magandang option pero ayaw mo.”Tumalikod siya papunta sa driver’s seat. Medyo mabigat ang hakbang niya.Alam ng Diyos kung gaano niya gustong gawin kay Audrey ang ginawa ni Jaxon kay Skylar, ibigay ang buong mundo sa babae para mapasaya siya. Gusto niyang maranasan ni Audrey ang klase ng kaligayahan ni Skylar.Pero ayaw sa kanya ni Audrey. Kaya hindi niya kasalanan kung ganito.Pagkasakay sa kotse, hindi agad pinaandar ni Jeandric ang sasakyan. Tumingin lang siya sa unahan, seryoso ang mukha, at ti
Makalipas ang ilang sandali, lumabas si Jun mula sa lugar na hindi nahahagip ng CCTV. Nakasuot din siya ng kumpletong disguise. Pinalitan niya ang plaka ng kotse ni Xalvien, tapos binuksan ang pinto at sumakay sa passenger seat.Ang bagong plaka ay kaparehong-kapareho ng kotse na madalas gamitin ni Zeyn kamakailan."Salamat, bro. Gabi na, tapos ginulo pa kita sa lambingan nyo ng girlfriend mo para lang tumulong sa misyon," sabi ni Xalvien sabay abot ng sigarilyo kay Jun."Salamat-salamat, wala ‘yan!" sagot ni Jun na seryoso ang tono. "Si Skylar ang nagbigay sa’kin ng panibagong buhay. Dati isa lang akong hampaslupa sa palengke, ngayon, daan-daang libo na ang sahod ko kada buwan. Tapos tinulungan pa niya kaming magkaayos ni Zandra. Ngayon, minsan nakakatulog na akong kayakap si Zandra. Lahat ‘yon dahil kay Skylar! Eh kahit utusan pa niya ako pumatay o magsunog, gagawin ko nang walang pag-aalinlangan!"Pinindot ni Xalvien ang lighter, sinindihan ang sigarilyo ni Jun, at ngumiti."Sa tot
Chapter 163: Sleep with youSa HULI, sinunod ni Skylar ang utos ni Jaxon at inutusan si Xalvien na dalhin si Barbara sa northern district ng siyudad. Ang ganitong klaseng babaeng masama at ayaw magbago, kailangang pagbayarin ng matindi para matuto.Pagkababa ng tawag, umikot na si Skylar para bumalik at panoorin ang laban sa chess nina Jaxon at Jeandric, pero biglang nakita niya si Jeandric na ginulo ang lahat ng pyesa sa chessboard."Ayoko na, ayoko na, lagi na lang akong talo!" reklamo ni Jeandric habang masama ang tingin kay Jaxon. "Hindi mo ba ako pwedeng pagbigyan minsan?""Eh, hindi naman nakakahiya matalo sa akin palagi sa chess," sagot ni Jaxon, habang kinawayan si Skylar para umupo sa kandungan niya. Niyakap niya ito sa baywang at parang nananadya pa, tumingin kay Jeandric gamit ang mapanuksong mga mata."Si Skylar at ako may second baby na, ikaw, ni hindi mo pa nga nahahawakan ang kamay ni Audrey, nakakahiya naman!"Biglang tumaas ang kilay ni Jeandric at sumagot nang may in
“Wag mo na akong bigyan ng maraming dahilan.” Tiningnan siya ni Jaxon ng masama gamit ang matalim niyang mga mata. “Sabihin mo na lang kung gusto mong gumimik!”Dahil diretsahan na ang sinabi ni Jaxon, wala na ring dahilan si Skylar para magsinungaling pa. Tumayo siya sa dulo ng paa at yumakap sa leeg ni Jaxon habang malambing ang boses.“Sige na mahal, wag ka na magalit. 40 days pa lang ‘yung baby, maliit pa lang na embryo. Pwede pa rin akong mamuhay ng normal. Basta hindi ako iinom at hindi mag-o-overwork sa galaw, okay lang ang baby natin.”“Ha!” Napangisi si Jaxon nang pilit at galit ang tanong niya, “So sa sinabi mong ‘yan, ibig sabihin ba sinayang ko lang lahat ng pagpipigil ko nitong mga araw na ‘to? Basta dahan-dahan lang, okay lang kahit sampung beses sa isang araw?”“Hindi naman imposible... basta gentle ka lang...” sabay yuko ni Skylar at marahang tinapik-tapik ang dibdib ni Jaxon gamit ang mga daliri. Malambing ang boses niya, halos parang bulong, at ‘yung kaunting hiya ha
Chapter 162: Mission UnaccomplishedANG pinaka-nakakatakot sa mundo ay hindi ang puso ng tao, kundi ang talino na gagamitin sa masama. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Zeyn, napagtanto ni Barbara na ang tanga-tanga niya noon. Hindi siya marunong dumiskarte. Palaging bara-bara ang galaw niya kaya siya palaging talo.Katulad ngayon, nang malaman niyang buntis si Skylar mula kay Audrey, ang una niyang naramdaman ay galit.Bakit siya laging naglalakad sa gilid ng bangin, laging takot na mawala ang pabor ng ama niyang si Zedrick, at baka ipadala na naman siya sa ibang bansa? Samantalang si Skylar at Jaxon ay masaya at mas lalong nagkakamabutihan. Hindi niya matanggap.Nangako siyang tatanggalin ang bata sa sinapupunan ni Skylar, para maranasan nitong muli ang sakit ng pagkawala ng anak! Pero ang unang ideyang pumasok sa isip niya ay haluan ng kung ano ang pagkain ni Skylar, katulad ng ginawa ng nanay niya noon tangkang patayin ang nanay at bunsong kapatid ni Audrey.Hindi niya inakala na
Makalipas ang limang segundo, hindi pa rin inaalis ni Audrey ang mukha niya sa tiyan ni Skylar.Nakayuko si Skylar habang pinagmamasdan ang tahimik na mukha ni Audrey. Habang tinitingnan niya ito, lalo siyang naaawa.“Audrey...” mahina niyang tanong, bahagyang nakataas ang pulang labi, “Talaga bang bibitawan mo na si Kris?”“Bakit? Ayaw mo ba akong bumitaw?” biglang tinaas ni Audrey ang ulo niya at ngumiti.“Uh…” Napaisip si Skylar, “Ayoko lang makita kang nahihirapan. Kung mahal mo pa rin si Kris at gusto mo pa ring ikaw ang mapangasawa niya, ‘wag ka muna sumuko. Baka sakaling, kung magtiyaga ka pa ng kaunti, makuha mo rin ang puso niya.”Napatingin si Audrey sa kanya na may gulat. Hindi niya inakala na hikayatin pa siya ni Skylar na ipaglaban ang pag-ibig.“Ang tanga mo talaga,” mapait na ngiti ni Audrey at marahang pinalo sa hita si Skylar. “Mahal ka ni Kris. Hindi ka ba natatakot na baka sa huli hindi ko pa rin siya makuha, tapos mainggit ako, masiraan ng bait, sisihin ka sa lahat
Chapter 161: Planong MiscarriageBUMABA ang ulo ni Barbara ayon sa direksyon ng tingin ni Zeyn, at nakita niyang nakatitig ito nang hayagan at puno ng pagnanasa sa hubog sa bandang itaas ng kanyang makitid na baywang. Imbes na mainis, ngumiti pa siya nang palihim sa tuwa.Si Zeyn ay kilalang personalidad sa hanay ng mga anak ng mayayamang pamilya, hindi lang dito sa bansa kundi pati sa abroad. Ang kagandahan niyang nakakuha ng atensyon ni Zeyn ay patunay na maganda talaga siya.Napansin ni Zeyn ang palihim na ngiti ni Barbara, kaya agad siyang ngumiti nang may halong paghamak.Maganda lang ito sa panlabas, pero wala namang laman. Para sa kanya, ang mga babaeng ganito, kahit gaano pa kaganda, ay hindi karapat-dapat mahalin nang totoo, panandalian lang sila; pampalipas oras.May halong kalokohan ang ngiti sa mata ni Zeyn habang lumapit siya kay Barbara. Tumigil siya sa tabi nito, tumingin sa unahan, itinaas ang kanyang braso at sinenyasan si Barbara na kumapit: "Tara na."Hindi tumanggi
Si Santi ay nagsabi na mayroon siyang magandang at malalim na relasyon sa kanyang mga magulang, pero puno ng pagdududa ang mga salita niya. Matapos mag-isip nang matagal, gumawa si Jaxon ng matapang na hula. Maliban na lang kung si Santi at ang kanyang ina na si Yssavel ay may hindi malamang kwento, halimbawa, isang magandang pagkikita sa isang araw ng isang partikular na buwan sa isang lugar na hindi alam ni Wallace. Nagkagustuhan sila, at pagkatapos… Pero bago pa lumalim ang hinala niya, agad niyang itinanggi ang sarili niyang iniisip. Imposible iyon. Mas hawig niya ang kanyang ama, mga 70% ang pagkakahawig at wala siyang kamukha kay Santi. Bukod pa rito, mahal na mahal ng kanyang ina ang kanyang ama, kaya imposibleng gawin niya ang isang ganoong bagay. Baka iniisip lang niyang masyado. Doktor si Santi, kaya maaaring nagkataon lang na nasa tabi ng kanyang ina nang siya ay ipanganak at tinulungan siyang manganak. At mula roon, sinabi niyang magkaibigan sila hanggang kamatay