(TFD) Chapter 41Sa backseat ako naupo nang hinatid niya kami ni Gineth. Hindi na siya umangal at kahit kaonting imik wala siyang ginawa. Madalas ko lang siyang mahuli na nakatingin sa akin sa rear view mirror. Kapag nagkakatinginan kami, humaharap ako sa bintana.He was very careful in his action. Kahit sa agahan hindi siya nagsasalita. Walang magsasalita kung wala si Cassiel at Gineth. Kahit kasi si Laura'y tahimik lang at pinagmamasdan ang kuya niya."Sa parking ko na kayo sa ibaba. Papasok ako sa loob."Nagkatinginan kami sa salamin. Tumikhim siya bago nag-iwas. Para siyang nabalisa nang mahuling nakatingin ako. Malamang ay nabasa niya sa kunot kong noo ang tanong kung bakit papasok siya at sasama sa loob."Magkikita kami ng kaibigan ko..." Paliwanag niya na nakaharap kay Gineth kahit hindi siya nito tinatanong.Last day ngayon sa school. Wala nang pasok kung hindi party na lang sa parating na pasko. He's wearing his usual military pants and black fitted shirts. Pinagtitinginan tu
(TFD) Chapter 42"You told uncle that you want me to pick you up! Kadarating ko lang galing Manila pagsusunduin n'yo ako kaagad?!"I pouted and keep quiet as I can. Busy kasi sila Grandpa sa rancho at pinilit ko na si Kuya Silas ang pagsunduin sa akin. Nalaman ko kasi kay Ate Laura na uuwi sila ngayon dito sa probinsya at kasama siya."Wala kasing susundo sa akin-""Wala? Ang dami niyong tauhan!""Ano ba ang masama kung sunduin mo ako?"Mahigpit ang hawak ko sa seatbelt. Nakatingin na ako sa kanya at pinagmamasdan siya na galit na galit habang nagmamaneho."Why do they want me to be close to you? Why are you always looking for me?" Masungit na sambit ni Kuya Silas. Salubong ang kilay niya na nakatingin sa daan.Nakasandal pa lang siya sa sasakyan niya sa labas ng school para sunduin ako, nakasimangot na siya. Hanggang ngayon galit pa rin siya at hindi na nawala ang simangot.Natahimik ako at pinaglaruan ang sariling seatbelt. Masungit talaga siya pagdating sa akin. Kahit sa telepono k
(TFD) Chapter 43Spg and very sensitive scenes!Read at your own risk!Nakapikit si Silas at parang nahilo sa unang pinatikim sa kanya. Tuyo na dahon na nasa makinang na papel. Isang beses pa lang na hinigop niya iyon, napapikit na siya."Wala! Mahina pala itong isang ito! Bigyan mo pa!"Maliit ang bukas ng mga mata ni Silas nang nilingon niya ako. Halos hindi niya mabuksan ang mga mata pero pinipilit niya pa rin akong makita."Huwag niyo siyang gagalawin," paos na ang boses niya sa pangalawang hithit niya."Oo nga! Isa pa!" Nagtatawanan silang lahat at pakiramdam ko'y may binabalak silang masama.Sinunod sila ni Silas. Nasa isang gilid na ako dahil pinalayo nila ako kay Silas. Pinalibutan siya ng mga lalaki para mapaglaruan.Ilang beses pa na sinindihan nila para kay Silas ang tuyong dahon bago inilapit sa kanya ang isa pa. Iyon yung makinis na papel na nilamanan nang lalaki kanina ng powder na parang asukal."Ito naman! Bilisan mo at para mapaglaruan na natin sila!"Tumawa ng malaka
(TFD) Chapter 44Malamig at basang bagay ang gumising sa akin. Hindi ko gustong gumising at manatili na lang sa madilim na sulok ng panaginip ko. Ngunit ang patuloy na pang-iistorbo ng isang malamig na bagay ay pilit pinupukaw ang diwa ko. I slowly opened my eyes and saw the blurry white ceiling facing me."Athena, anak! Gising ka na!"Kunot noo kong pinakinggan ang boses na naulinigan. It wasn't my mother who called me 'anak'. It was Manang Lupe's voice.Muli akong pumikit nang masilaw sa ilaw na nasa kisame. Ramdam ko kung gaano katuyo ang lalamunan ko na kahit ang sarili kong laway ay hindi ko malunok."Apo?" Haplos sa aking buhok ang sunod kong naramdaman."Dumilat siya kanina, Agustin!" Boses ulit ni Manang Lupe.Umawang ang labi ko at marahan na idinilat muli ang mga mata. Wala na ang puting kisame at naharangan na iyon ng dalawang tao na nag-aabang sa pagmulat ko."Apo!"Malamlam ang mga matang tinitigan ko ang pag-aalala na nakabakas sa mukha ni Grandpa."Ikuha mo siya ng tubi
(TFD) Chapter 45"Susundan daw pero nasaan siya ngayon?" Napalabi ako at tumihaya sa pagkakahiga.I think of Silas the whole night. Pumayag ba siya na i-uwi ako ni Grandpa? Ngayong nalaman ba ni Grandpa susuko na siya? Ang sabi niya kay Laura noon. Kapag binawi ako ni Grandpa, susundan at kukunin niya ako pabalik. Kaya bakit hindi niya pa ako kinukuha hanggang ngayon?"Sinungaling!"Umirap ako. Gumilid ako ng higa at niyakap ang isang unan. I sniffed the pillow and closed my eyes. Nanulis ang labi ko nang lumitaw ang mukha ni Silas sa paningin ko kahit nakapikit ako. Mas niyakap ko ang unan. Ugh! I miss him!Based on my memories, he likes me or more than that. Noon pa man. Pero umiiwas siya dahil alam niya na hindi pwede. Siguro ngayon, tuluyan na siyang titigil dahil marami nang nakaalam sa pamilya namin. Naalala ko ang pag-uusap namin sa hagdan. Kung tutuparin niya iyon, bakit wala pa rin siya rito?"Tulungan na kita-""Hindi na po. Kaya ko na ito, Manang."Kaaalis lamang ng swero n
(TFD) Chapter 46"Oh! May mga kasama ka pala?"Napalunok ako at pinagpawisan. Inalis ko ang tingin kay Silas para sagutin ang mga matanda."Opo. Si Grandpa kasi..."Hindi ko maituloy ang sinasabi ko dahil napapalingon ako kay Silas."Lalo kang paghihigpitan ng Lolo mo niyan dahil sa nangyari sa eskwelahan ninyo!""Tama ka't noon pa ma'y alagang alaga na iyan ng Lolo niya! Lalo na ngayon na muntik pang mapahamak ang apo niya!"Sila na lang ang nag-uusap. Pangiti-ngiti na lang ako dahil naaagaw ng lalaking nasa ilalim ng puno ang aking mga mata. Tumigil na siya sa pagkain at ibinalik ang nakatakip sa kalahati niyang mukha nang malingunan niya ang mga bantay ko."Nakapag-pananghalian ka na ba?"Hindi naman ako gutom pero umiling na rin ako dahil alam ko na ang kasunod na tanong."Gusto mo ba na sumabay na sa amin?"Dahil sa alok ni Kuya Mario ay natuon ang atensyon ko sa kanya. Sinulyapan ko ulit ang mga bantay na pinasama ni Grandpa. Gusto ko sana muna silang pauwiin ngunit alam ko na h
(TFD) Chapter 47Nakatagilid ako sa kama. Paharap sa couch ko na pula ang paghiga. Hindi ko mapigilang mapangiti habang sinasakal sa yakap ang unan. Hindi na mabura sa isip ko ang naging pag-uusap namin kanina.Pabalik balik siya sa lamesa kung saan ako nakaupo. Iinom o 'di kaya'y magpapahinga. Kapag nagkakatinginan kami, napapangisi siya. Ako naman, pigil na pigil ang ngiti at kunwaring hindi apektado. Hindi kami makapag-usap kahit umalis na ang mga babae. Nakatanaw kasi ang mga bantay ko at lumalapit pa minsan.Nakatulugan ko na ang pabalik-balik na paghagikhik sa tuwing naaalala ko ang nangyari buong araw sa palayan.Sa sumunod na araw ay pinigilan ko ang maging masiyadong masigla dahil baka mapansin ni Grandpa at makahalata siya. Tinitigan niya ang suot ko pagkababa ko para sa pananghalian. Nakasuot ako ngayon ng pinaghalong kulay puti at itim na kasuotang pangkabayo."Sasakyan mo ulit si Avery?"Nag-angat ako ng tingin at tumango."Opo, Grandpa...""Huwag mong kakalimutan isama a
(TFD) Chapter 48"Where are you going, Athena?"Naudlot ang pagtakbo ko palabas dahil sa boses ni Grandpa. Sunod sunod kasi ang araw na ganitong oras ako umaalis. Binawalan ako ni Silas na huwag araw arawin ang punta pero hindi naman ako makatiis kahit pa sinabi niyang siya ang gagawa ng paraan para magkita kaming dalawa."Mangangabayo po, Grandpa."Kumunot ang noo niya at tinitigan ako ng matagal. Napalunok ako at kinabahan. Tila ini-scan niya hindi lang ang suot ko pati na rin ang nararamdaman ko."Mangangabayo na ganyan ang suot mo?"Bumaba ang tingin ko sa aking suot na damit. Nakasuot ako ng puting dress ngayon na aabot sa ilalim ng tuhod ko at puting strap sandals ang sapin sa paa. Nasa kanan na kamay ko ang sun straw hat na gagawin kong panlaban sa init mamaya. Naitago ko sa likuran ang dala na sumbrero at hinintay ang sasabihin ni Granpa."Hindi ka ba masisilipan diyan sa suot mo?"Ngumiti ako at umiling, nabawasan ang kaba."Nakasuot po ako ng short, Grandpa."Huminga siya ng
"I'm flying! We're flying!"Nagpunas ako ng luha na nasa gilid na ng aking mga mata. Naiiyak ako katatawa. Bago ako tumungo sa kusina, naghahabulan lang sila sa madamo at patag na hardin namin. Ngayon naman ay ginawa na niyang dumbbell ang kambal sa magkabilang braso niya. Ang mga merienda nila ay nasa lamesa na at kalalapag ko lang ngunit walang pumansin ni isa sa kanila dahil abala sa paglalaro."Savannah! Silverio! That's enough! Eat your snack first!"Tumayo ako at lumapit. Kinuha ko ang babae namin at pilit pinapabitiw sa braso niya."Mom! I'm still playing!" She complained and almost crying.Natawa si Silas at siya na ang kusang lumakad patungo sa mesa kung nasaan ang inihanda kong snacks nila."What did I tell you?" Silas asked our twin. They both pouted then looked at me."A happy mommy is a happy life!" They answer in sync.Napangiti ako at umirap kay Silas. Sinunod nila ako nang muli ko silang pinababa. Nakasimangot nilang kinain ang sandwich. Nakatayo ako sa gilid ng dalawa
Silvanus POV 04"If something bad happens to Athena, I will kill you all! I will hunt you all! I will kill you!"I glared angrily at Greg. Ganoon rin sa ibang mga pumigil sa akin kanina. Pinagtulungan nila ako para hindi ko mapigilan si Athena. I know that that was the right thing to do. Pero hindi ako ganoon kabuting tao para gawin palagi ang tama.Kung ako ang masusunod, ilalayo ko siya rito at hahayaan ko silang lahat. Dahil nangako ako. Ipinangako ko sa sarili ko na kahit ano ang mangyari. Na kahit ano ang isakripisyo ko. Na kahit ano ang maging kapalit, hindi ko siya ibibigay.Pero paano at ano ang gagawin ko kung siya na ang kusang sumama? I am willing to be called heartless just so I can protect her. While she sacrificed herself, so she could protect them.Pagka-alis ni Athena doon pa lang nila ako nagawang bitiwan. I went to my car but before I could get inside, they are already holding me again. I need to chase her. Kahit mag-isa lang ako, kukunin ko siya pabalik. Bakit pinip
Silvanus POV 03Wala akong tigil sa kabubuhat ng kahit anong equipment sa loob ng kwarto ko para lang mapagod at pagpawisan. Isang araw pa lang para na akong mababaliw sa amoy niya. Ang dalas kong magmura sa isip lalo na't alam kong nasa katabing kwarto ko lang siya."Shit!" I exhaled heavily and stopped lifting the dumbbell.Nakahubad akong nagtungo sa kwarto niya dahil hindi ko na matiis. Kahit isang silip lang. Kahit hindi ko siya mahawakan.Napatayo siya mula sa pagkakaupo, nagulat dahil sa biglang pagpasok ko. Tinigasan ko ang anyo habang naglalakad palapit sa kanya. Itinatago ko na kinakabahan ako lalo na at nakatitig siya sa hubad at pawisan kong katawan."What's that?" I asked, looking at the notebook on her study table. Nilapitan ko iyon at binuksan. Kung babasahin ko, malalaman ko ang laman ng notebook. Kaya lang...nawala roon ang atensyon ko dahil nakatitig si Athena sa katawan ko habang nasa malapit ako.Kahit malamig ang hangin na nanggagaling sa labas ng kanyang bintana
Silvanus POV 02She's almost thirteen and I was seventeen when we were kidnapped.Akala ko malakas na ako para maprotektahan siya. Ngunit wala akong binatbat sa mga dumukot sa amin. They are many and bigger than me. They have guns, I don't have. They are trained, I'm not.I tried to protect her with just my fists. I shouted at her to run. When I saw that she had escaped, I was relieved. Napanatag ako nang makalayo na siya. Kahit pa may posibilidad na sa kalsada mismo ay patayin nila ako dahil sa paglaban na ginawa ko sa kanila. Hindi ko iyon ininda. Hindi na iyon pumasok sa isip ko. Hindi ko na naisip ang kaligtasan ko, ang kanya na lang."Bakit hindi na lang natin patayin ito! Hindi naman ito ang kailangan natin!"Huling sigaw at tadyak bago ako tinutukan ng baril. Nakapikit na ang isang mata ko at alam ko na ilang suntok na lang ay bibigay na ang katawan ko."Mas malaki ang makukuha natin kung kasama iyan! Bugbugin niyo na lang at huwag niyo munang papatayin!"Nakita ko siya na naka
Silvanus POV 01"Who is she?"I was fourteen years old when I first saw her. Nakikipaglaro siya sa ibang mga bata na kamag anak namin. Kauuwi lang namin galing sa Manila at naimbitahan kami ni Uncle na dumalo sa salo-salo sa mansion nila."Agatha's daughter," sagot ni Lolo na katabi ko sa pabilog na lamesa."Ate Agatha? I thought their daughter died with them in States?" Nagtataka na tanong ko.Namatay si Ate Agatha na pinsan ko at ang asawa niya sa ibang bansa. Naging sikreto iyon sa karamihan dahil alam ni Uncle na mayroon nagpapatay sa anak niya. Patago ang pag-i-imbestiga at paghahanap sa tao na may gawa."Nakaligtas ang anak nila. Pagkatapos ng isang taon. Dumating ang yaya ni Agatha na si Lupe at mayroon bitbit na bata.""What? After a year? Are you sure she's Ate Agatha's daughter?""Si Lupe ang may dala at hindi kung sino sino lang," sabi niya at para bang sapat na iyon na dahilan.I shrugged my shoulders. Lolo has a point. Matagal nang taga-silbi si Manang Lupe ng mga Alvarez
(TFD) Chapter 70This is the last chapter of The Forbidden Desires. Thanks for reading!(Silvanus Pov)The lump on my throat and the hallow part on my chest. The more I tried to move my hand to find her the more I choke.I opened my eyes to make sure if I'm alone then I closed them again tightly when I saw nothing. It's only darkness and my dark quiet room couldn't calm me.Marahas na dumapo ang reyalidad sa aking pisngi upang sampalin ako at gisingin sa katotohanan pagkatapos ko siyang subukang hanapin sa tabi ko.I opened my eyes and stared at the other side of my bed. I woke up alone again...Because she's gone... She left me...Ilang beses na nga bang ganito?Sa tuwing magigising ako'y kinakapa ko pa rin ang kama kahit alam ko naman na wala akong katabi.Huminga ako ng malalim at umupo sa dulo ng kama. Napatitig ako sa kawalan at napahilamos ng mukha. Matagal na rin pero hindi ako masanay na wala siya.Parang kahapon lang ang mga nangyari. Kung dati'y sa tuwing gigising ako ay bi
(TFD) Chapter 69Pagkalapit ng mga kaibigan niya'y saglit lang silang nag-usap. Lumapit sila sa mga militar na dumating. Naghanda na silang lahat dahil nasabihan na sila kung anong oras ang magiging pagsugod ni Madrina rito.They signaled the spy as they get ready. Naging seryoso silang lahat habang nagsusuot sa katawan ng body armor. Sinusuotan ako ni Silas nang magawi ang mata ko kina Elle at Kade. Mukhang nagtatalo ang dalawa dahil ayaw nitong paghawakin si Elle ng baril. Ganoon din si Lucienne. Nagbuntong-hininga na lang si Lucas at hindi na nakipagtalo."Don't move forward and just stay close to me! You are pregnant for fucking sake, Elle!" Sa huli, si Elle rin ang nasunod.Nilingon ko si Silas at hindi pa ako nakakapagsalita'y umiling na siya at pinanlalakihan ako ng mga mata. He might thought I will ask him for a gun too? But I had no intention of holding one again. Even though I didn't kill Madrina's men, it made me afraid to hold a gun. Sumama ako dahil ayokong mabaliw sa pag
(TFD) Chapter 68Pinanuod ko si Grandpa at ang mga taga hacienda na pumasok sa loob ng mga sasakyan na naka-abang. Silas told me that it's better to be safe and hide them somewhere that no one could touch them. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero sumakay na rin ako sa sasakyan niya.Kapuputok pa lang ng araw at nasa labas ng bintana ang tingin ko. Kahit alam kong may naka-abang na gulo mamaya ay positibo ang araw ko. They are ready and I know everything will fall in their plan.Ang tinahak namin ay sementadong daan. Parang nasa magandang probinsya ang tanawin noong una hanggang sa tumambad ang malaki at mataas na bundok.It looks scary but at the same time it looks amazing. Para itong nakahimlay na babae. Nakapikit, nakabaluktot, at nakatagilid. Her eyes, nose, and lips are visible. Para itong didilat ano mang oras at tatayo para salubungin kami. Even the shape of her fingers are noticeable."She's beautiful," namamangha kong anas."Do you like her?" He asked me seriously."Of c
(TFD) Chapter 67Nagmistulang escort namin ang mga military aircraft na kasabay namin lumipad. Nagamot na ang sugat ni Silas ngunit hindi pa niya maigalaw ng maayos ang braso niya. Mabuti na lang at daplis lang. Natakot lang ako kanina dahil maraming dugo ang humalo sa tubig nang mabaril siya.Kahit maingay ay nakatulog ako dahil na rin sa pagod. Naka-unan ako sa walang sugat na braso ni Silas. Tulog rin siya at nakapag-pahinga na kahit sandali. Sabay lang kaming nagising nang lumapag ang chopper sa isla. Hindi naging hadlang ang sugat niya sa isang kamay para maalalayan akong bumaba.Mayroon isang chopper na kasabayan naming lumapag. Kasama iyon sa mga pumunta at tumulong na makuha si Silas. May lalaking lumapit kay Silas mula roon na kakaiba ang kulay ng mga mata. Napatitig ako dahil naghahalo ang amber at kulay lila roon. Aakalain na contact lens kung hindi matititigan ng mabuti."Lucas," ngisi ni Silas nang tapikin siya nito sa balikat.Maamo ang mukha ng lalaki nang nginitian ako