NAHAHABAG NA PINAKATITIGAN ni Rosemarie si Hawthorne. Naiintindihan niya kung bakit ito nagkakaganon at naaawa siya dahil kailangan nito iyong pagdaan.Siya man din ay nagalit ng sabihin sa kaniya ng tiyuhin nito ang katotohanan at kahit gusto niya iyong ilihim dito ay hindi maaari. Karapatan nito iyong malaman at para na rin hindi kuwestiyunin ng mga taong nasa paligid nito ang pagiging hari niya.Huminga ng malalim si Rosemarie bago lumabas ng silid na iyon.Ngayong wala na dito ang dating hari na pinagsisilbihan niya ay inialay na lang niya ang oras sa pagamutan. Noong una ay naiitsapwera pa siya, inaapi at pinagtatabuyan ng mga manggagamot na matagal ng naninilbihan doon pero ng makita ng mga ito ang dedikasyon at kakayahan niya sa panggagamot ay unti-unti ng tumigil ang pang-aalipusta ng mga ito sa kaniya."Ikaw na lang ang maghatid ng pagkain niya o di kaya mag-utos ka ng iba."Iyon ang naabutang eksena ni Rosemarie sa kusina. Dumaan lang siya doon bago siya dumiretso ng kanyang
'SIGURO AY LASING lang talaga ang kamahalan kaya niya iyon nasabi.'Iyon ang paulit-ulit na sinasabi ni Rosemarie sa sarili dahil bakit naman nito iyon sasabihin sa kaniya? Bakit siya nito aalukin ng ganoong bagay?Matapos nito iyong sabihin sa kaniya ay nawalan na ito ng malay kaya ipinahatid na lang niya ito sa silid nito."Siguradong epekto lang iyon ng alak."Pagkukumbinsi niya sa sarili dahil hindi siya mapalagay at paulit-ulit na naglalaro sa kanyang isipan ang mga sinabi nito na ultimo pagtulog ay naging mailap sa kaniya, bigla-bigla na lang din siyang natutulala at hindi na niya namamalayan na nakangiti na pala siya.Ngunit hindi naparito si Rosemarie para doon kaya bago pa lumalim ang nararamdaman niya ay iiwasan na niya iyon. Hindi na angkop para sa kaniya na manatili sa palasyo kaya lumipat na siya sa bahay pagamutan. Sa paraang iyon ay hindi na magkukrus ang landas nila ng hari.NAGLALAKBAY ANG ISIP ni Hawthorne habang inilalahad ng pinuno ng konseho ang mga paghahanda para
MULA SA KINAUUPUAN ni Rosemarie at pagtingin sa pulsuhan ng pasyenteng kanyang ginagamot ay napatayo siya ng makita si Ingrith. Ang mga manggagamot naman ay gumilid habang nakayuko dito kaya ganon din ang kanyang ginawa.Hindi angkop ang marangyang kasuotan at kagandahan ng babae sa payak na lugar na iyon. Tila namumukod tangi ito, tila sa isang tuyong hardin at ito lang ang nag-iisang paru-paro o natatanging buhay na bulaklak."Ikaw siguro si Rosemarie." Sabi nito ng tumayo sa kanyang harapan."Ano ang makapaglilingkod ko sa inyo, Kamahalan?""Sumunod ka sa akin." Saka siya naunang lumabas.Nagbulungan naman ang mga kasamahan ni Rosemarie, nagtataka at iba ay naiinggit. Mabilis na lang niya itong sinundan."Huwag mo na akong tawagin na kamahalan, oo nga at nagmula ako sa maharlikang pamilya ngunit kahit kailan ay hindi ko naramdaman na isa akong maharlika."Hindi alam ni Rosemarie kung bakit iyon sinasabi sa kaniya ni Ingrith."Si binibining Yovanna lang ang itinuring ako na kapantay
"HINDI MO NA ako kailangan pang iligtas. Bumalik ka na sa Psicadiasis at ipinapangako ko sa 'yo na babalik din ako don. Magkakasama ulit tayo."Iyon ang huling mga salitang sinabi ni Tariq kay Rosemarie. Ang kanyang amain, ang lalaking kinilala niyang ama simula ng nagkaisip siya ngunit sa isang iglap ay hindi na niya ito makakausap at makikita pa. Hinding-hindi na niya ito makakasama pa.Napaluhod siya at sunod-sunod ang pagtulo ng kanyang luha habang kitang-kita niya ang paggulong ng ulo nito sa kalupaan at pagbagsak ng wala na nitong buhay na katawan.Alam ni Rosemarie na nakita siya ng amain dahil iniangat pa nito ang kamay sa kanya at nakuha pa nitong ngumiti bago ito tuluyang pugutan ng ulo ni Hawthorne.Nang wala ng natirang mga kawal, nang makaalis na sila Hawthorne ay doon lang inalis ng babae ang kamay sa kanyang bibig. Doon na lang din siya humagulgol at nagsisigaw. Pinagsusuntok niya ang lupa sa sobrang sakit at galit na nararamdaman, na para bang sa paraan na iyon ay mapap
NAIIRITANG TUMAYO SI Rosemarie, pinagpupulot ang mga damit saka inilagay sa batya pagkatapos ay binuhat iyon at nagmamadali siyang umalis doon kahit madulas at mabato ang ilog.Parang tila sa kumukulong tubig ang nararamdaman niya at kapag tuluyan ng umapaw ay talagang hindi na niya mapipigilan ang galit. Kinamumuhian niya ito at nasasaktan siya ng sobra dahil sa ginawa nito. Sa ginawa nitong pagkuha sa kaisa-isang taong nagmahal sa kaniya ng lubusan at itinuring siya na anak.At mas nasasaktan siya dahil hindi niya masabi dito ang katotohanan. Wala itong kaalam-alam sa paghihinagpis at mga kalungkutan niya."Ano bang problema at nagkakaganyan ka?" Humarang si Hawthorne sa harapan ni Rosemarie.Ganon na lang ang pagpigil ng dalaga na huwag itong singhalan."Kamahalan, baka ho may makakita at makakilala sa inyo dito. Dapat ang mga kawal sa palasyo ang kasama ninyo at hindi ang isang hamak na tulad ko lang, makakasira ho iyon sa reputasyon n'yo at ayaw ko na hong pag-usapan ka pa ng iban
NAGKAKAGULO ANG MGA kasamahang manggagamot ni Rosemarie ng bumalik siya sa bahay pagamutan."Anong nangyari sa 'yo at basang-basa ka, Rosemarie?" Nakakunot ang noo at nagtatakang tanong ng kanilang pinuno ng makita siya. "Ikaw lang ba ang naglaba?"Binanlawan niya ulit ang mga nilabhan at siniguradong malinis ang mga iyon bago siya bumalik kaya hapon na no'n at wala na ring masyadong pasyente doon."Bakit wala ni isa man ang tumulong kay Rosemarie samantalang hindi naman ngayon ang araw ng kanyang paglalaba?"Natahimik naman ang ibang mga manggagamot, iniiwasan na mapatingin sa mga mata ng kanilang pinuno."Wala ho silang kasalanan." Pagpigil ni Rosemarie sa babae. "Ako ho mismo ang nagprisinta na maglaba.""Ganon ba? Pero kahit na, dapat lahat tayo dito ay nagtutulungan.""Ano ka ba, pinuno?" Nilapitan ito ng isa nilang kasamahan, hinawakan siya sa braso habang ang isang kamay nito ay may hawak na maganda at mamahalin na palamuti. "Natapos naman na ni Rosemarie ng maayos ang kanyang
"DINIG NINYO NA ba ang usap-usapan tungkol sa mahal na hari at kay Rosemarie?""Totoo ba talaga iyon?""Kung totoo ngang may pagtatangi ang kamahalan kay Rosemarie, paano na tayo? Paano na kung maging babae siya ng hari o 'di kaya ay maging reyna siya?""Kung magiging reyna nga si Rosemarie, hindi kaya gantihan niya tayo sa mga pang-aapi at pang-aabuso natin sa kanya? Naalala n'yo ba iyong sinandya natin na matapon ang kinakain niya?""Ikaw lang naman ang nagplano no'n tapos binuhusan mo pa siya ng tubig sa ulo niya kaya siguradong ikaw lang ang paparusahan niya. Tapos inutos-utusan mo pa siya, kahit ang mga nakatokang gawain mo ay ipinapagawa mo sa kanya."Iyon ang mga narinig ni Rosemarie sa kusina kaya hindi siya tuluyang pumasok dahil hindi niya alam kung saan nakukuha ng mga ito ang ganoong usapan.Ilang minuto pa ang pinalipas niya bago siya tahimik na pumasok at ng makita ng mga ito ay agad siyang nilapitan ng mga ito."Rosemarie, kami na ang magbubuhat at gagawa ng pag-iigib n
NAPAATRAS SI ROSEMARIE nang makita na si Salem ang pumipigil sa kanyang balak na patayin ang hari. Isang malakas na sampal sa kanyang pisngi ay nabitawan niya ang hawak na patalim sa sobra pa ring gulat. Tila ba namanhid ang kanyang mukha at nabingi din siya dahil sa sobrang lakas no'n."Hindi ka ba talaga nag-iisip?" Pabulong na sigaw nito saka siya patulak na binitawan. "Hindi ba at binalaan na kita? Ilang beses pa ba dapat kitang pagsabihan bago ka magising sa katotohanan na hindi mo na maibabalik ang buhay ng iyong amain?""Nasasabi mo iyan dahil hindi ikaw ang nasa katayuan ko.""Makinig ka sa akin." Madiin nitong hinawakan ang balikat niya. "Ang mga magulang ko hinatulan ng kamatayan ng bata pa ako. Si ama, pinagbintangan na pumatay sa isang maharlikang pamilya samantalang si ina naman ay pinagbintangan na magnanakaw. Para lang may makain kaming magkakapatid ay nagnakaw siya, para sa amin ngunit binawian pa rin ng buhay ang lahat ng mga kapatid ko. Ako lang ang natira at kahit k
NINA SHUT HER eyes in anticipation as she felt Hayes' lips on her toe and slowly rising on her knee up to her legs and thighs leaving small and sweltering kisses on her skin.Natutop niya ang bibig para pigilan ang pag-alpas ng anumang ingay dahil sinipsip na nito ang balat sa loob ng kanyang hita, malapit na malapit lang sa kanyang pagkababae habang ang mga kamay naman nito ay parehong hinihimas ang binti niya.Hubo't hubad na siya at malamig din ang cabin dahil sa aircon kaya dapat lang na lamigin siya pero ang init lang ang mas nangingibabaw sa nararamdaman niya. Gusto niyang humiyaw, isigaw ang pangalan nito. Gusto niyang malaman nito na kung ano man ang ginagawa nito ay gustong-gusto niya iyon pero ni hindi niya magawang umungol dahil baka marinig sila ng mga nasa labas. But she didn't want him to stop.Nina's chest is heaving while her eyes are closed. Her hands mindlessly start sliding down her stomach to reach the thing between her legs, to release some tension and relief. But
HUMINGA NG MALALIM si Nina.Ayaw man niya pero nakaramdam siya ng pagkahabag sa mga pinagdaanan ni Rosemarie kahit sabihin pa na siya din iyon. Ilang beses pa ba siyang makakaranas ng pagdurusa?Para sa kanya ay nakakalungkot ng naging buhay niya. Noon man o kahit ngayon. At ayaw na niyang isipin pa ang mga naging buhay niya bago pa ang buhay niyang ito. Pakiramdam niya, tila siya isang patay na paulit-ulit pang pinapatay."Come." Hayes held Nina's hand and pulled her inside the library.Pagpasok do'n ay may bubungad agad na malaking mesa na may holographic map."This is the map of Mysticshire. The old Mysticshire. We called it Arlan and Ariston, two of the most powerful place back then along with Psicadiasis."He zoomed in on the holographic map and it showed a detailed castle that she's sure it's in Arlan. Ipinaikot ni Nina iyon hanggang sa tumigil sa Psicadiasis. She had one of their lessons about Psicadiasis when she was in college. Some students even wrote an essay and thesis abo
ANG ISANG DAMDAMIN kapag pinipigilan ay mas lalo lang sumisidhi, tila isa itong sikreto o katotohanan na kahit anong pilit ng sinuman na itago o labanan at pigilan ay siguradong lalabas at lalabas pa rin ito.Iyon ang napatunayan ni Rosemarie.At paano niya nagustuhan ang isang taong kinamumuhian niya ng sobra? Kahit anong gawin niya ay hindi din niya alam ang sagot sa katanungan na iyon.Nagtaka siya ng hindi gantihan ni Damascus ang kanyang ngiti, dati ay ito pa ang unang bumabati sa kanya. Ramdam din niya ang malamig nitong pakikitungo sa kanya samantalang si Greige naman ay hayagan ang ipinapakita nitong disgusto kanya na hindi niya alam kung bakit. Si Sergei lang ang hindi nagbago pero dati naman na itong tahimik.Mayroong pagpupulong ang mga ito at nagtataka man si Rosemarie kung bakit siya nando'n ay masaya pa rin siya na pinagkakatiwalaan siya ng hari."Naghanda ho ako ng tsaa at tinapay para sa inyo. Ang tsaa ay siguradong makakatulong sa inyong mabilis na metabolismo—""Wala
"HINDI NAGKATAON LANG ang pagkakakilala ko sa kanya. Siguradong pinagplanuhan niya ang lahat ng ito, Kamahalan." Galit na bigkas ni Damascus habang nakakuyom ang mga kamao nito. "Kasalanan ko ito. Ako ang dahilan kung bakit siya nakapasok ng palasyo. Hindi ako naging maingat, ni hindi ko inalam ang lahat ng tungkol sa kanya. Naging padalos-dalos ako at pinagkakatiwalaan ko siya.""Parehas silang taga-Psicadiasis, siguradong magkakuntsaba sila ng lalaking iyon. Iutos mo na ang pagdakip sa kanya, Kamahalan, habang wala pa siyang ginagawang hakbang para saktan ka." Suhestiyon naman ni Greige na halatang kaligtasan lang ni Hawthorne ang inaalala nito.Kanina pa nakatanaw sa kadiliman ng kalangitan si Hawthorne. Umaasang makakahanap doon ng kasagutan sa isang bagay na ilang araw ng bumabagabag sa kanya nang oras na mapagtanto niya ang lahat ng mga nangyari simula ng bumalik sila ng Arlan.Nakangiting nilingon niya ang mga ito. "Maari bang kapag tayo-tayo lang ay ituring n'yo ako na parang