Sorry for the slow updates these days, just been demotivated to write. Hope you bear with me if I still have a reader. Thank youu!
Patuloy ang masamang paninitig ni Kenneth sa dako ni Chris nakayakap na kay Evan.Bakit nga ba siya naiinis?Dahil na hindi nagdalawang-isip si Chris na sumugod sa mga kidnapper noong araw na iyon para iligtas si Evan? Kahit pa nga nabigo siya sa huli, natitiyak ni Kenneth na simula nang mangyari iyon, naging espesyal na tao na si Chris sa puso ni Evan, at hindi na lang basta isang estranghero na dumaan sa buhay ng babae."Kenneth, nasasaktan mo na ako."Kanina pa nakatingin si Ella kay Kevin na parang may kinakaharap siyang malaking banta, pero nagising siya mula sa kanyang pag-aalala nang maramdaman ang sakit sa kanyang kamay.Kaagad siyang napatingin kay Kenneth na malayong nakatingin kina Evan.Nainis agad si Ella dahil nakuha na naman ng kapatid ang atensiyon ni Kenneth kahit wala itong gawin."I'm sorry."Halos kusa nang nahulaan ni Ella, gamit ang sixth sense ng isang babae, na may kinalaman kay Evan ang tulirong reaksyon ni Kenneth.Saglit niyang naramdaman ang kirot sa kanya
Laging nakatutok ang tingin ni Ella kay Chris. Nang ilang saglit pa, sinamantala niya ang pagkakataong umalis si Kenneth sa tabi niua kaya lumapit siya nang may ngiti at iniabot ang kamay sa mayabang na paraan kay Christopher. "Teacher, hindi ito ang unang beses na nagkita tayo, tama ba?" Hindi niya alam kung bakit tinatawag ni Evan na “Teacher" si Chris. Akala niya’y isang natatanging palayaw lamang iyon kaya ginaya na lang niya. Syempre, hindi niya palalampasin ang pagkakataong palawakin ang koneksiyon at tuluyang maungusan na ang kapatid. Ang huling beses na nakita niya ang lalaking ito ay noong pareho silang nasa panganib ni Evan. Sa sobrang pagmamadali noon, may nagawa siyang hindi maganda. Hindi niya gustong may masabi ang lalaking ito kay Kenneth na maaaring makasira pa sa gumagandang relasyon nila ngayon ng lalaki. Mahigpit na niyakap ni Chris si Evan at tumalikod. Ang kanyang gwapong ngiti ay biglang naglaho nang mapatingin siya kay Ella. "Tama ka, hindi ito ang unang
Sa sandaling ito, nakasandal ang isang kamay ng matangkad at gwapong lalaki sa pader. Mahigpit niyang tinitigan si Evan habang nagngangalit ang mga ngipin. "Nasaan na ang Chris mo?" "Nasa banyo sa tapat," sagot ni Evan. Nananatili pa rin siyang balisa, iniisip ang kahulugan ng natanggap niyang mensahe. Maging ang presensya ni Kenneth ay hindi niya binigyang pansin, lalo na ang galit na ipinaparamdam nito. Sa nakalipas na mga araw, maraming beses nang inayos at pinahusay ang mga inhibitor na iniinom niya. Halos wala nang nagiging matinding epekto kay Evan kaya kahit may iniinject siya tuwing anim na oras, malaya pa rin siya sa halos lahat ng pagkakataon. Ngunit ang kapalit nito ay ang mabagal niyang reaksyon kapag nagugulat. At dahil sa munting kakulanganang iyon, sa pandinig ni Kenneth, parang itinatanggi ni Evan ang nakakahiyang relasyon nila ni Chris. "Ang galing mo na ngayon, ha. Wala ka nang pinalalampas na lalaki?" Naglalaro sa isipan ni Kenneth ang eksenang nakita niya
Upang makasigurado, mabilis na dinampot ni Chris ang mabigat na kristal na plorera sa tabi, inikot ito sa kanyang kamay, at ibinato kay Kenneth na may parehong lakas na ginamit niya noong nagbabato siya ng shot put noong kanyang kabataan. Sa isang malakas na tunog, tumama ang plorera sa noo ni Kenneth. Kasabay ng pag-ihip ng hangin ay ang pagkabasag ng kagamitan sa ulo ng lalaki. Agad na lumabas ang dugo mula sa nalikhang sugat. Halos takapan na noon ang kalahati ng mukha ni Kenneth. Sa unang tingin tuloy ay parang malubha ang pinsala ang natamo nito. Napangiti si Chris sa kinalabasan, bahagyang pinigilan ang kanyang labi at bumulong nang padabog, "Napaka-suwerte mo, ‘yan lang ang inabot mo sa'kin." Napakabilis ng mga pangyayari na parang isang kisapmata lang para kay Evan, biglang naging duguan na si Kenneth. Dahil walang ibang tao sa paligid, agad ni Evan itinulak si Chris at nag-aalalang sinabi, "Umalis ka na! Malapit nang dumating ang mga bodyguard ng pamilya Huete. Kapag naab
Sa gilid, dumating si Lindsey nang bahagyang huli. Saglit siyang nag-isip bago lumapit kay Kevin at mahina itong bumulong, "Kevin, hindi tamang ipaubaya kay Miss Villaflor ang desisyong ito. Kung sakali mang pumayag siya, siguradong hindi siya patatawarin ng ate, at kapag na-air ito sa media, tiyak na masisira ang reputasyon ni Miss Villaflor." Hindi alintana ni Kevin kung gaano kagalit si Stephanie, pero dahil may kinalaman ito sa reputasyon ni Evan, saglit siyang nag-isip. Sa huli, direkta niyang sinabi sa mga pulis, "Maaari na kayong bumalik. My family will be the one to take care of this." Sa narinig niyang mababa at magnetikong tinig ni Kevin, saglit na natigilan si Evan. Nanginginig ang kamay niyang may hawak na yelo, at ang nadama niyang pagkadismaya ay hindi niya maipaliwanag. Lalo na nang marinig niyang sa ilang salita lang ni Lindsey, agad na binawi ng tiyuhin nito ang kanyang desisyon. Kahit wala naman itong kinalaman sa nangyari, ilang salita lang niya ang tila mas mabig
Habang dumaraan si Kenneth kay Chris, bigla niyang binangga ito sa balikat, dahilan upang umatras ito ng isang hakbang. Mahinang boses niyang binalaan ito, "Lumayo ka sa babae ko." "Ha? Babae mo?" Mapanuyang tumingin sa paligid si Chris, saka itinuro si Ella na nakatayo sa sulok. Pailing-iling siyang ngumiti nang may panunuya. "Hindi ba at ayun ang babae mo? Aba, napakabata mo pa pero malabo na agad ang mata mo, Kenneth. Kawawa ka naman. Kung gusto mo, mairekomenda kita sa isang private hospital na malakas ako. Pero mental hospital nga lang. Joke!! In all seriousness, yung oapital na ireremomenda ko sa'yo, balita ko ay espesyalista daw sila sa mga taong tulad mo, walang puso at walang awa." Nang marinig ito ng mga bisitang paalis na, agad nilang pinigilan ang kanilang mga sarili, takot na baka hindi nila mapigilang matawa nang malakas. Alam ng lahat na ang tinutokoy ni Chrisl ay espesyalista sa paggamot ng mga may sakit sa pag-iisip, lalo na iyong mga may matinding pagkasira ng ba
Walang ipinakitang emosyon ang matandang ginang, ngunit mas maaliwalas na ang kanyang mukha kaysa noong kausap niya si Stephanie.Matapos kumain ng lobster, bahagya siyang napabuntong-hininga at tumingin nang makahulugan kay Ella, na abala sa pagbibigay-galang kay Mrs. Alejandrino hindi kalayuan. "Kenneth, malaki ka na. Hindi na kita mapipigilan. Pero ang buhay ay parang isang larong chess, kapag nagawa mo na ang isang galaw, hindi mo na ito mababawi. Touch move, ika nga. Kaya dapat mong pag-isipang mabuti ang mga desisyon mo."Hawak ni Kenneth ang mangkok ng pampalusog na sabaw para sa matandang ginang, ngunit natigilan siya saglit, at nanatili sa ere ang kanyang kamay.Kumurap ang kanyang madilim na mga mata, waring may libo-libong naiisip. Matagal bago siya sumagot. "Opo, Lola. Naiintindihan ko."Tahimik na pinanood ni Stephanie ang tagpong iyon. Ramdam niyang may mali sa kilos ng kanyang anak, pero hindi niya mawari kung ano iyon.Samantala, kasama ni Evan si Jaxon habang nilala
Maingat na pinindot ni Evan ang diyamante, at sa isang iglap, lumitaw ang isang bust photo. Isa itong larawan ni Alfonso Huete noong siya’y nasa kalagitnaan ng kanyang edad, habang nakatayo sa tabi nito ang batang si Kevin.Matagal nang napag-usapan nina Evan at Chris ang ideyang ito sa pamamagitan ng email, ngunit pakiramdam niya ay may kulang pa rin. Hindi niya inaasahan na sa loob lamang ng ilang araw, magagawa na ni Chris ang ideyang ito nang halos perpekto.Dahil dito, hindi lang ang matandang ginang ang nagulat, maging si Evan ay nanlaki ang mga mata sa tuwa.Mula sa malayo, tahimik na pinanood ni Kevin ang pangyayari. May kakaibang kislap sa kanyang mga mata, at bahagyang lumutang ang isang ngiti sa kanyang labi."Evan, good child... si lola ay talagang..." Hawak ni Esmeralda Huete ang kuwintas, ilang saglit pa, hindi na napigilan ng matanda ang kaniyang emosyon. Ang larawang iyon ay nagbalik ng napakaraming alaala sa kaniya. Kaya naman, sa tulong nf kasamabahay, pinilit niya
Kung tutuusin, sa galing ni Lindsey sa pagpapanggap at panlilinlang, kahit pa hindi totoo, kaya niyang magkunwaring mahal si Ashton sa harap ng tiyuhin nito.Pero sa lahat ng nakita, mukhang alinman sa dalawa ang totoo—kulang ang effort ni Lindsey sa pagpapanggap, o masyadong matalino si Ashton para malinlang. Sa isang sulyap pa lang, parang nababasa na niya ang lahat ng kilos ni Lindsey.Napatingin si Evan sa malungkot na ekspresyon ni Ashton—isang lungkot na hindi niya sinasadya pero hindi niya rin kayang itago. Naramdaman niya ang awa sa bata, pero alam niyang wala siyang karapatang husgahan si Lindsey. Ang tanging magagawa niya lang ay sikaping mapasaya si Ashton sa bawat pagkakataon na kasama niya ito.Walang ibang paraan. Matagal siyang nag-alinlangan habang hawak ang cellphone, pero sa huli ay pinindot niya ang numero ng kanyang tiyuhin.“Evan,” bati ni Kevin nang sagutin ang tawag.“Tito,” mahinahon niyang sagot. “Kasama ko si Ashton. Gusto niyang maglaro sa bahay ninyo. Pwede
Kinagabihan, nakatanggap siya ng mensahe mula kay Ashton—pinapapunta siya sa school para sunduin ito.Na-miss na rin niya ang bata, at kahit sandali siyang nagdalawang-isip, hindi niya rin kayang tanggihan ang hiling nito.Hanggang ngayon, sariwa pa rin sa isipan niya ang nangyari noong huli siyang pumunta sa school—pati ang hapdi ng paso sa likod ng kanyang kamay, hindi pa rin niya malimutan.Kahit pa pilitin niyang kumbinsihin ang sarili na si Lindsey ay kasintahan ng kanyang tiyuhin at wala na siyang dapat ipaglaban, iba pa rin ‘yung sakit. Hindi porket hindi siya nagsalita ay hindi na siya nasaktan."Evan,, anong iniisip mo at parang ang lungkot mo?" tanong ni Christopher habang lumalapit, hawak ang isang tasa ng kape. Umupo siya sa tabi ni Evan at sinimulang ikwento ang mga plano niya para sa studio.Epektibo ang paraan niya—agad nawala sa isip ni Evan ang iniisip niya at masaya siyang nakisali sa pag-uusap."Sige, ayusin mo 'yang mga ideya, tapos i-email mo agad sa tito mo. Sigu
Para sa Driver ni Kenneth, ang pagging tahimik niya ay natural lamang sa kaniya. Matagal niyang tinitigan ang bihirang ngiti ni Evan—parang uhaw na uhaw siyang titigan ito, at habang lumilipas ang bawat segundo, lalo lamang tumitindi ang pagnanasa niyang angkinin ang babaeng nasa harap niya. Pero kahit ganoon, hindi siya nangahas na pilitin ito muli.“Evan, akin ka.”Mahinahon man ang pagkakabitaw niya ng mga salitang iyon, naroon ang lalim ng pananakot sa likod ng kanyang malamlam at maitim na mga mata. Bawat salita ay tila pahayag ng pag-aangkin.Hindi siya pinahiya ni Evan. Bagkus, bahagya pa niyang itinaas ang kanyang mukha, pinanatili ang mahinang ngiti sa mga labi. Ngunit hindi ito umabot sa kanyang mga mata. Sa ilalim ng ngiting iyon, may halong lamig at hinanakit.Pagkatapos, inalis niya ang tingin mula kay Kenneth, dahan-dahang isinara ang pinto ng sasakyan, saka tahimik na inutusan ang driver. “Tayo na.”Alangan ang driver. Sa pamamagitan ng rearview mirror, sinulyapan niya
Nag-reach out ang housekeeper mula sa lumang bahay ni Evan, at sinabi na nais siyang makita ng matandang babae.Wala nang magawa si Evan kundi hilingin kay Christopher na magsimula ng pansin mula sa mga reporters. Nagbago siya ng itsura at tumakas sa likod ng pinto.Pagdating sa lumang bahay ng Huete, bumukas ang mga ukit na pintuan. Paglabas ni Evan mula sa sasakyan, naglakad siya at aksidenteng nakasalubong si Stephanie na nakasuot ng matingkad na damit.Hindi na pinansin ni Evan ang dating ina-inahan. Nakataas ang kanyang ulo, dumaan siya nang mataas ang tingin."Evan, ako pa naman ang iyong mother-in-law. Hindi mo man lang ba ako babatiin?" Nang makita siya ni Stephanie, muling lumamig ang kanyang mukha. Hinadlangan siya nito at may poot sa mata, "Huwag ka munang maglakad, may sasabihin ako sa'yo."Hindi pinansin ni Evan ang kanyang pang-aasar, tinitigan siya ng malamig at naglakad palayo.Paano naman si Stephanie? Hindi niya palalagpasin ang ganitong pagtingin ni Evan. Tumayo siy
“Miss Evan, paano mo nagawa iyon?"Wala nang kaalaman si Evan na nagawa niya iyon dahil sa kanyang bentahe sa kasarian, at inisip na ang pato na may pinit na rice wine ang totoong may sala. "Siguro, swerte lang ako. Tungkol sa proseso, hindi mo na kailangang sabihin sa tito ko. Pakiusap na lang, ipasubok mo sa kanya. Kung hindi gumana, mag-iisip ako ng ibang paraan."Pinatol ni Jaxon ang tawag at tinitigan ang misteryosong mata ng presidente ng Huete Group sa likod ng desk habang nakanganga ang ulo.Ayaw ng Master na malaman ni Evan na siya'y seryosong nasugatan dahil sa kanya, at hindi rin gusto ni Miss Evan na malaman ng Master na humingi siya ng tulong medikal para sa kanya, at siya'y isang maliit na tao lang. Nasa gitna siya ng lahat at natatakot na baka isang araw, mamatay siya nang hindi buo ang katawan.Nilulon ni Jaxon ang laway sa takot at mabilis na nagsabi: "Master, si Miss Evan ang tumawag. Tinutukoy niya ang mga maliliit na bagay sa studio. By the way, narinig ko lang na
Napatitig siya rito, saka tumango. "Simula Sabado, sumama ka sa akin sa Emerald Welfare Home."Ang hiling na
Makalipas ang tatlong oras, dumating si Evan sa isang lumang bahay at kumatok sa pinto nito. Ang pintura sa kahoy ay luma at natutuklap na.May narinig siyang mga yapak sa loob bago bumukas ang pinto. Ngunit imbes na ang matandang lalaki ang sumalubong sa kanya, ang lalaking matagal nang may ayaw sa kanya ang nasa harapan niya.Nabigla ito nang makita siya."Ano’ng nangyari sa’yo?"Alam ni Evan kung bakit siya nagulat kaya ngumiti lang siya at hindi ito pinansin. Inalis niya ang kanyang sunglasses, saka lumampas sa lalaki papunta sa hardin kung saan ang matandang lalaki ay abala sa pag-aalaga ng mga bulaklak at paglalaro sa kanyang aso."Lolo, magluluto ka ba ulit ng fermented duck ngayon?"Nagulat ang matanda. Hindi niya inaasahan na tutuparin pa rin ni Evan ang kanyang pangako sa kabila ng gulong kinasasangkutan nito."Hindi. Bumili ako ng dalawang igat kanina, nasa kusina. Manood ka na lang habang niluluto ko."Tahimik na napangiti ang matanda. Habang pinagmamasdan ang lalaking nas
Nang makita ng ilang malalaking lokal na brand ang isang makapangyarihang katunggali na biglang lumitaw, hindi na sila mapakali. Nagpadala sila ng mga bayarang tao upang siraan si Yeyan online, ngunit halos walang naging epekto ang kanilang paninira.Sa gitna ng pag-atake ng mga pekeng accounts, maraming netizens ang hindi nagpatinag at agad na nagbigay ng kanilang opinyon."Pakiusap naman, ‘yan ang brand na paborito mismo ng presidente ng Huete Corporation! Kung hindi mo gusto, baka ikaw ang may pangit na panlasa. Isipin mo na lang, kakaunti lang ang katulad ni Kevin—mayaman, gwapo, at maganda ang pangangatawan. Normal lang kung hindi mo kayang sabayan ang taste niya, pero maling mali na siraan mo ito ng walang basehan.""Sa estado at yaman ni Mr. Huete, sa tingin mo ba kailangan pa niyang kumuha ng endorsement gaya ng mga artista at magbenta ng produktong hindi niya ginagamit? Bukod pa roon, parang sadyang ginawa para sa kanya ang hikaw—napakaganda ng disenyo at pulido ang pagkakagaw
Nakatingin si Evan kay Kenneth na nasa ilang metro ang layo mula sa kanya. Matagal na silang magkakilala, pero ngayon lang niya nakita si Kenneth na ganito kapuruhan ang itsura.Kung limang taon na ang nakalipas, marahil ay naawa pa siya rito.Pero ngayon, ang lalaking minsan niyang minahal ay nasa harapan na niya — sobrang lapit na halos mahawakan niya ito — ngunit sa puso niya'y wala nang nararamdamang iba kundi kapaitan.Hindi niya alam kung bakit nagpapaka-drama si Kenneth, pero batay sa pagkakakilala niya rito, hinding-hindi ito basta-basta susuko.Ibinaba niya ang tingin, saka ibinulsa ang susi ng kotse sa bulsa ni Kevin. Mahina niyang sinabi, "Uncle, mauna ka na. Ako na'ng bahala rito."Itinaas ni Kevin ang kanyang makakapal na kilay at tiningnan si Evan — walang sinabi, pero malinaw na nag-aalala.Sa ilalim ng ilaw ng kalye, litaw na litaw ang payat na pigura ni Evan — parang abo pagkatapos ng apoy na nagliyab.Hindi kalayuan, mahigpit na nakasara ang kamao ni Kenneth — nangin