Ngumisi si Leon.Ang mga produkto ng Elegante Group ay binebenta ng nine hundred and fifty sa ibang mga mall, pero ang Sullivan Enterprises ay pribadong tinaasan ang presyo, at isa itong seryosong violation sa consumer’s rights.“Ano ngayon? Magf-file ka ba ng complaint sa industrial at commercial department? Sige at gawin mo tio! Ito ang sasabihin ko sayo. Ang Sullivan enterprises ay may mga koneksyon sa mga department na yun, kaya walang magagawa ang pag file ng complaint!” Ang panlalait ni Brody.Ang pagtaas ng presyo ng produkto ng Elegante Group sa mga brang nila ay isang minor offense at kahit na ang gobyerno ang magreport tungkol dito, hindi sila mag aabala na kumilos tungkol dito; lalo na at ang Sullivan Enterprises ang nagpapatakbo ng business na ito sa Springfield City ng maraming taon at bumuo ito ng malakas na network. Maliban kung si Leon ay may kapangyarihan na ikukumpara sa isang hari, hindi siya makakagawa ng kahit anong epekto.“Ganun ba? Maghintay ka lang pala! Ng
“Hello. Mr. Wick. Ano po ang maitutulong ko sa inyo?” Ngumiti ng mabait si Brody.Sila ni Jenson ay parehong anak ng mayamang mga pamilya, ngunit ang mga Wick ang pinakamayamang pamilya at ang Sullivan Enterprises ay nasa mababang posisyon pagdating sa impluwensya at kapangyarihan.Hindi naging mayabang si Brody sa harap ni Jenson, lalo na at ang chain cosmetic stores niya ay tumatakbo dahil ang Wick Group ang nag didistribute sa kanila.Pwede niyang bastusin ang kahit sino, pero hindi pwede si Jenson.“Brody Sullivan, walang hiya ka!” Ang sigaw ni Jenson. “Simula sa araw na ito, ang Wick Group ay pinuputol na ang lahat ng supply ng mga cosmetic store mo!”“Ano?” Nabigla si Brody. Hindi niya alam kung bakit nagdesisyon si Jenson na tapusin bigla ang collaboration nila, ngunit isang bagay ang klaro, na kapag wala ng supply, ang lahat ng mga cosmetic store na pinapatakbo ng Sullivan Enterprises ay hindi mabubuhay.Ngunit bago niya maintindihan ang sitwasyon, bumagsak ang puso niya
Hindi niya maipapaliwanag ang sarili niya sa tatay niya at sa mga board members kapag nangyari ito.“Honey, kasalanan ito ni Leon! Siya ang nag report sa atin sa Wick Group! Siya ang nasa likod nito!” Tumuro si Marilyn kay Leon at sumigaw siya.“Walang hiya ka, Wolf!” Bumalik sa sarili si Brody at tumingin siya ng masama kay Leon.Pareho sila ni Marilyn na akala ay nagpapanggap lang si Leon, ngunit napagtanto nila na sila ang naging katatawanan.“Tama. Ako ang gumawa nito! Sinabi niyo na hindi ko kayo kayang saktan, kaya naisip ko na makapangyarihan talaga ang pamilya Sullivan! Nadismaya ako!” Ang panlalait ni Leon.“Ikaw—” Kinagat ni Brody ang ngipin niya, pakiramdam niya na kumukulo ang dugo niya sa galit. Kung hindi niya nasaksihan na isang mahusay na manlalaban si Leon, inatake niya na sana si Leon ngayon.”“Leon Wolf, tandaan mo lang kung ano ang naghihintay para sayo! Kung gusto mong mamatay, tutuparin ko ang hiling mo!” Tumawa ng masama si Brody.Simula noong sinaktan siy
“Wag kang mag alala. Mga tauhan mo lang sila. Hindi nila ako mahahawakan!” Ngumiti ng may kumpiyansa si Leon. Ang lakas niya ay higit sa Initial Innate State at natalo niya pa ang isang martial artist na nasa intermediate Innate State nitong nakaraan.Ang mga lalaki sa harap niya ay mga manlalaban lang na walang bahid ng true energy, kaya medyo mas malakas lang sila sa ordinaryong bodyguard at walang laban sila kay Leon.“Bata, sino ang tinatawag mo na mga tauhan?!”“Gusto mo bang mamatay?!”Nagalit ang apat na lalaki.Hindi pinansin ni Leon at tumitig siya ng malamig kay Brody. “Brody Sullivan, binalaan na kita na wag akong haharapin ulit! Bibigyan kita ng huling pagkakataon. Tumigil ka na ngayon, at pwede ako magpanggap na hindi ito nangyari, kung hindi ay magbabayad ka para dito!”Ang madla sa paligid nila ay umingay sa mga sinabi ni Leon.“Sino ba ang batang ito? Masyado siyang mayabang!”“Oo. Kalaban niya ang apat na malakas na mga lalaki. Baka paliparin siya ng mga lalaki
Hindi siya makapaniwala!Natural, ang hindi nila alam ay si Leon ay nasa advanced Acquired State na nitong nakaraang mga araw, ngunit ang cultivation level niya ay lumampas sa initial innate state, kaya natural lang na kaya niyang talunin ng madali ang apat na manlalaban.“Mabuti. Magaling. Mahusay! Ito ang unang beses na nakakita ako ng isang tao na kayang dalhin ang external power nila sa ganitong punto!” Pumalakpak si Mason Shelton.Hindi rin ginamit ni Leon ang true energy niya sa mga atake niya kanina, kaya patunay ito na hindi siya isang martial artist at isang mahusay na manlalaban lang. Ang external power ay ang panlabas ng martial arts at para umabot si Leon sa ganitong kapangyarihan mula sa pagsasanay ng external power, isa dapat siyang talentadong indibidwal.“Ikaw… Isa ka bang martial artist?”Sumingkit ang mga mata ni Leon habang naramdman niya ang true energy na dumadaloy sa katawan ng kalaban niya. Gayunpaman, habang hindi pa kumilos si Mason, hindi pa malaman ni Le
Kuntento na siya sa reaksyon ng iba, lumingon si Mason para tumingin kay Leon ng may panghamak. “Bata, nakita mo ba yun? Ito ang internal power ng isang mahusay na martial artist! Bibigyan kita ng isa pang pagkakataon. Luluhod ka ba, o pipilitin na lang kitang lumuhod? Pumili ka.”“Masyado kang madaldal. Magsimula na lang tayo!” Kinutkot ni Leon ang tainga niya at sinabi niya ng naiinip. Naging maingat siya sa lalim ng kakayahan ni Mason, ngunit sa pinakita ni Mason kanina, napansin niya na ang flow ng true energy ni Mason ay umabot lang sa peak Acquired State.Walang laban si Leon kay Mason noon, ngunit ngayon at lumampas na siya sa Initial Innate State, hindi na problema si Mason sa kanya.“Ikaw ang may gusto nito, bata! Ipapakita ko sayo!” Nagalit si Mason at sumuntok siya ng mabilis kay Leon.Nag aalala na baka masaktan si Janie sa energy mula sa kamao ni Mason, hindi umilag si Leon at sumipa siya sa dibdib ni Mason.Sigurado si Mason na hindi isang martial artist si Leon at n
Hindi makapaniwala si Brody sa kanyang nakita.Alam niya na makapangyarihan si Mason at hindi niya inaasahan na matalo ito ni Leon sa maikling panahon ng wala mang chansa ng paglalaban.Hindi siya maniniwala kung hindi niya ito nakita.Samantala, si Marily naman ay natulala din. Pinakasalan niya ng tatlong taon si Leon, at alam niya na si Leon ay walang kwenta noong nakaraang dalawang buwan lang ang nakaraan. Si Leon ay isang alipin sa pamilya Manson at wala siyang kapangyarihan na lumaban; ngunit, siya ay naging isang lalaki na may impluwensya para ipasara ang operation ng chain stores ng Sullivan Enterprises, at may kakayahan siya para talunin ng mag isa ang mga makapangyarihang mananalaban na kinuha ni Brody.‘Ito ba ang walang kwentang lalaki na kilala ko?’ Ang naisip ni Marilyn. ‘Sigurado ay hindi dapat maliitin ang pag unlad ng isang tao! Baka masyadong naging makitid ang utak ko at hindi ko nakita ang tunay na potensyal niya!’“Leon, ang… ang galing mo!” Kuminang ang mga ma
“Pangako na ito na ang huling beses. Hindi na ulit ako makikialam sayo…”“Huli na para alamin mo ang pagkakamali mo ngayon!” Ngumisi si leon at naghanda siyang umatake.Natakot si Brody, sinigaw niya, “Sandali lang! Sinabi mo na maaawa ka kapag lumuhod ako. Paano mo nagawa na umatras sa sariling mga salita mo?”Huminto si Leon at naalala niya na binangit niya na pag iisipan niyang kaawaan sina Brody at Mason kapag lumuhod sila sa harap niya. “Kanina yun, at ngayon ito! Bukod pa dito, sinabi ko lang na pag iisipan ko ito. Hindi ako nangako!” Ang panlalait niya.“Ikaw…” Galit si Brody at nagmura siya sa loob niya, ngunit nagdesisyon siya na tiisin ang kahihiyan. Binitawan niya na ang pride niya at lumuhod siya kay Leon, kaya hind siya pwedeng sumuko ng simple lang.“Marilyn, asawa kita! Kinasal ka kay Leon ng tatlong taon. Humingi ka ng awa s kanya para kaawaan niya ako…” Ang sabi ni Brody kay Marilyn na puno ng pag asa.“Yun ay…” Dumilim ang ekspresyon ni Marilyn.Kahit na siya a
“Sino ang lalaking yun? Hindi kaya’t siya ang boyfriend ni Ms. Shear?”“Hindi naman siguro? Si Ms. Shear ang isa sa four most beautiful women sa Springfield City at siya ang hiya ng mga Shear. Sa katayuan ni Cynthia, ang pagkakaroon ng isang boyfriend ay malamang na magkakalat ito ng balita sa buong Springfield City. Hindi pa natin narinig ang tungkol dito.”“Oo, tama. Sa tingin ko ay ang lalaking ito ay ang bagong assistant o secretary ni Ms. Shear…”…Habang nakatingin habang paalis ng mabagal sina Leon at Cynthia, pinag usapan ito ng lahat. Sa huli, marami sa kanila ang naisip na si Leon ay ang bagong assistant o secretary ni Cynthia, kaya mas naging kalmado sila.Sa president’s office, inutusan ni Cynthia ang ilang mga empleyado na iusog ang isang mesa, pinaupo niya si Leon sa tabi niya. Nakaupo sila ng malapit sa isa’t isa, kaya mas madali na mag trabaho sila ng magkasama.Noong umalis na ang mga empleyado, sina Leon at Cynthia na lang ang naiwan sa opisina.“Cynthia, pwede
“Ah, sige,” Ngumiti si Leon. Iniisip kung paano nagtapat ng pag ibig si Cynthia sa kanya kagabi, medyo naging awkward siya.“Pati, dahil umalis ka na ng Elegante, mukhang ang shadow chairman ay maaaring bumalik na sa kumpanya natin?” Ngumiti si Cynthia.“Oo, sasama ako sayo sa kumpanya sa susunod,” Tumango si Leon.Para manatili siya sa tabi ni Iris, pinilit niyang iwanan ang Cynthion Group kay Cynthia.Gayunpaman, nakipaghiwalay na siya kay Iris at umalis na siya ng Elegante. Hindi niya na kailangan magpatuloy na iwanan ang lahat kay Cynthia.“Oo nga pala, Cynthia, may mahalaga ka bang pag uusapan sa akin noong dumating ka sa bar para makita ako kagabi?” Hindi mapigilan ni Leon an itanong nang maalala niya ang kagabi.“Ganito kasi. Hindi sapat ang Energy Nurturing Pills para sa demand sa Springfield City. Maraming mga major family ang naghihintay na bumili ng second batch. Bumili tayo ng isang batch ng mga materyal noong nakaraang mga araw. Kailan mo planong irefine ang second b
“Hindi ba’t boyfriend mo siya? Sa kakayahan niya, dapat ay nanatili siya sa kumpanya para tulungan ka. Bakit siya umalis?” Ang tanong pa rin ni Ariel.Kung ibang tao ito, hindi na sana siya nag abala.Gayunpaman, iba si Leon. Nagsimula siyang magustuhan si Leon noon. Kahit na si Leon ang boyfriend ni Iris, hindi niya pa rin mapigilan ang sarili niya na magtanong tungkol kay Leon, gusto niyang malaman kung ano ang nangyari.“Nakipaghiwalay na ako sa kanya!” Ang malamig na sinabi ni Iris.“Naghiwalay na kayong dalawa? Paano naging posible yun?!” Nabigla si Ariel.Base sa nalalaman niya, naging magkasintahan sina Iris at Leon nitong nakaraan. Ilang araw pa lang ang lumilipas.Hindi niya inaasahan na maghiwalay sila ng mabilis!Hindi ito maiiwasan.“Haha, maganda at naghiwalay kayo! Ms. Young, sinabi ko na ito sa inyo noon. HIndi maaasahan si Leon. Matalino ang ginawa niyong pakikipaghiwalay sa kanya!” Tuwang tuwa si Ashwin. Hindi niya mapigilan ang sarili niya na tumawa ng malakas
Sa katotohanan, naisip niya na may saysay ang sinabi ni Louisa. Gayunpaman, ang mga guilty na kilos ni Leon at ang pagpatay ni Leon sa mga witness ay ang katotohanan!Basta’t hindi ito ipinaliwanag ni Leon, hindi siya maniniwala kay Leon!Tutal, may kinalaman ito sa kayamanan ng buong pamilya. Hindi niya ito pwedeng basta bastahin, ang lolo at tatay niya ay hindi rin siya papayagan.“Hindi ko rin alam kung bakit ayaw niyang magpaliwanag. Baka nasa mahirap na sitwasyon siya,” Ang matatag na sinabi ni Louisa.“Sa tingin ko ay hindi siya nasa mahirap na posisyon! Guilty lang siya, at may ibang plano siya!” Ang malamig na sinabi ni Iris.“Iris, pwede bang wag ka nang matigas ang ulo? Matagal mo na siyang kasama. Hindi mo pa rin ba alam kung isa siyang mabuting tao o hindi? Bakit desidido ka sa isang maliit na bagay?!” Ang sabi ni Louisa.“Hindi totoo yan! Mahirap makilala ang isang tao! Paano kung nagpapanggap lang siya?!” Ang sabi ni Iris.“Pero—” Gusto pa magpatuloy ni Louisa, ngu
Mahirap itong paniwalaan!“Naghiwalay na kaming dalawa!” Ang sabi ni Iris habang sinubukan niya maging kalmado. Gayunpaman, medyo nalilito pa rin siya.“Naghiwalay kayo? B-bakit?” Nabigla si Louisa. Tutal, naiintindihan niya na ito. Hinampas niya ang kamay niya sa mesa at sinabi niya ng galit, “Iris, may ginawa ba siya na hindi pwedeng pagbigyan? Sinaktan ka ba niya?”“Wag kang mag lala, hahanapin ko siya ngayon at kukunin ang hustisya para sayo!”“Hindi, mali ang iniisip mo,” Ang sabi ni Iris.“Ano pala ang nangyari?” Ang balisang sinabi ni Louisa. Hindi niya maintindihan kung ano ang nangyari sa pagitan nila Iris at Leon.“Ayos lang ako, wala itong kinalaman sayo. Wag ka nang makisali,” Huminga ng malalim si Iris at sinabi niya.Alam niya na si Louisa ay madalas gumawa ng gulo. Bad mood na siya ngayon. Ayaw niyang dumagdag dito si Louisa.“Hindi, hindi ko ito hahayaan! Kung hindi mo sasabihin sa akin, tatawag ako kay Leon ngayon. Gusto kong itanong sa kanya kung ano ang nangy
Sa direktang pagkatao niya, wala siyang rason para itago ang kahit ano sa lolo niya. Nagdesisyon siya na sabihin sa lolo niya ang buong katotohanan.“Yun pala!”Kahit na nahulaan ito ni Benedict, medyo nabigla pa rin siya nang marinig ang mismong pag amin ng apo niya.“Grandpa, hindi po ba kayo sang ayon sa pagsasama namin ni Leon?” Ang nag aalala na tanong ni Cynthia.Alam niya na si Leon ay isang ulila na walang family background. Ang pinakamalaking rason sa paghihiwalay nila Leon at Iris ay hindi tugma ang kanilang family background.Ang mga Shear ay isa sa four great families ng Springfield City na tulad ng mga Young. Nag aalala siya na ang lolo niya ay may parehong opinyon kay Leon.Ayaw niyang sumunod sa yapak ni Iris!“Hindi sumang ayon? Bakit hindi ako sasang ayon?” Ang tanong ni Benedict.“Isang ulila si Leon. Wala siyang magandang pamilya. Hindi po ba’t hindi kayo masaya tungkol doon?” Ang balisa na sinabi ni Cynthia.“Ang mga background ay hindi mahalaga pagdating s
Para naman sa kanila ni Iris, pag uusapan niya ito kapag naklaro niya na ang pangalan niya!Masyado pang maaga sa kanya na pag isipan ito!“Oo nga pala. Saan ka tumutuloy ngayon, Leon? Masyado kang maraming nainom ngayon. Baka hindi ka man lang makapag lakad ng diretso. Ihahatid na kita pauwi!” Ang nag aalalang tanong ni Cynthia.“W-Wala akong tinutuluyan sa ngayon. Dalhin mo na lang ako sa isang malapit na hotel,” Ngumiti ng awkward si Leon. Tutuloy siya sa isang hotel ng isang gabi bago siya bibili ng isang bahay sa susunod na araw.“Bakit ka mananatili sa isang hotel? Tumuloy ka na lang sa bahay ko ng ilang araw?” Ngumiti si Cynthia at hinawakan niya si Leon sa braso. Kumilos siya ng malapit na para bang siya na ang girlfriend ni Leon.Tumigas ang buong katawan ni Leon sa malambot na nararamdaman niya sa braso niya.Gayunpaman, bago pa siya tumanggi, hinila na siya ni Cynthia palabas ng bar.…Sa Shear Mansion, nabigla sina Benedict at Harvey na makita na tinutulungan ni Cy
Biglang hindi niya alam kung ano ang gagawin niya.“Bakit hindi? Isa ako sa four great beauties ng Springfield City, tulad ni Iris. Kahit na mas mataas ang rank niya sa akin, hindi ako talo sa kanya sa itsura o sa background! Kung kaya mo siyang tanggapin, bakit hindi mo ako pwedeng tanggapin?”Hindi inaasahan ni Cynthia na tanggihan siya ni Leon. Namutla ang mukha niya, namuo ang mga luha sa kanyang mga mata.Sa itsura niya at sa pamilya niya, maraming mga tagapagmana ng pamilya at mga talentadong lalaki ang gusto siyang ligawan. Ang lahat sa kanila ay pangarap na makasama siya!Ngunit sa sandaling yun, nag ipon siya ng lakas ng loob para sa unang pagkakataon na magtapat ng pag ibig sa isang lalaki, ngunit tinanggihan siya!Halata kung ano ang nararamdaman niya!“Yun ay—” Magulo ang puso ni Leon at hindi niya magawang huminahon.Si Cynthia ang pangalawa sa four great beauties sa Springfield City. Napakaganda niya. Ang kahit sinong lalaki ay magiging masaya na makasama siya.Si
Nabigla si Leon habang tumingin siya kay Cynthia na para bang hindi makapaniwala.Baka dahil lasing siya, mabagal ang reaksyon niya, hindi niya maintindihan kung ano ang ibig sabihin ni Cynthia.“H-Hindi yun ang ibig kong sabihin,” Namula si Cynthia, napagtanto niya na hindi tama ang sinabi niya. Mabilis niyang binago ang pinag uusapan, “Leon, ayos lang kayong dalawa nitong nakaraan. Bakit bigla kayong nag break?”“Ganito kasi,” Nagbuntong hininga si Leon.Naiinis talaga siya sa sandaling yun at kailangan niya ng taong makakausap. Kaya naman, sinabi niya kay Cynthia ang lahat ng nangyari.“Sobra na ang mag-ama na yun! Tinulungan mo ang pamilya nila ng paulit ulit, pero ganito ang bayad nila sayo? Walang hiya! Pati iba rin talaga si Iris. Kahit ako ay nakikita ko ang moral character mo ay makatarungan. Imposible na isa kang kahina hinala at masamang tao. Pero, bilang girlfriend mo, hindi lang sa hindi siya nag tiwala sayo, naghinala pa siya na layunin mo ang pera nila. Kalokohan!”