“Tama si Dom. Nagbibiro lang kaming lahat, kaya hindi mo ito dapat isapuso.”“Pati matagal na tayong hindi nagkikita, kaya sayang naman kung aalis ka agad…”Sunod sunod ang protesta sa kwarto.Nang marinig ito ni Janice, naisip niya rin na aalis si Leon dahil sa galit, kaya mabilis niyang sinabi, “Leon, dahil nandito ka, bakit hindi ka manatili para sa lunch? Hindi tayo nagkita ng tatlong taon, gusto kong mag usap tayo.”Masigasig si Janice; ang tanging rason kung bakit pumayag siya sa pagtitipon na ito ay dahil gusto niya subukang makasalubong si Leon, at ngayon at nandito si Leon, ayaw niyang umalis agad ito ng maaga.“Pasensya na, Janice, pero kailangan ko na umalis… Bakit hindi tayo magkita pagkatapos ng ilang araw, at pwede tayo nag umsa habang kumakain? Ako ang magiging host…” Ngunit bago pa matapos magsalita si Leon, bumukas ang pinto, at pumasok si Cynthia sa kwarto.“Sino ka?”Nabigla at humanga ang lahat nang makita nila ang magandang babae na pumasok sa kwarto.Kilal
Para naman sa pagpapahanga kay Janice—anuman ang pagtingin ni Dominic, mas higit si Cynthia kay Janice sa bawat aspeto, at kung kaya niyang makuha ang puso ni Cynthia, bakit niya kailangan si Janice?“Sino ka ba sa tingin mo? Bakit mo naman naisip na gusto kitang makilala?” Nangutya si Cynthia. Isa siyang spoiled at mayabang na babae na hindi nagbibigay ng oras na mga tao, paano niya naman tatanggapin ang kahilingan ni Dominic?“Ikaw…” Napahinto si Dominic nang marinig niay ito. Mataas ang tingin niya sa sarili niya, kaya natural, hindi niya hinayaan ang insulto ni Cynthia. “Sino ka ba sa tingin mo? Girlfriend ka lang ng walang kwentang lalaking ito, kaya bakit parang isang prinsesa ka kung magsalita?”“Lumayas ka!” Gumulong ang mga mata ni Cynthia, nang walang pasabi, tinaas niya ang kamay niya at sinampal niya sa mukha si Dominic.Pak—Tumunog ang malakas na sampal sa buong kwarto, at nabigla si Dominic sa punto na halos buamgsak siya sa lakas nito.“Walang hiya ka… para sampal
Para naman sa ibang dating classmates, nagsasaya lang sila habang pinapanood ito.Alam nila na isang ulila si Leon na walang ari-arian sa kanyang pangalan.Ngayon at si Cynthia ay ang girlfriend ni Leon, ibig sabihin ay ang pamilya ni Cynthia ay hindi rin siguro mayaman.Ngayon at isang tanga si Cynthia para galitin si Dominic, sa oras na dumating ang tulong ni Dominic, halata na ang naghihintay para kela Leon at Cynthia!“Sinusubukan niyong umalis? Huli na ang lahat!”Ngumisi si Dominic nang marinig niya ang tunog ng mga yapak sa labas,Sa oras na sinabi niya ito, bumukas ang pinto sa kwarto. Ang manager ay pumasok na may kasamang apat o limang mukhang agresibong mga bodyguard.“Dominic, anong problema? Sino ang gumagawa ng gulo dito? Walang hiya sila!” Ang malamig na sinabi ng manager.Tumuro si Dominic kay Cynthia at Leon, sinabi niya ng malupit, “Silang dalawa!”“Nagtutulungan sila para saktan ako. Kailangan niyo akong ipaghiganti!”Tumingin ang manager sa lugar kung saan
Suminghal si Cynthia.Ang pag singhal na yun ay parang isang kidlat sa mga tainga ni Dominic. Bigla niyang naalala kung paano siya sumugod kay Cynthia kanina.Sa kapangyarihan ng mga Shear, ang pagpatay kay Dominic ay kasing dali lang ng pagpatay sa isang langgam.Kapag hindi syria nakahanap ng paraan para pagbigyan siya ni Cynthia, isang malaking problema ito!Habang iniisip ito, kinilabutan ang puso ni Dominic. Agad siyang lumuhod habang nagmamakaawa, “Ms. Shear, hindi ko ito sinasadya. Pakiusap, maging mabait kayo at pagbigyan niyo ako ngayon…”“Ngayon ay natuto ka humingi ng awa. Bakit hindi mo ito ginawa kanina?!” Suminghal si Cynthia, hindi siya kumibo.Dati pa siyang isang mayaman na tagapagmana na ginagawa ang kahit anong gusto niya. Walang kahit sino ang gumalit sa kanya kahit sa mga noble circle sa lungsod.Hindi lang sa naging bastos si Dominic sa kanya, ininsulto pa sila nito, tinawag silang mga aso!Sa kanyang ma-pride na pagkatao, imposible na bibitawan niya ito n
Sa kapangyarihan ng mga Shear, ang kinabukasan ni Leon ay walang hangganan basta’t kumapit siya sa mga ito!At least, mas magiging mayaman si Leon sa mga karaniwang tao na tulad nila!Biglang nakaramdam sila ng pagsisisi. Kung alam lang nila ang kakayahan ni Leon, sinubukan sana nilang maging malapit kay Leon. Kung yumaman si Leon sa darating na panahon, gusto nilang maging parte nito.Gayunpaman, huli na ang lahat!…Sa isa pang kwarto, kumakain sina Leon at Cynthia habang pinag uusapan nila ang collaboration.Naging maayos ang lahat. Pagkatapos pag usapan ang mga detalye, pinirmahan nila ang kontrata.Nang matapos na ang lahat, umalis silang dalawa ng hotel.Sa labas ng hotel, nag drive si Cynthia sa kanyang paboritong kotse habang dumireto siya sa Shear residence. Hindi niya napansin ang dalawang itim na SUV na sumusunod ng mabagal sa kanya.Noong dumating na sila sa isang kalsada na walang laman, ang SUV sa likod niya ay tila biglang nawalan ng kontrol habang sinubukan nit
“Sinusubukan mong tumakas? Hindi ito magiging madali!”Sa oras na yun, tumunog ang isang malamig na tawad. Ang isa pang SUV sa likod ay malapit lang.Bumukas ang pinto, at may tatlong mga lalaki na lumabas ng kotse.Ang isa sa kanila ay may suot na suit. Ang mga mata niya ay matalas, at nakakatakot ito. Halata na hindi siya isang taong madaling harapin.Hindi maganda ito! May mga kaibigan sila!May masamang kutob si Cynthia sa puso niya habang tumakbo siya patungo sa kotse niya.Hindi niya kayang harapin ang dalawa kanina. Ngayon at may tatlong dumagdag, pakiramdam niya na imposible para sa kanya na manalo.“Hulihin niyo siya!” Ang malamig na sigaw ng lalaking namumuno. Sa isang kaway, ang dalawang tauhan niya ay sumugod kay Cynthia kasama ang matangkad na lalaki at ang kasama nito. Mabilis nilang pinalibutan si Cynthia.“Sino kayo?! Ano ang binabalak niyong gawin?!” Ang galit na sigaw ni Cynthia.“Hindi mahalaga kung sino kami! Ang mahalaga ay dapat kang sumuko. Wag mo nang p
“Hindi ko alam…” Umiling si Cynthia.Tinanong ni Cynthia, “Leon, hindi ba’t umuwi ka na kanina? Bakit nandito ka?”“Ah, noong paalis ako ng hotel, nakita ko na ang dalawang kotseng yun ay sumunod sayo, kaya nagdesisyon ako na sumunod,” Ang paliwanag ni Leon.“Kaya pala,” Napagtanto na ito ni Cynthia. Pagkatapos, mabilis niyang napagtanto na kailangan nilang magmadali. Hindi ito ang oras para makipag usap kay Leon. Kaya, sinabi niya ng balisa, “Leon, malakas ang mga taong ito. Lahat sila ay nasa peak Acquired State!”“Pipigilan ko sila para sayo, dapat kang tumakas!” Naglakad si Cynthia sa harap ni Leon.Noong si Leon ay nasa lugar ng mga Shear, saglit na nakipaglaban si Cynthia kay leon at alam niya na maaaring isang martial artist si Leon.Gayunpaman, hindi gumamit ng kahit anong true energy si Leon, kaya naisip ni Cynthia na masyadong mababa pa rin ang lebel ni Leon. Siguro ay nasa initial o intermediate stage siya ng Acquire State, malayo ito sa kakayahan ni Cynthia.Walang l
Syempre, may plano pa rin si Cynthia kapag umabot ito sa pinakamasamang sitwasyon. Kahit na hindi niya mapigilan ang kalaban niya, basta’t makatakas si Leon at matawagan ang mga Shear, ang mga kalaban nila ay hindi hahawakan si Cynthia!“Alamin mo ang lugar mo!” Ngumiti ang leader at sumuntok niya ng may malakas na pwersa si Cynthia, tumama ito sa atake ni Cynthia!Boom!Nagkaroon ng malakas na tunog, hindi kumibo ang leader.Sa halip, lumipad sa ere si Cynthia habang bumagsak siya ng mabigat sa lupa.“Ugh…”Noong bumagsak si Cynthia sa lupa, umubo siya ng dugo.“Intermediate… Innate State!” Nabigla si Cynthia, hindi niya pinansin ang mga sugat niya.Noong naglaban sila kanina, naramdaman niya na hindi lang nasa Initial Innate State ang kalaban niya, nasa Intermediate Innate State ito!Ang ganitong klaseng kakayahan ay nagbibigay sa lalaki ng titulo bilang true expert sa mga batang henerasyon sa Springfield City!“Cynthia, a-ayos ka lang ba?”Nabigla si Leon sa nakita niya.