Para sa espesyal na selebrasyon ng kaarawan ni Prim ay minabuti ni Matthew na masolo ang asawa. Bagama’t hindi sanay ang asawa na hindi kasama ang mga anak, ay kinondisyon na nito ang kanyang isipan na silang dalawa lang ang aalis.
Tinitigan ni Matthew ang mga dalawang plane tickets na iyon. Surprise niya iyon kay Prim. He wanted to celebrate her birthday sa isang isla sa may Polillo Island. Naaalala niyang nakapunta na rin naman sila noon dito kasama ang kanyang ama at si Troy.
Maganda ang vacation package ng Balesin na nakuha ni Matthew. Nag-file na rin muna ng one-week vacation sa trabaho si Matthew.
“Are you sure…one week- vacation?” Hindi makapaniwala ang babae. “Anong gagawin natin doon ng isang linggo?”
“Trust me, Honey!” Nakapunta na roon si Prim kasama ang kanyang ama pati si Troy at ang mga bata. “Maraming puwedeng gawin doon. Hindi mo lang nagawa with Troy. You can do it with
Nasa tapat na sila ng Parker Suite kung saan ang itinalagang kuwarto para sa kanila. Nagtitigan pa ang mag-asawa sa may pintuan habang mahigpit na hinahawakan nito ang mga kamay ni Prim. “Let’s fill the night with love, Honey!” Nasa labas pa lang sila at hot na hot na si Matthew. Tumugon ang asawa at nakita niyang ninanamnam nito ang bawat dampi ng kanyang labi. Binuhat niya ang babae at tuluyan itong ipinasok sa loob ng kuwarto. Tuluyang nilang nilubos ang magdamag habang manaka-nakang nagpuputukan pa rin ang fireworks sa labas. Gabi-gabi rin kasing nagkakaroon ng fireworks sa Balesin. Nagliliwanag pa rin ang kalangitan habang may dalawang pusong lubos na naliligayahan sa kanilang pinagsasaluhan. Nagising ng maaga si Prim sa kabila ng patang pata nitong katawan. Napaupo siya sa dulo ng kutson habang hila ang comforter na itinakip sa kanyang katawan. “That’s for the wonderful experience
Tahimik si Mia habang pinagbagtas nila ang daan pauwi sa kanila. Hindi pa niya natatanong ang anak kung anong nangyari at nasampal siya ni Prim. Hindi rin pinalampas ni Mia ang pangyayari at sinabihan ang anak. “Pinayagan kitang gawin ang gusto po, para layuan silang dalawa. Masaya ka dahil kay Dea, fine! Hindi na ako tumutol kahit na alam kong maling-mali ang gagawin mo. Nakiusap ka noon sa akin, Prince. Nangako ka rin.” “Mama…” “Gusto ko, pareho kayong maging masaya ng kuya mo. Wala na siyang naaalala kahit isa. Permanent na ang amnesia niya. Kahit kailan ay wala na siyang maaalala kung sino siya dati. Mukha lang ang patay. Nabago mo ang katauhan niya. She was able to adapt and live a simple life just like what you want. You made yourself a god, Prince.” Nakayuko lang si Prince. “I thought, I could forget Prim.” “So, nagbago na naman ang i
Hindi inasahan ni Prim ang kanyang dinatnan sa loob ng kanilang kuwarto. Si Matthew dapat ang kanyang sosorpresahin dahil kaarawan nito ngunit siya pa ang sinorpresa ng asawa. Sa katunayan ay parang wala namang nagbago. Nandoon pa rin ang kanilang puting comforter. “Surprise!” Naguguluhan si Prim. Nasaan ang surprise? Bahagyang ibinukas ni Matthew ang kumot at nasa ilalim nito ay punum-puno ng talulot ng pulang rosas. HInila siya ng asawa sa dulo ng kanilang kama. Tumayo silang dalawa doon tulad rin ng nangyari noon. “Ano ba itong ginagawa natin, Matthew?” “Nai-excite ka ba, Honey? Let’s just do it slowly. Huwag nating minamadali ang lahat tulad ng bilin ni Mama. Let’s feel the calm of the night.” “Ay sus! Matthew, matulog na nga tayo! Alam mo namang may flight pa ang mga bata.” “Hapon pa naman ang flight natin.” Pinindot nito ang remote control n
Buo ang suporta nina Matthew at Prim sa book signing ng mga anak. Tumawag din ng araw na iyon si Editor Carla. Nakarating sa kaalaman ng magaling na host ng Ellen Show ang tungkol sa mga libro ng triplets at magandang oportunidad daw iyon upang makilala ang mga bata. “What do you think? Kaya pa naman yata ng schedule ng mga bata. That is in two-days’ time from today,” sabi ng magaling at mabait na editor. “Ma’am Carla, I’ll let you know. Kakausapin ko po muna ang mga bata at si Matthew,” tugon niya. Hindi naman siya solong nagdedesisyon ng mga bagay-bagay sa mga anak. Isinasangguni muna niya ito bago rin siya mag-suggest kung ano ang makabubuti until they arrive at a certain decision. Pagkatapos maghapunan ay kinausap niya ang mga ito. Excited naman sila pero nasa mukha ni Matthew ang pag-aalala. Pinapasok na niya sa sari-sariling kuwarto ang mga anak. Nag-good night na ang mga ito sa kanila.
Maging ang mga kasambahay sa mansion ng mga Aragorn ay napuno ng takot. Kaliwa’t kanan ang tawag ng mga kamag-anak ni Prim ng malaman na nasa ibang bansa pala sila. Nakahinga sila ng maluwag ng sabihin ni Prim na nasa quarantine facility na silang mag-anak. Halos isang araw lang ang pagitan ng kanilang uwi ni Matthew. Si Primo ay humingi rin ng permiso na kumustahin ang anak. Lihim na nagkaiyakan ang mag-ama. “Papa, mag-iingat kayo riyan!” “Kami ba naman eh, mahahawa pa? Nandito na nga kami sa loob.” Narinig pa nito ang tawa ng ama. Ngunit hindi mo masasabi ang virus dahil hindi ito nakikita. Kahit saan ay puwedeng kumapit. Makakarating ito sa maraming tao ng hindi niya inaasahan. “I love you, Papa.” “I love you, Iha. Pakikumusta na lang ako sa mga apo ko at sa iyong mama.” Napaiyak si Prim. Na-miss niya ang kanyang ama. Hin
Dumating ang Marso, maagang nagpa-harvest ng mga ubas si Matthew. Maging siya ay tumulong sa pag-aani. Tinawagan rin niya si Prince upang makatulong dahil marunong itong gumamit ng mga makina sa pag-aani ng mga ito. “Kumusta kayo ni Maxine?” Inihagis nito ang helmet at gloves habang nasa gilid sila ng maliliit na tila traktora. “Okay lang! I see to it that she goes home after work.” “Kailan ang kasal?” “Ayaw ni Mama, nadala sa iyo. Ayaw niyang magpadalus-dalos kami ng desisyon.” “Bro, I got 11-year-old children already and you…?” “Makakahabol pa naman,” natatawang sabi ni Prince. Nag-overtime din sila ni Matthew at pati si Mr. Robinson ay tuwang-tuwang makita ang dating mga bata kasa-kasama ni Mr. Andrew Aragorn. Tinapik niya ang mga ito. “Tiyak na matutuwa ang inyong ama,” aniya. Nakiumpok muna ang ka
Maagang pumasok ang mga bata. Nakisalo naman ang mag-asawa sa almusal nila kahit hindi pa sila halos nakakatulog. Mas marami pa kasi silang kuwentuhan bago matulog. Habang tumatagal sila sa kanilang pagsasama ay mas nai-enjoy ni Prim ang pakikipagkuwentuhan kay Matthew lalo na’t magkatabi sila sa kama. Hindi nila namamalayan ang oras. Hindi nila alintana ang pagod sa trabaho basta’t nagkuwento na si Matthew. “Bakit ba tawa ka ng tawa kahit walang nakakatawa?” “Bakit ka naiinis?” “Nakakasuya kang kausap. Nagpapa-cute ka ba sa akin, Ms. Watanabe?” “Hoy, Mr. Aragorn! Alam kong cute na cute ka na sa akin dati kaya huwag kang denial king diyan?” “Tawa ng tawa, gustong mag-asawa!” Hinampas na siya ni Prim. “Eh, 'di matulog na tayo!” Pero, hindi naman kaagad matutulog si Matthew. Iniinis lang talaga niya si Prim. &nb
Buong taon ding nag-abang si Prim ng magandang balita. Pinag-aralan na rin niya ang Natural Family Planning method and she has been secretly monitoring her temperature bago siya gumising sa umaga, even before Matthew opens his eyes. Hindi pa naman siya magmi-menopause. Matthew is an active soul at his peak kaya no need for sperm counting for him. She’s beginning to doubt kung mabubuntis ba siya ngayon. Baka lalo nang malabo iyong mangyari lalo pa’t aalis si Matthew. She just prayed; he could come back on time bago pa isara ang lahat ng mga daanan patungong Metro Manila. March 13 12 midnight Umalis si Matthew patungong Ilocos. Wala siyang nagawa kundi tingnan ang operasyon doon. Kasalukuyan na daw nagsasagawa ng pag-aani ng mga ubas sa mga oras na iyon. “Kailangan mo ba talagang umalis? Mag-utos ka na lang ng iba
Matagal ang recovery ng mga tadyang ni Matthias. But the miraculously heal on its own. Hindi na kailangan ng surgery. After six months, Matthias is beginning to respond. Si Matthew ang mas madalas na dumadalaw sa anak dahil buntis na si Prim.Natapos na ang therapy ni Matthias. Parang walang bakas ng aksidente sa kanyang katawan. Normal na ang kanyang paglalakad. Hindi na niya kailangang i-wheelchair o kaya ay magsaklay. Clear na ang kanyang mga laboratory test.Nainggit siya sa maraming kasiyahan na hindi man lang siya nakasama dahil patuloy pa itong nagpapagaling.“Mommy, please go home!” Iyon ang mga unang salita ni Matthias sa ina ng magkamalay ito.Sa ospital nagpagaling si Matthias. Hindi siya iniuwi kaagad. Minabuti rin ni Matthew na matapos nito ang kanyang recovery period at maging ang kanyang therapy. Hindi nakahabol sa graduation si Matthias ngunit puwede itong sumabay sa gradu
“I love you, Matthew,” bulong ni Prim sa asawa. Pinagmasdan niya ito habang himbing na himbing sa kanyang pagkakatulog. Ni hindi ito nagmulat ng mga mata ng idampi nito ang kanyang labi sa kanyang pisngi. ”Pagud na pagod ang ang aking mahal na asawa!” Napangiti siya kay Matthew. Madaling araw kasing gising ang mga babies at ayaw namang tulugan ni Matthew ang mga ito. Nilalaro pa talaga niya ang mga sanggol na wala namang kamuwang-muwang sa oras. Aliw na aliw talaga siya. Sina Helen at Carol ang tumutulong sa pag-aalaga sa kanila kapag hindi nagising si Matthew sa sobrang puyat. May segment din si Matthew dahil first time niyang mag-alaga ng mga babies. Hindi pinalampas ng Teo at Thea ang mga stolen moments ng ama kasama ang kambal na lalaki ng mga Aragorn. Pinagtawanan siya habang pinag-aaralan kung paano bihisan ang mga sanggol. Takot na takot siyang buhusan ng tubig ang mga ito habang pinaliliguan. Pinandidilatan
Kinabukasan ay parang batang nagyaya si Matthew sa mga anak na maglaro ng Hide and Seek pero sa loob lang ng mansion. Gusto lang niyang libangin ang kambal. Maiba ang taya at si Teo ang naiiba sa lahat. Tuwang-tuwa ang kambal, first time nilang maglalaro ng tagu-taguan. Hindi nila magagawa iyon dahil dalawa lang naman sila at maliit lang ang buong bahay. Wala silang masyadong tataguan. Saka lang sila nakakapaglaro kapag dumating ang kanilang nakatatandang kapatid. “Kasali si Mommy?” tanong ni Thea. “Oo naman. Baka mamaya siya pa ang magturo kung saan tayo nagtatago ‘yung mga kasali. Isasama ko siya,” sabi ni Matthew. “Bakit mo ba ako idinadamay sa laro ninyo. Pagod ako.” “Halika na!” Nagsigawan ang kambal dahil gusto nilang sumama sa ina ngunit sinenyasan ni Matthew si Thea na isama ang kambal. “Let’s go and hide. Dali!” Tak
Hindi nagpaunlak si Matthew sa kahit na kanino upang magpa-interview sa kanyang ginawa para sa asawa. Ipinataboy niya ang mga media na sumadya mismo sa winery at hindi na pinapasok ang mga ito. Minabuti niyang dalawin ang mga anak sa tahanan ng ma ito sa Rivera. Ginamit niya ang buzzer. Pinagbuksan siya ng kasambahay ngunit nagtaka siya dahil walang bata ang sumalubong sa kanya. Tahimik ang buong bakuran. Napasilip pa siya dahil baka nagtatago lang. Madala kasing gulatin siya ng mga ito. Pinapasok pa rin naman siya sa loob. “Nasaan sila? Nasaan ang mga bata?” “Ay, Sir… umalis po sina Ma’am. Kasama po niya ang mga bata. Hindi po ba nagpaalam sa inyo?” “Saan nagpunta? Namasyal ba?” “Eh, may dala pong mga maleta.” Napatakbo si Matthew sa kuwarto nina Prim. Wala na ang mga damit ng mga ito. Tinungo niya ang kuwarto ng kambal ngu
Six months later… Nagulantang ang buong Kamaynilaan ng pumailanlang ang panawagan na iyon ni Mr. Aragorn. Kitang-kita sa malalaking LED billboards ang kanyang pagsusumamo kay Prim na patawarin na siya nito. Napahinto ang ilang mga sasakyan upang basahin ang isang tila mala-MMK na love letter ng isang CEO sa kanyang pinakamamahal na asawa. It is an open letter. It is a humble peace offering that he hoped, Prim would be able to reconsider. “Dear Prim, I know, I broke the promise I made. For an instant, I was a dumb. However, this dumbfool asks for your forgiveness. Forgiveness which may not even make you forget. But what I can do is to help you heal the wound I have caused you. I want to repair the wrong things I have done. I want to fill our remaining years with all the love that a man could give. It is only when I am with you that I make happy and beau
Dahan-dahang inalis ni Matthew ang pagkakaipit ng kanyang braso sa ulo ng kambal. Himbing na himbing ang dalawa. Dinig niya ang seryosong kuwentuhan ng mag-iina sa sala paglabas niya ng master’s bedroom. Naupo siya sa tabi ni Teo. “Pakihilot nga,” baling nito sa katabi. Nangalay ang kanyang braso kaya ipinamasahe niya ito sa anak niyang binata. Nasa sala sa ikalawang palapag ang mag-iina at nagkukuwentuhan. “Kumusta naman ang tulog mo, Mr. Aragorn?” nakangisi pang tanong ni Prim sa asawa. Umiling ito. Hindi niya inasahan ang nangyari. Kasalukuyang paakyat naman si Thea dala ang miryenda. Nagpaluto si Prim ng ginataang bilo-bilo. Susubo pa lang si Prim ay narinig na niya ang sigaw ng kambal. Natigilan si Matthew ngunit sina Teo at Matthias ang nagpunta sa kuwarto upang kunin sina Marcia at Mitchell. Dinig ni Matthew na siya a
Wala sa sarili si Prim ng umagang iyon ng pumasok siya sa Eufloria. Magkahalong kaba ngunit may saya sa puso niya ng muli silang magniig ni Matthew. Biglaan lang ang lahat at hindi niya inasahan. Matinik pa rin ito sa babae at hindi naman siya makatanggi. Nanaig pa rin ang kanyang pagiging asawa dito. “Patawarin mo ako, Prim. Alam kong malaki ang nagawa kong kasalanan sa iyo at sa mga bata. Inaamin ko dahil masyado akong nagpadala sa selos. Nagalit kaaagad ako. Baka puwede mo akong bigyan ng huling pagkakataon upang patunayan sa iyo na mahalaga ka sa akin at ang mga anak natin.” “Puwede pa ba tayong magsama?” “Puwede pa kung mpapatawad mo ako. Magtiwala ka sa akin.” “Kahit magtiwala ako ng isang daang beses sa iyo kung hindi ka marunong magtiwala sa akin, magtatagal ba tayo?” “Prim, patawad! Patawarin mo ako.” Nakaluhod si Matthew sa harapan ni Pr
Pumayag na rin si Maxine na kunin ang isa sa kambal ni Prim upang magkaroon sila ng anak. Hindi naging matagumpay ang surrogacy nila sa ibang bansa. After trying for three years ay bumalik na lang sila sa Pilipinas. Akala ni Prince ay madali lang ang procedure ng surrogacy tulad ng ginawa kay Prim ngunit nakapag-isip-isip siya na hindi naman surrogacy ang kaso ng babae noon. Iyon lang ang pinalabas ni Dea upang pagtakpan ang kanyang pagkukulang. Muli siyang binuntutan ng dating gunman. Muli rin itong nagpakita sa kanya kaya nilimitahan na niyang muli ang paglabas ng umaga. Sinikap niyang hindi siya makikilala kapag lumabas siya. Pinuntahan ni Prince si Prim sa Eufloria upang pagbantaan na kukunin ang isa sa kambal. Gulat na gulat ang babae ng makapasok ito sa flowershop. “Nice to see you again, Prim.” Ibinaba nito ang kanyang red cap. “Sinong may sabing puwede kang umak
Hindi nagtagal si Matthew sa Japan. Bumalik din siya kaagad matapos sabihin ni Jude na pupunta ito sa mansion. Dala na nito ang kompletong report ng kasong pinaiimbestigahan niya. “Masyado ka namang busy ngayon ha! That’s good. Atleast, hindi ka mukhang problemado.” “Malaking problema dahil nakita kong bumalik na si Prince at Maxine.” “Si Prim na lang ang intindihin mo. Hayaan mo na ang kapatid mo. May sarili na rin siyang buhay.” “Exactly, let’s see what we got here.” Inilapag ni Jude ang folder sa ibabaw ng mesa. Nagkatinginan silang dalawa at nanatiling tahimik. “Nandito ang kompletong report ng Crime Lab at ng mismong ospital na sumuri sa katawan ni Mrs. Mia Aragorn. Read it for yourself. Madaling intindihin ang mga iyan. Puwede ko ring ipaliwanag kung gusto mo.” Hinigpitan ni Matthew ang hawak sa folder. Mahalagang mala