Linnea POV Kanina pa ako nakarating sa bar, parang gusto ko muna magpakalasing ngayon dahil sa sakit na nararamdaman ko. Alam kung walang magandang maidudulot ang alak at sakit lang sa ulo pero pakiramdam ko ay ito lang ang makakatulong sa akin ngayon. Hindi ko matanggap na aabot kami sa ganito lalo na't kasal na kami at may anak pa. Hindi ko alam na ganito na lang magkakagulo ang pamilya na meron kami. Hindi ko lubos maisip kung bakit nagawa sa akin ni Hunter ang bagay na ito, na bakit nagawa niyang mambabae at sa mismong loob pa ng opisina. Ilang beses na din tumawag sa akin si Hunter pero hindi ko ito sinasagot maski si Aiden ay tumatawag din sa akin pero kahit siya ay hindi ko sinagot. Ayaw kung makipag usap sa kahit kanino ngayon. At dahil inom lang ako ng inom ay hindi ko na namalayan ang oras, inabot na ako ng gabi at nakakaramdam na din ako ng pagkahilo. Kaya binayaran ko na ang nainom ko at pagpapasya ng lumabas ng bar. Hindi nga ako nagkakamali dahil paglabas ko ay madili
Ciara POV Kararating ko lang ngayon sa bahay namin, nakalimutan kung tawagan si Linnea at sabihin na bumalik na ako. Hindi ko kasama ang anak ko dahil hindi pa ito ang tamang panahon, kailangan ko munang ayusin ang gusot sa pagitan namin ng kanyang ama. Tiningnan ko ang relo ko at saktong 6pm na, medyo matagal ang naging biyahe ko dahil na din sa traffic kahit na maaga akong umalis sa Tagaytay. Mabuti na lang at kumain na ako sa labas bago umuwi dahil wala pa akong grocery sa bahay. Nagpasya na lang muna ako maligo kasi naisipan kung mag bar muna. Saktong 7:30pm na ako nakatapos mag ayos kaya kinuha ko na ang maliit kung bag at umalis na ng bahay. Nag book na ako ng grab dahil ayaw kung magdala kotse, napagod na kasi akong magdrive. Saktong 8pm ay nasa bar na ako dahil hindi naman kalayuan 'yon dito sa bahay, umupo na ako sa bar counter at umorder ng tequila. Sinasabayan ko lang ang bawat tugtog ng music habang nag iinom. Halos isang oras na akong uminom pero hindi pa ako nakakar
Linnea POV Tatlong araw na ang nakalipas ng mangyari ang sagutan namin ni Hunter, ilang beses niya na din sinubukan na kausapin ako pero hindi ko siya pinapansin. Hindi pa ako handa na makinig sa mga sasabihin niya, sadyang nandito pa din ang sakit at sa tuwing nakikita ko siya ay bumabalik sa alaala ko ang nakita ko. Ilang beses ko na din tinangka na umalis pero nahuhuli lang ako ng mga tauhan ng asawa ko, hindi na bago sa akin 'yon dahil alam ko na pinabantayan ako sa kanila at sigurado naman ako na si Hunter ang susundin nila kaysa sa akin. At ngayon ay nandito na naman ako sa kwarto kaharap ang asawa ko, sinubukan ko na naman kasing tumakas pero kagaya ng nakaraang araw ay nahuli lang din ako. Kaya umuwi dito si Hunter kahit na nasa opisina ito. "Hindi ka ba talaga madadala Linnea? Paano kung nabalian ka ha!" singhal niya sa akin, dumaan kasi ako sa bintana. "Paalisin mo na kasi ako." anas ko. "No! Ilang beses ko bang sasabihin 'yan sayo. Walang aalis sa pamamahay na ito." di
Aiden POV Nasa kotse na ako ngayon pauwi sa condo ko, dumaan pa kasi muna ako sa bahay nila Hunter dahil may kailangan akong kunin. Hindi pa sana ako uuwi ngayon pero dahil nasa bahay si Ash kaya wala akong ibang choice kung hindi ang umuwi. Naalala ko na naman ang nangyari sa amin no'ng nakaraang araw ni Ciara, hindi ko inakala na magkikita kami ulit pagkatapos ng apat na taon. Ng makita ko siya ay umusbong agad ang galit ko para sa kanya na kahit ilang beses pa siyang humingi ng tawad ay hindi ko pinakinggan. Para ano pa at nagsosorry siya sa ginawa niyang pang iwan? Hindi na maibabalik ang apat na taon na naging miserable ng buhay ko. Hindi din nagtagal ay nakarating na ako sa building kung saan ang condo ko, pinark ko lang ang sasakyan ko at dumiretso na sa elevator. Pinindot ko kung saang unit ako, mabuti na lang at wala akong nakakasabay kaya mabilis akong nakarating sa floor kung nasaan ako nag iistay. Pagbukas ko ng unit ko ay tumambad sa akin si Ash na prenteng nakaupo hab
Hunter POV Kakarating ko lang sa bahay dahil maaga akong umuwi dahil maaga na natapos ang meeting na pinuntahan ko. Dumiretso na ako ng uwi at hindi na bumalik pa sa opisina. Mabilis kung ipinark ang kotse ko at pumasok na sa loob. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin tinatanggal ang paglolock sa kwarto pag umaalis ako, pinapabuksan ko lang ito sa mga tauhan ko kapag dinadalhan na nila ng pagkain ang asawa ko mabuti na lang at hindi niya na tinangkang tumakas, siguro ay napagod na din siya dahil hindi naman siya nakakaalis. Pagbukas ko ng kwarto ay hindi ko nakita si Linnea aat wala naman akong naririnig na lagaslas ng tubig. Nagbihis na lang muna ako habang hinihintay siya dahil baka nasa loob lang ng banyo. Pero inabot na ng ilang minuto ay wala pa ring Linnea na lumabas. Tumayo na ako at naglakad papunta sa banyo, ng pihitin ko ito ay hindi ko mabuksan at nakalock. Ilang beses ko na kinatok pero wala akong naririnig kaya mabilis akong nagpunta sa cabinet at kinuha ang duplicate na
Ciara POV Nagising ako dahil sa sunod sunod na tunog ng doorbell sa labas, sino naman kaya ang pupunta ng ganito ka aga. Panira ng tulog! Kapag talaga si Linnea ito ay masasabunutan ko ng bongga. Napuyat talaga ako kagabi dahil pag uwi ko ay iyak lang ang ginawa ko. Nagmadali akong bumangon at lumabas papunta ng gate para tingnan kung sino ang sumira ng tulog ko. Papikit pikit pa ako habang binubuksan ang gate. "Mommy!" sigaw ng anak ko pagbukas ko. Doon ako nagising ng tuluyan. "Sierra anong ginagawa mo dito?" tanong ko. "Kasama ko si tito." masiglang sagot niya at mayamaya pa ay nakita ko si kuya na pababa ng sasakyan. Pumasok na ako ng bahay habang karga karga ang anak ko na sobrang na miss ko, kasunod naman sii kuya na bitbit ang mga gamit ni Sierra. "Bakit hindi mo sa akin sinabi nal luluwas kayo, edi sana nakapagluto ako." anas ko sa kuya ko. "Kagabi pa ako tumawag sa'yo, hanggang kanina ay tinatawagan kita pero hindi mo sinasagot. Okay lang dahil umorder na ako ng pagka
Aiden POVNandito ako sa mall ngayon dahil may kinita akong kliyente, mabuti na lang at natapos na dahil kanina pa ako nakakaramdam ng bored. Kung hindi lang talaga asset 'tong matanda na ito ay hindi ko siya sisiputin.Nag ikot ikot muna ako dahil baka may makita akong pwedeng bilhin, hindi naman din ako kakain dahil busog pa ako. Naghanap lang ako ng pwedeng bilhin bago umuwi.Habang naglalakad ako ay may nakabangga akong batang babae kaya natumba ito dahil na din siguro sa lakas ng pagkakabangga nito sa akin.Mabilis ko naman itong tinulungan para tumayo. "I'm sorry mister. hindi ko po kayo napansin." hinging paumanhin nito sa akin.Sandaling napatitig ako sa bata dahil may kakaiba akong nararamdaman dito, pero nabalik ako sa wisyo ng iwagayway nito ang kanyang kamay sa mukha ko."Why are you staring at me?" she asked."Nothing, may naalala lang ako. By the way sino ang kasama mo?" tanong ko sa kanya.Nagpalinga linga naman ito na wari'y may hinahanap. "Ang mommy ko po ang kasama k
Linnea POV"Anong iniisip mo?" tanong ko sa asawa ko, kasalukuyan kaming nakahiga.Matapos naming makapag usap ng maayos kanina ay sakto naman na pagdating ng anak namin, nagulat pa nga ito ng maabutan kaming magkayakap. Pagkatapos no'n ay sabay sabay na kaming kumain."Iniisip ko lang ang sinabi mo sa akin, hindi lang ako makapaniwala na may anak na si Aiden." sagot niya naman sa akin."Natural na magkaanak 'yon kasi lalaki siya baby at isa pa nag sasama na silang dalawa dati, knowing Aiden parang ikaw lang 'yan eh." pagbibiro ko."Iba naman ang sitwasyon nila kaysa sa atin baby, tayo naman hindi naghiwalay. I wonder kung ano ang magiging reaksyon ni Aiden kapag nalaman 'yan.""Tinatanong pa ba 'yan? Syempre magagalit 'yon. Hindi pa nga sila nagkaayos tapos ito na naman." kako.Napansin ko naman ang pagyakap nito sa akin ng mahigpit. "Let them be, magkakaayos din sila lalo na't may anak sila.""Paano kapag hindi?" pag aalala ko."Nasa kanila na ang desisyon para sa pamilya nila, kung
Linnea POVPapunta kami ngayon ng asawa ko sa ospital kung nasaan ang best friend ko, hindi ko man lang alam na may pinagdadaan pala siya dahil hindi niya naman sinasabi sa akin. Kagabi ko lang nalaman ng tumawag si Aiden kay Hunter at nabanggit niya ang kalagayan ni Ciara. Honestly I feel bad dahil alam kung kailangan niya ako pero wala man lang ako sa tabi niya habang siya ay naghihirap."Are you okay baby?" tanong ng asawa ko."Ayos lang naman ako, iniisip ko lang si Ciara. Hindi ko man lang alam na may malubhang sakit siya." sagot ko sa kanya."Don't think too much, baka hindi niya lang sinabi sayo dahil ayaw ka niyang mag alala. Everything will be okay.""Hindi ko lang mapigilan kasi na hindi mag isip, syempre hindi naman pang karaniwan na sakit lang ang meron si Ciara tapos buntis pa siya." anas ko."Nandyan naman na si Aiden, alam kung hindi niya pababayaan si Ciara, mabuti nga at nagkaayos na silang dalawa at alam mo naman na malakas 'yang kaibigan mo at hindi siya susuko lal
Ciara POVIsang linggo na ang nakalipas simula ng magpunta dito sa ospital si Aiden dahil nalaman niya na ang tungkol sa sakit ko at tama nga ang naging hinala ko na si kuya ang nagsabi sa kanya ng bagay na ito. Simula ng araw na 'yon ay madalas ng nandito siya para alagaan ako kahit na ilang beses ko ng sabihin sa kanya na hindi niya kailangan gawin ang bagay na 'yon pero masyado siyang mapilit.Alam na din ng anak namin ang kalagayan ko at minsan nandito siya pero inuuwi din ng kapatid ko dahil hindi siya pwedeng manatili ng matagal dito sa ospital.Sa nakalipas na mga araw ay ramdam ko na ang panghihina, pero hindi pa din ako papayag na magpaopera. Kung may mawawala man sa mundong 'to ay sisiguraduhin ko na hindi ang anak ko. Matagal na akong nabuhay at hindi ko ipagkakait sa anak ko na masilayan ang ganda ng mundo.Alam ko na kahit mawala ako ay nandyan si Aiden para sa kanila at sigurado ako na hindi sila pababayaan nito at kahit na may makilala man siya na bagong babae sa kanyan
Bryan POVPagkatapos kung macheck si Ciara ay agad din siyang nakatulog, kailangan niya kasi ng pahinga dahil sa sitwasyon niya. Naiintindihan ko kung bakit ayaw niyang magpaopera dahil alam kung hindi madali sa kanya ang magdesisyon.Kasalukuyan akong nakaupo sa opisina ko habang kaharap si Aiden, ngayon ko lang ito nakita. Kailangan ko siyang kausapin tungkol sa kalagayan ni Ciara."Tatapatin na kita Aiden, hindi maayos ang lagay ni Ciara kaya kung wala kang balak na ayusin ang relasyon niyo sana lang ay huwag muna siyang saktan pa. She is like a sister to me dahil best friend ko ang kuya niya. Hindi siya pwedeng ma stress a kalagayan niya." panimula ko."Wala naman akong balak na gawin ang bagay na 'yon sa kanya. Bago ako nagpunta dito ay alam ko na ang magiging desisyon ko at 'yon ay ang ayusin ang pamilya ko." sagot niya naman sa akin."Hindi ba at pinuntahan ka ni Sky para kausapin? Sigurado ka na ba? Hindi ka lang ba napipilitan dahil may sakit siya? Alam mo naman na mas mabuti
Aiden POV Napansin ko ang pagtahimik ni Ciara, alam kung hindi madali sa kanya ang maniwala sa mga sinasabi ko at alam kung iisipin niya na napipilitan lang ako o kaya dahil lang sa sinabi sa akin ng kapatid niya. Nang sinabi sa akin ni Sky ang tungkol sa sakit ni Ciara ay bigla akong natauhan, hindi pwedeng hayaan ko na lang siyang sumuko at maiwan kami ng tuluyan. Ang nasa isip ko ay kailangan ko siyang mapapayag na magpa opera para tuluyan ng gumaling. I need to do everything to convince her. Kaya ng matapos kaming mag usap ni Sky at hindi na ako nagdalawang isip at pumunta agad sa ospital kung nasaan si Ciara. Alam kung mahihirapan akong kumbinsihin siya na magpagamot pero kailangan kung malaman ang totoong rason niya. Hinila ko ang upuan sa tabi niya at hinawakan ang kanyang mukha kaya nagtatakang tiningnan niya naman ako. "Now Ciara tell me, ano ang dahilan kung bakit ayaw mong magpagamot? At paano mo nasabi na masasaktan ako?" tanong ko sa kanya. Nanatili siyang nakatitig s
Ciara POV Kanina ko pa hinihintay ang pagdating ni Kuya dahil ang sabi ni Bryan ay umalis daw ito saglit at may kailangan na puntahan pero ilang oras na ang nakalipas ay hindi pa rin siya bumabalik. Mayamaya pa ay bumukas ang pinto kaya napangiti ako sa pag aakalang ang kapatid ko na 'yon pero ng makilala ko kung sino ang pumasok ay mabilis na nawala ang ngiti sa labi ko. "A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. "Kailan pa Ciara?" "Anong pinagsasabi mo? At paano mo nalaman kung nasaan ako?" anas ko at iniwas ang tingin ko sa kanya. "Hindi na mahalaga kung paano ko nalaman o kung sino ang nagsabi sa akin. Alam ko na alam mo kung ano ang ibig kung sabihin. Bakit? Bakit hindi mo sinasabi sa akin?" bakas sa kanyang boses ang hinanakit. Napayuko ako dahil hindi ko kayang salubungin ang seryosong tingin na ibinibigay niya sa akin. Hindi ko alam kung paano siya napunta dito pero sigurado akong may kinalaman ang kapatid ko. "Answer me Ciara, bakit?" pag uulit niya. Nanatili pa
Aiden POV It's been a month simula ng pinalayas ko si Ciara sa bahay at hanggang ngayon ay wala akong naging balita sa kanya. Sinubukan ko din na ipahanap siya pero walang nakakaalam kung nasaan siya at kahit na kapatid niya ay sinubukan kung tanungin pero wala itong maibigay na sagot sa akin. Hindi ko din matanong ang mag asawang Silvestre dahil alam kung wala din silang alam dahil nasa ibang bansa sila ngayon kasama ang anak nila para magbakasyon. Ilang beses na din ako tinanong ng anak naming si Sierra at palagi ko lang sinasagot ay may inaasikaso ito. Hindi ko sinasadya na paalisin siya sa puder ko, masyado lang ako nadala ng emosyon ko dahil ayaw niyang sabihin sa akin ang totoo sa tuwing tinatanong ko siya and I hate it. Kaya kinabukasan ay hinanap ko siya pero hindi ko talaga makita, ilang beses ko din siya sinubukan na tawagan pero walang sumasagot. Kasalukuyan lang akong nasa bahay dahil hindi ako pumasok ng opisina, hindi din naman ako makakakapagconcentrate dahil sa kaka
Bryan POVNagdadrive ako ngayon pabalik sa bahay nila Aiden at dahil nakalimutan ni Ciara ang kanyang phone kaya wala akong choice kung hindi ang ibalik sa kanya ito kahit nagsimula ng umulan.Habang papalapit ako sa bahay nila ay napansin ko ang babaeng nakasalampak sa labas ng gate at hindi ako pwedeng magkamali alam kung si Ciara 'yon.Mabilis akong bumaba sa kotse ko at pinuntahan siya."Ciara?" pagtawag ko sa kanya, ng una ay hindi niya ako pinapansin at patuloy lang siya sa pagtawag sa pangalan ni Aiden.Kaya lumapit na ako at niyakap siya dahil basang basa na siya."Ciara, what happen?" tanong ko sa kanya."Si A-aiden, p-pinalayas niya ako." "What? That bastard! " galit na saad ko."Halika na at baka magakasakit ka pa, huwag mo muna isipin ang lalaking 'yon." anas ko at inalalayan siya pero hindi pa siya nakakatayo ng mawalan ito ng malay. Kaya kinarga ko na siya papasok ng sasakyan at nagdrive pabalik ng hospital.Isang oras pa ang lumipas bago kami makarating sa hospital at
Aiden POV Maaga akong umuwi ng bahay dahil maagang natapos ang meeting ko at wala naman na akong gagawin pa sa opisina, pagpasok ko sa loob at agad kung napansin na wala na naman si Ciara. Saan kaya nagpupunta ang babaeng 'yon? Halos isang buwan ko ng napapansin na mas lalong napapadalas ang pag alis niya pero kapag tinatanong ko naman siya ay palagi niyang sagot na may pinuntahan lang siyang kaibigan. Kung hindi ako nagkakamali ay palagi silang magkasama no'ng Bryan na hindi ko alam kung ano namamagitan sa kanila. Naiinis ako sa tuwing nakikita kung kausap niya ito sa phone o kaya nakikipagkita siya dito. Napapansin ko din ang pagbabago kay Ciara, madalas itong namumutla at unti unti pumapayat kahit palagi naman siyang kumakain, iniisip ko na lang na baka nagpapayat lang talaga siya. Ayaw ko naman tanungin kung may sakit siya o masama ang pakiramdam niya dahil ayaw kung isipin niya na concern ako sa kanya. Naalala ko ng gabing may mangyari sa amin, hindi naman ako lasing na lasing
Ciara POVKahit na tinatamad akong bumaba ay wala akong ibang choice kung hindi ang bumangon dahil gutom na din ako. Umalis kaya si Aiden?Inayos ko lang ang sarili ko at saka lumabas ng kwarto, nang makababa ako ay dumiretso na ako sa dining room at nagulat ako ng makita ko si Aiden na kumakain."Akala ko pumasok ka." saad ko."Sabado ngayon Ciara baka hindi mo alam." sagot niya naman sa akin.Umupo naman ako at kumuha ng makakain, kahit araw ay nakakalimutan ko na din."Ciara about what happen." napatingin ako sa kanya ng iopen niya ang topic na 'yon."No need to worry about it Aiden, hindi din naman kita pinigilan kaya huwag mong isipin na baka maghabol ako dahil hindi mangyayari 'yon. Alam kung lasing ka." saad ko at nakita ko naman ang pagtango niya.Nagpatuloy lang ako sa pagkain dahil wala na namang nagsalita na isa sa amin. Inaalala ko kung paano ako makakaalis ngayon dahil nandito sa bahay si Aiden, mukhang kailangan kung ireschedule muna ang chemo ko ngayong araw."Kailan uu