Ciara POV Maaga akong nagising dahil nakaramdam ako ng pagkalam ng sikmura ko at isa pa ay maaga na naman akong sumuka, ganito siguro talaga kapag buntis kaya kailangan ko ng sanayin ang sarili ko sa ganitong routine. Hindi ko man lang napansin na may dinadala na pala ako dahil busy ako sa pag iisip ng mga bagay bagay at pagsunod kay Aiden. Nakapag isip isip na din ako, pupuntahan ko si Aiden para kausapin at sabihin sa kanya ang tungkol sa anak namin. Sana naman ay makaya ko sa kung ano man ang magiging kahihitnan ng pag uusap namin at kung ano man 'yon ay pilit kung tatanggapin. Tumayo na ako at lumabas papunta sa kusina para kumain ng almusal. Nagluto na lang ako ng hotdog at bacon para mas madali. Kumuha na din ako ng tinapay at nilagay sa plato kasabay ay nagtimpla na ako ng gatas. Ng maayos ko na ang lahat ay umupo na ako para kumain. Pagkatapos kung kumain ay naligo na ako at inayos ang sarili ko, sana lang ay makausap ko ng maayos si Aiden ngayon kahit sa huling pagkakataon
Linnea POV Nandito na kami ngayon sa bus station, hinatid ko kasi si Ciara gusto ko pa sana siya na ihatid na lang sa Tagaytay pero ayaw niya naman dahil baka hanapin na daw ako ng asawa at anak ko kapag ginabi ako ng uwi. Sa totoo lang naaawa ako sa kalagayan ng kaibigan ko, hindi niya deserve ang ganito pero ayaw ko naman na makialam sa kanila kaya nandito lang ako para sa kanya sumusuporta sa desisyon niya sa buhay. Sana lang maging maayos pa sila alang alang sa kanilang anak. Alam ko naman na mahal nila ang isa't isa, sadyang natatabunan lang 'yon ng galit sa ngayon. At alam ko na kaya ito ni Ciara dahil malakas at matapang siya. "So paano ba best, iiwan na muna kita ha?" anas nito sa akin. Niyakap ko naman siya ng mahigpit. "Mag ingat ka do'n ha? Alagaan mo ang sarili mo at si baby, kapag may kailangan ka huwag kang mahiya na tawagan ako. Always update me para naman hindi ako mag alala sa'yo." naluluhang bilin ko sa kanya. "Oo naman! Huwag ka mag alala at tatawagan kita." H
Ilang buwan na ang nakalipas ng umalis si Ciara kasama ang kanyang baby, walang nakakaalam kung nasaan ito maliban sa kaibigan na si Linnea na hanggang ngayon ay walang pinagsasabihan ng katotohanan. Sa mga buwan na 'yon ay malaki ang pinagbago ng binatang si Aiden, simula ng malaman niyang umalis si Ciara at nabasa niya ang sulat na binigay sa kanya ni Linnea ay nagsimula na siyang bumalik sa dati niyang gawi. Madalas siyang laman ng mga bar at iba't ibang babae din ang kanyang kasama. Naging miserable ang buhay niya mabuti na lang at sinasalo na lamang ni Hunter ang mga napapabayaan niyang trabaho. Malaki din ang galit niya kay Ciara matapos siyang iwan nito ng wala man lang pasabi, iniisip niya na iniwan lang siya ng basta basta ng dalaga. At dahil sa pangyayari na 'yon ay pinaniwala niya ang sarili niya na hindi talaga siya minahal nito. Noong mga unang mga buwan ay ilang beses pa siyang nagmamakaawa kay Linnea na sabihin sa kanya kung nasaan ang kaibigan dahil naniniwala siyang
4 years later ... "Mommy, when will I see my father?" taong ng isang batang babae. "Soon baby, just wait for a little. But for now finish your breakfast, para makaalis na tayo diba gusto mong mag mall?" anas naman ni Ciara. "Yes, yes mommy!" masiglang turan ng bata. Hindi maiwasan ni Ciara ang mapangiti dahil sa pagiging bibo ng kanyang anak at minsan naman ay nakakaramdam siya ng lungkot sa tuwing hinahanap nito ang kanyang ama, palagi niya na lang sinasabi na busy pa ito sa trabaho kahit ang totoo ay hindi niya alam kung may asawa na ito. Sa ilang taon na pamamalagi siya sa Tagaytay ay masasabi niyang naging maayos ang buhay nilang mag ina at idagdag mo pa na ang anak niya na kahit 4 year old pa lang ay nakakapagsalita na ito ng maayos. Mukhang namana nito ang katalinuhan sa kanyang ama. Ngayon ay handa na siyang bumalik at harapin si Aiden pero hindi niya muna ipapakita ang kanyang anak dahil hanggang hindi niya pa nakakausap ang binata ay hindi niya pa sigurado kung tatanggap
Linnea POV Nakangiti akong ibinaba ang phone matapos kung makausap ang kaibigan ko, halos apat na taon na simula no'ng umalis siya at masaya ako dahil nakaya niya ang nangyari sa buhay niya. Sana lang ay magkaayos na sila ni Aiden para mabuo na ang pamilya nila. Tumayo na ako para lumabas sana ng kwarto ng mapansin kung nakatayo sa pinto ang asawa ko habang seryosong nakatingin sa akin. "H-hunter.." mahinang sambit ko, halos mamutla na ako. "Yes?". "K-kanina ka pa ba?" tanong ko pero ang totoo ay kinakabahan na ako ng sobra dahil hindi malabong narinig niya kung sino ang kausap ko. "Kakarating ko lang at sapat lang para malaman kung si Ciara ang kausap mo." seryosong turan niya. Halos manlambot ako tuhod ko sa lamig ng pagkaka sabi niya. I'm doomed! "Kailan pa? Kailangan mo pa alam kung nasaan ang kaibigan mo?" dagdag na tanong niya habang papalapit sa akin. "Baby--" "Tinatanong ko Linnea kailan pa?" madiin na wika niya. "S-simula ng umalis si Ciara, a-alam ko na d-dahil ako
Limang araw na ang nakalipas simula ng magkasagutan ang mag asawa Hunter at Linnea, hanggang ngayon ay hindi pa din sila nag aayos na dalawa kahit nagpapansinan ay hindi na nila ginagawa. Ilang beses na sinubukan ng dalaga na kausapin ang asawa pero para lang siyang hangin dito. Minsan ay dinadaan na lang ni Linnea sa pag iyak ang lahat lalo na kapag wala ang kanyang asawa at nasa trabaho ito. Kasalukuyan silang nag aalmusal kasama ang kanilang anak na si Ash na kanina pa pabalik balik ang tingin sa kanila, marahil ay nagtataka din ito kung bakit hindi nag uusap ang kanyang mga magulang. "Mom, Dad magkaaway ba kayo?" mukhang hindi na ito nakatiis at tinanong na ang dalawa. "Hindi anak." "No son." "Are you sure? Bawal magsinungaling. Ilang araw ng napapansin ko po na hindi kayo nagpapansinan." anas ni Ash. "What you said is true Ash, huwag kang magsisinungaling dahil hindi maganda 'yon. No one will trust you if you lie to someone. If you value and love a person you should tell the
Linnea POV Nandito na ako sa harap ng pinto ng conference room, no'ng una ay nagdadalawang isip ako kung tutuloy ako o hindi dahil hindi ko alam kung may meeting ang asawa ko pero ang sabi lang naman ni Dane ay dumiretso na lang ako. Dahan dahan kung binusan ang pinto para hindi ako makagawa ng ingay kung sakaling may meeting o kausap man si Hunter, nag mabuksan ko ito ng konti ay sumilip muna ako. Halos hindi ako makagalaw sa nakita ko I saw a woman kissing my husband, hindi nila ako mapapansin dahil nakatalikod sa akin si Hunter at nakatagilid naman ang babae. Dahan dahan kung isinara ang pinto at napasandal ako sa gilid no'n. Hindi ko alam kung ano ang irereak ko hanggang sa hindi ko na mapigilan ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Alam kung galit siya sa akin pero hindi ko lubos maisip na aabot kami sa ganito. Nasaan na ang faithful kung asawa? Dali dali akong pumasok sa elevator dahil baka hindi ko na kayanin kapag magtagal pa ako do'n. Pinindot ko na ang ground floor para
Linnea POV Kanina pa ako nakarating sa bar, parang gusto ko muna magpakalasing ngayon dahil sa sakit na nararamdaman ko. Alam kung walang magandang maidudulot ang alak at sakit lang sa ulo pero pakiramdam ko ay ito lang ang makakatulong sa akin ngayon. Hindi ko matanggap na aabot kami sa ganito lalo na't kasal na kami at may anak pa. Hindi ko alam na ganito na lang magkakagulo ang pamilya na meron kami. Hindi ko lubos maisip kung bakit nagawa sa akin ni Hunter ang bagay na ito, na bakit nagawa niyang mambabae at sa mismong loob pa ng opisina. Ilang beses na din tumawag sa akin si Hunter pero hindi ko ito sinasagot maski si Aiden ay tumatawag din sa akin pero kahit siya ay hindi ko sinagot. Ayaw kung makipag usap sa kahit kanino ngayon. At dahil inom lang ako ng inom ay hindi ko na namalayan ang oras, inabot na ako ng gabi at nakakaramdam na din ako ng pagkahilo. Kaya binayaran ko na ang nainom ko at pagpapasya ng lumabas ng bar. Hindi nga ako nagkakamali dahil paglabas ko ay madili
Linnea POVPapunta kami ngayon ng asawa ko sa ospital kung nasaan ang best friend ko, hindi ko man lang alam na may pinagdadaan pala siya dahil hindi niya naman sinasabi sa akin. Kagabi ko lang nalaman ng tumawag si Aiden kay Hunter at nabanggit niya ang kalagayan ni Ciara. Honestly I feel bad dahil alam kung kailangan niya ako pero wala man lang ako sa tabi niya habang siya ay naghihirap."Are you okay baby?" tanong ng asawa ko."Ayos lang naman ako, iniisip ko lang si Ciara. Hindi ko man lang alam na may malubhang sakit siya." sagot ko sa kanya."Don't think too much, baka hindi niya lang sinabi sayo dahil ayaw ka niyang mag alala. Everything will be okay.""Hindi ko lang mapigilan kasi na hindi mag isip, syempre hindi naman pang karaniwan na sakit lang ang meron si Ciara tapos buntis pa siya." anas ko."Nandyan naman na si Aiden, alam kung hindi niya pababayaan si Ciara, mabuti nga at nagkaayos na silang dalawa at alam mo naman na malakas 'yang kaibigan mo at hindi siya susuko lal
Ciara POVIsang linggo na ang nakalipas simula ng magpunta dito sa ospital si Aiden dahil nalaman niya na ang tungkol sa sakit ko at tama nga ang naging hinala ko na si kuya ang nagsabi sa kanya ng bagay na ito. Simula ng araw na 'yon ay madalas ng nandito siya para alagaan ako kahit na ilang beses ko ng sabihin sa kanya na hindi niya kailangan gawin ang bagay na 'yon pero masyado siyang mapilit.Alam na din ng anak namin ang kalagayan ko at minsan nandito siya pero inuuwi din ng kapatid ko dahil hindi siya pwedeng manatili ng matagal dito sa ospital.Sa nakalipas na mga araw ay ramdam ko na ang panghihina, pero hindi pa din ako papayag na magpaopera. Kung may mawawala man sa mundong 'to ay sisiguraduhin ko na hindi ang anak ko. Matagal na akong nabuhay at hindi ko ipagkakait sa anak ko na masilayan ang ganda ng mundo.Alam ko na kahit mawala ako ay nandyan si Aiden para sa kanila at sigurado ako na hindi sila pababayaan nito at kahit na may makilala man siya na bagong babae sa kanyan
Bryan POVPagkatapos kung macheck si Ciara ay agad din siyang nakatulog, kailangan niya kasi ng pahinga dahil sa sitwasyon niya. Naiintindihan ko kung bakit ayaw niyang magpaopera dahil alam kung hindi madali sa kanya ang magdesisyon.Kasalukuyan akong nakaupo sa opisina ko habang kaharap si Aiden, ngayon ko lang ito nakita. Kailangan ko siyang kausapin tungkol sa kalagayan ni Ciara."Tatapatin na kita Aiden, hindi maayos ang lagay ni Ciara kaya kung wala kang balak na ayusin ang relasyon niyo sana lang ay huwag muna siyang saktan pa. She is like a sister to me dahil best friend ko ang kuya niya. Hindi siya pwedeng ma stress a kalagayan niya." panimula ko."Wala naman akong balak na gawin ang bagay na 'yon sa kanya. Bago ako nagpunta dito ay alam ko na ang magiging desisyon ko at 'yon ay ang ayusin ang pamilya ko." sagot niya naman sa akin."Hindi ba at pinuntahan ka ni Sky para kausapin? Sigurado ka na ba? Hindi ka lang ba napipilitan dahil may sakit siya? Alam mo naman na mas mabuti
Aiden POV Napansin ko ang pagtahimik ni Ciara, alam kung hindi madali sa kanya ang maniwala sa mga sinasabi ko at alam kung iisipin niya na napipilitan lang ako o kaya dahil lang sa sinabi sa akin ng kapatid niya. Nang sinabi sa akin ni Sky ang tungkol sa sakit ni Ciara ay bigla akong natauhan, hindi pwedeng hayaan ko na lang siyang sumuko at maiwan kami ng tuluyan. Ang nasa isip ko ay kailangan ko siyang mapapayag na magpa opera para tuluyan ng gumaling. I need to do everything to convince her. Kaya ng matapos kaming mag usap ni Sky at hindi na ako nagdalawang isip at pumunta agad sa ospital kung nasaan si Ciara. Alam kung mahihirapan akong kumbinsihin siya na magpagamot pero kailangan kung malaman ang totoong rason niya. Hinila ko ang upuan sa tabi niya at hinawakan ang kanyang mukha kaya nagtatakang tiningnan niya naman ako. "Now Ciara tell me, ano ang dahilan kung bakit ayaw mong magpagamot? At paano mo nasabi na masasaktan ako?" tanong ko sa kanya. Nanatili siyang nakatitig s
Ciara POV Kanina ko pa hinihintay ang pagdating ni Kuya dahil ang sabi ni Bryan ay umalis daw ito saglit at may kailangan na puntahan pero ilang oras na ang nakalipas ay hindi pa rin siya bumabalik. Mayamaya pa ay bumukas ang pinto kaya napangiti ako sa pag aakalang ang kapatid ko na 'yon pero ng makilala ko kung sino ang pumasok ay mabilis na nawala ang ngiti sa labi ko. "A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. "Kailan pa Ciara?" "Anong pinagsasabi mo? At paano mo nalaman kung nasaan ako?" anas ko at iniwas ang tingin ko sa kanya. "Hindi na mahalaga kung paano ko nalaman o kung sino ang nagsabi sa akin. Alam ko na alam mo kung ano ang ibig kung sabihin. Bakit? Bakit hindi mo sinasabi sa akin?" bakas sa kanyang boses ang hinanakit. Napayuko ako dahil hindi ko kayang salubungin ang seryosong tingin na ibinibigay niya sa akin. Hindi ko alam kung paano siya napunta dito pero sigurado akong may kinalaman ang kapatid ko. "Answer me Ciara, bakit?" pag uulit niya. Nanatili pa
Aiden POV It's been a month simula ng pinalayas ko si Ciara sa bahay at hanggang ngayon ay wala akong naging balita sa kanya. Sinubukan ko din na ipahanap siya pero walang nakakaalam kung nasaan siya at kahit na kapatid niya ay sinubukan kung tanungin pero wala itong maibigay na sagot sa akin. Hindi ko din matanong ang mag asawang Silvestre dahil alam kung wala din silang alam dahil nasa ibang bansa sila ngayon kasama ang anak nila para magbakasyon. Ilang beses na din ako tinanong ng anak naming si Sierra at palagi ko lang sinasagot ay may inaasikaso ito. Hindi ko sinasadya na paalisin siya sa puder ko, masyado lang ako nadala ng emosyon ko dahil ayaw niyang sabihin sa akin ang totoo sa tuwing tinatanong ko siya and I hate it. Kaya kinabukasan ay hinanap ko siya pero hindi ko talaga makita, ilang beses ko din siya sinubukan na tawagan pero walang sumasagot. Kasalukuyan lang akong nasa bahay dahil hindi ako pumasok ng opisina, hindi din naman ako makakakapagconcentrate dahil sa kaka
Bryan POVNagdadrive ako ngayon pabalik sa bahay nila Aiden at dahil nakalimutan ni Ciara ang kanyang phone kaya wala akong choice kung hindi ang ibalik sa kanya ito kahit nagsimula ng umulan.Habang papalapit ako sa bahay nila ay napansin ko ang babaeng nakasalampak sa labas ng gate at hindi ako pwedeng magkamali alam kung si Ciara 'yon.Mabilis akong bumaba sa kotse ko at pinuntahan siya."Ciara?" pagtawag ko sa kanya, ng una ay hindi niya ako pinapansin at patuloy lang siya sa pagtawag sa pangalan ni Aiden.Kaya lumapit na ako at niyakap siya dahil basang basa na siya."Ciara, what happen?" tanong ko sa kanya."Si A-aiden, p-pinalayas niya ako." "What? That bastard! " galit na saad ko."Halika na at baka magakasakit ka pa, huwag mo muna isipin ang lalaking 'yon." anas ko at inalalayan siya pero hindi pa siya nakakatayo ng mawalan ito ng malay. Kaya kinarga ko na siya papasok ng sasakyan at nagdrive pabalik ng hospital.Isang oras pa ang lumipas bago kami makarating sa hospital at
Aiden POV Maaga akong umuwi ng bahay dahil maagang natapos ang meeting ko at wala naman na akong gagawin pa sa opisina, pagpasok ko sa loob at agad kung napansin na wala na naman si Ciara. Saan kaya nagpupunta ang babaeng 'yon? Halos isang buwan ko ng napapansin na mas lalong napapadalas ang pag alis niya pero kapag tinatanong ko naman siya ay palagi niyang sagot na may pinuntahan lang siyang kaibigan. Kung hindi ako nagkakamali ay palagi silang magkasama no'ng Bryan na hindi ko alam kung ano namamagitan sa kanila. Naiinis ako sa tuwing nakikita kung kausap niya ito sa phone o kaya nakikipagkita siya dito. Napapansin ko din ang pagbabago kay Ciara, madalas itong namumutla at unti unti pumapayat kahit palagi naman siyang kumakain, iniisip ko na lang na baka nagpapayat lang talaga siya. Ayaw ko naman tanungin kung may sakit siya o masama ang pakiramdam niya dahil ayaw kung isipin niya na concern ako sa kanya. Naalala ko ng gabing may mangyari sa amin, hindi naman ako lasing na lasing
Ciara POVKahit na tinatamad akong bumaba ay wala akong ibang choice kung hindi ang bumangon dahil gutom na din ako. Umalis kaya si Aiden?Inayos ko lang ang sarili ko at saka lumabas ng kwarto, nang makababa ako ay dumiretso na ako sa dining room at nagulat ako ng makita ko si Aiden na kumakain."Akala ko pumasok ka." saad ko."Sabado ngayon Ciara baka hindi mo alam." sagot niya naman sa akin.Umupo naman ako at kumuha ng makakain, kahit araw ay nakakalimutan ko na din."Ciara about what happen." napatingin ako sa kanya ng iopen niya ang topic na 'yon."No need to worry about it Aiden, hindi din naman kita pinigilan kaya huwag mong isipin na baka maghabol ako dahil hindi mangyayari 'yon. Alam kung lasing ka." saad ko at nakita ko naman ang pagtango niya.Nagpatuloy lang ako sa pagkain dahil wala na namang nagsalita na isa sa amin. Inaalala ko kung paano ako makakaalis ngayon dahil nandito sa bahay si Aiden, mukhang kailangan kung ireschedule muna ang chemo ko ngayong araw."Kailan uu