(Zhia POV)
“Ate Zhia?! Yun lang? As in yun lang talaga?!”Di na lang ako sumagot.
“Akyat na ako Sean, bigla kasing sumakit ang tiyan ko.” Kaya lang yun ang ikinatayo ni Sean.
“May masakit sayo?” sabay himas niya sa tiyan ko.
“Kung ganito ka Zhia. Di na lang kami tutuloy ni Luis.”
“Ano ka ba Sean. Normal na itong sakit ng tiyan ko. Ayoko lang talaga magsuka.”
“Don't worry Zhia, okey lang na ipagliban namin ni Sean ang usapan namin. Ikaw ang priority namin baka may masama pang mangyari sayo habang wala kami dito.”
“Hindi. Okey lang talaga ako. Promise.”Nagkatitigan ang dalawang magpinsan.
“Basta ba, di nga kayo gagawa ng di ko magugustuhan Sean. Magiging okey lang kami ng mga baby mo.”
“Trust my words Zhia.” Napatango ako. Saka na nga ako inalalayan na makatayo. Hinatid sa silid namin. Pero bago yun.<
(Zhia POV)Napailing ako. Saka ipinikit ang aking mga mata. Hinalikan niya ako sa noo. Sinuklay suklay ang buhok ng daliri niya. May kasama pang hymn nang isang asawang nais na matulog ang asawa niyang di makatulog.Sa di talaga ako makatulog, ayokong umalis si Sean. Ngunit ano naman ang magagawa ko. Reasonable naman diba ang paalam niya. Maghahanap ng mapapangasawa ni Luis. Kala nila talaga pinupulot lang ang magiging asawa no? Joke lang. Brother's night ata nila talaga. Pagbigyan.Naghintay siya ng isang oras bago nga bumangon. Parang ma-iiyak ako. Bakit kasi di na lang ako isama. Nang halikan niya ako sa noo saka labi. Lapat lang. Di man lang french kiss. Ingat na lang Sean at sana natatandaan mo pa ang mga habilin ko. Wag na wag kang magdadala ng babae dito. Kundi matitikman mo ang ganti ng isang selosang Zhia. Mata lang ang walang latay ng babae mo Sean.Di naman niya ako iniwan mag-isa dahil heto sa bawat sulok ng silid namin.
(Zhia POV)“See. Sorry. Ahaha. Ate Zhia, sa pagkaalam ko di humihingi ng kapatawaran si Kuya Sean.” Saka nilagyan nga niya ng alak ang baso niya. Ano na lang ang sasabihin sa akin ni Sean, na pinabayaan ko lang maglasing si Elaine sa harapan ko? Wala akong pakialam sa sinasabi niya. Dahil di pa nga nakakainom, para nang baliw. Paano na lang…Nang tatangkahin na ni Elaine na inumin ang alak. Ako na ang kumuha sa kamay nito at saka ko ininom.Magrereklamo sana siya ngunit sa ginawa ko, napangiti ito.“Ganyan nga Ate Zhia, nang makita ko si Kuya Sean na umaapoy sa galit sayo. Matignan lang kung gaano talaga kademonyo ng kapatid ko.” Ang pait. Bakit ba sweet Queen ang ipinangalan dito? Pero ng lumaon, okey na sa lalamunan. Dahil nga minsan ko na itong natikman at yun ang kagagawan ni Sean.“Wag kang mag-alala Ate Zhia, di naman masyado maapektuhan nang alakk ang mga pamangkin ko. Ngayon lang naman t
(Sean POV)“Master Sean.”“Kamusta ang asawa ko? Sinabi ko naman sayo diba na tawagan mo ako? Bakit di mo ako tinatawagan.”“Master Sean…” nang may humaplos sa likuran ng leeg ko. Napamasahe sa balikat ko ang mapuputi nitong kamay na may mapupulang pedicure. Sa likuran din ni Luis meron nang lumalambitin sa kalandian. Nahulog ko ang phone ko. Sh*t!Nang inis kong inalis ang mga kamay na yun! Dahil sa isipan ko biglang nanumbalik ang paalala ng asawa ko sa akin.“Hindi ako ang umorder ng babae ah! Doon ka sa kanya!”Tumawa si Luis.“Di ka pa nga lasing Sean.”“Never. Matino pa ang isipan ko na uuwi ako sa aking asawa!” saka ko pinulot ang nahulog kong phone. Nasa kabilang linya parin si Leon.“Anong balita sa asawa ko Leon?”“Master Sean, sa totoo niyan, ayaw nila kaming pagbuksan ng pinto. Andito kasi
(Sean POV)“Puro ka na lang Ate Zhia.” Dinig ko bago tuluyan makalabas.Napailing na lamang ako. Sinipa ang mga nakapatong na alak sa mesa. Nakatulog na nga si Zhia at halatang nagulo nga ang buong silid. Nagwala siya kanina, kaya ba ganito kapagod ang hitsura ng asawa ko?“Zhia.” Pilit kong gising sa kanya ngunit para nang lanta na kailangan atang buhusan na ng tubig. Nagsipasok ang mga doctor, tinignan nila siya. May nagtangka na ngang lumapit sa akin habang napapahilot ako ng sintido ko.“Master Sean. Alam naman natin na ipinagbabawal na uminom ng alcohol ang mga nagdadalang tao.”“Tss. Kamusta siya, o sila?”“Master Sean, sana di na ito maulit at baka nga may mangyaring masama sa kanila. Walang kailangan na ipag-alala sa ngayon Master Sean. Hangang maari, iiwas na muna natin ang asawa niyo po sa mga unappropriated foods and drinks.”“Oo, makikita ni
(Zhia POV)“Malaki ang kasalanan mo sa akin. Wag na wag mo akong hahayaan na magbukas itong mga mata ko dahil alam mo ang parusang maibibigay ko. Sa asawa kong puro pasaway ang binibigay sa akin.” Pagbabanta sa akin ni Sean.“Ako pa itong naging pasaway Sean? Habang ikaw itong lumabas diba? Nagpakalasing kasama si Luis?”“Tss.” at inalis na nga niya sa noo ang braso saka nakangising aso na napatitig sa akin. Medyo napapa-ihi ako sa gwapo niyang to. Pero di ako kumbinsado sa ngisi niya. Galit si Sean. Napaupo bangon siya. Bago pa man nga magsalita ang bibig niya, bigla na lang ako napayakap sa kanya. Napalambitin sa leeg at pinapakingan ko ang tibok ng puso niya. Basta wag ko lang makita ang nakakamatay niyang titig.“Sorry na Sean. Sorry na kung ginising kita. Di ko talaga intension na ngayon kita singilin sa ginawa mo kagabi. Hehe. Tulog ka muna kung kulang talaga yung tulog mo.” Sa g
(Zhia POV)“Okey, sorry na tungkol nga kagabi Sean. Kung yun ang iniisip mo na kasalanan ko nga eh di thank you. Never mo naman talaga pinapakingan ang mga sinasabi ko. Dahil nga akala mo puro nonsense lang ang sasabihin ko. Medyo nakakasakit ng pride. Pero okey lang since di naman talaga kailangan ng isang kagaya ko na gawing big deal yun. Unless may nangyari ngang masama sa mga dinadala ko. Okey ako.”Hahaha. Ayan Sean, nirachada na kita para isa-isahin ng isipan mo ang mga paligoy ligoy nating usapan. Ako lang pala.“Sorry na.” sabay tapik ko sa balikat niya na ewan ba kung bakit ang macho.“May kailangan tayo pag usapan Sean. Practice na tayo as a family. Tipong di boring ang pamilyang binubuo natin diba?”Ngumisi lang si Sean. Napa-cross arm na nga lang na parang guardia na nasa labas ng pinto namin. Wala kang pintuan Sean na binabantayan. Oo, isipan ko puno na nang pang-aasar kay Sean. Dahi
(Zhia POV)“Sean. Walang ganituhan. Kapag naipit ang dinadala ko. Bahala ka.”sabay layo ko ng paningin sa kanya. Ngumiti lang siya. Ngunit sununod yung babala ko sa kanya at pinakawalan ako. Yun ang ayaw kong sundin niya. Baliktad talaga tong si Sean eh?! Nahiga sa tabi ko at hinalikan na lamang ang buhok ko.“Anong gusto mong gawin ngayong bagong taon Zhia?”Ready na ba talaga siyang makinig sa akin? O sadyang magsasayang lang ako ng laway?“Labas tayo ngayon Sean. Punta ng market. Please…”“Tss. Matao ngayon Zhia, alam mo yan.”“Kasi nga last hours na lang ng taon ngayon Sean., Syempre talaga matao, anong aasahan mo?”“Kaya nga. Malaki ang chansa na magkaroon ng aksidente sa mga oras na ito. December 1 is the busiest day. While January 1 is the deadliest day of the Year. Take note that Zhia.”“Ayan ka na naman Sean. Nad
(Zhia POV)Nang nasa kabayahan na kami. Medyo may kalayuan na kami sa hotel. Si Sean, napapabusina na lamang sa mga batang masisigla na naglalaro sa kalsada. Maririnig mo nga puro na lang paputok. Swerte namin nasa taas kami ng hotel. Punta ako mamaya sa rooftop at sisigaw ng happy new year! Saka tatalon, in case na tumangkad pa ako. Nagbabakasakali na tumangkad ako kay Sean. Matao ang paligid namin bago pa man makarating kami sa pamilihan ng probinsya.Sa isang Mall kami pumasok na halos nahirapan na makapag-hanap ng mapaparkingan itong si Sean. Kunot noon a nga siya. Sa totoo lang parang gusto na magpagawa ng sarili niyang parking area. Puro puno at mabuti na lang, napa-park na lamang kami sa isang sambihan na malapit sa mall.Dagsa yung tao. Hindi na mahulugan nang karayom. Pero natanong ko pa si Sean, kung magsisimba ba kami mamaya. kailangan yun. Wag kang kokontra sa akin Sean dahil gagawin kitang tinola!“Let see. Sa dam
((( ZHIA POV’s )))Di ko sila iniwan. Never ko ipinadama na iniwan ko sila. Halos ilang oras din ang maubos ko para makipag-video call lang sa kanila. Mommy is doing well. They are my inspiration, motivation to raise on my feet. Ayokong bumalik na isang talunan kaya tinagap ko ang pagsubok na kailangan ko lumayo sa mga anak ko. Pero uulitin ko, di ko sila iniwan.Isang sakripisyo ang ginawa ko. Isang sakripisyo ng isang ina, para di nga kami apakan ng ibang tao. Para sa amin ang ginawa kong to. Sobra ko silang namiss…“Mommy, gumawa kami ni Shin ng mahabang panali para kapag gusto ka namin makita, huhugutin lang namin ang lubid at babalik ka na dito.” Natawa na lamang ako kay Shena.“Di na ako aalis.”Nanlaki ang mga mata nila. Dahil umuuwi din ako ng ilang araw sa isang taon. Napayakap ulit sa akin ang mga makukulit.“Di na aalis ang Mommy ko!” si Shin, sigaw niya sa mga class
((( Zhia POV’s )))AFTER FIVE YEARS ....Mahirap magluto pero kailangan gawin. Prinitong itlog lang to Zhia. Wag kang abnormal na di mo kaya. Yan ang hinihingi ng tatlong bulingit sa pagbabalik mo.Huminga ako ng malalim. Napangito sa ginagawa ko. Perfect ang tatlong pritong itlog para sa egg sandwich na gagawin ko. Dahil wag ko daw sila niloloko na kung bibili ako sa labas, malalaman kaagad nila, kung gawa ko ba talaga o hindi.Jetlag pa nga Mommy niyo. Inilagay ko sa lunchbag nila. May mga pangalan nila. Saka balak ko nga silang supresahin sa school. Nasa kindergarten. Masaya ang mga makukulit na yun sa pagbabalik ko. Napahalik ako sa Lunchbox. Inalis ko ang apron ko… Saka lumabas ng pinto. Napangiti ako dahil talagang magulo ang sala namin. Mga laruan nilang nagkalat. Tiyak labis nga silang masusupresa kapag nakita ako. Pumunta na ako sa garahe. Inistart ang sasakyan. Sa loob ng liman
(Jane POV)“Oh, good Cecile. If you mind. Saka dapat lang na maging close kayo sa akin.” Nabitawan ko bigla si Mam Cecile. Ano to biglang baliktad si Mam? Lumapit na siya. May ngiti pa…Halos … ng mahawakan niya ang handle ng Wheelchair. Itinulak niya ito sa may hallway na agad naman bumanga sa ina nito.“Mga hampaslupa! Anong ginagawa niyo sa anak ko!”Hinamon pa ito ni Cecile na lumapit sa kanya. Malayo nga ang agwat ng gulang namin ni Cecile, kay Miss Zhia. Kita naman sa pagkatao niya na palaban. Hindi nga lang talaga masalita.“Aba naman!”sumugod na nga sa amin. Iniwan ang kanyang anak na marupok! Malandi! Haist! Basta siya ang gumulo ng kwentong to! Bwisit lang! Sana maabutan ni Master Sean si Miss Zhia. At parang mapapalaban na din ako. Ibuhos ang galit sa kanila. Sa nangyari kay Master Luis!Wag ang lalaking nagnakaw ng unang halik ko! Ako lang ang ma
(Sean POV)Nang narinig kong may gulo sa labas. Bago ko pa nga maisilid sa lalagyan ang marriage contract namin ni Zhia. Bumukas ang pinto. Di na napigilan nila Butler Nazi. Tumakbo sa akin si Luis at binati ako ng kamao niya. Para mapahiga ako sa sahig.“That punch might do something the way you thingking!”But his punch di magtatapos sa ganoon lang. Sa inis ko bumangon ako at tuluyan ko na ring pinakawalan ang inis sa mundong to. Bakit nga ba ako na lang ang laging punupuntirya ng problema?! Napapagod din ako! Nahihirapan. OO! Inaamin ko pagod na ako! Nahihirapan na. Sa totoo nga lang parang gusto ko na sumuko. Sh*t Luis. I'm too tired. Hangang sa napagod ako kakasuntok kay Luis. He just keeping on coughing as he punch me back. Natawa na lamang siya na pareho na naman duguan ang mukha naming dalawa.“Is this you again Sean?”bigla na lang ikinangiti niya. Tumulo sa kanyang mga mata ang lu
((( Luis POV’s“Natitiyak ko iho na masaya para sayo ang iyong ina. Napakabait mo.”“Salamat po. Bukas ang death anniversary ng aking ina. Nakausap ko na si Father about the occasion.”“Ibig lang sabihin dito mo ipagdaraos.”Napatango ako. Dahil wala na din naman ang aking ama para pakialaman ako sa bagay na yan.“After this po kasi, baka matagal niyo akong di makita.”“Bakit maghahanap ka na ba?”Napangiti ako at umiling.“Magiging youtubers ka Kuya Luis?!” isang bata.“Subscribe ka na namin Kuya!” Mapapangiti ka na lang talaga.“Wag masyado kayong maging mahilig sa gadget. Depression din yan. Minsan nakakabuti na magbasa na lang ng physical book. Kaya bibilhan ko kayo ng ganito.” daliri ko…“Kakapal na libro. Tig-iisa kayo.”“Tom Sawyer po akin!”
((( Cecile POV’s“Miss Zhia, bakit?”biglang maraming tanong ang naglaro sa aking isipan. Lalo na nga tumalikod sa amin si Miss Zhia. Parang ni isa sa tanong ko, ayaw niyang sagutin. Natahimik na lamang ako. Si Jane pinigilan ko na din. Hayaan natin na palipasin ang oras na ganito. Alam ko na may isa sa kanila na kailangan ibaba ang pride. Nang inahanda na nga ni Leon ang sasakyan.“Miss Cecile, ano ba talaga ang nangyari?” tanong sa akin ni Jane. Lumapit na ako kay Miss Zhia. Naisipan niya atang lumabas muna. Oo, Miss Zhia, toxic nga masyado ang lugar na ito ngayon. Mas makakabuti nga na magpahangin ka muna.“Miss Zhia, sigurado po ba kayo na di kami sasama?”Si Leon lang? Ang kapatid niya at si Tolits. Umiling sa amin si Miss Zhia.“Kung ganoon, umuwi po kayo kaagad.”“Di na babalik ang kapatid ko dito.”“&hel
(Zhia POV)“Wag ka masyadong maangas.” Babala ni kuya na lumabas nga ito. Nanatili kaming tahimik ni Sean. Di ko mapigilan na mamilipit ng may sumipa sa tiyan ko. Inilayo na lamang ni Sean ang paningin sa akin. Oo, galit siya. Nagawa niyang magalit sa akin. Ano naman ngayon? Ang iniisip ko, kung ano ang siyang mangyayari sa akin. Dumating na si Leon na napatitig sa aming dalawa.“Master Sean.” Ibinigay dito ang folder na naroroon nga ang Marriage Contract namin. Ngumisi siya.“Can you bring a candle here Leon.”agad na ikinalabas nito.“Zhia.” Umangat ang paningin ko sa kanya.“Why are you crying? This is what you want right?”“Sean…”wag Zhia. Kailangan mong turuan ng leksyon ang asawa mo. Alam mong mahal ka niya. Mahal mo rin siya. Gagawin mo 'to dahil mahal mo siya. Oo, kabaliwan nga itong gagawin ko. Pero sa ikakabuti namin itong dalawa. Mayaban
(Zhia POV)“I am wrong Zhia?” Tumulo ang luha ko sa aking pisngi. Di man lang ako napakisapmata. Di si Sean nagbago Zhia. Ikaw itong tuluyang nagbago. Saka nga pinunas ko ng aking daliri ang luha ko. Tumango ako.“Zhia. She just want of your forgiveness. Bakit di mo maibigay sa kanya?” Nanlilisik ang mata niya.“Sean.” at bumagsak na nga ng tuluyan ang aking mga luha. “Di madaling magpatawad. Alam mo yan.”“I understand. Pero di oras na ganito ka sa kanya Zhia. Alam mong maselan ang kondisyon niya. Bakit di mo na lang muna siya tangapin?!”“Kondisyon lang naman niya ang inaalala mo ngayon Sean. Eh ako?!” Napapikit si Sean.“Di mo ako nauunawaan Zhia. Patayin mo na lang ako!” biglang alboroto ni Sean. Nagulat na lamang ako.Inilabas niya ang baril saka kinasa ito. Inilagay sa harapan ko.“Kill me now!”Lalo akong umiyak.
(Zhia POV)“Please stop!” Di ko siya sinasaktan. Hinahawakan ko lang ang kamay niya para bitawan ako. Pero ayaw talaga. Nasasaktan na ako. May namumuo nang luha sa aking mga mata. Di ko kailangan na patulan siya. Nang dumating ang nanay niya. Nakisama pa sa gulo naming dalawa ni Rymalene. Magsama kayong dalawa sa impyerno! Kapag may masamang mangyari sa akin dito! Di ko na napigilan ang sarili ko, kundi lumaban.“Anong kaguluhan to?!” si Sean.((( SEAN POV’s )))As I return, biglang tumawag sa akin si Cecile. Lalong lumakas ang nararamdaman kong kaba dahil di naman tumatawag sa akin si Cecile kung walang masamang nangyayari.“Master Sean, nagkakasakitan ang asawa niyo at si Miss Rymalene.”Oh sh*t!“Di niyo ba kayang awatin?!”“Master Sean.”“Leon, speed up!&rdqu