( Zhia POV)
Napapikit na lamang ako sa hiyaw ng lalaking nasa sahig. Bakit may mga ganitong tao sa mundo? Sadista?! At bakit naduduwag ang lalaki na lumaban sa kanila? Bakit?
Ginagawa ba nila ito ng dahil sa pera?
Bakit hinahayaan ninyo na saktan kayo ng pera at alipinin kayo!
Di na ako makapag-pigil. At ang dugo na kanina nasa unahan ko pa lang ay dumaloy na sa ilalim ng dollshoes ko.
Nanaginip lang ako diba? Natatawa ako sa sarili ko. Panaginip lang ito my dear. Pwede akong lumipad na parang si Peterpan. Magpaka-bayani sa ikinukwento ng isipan ko.
Kaya lang, bakit pinapakita sa akin ang pangitain na ito? Parang may darating na kung ano sa buhay ko.
“Enough.” At ibinagsak ng lalaking nasa bintana ang hawak niyang wineglass. Kaagad na tumayo ang bugbug saradong lalaki kahit na nahihirapan itong gumalaw. Saka naman may itinulak na isang lalaki sa nilisan niyang posisyon. At nanlaki ang mga mata ko dahil ang nasa harapan ko ay ang kapatid ko na humihingi ng kapatawaran sa ginawa ko? O anong ginawa niya?!
Napailing ako. Hindi kami pinalaki ng mga magulang kong ganito. Laban kung laban!
“Start.” Utos ng lalaking yun na ang bawat hampas, pagmamakaawa at hiyaw ay parang musika sa kanyang tenga. May mga ganito talagang mga tao sa mundong ito. Hindi sila tao! Kundi demonyo. Kumpirmado na ang boses na naghihinagpis na biktima ay ang kuya ko.
Kumulo ang dugo ko. Lalo na sa walang awang humpay na paghahampas sa kanya ng golfbat at walang magawa ang umag nito? Himala Kuya!? Sa basagan lang naman ng ulo, nangunguna ka diba?
Panaginip ata ito? Ang shunga talaga. Zhia, ayusin mo imagination mo. Pinaglalaruan ka ng imagination mo! Ano ba yan.
Napahakbang na ako at lakas loob na sinabing…
“Kuya, kinakawawa ka sa panaginip ko. Kailangan mo ata ng tulong ko.” Panunuya ko kay Kuya. Sa totoo naman talaga hindi padadaig ang kapatid kong gorilya sa mga engot na yan!
Nawala ang ingay ng paghampas dahil sa akin. Ang ultimate papansin na kapatid mo Kuya Joshua. Heto na to da resback na para sayo.
At yung lalaki na nasa bintana, napangisi at itinayo ang sarili ng matikas.
Bakit para siyang demonyo sa ngising niya? Nanaginip talaga ako. Haha. Namiss ko to ah. Tagal na din na wala akong nightmare.
Inabot sa malademonyong lalaki yung Golf Bat. Lumapit sakin, sa harapan ko. Kanya-kanyang atrasan naman yung mga bodyguards na weak na parang umiwas sa isang napakalaking alon na parating sa akin.
“So your next.” Titig niya na walang kupas, na kasing talim ng dulo ng kutsilyo.
Masakit sa tenga yung golf bat na sa tingin ko sinadya niyang ikiskis ito sa sahig. Nakakatakot ang aura niya. Naniniwala ako na ito ang pinaka nakakatakot na lalaking nakita ko sa panaginip. Pero, loyal ang takot ko na mas nakakatakot pa naman yung mga multo kaysa sa kanya. I don't like them, lalo na si Valak. Anak niya ata ang lalaking to.
Siya lang naman yung nakakatakot pero ang cool tignan. Matangkad sa akin at ito ata yung foreigner na nadulas ng dahil sa ID ko. Karma niya yun at kailangan niyang tangapin!
Napapikit ako. Dinig ang tinis ng kiskis na tunog. Iniirita ako ng sagad. Panaginip lang ito. Simula ng mawala ang ID ko hanggang dito meaning nasa school pa ako.
Alam ko nakatulog na naman ako sa klase ko.
“Ms.Sontoria!” sigaw ng Prof ko. Yun ang hiniintay ko!
Ngunit ng mapamulat ako agad na sumalubong sa paningin ko ang golf bat na tumama sa katawan ng… Kuya ko?
Nangangamoy ng dugo ang paligid at sa lalaking to, halimuyak na gustong-gusto niya.
Bakit ang bitter niya?
Bigla akong napaluhod ng may sumipa ng binti ko. Naging pundasyon ko ang mga palad ko sa sahig para di ako matumba ng tuluyan. Patuloy ang paghampas niya sa kapatid ko.
Ang kamay ko, nang inangat ko... dugo.. dugo… dugo nga! At sa amoy pa lang, nahilo na ako.
Yung kulay… yung amoy na parang gusto ko nang magsuka. Napapikit na lamang ako at parang nalantang bulaklak na napahandusay sa sahig, dahil ito na lang ang pagkakataon ko para makatakas sa panaginip na ito. Magkunwaring nahimatay sa panaginip.
Nakita kong parang nainis yung lalaki sa nangyari sa akin.
Yuck naman, nagswimming ang buhok ko sa dugo. At pakiramdam ko talagang masusuka ako! Tipong ako yung baboy na binebenta sa palengke.
Ngunit nakonsensya lang ako dahil walang humpay niyang pinaghahampas yung lalaking walang hiya na tinuhod ako. Saka ito yung nawalan ng malay, pareho na kaming nakahiga sa sahig.
Hi! Nagkukunwari ka din ba?
Si Kuya di na makakilos.Totoo ba din yung kanya? O kunwari lang?
At hinagis sa paanan ko yung Golf bat…
“Kill them all.” Bigla akong nagkamalay ng marinig ko yun! As in yung bumangon ako bigla na marealize ko na may pasok ngayon at bawal malate! At pinigilan ang binti ng lalaking demonyo, bago pa man ito makapaglakad palayo sa amin.
“Aba naman! Tigil!” Eh meron ako ngayon.
Kala ko mapapakalma ko ang lahat kung mag kunwari akong nahimatay.
Jusko, Kill them all?!
Nasa laro ba kami ng Counter Strike! Go Pokemon? Zombie apocalypse?! Mobile Legends?!
Nagsilapitan sakin ang mga bodyguard ng demonyo at bago pa ako damputin nila. Itinaas niya ang kamay niya. Hudyat na tumigil sila.
Humarap siya sa akin. At saka ako tumayo.
Duguan na yung damit ko, para akong yucks. Pero hindi eh. Kailangan makatikim ang lalaking to. Bago pa man niya ako matitigan, ang kamay ko na kanina pang naka yukom ang sumalubong sa mukha niya.
“Yan, nababagay yan saiyo. Sadista ka. Grabe ka!” Kikilos na sana yung mga tauhan niya. Pero muli niyang itinaas ang kamay niya. “Papatay ka dahil napahiya ka kanina. Para kang bata. Nakikita mo yang mga ginawa mo! Parang di ka tao! Demonyo ka!” Nakatitig lang siya sakin habang hinihimas yung pisngi niya.
“Ganyan ka ba pinalaki ng mga magulang mo. Sadista ba din sila?! Sa tingin mo ba masaya silang makita kang ganyan! Asaan tatay mo! Asaan Nanay mo-------.” At naramdaman ko sa pisngi ang sampal na sapat na para magising ako sa panaginip na ito. Pero hindi.
Whoa! Nasampal ako?!
Lalong kumulo yung dugo ko sa inis! Bakit di man lang ako nagising?!
@DeathWish
( Zhia POV )“Wow naman, ganyan ba ang sampal ng lalaki? Wow.” Paghahamon ko sa kanya. Kung di ito panaginip. Sige, ibubuhos ko ang buhay ko para may matutunan ang lalaking to! Bahala ka na Mr.President kung matagpuan mo akong patay at na-aagnas nang bangkay kapag tinapon nila ako sa ilog. Sa naalibarbaran ako sa kayabangan ng foreigner na ito na kala mo kung sinong alien dito sa mundo na di alam ang utos na: THOU SHALL NOT KILL!
( Zhia POV)Humakbang ako ng tatlo patalikod at nag bow, since labanan to, sorry na lang kung masaktan ko siya. Oo. Babae ako sa paningin pero lalaking-lalaki ang determinasyon ko na bigyan to ng sakit sa katawan. SORRY Talaga!Hinigpitan ko ang tali ng buhok ko at di nga niya namalayan simula na yun ng laban namin, ngunit agad niyang nahawakan ang kamay ko at naramdama ko ang sikong tumama sa likuran ko. Awww
((( GEORGE POV’s )))Palaisipan sakin kung paano nakatakas ang babaeng sa kamay ng isang tao walang nararamdamanng awa. Di ko masyado alam ang personalidad
((( ZHIA POV’s )))Napamulat lang ako bigla. Di ako nanaginip or what basta napamulat lang ako. Pero agad naman pumikit ulit. Sa sarap matulog eh. Mahimbing nga ang tulog ko at parang bagong sanggol ang feeling ko. Sarap kaya matulog sa may aircon. Gandang ganda pa naman ang feeling ko sa sarili ko kapag nagigising ako na ganito. Natulog na sobrang pagod at magigising na fully charge. Ahaha. Ang cute ko kaya.
((( LEON POV’s )))Di ko alam kung sa paglabas ko dito lalabas pa kayang buhay ang babae. Wala lang sa kanya. Pareho mataas ang pride ng dalawa. Kaibahan lang may paninidigan sa kayabangan si Master Sean ngunit ang babaeng, utak bata. Spoiled na ewan. Kung umakto ang babae kala mo may kalaban laban siya?The way she talked
( Zhia POV)Naupo yung lalaki sa sofa at muling inabot ang wineglass niya. Ngumisi siya sa akin ng marinig niya yun. “Sarap mong patayin.”“Sus ko. Kahapon mo pa yan sakin sinasabi.”“Excuse me. I waited for a week.”
( Zhia POV's )Haist! Nambubwisit talaga ang lalaking to. Na halata niya ang reaktion ko kaya lumabas din ang mga ngiti niya na kanina pang naghihintay ng pagkakataon. Nabitiwan ko ang kutsara at tinidor. Kung mamatay ang Kuya ko. Biglang nag flashback yung mga moments namin ni Kuya. Hahaha, lahat puro pang aasar. “Owkey.” Then kain ulit ako. Since pang-aasar ang naalala ko. Oras na din ata ng kuya ko para sumalangit ang kaluluwa. Fine. Saka inaasar lang ako ng lalaking to! Gusto lang niya ako matakot. Don’t me. S
( Zhia POV's )“Zhia!.” Napamulat ako. Titig na titig sakin si Doc saka yung batang pasyente. Huh? Nanaginip lang ba ako? Bakit parang totoo? “Bakit ka ba sumisigaw! Halos mabasag na ang mga salamin dito.” Reklamo ni Dra. Evenarte.
((( ZHIA POV’s )))Di ko sila iniwan. Never ko ipinadama na iniwan ko sila. Halos ilang oras din ang maubos ko para makipag-video call lang sa kanila. Mommy is doing well. They are my inspiration, motivation to raise on my feet. Ayokong bumalik na isang talunan kaya tinagap ko ang pagsubok na kailangan ko lumayo sa mga anak ko. Pero uulitin ko, di ko sila iniwan.Isang sakripisyo ang ginawa ko. Isang sakripisyo ng isang ina, para di nga kami apakan ng ibang tao. Para sa amin ang ginawa kong to. Sobra ko silang namiss…“Mommy, gumawa kami ni Shin ng mahabang panali para kapag gusto ka namin makita, huhugutin lang namin ang lubid at babalik ka na dito.” Natawa na lamang ako kay Shena.“Di na ako aalis.”Nanlaki ang mga mata nila. Dahil umuuwi din ako ng ilang araw sa isang taon. Napayakap ulit sa akin ang mga makukulit.“Di na aalis ang Mommy ko!” si Shin, sigaw niya sa mga class
((( Zhia POV’s )))AFTER FIVE YEARS ....Mahirap magluto pero kailangan gawin. Prinitong itlog lang to Zhia. Wag kang abnormal na di mo kaya. Yan ang hinihingi ng tatlong bulingit sa pagbabalik mo.Huminga ako ng malalim. Napangito sa ginagawa ko. Perfect ang tatlong pritong itlog para sa egg sandwich na gagawin ko. Dahil wag ko daw sila niloloko na kung bibili ako sa labas, malalaman kaagad nila, kung gawa ko ba talaga o hindi.Jetlag pa nga Mommy niyo. Inilagay ko sa lunchbag nila. May mga pangalan nila. Saka balak ko nga silang supresahin sa school. Nasa kindergarten. Masaya ang mga makukulit na yun sa pagbabalik ko. Napahalik ako sa Lunchbox. Inalis ko ang apron ko… Saka lumabas ng pinto. Napangiti ako dahil talagang magulo ang sala namin. Mga laruan nilang nagkalat. Tiyak labis nga silang masusupresa kapag nakita ako. Pumunta na ako sa garahe. Inistart ang sasakyan. Sa loob ng liman
(Jane POV)“Oh, good Cecile. If you mind. Saka dapat lang na maging close kayo sa akin.” Nabitawan ko bigla si Mam Cecile. Ano to biglang baliktad si Mam? Lumapit na siya. May ngiti pa…Halos … ng mahawakan niya ang handle ng Wheelchair. Itinulak niya ito sa may hallway na agad naman bumanga sa ina nito.“Mga hampaslupa! Anong ginagawa niyo sa anak ko!”Hinamon pa ito ni Cecile na lumapit sa kanya. Malayo nga ang agwat ng gulang namin ni Cecile, kay Miss Zhia. Kita naman sa pagkatao niya na palaban. Hindi nga lang talaga masalita.“Aba naman!”sumugod na nga sa amin. Iniwan ang kanyang anak na marupok! Malandi! Haist! Basta siya ang gumulo ng kwentong to! Bwisit lang! Sana maabutan ni Master Sean si Miss Zhia. At parang mapapalaban na din ako. Ibuhos ang galit sa kanila. Sa nangyari kay Master Luis!Wag ang lalaking nagnakaw ng unang halik ko! Ako lang ang ma
(Sean POV)Nang narinig kong may gulo sa labas. Bago ko pa nga maisilid sa lalagyan ang marriage contract namin ni Zhia. Bumukas ang pinto. Di na napigilan nila Butler Nazi. Tumakbo sa akin si Luis at binati ako ng kamao niya. Para mapahiga ako sa sahig.“That punch might do something the way you thingking!”But his punch di magtatapos sa ganoon lang. Sa inis ko bumangon ako at tuluyan ko na ring pinakawalan ang inis sa mundong to. Bakit nga ba ako na lang ang laging punupuntirya ng problema?! Napapagod din ako! Nahihirapan. OO! Inaamin ko pagod na ako! Nahihirapan na. Sa totoo nga lang parang gusto ko na sumuko. Sh*t Luis. I'm too tired. Hangang sa napagod ako kakasuntok kay Luis. He just keeping on coughing as he punch me back. Natawa na lamang siya na pareho na naman duguan ang mukha naming dalawa.“Is this you again Sean?”bigla na lang ikinangiti niya. Tumulo sa kanyang mga mata ang lu
((( Luis POV’s“Natitiyak ko iho na masaya para sayo ang iyong ina. Napakabait mo.”“Salamat po. Bukas ang death anniversary ng aking ina. Nakausap ko na si Father about the occasion.”“Ibig lang sabihin dito mo ipagdaraos.”Napatango ako. Dahil wala na din naman ang aking ama para pakialaman ako sa bagay na yan.“After this po kasi, baka matagal niyo akong di makita.”“Bakit maghahanap ka na ba?”Napangiti ako at umiling.“Magiging youtubers ka Kuya Luis?!” isang bata.“Subscribe ka na namin Kuya!” Mapapangiti ka na lang talaga.“Wag masyado kayong maging mahilig sa gadget. Depression din yan. Minsan nakakabuti na magbasa na lang ng physical book. Kaya bibilhan ko kayo ng ganito.” daliri ko…“Kakapal na libro. Tig-iisa kayo.”“Tom Sawyer po akin!”
((( Cecile POV’s“Miss Zhia, bakit?”biglang maraming tanong ang naglaro sa aking isipan. Lalo na nga tumalikod sa amin si Miss Zhia. Parang ni isa sa tanong ko, ayaw niyang sagutin. Natahimik na lamang ako. Si Jane pinigilan ko na din. Hayaan natin na palipasin ang oras na ganito. Alam ko na may isa sa kanila na kailangan ibaba ang pride. Nang inahanda na nga ni Leon ang sasakyan.“Miss Cecile, ano ba talaga ang nangyari?” tanong sa akin ni Jane. Lumapit na ako kay Miss Zhia. Naisipan niya atang lumabas muna. Oo, Miss Zhia, toxic nga masyado ang lugar na ito ngayon. Mas makakabuti nga na magpahangin ka muna.“Miss Zhia, sigurado po ba kayo na di kami sasama?”Si Leon lang? Ang kapatid niya at si Tolits. Umiling sa amin si Miss Zhia.“Kung ganoon, umuwi po kayo kaagad.”“Di na babalik ang kapatid ko dito.”“&hel
(Zhia POV)“Wag ka masyadong maangas.” Babala ni kuya na lumabas nga ito. Nanatili kaming tahimik ni Sean. Di ko mapigilan na mamilipit ng may sumipa sa tiyan ko. Inilayo na lamang ni Sean ang paningin sa akin. Oo, galit siya. Nagawa niyang magalit sa akin. Ano naman ngayon? Ang iniisip ko, kung ano ang siyang mangyayari sa akin. Dumating na si Leon na napatitig sa aming dalawa.“Master Sean.” Ibinigay dito ang folder na naroroon nga ang Marriage Contract namin. Ngumisi siya.“Can you bring a candle here Leon.”agad na ikinalabas nito.“Zhia.” Umangat ang paningin ko sa kanya.“Why are you crying? This is what you want right?”“Sean…”wag Zhia. Kailangan mong turuan ng leksyon ang asawa mo. Alam mong mahal ka niya. Mahal mo rin siya. Gagawin mo 'to dahil mahal mo siya. Oo, kabaliwan nga itong gagawin ko. Pero sa ikakabuti namin itong dalawa. Mayaban
(Zhia POV)“I am wrong Zhia?” Tumulo ang luha ko sa aking pisngi. Di man lang ako napakisapmata. Di si Sean nagbago Zhia. Ikaw itong tuluyang nagbago. Saka nga pinunas ko ng aking daliri ang luha ko. Tumango ako.“Zhia. She just want of your forgiveness. Bakit di mo maibigay sa kanya?” Nanlilisik ang mata niya.“Sean.” at bumagsak na nga ng tuluyan ang aking mga luha. “Di madaling magpatawad. Alam mo yan.”“I understand. Pero di oras na ganito ka sa kanya Zhia. Alam mong maselan ang kondisyon niya. Bakit di mo na lang muna siya tangapin?!”“Kondisyon lang naman niya ang inaalala mo ngayon Sean. Eh ako?!” Napapikit si Sean.“Di mo ako nauunawaan Zhia. Patayin mo na lang ako!” biglang alboroto ni Sean. Nagulat na lamang ako.Inilabas niya ang baril saka kinasa ito. Inilagay sa harapan ko.“Kill me now!”Lalo akong umiyak.
(Zhia POV)“Please stop!” Di ko siya sinasaktan. Hinahawakan ko lang ang kamay niya para bitawan ako. Pero ayaw talaga. Nasasaktan na ako. May namumuo nang luha sa aking mga mata. Di ko kailangan na patulan siya. Nang dumating ang nanay niya. Nakisama pa sa gulo naming dalawa ni Rymalene. Magsama kayong dalawa sa impyerno! Kapag may masamang mangyari sa akin dito! Di ko na napigilan ang sarili ko, kundi lumaban.“Anong kaguluhan to?!” si Sean.((( SEAN POV’s )))As I return, biglang tumawag sa akin si Cecile. Lalong lumakas ang nararamdaman kong kaba dahil di naman tumatawag sa akin si Cecile kung walang masamang nangyayari.“Master Sean, nagkakasakitan ang asawa niyo at si Miss Rymalene.”Oh sh*t!“Di niyo ba kayang awatin?!”“Master Sean.”“Leon, speed up!&rdqu