Beranda / Semua / The Desirable Impostor / The Substitute Bride - Chapter 3

Share

The Substitute Bride - Chapter 3

Penulis: FilipinoWriter
last update Terakhir Diperbarui: 2021-07-12 10:55:13

The Substitute Bride - Chapter 3

Magmula nang masaksihan ni Zoe ang eksena ni Zilla at ng makisig na lalaki, lihim na niyang minamanmanan ang pinsan.

Hindi dahil ibig niyang mag-usyoso. Kuryosa siya pero hindi para makialam.

Nag-aalala rin siya. Naging malulungkutin na naman kasi ang pinsan kapag nasa bahay. Palagi na namang malalim ang iniisip.

Si Tiya Pura naman ay palaging wala sa bahay. Nalululong na nang husto sa pagsusugal.

Kaya naiwan kay Zoe ang responsibilidad na dapat ay sa ina ni Zilla. Napuna na niya ang pangangayayat at pangangalumata ng dalagang kasambahay.

Nagdaan ang isang linggo. Walang naging pagbabago. Natagpuan na lang niya ang sarili na hindi na makakatiis.

Naglakas-loob siyang lapitan si Zilla para kausapin. Ngunit nang nasa harapan na siya nito, nawalan naman ng laman ang kanyang utak.

Tumalikod na lang uli siya bago mahalata ng pinsan ang pag-aalala sa anyo niya.

Mabuti na lang pala, nagh

Bab Terkunci
Lanjutkan Membaca di GoodNovel
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terkait

  • The Desirable Impostor   The Substitute Bride - Chapter 4

    The Substitute Bride - Chapter 4Magdamag na nagpa-asikaso ang lasing. Ilang ulit siyang naglabas-masok sa kani-kanilang silid upang tugunin ang mga hiyaw at daing ng tiyahin.Bandang huli, nanatili na lang siya sa tabi ng kama nito. Doon na siya nagtukatok hanggang sa mag-umaga.Nang magising siya, hindi kataka-takang nanlalambot at nananakit ang buong katawan niya.Napaungol siya nang may yumugyog sa kanya. S Tiya Pura pala. "Pahingi nga ng kape," utos nito. "Atsaka, gamot. An'sakit ng ulo ko!"Pinilit niyang kumilos nang maliksi kahit na nangingimi ang mga paa. Paika siyang lumabas sa kusina.Groge pa siya. Nang madaanan ang pinto ng pinsan, awtomatikong hinawi ng isang kamay niya ang kurtinang tabing niyon.Umuwi kaya si Zilla kag--Biglang napalis ang antok ni Zoe. Natutop niya ang bibig. Sumulyap siya sa orasang nasa dingding ng sala. Malapit na ang takdang oras ng pagpunta niya sa mansiyon!Nataranta siya

    Terakhir Diperbarui : 2021-07-13
  • The Desirable Impostor   The Substitute Bride - Chapter 5

    The Substitute Bride - Chapter 5Napalis ang iba pang alalahanin sa utak ni Zoe nang mapag-isa na sila ni Jamiro. Dinala siya nito sa isang malaking silid-tulugan na napakarangya ng mga kagamitan at dekorasyon sa palibot nito.Gusto na niyang malula. Gusto na niyang isipin na isang panaginip lamang ang lahat ng mga nangyayari sa kanya.Pinigil ni Zoe ang matinding antok na nararamdaman. Puyat siya kagabi sa pagbabantay sa Tiya Pura niya.Kaya parang liyo ang utak niya. Hindi siya makapag-isip ng malinaw. Hindi niya alam kung paano ang gagawin para makaiwas sa nalalapit na kulminasyon ng kasal nila ng lalaking napangasawa.Nakatanaw siya sa malawak na tanawin ng mangasul-ngasul na langit at dagat habang nakatayo sa harap ng bintanang salamin na animo higanteng kuwadro sa disenyo.Makapigil-hininga ang nasaksihan niya.Isa pang dibersyon para maligaw ang mga isiping dapat ukilkilin habang may kaunti pang panahon na natitira bago sumapit

    Terakhir Diperbarui : 2021-07-14
  • The Desirable Impostor   The Substitute Bride - Chapter 6

    The Substitute Bride - Chapter6Agad na bumalikwas ng bangon ang lalaki, matapos gumulong palayo sa kanya.Hindi naman makakilos sa Zoe. Nanlalata siya. Nananakit ang katawan niya.Wala siyang nagawa kundi ang mamaluktot, pagkatapos hilahin ang kumot na pantakip sa kahubdan.Maliksing nagpantalon ang lalaki. Nang humarap ay enigmatiko na ang ekspresyon. Isa na namang estranghero."Magbihis ka, Zoe," utos nito. Blangko ang tono. "Mag-uusap tayo."Parang gustong maiyak ni Zoe ngunit tuyung-tuyo ang mga mata niya. Pinilit niyang ibangon ang sarili. Hinanap ng kanyang mga mata ang bestida. Ni hindi na niya natandaan kung paano nahubad sa kanya iyon.Si Jamiro ang dumampot ng puting kasuotan sa sahig. Iniitsa iyon sa kanyang tabi."Kailangan mo ng tulong?" Tila pauyam ang tono nito.Yumuko siya bago umiling. Itinago sa gulu-gulong buhok ang namumulang mukha.Nanginginig

    Terakhir Diperbarui : 2021-07-15
  • The Desirable Impostor   The Substitute Bride - Chapter 7

    The Substitute Bride - Chapter7"I-iyan ba ang parusa?" Iyon ang unang pumasok sa isip niya para sabihin.Kumunot ang noo ni Jamiro. Tila nag-isip muna bago tumugon. "Hindi ka na makakaranas ng hirap dito, Zoe. Ibibigay ko sa 'yo ang lahat."Naniniwala siya sa pahayag na iyon. Napakayaman ng lalaking ito. Ngunit--Ngunit ano?Sigurado bang magiging masaya siya? Hindi siya mahilig sa materyal na bagay. Pinalaki siya ng mga magulang sa paniniwalang ang pagmamahal lamang ang pinakamahalagang sangkap upang maging maligaya..."M-mahal mo ba si Zilla?" Bigla na lang numulas sa bibig niya ang katanungang iyon."Hindi."Napamaang si Zoe. "Bakit mo siya ginustong maging asawa?""Gusto ko na kasing magkaroon ng mga anak. At inakala kong siya ang babaeng--" Napahinto ang lalaki. Tila may naalala. "Pero hindi na siya mahalaga ngayon. Ikaw na ang babaeng gusto ko."Napakurap si

    Terakhir Diperbarui : 2021-07-16
  • The Desirable Impostor   The Substitute Bride - Chapter 8

    The Substitute Bride - Chapter8Natutop ni Zoe ang tapat ng dibdib. Parang sasabog na kasi sa sobrang tensiyon. Wala siyang maisip para sabihin."A-ano'ng gagawin mo sa kanila?""Wala."Hindi siya makapaniwala."H-hindi ka nagagalit sa kanila?""Bakit ako magagalit sa kanila? E, nandito ka naman?" Tila hindi nga nagagalit si Jamiro dahil masuyo pa ang ekspresyon nito habang nakatingin sa kanya.Napamaang si Zoe. "P-pero si Zilla ang gusto mo, hindi ba? Magkaiba kami, Hindi ko puwedeng palitan ang puwesto niya.""Maniwala ka, Zoe, puwedeng-puwede dahil--" Napahinto si Jamiro. Tumikhim ito bago nagpatuloy. "Huwag na nga natin silang pag-usapan. Ano na ang pakiramdam mo? May hangover ka ba? Hindi na kita ginising kagabi para maghapunan dahil mahimbing ang tulog mo."Namula ang mga pisngi ni Zoe dahil naalala niya rin kung bakit napagod siya nang husto.Paulit-ulit siya

    Terakhir Diperbarui : 2021-07-17
  • The Desirable Impostor   The Substitute Bride - Chapter 9

    The Substitute Bride - Chapter9Nagsimula ang pagbabago sa kanilang relasyon ni Jamiro, matapos ang pag-uusap na iyon.Inukilkil siya ng paniniwalang panakip-butas lang siya. Na si Zilla ay mahal pa rin ni Jamiro, kahit na ayaw aminin.Paano'y naging kapansin-pansin ang pagiging tahimik ng asawa. Maghapon itong nakakulong sa pribadong silid nito.At bihira na itong sumiping sa kanya sa gabi...Naging mabagal at kabagut-bagot ang pagdaan ng mga araw. Para siyang nakabitin sa isang limbo. Natatakot sa paglipas ng dalawang linggong taning.Isang umaga, sinaluhan siya ni Jamiro sa almusal. Imbis na matuwa, nanlumo siya.Dumating na ang sandaling kinatatakutan niya!"Magandang umaga, Zoe," bati nito habang hinahagkan ang noo niya. "Magsisimula ka pa lang ba?""M-magandang umaga rin, Jamiro." Pinilit niyang maging magaan ang tono. "Er, oo. Uh, pasensiya ka na. Para sa isa lang a

    Terakhir Diperbarui : 2021-07-18
  • The Desirable Impostor   The Substitute Bride - Chapter 10

    The Substitute Bride - Chapter10 Natakot siyang sagutin ang tanong na iyon kaya nagdumali na lang na lumabas ng silid. Narinig agad ni Zoe ang mga tinig na masayang nag-uusap sa sala. Nag-alangan siyang tumuloy sa paglabas, ngunit hindi siya maaaring magtago na lang sa kuwarto. Nagpakatatag siya at nagpatuloy sa paghakbang palabas. Habang pilit na sinisino ang mga nag-uusap. Nakilala agad niya ang boses ng asawa. Iyon ang nagdagdag sa lakas ng loob niya. May mga boses-matanda, kaya nahulaan niyang dumating na ang mga magulang ni Jamiro. Inaasahan niyang tatlo lamang ang madadatnan sa maluwang na sala. Kaya napapatda siya nang mamataan sina Zilla at Larry. Nakapagitna ang pinsan sa magkapatid. Pero kapansin-pansin na mas malapit ito kay Jamiro dahil nakapahingalay sa pagkakaupo sa mahabang sopa. Nakita rin siya agad ni Zilla. Ngunit sa halip na ipaalam sa iba na dumating n

    Terakhir Diperbarui : 2021-07-19
  • The Desirable Impostor   The Substitute Bride - Chapter 11

    The Substitute Bride - Chapter11Mataas na ang araw nang magising siya kinabukasan. Hindi na siya nagulat nang makitang wala si Jamiro sa tabi niya.At hindi rin siya nanamlay na katulad ng ibang mga naunang umaga. Parang napalis ang lahat ng mga agam-agam niya kagabi.Masaya ang pakiramdam niya hanggang sa lumabas ng silid. Bagong ligo siya at naka-casual attire. Dilaw at pula ang shorts and blouse niya bilang ekspresyon ng nadarama.Nabawasan nang kaunti ang kasiyahan niya nang madatnan si Zilla sa kumedor. Maasim ang mukha nito, pero mas maasim ang kay Aling Tikang. Bahagya na lang nitong natitimpi ang pagdadabog habang pinagsisilbihan ang aroganteng bisita.Pasikreto siyang ngumiti sa matandang katiwala. Inihihingi ng paumanhin ang pinsan.Tumango ng isa si Aling Tikang. Tila naalo naman. "Magandang umaga, Ma'am Zoe." Magiliw at magalang ang tono nito. Pati ang ngiti."Er, magandang

    Terakhir Diperbarui : 2021-07-20

Bab terbaru

  • The Desirable Impostor   The Girl in His Dreams - Chapter 10

    The Girl in His Dreams - Chapter10 Hindi gaanong nakatulog si Alona kaya medyo matamlay ang pagkilos niya pagbangon kinabukasan. "Good morning, neighbor!" Nagsasalang siya ng tubig sa takuri nang sumungaw ang ulo ni Brenda sa munting bintana na nasa pagitan ng kanilang mga kusina. Napangiwi siya dahil nagulat. Umalingawngaw kasi sa tahimik na paligid ang boses ng kaibigan. "Good morning din, " tugon niya, sabay ngiti ng pilit. "May coffee ka na?" "Wala pa," hikab nito. "Puwede bang tumawid d'yan? Wala kang kasama?" "Puwede. Wala akong kasama dito," banayad ang tugon niya kahit na bahagyang namumula ang mga pisngi. Sa isang iglap lang, nakatawid na si Brenda. Hindi nito itinatago ang matinding kuryosidad tungkol sa kanilang dalawa ni Rafael Morales. Wala ring itinago si Alona. Sinabi niya ang lahat-lahat, maliban sa mga detalye ng kanilang kap

  • The Desirable Impostor   The Girl in His Dreams - Chapter 9

    The Girl in His Dreams - Chapter9 PAGKATAPOS ng napakahabang panahon, ngayon lang uli nalasap ni Rafael ang kumpletong kapayapaan sa sarili. Halos nakalimutan na niya kung ano ang pakiramdam ng lubos na satispaksiyon ng katawan. Napatigagal siya, matapos makarating sa kasukdulan. Gayundin ang nakatalik. Kapwa sila nawalan ng tinag. Nagmistulang mga estatwa, maliban sa malakas na paghingal at sa masasal na pagkabog ng dibdib. Aywan kung gaano katagal silang nanatili sa gayong ayos. Ang babae ang unang gumalaw. At ang unang bumasag sa katahimikan. "Uh, e-excuse me?" sambit nito, pabulong. "G-gusto kong pumunta sa bathroom, please?" Halos paigtad na umalis si Rafael sa pagkakadagan sa dalaga. "I'm sorry," wika niya. Mababa ang tono. Parang nalilito na di mawari. "I didn't realize," dagdag pa. Maliksi niyang inalalayan sa pagbangon ang babae. Nahagip ng mga mata niya ang puting roba

  • The Desirable Impostor   The Girl in His Dreams - Chapter 8

    The Girl in His Dreams - Chapter8 WALA silang imikan habang nagmamaneho si Rafael. Tila napakalalim ng iniisip nito. Habang si Marie ay nakikiramdam. Nag-usap lang sila sandali nung nagtanong ng direksiyon ang lalaki patungo sa duplex house na inuuwian nila ni Brenda. "Will you let me come in?" tanong ng lalaki matapos nitong iparada sa tapat ng mababang gate ang sasakyan. Hindi na nag-isip si Marie. Tumango siya, bilang pagpayag. "C-come in," sambit niya habang itinutulak pabukas ang pinto ng tarangkahan. Esklusibo ang subdibisyon na iyon. Mahigpit ang seguridad kaya hindi na kailangan ang mga ultra-moderno at matataas na gate. Tanging ang standard na burglar's alarm lamang ang bantay sa mga bahay doon. "Sino ang nakatira d'yan sa kabila?" tanong ni Rafael habang naglalakad sila sa pathwalk na sementado. "Si Brenda." Wala sa loob ang pagtugon dahil nakatutok ang pansin s

  • The Desirable Impostor   The Girl in His Dreams - Chapter 7

    The Girl in His Dreams - Chapter7PIGIL-HININGA si Marie habang naghihintay ng magiging tugon si Rafael Morales.Isinugal na niya ang lahat--para lang makita at makilala ang anak na kinasasabikan. Huwag naman sana siyang matalo...Habang umuusal ng panalangin, napapadalas ang pagsimsim niya sa alak. Hidi rin siya tumitingin sa gawi ng lalaki upang makapagkunwaring balewala sa kanya kung tumanggi ito. Ayaw niyang masaksihan nito ang pagkamatay niya, kung sakaling mabigo."Wine, ma'am, sir?" tanong ng isang waiter na napadaan sa tabi ng mesang kinaroroonan nila.Sabay pa silang tumango at tumugon. "Sure.""Thank you," aniya, pagkatanggap sa panibagong kopita ng alak. Agad niyang nilagok ang kalahati niyon upang magkaroon ng dagdag na lakas ng loob. Itinutulak na siya ng desperasyon.Nang mag-angat siya ng tingin, nakatitig na naman sa kanya si Rafael. Hidi na siya nakaiwas pa. Tuluyan na

  • The Desirable Impostor   The Girl in His Dreams - Chapter 6

    The Girl in His Dreams - Chapter6HINDI inaasahan ni Marie ang patudyong tanong na iyon.Namula muna siya, bago nanginig. Naumid rin ang dila niya. Nawala pati ang boses.Kaya nakalipas ang sandali ng pagtanggi. Ang pananahimik niya inakalang pagpayag sa nais ni Raffy Morales."May I have this dance, Miss Santos?" tanong uli nito. Naging mas masuyo pa ang malalim na tinig.At para bang sila na lamang ang mga nilalang sa mundo nang mga sandaling iyon. Parang naglaho sina Brenda at Steve..."Nakakainggit naman sila, sweetheart," sambit ng kaibigan. "Sayaw din tayo."Nawalan ng saysay ang pasikretong paghingi niya ng saklolo dito. Walang anuman na tinalikuran siya upang iwan sa mapanganib na presensiya ni Rafael."Puwede ba kitang maisayaw, Marie?" untag nito. Tila paanas na. "Puwede na ba kitang tawaging 'Marie'?" Tila napakalapit na nito sa kanya."Uhm, o-oo," sambit niya,

  • The Desirable Impostor   The Girl in His Dreams - Chapter 5

    The Girl in His Dreams - Chapter5NAKABAWI rin agad si Marie sa pagkabigla niya. Maraming Pilipino ang may apelyidong Morales."G-goodbye, sir," sambit niya bago minadaling pihitin ang ignition key."Bye." Kinawayan niya ng isa ni Mr. Reyes bago tumalikod para bumalik sa opisina.Malayu-layo na ang natakbo ng sasakyan nang ihinto ni Marie para tuluyan siyang makabawi ng sarili. Nanginginig siya na di niya mawari. Para bang ninenerbiyos. Ganitung-ganito ang naramdaman niya nung gabing iyon...Pero wala siyang dapat na ikatakot. Ayon kay Brenda, may ilang taon na ang nakakaraan, wala daw sa Pilipinas ang mag-anak ni Rafael Morales. Nagtungo raw sa Amerika dahil may itatayong bagong negosyo.Ngunit matagal na matagal na iyon. Atsaka, tsismis lang daw. Nasagap lang ng kaibigan mula sa mga sosyalan na hilig nitong daluhan.Pitong taon na ang nakakaraan--pero hindi ko pa rin sila makalimu

  • The Desirable Impostor   The Girl in His Dreams - Chapter 4

    The Girl in His Dreams - Chapter4"Welcome to our humble company, Miss Marie Santos," ang masiglang bati ng may edad na general manager ng kumpanyang kumuha sa serbisyo niya bilang senior financial analyst.Pormal ang ngiti ni Alona, alyas Marie Santos.C.P.A. na si Alona pero mas nagustuhan niyang mamasukan sa mga pribadong kumpanya dahil mas challenging ang trabaho. Bukod sa malaki ang susuwelduhin niya."Thank you, sir," ang magalang na tugon niya. Prupesyonal ang matipid na ngiting isinabay niya. "I'm very much honored to be able to work for you," dagdag pa niya."Ho! ho! With your work track record, kami ang dapat na nagsabi n'yan, iha. I won't ever forget na kinailangan ka pa naming suyuin nang husto para mapapayag na magtrabaho ka sa amin.Bahagyang namula ang mga pisngi niya sa tinuran ng kaharap. "I applied for the job, sir," pagtatama niya."Only because I advised you to do so

  • The Desirable Impostor   The Girl in His Dreams - Chapter 3

    The Girl in His Dreams - Chapter3Maliban sa ilang mga panloob, pantulog at pambahay na pawang mga pambuntis, wala siyang naiwang bakas upang matunton siya sa kinaroroonan.Ngunit ang mga bagay na iyon ay nabigyan lamang niya ng sapat na pansin nung makalipas ang isang mahabang buwan. Hindi lang ang sugat ng operasyon ang ginamot at pinagaling niya. Pati ang depresyon na gustong umalipin sa katinuan niya ay pinilit rin niyang palisin."Talagang ganyan lang sa umpisa, Alona," pang-aalo naman palagi ni Brenda. "Masasanay ka rin kapag tumagal-tagal.""Hindi ko inisip na mangungulila ako sa baby ko, Brenda," pag-amin niya. "Ang akala ko. Puwede kong ikondisyon ang sarili ko na trabaho lang ang lahat."Masyado mo naman kasing pinag-ukulan yata ng pansin, e," paninisi ni Brenda, pero magaan ang tono. "Ang rule number one sa pagiging babymaker: 'Be detached'. Kunwari hindi sa 'yo ang katawan mo habang nagbu

  • The Desirable Impostor   The Girl in His Dreams - Chapter 2

    The Girl in His Dreams - Chapter2MULA sa ospital, nagtuloy si Alona sa bahay ng kaibigan na pinanggalingan ng ideyang lulutas sa mga problema niya."O, bakit hindi ka naman nagpasundo?" Nag-alala agad si Brenda, pagkakita sa maputlang mukha niya. "Grabe namang si Mrs. M na 'yon! Hindi ka man lang ba tinulungan umuwi? Basta na lang umalis pagkatapos kunin ang kailangan sa 'yo?" Patuloy ito sa pagbubusa habang tinutulungan siyang pumasok sa loob ng two-storey apartment."Gan'on ang usapan namin, Brenda, " paliwanag niya sa nanghihinang tinig. "M-malakas naman ang pakiramdam ko...""P'ano'ng magiging malakas? Ayan at sapo mo na ang sugat mo? Kelan ka pa ba nasa ospital? Bakit 'di mo man lang ako pinadalaw d'on? Para naman may nag-asikaso sa 'yo do'n," pang-uusig nito habang tinutulungan siya sa pag-upo sa malambot na sopa. "A, oo nga pala, 'yon ang usapan n'yo," bawi nito matapos balikan ang dalawang bag niya

Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status