Hindi pa ako tuluyang nakakapasok sa bahay ay maririnig na ang boses ng tiyuhin ko. Marahas na sigaw na tila naghahamon ng away.
"Nasaan na ba iya'ng Pamangkin mo Amanda! Aba, anong oras na uwi pa ba iyan ng matinong babae? Kailangan ko ng pera, nag-aaya uminom si Rodney!"
"Huminahon ka nga, b-baka naghahanap pa ng p-pera iyong bata o baka, baka pauwi na," natatarantang saad ng Tita ko.
Hindi na bago sa pandinig ko iyon kaya tuluyan na akong pumasok para ibigay ang perang hindi ko naman deserve matanggap dahil sa basang paintings.
"Pasensya na ho at ginabi ako ng uwi. Ito oh, iyong kailangan nyo para tumigil kayo sa kakukuda," walang modo kong saad.
Akmang sasampalin ako ng malakas ng Tiyuhin ko ngunit hindi iyon natuloy dahil inilayo na s'ya ng Tita ko.
"Nagkakasungay ka ng bata ka! Baka nakakalimutan mo na malaki ang utang na loob mo sa amin! Kung hindi dahil sa amin ay baka sa kangkungan ang bagsak mo!"
"Mas gugustohin ko pa ata na hindi ko na kayo nakilala, kesa nagtitiis ako sa impyernong bahay na ito ng dahil sa letseng utang na loob na 'yan."
"Aba'y sumasagot ka na ngayon! May maipagmamalaki ka na ba ha? Tandaan mo, sa pamamahay pa rin kita nakatira kaya sa ayaw at sa gusto mo, susundin mo ang gusto ko!"
Hinayaan ko syang magtatalak at tumaas na ako, sobrang bigat ng pakiramdam ko kaya ang tagalan ang presensya ng taong araw-araw ginawang impyerno ang buhay ko ay hindi ko kayang gawin. Para akong lalagnatin, bukod kasi sa hindi pa masyadong magaling ang mga pasa ko ay naulanan pa ako.
Bago ako mahiga ay inalala ko ang mga nangyari kanina, at hindi ko namalayan ay nakangiti na ako na parang nawawala sa sarili.
But I realized how far he is to me. He's unreachable.
"Ang gwapo, kaso off limits. Di ako magmamahal ng Teacher itaga nyo 'yan sa buwan,"
Pagkausap ko sa sarili ko na tuluyan nang nagpalamon sa kabaliwan ko. Isang araw ko pa lang nakita iyong tao tapos ganito na ang iniisip ko.
I dozed off with that thought. When I woke up, I was feeling heavy.
" Gago, nilalagnat ako?" Babangon pa lang sana ako pero nagdilim na agad ang paningin ko.
Mabuti na lamang at hindi ako natumba, ilang minuto rin iyon at maya-maya ay may kumatok sa pinto ng kwarto.
"Ali? Pwede ba akong pumasok?" boses iyon ng Tita ko.
Pinilit kong buksan ang pinto kahit na galing ako sa pagkahilo.
"Pasok po kayo, pasensya na po hindi ko kaagad nabuksan masama po kasi ang pakiramdam ko," saad ko.
"Ah, ayos lang.May lalaking dumaan dito kanina, pinapabigay 'to sayo, mukha namang mabuting tao kaya tinanggap ko na. Caden raw ang pangalan, manliligaw mo ba yon?"
Nang tingnan ko ang laman ng isang paper bag ay nakita ko iyong suot ko kahapon. Ang isa naman ay may mga lamang pagkain at gamot.
"Ah, hindi po. Kakilala ko lang 'yon,"
"Mabuti naman kung ganoon Ali, ah, a-alam mo naman ang sitwasyon hindi ba?"
"Huwag po kayo'ng mag-alala dahil hinding hindi ko po makakalimutan." saad ko nang walang emosyon.
"Ah, mauuna na ako sa baba Ali." tanging nasabi nya nang maramdaman ang tensyon sa pagitan namin.
Umalis na sya at naiwan ako doon mag-isa. Sa totoo lang, nakokonsensya ako sa inasal ko sa Tita ko pero hindi ko lang talaga napigilan.
Ayaw nila akong pumasok sa isang relasyon dahil mawawalan daw ako ng oras para gawin ang mga responsibilidad na iniatang nila sakin.
I'm so sick of this life..
Hindi ko na masyadong inisip ang kalagayan ko dahil nalulungkot lamang ako. Inisa-isa ko na lamang ang laman ng paper bag.
Sa tupperware ay nakalagay ang mainit na Sinigang at meron na ring kanin. Meron ding mga prutas at syempre, gamot. Maroon ding letter na nakuha ko sa isang paper bag kung saan nakalagay ang damit ko kahapon.
'Eat before drinking your meds. Get well and take care.' - Laurel
Napangiti na lamang ako sa sobrang ganda ng penmanship n'ya at bukod doon ay kinikilig ako sa katotohanang naalala n'ya ako.
Kahapon lang kami nagkita pero parang ang tagal tagal na naming magkakilala..
Kinain ko na ang padala n'yang pagkain at pagkatapos noon ay ininom na ang gamot ko. Pagkatapos noon ay bumalik na ako sa pagtulog dahil mabigat talaga ang pakiramdam ko.
Nagising na lamang ako dahil sa sigaw na nanggagaling sa baba.
"Amanda, nasaan ang pamangkin mo?"
"Nagpapahinga at masama ang pakiramdam ng bata! Pagpahingahin mo naman kahit ngayon lang!" sigaw ng tiyahin ko.
"Wala na ang perang binigay nya kagabi! Hindi pa ako ulit tinatawagan sa konstraksyon kaya hindi pupwedeng patulog-tulog lang sya dyan! Hoy Ali bumaba ka d'yan at maghanap ng pera!"
"Huwag ka ngang sumigaw, hindi ka ba nahihiya sa mga kapitbahay natin? Araw araw ka na lang ganyan!" saad ng tita ko.
Para hindi na magtagal ang usapan ay bumaba na ako, kahit nanghihina pa ako.
Hindi pa ako tuluyang nakakababa sa ikatlong baitang ng hagdanan ay hinaklit na ng Tito ko ang damit ko at sinampal ako ng malakas.
Sa sobrang lakas nito ay halos nayanig at nagdilim ang paningin ko. Idagdag pa na hindi maayos ang pakiramdam ko kaya naman nanginginig ang tuhod na napaupo ako.
Pero katulad nang madalas kong ginagawa. Hindi ako umiyak. Kahit nakakaawa ang kalagayan ko ay hindi ako umiyak ni isang luha.
"Patayin nyo na lang ako," nasabi ko na lamang sa sobrang panghihina ko.
Tiningnan ko ang Tita ko at halatang nahahabag sya sa akin pero wala syang ginagawa para tulungan ako. Palagi naman ganoon kaya nasanay na ako.
Palagi syang naduduwag at parang baliw na baliw s'ya sa asawa nya kahit nakikita nyang demonyo ang lalaking ito. Matagal ko ng planong tumakas kasama ang Tita ko pero ayaw nya. Ayaw ko naman s'yang iwan dito kaya nagtitiis na lang ako sa bawat sakit.
"Kahit lumuhod ka pa ay hinding hindi kita pagbibigyan sa gusto mo. Marami ka pang babayaran sa pamilyang to kaya hindi ka pwedeng mamatay. Tumayo ka d'yan at maghanap ka ng pera!"
Kahit nahihilo at hinang hina ay pinilit kong tumayo at lumabas ng bahay para sundin ang kagustuhan ng demonyo kong Tiyohin. Inayos ko ang sarili ko at hinayaan ang mga paa kung saan ako dalhin nito. Iniasa ko na ang lahat sa mga paa ko. Lumakad ako ng walang saktong destinasyon kung saan tutungo.
If I get bumped by a car and die,I would surely thank the driver in heaven for ending all my hardships and misery.
Dahil nasa gitna ako ng kawalan, hindi ko namalayan na kanina pa pala ako nakahinto at nasa harapan ng isang gwapong lalaki.
"Hey Miss, you okay?" tanong nito na halata sa boses ang pagiging concern.
Doon ko napagtanto na muntikan na nga pala talaga akong mabunggo mabuti na lamang at nakapag preno ang lalaki sa harapan ko. Naramdaman ko ang unti-unting pamumuo ng luha ko at doon ko nalaman na hindi pa pala ako handa. Hindi ang lahat ng pagsubok ang makakapagpasuko sa akin dahil alam kong mas matibay ako roon. Pinunasan ko ang luha ko.
"Ah oo, okay lang ako pasensya na at dito ko pa sa kalsada nagawang magmuni-muni," sagot ko sa lalaki, na bahagyang nahihiya sa nangyari.
"You sure you're okay? I can take you to the hospital if ever? I'm sorry I was a bit wreckless."
"Okay lang ako, pasensya na at naabala ka pa. Hindi naman ako nadagasan o ano. Pwede na ng umalis,"
"Look, I'm so sorry Miss if I almost bumped you, I'm glad you're okay but if there is anything I can help you with regards to this matter, this is where you can contact me."
He handed me his calling card.
Andrius Bryle Cruz
He left after he gave me that piece of paper where his name is written and also his number.
He's tall and has a very manly voice. He is also moreno with a bad boy aura but you can tell with the way he talks that he's a good person.
So much for describing a person. I should focus on why I was here, it's to find a way to earn money.
Hindi ko rin alam kung paano at saan pero isa lang ang alam ko, kailangan may mahanap ako. Nagtuloy-tuloy na ako sa paglalakad kahit pa masama ang pakiramdam ko mula sa sakit nang katawan galing sa mga pasa at sa sakit dahil sa pagkakabasa ng ulan.
Ilang minuto pa akong naglakad hanggang sa makarating ako sa bayan, doon ay matatagpuan ang palengke ng bayan, ang Plaza at ang munisipyo at syempre ang mga kainan.
Lumapit ako sa mga karinderya malapit doon upang magbakasakali na baka makuha ako bilang tindera pero wala ni isa sa mga may ari karinderya ang naghahanap ng katulong. Malapit na mag alas-tres ng hapon at kumakalam na rin ang tiyan ko kaya inilabas ko ang isang daang piso na itinabi ko kagabi para bumili ng isang order ng kanin at ginataang gulay.
Matapos kumain ay napadpad ako sa Plaza. Doon ay makikita ang mga batang nageensayo sa pagsasayaw, mga tindero at tindera ng mga palobo at ng cotton candy, mayroon ding mga dumadaan lang at sa kabilang banda ay makikita ang isang artist na nagtitinda rin ng mga paintings kaya naman lumapit ako roon.
"A, magandang araw po! Ang gaganda naman po nito, isa rin po akong pintor kaya napukaw nyo ang atensyon ko, " magalang at palakaibigan ko na tugon sa matandang lalaki. Nabigla ang matanda pero kalaunan ay binati rin ako.
"Magandang hapon din sayo hija, Nako eh kanina pa nga ako rito kaso ay wala pang bumibili kahit isa. Pakiramdam ko tuloy ay pumupurol na ako," saad ng matanda ng bahagyang nakangiti habang kinakamot ang ulo.
"Naku huwag nyo pong isipin 'yan! Kung gusto nyo po, tulungan ko kayo mag benta?"
Karamihan sa mga obra ng matanda ay mga flower paintings, mga hayop, at ang iba naman ay may kinalaman sa kalikasan. Bawat paintings ay makikita mo ang pagkamalikhain n'ya kaya naman nainspire ako lalo na gumuhit ng dahil sa kanya.
Ilang minuto pa ang lumipas at may mga nabenta na kami pero iilan pa lamang, umabot na iyon sa dalawang libo.
"Dahi may nabenta na tayo, hati tayo sa kita ineng, hindi naman siguro ako makakabenta kung hindi dahil sa tulong mo,"
"Nako Tay, ayos lang po sa inyo na po yan para sa pamilya nyo po,"
"Anong okay, hati tayo kailangan mo ito dahil sabi mo nga tumutulong ka sa Tita mo."
Habang nagtitinda ay nakwento ko sa kanya na tumutulong ako sa tiyahin ko, totoo nga siguro iyong kasabihan na mas magaan ang loob mong mag kwento sa mga taong kakikilala mo lang. Kung dahil ba pareho kami ng passion o sadyang magaan lang kausap ang matanda ay hindi ko matukoy.
Tinanggap ko lamang ang limang daang piso dahil masyadong mapilit ang matanda ayoko na sanang tanggapin dahil s'ya naman ang gumawa ng lahat ng iyon pero hindi sya pumayag.
Maya-maya pa ay napagdesisyunan kong ayusin ang mga paninda ng matanda kaya masyado akong nalibang.
" Ang ganda naman," narinig ko ang boses na iyon at awtomatiko akong napatingin sa nagsalita. Doon ay naramdaman ko ulit ang biglaang pagtibok ng malakas ng puso ko na tila ba gusto ng kumawala sa loob ng dibdib ko. Isa pa lang ang nakakapagbigay ng ganoong epekto sa akin.
He made an eye contact with me and the next words he uttered made me so nervous for myself with a possibility of falling for him so deeply.
"If you can paint a beautiful canvas, can you paint yourself then? I can buy it even if it's worth thousands."
As everyone says, life is full of surprises. It makes you wonder what tomorrow is waiting for you. But to me, who grew up in a life where I never experienced being happy, it makes me think if there is still hope and another starting point for me. "Pagsabihan mo iya'ng pamangkin mo Amanda! Noong isang araw pa hindi nagbibigay ng pera! Akala mo ba ay hindi ko napapansin, palagi mo na lang pinagtatakpan ang babae'ng yan kaya lumalaki ang ulo!" "Huminahon ka nga, nakakahiya sa kapitbahay ano ka ba!" "Ano'ng hiya ang pinagsasabi mo, hindi naman tayo pakakainin ng hiya na iyan! Tigilan mo ako sa mga paganyan-ganyan mo Amanda, dahil kung hindi ay pareho kayong malilintikan sa akin!" Mula rito sa taas ng bah
He burst into laughter after saying those words that made my heart flutter. I don't know if he's losing his mind because he seems so serious with his words earlier but now he's just laughing his ass off. "Tara na nga, masyado mo akong pinapatawa young woman." "Excuse me Sir, I am already 21 years old for your information!" "Still young." He said it uncomfortably and quickly turned his back on me. "Follow me downstairs, I'll drive you home." "Teka lang, iyong pinagkainan ko." "Manang already took care of it. Now, follow me because your parents might be so worried at
Hindi pa ako tuluyang nakakapasok sa bahay ay maririnig na ang boses ng tiyuhin ko. Marahas na sigaw na tila naghahamon ng away. "Nasaan na ba iya'ng Pamangkin mo Amanda! Aba, anong oras na uwi pa ba iyan ng matinong babae? Kailangan ko ng pera, nag-aaya uminom si Rodney!" "Huminahon ka nga, b-baka naghahanap pa ng p-pera iyong bata o baka, baka pauwi na," natatarantang saad ng Tita ko. Hindi na bago sa pandinig ko iyon kaya tuluyan na akong pumasok para ibigay ang perang hindi ko naman deserve matanggap dahil sa basang paintings. "Pasensya na ho at ginabi ako ng uwi. Ito oh, iyong kailangan nyo para tumigil kayo sa kakukuda," walang modo kong saad.
He burst into laughter after saying those words that made my heart flutter. I don't know if he's losing his mind because he seems so serious with his words earlier but now he's just laughing his ass off. "Tara na nga, masyado mo akong pinapatawa young woman." "Excuse me Sir, I am already 21 years old for your information!" "Still young." He said it uncomfortably and quickly turned his back on me. "Follow me downstairs, I'll drive you home." "Teka lang, iyong pinagkainan ko." "Manang already took care of it. Now, follow me because your parents might be so worried at
As everyone says, life is full of surprises. It makes you wonder what tomorrow is waiting for you. But to me, who grew up in a life where I never experienced being happy, it makes me think if there is still hope and another starting point for me. "Pagsabihan mo iya'ng pamangkin mo Amanda! Noong isang araw pa hindi nagbibigay ng pera! Akala mo ba ay hindi ko napapansin, palagi mo na lang pinagtatakpan ang babae'ng yan kaya lumalaki ang ulo!" "Huminahon ka nga, nakakahiya sa kapitbahay ano ka ba!" "Ano'ng hiya ang pinagsasabi mo, hindi naman tayo pakakainin ng hiya na iyan! Tigilan mo ako sa mga paganyan-ganyan mo Amanda, dahil kung hindi ay pareho kayong malilintikan sa akin!" Mula rito sa taas ng bah