Paano kung ang taong mahal mo ngayon ay bumalik ang nagugustuhan niya noon? Ang dating sobrang minahal niya.
Would you rather choose to let him go of lalaban ka?Pero paano kung sa pag laban mo may mas malaking consequence pala ang nag hihintay sayo? Makakayanan kaya ni Ara ito?------------Grey's Memories-Sa hindi kalayuan mayroong mga kabataan na nag lalaro, apat na lalaki at isang batang babae.Pinagtutulungan ng mga batang lalaki ang batang babae dahil sa hindi ito makapagsalita, pinagtatapunan nila ito ng yelo hanggang sa humalukipkip na lamang ang batang babae at tahimik na umiyak.At sa ibang bahagi naman ng play ground may dalawang bata na kumakain at nag uusap ngunit ang batang lalaki ay nakatingin lamang sa gawi ng batang babae na pinagtutulungan ng grupo ng mga kabataan.Habang masayang nag kukwento ang kasama ng batang lalaki nagulat ito nang tumayo ang lalaki at mabilis na nag lakad patungo sa gawi ng nag kukumpulan na mga bata."Don't touch her! Or else I'm gonna call the cops! " sigaw ni sa apat na bata.Napatingala naman sa gawi nito ang batang babae ngunit nawalan rin ng malay.Lumapit sa gawi niya ang kasamang batang babae nito at mabilis na tinawagan ang guardian nila. Dinala sa hospital ang batang babae at umalis na rin ang batang babae at lalaki.Lumipas ang buwan at taon palaging nagkikita ang tatlo sa play ground kung saan sila unang nag kakakilala ng batang babae na tinulungan niya ngunit lingid sa kaalaman nito ay may plano na pala ang babaeng best friend nito sa babaeng tinulungan niya noon.Ang pangalan ng bestfriend niya ay si Aela samantalang ang tawag nila sa lalaki ay si Khy, ang batang babae naman na tinulungan ni Khy ay si Lanah."Aela can you help me prepare a beautiful dinner for Lanah? " masayang wika ni Khy kay Aela na bigla naman ikinagulat ni Aela, napakuyom ito ng kamao at mabilis na tumango ng nakangiti.Sa gabing iyon excited na naghihintay si Khy sa rooftop ng kanilang bahay na dumating si Lanah ngunit lingid sa kaalaman nito ay na sa hospital na pala ang batang babae dahil nabangga ng sasakyan.Hindi natuloy ang dinner at sobrang nasaktan si Khy dito ngunit nang malaman niya na nahospital si Lanah mabilis itong pumunta roon at nangako na babalikan ito para bisitahin ulit siya.Ngunit sa araw ng kaarawan niya ay umalis rin si Aela para ipagpatuloy ang kan'yang pangarap sa pag aartista 'yon ang paalam niya sa pamilya ni Khy at kay Khy mismo, dito napagplanuhan din pala ng pamilya ni Khy na bumalik ng Pilipinas ngunit bago magpatuloy sa Airport ay nag paalam muna ito na pumunta sa hospital ngunit hindi niya r'on naabutan si Lanah."Loving you is like this wine glass, it needs to be handled with care. "PUMASOK ako sa isang coffee shop na pag-aari ng kaibigan kong si Jacob, well kababata ko siya sa edad niyang 21 nagma-manage na siya ng kapehan nila at 'di na siya nagpatuloy sa pag-aaral."What's up parekoy na mukhang kengkoy!" tinaasan ko masyado ang boses ko para marinig niya. "Yo, Ara! maka-kengkoy ka naman napapahiya mo 'ko sa harap ng customers, oh," saad n'ya with matching hawak dibdib pa, kunwaring nasasaktan.Natawa na lang ako sa tinuran niya."One frapped coffee please, paki-dalian naman Bestfriend. Nagmamadali kase ako dahil first day ng pasukan sa University ngayon, baka ma-late ako," pangiti-ngiting wika ko sa kan'ya."Sige Bestfriend, three minutes okay lang ba?" tanong niya habang nagsisimulang gumawa ng kape."Oo naman, ikaw pa ba. Alam ko namang easy lang 'yan sa'yo.""Nga pala, Ara, anong kurso ang kinuha mo? Kung 'di ako nagkakamali ay Flight attendant ang dream mo?" tanong niya habang naglalagay ng frapped sa kape ko."At diyan ka talaga nagkakamali dahil Law ang
"ANO?! Seryoso ka‽ Jusko, Ara! Ano 'yang pinasok mo?!" Makapag-react 'tong dalawang 'to, mga OA. I'm so frustrated! I combed my hair using my fingers.Tiningnan ko ang aking relo and its already 11:00 wala naman masyadong klase ngayon kasi nga first day. May pa-intoduce yourself pa na walang katapusan."Lunch muna tayo. Nagugutom na ako, kanina pa ako problemado.""Alam mo, Ara, parang wala kang problema! Huy, gagi! Grade mo ang nakasalalay rito!" ito namang si Clyde sobra pa kay mama makapagsalita pero may point naman siya."Ara, gwapo ba siya? Ara! Ara! pupunta kami mamaya sa classroom n'yo, ha. Sisilipin ko lang," at kumindat pa ang luka. Ang babaeng 'to malandi talaga. Pero mahal ko 'to."Sige! So, saan tayo kakain? Clyde, sa Restaurant n'yo na lang para libre, save money ako," pabirong wika ko pero may pag katotoo nang kaunti."Oo na! Ano pa ba'ng magagawa ko? Malakas kayo sa 'kin, eh.""Ms. Avery?" That cold voice, jusko halos tumindig lahat ng balahibo sa katawan ko."Y-Yes, p
"OH, Ara? Ba't parang pinagsukluban ka ng langit at lupa riyan? Anong nangyari sa'yo?" bungad ng kakarating lang na si Lhor.Ito talagang si Lhorraine pag nage-emote ako laging panira, eh, no? "Anong ginawa sayo ng prof mo na 'yon? Pinagsalitaan ka ba niya ng masama? May ginawa ba siya sa'yo? Sabihin mo lang at susugurin ko 'yon." Sabay kindat sa 'kin na nagpapahiwatig na 'wag sabihin na alam niya na, naparolyo naman ako ng aking mata.Isa pa to'ng si Clyde, akala mo naman totoo takot lang 'yan bumagsak."Ang OA mo na, Clyde. Ang layo ng iniisip mo sa nangyari." But the truth is ang sakit lang kasi dahil sa kabastusan ng bibig ko babagsak ako."Ganito, uhm, kumalma ka muna kasi first day pa lang naman. Malay mo mag-change mind 'yang si sir mo, gamitan mo kaya ng ipinagbabawal na technique?" "Kung gan'yan lang naman ang suggestion mo, Lhorraine, never! Over my dead body! Ako?Papahulugin ang loob niya? Never!"Nakaka! Basta, ang panget kaya tingnan like, duh! He's a teacher for Pete's
Grey POV"GREY, hindi tama ang ginawa mo and you know that." Kanina pa 'to, hindi pa natatapos si mama kakasermon sa 'kin dahil sa babaeng 'yon. Umalis na ang babaeng 'yon kanina, mabuti na lang. Pero after n'ya umalis ay heto naiwan kami sa restaurant at mga salita naman ni mama ang natikman ko. Call me gag* or what pero kumukulo talaga ang dugo ko kay Ara and I don't know why."Grey, are you listening to me? Jusko na bata ka! Oo nga pala next week you told me you have already have a girlfriend. Gusto ko na siya makita, gusto ko nang magkaapo. Please bring her, okay?"Oh d*mn! Mama, why are you doing this to me? Ayaw ko naman sabihin sa kan'ya na ayaw ko pang magka-girlfriend and I'm not into that yet.Pero I love my mother so much. Kung pwede lang ay gagawin ko lahat ng gusto niya makita ko lang siyang masaya, I'll do it."Yes mama, I will. Anyway, I'll go ahead. Pupunta pa ako sa bahay ni Rizza, Ma.""Sige, hijo, mag-ingat ka.""Mang Lucio, please take care of mama, okay?""Sige,
"MS. AVERY!"Ayan na naman siya. Opo kanina niya pa po ako hinahabol ng sasakyan niya. Ano kayang nakain ng Simpson na 'to at ba't naging makulit?"Sabi ko nga iwan mo ako diba!?""And i also said no."Numumuro na 'to, susuntukin ko na ba? Pigilan n'yo 'ko."Look I'm very sorry sa mga sinabi ko sayo. I admit my mistake, I'm really sorry.""'Wag mo nga akong tingnan nang gan'yan. Naiirita ako sa mukha mo, oo na sige na."I started walking na umaasa na sana tantanan niya na ako, pero akala ko lang pala."You can ride with me. Come on, let's go."Bumaba siya ng kotse nang hindi ako tumigil sa paglalakad at walang pasabing agad niya akong hinapit sa bewang na parang sako lang ng bigas."Simpson! Ibaba mo ako rito! Hindi ako pumayag na sasakay sa'yo!""Shut up, Avery."Walang kahirap-hirap n'ya 'kong isinakay sa loob ng kotse n'ya. "Ano ba ang nakain mo? Ba't ang kulit mo ngayon, ha?"Pumasok siya sa kabilang bahagi ng sasakyan at pinaandar ang sasakyan. "Nothing. Uhm, actually I wanna t
PAPASOK na kami sa pintuan ng hospital ng bigla siyang tumigil."Give me your hand.""Ha?""I said give me your hand."Inosenteng binigay ko ang kamay ko sakanya at pinag tiklop niya iyon sa kamay niya i felt uneasy kase shemay! what if may makakita salamin na mag aaral sa paaralan baka ipagkalat n'on na mag jowa kami ni Simpson."Look Ara if you're thinking that someone might see us, hindi mangyayari yun. Okay?"I just nodded as a reply"Mrs. Simpson"Wika niya sa nurse station na kaagad naman binigay ng nurse ang number ng kwarto nito.Agad naman kaming sinamahan ng nurse papunta sa kwarto ng nanay ni Grey pero alam mo beh yung tingin niya kay Simpson ang lagkit parang kakanin. "Hi mama good afternoon" Pag bukas ng pinto ito agad ang bungad niya sa nanay niya. (𝘔𝘢𝘮𝘢 - 𝘸𝘪𝘵𝘩 𝘢𝘤𝘤𝘦𝘯𝘵) "Oh hi hijo, Oh my! Hi Avery! You're here" ngiting wika nito habang pilit na tumayoInalalayan naman siya ni Grey na makaupo sa hospital bed. "Hi po! Ara na lang po, kamusta po kayo? " Na
"HELLO mama I'm just here to fetch Ara home. " bungad ni grey sa nanay nito sabay halik sa noo"Oh! I see ano'ng oras na ba?""It's already 9:38 in the evening at may pasok pa siya bukas. " sabi nito kay mama niyaAko naman nakatayo lang dito sa gilid habang naka ngiti na naka tingin sa kanila. "Gabe na pala hindi ko man lang na pansin ang oras, sige hija mag ingat ka ha? At ikaw Grey alagaan mo ng mabuti si Ara" habilin ni mama' saka nag paalam na kaming dalawa ni GreyWalang imik kami sa isa't isa ni Grey pag pasok ng Elevator at sobrang distansya ang namamagitan sa amin. "A-ano uhm kaya ko naman umuwi mag isa. " pag basag ko ng katahimikan. "That's great since may pupuntahan naman ako" sagot niya habang naka tingin sa cellphoneAyy grabe siya hindi pala pwede mag pakipot sakanya.. Hoy! Ara umayos ka nag mumukha ka nang malandi! "Hmm" tanging nasagot ko na lamang. Ilang minuto ang lumipas at bumukas na ang elevator ngunit nagulat ako ng makita sa hindi kalayuan si Jacob na papu
-" ANO ang pag-uusapan natin ngayon? " tanong ko sakanya habang nakatingin sa labas ng starbucks. Ang lamig shems kanina pa ako nanginginig dito. " Kung plano mo naman pala makipag usap bakit hindi mo kanina ginawa habang nasa byahe tayo?" Dugtong ko pa" Ngayon ko lang naalala "" Spill the tea. " sabi ko sabay inom ng kape. "About our marriage " biglang sabi niya na agad naman nakapag paubo sakin, ang init ng kape pero mas nakakabigla yung sinabi niya. " Ngayon na? Akala ko ba sa mga susunod na buwan pa? " " Next week sa judge na tayo mag pakasal. Tayong dalawa lang no visitors since yung papeles natin peke naman. " sabi niya. " Grabe ang bilis.. " tanging nasagot ko. " You agreed into it in exchange of your grades remember? " pag papaalala niya. Alam ko naman yun kaso yung dream wedding ko yung sa beach tapos nandon yung mga pamilya at kaibigan ko. Yung may effort, yung memorable. " Okay noted. " sagot ko rito. " So what's bothering you? Bakit lalabas ka pa ng ganitong o
Nag lalakad si Clyde sa hallway ng makita nito si Ara na may kasamang lalaki na kinakausap habang si Grey naman ay nasa likod ni Ara na masama ang tingin sa lalaki. Nang makaalis na ang lalaki ay nakita niyang may sinabi si Grey kay Ara na nakapag pa iba ng timpla ng mukha nito.Puno ng pag tataka ang laman ng isip ni Clyde dahil sa nakita nito kung paano umakto si Grey. Habang sa ibang bahagi naman ng paaralan masayang nag lalakad si Lhor habang may hawak na bulaklak patungo siya sa opisina ni Grey ngunit pag bukas niya ng pinto ay bumungad sakanya si Aela na namumugto ang mga mata. Napatingin naman si Aela sakanya at sa hawak niyang bulaklak. "Kung ako sayo titigilan ko na ang taong ikakasal na. "Gulat at tila hindi maproseso ang utak ni Lhor, ikakasal? si Grey ikakasal na?. "You're surprised, you seemed doesn't know kung sino ang papakasalan niya kung ako sayo mag ingat ka malay mo nasa paligid mo lang ang taong iyon mukhang naunahan kana.. " Aela chuckled before she left. L
-August 9, 2022- (Before Ara and Grey's wedding) Masayang nag lalakad si Lhor habang may hawak na dalawang maliliit na box sa loob nito ay isang mamahaling relo at sa isang maliit na box naman ay isang necktie. Naka-ngiti siya habang nag lalakad at nag ha-hum ng musika si Lhor ng makasalubong nito si Clyde sa hallway. "Saan ka pupunta? Mukhang masaya ka ngayon. ""Wala pupuntahan ko lang si Mr. Simpson break time na kasi ng mga teachers so balak ko siya puntahan sa office niya. " she giggled after saying these. "Baliw ka ba Lhor? Ano nanaman ang pumasok diyan sa kukote mo na pati ang teacher papatulan mo? "makikita sa mukha ni Clyde ang pag kainis nito. " Wala kana d'on saka first love to, ngayon ko lang to naramdaman kaya tumabi ka diyan wag mong sirain ang moment ko. " mataray na wika ni Lhor sa kaibigan. Iniwan ni Lhor si Clyde sa hallway na nakabukas ang bunganga gulat ang lalaki dahil ngayon niya lang nakita si Lhor na nag kagusto sa isang guro. Isang katok naman ang naka
Napaharap si Ara sa ng maramdaman nito na nakatingin sakanya si Grey, Nang humarap ito isang mabilis na halik ang dumapo sa labi nito na ikinagulat niya. "I won't ask what happened, I'll wait until you will tell me." isang ngiti ang ginawad nito Ara. "Traidor ba talaga akong kaibigan?""Inagaw ko ang nagugustuhan ng kaibigan ko. ""Hindi mo masasabi na inagaw mo ang isang bagay kung wala namang patunay na sakanya ang bagay na iyon. It's like owning a house and lot that doesn't have Deed of Sale"Napabuntong hininga naman Ara at pilit pinipigilan ang pag patak ng luha ng maalala niya ang kaganapan pag karating ng kanyang mga kaibigan. -flashback-"So totoo nga yun Ara?" tanong ni Clyde. Isang tango ang sinagot ni Ara at bigla naman natahimik ang lahat ng mag salita si Lhor. "Ang landi mo naman ako ang naunang mag kagusto ro'n tapos ikaw lang ang papakasalan? Napaka cheap naman ng taste niya kung gano'n"Gulat na napatingin si Ara sa kaibigan ngayon niya lang ito narinig na nag sal
"It's okay it's nothing" sagot ni Grey kay Jacob. Binatukan naman ni Ara ang kaibigan kung kaya't kumalma ito at napakamot na lamang ng ulo. "So anong meron dito?" mataray na tanong ni Lhor. "A-Ah wala talaga mag kaibigan lang kami ni Grey"." Grey? Grey lang? " tanong ni Lhor na nakapag bigay ng awkward na atmosphere. "Yes i told her to call me that. ""Mr. Simpson with all due respect po your a teacher nalaman ko rin dito kay Clyde na nakita niya kayo sa Hospital no'ng nakaraan, I didn't say anything about it but this time. Explain this, ang bata pa ng kaibigan ko and for Pete's sake teacher ka po. ""Yes you have a point Ms. Lhoraine but we're just friends."Nang marinig iyon ni Ara mula sa bibig ni Grey ay tila nakaramdam ito ng kirot sa puso. "Hmm.. Sigurado kayo ha? Ayaw ko lang madungisan ang pangalan ng kaibigan ko." at isang ngiti ang pinakawalan ni Lhor. "Sure na sure. " masayang sagot ni Ara"Pero diba sabi ni Jacob nakita niya kayong nasa SMP Exclusive Groups, Anong
PUMASOK sila Kenneth at Ara sa isang simpleng bahay, hindi gano'n kalaki hindi rin naman ganoon ka liit. Maraming sasakyan ang naka park sa labas hindi inakala ni Ara na gano'n para karami ang magiging bisita nito. "Hi Bessy! omg may hottie ka palang dala, Hi I'm Lhoraine you can call me Lhor na lang. " sabay kindat na sabi ni Lhor na bigla naman sumagot si Clyde. "Umayos ka Lhor. Hindi nakakatuwa. " inirapan lamang nito si Clyde. "Hi ako nga pala si Kenneth Archivos." nakangiti na sagot ni Kenneth. "Clyde, Clyde Dee. " Walang ganang wika ni Clyde. "Bakit ba parang ayaw ng nakakasalamuha ko sa'kin?" birong tanong ni Kenneth. "Dahil ang pogi mo masyado natatabunan mo ang level ng kagwapuhan nila. " kinikilig na sagot ni Lhor. "Umayos ka Lhor baka manliligaw yan ni Ara hindi ka man lang nahiya. " untag ni Clyde sakanya na nakapag bago ng expression ni Lhor. "Weh ba Bessy? Manliligaw mo to? Halika nga dito." kinuha niya ang kamay Ara at mahinang hinila papunta sa buffet area. "
"Okay everyone that's all for today. Nice meeting you all, see you guys tomorrow. " sabay ngiti na paalam ni Aela sa mga estudyante. "Good bye Ms. Novalie" they respond on unison. Tila nabunutan ng tinik sa lalamunan si Ara ng umalis si Aela sa kadahilanang buong klase ay sakanya lamang naka pokus ang tingin ni Aela. "Psst! Ara!" sigaw ni Lhor sa labas ng bintana ng classroom. Mabilis naman na nag ayus ng bag si Ara dahil lilipat na sila ng ibang classroom. "Oy bakit naparito ka?" ito ang bungad ni Ara pag labas. "Birthday mamaya ng kapatid ni Jacob iniinvite niya tayo, at heto pa ang good news! pupunta raw ang mga investors na gustong mag invest sa coffee shop ni Jacob! oh diba ang successful na ng frenny natin! " Lhor said it while giggling. "Ah sige mamaya sasama ako, but for now papasok muna ako sa next subject. " paalam ni Ara kay Lhor. "Sige, sige good luck bessy! "Nag kawayan na ang dalawa at nag hiwalay ng daanan, tahimik lamang na nag lalakad si Lhor ng makarinig siy
" GOOD morning Grey gising kana pala, breakfast is ready. " naka ngiti na sabi ni Ara sakanya. "Sorry, I'm not gonna eat breakfast for now, I have important matter to finish. " sagot niya sa asawa. "O-oh, okay pero yung ulam na niluto ko kagabi hindi ka rin nag dinner. ""Ipamigay mo na lang sa katulong na mag lilinis dito mamaya. " Nakaramdam naman ng kirot sa puso si Ara . "Kahit kunti lang tikman mo lang. " "Wag na makulit Ara I have important matters to do. ""O-oh, sorry. A-ah sige pamimigay ko na lang" pilit na ngumiti si Ara kahit ang totoo ay nasasaktan ito. Umakyat si Ara sa kwarto at tahimik na umiyak hawak ang unan doon niya binuhos lahat ng luha niya. "Ms. Ara may bisita ka po. " biglang tawag sakanya ni Jie sa kwarto nito. Isa siya sa mga trabahador ni Grey dito sa Rest House, pinag pahinga niya lahat ng katulong kahapon dahil gusto niya siya mismo ang mag luto para kay Grey ngunit hindi man lang ito nakain. "P-Po? Sino daw po? ""Si Ma'am Aela po. " takang tumayo
MAG alas-dose na ng madaling araw ngunit si Ara ay nasa dalampasigan pa rin nag hihintay sa pag dating ng asawa nito. Nakababad ang dalawang paa sa tubig na naka upo sa bato at naka tingala sa langit si Ara habang tumitingin sa buwan. Isang malalim na buntong hininga ang lumabas sakanyang bibig at iniisip kung anong posibleng dahilan kung bakit hindi pa umuuwi ang asawa nito."Posible kaya ang nakita niya kanina sa amin ni Kenneth? Imposible naman yun para sa ganon lang saka malabo din dahil wala siyang may nararamdaman para saakin. " puno ng katanungan ang utak niya ngunit walang may makakasagot ditong iba kundi si Grey lamang. Umabot ang ilang oras na pagpasyahan ni Ara na pumasok na lamang at na Pag-isipan niya na saka na kumain kapag dumating na si Grey dahil umasa ito sa sinabi ng asawa na kakain ito ng hapunan. Alas-tres ng madaling araw dumating si Grey na pagod at tila hindi ma control ang init sa katawan. -FLASHBACK-"GREY gusto mo ba uminom ng juice? para naman magiging
ALASINGKO pa lang nang madaling araw ay bumaba na ako sa kwarto para ipagluto ng agahan si Grey at ipagtimpla ng kape, Hindi man ako sanay na magising ng ganitong oras ngunit kailangan nakakahiya naman kung mag paprincess treatment ako dito no. Sinalin ko na sa pinggan ang bagong luto na hotdog, bacon at egg sandwich niya tinimpalahan ko na rin siya ng purong kape ngunit nilagyan ko ng gatas favorite ko yan baka magustuhan niya rin. I chuckle on my thoughts. Nakarinig ako ng yapak mula sa hagdan at sa tingin ko ay nag mamadali siya dahil naka suot na siya ng uniform at basa na rin ang buhok niya. 5:36 pa lang naman, bakit kaya nag mamadali siya? may emergency ba na nangyari? "Hi Gising kana pala, nag luto ako ng breakfast kumain ka muna." masayang pagaaya ko sakanya. "No thanks I'm in a hurry, mamayang gabe na lang. " turan niya at mabilis na lumabas ng pintuan. Isang buntong-hininga naman ang binitawan ko, alam ko naman na matakaw ako pero hindi ko to mauubos. "Baka may emerg