LEA KRISTINE'S POVMark?Ano ginagawa niya dito?Maraming katanungan ang sumagi sa isipan ko at hindi ko na lang pinansin. Tumayo na ako sa kina-uupuan at patakbong lumapit sa akin si Steven."Mommy ko." Sinalubong ko naman na niyakap si Steven na may kabigatan na rin. "Look oh! Mayron po akong mint chocolate ice-cream po Hehe;" pinakita nito ang hawak na mga ice-cream na nag taka naman ako na kanino iyon galing."Kanino galing ito sweetheart?" Kina-baling ko naman ng tingin si Mark na masama ang mustra ng mukha at galit na galit. Ano bang problema niya? "I think, kailangan mo nang mag palit anak ng damit at basang-basa kana ng pawis oh." Imbes intindihin si Mark nag lakad na lang ako papasok ng bahay namin at iniwan ko na sila sa labas ni Insoo.Binigay ko na kay Yaya si Steven para ihatid sa silid nito para makapag palit na nang damit nito samantala naman pinili kong tumunggo sa kusina para uminom ng tubig.Kumuha na ako ng baso sa lamesa at binuksan na rin ang fridge para maka-kuha
MELISSA'S POV"Sinasabi ko naman sa'yo Melissa na tanggapin mo na ang alok ko sa'yo na dito mo na lang ipag patuloy ang medication ng Kuya mo dito sa Canada at ako na ang bahala sa lahat ng mga gastusin. Para naman mabantayan ko rin ang Kuya mo." Kausap niya ngayon ang Ina sa telepono at kinu-kumbinsi na siya nito matagal na doon manirahan at ipag patuloy ng kanyang kapatid ang pag papagamot nito.Dalawa lamang sila mag kapatid, ako ang bunso. Bata pa lang kami hiwalay na ang kanilang magulang. Ang kanyang Ama nakapag asawa na ng iba at nasa probinsiya samantala naman ang kanyang Mama nakapag asawa na ito ng foreigner at pareho ang dalawa architecture; pareho retired na ang ito at pa travel-travel na lang sa bansa.Meron naman akong trabaho bilang call center. Sa gabi nag tra-trabaho ako at pag umaga naman nag lalaan ako ng oras para bantayan ang kapatid ko sa Hospital. Sa totoo lang nahihirapan na akopag sabayin ang pag tra-trabaho at pag babantay sa kapatid lalo't wala naman akong k
MAE'S POV"Totoo ba? Totoo bang anak ng kapatid ko si Mia?" Ang salita nito ang mag patigil sa akin.Hindi ko na namalayan na naka-kuyom na ang kamao ko at pinipigilan na magalit sa narinig ko.Humarap ako kay Melissa hindi ko pinakita na naapektuhan na ako sa kanyang sinabi. Paano niya nalaman ang bagay na ito?Walang sinuman ang nakaka-alam sa tunay na pag katao nang ama ni Mia, ako lang at wala ng iba!May ipa pang nakaka-alam pero si Jeric, pero matagal ko na siyang pina-tahimik!Naka-coma na siya at wala na itong kakayahan mag sumbong."Hindi ko alam ang sinasabi mo." Pilit ko pa rin pinag tatanggi ang katotohan. Hindi ko hahayaan na sirain ng isang kagaya niya ang mga plano ko."Huwag kang mag sinunggaling sa akin Mae. Sinabi sa akin ni Lorraine na anak ng kapatid ko si Mia, at masasabi ko talaga na anak siya ng kapatid ko dahil mag kamukha sila ni Kuy—-""Oh my god! Seriously, Melissa?" Pagak akong mapa tawa sa harapan nito. Nababaliw na nga siya. "Nag babase ka lang dahil mag
LEA KRISTINE'S POV"Dala ko na ang hini-hinggi mo sa akin Lea." Tugon ni Mrs. Martinez at nilapag nito sa table ang brown ng envelop na kanyang hini-hinggi.Madalas sila nag kikita nito sa coffee Shop kapag nakaka-kuha ng panibagong impormasyon sa kanyang pinapalakad.Nilabas ni Lea mula sa envelop ang mga sandamakmak na mga litrato dahil pina-pamanmanan niya sa mga tauhan ni Mrs. Martinez si Mae.Sa paraan na iyon ma tra-track ko na ang kini-kilos nito at hindi na ako mahihirapan pa sa susunod na pina-plano niya.Pinapanuod ni Lea ang mga litrato at hanga siya sa mga kinuha ng mga tauhan nito na palihim na paraan."Galit na galit sakanya si Mr. Chavez dahil sa bilang pag atras mo sa partnership sa kanilang kompaniya at rinig ko ngayon na hindi pa maayos ang mag-ama." Kina-ngisi naman ni Lea ang binalita nito. Iyon naman talaga ang gusto ko ang ipadama kay Mae ang hirap na gustong-gusto ko na matamasa niya.Kulang pa nga ito at hindi pa ako kumikilos sa aking mga plano.Sa pag bubukla
INSOO'S POV"Ito na po Sir, ang hini-hinggi niyo." Nilapag ng katulong ang tinimplang kape para kay Insoo sa ibabaw ng glass table. Sinenyasan na ni Insoo na maari na itong umalis at tinuon niya ang atensyon sa magandang tanawin sa palikuran ng kanilang Mansyon. Masarap ang simo'y ng hangin at maraming mga naka-tanim na mga magagandang mga bulaklak na tanim ng kanyang Mama na mag papagaan pa lalo ng kanyang naramdaman.Perinting sinandal ni Insoo ang likod sa malambot na couch; at hindi direkta natatamaan ng araw ang piniling pwesto na mga oras nang alas dos ng hapon.Kinuha ni Insoo ang tasa ng kape at marahan na sinimsim iyon; humahagod kaagad sa lalamunan niya ang mainit na kape. Hindi mapigilan na mapa-ngiti na lang si Insoo na maalala ang pangyayari na mag katabi sila ni Lea sa upuan at inalis niya ang naka-kapit na dahon sa parteng buhok nito.Nakita niya ang pag-pula ng mala rosas na pisngi nito.At ang matamis nitong ngiti na hindi maalis sa kanyang isipan."Ang ganda niya." H
LEA KRISTINE'S POV"Maraming salamat sa pag tulong mo sa amin. Kong wala kayo, panigurado papatayin niya kami." Emosyanal na saad ni Melissa na kaharap ngayon si Lea.Pansin ni Lea ang panginginig ng katawan nito sa labis na takot at trauma na naranasan nito sa pangyayari na kamuntik na itong patayin ni Mae.Mabuti na lang talaga mabilis siyang naka-kilos at nasundan ang sinasakyan nito at kong hindi; malamang natuluyan na itong napatay ng isa sa mga tauhan ni Mae."Gusto ko lang maka-tulong." Ngumiti si Lea nang matamis at kinuha sa bulsa ang litrato at pinakita kay Melissa ang kuha sa litrato na kuha na nag usap si Melissa at Mae sa hospital. "May konting tanong lang ako sa'yo. Nakita ko mukhang mag kakilala kayong dalawa ni Mae. Maari mo bang sabihin sa akin kong ano ang koneksyon mo sakanya?" Alangan na tumitig si Melissa sa litrato sa harapan at maluha-luha ang mata nito. "Kapag sinabi ko ba sa'yo ang nalalaman ko, tutulungan mo ako? Maipapangako mo ba ang kaligtasan namin ng ka
LEA KRISTINES'S POVMatapos ni Lea mag asikaso sa kompaniya, napag desisyonan niyang pumunta muna sa Mall para bumili ng mga gamit."Ipamamanman ko pa ba si Mae sa mga tauhan ko, Lea?" Kausap ni Lea si Mrs. Martinez sa kabilang linya samantala naman si Lea abala sa pag titingin-tingin ng mga damit sa women's section."Sa ngayon, huwag na muna. Mag sasabi na lang ako sa'yo kong kaylan, Mrs. Martinez." Isa na si Mrs. Martinez sa mga katiwala niyang mga tauhan na mag papagawa ng kanyang mga hakbang. Mabuti nang patago siyang kumilos para hindi malaman ng iba ang kanyang mga plano. "May aasikasuhin pa ako ngayon. Aalamin ko ang lokasyon ngayon ni Lorraine." Iyon ang plano ngayon ni Lea na mag hahanap pa ng matibay na impormasyon na ipang lalaban niya kay Mae.May mga ebidensiya naman siya ngunit hindi sapat ang mga iyon kaya't mag hahanap ako ng mga matibay na mag papadiin kay Mae na mag pabigat pa lalo ang kaso nito.Ang plano lang noon ni Lea ang mag higante at pabagsakin si Mark at Mae
LEA KRISTINE'S POVIlang segundo naka-tayo si Lea sa harapan ng 201 room. Pinindot niya muli ang doorbell at bumukas ang pintuan at bumunggad ang magandang babae suot ang white dress."Hi, good morning." Matamis niyang bati sa kaharap. "I'm Lea Kristine Sandoval, nandito ako para kay Lorraine." Niluwagan ni Lorraine ang pag bubukas ng pintuan."Pasok ka, Lea." Nauna nang pumasok si Lorraine loob samantala naman naka-sunod lamang ako sakanya at ang aking tingin hindi maalis na inoobserbahan ang condo unit nito. Ang sarap pag masdan ang white and brown color combination sa loob ng silid nito at kahit maliit lamang ang espasyo, masasabi kaagad ni Lea na malinis at na-maintain ang kagandahan ng silid. Matangkad si Lorraine sa akin at base pa lang sa mukha nito, matanda ito sa akin ng limang taon. Marunong din akong tumingin at mag obserba sa mga tao; nang una ko pa lang nakita si Lorraine, masasabi ko talagang mabait ito."Pasensiya na kong medyo makalat pa ang condo ko, hindi pa kasi ak
Special ChapterLEA KRISTINE'S POV"Lea." Ang boses ng bagong dating sa aking likuran ang mag pangiti sa akin. Sinalubong ko ng halik at biso ang bagong dating na sina Mom and Dad kasama nila si Jamie. Lahat sila naka porma at sosyal ang mga damit. Alas tres pasado ng hapon na sila naka rating sa bahay namin, saktong-sakto sa oras na mag sisimula ang party."Mom, Dad." Nag mano ako sa mga magulang ni Mark."Late na ba kami Hija? Ito kasing Mommy mo, ang tagal-tagal mag mag bihis kaya nahuli na kami." Tugon ni Dad at sinisisi ang asawa. "Oh bakit ako? Kong hindi lang tayo naipit kanina sa traffic at baka kanina pa tayo naka rating dito." Depensa naman ni Mom na hindi mag papatalo. Napapangiti na lang ako sa pag tatalo ng dalawa, na kahit ganun ang sweet tignan."Okay lang po iyon. Sakto lang naman ang dating niyo at mag sisimula pa lang naman po ang Party. Naroon na rin ang ibang bisita sa loob," wika ko pa. "Halika po, pasok na tayong lahat sa loob." Paanyaya ko at nauna na akong pu
LEA KRISTINE'S POVHininto ko ang sasakyan sa tapat ng bahay at napansin ko kaagad ang isang babaeng naka tayo sa labas ng gate namin,suot ang simpleng kasuotan. Pasilip-silip ito pero hindi ko makilanlan kong sino nga ba talaga ito dahil naka talikod ito sa akin.Hindi siguro napansin ng babae ang aking pag dating, kaya lumabas ako sasakyan para lapitan at alamin kong ano nga ba talaga ang sadya nito."Miss?" Pukaw kong tawag dito at pareho kaming dalawa nagulat nang makilala namin ang isa't-isa."Jamie?" Hindi ko alam kong ano ang ginagawa niya sa tapat ng bahay ko na pasilip-silip kanina pa."Lea," alangan itong tawag sa aking pangalan na nahihiya pa. "Nandito ka pala. Sinabi kasi sa akin ni Kuya Mark na dito kayo naka tira, kaya pumunta ako dito at nag babakasali na makita ang pamangkin ko.. Huwag kang mag-alala aalis din naman ako at hindi ako makikigul——" tangka itong lilisan na na kaagad naman akong suminggit."Jamie,gusto mo bang mag meryenda muna sa loob?" Ang tanong ko ang m
MAE'S POV"Ano ka ba Attorney, gumawa ka naman ng paraan para maka-alis ako sa lintik na lugar na ito. Hindi dapat ako makulong dito, gumawa ka ng paraan!" Hinampas ko nang malakas ang lamesa na nag haharang sa pagitan naming dalawa kasabay ng malakas na tunog na umalingawngaw sa silid na iyon. Hindi ko maiwasan na mag labas ng galit at mag taas ng boses sa nakuha kong attorney na wala naman ginagawang hakbang para tulungan akong maka-labas dito.Nag uusap silang dalawa sa pribadong silid at ang pulis, naka bantay sa labas.Sinuklay ko ang aking buhok gamit ang palad ko, nangangayat at nangingitim na ang ilalim ng aking mata na hindi maka tulog at maka isip ng matino na ngayo'y naka piit ako sa kulungan at wala masyadong magandang tulugan na magiging komportable para sa akin.Hindi ito ang kailangan ko.Kailangan kong maka alis sa lalong madaling panahon para pag bayaran ko ang mga tao sa likod ng aking pag bagsak.At isa kana doon Lea!"Ang laki-laki ng binabayad ko sa'yo, tapos sin
LEA KRISTINE'S POV"Iyong hini-hinggi ko sa'yong mga files, kailangan ko na iyon mamayang hapon." Nasa Opisina ako at kasama ang secretary, binibilin ang dapat gawin."Yes Mam.""Basta maipasa mo na sa akin ang mga reports at huwag mong kakalimuta—-" hindi ko na natapos ang sasabihin at napahinto ako sa pag lalakad ng mag paagaw ang atensyon sa akin na makita ang familiar na bulto na naka tayo at bagong dating lamang.Napa-lunok na lamang ako ng laway na makilalanlan kong sino ito.Insoo?Mag kaharap kaming naupo ni Insoo sa upuan sa cafeteria sa loob ng kompaniya. Bandang alas dos na nang hapon kaya wala na masyadong mga taong kumakain at bilang mo na din talaga ang naiwan doon ang ilan umiinom o kaya naman tumatambaly saglit.Pinag lalaruan ko na lang ang kamay ko, at pinakiramdaman si Insoo na tahimik lamang naka upo sa harapan ko. Kanina pa ito tahimik simula no'ng dumating kami dito, nag hihintay siguro ng tyempo kong paano sisimulan ang pag-uusap naming dalawa.Mahigit limang ar
MAE'S POVLea?Siya ang may kagagawan nito?Ang malakas na palakpak lamang ni Lea ang maririnig mo sa loob ng venue, nanahimik ang lahat ng naroon at bumaling ang tingin nila sa akin. Lahat sila galit na galit at nililitis nila ako sa paraang titig nila, sabay takpan ng mukha ko na nasisilaw sa paulit-ulit na kinukuhanan nila ako ng litrato."This is not, happening. Hindi ito totoo, h-hindi." Iyan na lang ang paulit-ulit kong sinasabi, winawaksi sa isipan kong hindi totoo ang mga ito at gusto ko ng magising sa masamang bangungot."Mae!" Ang malakas na sigaw ni Dad ang mag balik takot sa aking puso. Naka tayo na ito at ang mukha sobrang dilim na hindi mailabas ang galit at sama ng loob na ako ang may kagagawan sa pag kamatay ng paborito niyang anak na si Ivonne. "Ikaw! Walang-hiya ka! Ikaw ang pumatay sa kapatid mo-ahhh!" Humawak si Dad sa bahagyang dibdib, bahagyang naninikip ang dibdib."Hon, Hon." Mabilis naman itong inalalayan ni Mom si Dad na hihimatayin kasama ang ilan pa naming
MAE'S POV"Lea?" Kahit na rin ako nagulat nang makita ko si Lea sa harapan ko na may ngiti sa labi. Suot ang fiited tube red dress, at sa gilid may slit kaya lumabas ang maganda at maputi nitong legs sa suot. Hinayaan lamang nitong naka lugay mahabang buhok at sa laylayan bahagyang kinulot."Hi, Mae." Tinaas ang kaliwang kamay para lamang batiin ako. Hindi ko nagustuhan ang pag bati nito maski na rin ang presinsiya nito na naroon sa birthday party ni Dad. Imbes na sumagot, lumapit ako sakanya sabay hablot nang braso nito na galit na paraan para paalisin. "What are you doing here? Umalis kana, kong sisirain mo lang ang magandang gabi na ito sa Daddy ko." Humigpit ang pag kakahawak ko sa braso nito at nanlaban din si Lea sa pag hila ko sakanya.Hindi ko hahayaan na ang isang kagaya niya, sisirain lamang ang magandang araw na ito sa Dad ko."Oh my god Mae, seriously? Ganiyan kana ba ngayon mag isip?" Makatwang tumatawa itong hindi makapaniwala. "Paano mo naman nasabing sisirain ko ang g
LEA KRISTINE'S POVKanina pa ako hindi mapakali na tinatawagan simula kagabi ang numero ni Insoo, ngunit hindi nito sinasagot ang tawag ko sa kanya kahit na rin ang text. Simula no'ng pumunta ito sa aking Opisina kahapon at ipag tapat ang tunay na nararamdaman sa akin, hindi na ako nag karoon ng pag kakataon na mag kausap kaming dalawa ng masinsinan at ipaliwanag dito ang lahat.Alam kong nasaktan ko siya.Hindi ako sanay na ganito kami na dalawa na may hindi pag kakaintindihan na dalawa.Paano na lang kong hindi niya na ako kausapin?Paano na lang, kong tuluyan na niya akong iwasan at layuan?Iniisip ko pa lang na mangyayari iyon, may takot na kaagad sa aking dibdib. Naranasan ko na noon na iwan ng mga taong importante sa akin at ayaw ko na muling ranasin pa ang sakit at bigat sa dibdib kapag ganun."Pick up the phone, Insoo. Pick it up," taimtim kong dasal na ngayo'y nag ri-ring naman ang cellphone nito sa kabilang linya at hindi ako nauubusan ng pag-asa na mag kausap kaming dalawa.
MAE'S POV"So you we're saying na nakita mo ang babaeng naka-dress no'ng pumunta siya dito sa kompaniya?" nabuhayan ang aking dibdib ng pinamalita ko sa aking mga empleyado na pinapahanap ko kong sino ang naka-kita sa babaeng naka-dress. Pangalawa lamang ang babaeng ito na lumapit sa akin na nakilanlan nito ang babaeng hinahabap ko."Yes Mam," pag sasang-ayon nito. Nag trabaho ito sa ibang department na aking nasasakupan pa naman at base pa lang sa kilos at galaw nito mukhang may alam nga talaga ito. "Nakita ko po ang babaeng hinanap niyo nang bandang hapon na po iyon. Naka sabay ko pa nga siya sa elevator at kami lang na dalawa ang sakay ng mga oras na iyon," sagot pa nito na hindi na ako mag padaunggaga sa aking kina tatayuan na malaman pa sakanya ang iba."So what else? May napansin ka bang kakaiba? Nakilalanlan mo ang mukha niya, ano?" Nilapit ko pa ang mukha ko sakanya na hindi na makapag hintay na malaman pa sakanya ang iba pang detalye. Hindi na rin ako pinapatulog kakaisip kon
LEA KRISTINE'S POV"Mommy, bilisan mo po." Excited na hini-hila ni Steven ang aking kamay para bilisan ang aking pag lalakad. Nag patanggay na lamang ako sa pag hila niya sa akin at hindi na maitago sa mukha ng anak ko ang excitement."Sandali lang anak," wika ko pa. Ramdam ko ang pag sunod sa amin ni Mark sa likuran namin na naka-pamulsa at pinapanuod kaming nauna na.Matapos naming kumain ng tanghalian, dumiretso na kaming tumunggo sa Manila Ocean Park para mamasyal, dahil iyon ang pangako ni Mark sa anak ko na pupunta sila na mag kakasama doon. Tutol man sana ako na kasama namin siya ngayon, pero ayaw ko naman na ipag kait sa anak ko ang maging masaya kahit sandali lamang.Ramdam ko naman talaga na gusto nitong makasama si Mark.Pag dating namin sa mismong entrance, marami ng mga tao ang naka abang at ilan sa mga ito naka-pila na. Iilan sa mga nakita ko ang mga mag kakaibigan, mag asawa at ang iba naman kasama ang kanilang mga anak sa pamamasyal.Pumila na kaagad kami para maagang