Share

Kabanata 45

Author: noowege
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

“No, of course.” Tumawa ng bahagya si Leandro.

Lumipat ang mabigat na tingin ni Reous sa kaniya. Umigting ang panga nito. Biglang nailang siya sa tingin na ibinigay ni Reous kaya't bumaling siya kay Leandro.

“Uh, sa garden na tayo?” Tipid siyang ngumiti kay Leandro. Tumango lang siya kay Reous.

Nauna na siya sa dalawa. Balak niya rin iwasan talaga ang awkwardness na dulot ng mga tingin ni Reous. Nakaakbay ito kay Suzette habang pinag-uusapan nila ang project. Nakalatag na rin ang output ng mismong building maging ang landscape. Nakita niya ang disenyo. Masasabi niyang maganda nga iyon.

And that was the final output of this couple here. Tila iisang tao lang ang nagplano, they really understand each other's plan. Pumait ang pakiramdam niya sa reyalisasyong magkakasundo talaga ang dalawa.

Hawak nila ang kaniya-kaniyang tabloid na nakakunekta sa computer ni Gabriel. Inilatag ni Gabriel ang tungkol sa takbo ng magiging project. Paano sila magre-risk dito. At paano ang proseso.

“Brillian
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (5)
goodnovel comment avatar
Cristy Garcia Manalo
hayssst salome check mo un tatto nya s leeg haha pra malamn mo kung xa asawa mo..nkakasakit k ng puso treous
goodnovel comment avatar
Babylyn Tibon Carter
: ano ba may amnesia ka ba Treous?? kainis k nman..
goodnovel comment avatar
Analiza Tigre
Sana magka ayos na Silang dalawa
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 46

    WARNING SPGMay tiwala siya sa mga kumikilos sa site ngayon kaya naisipan niyang mangabayo muna papunta sa dating lupain na tinirhan nila dati ni Daniel. Ang lote na kinatitirikan ng mismong dampa nila ng anak niya noon ay binili niya at ang mismong dampa nila dati ay pinaayos niya. Malaki ang naging papel sa buhay nila ng anak niya ang maliit na bahay. Doon lumaki si Daniel, doon sila bumuo ng magagandang ala-ala bago niya ulit nakita si Treous.“Woo!” Kinabig niya ang renda ng kabayo. Maingat siyang bumaba. Sumalubong sa kaniya ang katahimikan at ang mabining hangin sa paligid. May tanim nang mahogany ang gilid ng bahay. Iilang bulaklak, bakod na kawayan at malinis ang paligid. Ang Papa niya mismo ang nag-utos sa care taker sa mansion na pati ang maliit niyang bahay ay linisan din. Kinuha niya ang susi mula sa kaniyang bulsa at binuksan ang kahoy na pinto. Lumangitngit iyon dahil sa tagal nang hindi nabuksan. Tiningnan niya ang paligid.May kawayan na sala set, dalawang silid, puti

  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 47

    Tanghali na siyang nagising. Masakit rin ang ulo niya. Panigurado dahil sa hang-over. At natulala na lang siya nang mapansin ang suot na damit. Nasa silid na siya ngayon. Biglang nag-flash sa utak niya ang senaryo na nangyari sa kotse. Sa kotse ni Reous. Napatakip siya sa bibig at tensyunadong nagtungo sa banyo. Napatingin siya sa sarili sa salamin. Hindi maaari ito. Tuwing maaalala niya ang mukha ni Suzette ay para siyang tinuklaw ng ahas. Reous kissed her. Hindi siya ang nauna, pero pareho pa rin nilang kasalanan iyon. Dapat pinag-igihan niya pa ang pagpigil dito. Hindi dapat nangyari iyon.Biglang may kumatok sa pinto. Agad siyang nagtungo roon para pagbuksan ito. Ang babaeng asawa ng care taker ang napagbuksan niya. Ngumiti ito sa kaniya at may bitbit na tray na may baso ng tubig, pagkain, at isang tableta sa tabi.“Kumain na po kayo. Ibinilin din ni Sir Reous na inumin niyo rin ang gamot para sa hang-over. Nandito.” Inilahad nito ang tray.“N-Nasaan si Reous?”“Umalis na po si

  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 48

    Hindi siya sumandal dito gaya ng gusto nito pero biglang bumilis ang pagpapatakbo nito kaya't hindi niya napigilan ang katawan na mapasandal sa dibdib nito. Gusto niyang mairita sa ginagawa nito lalo pa at halatang sinasadya nito ang lahat.“Hindi ba pwedeng sabay tayo sa takbo ng mga kabayo nila?” Kunot ang noo niyang reklamo dito.Nauuna na sila at naiiwan sina Gabriel at Leandro sa likod. Kung bakit kasi kailangan pa na mauna e may kasama sila. Hindi pa rin ito nakinig at patuloy sa pagpapatakbo ng mabilis. “Reous, hintayin na'tin sila.” Iritado na siya. Para itong bingi na walang narinig.Gumalaw ang panga nito at ang mabigat nitong tingin ay tumama sa kaniya.“Alam ko ang pupuntahan na'tin. Maghihintay tayo doon sa kanila.” Seryoso ang boses nito.“Reous,”mahina niyang sambit. Ramdam niyang wala nang pag-asang magbago pa ang isip nito.Mabilis nilang narating ang sapa. Isang maliit na gazebo ang naabutan nila. Walang katao-tao. Parte pa ito ng lupa ng kaniyang ama. At pagmamay-a

  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 49

    “The mayor invite us. Pasasalamat dahil sa project na on-going,”ani Gabriel nang nasa hapag na silang lahat.Fiesta iyon sa lugar. Dumating sa mansion ang invitation kaninang umaga. Pinapaabot mula sa mayor. Ang pangalan niya pa mismo ang inilagay doon. Reous was sitting there seryoso itong kumakain at nang mapansin na nakatingin siya ay nag-angat ito ng tingin sa kaniya. Agad siyang nag-iwas ng tingin at bumaling kay Gabriel. “Pupunta ako. Kayo, kung gusto niyo rin pumunta. Kayo ang bahala,”aniya at itinuon na ang atensyon sa pagkain.“Syempre sasama ako!”masayang nag-angat agad ng kamay si Evangeline. “May girls night out tayo, Salome.”Agad na napatingin si Gabriel kay Evangeline. “Sinong nagsabing hindi ako kasama?”kumunot ang noo ni Gabriel.Iritadong umirap si Vange. “Ano ka ba naman, Gab. Parati ka na lang nakabuntot sa amin. Hindi ka naman namin aso.”Bahagyang natawa si Leandro. “Right, bro. We better visit our mansion this time,”anyaya ni Leandro kay Gabriel na halatang

  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 50

    Nagsimula nang magsigawan ang mga tao. Dahil nagsisimula na rin na rumampa ang mga kandidata. Unang sabak ay swimsuit agad. Kaya mas lalong nagkagulo ang mga audience. All of those candidates are smoking hot. Kaya lang ay kakaiba ang tingin ng mga kandidata kay Reous na katabi niya.Those stares are like seducing Reous. Napatingin siya dito. Nanatili ang kaseryusuhan sa mga mata ni Reous habang pinapanood ang mga sexy na kandidata. Kaniya-kaniya na nagpatalbugan ang mga candidate pero halatang medyo exaggerated ang paraan ng pagrampa ng iba. Halatang gusto lang magpapansin sa hurado na si Reous. “Hello, Ma'am. Ito po ang mga snacks.” Naglapag ang lalaki na tingin niya ay isa sa SK member. “Thank you.” Ngumiti siya sa binatang nag-serve sa table niya.“May iba ka pa bang kailangan, ma'am? You can call me anytime.” matamis ang ngiti ng binata.“Wala—”“She doesn't need anything. You can leave now.” Medyo istrikto ang boses ni Reous na bigla na lang sumingit sa tabi niya.“Ah, okay. S-

  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 51

    Hindi man lang siya nakapagpaalam ng maayos sa mag-asawa at kay Rafael. Sa isang kisap mata ay natagpuan niya na lang ang sarili sa loob ng sasakyan ni Reous. Kumuyom ang kamao nito sa manibela habang binabagtas nila ang lubak na daan patungo sa public highway.Hindi niya alam kung papaano ito kausapin. Dapat siya ang naiinis dito pero kung makaasta ito ay parang siya pa ang may atraso. May nangyari bang masama? Wala naman, 'di ba? At bakit sumunod pa ito sa kaniya doon?“Ba't ka nga pala sumunod dito? Are you done with your business with that candidate? Hindi siya nanalo, 'di ba? Maaga siyang umalis sa stage. At ikaw rin.” Bahagya siyang tumawa para sana pagaanin ang atmosphere sa pagitan nilang dalawa.Mabigat sa dibdib na pag-usapan ang tungkol doon pero iniisip niyang pwedeng gawing joke iyon. For what? Para maging topic pagkatapos niyang marinig kay Evangeline na galit na galit si Reous?It sounds ridiculous kung ang pag-usapan nila ay kung bakit ito nagalit ngayon. At bakit ito

  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 52

    Hindi siya bumalik sa mansyon. Ipadadala niya sa mga katiwala niya ang laptop niya. At magpa-follow up na rin sa naiwang responsibilidad sa kompanya.Escape place niya ang maliit na bahay na ito. Siguro ay babalik na rin si Reous mamaya kapag nalaman nitong hindi muna siya uuwi ng mansyon ngayon. Mas maigi na ito nang maiwasan niya ang lalaki at nang makakilos siya ng maayos.Nagtatanim siya ng bulaklak sa likod gaya ng nakagawian. Tahimik ang buong bahay ngunit nandiyan pa ang pick-up ng lalaki. Ilang saglit ay naramdaman niya ang presensya nito sa gilid niya.Nakatayo ito doon at nagka-kape.“What do you want to drink? Coffee or tea?”“Bakit nandito ka pa, Reous?” Binalewala niya ang tanong nito.“You're here too, Salome.”Nairita na binalingan niya ito. Binaba niya ang flower pot at tinigil ang paglalagay ng lupa doon para maayos itong harapin. Ang nanantiya nitong titig ay nanatili sa kaniya.“Gusto kong linawin ito. Ano ba ang kailangan mo at ginagawa mo ito? Is it money? Big tim

  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 53

    “Oh my God! Oh my God!” Napasapo sa noo si Evangeline at hindi alam kung ano ang gagawin habang naghihintay sa labas ng OR. “Sshhh, just take a deep breath. Inhale and exhale, Vange,”aniya sa pinapatahan na kaibigan. Parang kakapusin na ito ng hininga habang nakatayo doon at tuwing may lalabas na attendant sa room ay biglang magpa-panic na naman ito. Hinihimas niya ang likod nito dahil sa kanilang dalawa ay kitang-kita na mas apektado si Vange sa nangyari kay Gabriel. And that's explain it all. May something nga sa dalawa.“Kasalanan ko 'to. Kasalanan ko 'to. Kung sana sinama ko na lang siya kahit napaka-kulit niya. Sana 'di na lang kami nag-away, sana tiniis ko na lang ang pagiging curious ko, sana...” At humagulhol na naman si Evangeline.Tumawag siya sa mansyon. May tauhan na pumunta agad sa hospital para samahan si Vange sa labas ng OR. Wala pa silang balita kay Gabriel. Hanggang ngayon wala pang binibigay na impormasyon ang doktor sa kalagayan ni Gabriel. Bumili siya ng makaka

Latest chapter

  • The Dangerous Man Weakness    Epilogue - Book 2

    Natahimik silang lahat. Walang nakapagsalita. Para siyang nabingi sa tunog ng baril. Hindi niya alam kung sino ang may tama sa kanila. At parang nag-slowmo ang lahat nang kumilos ang mga lalaki. Hindi niya na mahagilap sa harapan si Daniel. Hindi niya alam kung nasaan na ito. Nilingon niya ang ama-amahan. Namilog ang mata niya nang makita kung papaano ito sumuka ng dugo. Nabitiwan siya nito maging ang baril na hawak na tinutok lang nito kanina. Lalapitan niya sana ito upang matulungan pero isang kamay ang pumigil ng braso niya para hindi tuluyang makalapit sa ama. Nalingunan niya ang seryusong mukha ni Daniel. Ngunit sa kabila ng kaseryusuhan ay bakas ang pag-aalala sa mga mata. Napasinghap siya nang hilahin siya nito upang ikulong sa mahigpit na yakap. Tila saglit nitong nakalimutan ang sitwasyon nila at ang mga kasamahan. “Sumakay ng bangka ang kasama niya. Baka hindi pa nakakalayo. Sundan niyo!” Narinig niya ang head na minanduhan ang team nito. Kaya agad ay kanluran ang ti

  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 19 - Book 2

    Naagaw ang atensyon nila ng malakas na tunog sa labas. At ang nagmamadali na si Eric ang iniluwa ng pinto. Nanlalaki ang mata at halatang natataranta ito. “Nandiyan na sila!” Halos pasigaw ang pagkakasabi nito. Lumakas ang hangin sa paligid. Mabilis siyang hinawakan ni Grego sa braso para hilahin palabas ng silid. May malaking bag na bitbit si Eric habang hawak sa kabilang kamay ni Grego ang kalibre 45 na baril. Nanlalamig siya habang nakasunod sa dalawa. Ano mang oras mula ngayon ay pwede siya nitong patayin gamit ang baril na hawak nito. Mabilis ang mga naging kilos ng mga ito. Nagkanda patid na siya sa mga usling ugat sa gubat pero walang pakialam si Grego panay pa rin ang paghila nito sa kaniya.“Bilisan mo. Tànginà!”bulyaw ni Grego nang balingan siya. Sinikap niyang masabayan ang mga galaw nito pero hindi niya talaga kaya. “Ako nang bahala sa kaniya.” Si Eric na nakasunod ay agad sumingit. Hinawakan nito agad ang braso niya kaya patulak siyang binitiwan ni Grego.Nanatili an

  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 18 - Book 2

    Nagawa talaga iyon ng ina niya? Parang ayaw niyang paniwalaan. Pero si Ma'am Salome pa ba ang magsisinungaling sa kaniya? “Bakit, Ma?” Mahina niyang sabi habang naka-upo sa marbled floor ng malaking banyo. Pero tuwing iisipin niyang nagawang ahasin ng ina niya ang ama ni Daniel ay parang ayaw niya nang harapin pa ang mga Elagrue. Nahihiya siya sa mga nagawa ng pamilya niya. Walang ibang ginawa si Ma'am Salome kundi ang magpakita ng kabutihan. Lahat ng kailangan nila ay binibigay nito. Kahit hindi maayos ang pakikitungo ng ina niya sa ibang nandoon ay maayos pa rin silang pinakikitunguhan ni Ma'am Salome. Kaya hindi niya lubos akalaing kaya pa rin itong baliktarin ng ina niya. Hindi ganoon ang pagkakakilanlan niya sa ina niya. Mataas ang respesto niya dito kaya hindi niya agad mapaniwalaan.May inasikaso si Daniel pero babalik agad. May kasambahay na rin na itinalaga sa farm house para may makasama siya. Ang sabi ay para lang may makasama siya pero ang totoo ay para alagaan siya.

  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 17 - Book 2

    “I'm sorry for what happen to your house. May mga bantay ang lupain. Ginagawa nila ang lahat para mabantayan kung sino ang naglalabas masok dito. Ang tanging pinapayagan lang namin na pasukin nila ay ang lagoon. I never thought that na pati ang bahaging ito pagkakainteresan nila. Nalaman na lang namin nasusunog na ito. Ginawa namin ang lahat para hindi tupukin nang tuluyan ang buong bahay. Pero masiyado nang malaki ang apoy at light materials lang ang gamit sa naturang bahay kaya madaling natupok. I'm really sorry, hija.” Bakas ang kalungkutan sa mga mata ni Ma'am Salome. Dahil gaya niya ay memorable rin dito ang dating tinitirhan. Ito na ngayon ang farm house na ni-renovate. Nalaman niya rin na dito nakatira si Daniel noong bata pa ito. That time, itinago ni Ma'am Salome si Daniel kay Sir Treous. Hindi niya rin akalaing may ganoong esturya pala sa pagitan ng mga ito. Bandang hapon na noong umalis si Ma'am Salome at Sir Treous. Doon nananghalian ang mag-asawa at sila ni Ma'am Salome

  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 16 - Book 2

    “Uuwi tayo ng Paredez. Let's meet my family again. This time I'm gonna marry you. Pananagutan kita.” Hindi na siya nakapalag nang sabihin nito iyon. It's just midnight nang magpaalam sila sa mga kasama nito na aalis sila ng maaga. Babyahe pa sila tungo ng Paredez. Halatang wala nang balak ipagpaliban ni Daniel ang lahat ng 'to. Sakay ng pick up nito nang marating nila ang lugar. Bandang 5:30 ng madaling araw. Nagsisimula nang sumikat ang araw. Bukas ang bintana kaya't lihim niyang inilabas ang kamay sa bintana para damhin ang hangin. Preskong-presko iyon iba sa hangin sa city. Bagay na hahanap-hanapin ng katawan niya.Home.Bahagya siyang napapikit nang dumampi ang pang-umagang hangin sa mukha. Ang dalawang bundok sa unahan ay parang magkasintahan na magkadikit at hindi mapaghihiwalay ng kahit na anong unos at bagyong dumating. Ang mansion sa unahan ay tila hindi nagbago. Ganoon pa rin ang itsura. Ang blue lagoon ay medyo nakakapanibago na. Ang hindi nagbago ay ang dami mga dumaday

  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 15 - Book 2

    Pinahintulutan niya ito at ngayo'y hinding-hindi niya na ito mapipigilan pa. Kita ang kasabikan at uhaw sa mga mata nito. Dahil sa init na naramdaman ay hindi na siya makapag-isip ng maayos. Nadadala siya sa mga halik nito.Tuluyan na siyang nalunod.“Uhh..” He suck her bréast from there up to her jawline. Bahagyang pumipisil ang kamay nito sa mga nadadaanan niyon. Biting her lower lip just so she can stop herself from móaning. Namumungay ang mata nang magtama ang mga mata nila. Hanggang ngayon hindi niya pa rin lubos akalaing nasa harapan niya ngayon ang lalaking hinahangaan ng marami. He can get girl in just a snap of his fingers. Kaya nga nandito siya. Dahil noong kinailangan siya nito ay ito siya't walang pag-aalinlangan niyang inihain ang sarili dito. Daniel can have everything he want. Even her. He's kíssing her while touching her down there. Hindi niya alam kung papaano ito hàlikan ng maayos nang hawakan nito ang pinakasensitibo niyang parte. “Danie-”Pinutol siya ng mapag

  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 14 - Book 2

    Hindi siya makahuma sa kinalalagyan dahil sa mga narinig mula dito. Wala siyang makapa na salita sa utak. Malabo pa sa kaniya ang mga narinig. Paanong siya? Kung ikukumpara sa mga nagkakagusto rito, wala siya sa kalingkingan ng mga iyon.Klarong-klaro. Pinaglalaruan lang siya nito. Nasabi na nitong kapag may gustong makuha ang lalaki ay ginagawa nito ang lahat ng paraan para makuha iyon. At ano naman ang makukuha nito sa kaniya? Wala naman siya no'ng mga bagay na mayroon ang mga babae nito.Sa kalibre ni Daniel. Hindi ang tulad niya ang pipiliin nito hanggang sa dulo. Para lamang iyong nangyari sa Mama niya. Bínúntis lang ng mayamang lalaki. Tapos ay iniwan ang mama niya. Kaya ba ayaw na ayaw ng mama niya na naglalapit siya kay Daniel? Dahil ba maaring mangyari ang ganito?Napalunok siya at bahagyang dumistansya ng kaunti mula kay Daniel. Bumuntong hininga siya at tiningnan ang mga kasamahan nila. “Inaantok na ako,”biglang nasabi niya. “Then let's go to the-”“Alam ko na kung saan.

  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 13 - Book 2

    Nakangisi na tinanggap ni Bruce ang kamay niya na may panunuya sa mga mata. Sinusubukan pa yata ang pasensya ni Daniel. May lamig sa mga mata na tiningnan ni Daniel ang kaibigan. Naiilang na ngumiti si Solen. Hindi alam kung ano ang ire-react. Binitiwan din naman kalaunan ni Bruce ang kamay niya. “Calm your bàlls, bruh!” Natatawa si Bruce na tinapik ang balikat ng bad mood na si Daniel.“Alistair here!” Nagpakilala iyong kulay blonde ang buhok. Tinanguan niya lang ito at nagpakawala ng tipid na ngiti. “Gino, and here is Troy.” Tinuro ni Gino ang sarili sabay turo sa akbay-akbay na tahimik na si Troy. Seryoso lang na nagtaas ng kamay si Troy.May mga itsura ang mga ito. Sa built ng katawan at pormahan alam mong belong ang mga ito sa mundo ni Daniel. Siya lang naman kasi ang outsider dito.Sa apat si Bruce lang ang may lakas ng loob na makipagkamay. Iyong tatlo parang takot na pansinin siya. Ilang saglit ay naramdaman niya ang kamay na humawak sa baywang niya. Nalingunan niya si Dan

  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 12 - Book 2

    Hindi niya matagalan ang titig nito kaya't agad siyang tumayo. “C-CR lang ako.”Hindi niya na ito matingnan ngayon. Hindi niya na rin hinintay na sumagot pa ito at umalis na doon. Mabilis siyang nag-lock ng pinto pagkarating niya sa silid. Nagtungo siya sa banyo niya at problemado na hinarap ang salamin. Pinagmasdan niya ang mukha sa repleksyon niyon. Napaawang ang labi niya nang makita kung gaano kapula ang pisngi niya. Napahawak siya doon. Paniguradong nakita nito ang pamumula ng mukha niya. Mas lalo siyang nahiya sa ideyang iyon.Hindi raw ito naniniwala sa fix marriage pero hindi nito sinabi kung wala nga ba itong fiancee. Maraming nagkakandarapa para makuha si Daniel. At hinding hindi nito ibababa ang standard nito para patulan siya. Hindi ang kalibre ni Daniel ang gagawa ng kahíbangan na 'yon. Biglang naalala niya ang mga búlly na kaklase niya noon sa Paredez. Noong una ay pinapahirapan siya ng mga ito pero noong lumaki sila ay bigla na lang nanligaw sa kaniya. “I have my wa

DMCA.com Protection Status