LUMIPAS ang ilang buwan ay naging maayos ang panliligaw sa akin ni Clyde. Sa ilang buwan na panliligaw nito ay nakita ko na sincere ito sa ginagawa nito. Araw-araw din ako nitong sinusundo. Kaya bago ako lumabas sa sasakyan nito ay tumitingin muna ako sa buong parking lot bago bumaba.Nauuna akong pumasok sa school tapos ay susunod ito.Wala na din akong balita kay Kent. Baka nga nagsama na sila ng babae niya. Si Ate Selena naman ay naging okay na sa ibang bansa, pero mayroong nag-iba kay Ate Selena, di na siya ang dating kapatid ko. Parang ibang tao na ito. Siguro dahil nasaktan talaga ito ng labis.Papunta ako sa opisina ko dito sa school ng may mamataan ako. Kumunot ang noo ko dahil si Clyde ang nakikita ko at si Joyce na naghahalikan. Gusto ko silang lapitan, pero pinigilan ko ang sarili ko.Ang kaninang maamo kung mga mata ay napalitan ng mabalasik na mga mata. Galit kong tinignan si Clyde, di ako pwedeng mag-eskandalo dahil ang alam ng lahat ay tinulungan ko lang si Clyde sa mga
HINDI ako maperme sa kinauupuan ko. Para akong manok na di mapaitlog."What is the meaning sa nakita namin?" tanong ni Airene. Ang iba kong kaibigan ay tahimik lang."Wala iyon, nagkataon lang na nakasabay ko siya papasok dito." As long as magdeny ako, walang makakaalam sa sitwasyon namin ni Clyde."Don't underestimate us Sheen, what we saw is obvious!""Obvious what?" maang-maangan ko pa rin. Iginala ko ang paningin ko sa paligid. Para hindi nila makita sa mga mata ko na nagsisinungaling ako."That you two had a relationship. Came on, sheen don't deny it. Hindi kami ipinanganak kahapon."Osyoso ni Airene and Jen, si Ivy sobrang tahimik. Panay din ang sulyap nito sa kabilang table."Okay, I will admit it. He court me, 7 months na." Pag-amin ko sa kanila.Nagtitili ang dalawa, rinig na rinig ko kahit na mas malakas ang music, kaya napakunot ang noo ni Carlo ng makitang parang nangingisay ang asawa. Tatayo pa sana ito pero napaupo pabalik nang tumigil na ang dalawa."What the heck. Real
UMUWI muna ako sa bahay para mag-ayos ng mga gamit ko, dahil nga nagyaya ng outing ang barkada ko. Bumaba na ako ng mamataan ang Mommy ko.Nakatingin pala ito sa akin. Kausap nito si Clyde."Mommy," nakangiti kong tawag dito. "Outing po muna kami Mommy!" Paalam ko sa Mommy ko."Sino ang mga kasama mo?" tanong nito sa akin.Nilingon ko si Clyde. "Sila Airene Mom," sambit ko dito.Ngumiti si Mommy, dahil alam nitong kung ang mga kaibigan ko. Pero agad ding nawala ng para bang may maalala ito."Kasama ba iyong Ivy?" tanong nito. Kumurap-kurap ako at umawang ang aking mga labi, nagdadalawang-isip ako kung sasabihin ko ba or hindi."Mommy, ano kasi." Napabugtong-hininga ako. "Yes, Mom. Hindi pwedeng mawala si Ivy, alam mo naman sila Airene 'di ba." Napabugtong-hininga ito.Ayaw kasi nito kay Ivy, dahil di daw maganda ang kutob nito kay Ivy. Pinagwalang bahala ko lang ang mga sinabi ni Mommy. Kaibigan ang turing ko kay Ivy, nasa kanya na iyon kung di niya ako ituturing na kaibigan."Sige ma
HINDI ko alam ang gagawin ko. Kung lalapit ba ako kay Clyde at sa lalaki o hahayaan na lang. T'yak na magkakagulo kung di ko aawatin si Clyde.Masyadong nadadala si Clyde sa bugso ng damdamin nito at alam ko nauubos na ang pasensya ng lalaking kaharap."Hayaan mo na si Eli, Rey Mart. Hindi mo naman siya mahal di ba?" tanong ni Clyde kay sa lalaking nag ngangalang Rey Mart."Wala ka na doon, sa mahal o hindi ko si Solenn pag-aari ko siya Clyde. Kaya hayaan mo na ayusin ko ito." May bahid na galit sa mukha ng lalaki.Tumawa si Clyde. "Nagpapatawa ka ba? Paano ko hahayaan si Eli sa iyo, kung puro pasakit lang ang nakukuha niya sa iyo."Lumabas si Eli sa likuran ni Clyde at hinarap kay Rey Mart."Ano pa ba ang kailangan mo Rey Mart?" tanong ni Eli sa lalaki."Gusto kong ayusin ang gusot sa pagitan natin Solenn."Ang kaninang galit na mukha ni Rey Mart ay napalitan ng pagsusumamo. Para bang mahal talaga nito si Eli o Solenn."Gusto mong ayusin? Para ano? Saktan akong muli." May luha sumung
DI KO alam kung ano ang gagawin, galit na galit ako to the point na gusto kong siyang saktan o sabunutan.Pero pinipigilan ko ang aking sarili, dahil kahit na may alitan kami, kung meron man ay kaibigan pa rin ang turing ko sa kanya. Kung maaari ay walang gulo na magaganap sa amin.Nakaupo ako sa may balsa dito sa floating cottage. Ibinaba ko ang paa ko sa may dagat. May upo at di ko siya nilingon."Kaya pa ba?" tanong nito sa akin. Nakatingin lang ako sa dagat.Tumawa ako. "Kaya pa, hangga't di niya ako sinasaktan pisikal ay walang masasaktan sa aming dalawa.""Seryoso ka ba sa sinabi mo kanina?" tanong nito. Nilingon ko siya. "Ano ka ba Jen, di ko kayang gawin iyon kay Ivy, unless kung sagad na sagad na talaga ako. Kaibigan pa rin ang turing ko kay Ivy," sabi ko sa kanya."Bilib talaga ako sa iyo. Kung ako iyan, baka sinabunutan ko na siya o nasaktan ko na siya. Nagpipigil lang din ako kanina.""Hayaan muna. Siguro magsasawa din si Ivy or she just test me, kung hanggang saan ang pa
NANG araw ding iyon ay nasa condo lang kami, bumili kami kinagabihan nang maiinom para mag-inuman sa condo ko. Kahit paano ay naging masaya naman. Masaya na din ako dahil kasama ko ang mga kaibigan ko.Nasa Convenience store kami ngayon at namimili ng mga pagkain at maiinom. Dahil doon na lang kami sa condo ko mag-iinom at magpapakalasing. Sa lunes kasi ang balik eskwela na at magiging busy na din ang ilan sa amin. Tapos na kaming maghanap ng makakain at inumin namin. Agad kaming pumunta sa counter para bayaran ang mga binili namin. Nagtatawanan si Airene at Jen nang papalapit na kami sa counter. Nang makalapit kami sa counter ay agad naming bayaran at agad kaming umalis sa convenience store na iyon.Sumakay na kami sa sasakyan namin. Pero bigla akong kinabahan. Kaba na di ko alam kung para saan. Malapit na kami sa condo ko nang di namin inaasahan na sumulpot ang isang Pajero at alam ko babangga iyon sa amin. Kakabigin ko sana ang manibela ng sasakyan ni Airene. Ngunit huli na, sinalp
ILANG buwan din ang hinintay ko bago ako magkaroon ng donor para sa eyes transplant ko. Limang buwan to be exact. Nasa ospital ako ngayon. Hinahanda para sa operasyon ko. Gusto ko nang makakita talaga. Hawak ko ang kamay ni Clyde. Magkatabi kami ngayon sa kama ko dito sa hospital. Panay halik din ito sa aking kamay. "Masaya ako kasi girlfriend na kita," sabi nito sa akin. "Sasabi ko na sa mga tao na akin ka na talaga." Alam kong masaya ito. Masaya din naman ako, at may karapatan na ako sa kanya. Hinayaan ko siya sa gusto niya. Pero gusto ko pa rin na manatiling lihim ang aming relasyon. Gusto kong manatiling pribado ang relasyon namin. "Ayaw kong gawin ito Clyde. Pwede bang ilihim natin ang relasyon natin," saad ko dito. "Gusto ko na iilan lang ang makakaalam." "Bakit na naman?" tanong nito sa akin. "Ayaw ko lang pag-usapan ka. Gusto ko na malaya kang gumalaw sa school." Dahil once na matapos ang operasyon ko. Magpapahinga lang ako ng isang buwan ay babalik na ako sa pag-aaral.
Isang linggo na mula nang maoperahan ang mga mata ko at ngayon ay tatanggalin na ang benda ng mga mga ko. Excited na akong makakitang muli na miss ko din ang gwapong mukha ni ClydeNaramdaman ko na hinawakan ni Clyde ang kamay ko at hinahaplos iyon gamit ang hinlalaki nito. Napangiti ako, dahil bawat oras na magkasama kami ay lalo itong naging sweet sa akin. Naramdaman ko din ang pagmamahal nito sa akin. Walang araw na di nito ipinaramdam sa akin na mahal ako nito."Hello, good morning." Bati sa amin ng isang panauhin."Morning dok.""Morning Sheena. Ngayon ko na tatanggalin ang benda ng mga mata mo. At ngayon di natin malalaman kung naging successful ba ang operasyon mo talaga."Tanging tango lang ang isinagot ko. Lumapit sa akin ang doktor at hinawakan ang benda na nasa ulo ko. Nakaupo lang ako sa kama. Naghihintay na maalis lahat nang benda na nasa mga mata ko.Ilang minuto bago natapos ang doktor sa pag-alis nang benda sa mga mata ko."Sige, idilat mo nang unti-unti ang mga mata m
Nang pumunta ako sa kwarto kong nasaan ang kakambal ko ay nakita ko itong nakahandusay sa sahig. Puno ng dugo ang katawan nito at tila naliligo na."Ivy!" sigaw ni Vough."Dalhin mo na siya. Siguraduhin mo lang na hindi kayo makikita. Alam kong buhay pa siya. Pasalamat na lang tayo at hindi siya pinuruhan ni Clyde."Agad na binuhat ni Vough si Ivy. Tumakbo sila sa kung saan at nawala na parang bula sa aking paningin.'Sana ay magiging masaya ka sa landas na tatahakin mo, Ivy. Alam ko namang mahal mo si Vough. Nabulagan ka lang sa obsession mo kay Clyde. Tama na ang paghihigante.'NAGISING ako na para bang sobrang sakit ng katawan ko. Iminulat ko ang aking mga mata at nakita ko ang isang puting dingding."You awake," isang boritonong boses ang naulinagan ko. Kaya lumingon ako sa kanya."Who are you?" tanong ko sa kanya.Nanlaki ang mga mata ng lalaki. Tapos ay pumungay ang mga mata ay ngumiti."I am Vough Rodriguez, and I am your husband."Nagulat ako sa sinabi nito. "And Who I am?""Y
AKALA ko di ko na maalala ang lalaking mahal ko. Isang taon din akong nangngapa, dahil wala akong maalala."Mommy," tawag sa akin ni Clea. Tumatakbong papalapit ito sa akin.She now a teenager. A 16 years old girl.6 years of having a completed family is awesome. Sobrang masaya ako, kasi wala nang balakid sa aming pagbuo ng isang masayang pamilya. 3 years exactly ay nagpakasal ulit kami ni Clyde. This time ay sa simbahan na, kasama ang daddy ko, mga relatives namin at mga kaibigan namin."What happen baby?" tanong ko kay Clea."Kuya Carl is so mean. Nakikipag-usap lang naman ako sa isang guy. Hinila na niya ako," sumbong nito sa akin."Your Kuya isn't mean, he's protecting you. Baka masama pala ang guy na iyon. May gawing masama sa iyo.""Basta, galit ako sa kanya. Bahala siya d'yan." Maktol nito.Nagmarcha ito papasok sa loob ng bahay bakasyonan namin. Nandito kasi kami ngayon sa bahay bakasyonan namin, sa isang hacienda, gustong magbakasyon ng mga bata kaya pumayag na din kami.Kung
NAGISING ako na sobrang hina ko. Halos hindi ko maidilat ang mga mata ko. Pero gising ang diwa ko. Uhaw na uhaw ako. May naririnig akong kumusyon sa paligid ko. Pero di ko masyadong narinig.Nasaan ba ako? Nasa kamay pa rin ba ako ni Ivy."Sheena," tawag nito sa akin.I response. Pero tanging kamay ko lang ang naigagalaw ko. Gusto ko mang magsalita ay di ko magawa, ni magmulat ay di ko magawa. Ano bang nangyayari sa akin."Oh my God!" sigaw nito. "I'll call the doktor," sabi nito. Naririnig ko ang yabag nito na tanda na lumabas. Dahil na rin sa pagbukas ng pinto."How is she doc?" tanong nito sa doktor."She is okay now. She is a survivor. Almost 2 years of being in coma ay hindi biro. I thought she didn't woke up. I can believe it, this is a miracle. Just wait patiently, nag-aadapt pa siya sa kapaligiran.""Sige dok. Thank you!" hininging pasasalamat nito. Lumabas na ang doktor."Thanks to God, Sheena. Binuhay ka niya. Akala talaga namin ay mawawala ka na sa amin. Clyde will be happy
HABANG nasa van kami kanina ay tahimik lamang ako. Di nila napansin na may mga device na nakakabit ss aking katawan. Di rin naman nila mapapansin ang mga device na iyon. Dahil sobrang liit ng mga iyon."Wag kang mag-alala, Sheena. Malapit ka na naming matrack. Kunting tiis na lang babe." Di ako umiik. Dahil baka mahalata nila ako.Bumukas ang pinto ng pinagdalhan nila sa akin at iniluwa doon si Ivy. Nakangisi ito sa akin."Ang akala mo siguro ay maiisahan nyo ako? Alam ko ang mga pinaggagawa ni Clyde. Sinasakyan ko lamang siya.""Bakit mo ito ginagawa?" tanong ko dito. "Akala pa naman, tunay ang pinapakita mo sa akin. Hindi pala."Tumawa ito. "At naniwala ka naman? Lahat Sheena ay planado ko. Mula sa pagkakilala natin. Sa pagkakaibigan.""Hayop ka talaga. Di ka pa nakuntento. Ano ang kasalanan ko sa iyo? Bakit mo ako ginaganito?"Gusto ko siyang saktan. Pero di ko magawa. Dahil nakagapos ako sa kinauupuan ko ngayon."Dalawa lang naman ang kasalanan nyo o mo sa akin," sabi nito. "Una,
HINDI ako nagsabi kay Clyde na uuwi kami ngayon ng Pilipinas. Gusto naming surprisahin si Clyde. Didiretso kami sa bahay nito, bago kami uuwi ng mansion."Are you sure about this?" tanong ni Eli sa akin.Hinawakan ko ang mga kamay nito. I know na sobrang nag-alala ito sa pag-uwi namin. She is my only friend here, kaya alam ko ang labis na pag-alala nito."Yes, ito na ang tamang panahon. Para umuwi kami sa Pilipinas. Ilang taon din akong nagtago sa ibang bansa. Ngayon ay dapat ko nang bawiin ang pag-aari ko."Siguro ay wala talaga akong isang salita. But, I love Clyde so much. Kahit anong iwas ko sa kanya ay nahahanap at nahahanap niya ako. Kaya napagod na siguro ako sa kakatago o kakatakbo. Kaya dapat ko ng bawiin kung ano ang akin. Wala na akong pakialam kay Ivy. Clyde didn't love her. I know that. Sa loob ng sampung taon na di kami nagkita o nagkahiwalay ay walang nabago sa nararamdaman ni Clyde para sa akin.Ramdam ko ang pagmamahal ni Clyde para sa akin. Pwede namang magpakaama si
Ilang linggo na mula ng maoperahan si Clea. Sa awa ng Diyos ay dinig niya ang panalangin ko na iligatas ang anak ko.Sa loob ng ilang linggo ay di pa rin nagpapakita si Clyde sa amin. Di na ako aasa na babalik pa si Clyde. Alam ko na di na kami ang priority niya."Mommy, I want apple," mahinang sambit ng anak ko.Ngumiti ako, dahil sa wakas ay gising na ang anak ko.Pinagbalat ko ito ng apple, tapos ay ibinigay ko sa kanya."Ano pa ang gusto ng baby ko?" tanong ko dito."Ito na muna mommy."Sinuklay ko ang buhok nito. Isang linggo na din mula nang magasing si Clea, mula sa operation nito. Akala ko ay di na gigising pa ang anak ko. Pero nagkamali ako. Gumising ito."How do you feel?" tanong ko dito.Ngumiti ito. Kahit di abot sa tainga ang ngiti nito ay okay lang."I am much better right now. Nanghihina pa rin ako mommy," sabi nito sa akin."That is normal. Dahil siguro, kakaopera mo lang at kakagising mula sa mahabang pagkakatulog," sabi ko dito."Jay said daddy is here? Where is he,
HULI, na yata ako. Nasasaktan ako sa pinagsasabi ni Sheena. Tinignan ko ang babaeng nasa tabi ko. Mahimbing itong natutulog sa kinauupuan nito.Nakatulog ito, matapos mag-iiyak papuntang airport kanina. Dahil nasa eroplano na kami ay pinatulog ko muna ito, alam kong pagod ito at agad na bum'yahe.Sobrang sakit lang, dahil ang babaeng mahal ko at may mahal ng iba. Siguro, dahil dala na rin ng bugso nang damdamin ay naibigay nito sa akin ulit ang pagkababae nito.Pero, impossible. Sobrang sikip ni Sheena, or sadyang malaki lang talaga ang akin. Napabuntong-hininga na lang ako. Kung huli na ako, dapat ko na sigurong tanggapin ang lahat."Clea…" ungol ni Sheena.Clea? Sino si Clea.Napatingin na lang ako sa labas ng bintana ng eroplano. Nilingon kong muli si Sheena. Mahimbing na itong natutulog muli. Siguro pagdating namin doon ay tsaka ko na lang iisipin ang mga nangyayari.Mahal ko si Sheena. Kaya sasamahan ko siya sa lahat. Kahit na masasaktan ako ng paulit-ulit.Nakarating kami sa Cal
MATAPOS kong malaman na engaged na sila Clyde at Ivy ay agad kong pinatay ang TV.Masakit para sa akin ang mga iyon. Dapat hindi ako umasa na may chance pa kaming dalawa ni Clyde. Agad kong pinahiran ang mga luha sa aking mga mata. Dapat ko na talagang kalimutan si Clyde.Tumunog ang aking Cellphone. Galing iyong kay Eli. Malapit na din palang dumating ang mga anak ko. Sila na lang ang hinuhugutan ko ng lakas ngayon."Eli," sagot ko sa kabilang linya."How are you?" tanong nito sa akin.Bigla ay tumulo ang luha ko. I know na alam na nito ang lahat."I am fine." Pumiyok ang boses ko. Di ko napigilan ang sarili ko na humikbi."I know that you aren't fine right now. Pero sana isipin mo na may mga anak ka dito.""How are them?" tanong ko kay Eli."May sakit si Clea. Nilalagnat." Nag-alala ako bigla. Lalo na't wala ako sa tabi ng mga anak ko. "Pero okay na siya ngayon. She is a fighter." Alam kong nakangiti ito kagaya ko. "Kaya magpakatatag ka. Wag mo nang masyadong isipin sila."Papasok
Ngayong araw ang cremation ni mommy. Noon pa man ay gustong macremate ni mommy. Ayaw nitong mailibing, gusto nito na nasa bahay siya. Kahit ang abo lang niya.Di ko mapigilan ang umiyak. Ang dami kong regrets sa buhay. Di ko na nakasama si mommy ng matagal. Akala ko, pag-uwi ko ay makakasama ko pa siya.Isang matipunong bisig ang yumakap sa akin. Hinayaan ko lamang ito, dahil wala akong lakas na iwaksi iyon. Umiyak lang ako nang umiyak sa kasagsagan ng cremation ni mommy.Nang matapos na ay ibinigay sa amin ang abo ni mommy. Si Ate Selena ang tumanggap sa abo ni mommy. Dahil di ko kayang hawakan iyon. Di ko kayang tanggapin na wala na ang pinakamamahal ko na ina. Iniwan na niya kami nang tuluyan.Umuwi na kami, matapos maibigay sa amin ang abo ni mommy. Doon sa may altar namin inilagay, para kahit paano ay kasama namin siya."We need a doctor, Sheena. Hindi na biro ang kondisyon ni Daddy," sabi ni Ate Selena sa akin. Nasa hapag kami ngayon ay kasalukuyan na kumakain.I watch my daddy