Hindi na naituloy ni Noah ang sasabihin nang mapasinghap si Reika dahil agad naitindihan nito ang ibig ipahiwatig ng asawa.
“Shit! Oh no!” Agad na napaiyak si Reika dulot ng matinding takot.
Gayundin ang dalawng kapatid ni Vlad kasabay ang pag-agos ng luha sa mga mata ng mga nito.
“We have to go now, sumunod na lang kayo…” Ani Ethan pagkatapos ilagay si Vladimyr sa backseat ng kotse ni Leon.
Nabalot ng matinding tensyon at pagkabahala ang mga puso ng pamilya at kaibigan ni Vladimyr habang nakikita siyang nasa ganoong sitwasyon. Lagi naman nilang nakikitang nasasaktan si Vladimyr pero hindi pa rin sila nasasanay. At hindi kailan man sila nasasanay sa ganitong sitwasyon ang mahal nila g si Vladimyr.
“Yes! Susunod kami!” Nag aalalang sagot ni Vraq.
Agad pinaharurot ni Leon ang kotse pagkatapos makasakay ni Ethan.
“Ako na bahala sa mga bata, samahan niyo na si Vlad…” Ani R
Naiiling na napatingin si Noah kina Leon at Ethan saka malalim na napabuntong hininga."Ang malas ni Vladimyr sa lalaki..." wala sa sariling naisatinig ni Noah at hindi sinasadyang mapatingin kay Leon.Napansin naman iyon ng huli, kinunotan nito si Noah ng noo. Bakas ang iritasyon."What?" iritadong tanong ni Leon kay Noah. At lihim na ikinatawa ni Ethan. Pero wala siyang balak na umawat kapag nagkainitan ang dalawa., hindi dahil wala siyang pakialam, kundi sumasangayon siya kay Noah. Si Leon ay isa din sa mga nanloko kay Vladimyr noong hindi pa ito ganito katapang. Gusto niya lang makita kung ano ang gawawin ni Leon kapag pinatulan siya ni Noah.Pero bago pa mangyari iyon, halos magkakasabay silang napalingon sa bumukas na pinto ng emergencyu room. At mula doon ay lumabas ang doktorang sumuri kay Vladimyr."Kamusta siya Doc?" Agad na tanong ni Noah.&nbs
Nagtatagis ang mga ngipin ni Lucien habang pinipilit itago ang sakit na nararamdaman sa puso niya. Ayaw niyang ipakita kay Casper ang bahaging iyon ng pagkatao niya. Ang pagiging malambot.Hindi pa siya muling nakaramdam ng ganito kasakit na sa puso niya. Mula ng mamatay ang kakambal niyang Luvien, pero ngayon, mas malala pa itong nararamdaman niya. Para bang triple ng sakit ito ng malaman niyang wala na si Luvien.Ngayon hindi lang puso niya ang nadudurog, kundi pakiramdam niya pati ang tahimik at maayos niyang mundo na binigyang kulay mismo ng pagdating ni Vladimyr ay nawasak sa isang iglap.At nahuhulog siya pabalik sa kailaliman ng walang buhay niyang mundo."Hindi ko na alam ang gagawin ko Cas…mababliw na yata ako…" Nanlalambot niyang sabi habang hawak ang isang bote ng beer sa isang kamay at nakatingin pa rin sa malayo.&n
Napailing na lang si Lucien. Ibinuhos niya ang malamig na beer sa Dumudugo na sugat sa palad at hinayaan niyang tangayin ng beer ang dugo paibaba at maibsan ang kirot sa sugat. Bahagya na napamanhid ng lamig ang sugat. Kumuha siya ng yelo mula sa Ice box at mariiring hinawakan iyon oara mapa-ampat ang pagdurugo. Inabutan ni Casper ng bagong bukas na beer si Lucien anagad nilagok naman niyang nilagok.“Sir naman walang ganyanan…” Napapakamot na sabi ni Casper. pero Bumalik na rin sa pagkakaupo nito sa gutter ng rooftop.“Takot ka pa lang hindi maka-sweldo…”“Sweldo lang yan Sir…Mas nakakatakot ang galit ng asawa ko kapag wala akong naiuwing sweldo sa bahay…” Napapakamot sa batok na sa sabi ni Casper.Naiiling na tinawanan ni Luien si Casper saka kinuha ang isang malamig na bote ng beer. binuksan itoat ibinuhos sa dumudugong bsugat niya sa palad. kumuha pa siya ng isa
BAGOT NA BAGOT si Vladimyr na napabuga ng hangin habang nakaupo wheelchair. Maingat na itinutulak iyon ni Reika habang tinatahak ang kahabaan ng lobby papunta sa labas. Nakatukot ang siko niya sa malambot na armrest at nakasalo sa baba ang palad habang hindi maipinta ang mukha dulot ng matinding pagkainip.Isang linggo din siyang naroon sa ospital dahil sa utos ng mag-asawang Noah at Reika. Kahit paulit-ulit niyang sabihin na okay lang siya at wala naman siyang kakaibang nararamdaman bukod sa gusto niya ng singkamas at papayang hilaw, ayaw pa rin ng mga ito makinig. Gusto na niyang kumain. Kanina pa nagrereklamo ang sikmura niya.Gusto niya ng siopao, ng balut, inihaw na kamote at marami pang iba na kine-crave niyang kainin. Gusto niya ng fruitsalad na green at red lang ang makikita niyang kulay.Gusto niyang kumain at matulog. Yun lang!“Bakit ba ako nak
VIP bar. Huminto ang kotse ni Noah matapos mai-park ito ng maayos sa parking area ng Bar. Malapad ito at may mga ilaw sa sa labas. May dalawang Gwardya sa magkabilang bahagi ng dobleng pinto. Malalaking tao at may malalaking katawan. Unaapaw ang lakas ng dating. Mapanuri ang tingin at may pagka-maangas.Kaagad siyang pinapasok ng dalawang Guard na magkasabay pang binuksan ang mga pinto para sa kaniya. Bahagya pa itong tumango bilang pag galang at nginitian naman ni Vladimyr ng tipid.Hindi gaya ng ibang bar, hindi masyadong maingay ang loob nito. Hindi rin crowded at walang masyadong nagwawala sa pagsasayaw. Tanging malamyos ng namusika ang pumailanlang sa kabuuan ng buong lugar. Mangilan-ngilan na nag-iinuman sa kani-kanilang mga mesa at eleganteng nagkukwentuhan. May manipis na amoy ng tobacco at halo-halong amoy ng mamahaling pabango ang malalanghap sa paligid. Sa gitnang bahagi ay may malaking hawla kung saan may tatlong baba
Muling hinarap ni Vladimyr ang dalawa at humagod ang mapanuring tingin sa kabuuan ng babae. “hmm...maganda naman siya. Matangkad. Kulang sa boobs, Mabibitin ka dyan. Walang balakang, walang pwet at payat. Hindi siya slim.” Kaswal na puna ni Vladimyr habang isa-isang tinitingnan ang bahagi ng katawan ng babae. Saka muling bumaling kay Lucien. “Hindi siya tatagal ng tatlong round. Masyado siyang payat. Humanap ka ng iba, mabibitin ka sa kaniya.” Nagsalubong ang kilay ni Lucien dahil alam niya ang pinupunto ni Vladimyr. “What the hell Vlad?” Hindi makapaniwalang tanong ni Lucien kay Vladimyr. “I am hell—” She said and grins. Hindi nakatiis si Lily sa pang-iinsulti ni Vladimyr kaya naman sumabat na siya. “How dare you to insult me? Who do you think you are? Get out of my sight before I throw you out of this
Biglang natigilan si Vladimyr pagkakita sa lalaking nasa harap niya. Pagkatapos magblangko ang isip niya dulot ng bugso matinding galit at selos. Na hindi na niya nagawang pigilan tulad ng madalas niyang gawin, ilang ulit na napakurap si Vladimyr na tila nagising siya mula sa kadiliman ng puso niya.“L-Luvien?” naguguluhan niyang anas. Tila napaso siya mula sa pagkakaupo sa sikmura ni Lucien.“Vladimyr!”Napalingon si Vladimyr sa mga lalaking tumawag sa kaniya at nagsalubong ang kilay. Bakas ang pagkagulat sa mga mata ng mga ito ngunit sa isang iglap napalitan ng pagkabahala.Nagmamadaling lumapit sina Ethan, Leon at Noah kay Vladimyr para ilayo ito kay Lucien. Nag-aalala sila sa kalagayan ni Vladimyr. Hindi ito maaring ma-stress dahil maselan ang kalagayan nito.Natatakot sila na baka maylit na naman ang nangyari noong nakaraang linggo. 
Lahat sila doon tahimik na naiinip at nababahala pero wala ni isa ang bumasag sa katahimikan. Halos kalahating oras silang naghintay at agad napabalikwas nang bumukas ang pinto ng emergency room. Iniluwa niyon ang babaeng doctor at dalawang nurse.“Sinong pamilya ng pasyente?” Bungad na tanong ng doctor habang isa-isa silang tiningnan. Kaagad na pumagitna si Lucien at nagsalita. Bago makasingit ang tatlo.“I’m her fiancé. I'm Luc—Luvien Ezquillon. How is she?”Muntik nang madulas si Lucien pero agad din niyang binawi.“Oh. Mr. Ezquillon, I want you to know that the patient is fine and the baby is safe. Buti na lang naagapan, I guess this is the second time na nangyari ito sa pasyente. Maselan ang pregnancy ni Ms. Dela Claire. Please take care of her.” dere-deretsong sabi ng doctor.Tulala at bahagyang um