Hindi malaman ni Harvy, kung kanino siya nagkakamali ngayon. Parang namamangka na siya sa dalawang ilog. Napapagod na siya sa ganitong klase ng set up.Natatakot siyang iwanan si Audrey, dahil baka magpakamatay ito. Baka siya pa ang masisi sa kung anong gagawin nito sa sarili. Kailangan nan siya ni Dahlia, lalo na ngayong mga pagkakataon. Alam niyang mahirap ang pinagdadaanan ng asawa niya.Napatingin siya sa relo sa kanyang braso, alas kwatro na. Minabuti niyang lumabas at umakyat sa pent house. Doon muna siya nag iisip hanggang mamaya. Kailangan na niyang timbangin ang sariling damdamin. Baka sa huli, silang tatlo ang masaktan. Wala na siya sa mood magtrabaho. Nahihiya na siya sa mga ginagawa niya. Tinawagan niya si Dahlia. "Kumusta ka na?" "Okay naman ako, ikaw? pauwi ka na ba?" "Honey, hindi muna ako uuwi. Nasa penthouse ako ngayon. Kailangan kasi, laging maaga ang pasok saka may O.T. Alam mo namang ikaw lang ang maaasahan ko. Hanggang hindi ka pa okay, ako na lang muna ang ma
Isang linggo na, magmula ng hindi umuwi ng bahay ang asawa niya. Ikinalungkot iyon ni Dahlia, ngunit naisip na lang niya, na baka pinipigilan lang nito ang sarili kaya hindi ito umuuwi. Alam ng lalaki na hindi niya pa kayang ibigay ang responsibilidad niya dito.Nagtatawagan naman sila thru video call. Ipinakita pa nito sa kanya ang hitsura ng pent house. Maganda na nga yun, hindi na mukhang function hall. Maganda ang kulay na puti at brown na liner ng mga pader. Namimisa niya rin naman ito. Sobra. Kaya minabuti niyang sorpresahin na lang ito.Nagulat pa ang mga biyenan niya ng makita siyang bihis na bihis."Saan ka pupunta, Dahlia?" sinalubong siya ni Alma na nakasuot ng pang saka na damit."Papasok na po ako mommy. Kailangan ko na pong tulungan si Harvy," sagot niya dito."Okay ka na ba hija?" tanong ni John, "ipapahatid ba kita sa driver?""Naku, hindi na po, kaya ko naman pong madrive," nginitian niya ang mga ito. "Ipagbabalot ko po sanang pagkain si Harvy.""Oh, sige, kumain ka n
Nag aalala siya sa inaasal ni Dahlia. Alam niyang mali ang ginagawa niya ngunit hindi naman niya maitaboy si Audrey. Baka mamaya, magpakamatay na naman ito."Baby, kumain ka na," alok ni Audrey sa kanya."Sige, kumain ka lang.." sagot niya."Dumating lang si Dahlia, parang natataranta ka. Bakit?""Baka malaman ni lolo ang tungkol sayo." pagsisinungaling niya sa babae.Sinubukan na niyang tawagan si Dahlia kanina, subalit hindi ito sumasagot. Pagtunog ng phone niya, akala niya si Dahlia, isa pala nilang kliyente."Yes sir?" tanong niya dito, "oh, sir sige po. Pupuntahan ko po kayo, walking distance lang dito yan, okay po." saka niya ibinaba ang tawag nito."Sino yun?" tanong ni Audrey."Si sir Alano, nandyan siya sa hotwl sa malapit, sa Western U. Pupuntahan ko lang." kinuha niya ang coat saka nagmamadaling lumabas."Sasama ako..""Hindi pwede, kilala noon ang asawa ko ano ka ba.""Sabihin mo secretary mo ko.""Alam ng lahat na ex kita, sinong maniniwalang secretary lang kita?""Teka,
"Ano namang problema ng babaeng ito at tawag ng tawag!" inis na inis siya. Hindi sana niya ito sasagutin, ngunit nacurious siya kung ano ang nais nitong sabihin."Oh, bakit?" paalis na sana siya ng oarking ng tumawag ito."Mag usap tayo," sagot ni Audrey."Para saan pa?""Tapusin na natin ang lahat!""Oh, sige, saan mo gusto?""Sa Western U.""Sige, ngayon na! marami kasi akong ginagawa."Ibinaba na niya ang tawag na yun. Baka kung anu ano na namang kagagahan ang maisipan ng babaeng yun. Naiinis pa naman siya dahil may kakapalan ang mukha nito at feeling asawa lagi.Bumaba siya ng kotse. Lalakarin na lang niya ang papunta sa naturang hotel. Baka may bago na namang pasabog itong Audrey na ito. Wala ng ginagawang matino kundi manira ng buhay at maging plastic na tao. Nasa pinto pa lang siya ng hotel ay natatanaw na siya sa lounge area ang babae, kung saa pwedeng kumain. Para itong tanga na nagsasalita mag isa. Siguro, nag aadlib ito para sa mas magandang drama na ipalalabas nito. Sana
Diretso siya sa kanyang lamesa. Inayos niya ang lahat ng kanyang gamit. Masyado ng masikip ang lugar na ito para sa kanila. Dapat merong mawala. Kung gusto nilang magsama, bahala sila! Minsan pala, nakakasawa na lang ang parang maging rebound. Parang pinaasa na lang siya ni Harvy na merong 'sila'. Nalulungkot siya dahil parang iiwanan na niya ang buhay may asawa. Gusto rin niyang siya ang piliin ni Harvy, dahil bata pa lang siya, ito na talaga ang pinapangarap niya. Umasa siya. Nagpaganda.Lahat ginawa niya, para magustuhan siya ni Harvy, kahit ang pakikipagsabwatan kay lolo Harry para mapilitan itong pakasalan siya ay ginawa na rin niya.Ngunit ngayon, ngayong nakita niya kung paano ito maging concern kay Audrey, mukhang tagilid ang laban niya. Biglang dumating si Harvy. Namumula ito, marahil ay sa galit. Alam niyang inis na inis ito sa kanya. Nagmamadali itong nilapitan siya at hinatak siya sa braso."Nasasaktan ako Harvy!" Sigaw ni Dahlia sa asawa. "Talagang masasaktan ka! Anon
"Dahlia," lumuhod sa harapan niya si Harvy, "patawarin no ako sa mga naging kasalanan ko. Ipinapangako ko sayo, na araw araw akong manliligaw, araw araw kong ipaparamdam sayo, na mahal kita. Natakot siguro akong aminin noong una, ngunit ngayon, masaya akong magtatapat sayo, na noon pa lang, ikaw na pala talaga ang itinitibok ng puso ko.Nabulag ako, sa paninisi ni Audrey sa akin, kasalanan ko raw kung bakit siya nagahasa. Kasalanan ko raw, kung bakit siya nagtangkang magpakamatay. Naguilty ako..""Kaya ka nakikipag sex sa kanya?" tanong niya ,"habang narito ka sa opisina?""Hindi totoo yan! isang beses lang yun. dahil.. may ipinainom siya sa akin na hindi ko mawari kung ano. Iginagalang kita, may respeto ako sayo. Noong araw na ipagtapat ko sayo na gusto kita, mas matimbang ka na sa akin.""Ang hirap din sa akin ng nangyari Harvy. Nakokonsensiya akong inaagaw kita kay Audrey, pero patas naman sa pagmamahal di ba? matira matibay?" lumuha siya, "akala ko nga madali lang. Akala ko, kaya
Holiday! Isa ito sa mga hinihintay nilang araw. Makakapagrelax sila ng maayos at makakapagmuni muni.Ayaw nilang sumama kina lolo Harry at biyenan niya sa Singapore dahil maaalala niya lang doon si Malena. Namimiss niya ito. Minsan pa nga ay napapanaginipan niya ang kapatid kapatidan niya na nagbubuklat ng kanyang closet upang manghiram ng mga damit.Unang pasko ito, na wala ang mga iyon sa kanila. Kaya binalot ng lungkot ang kanyang puso.Ang iba nilang kasambahay ay nagsiuwian sa probinsiya at pinayagan nilang magbakasyon. Kaya panay ang yaya sa kanila ng mga biyenan niya na sumama."Dalawa lang kayo dito, sigurado bang ayos lang kayo dito? madali namang ipaayos ang inyong mga pasaporte," aya ni lolo Harry sa kanila ni Harvy."Okay lang po kami dito lolo," nakangiti niyang sagot, "gusto ko pong maalala muna ang mga nakaraan ko dito na kasama ko po sina papa. Hindi ko pa po kayang pumunta sa sa Singapore kung saan naroroon ang alaala ni Malena sa akin. Parang hindi ko pa po kayang ta
Nakaupo sila sa bench at nakasandal, habang nakatingin sa kalangitan. Maganda talaga ang mga bituin kapag madilim ang paligid. Christmas lights lang ang nag iilaw sa kanilang dalawa, pinatay na nila ang kandilang nasa lamesa nila kanina. Kakatapos lang ng noche buena.Mas pinili nilang sa garden na lang silang dalawa magcelebrate. Nagluto lang siya ng steak at nagready ng fruits. May dala din silang wine at magkatulong na nagset up. After nilang kumain ay saka sila naupo, kung saan sila sumisimsim ng alak."Tumawag si mommy kanina, busy ka lang, bumati ng merry christmas," wika ni Dahlia habang nakatingin sa langit."Natawagan na naman nila ako kahapon. Sa disneyland daw sila mag noche buena," sagot niya sa asawa."Ngayon pa lang ako nakapagpasko na may asawa, masarap pala ang pakiramdam.""Oo, lalo na pag ganito," ibinaba niya ang wine saka hinalikan ang asawa sa labi.Kinuha niya ang wine nito at ipinatong sa lamesa. Masuyo niya itong hinalikan. Hinawakan niya ang batok ng asawa. Bin
Nakita na ni Harvy ang papalapit na sasakyan, malamang, si Richmond iyon."Medic!!! get ready," ibinaba agad nila ang stretcher. Ang bilis ng takbo nito, na halos sa harapan na nila magpreno.Tumalon na ito sa drivers seat at nagmamadling pumunta sa likod ng pick up."Dito ko siya inilagay para mabilis.. Apat na minuto na simula nung saksakan namin siya ng gamot," sabi nito.Agad inasikaso ng mga Medic ang lolo niya. "Dadalhin na namin sa ospital si lolo, Harvy," paalam ni Arvin "mag iingat kayo.""Salamat pare.." paalam niya kay Arvin. "bahala ka na kay lolo.."Pag alis ni Arvin, agad niyang binalingan si Richmond. "Hindi ko alam kung magpapasalamat ako sayo o ano.""Wag ka munang magpasalamat, wala pa si Dahlia." awat nito sa kanya."Bakit mo kinuha si Dahlia?" tanong niya."Tumawag sakin si Audrey na nalocate niyo na sila. Papatayin na daw nila si lolo, kaya inoffer ko ang bahay namin dito. Nakita ko ang kalunos lunos na kalagayan ng matanda. Hindi ako pwedeng magsabi kahit kanino,
Sinagot agad niya ang tawag ni Richmond. Gakit na galit siya sa lalaki."Mahal.." tinig iyon ng asawa niya."Mahal!! kumusta ka na? okay ka lang ba? hindi ka ba sinaktan ni.. Richmond?" tanong niya kay Dahlia."Hi--hindi. Si lolo talaga ang gusto niyang tulungan.. kaya niya ako kinuha.." sabi nito."Ka--kasama mo si lolo?" tanong niya."Oo mahal.. malaki na ang ipinag iba niya ngayon. kumpara noong bago pa lang kami nagkita. Nabibihisan at napapakain ko siya ng maayos..""Sana sinabi niya na...""Mahal, please. Natatakot siyang patayin nina Audrey si lolo. Siya ang nagligtas kay lolo kung tutuusin.""Kasabwat siya nina Audrey!""Hindi.. pinangalagaan niya lang si lolo. Malaki ang utang na loob natin sa kanya Harvy. Wag mo siyang pagsalitaan ng hindi maganda, dahil hindi mo alam ang sakripisyo niya maprotektahan lang kami ni lolo Harry.""Nasaan kayo?" hindi na siya nakipagtalo dito."Bubuksan ko ang gps ng phone niya, itrace niyo na lang. Plano na niya kaming itakas ngayon.. kasi-- ma
"Hoy Richmond!", Tawag ni Audrey sa lalaki, "Anong kalokohan ang ginagawa mo ha? papatayin ko na yang Dahlia na yan, alam mo namang kating kati na ang kamay ko para sakalin siya!""Gusto mo, para patas, one on one kayo?" tanong ni Richmond sa kanya.Napatda si Audrey sa sinabi nito. Wala siyang panama sa babaeng iyon, dahil black belter iyon sa karate. "Ba-bakit one on one""Ang yabang mo kasi, akala mo naman kung makapagsabi ka dyan, kayang kaya mo yung tao!""Gusto mo, patayin ko siya, ngayon din?" masama ang tingin niya dito."Subukan mo lang!" hinawakan ni Richmond ang panga niya, "wag na wag mong kakantiin ni dulo ng buhok ni Dahlia! kung ayaw mong mamatay kayo ng tatay mong kakantutan mo gabi gabi!"Nagulantang siya sa sinabi ni Richmond.. "Pa--paano mo nalaman?""Ang lakas mong humalinghing! Di ka ba nadidiri na ginagang bang ka ng tropa ng tatay mo? Aoat silang pinapaligaya mo ng sabay sabay! napakagaling mo Audrey!" Saka siya iniwanan ng lalaki.Naalala niya, nag inuman sila
Iminulat niya ang kanyang mga mata. Wala na siya sa sasakyan. Nasa kwarto siya. Bigla aiyang tumayo, at napansing iba ang suot niyang damit. Pati panloob niya ay iba.Bigla siyang nagpanic, at naalala ang pambababoy ng lalaking iyon sa kanya. Tumayo siya para puntahan ang pinto. Doon lang niya napansin ang kadena sa kanyang paa.Sumilip siya sa bintana, madilim na, mataas ang pader. Napaluha siya sa isiping iyon. Marahil ay hinahanap na siya ng asawa niya. Ngayon, binaboy pa siya ng lalaking ito.Nagmamadali siyang bumalik sa kama, ng marinig ang mga yabag na nanggagaling sa labas. Palakas iyon ng palakas. Nakita pa niya ang anino sa siwang ng pintuan.Bumukas iyon, at iniluwa ang lalaking nakangiti, may dalang tray. Binato niya ito ng unan."Hayup ka!! pinagkatiwalaan kita! Ganito lang ang gagawin mo sakin!" iyak siya ng iyak. Balewala naman ito sa lalaki. Ngumiti pa rin ito sa kanya."Kumain ka na. Mahaba haba ang biyahe kanina," inilapag nito sa lamesa ang dalang pagkain."Pakawala
Nakasalubong niya sa hallway ng condo si Arvin, nagulat pa ito at naroroon siya. Agad niya itong sinugod at sinuntok ng isa, na ikinabigla nito. "Ba--bakit?" agad pumagitna ang mga naroroon "anong problema mo par? bakit ka basta mananakit?" tanong nito sa kanya at poporma na susugod, "gago ka ba?" "Ilabas mo ang asawa ko, hayup ka!" sigaw niya dito. "Mas hayup ka! bakit ko naman itatago ang asawa mo? Tigilan mo ko sa kapraningan mo Harvy ha! ganitong nabubwesit ako at nawawala ang phone ko, wag kang patanga tanag dyan!? bulyaw nito sa kanya. Natigilan siya sa sinabi nito, "mna--nawawala din ang- phone mo?" parang natauhan siya sa sinabi nito. "Oo! saka bakit mo hahanapin ang asawa mo sakin? eh wala naman akong gusto dun? putang ina mo, ang sakit ha!" saka ito gumanti sa kanya. Hindi na siya lumaban pa. "Pa--pasensiya ka na pare.. may sumundo kasi sa asawa ko eh. Akala ko, ikaw.. Kasi, sumagot naman si Richmond sakin kanina, ikaw ang hindi." "Baka siya ang kumuha sa asawa mo. Pa
Kakalabas niya lang ng building ng mamataan niyang parating ang isang sasakyan at tumigil sa harapan niya. Nagbaba ito ng bintana at binati siya."Ipinapasundo ka ni Harvy, hindi ka daw kasi niya makontak, nakita na daw nila si lolo." anito sa kanya."Talaga?" gulat na gulat siya, maaari ngang natagpuan na si lolo."Oo, pinapasunod ka sa lugar, buhay daw siya.""Salamat," bubuksan na sana niya ang passenger seat sa harap, pero pinigilan siya nito."May mga prutas kasi dito at box," nasilip niyang meron nga, " sa likuran ka na lang. Makakapag usap din naman tayo kahit nandun ka.""Ah, sige, gusto ko nga doon at makakapagpahinga ako." nakangiti niyang sagot dito. " bakit ka nakamask?""Inatake ako ng allergic rhynitis. Oh, handa ka na ba?" tanong nito."Sige, tara na" nginitian niya pa ito, "tatawagan ko lang ang asawa ko."Dial siya ng dial, hindi man lang magring ang phone ni Harvy, kaya nagtataka siya. "Wag ka ng magtaka, baka nawalan ng signal dun, ang alam ko, ipinaputol muna ang
Wala pa ring progress sa pagkawala ni Lolo Harry. Si Dahlia ang bumalik sa opisina, at siya ay naiwan sa bahay kasama ng mga magulang.Hindi niya rin kayang magfocus sa pagtatrabaho, mabuti na lang at maaasahan ang asawa niya. Ito ang sumasalo ng lahat para sa kanya. Kalahati ng buhay niya ay nakasalalay sa babaeNag uusap silang mag anak, ng dumating sina Richmond at Arvin. Bumati sila sa kanila saka naupo."May progress na ba sa pagkawala ni lolo?" tanong ni Arvin."Wala pa nga eh. Ang hirap kausap nina Audrey." sagot niya."Richmond, ilabas mo na ang envelope," sabi ni Arvin kay Richmond."Anong envelope?" tanong niya sa mga ito."Ito ang---" biglang tumigil sa oagsasalita su Richmond, saka tumayo, "ano to?" kinuha ang isang bagay na nakasaksak sa outlet, "camera!""Patingin nga?" inagaw niya kay Richmond ang hawak nito, "oo nga no! kaya pala alam niya ang mga ginagawa namin.""Masyado ng matalino si Audrey," sabi ni John, "sir, pakihanap ng sa buong bahay kung saan pa may ganito."
"Takot na takot ka ah!" tawa ngbtawa ang nasa kabilang linya."Audrey, nasaan si lolo?" tanong niya. Naglapitan sina Harvy sa kanya."Relax lang, ikaw naman, nagmamadali ka agad," napataltak pa ito."Ibalik mo na siya! may sakit naman siya, maawa ka sa kanya!" umiiyak niyang sabi, "wag na si lolo, sana ako na lang, kung galit ka sakin.""Galit? hindi ako galit sayo Dahlia, muhing muhi ako sayo!" bulyaw nito sa kabilang linya. "kasalanan mo ang lahat! masaya sana kami ngayon, kung hindi dahil sayo!""Alam kong kasalanan ko, kaya ako na lang.. pabayaan mo na si lolo.""Ano ako? baliw? eh ito ngang matandang ito ang may kagagawan ng lahat eh.""Ibibigay naman namin ang gusto mo, pakawalan mo lang siya.""Kailangang ibigay niyo! kaya nga kidnap for ransom ito hindi ba? Ikaw, ginagawa mo na naman akong tanga!""Audrey please...""Audrey please!" panggagaya nito sa kanya, "matapang ka hindi ba? mayabang ka pa! asan na ang tapang at yabang mo ngayon? uuuh.. wala na.. kawawa naman." nawala na
"Tama, sinasabi na nga ba, at sina Audrey ang may pakana nito!" inis na inis si Dahlia habang nakaupo sa loob ng kotse. "Unang kita ko pa lang sa babaeng iyon, iba na ang kutob ko.""Sana nga, naniwala na lang ako sayo," sabi ni Harvy sa kanya."Wag mo ng sisihin ang sarili mo. Dapat talaga, mapuntahan ang bahay ng mga yan. Kakalbuhin ko talaga yan kapag nakita ko."Pero ramdam niya ang guilt sa kanyang puso. Parang hindi niya kakayanin kung may mangyaring masama sa kanyang lolo. Hindi niya ata kakayanin yun, na mapahamak ito dahil sa kapabayaan niya."Ako man, ganyan din ang iniisip ko," malungkot na sabi ni John, "hindi maaaring mapahamak si daddy. Talagang hindi ko kakayanin. Siya lang ang mag isang nagpalaki sa akin.""Honey, makikita din natin si daddy, magpray lang tayo," alo ni Alma kay John "wag kang mag isip ng masama.""Sorry honey, pinagtatawanan pa kita, yun pala, tama ka." sabi ng daddy niya sa kanyang mommy."Sssh, okay lang yan. Wag mong sisihin ang sarili mo." awat ng