“Saan ka nanggaling?” tanong agad ni Leona pagkabalik ko sa loob ng aming opisina. Nakatayo pa ito at mukhang kanina pa ako nito hinihintay.
“Sa labas lang.” sagot ko naman.
Nanatili ang tingin sa akin ni Leona na wari ba’y naghihintay pa ito kung may idadagdag ako sa sinabi ko.
“Ah, kasi niyaya ako ni Sandro na magkape sa labas.”
Nang mapatingin ako kay Dean ay nakita ko ang pagtaas ng kilay nito.
“At this hour?” tanong nito.
Kinagat ko ang aking ibabang labi saka marahang tumango. Sandali niyang isinara ang folder na may files na binabasa niya at diretsong tumingin sa akin. Habang si Leona naman ay nakangisi lang sa isang tabi at pasimpleng tinutusok ang aking tagiliran at nang-aasar.
“Working hours natin ito ah. First time mong ginawa iyan.” saad ni Dean saka muling ibinalik ang atensiyon sa kaniyang mesa. Nang tumingin ako kay Leona ay nagkibit-balikat lang ito. Hum
Magdidilim na nang makarating ako sa building ng condo kung saan ako nakatira. Bago ako umuwi ay dumaan muna ako sa coffee shop para bumili ng kape dahil paniguradong hindi na naman ako makakatulog mamaya. Ito ang isa sa mga mahihirap na trabaho ng isang abogado. Hindi lang kliyente mo ang dapat na asikasuhin mo. At hindi lang sa isang bagay ka dapat naka-focus. Isa sa mga natutunan ko sa Uncle ko na kapatid ni Mommy ay dapat lagi mong titingnan ang iba’t-ibang anggulo ng kaso. Hindi lang sa anggulo ng kliyente mo kundi sa anggulo rin ng biktima.Bago ako lumabas ng elevator ay inayos ko muna pagkakasabit ang sling strap ng laptop bag sa aking balikat. Dahil sa dami ng laman niyon, nakaramdam na rin ako ng pangangawit. Dahil hindi naman malayo sa room ko iyong elevator, nakita ko agad na mayroong tao na nakatayo sa labas ng pinto ng aking unit. Nakasuot ito ng pastel brown colored sweater at pants. Para naman bahagyang matakpan ang kaniyang mukha ay nagsuo
Halos isang oras lang naging pagtulog ko ng gabing iyon. Pasalamat nga at nagawa ko pang makatulog kahit na binabagabag ako ng mga tanong sa aking isipan. Bandang alas kuwatro nang bumangon ako sa kama at nagdesisyong magtungo sa banyo para maligo. Kumpara sa nakasanayan, kailangan kong pumasok nang maaga ngayong araw dahil marami akong pupuntahan. Hindi lang ang bahay nina Froilan ang pupuntahan ko ngayong araw, kundi pati na rin ang kuwarto ni Isabella na pinangyarihan ng krimen.Pagkalabas ko ng banyo ay agad akong nagbihis. Iyong coat na suot ko kahapon ay inalis ko sa pagkakasabit at dinala sa lagayan ng maruruming damit. Pagkalapag ko nito sa ibabaw ng iba pang damit ay may nahulog na bagay sa sahig. Marahan akong yumuko para tingnan kung ano iyon.Kumunot ang aking noon ang makita sa sahig ang ballpen na binigay sa akin ni Isabella. Hindi ko makakalimutan ang sinabi niya sa akin nang ibigay niya ito. Dali-dali ko itong kinuha at binuksan. Nang maki
“Tell me truth, Tristan. Is it you who killed the son of your family driver?” tanong ko sa kapatid ni Froilan habang nakaupo kaming dalawa sa dulo ng kaniyang kama.We had to make it quick dahil paniguradong kapag nahalata ng mga detective na wala pa kami, magdududa ang mga iyon. I reached for Tristan’s hand and hold it to make him feel he wasn’t alone.“Tristan, kapag hindi mo sinabi sa akin ang totoo, posibleng makulong ng habang-buhay ang kuya Froilan mo. Alam mo namang siya ang inaasahan ng pamilya niyo sa pagpapatakbo ng inyong negosyo hindi ba? And he’s a great older brother to you. He always makes you safe.”Nanginginig ang kaniyang mga kamay habang nakabaling ang paningin sa ilalim ng malaking cabinet na kung hindi ako nagkakamali ay kaniyang damitan.“Tristan please—”“It wasn’t my fault. Hindi ako ang nagsimula, it was Aiden. The son of our driver.&rdquo
Pagbaba ko ng taxi hanggang makapasok ako ng building ay naroon pa rin ang kaba ko sa aking dibdib. Malakas ang aking pakiramdam na may kinalaman sa kaso ni Isabella ang pangyayaring iyon.Pagkapasok ko sa aking unit ay agad kong ini-lock ang pinto nito. Pagod na umupo ako sa sofa. Itinukod ko ang aking magkabilang siko sa aking tuhod at marahang inihilamos ang aking palad sa aking mukha. Pagkatapos ay paulit-ulit kong tinapik ito para magising ako sa katotohanan na lahat ng nangyayaring ito ay natural lang. Hindi ako puwedeng matakot o mag-back out dahil kapag ginawa ko iyon, I’m sure that my career will be over. Before I started studying for the case of Tristan that night, I received a call from an important person.“Attorney Fortalejo.”Napahinto ako sa paglalakad nang masalubong sa hallway ng opisina si Attorney De Silva. Marahan akong yumuko bilang pagbati rito. Tumingin naman ako kay West na nasa likuran niya. Sumenyas ito k
“I thought you wouldn’t come.” saad ng public defender ni Jonas Marquez pagdating ko sa coffee shop kung saan namin napag-usapang magkikita.He’s the one who called me yesterday before I go to sleep. Inilagay ko agad ang aking bag sa lamesa at umupo sa upuan na katapat noong sa kaniya.“Are you sure you wanted to take over the case?” he asked.“I’m really sure, Jico. Isa pa, sigurado akong mananalo tayo sa kasong ito.”Matagal siyang napatitig sa akin, tila ba pinag-aaralan niya kung ano ang nasa isip ko. Mayroon siyang kinuha sa bag ng kaniyang laptop na folder at inabot niya iyon sa akin.Tinanggap ko naman iyon at tipid na ngumiti sa kaniya. Jico Martinez is one of my classmates when I was still studying in San Beda. He’s one among my best classmates. He’s a great defense counsel, I’ve seen it. Ang kaso, dahil isa siya sa mga magagaling na estudyante, kinuha na
“The court dropped the charges given by the prosecution against the defendant, Froilan Dela Vera after his minor brother testified and admitted for his crime.”Humugot ako ng malalim na hininga nang i-announce ng korte ang kanilang desisyon sa kaso ni Froilan. Matapos kong ipakita lahat ng ebidensiya na kailangan para malinis ang pangalan ni Froilan ay nagdesisyon ang korte na may mali at pagkukulang ang prosekusyon sa pag-iimbestiga. Nang bumaling ako sa likuran ay nakita kong magkayakap ang mga magulang ni Froilan at Tristan. I was being discreet to them. I never told them about what I know. Ang sabi ni Froilan, siya na ang bahala sa mga magulang niya. He was my client at wala akong ibang choice kundi sundin siya. Good thing that his parents remained calm during the hearing.“Ikaw pa rin naman ang hahawak sa kaso ng anak ko, Attorney Fortalejo hindi ba?” mangiyak-ngiyak na tanong nito sa akin.Sa pagkakataong ganito, hindi
Tilian ng mga taong naroon ang pumuno sa aking pandinig. Naramdaman ang bigat ni Sandro bago pa man kami bumagsak sa sementadong daan. Ang tanging nasa isip ko lang sa mga oras na iyon ay walang iba kundi si Sandro at ang dugo na nahawakan ko sa kaniyang likuran.“Ira…” narinig kong bulong niya. Hinawakan ko ang kaniyang pisngi para tapikin ito nang paulit-ulit.“Sandro, hindi ka puwedeng pumikit. Please, please don’t close your eyes.” mangiyak-ngiyak na sambit ko.I put his head on my thigh at paulit-ulit lang na tinatapik ang kaniyang pisngi para manatili siyang gising. Ilang sandali lang ay mayroon nang mga nakaunipormeng lalaki ang dumating.“Si Congressman!” sigaw ng isa.Mabilis na umaksiyon ang mga ito. Kinuha nila mula sa akin si Sandro. Maingat ang kanilang bawat kilos. Makikita ang pag-iingat sa kaniya ng mga tauhan niya sa paraan ng kanilang paghawak sa kaniya. Nang makita ko
Halos tatlong guwardiya ang ipinasama sa akin ng mga magulang ni Sandro pauwi ng aking condo unit. Hinatid pa ako ng isa sa kaniyang mga kapatid na si Simon hanggang lobby ng building para masiguro talaga nilang ligtas ako. Bago ito umalis ay nagpasalamat ako sa kaniya.“No worries. Sigurado akong kung si kuya ang nasa kalagayan ko, ito rin ang gagawin niya.”Ngumiti akong muli kay Simon. Nagpaalam na rin siya sa akin. Mayroong nakasunod sa kaniya na dalawang guwardiya habang sa tabi ko naman ay may tatlong naiwan.“Pasensiya na kayo ah. Kasalanan ko kung bakit kayo nandito ngayon.”Umiling ang isa sa kanila.“Ayos lang po kami, Ma’am. Siguradong ito rin naman ang iuutos sa amin ni Congressman kung sakaling narito siya.”Tipid na ngiti lang ang ibinigay ko sa kanilang dalawa. Habang sakay ng elevator ay panay ang vibrate ng phone ko. Dahil alam kong isa sa miyembro ng pamilya ko ang tum
Ten years later… “Why are you always late, Papa? Alam mo namang graduation ko ngayon pero hindi ka pumunta.” reklamo ni Archer pagkarating ng kaniyang ama. Sandro looked at me. I gave him a small smile and went back again to the kitchen were all of the food are currently in preparation. Graduation event ni Archer ngayong araw. Maya-maya lamang ay darating na ang buong pamilya nina Sandro at ang pamilya ko para sa aming family dinner kaya ngayon ay naghahanda na kami. Ang problema, nangako si Sandro sa anak niya na pupunta siya sa school at sasamahan ako sa pagsasabit ng medal sa kaniyang anak na gumraduate bilang top student pero hindi niya nagawang makarating dahil marami siyang lakad na biglaan ngayong araw. It's been ten years after our wedding. I am now officially a Romualdez, ang maybahay ni Sandro Romualdez na nananatili pa ring Congressman ng unang distrito ng Ilocos Norte. And Archer, he’s not a small kid anymore. Hindi
Medyo madilim na nang magdesisyon kami ni Dad na umuwi na. Saktong naglalakad kami pabalik ng sasakyan nang tumawag ang kapatid kong si Ismael sa kaniya. Ang sabi nito ay umuwi na kami dahil pareho na kaming hinahanap ni Mommy. Habang nasa biyahe pauwi ay pareho kaming tahimik na nakikinig sa kanta na nagpe-play sa music player ng kaniyang sasakyan. Kapag nagkakatinginan kami ni Dad ay sabay kaming napapangiti.Habang nakamasid ako kay Dad, na-realize kong masuwerte pa rin ako sa kabila ng mga pinagdaanan ko. Masuwerte ako kasi kahit na ilang taon kaming hindi ganoon ka-okay, nagkaroon pa rin kami ng pagkakataon na magkaayos. Yung totoong magkaayos. Bumaling ako sa labas ng sasakyan at nakangiting pinagmasdan ang mga puno na aming nadaraanan.Ilang minuto lang ay nakarating na rin kami sa bahay. Kumunot agad ang aking noo nang makitang lahat ng ilaw sa aming bahay ay nakapatay. Inikot ko ang aking paningin sa paligid. Mas lalong kumunot ang aking noo nang
Nang sumunod na linggo ay naging abala na ang mga tao sa bahay. Ang mga kapatid ko ay may kaniya-kaniyang inaasikaso, ganoon din si Sandro kaya palaging wala ang mga ito sa bahay. Si Mommy naman ay laging nakasunod kay Kuya Isaac, kaya kadalasan ang naiiwan sa bahay ay kami ng anak ko, ang yaya niyang si Faye, ang iba pang helper sa bahay at si Dad. Tuwing MWF, palagi akong nasa opisina. Pag sumapit naman ang TTh ay sa bahay ako nagtatrabaho. Hindi kasi sanay si Archer na lagi akong wala sa bahay. Masyado siyang naging dependent sa amin ni Sandro sa mga nakalipas na araw. Sinulit din kasi ni Sandro ang pananatili niya sa bahay bago nagsimula sa pangangampanya.“Anak, may ginagawa ka ba?”Mabilis kong tinapos ang aking pag-inom ng tubig ay saka bumaling kay Dad na nakatayo sa pintuan ng dining room.“Wala naman po, katatapos ko lang. Bakit Dad, may iuutos po ba kayo sa akin?”Umiling naman siya.“Tinatanon
“Puwede bang huwag mo nalang ituloy ang kaso?”Marahas akong napalingon kay Sandro na kasalukuyang nakaupo sa aking kama. Pinagmasdan ko ang kaniyang posisyon. Ang kaniyang likod ay nakalapat sa headboard ng kama habang may maliit namang table na nakapatong sa kama. Nakapatong doon ang kaniyang laptop, dahil pansamantalang doon muna siya nagtatrabaho. Sa kaniyang kanan naman ay natutulog si Archer.“Huwag ituloy ang kaso?” pag-uulit ko sa kaniyang sinabi.Kunot-noong huminto sa aking ginagawa at walang ganang sinipa ang edge ng table. Gumalaw naman ang swivel chair na inuupuan ko palayo sa lamesa. Umayos ako sa pagkakaupo at pinag-ekis ko ang aking braso saka tuluyang humarap sa kaniya.“Gano’n nalang iyon?” taas-kilay kong tanong.He heaved a sigh. Alanganin siyang tumingin sa akin at saka marahang tumango.“Can you please let it go?”I scoffed at the idea of letting
“Mama, wake up!”Boses ni Archer at ang kaniyang marahang tapik sa aking braso ang nagpagising sa akin. Pagkamulat ko ng aking mga mata ay agad napansin kong gabi pa rin. Naroon pa rin sina Tita Louise at Tito Ferdinand, magkatabing natutulog sa isang kama. Sina Simon at Vincent naman ay magkatabing natutulog sa sofa nang nakaupo. Bumaling ako sa aking anak na ngayon ay nakangiti sa akin.“Let’s visit Papa.” excited na saad niya.Tipid akong ngumiti sa kaniya at hinaplos ang kaniyang pisngi. I heaved a sigh when I noticed him being hopeful that I will allow him at his request.“Papa is still asleep, Aki. Nagpapahinga pa siya.”Archer pouted his lips.“But the nurse entered and said Papa’s already awake.”Bigla namang nanlaki ang aking mga mata sa sinabi ng anak ko. Napatayo ako sa kama nang wala sa oras at nagmadaling sinuot ang aking sandals. Hawak ang kaniyang
Nagpalipat-lipat ang tingin ng mga magulang ni Sandro sa akin at kay Archer. Habang papalapit sila sa anak ko ay nagtatanong na tingin ang ibinibigay nila sa akin.“Ira, is this the little boy Sandro is talking about?”Bahagya akong yumuko dahil hindi ko kayang salubungin ang tingin na binibigay ng ama at ina ni Sandro. Marahan akong tumango at saka naglakad palapit sa anak ko na kasalukuyang nasa harapan ni Tita Louise.Instead of getting afraid, ngumiti si Archer sa kaniyang Lola.“Are you Sandwo’s Mommy?” Archer asked his grandmother.Tita Louise nodded. Hindi ko alam kung masaya siya o malungkot nang makita niya ang kaniyang apo dahil sa biglang namuo ang luha sa kaniyang mga mata. Napaluhod ang mag-asawa sa harapan ng kanilang apo.“Are you his Dad?” this time, he asked his Lolo.Tito Ferdinand nodded. Mabilis na lumapit si Tito Ferdinand sa kaniyang apo at niyakap ito.
“Good morning, Mama.”Napangiti ako nang marinig ang boses ng anak ko. Kasalukuyan itong nakaupo sa pagitan nina Mommy at Daddy at salitang sinusubuan ng aking mga magulang ng pagkaing inihanda ni Faye para rito. Kumpleto ang mga kapatid ko na nasa hapag. Nasa tabi naman ni Ismael si Faye na tahimik din na kumakain ng agahan.“Tinanghali ka yata nang bangon.” puna ni Kuya Ivan.Ngumiti naman ako sa kaniya at marahang naglakad sa bakanteng upuan sa tabi ni Mommy. Nang bumaling sa akin si Archer ay kumaway pa ako sa anak ko.“Siyempre, pagod. Ikaw ba naman ang nakasama sa iisang kuwarto si—aray!”Agad na siniko ni Kuya Isaac si Ismael kaya napatigil ito sa pagsasalita. Alam kong dapat hindi ako magpahalata na apektado ako sa sinabi ni Ismael kaya naman ngumiti lang ako sa kanila at inabot ang lalagyan ng kanin at sumandok doon. Inabot na rin sa akin ni Kuya Ivan ang ulam kaya naman nagpasalamat
Ang buong akala ko ay mababaw ang pool na pinagbagsakan namin. I tried to reach for the ground, ang kaso hindi maabot ng paa ko.“Malalim!” kabadong sambit ko.Naramdaman ko naman ang pagpaikot ng braso ni Sandro sa aking beywang para maalalayan niya ako. Don’t get me wrong, I know how to swim, ang kaso hindi ako makabalanse sa tubig dahil naka-dress ako.“Okay ka lang ba?”Mabilis naman akong tumango bilang sagot sa tanong niya. Nang hapitin niya ang beywang ko ay bigla akong napahawak sa kaniyang balikat. Sa pagkakataong iyon ay nagkatitigan kaming dalawa. I swallowed hard when I noticed he was looking at me. Nakagat ko ang aking ibabang labi at sinubukang umiwas sa kaniya ng tingin. Ang kaso ay hinawakan niya ang aking baba gamit ang kaniyang hintuturo.“Ira…” he said in a low voice.Ilang beses akong napakurap nang dumako sa kaniyang labi ang aking paningin. Bahagyang nakaawa
“Anak hindi ka ba sasama sa meeting meeting ng partido ng kuya mo?”Huminto ako sa pakikipag-usap kay Faye nang marinig ko ang sinabi ni Mommy. Bihis na bihis ito at mukhang may lakad din siya ngayong araw.Umiling naman ako.“I have to go to the office to start my work.” I said, smiling to her.Umayos siya sa pagkakatayo at mataman akong pinagmasdan.“Today is a very important event for your older brother, Ira. I appreciate and I’m sure Isaac will appreciate if you will come.”Napaisip naman ako. Mommy is right. This event is so important to my brother. I remember him telling us about it days ago. I can see the excitement in his eyes and hear the happiness in his voice. Kung hindi ako pupunta, sigurado akong magtatampo iyon sa akin. But I have a problem. If I come, posibleng makita ko si Sandro. But I’m not sure if he’s coming though.“Is Sandro coming?”