“Congratulations for winning my case, Attorney. Mabuti nalang po at kayo ang kinuha kong abogado sa kasong ito. Totoo pa lang kahit bata pa kayo ay magaling kayo sa inyong trabaho.” saad ng aking kliyente.
Ngumiti ako rito at saka tumango.
“Trabaho ko po ang ipagtanggol kayo sa korte. Wala po kayong dapat na ipagpasalamat.”
Tumango-tango ito.
“Hindi ka lang magaling Attorney Fortalejo, mabait at maganda ka rin.”
Sa totoo lang, gusto ko nang takpan ang tainga ko dahil napakaraming sinasabi ng kliyente kong ito. Pati paghikab ko ay pinipigilan ko dahil ayaw kong magmukhang bastos sa harapan niya. I’ve prepared so much in his case at halos ilang linggo akong walang tulog. Pinapanalangin ko lang na sana ay umalis na siya.
“Naku salamat po sa papuri.”
Ngumiti muli sa akin ang matandang lalaki.
“Naku, paniguradong napakarami mo pang gagawin, ako’y mauuna na Attorney.”
Nang tumalikod ito ay saka lang ako nakahinga nang maluwag. Mabilis akong tumakbo patungo sa labas ng building para pumara ng taxi. Kailangan ko pa rin kasing bumalik ng law firm na pinagtatrabahuhan ko dahil marami pa akong nakatambak na trabaho roon. Bukod sa paperworks, marami ring cases na kailangang gawan ng reports.
Pagkasakay ko sa taxi ay agad akong sumandal sa backrest at inihiga ko rin ang ulo ko at mabilis na pumikit.
“Saan po kayo Miss?”
“De Silva Law Firm po Manong.” sagot ko nang hindi nagmumulat ng aking mga mata.
Ilang beses kong ipinanalangin na sana traffic pabalik sa law firm para makatulog pa ako sa sasakyan, ngunit hindi mukhang hindi umaayon ang tadhana sa akin ngayon. Halos twenty minutes lang ay nakarating na kami sa labas ng building ng law firm na pinagtatrabahuhan ko.
Pagpasok ko sa lobby ay sumaludo agad sa akin ang guwardiya na naging ka-close ko agad kahit na tatlong buwan pa lang akong nagtatrabaho rito.
“Pang ilang case niya na iyong naipanalo niya kanina?” dinig kong tanong ng isa pang abogado na nakatayo sa gilid kasama ang dalawang baguhang abogado na kasabayan ko lang sa pagpasok dito.
“Pang-lima niya na.” bulong naman ng isa pa.
“Grabe talaga. Halimaw din iyan noong nasa law school pa lang kami. Pati nga professor namin sa Criminal Law, ilang beses niyang nakaaway dahil ayaw niyang pumayag sa point na itinuturo nito sa klase. But then, kahit siya ang most hated law student sa San Beda, siya pa rin ang nakakuha ng mataas na grades. Hindi na ako magtataka na siya ang nag-top sa bar exam.”
Napangisi ako nang marinig ang sinabi nito. Hindi ako na-inform na kilala pala ako nito kahit noong nasa law school pa lang ako. Sumandal ako sa cemented wall habang yakap-yakap ang bag na dala ko. Hinihintay kong bumukas ang elevator. Kahit na matagal, maghihintay ako. Ayokong maghagdan dahil inaantok ako. Isang maling hakbang lang, siguradong maaaksidente ako.
Nang bumukas ang pinto ng elevator at naglabasan ang mga sakay nito ay agad akong tumakbo papasok ng elevator. Pumuwesto ako sa pinadulo nito. Bukod sa akin ay marami pang nagpasukan na mga empleyado ng firm.
Nang makita ako ng isa sa mga assistant ng katrabaho ko ay agad nitong tinanong kung saang floor ako bababa.
“Fourth floor, the usual.”
Sinubukan kong pigilan ang sarili ko na mapairap. Doon naman matatagpuan ang opisina namin, parang hindi niya pa alam.
Nang huminto ang elevator sa fourth floor at nagmadali akong bumaba. Mabilis akong naglakad patungong opisina. Pagbukas ko ay nakarinig agad ako ng palakpakan mula sa mga kasama ko. Some were cheering for me, congratulating me.
Nang makita kong papalapit ang boss namin at umayos ako sa pagkakatayo. Nakangiti ito habang naglalakad patungo sa kinaroonan ko kasama ang kaniyang assistant. Huminto ito agad sa harapan ko at humawak siya sa balikat ko at tinapik-tapik ito.
“Good job, Ira. You’re truly one of the greatest gems of this firm.” nakangiti nitong sambit.
Muli namang naghiyawan ang mga kasama ko. Nagpasalamat ako sa boss ko. Nang mawala ito sa paningin ko ay dali-dali akong nagtungo sa cubicle ko.
“Psst, Ira. Congratulations. Mukhang dahil sa’yo, makakatikim tayong lahat ng treat kay bossing.”
Mahina akong tumawa sa sinabi ni Dean, ang isang kasamahan ko na nauna nang isang taon na makapasok sa firm na ito. Dean is one of the best lawyers of this firm.
“The best ka talaga.” puri niya pa.
Ngumiti lang ako sa kaniya. Pagkababa ko nang gamit ko sa aking lamesa ay umupo na rin ako. Agad akong yumuko sa lamesa. Nakapatong ang ulo ko sa aking braso at saka ako pumikit. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod na naipon ko sa mga nagdaang linggo. Pakiramdam ko kailangan kong matulog ng straight 48 hours para maipahinga yung katawan ko.
But knowing my job, alam kong hindi ako makakapagpahinga ng ganoong katagal. I tried sleeping in the office pero dahil nakakarinig ako nang mga katrabahong panay na nagkukuwentuhan ay inabala ko nalang ang sarili ko sa paggawa ng mga reports.
“Ira, congratulations!”
Napaangat ako nang makita na nakadungaw sa cubicle ko ang assistant ng Head namin. Napahawak ako sa aking sintido at agad itong nahilot.
“Oh masama ba ang pakiramdam mo?” nag-aalalang tanong nito.
Tumingin ako sa kaniya at saka tumango.
“Sa tuwing nakikita kita, West, sumasakit ang ulo ko.”
Narinig ko ang kaniyang marahang pagtawa. Nang iangat niya ang hawak na folder ay doon na ako bumuntong-hininga. Inilapag niya ito agad sa table ko at muling ngumiti.
“Boss wanted you to take this case.”
Case na naman? Wala yata silang planong pagpahingahin ako.
“Anong case ba ito?” tanong ko sa kaniya.
He shrugged.
“See for yourself.” aniya saka itinuro ang folder.
Walang gana ko itong binuksan at nang makita ko ito ay halos mapanganga ako sa nabasa.
“Murder case? Seryoso ka ba?” gulat na tanong ko sa kaniya.
Mabilis kong isinara ang folder at tumingin sa paligid.
“Bakit ako? Hindi ba dapat sa mga senior lawyers ina-assign ang ganitong trabaho? Hindi pa ako ready sa ganito, West. Alam mo namang pangatlong buwan ko palang sa trabaho.”
Isa pa, marami akong naririnig na negative feedback sa mga abogadong humahawak ng ganiyang kaso. Marami silang hindi magandang karanasan. They’ve been harassed, pinadal’han ng death threat, may regalo pa na naglalaman ng itim na kandila o hindi kaya ay patay na hayop. Napailing ako. Thinking of those things, hindi ko talaga kaya o mas tamang sabihin na hindi ko pa kaya. I’m just 26 at kasisimula ko palang sa trabaho. Ayoko pang mamatay nang maaga.
Tumingin ako kay West at ibinalik sa kaniya ang folder.
“I hope you understand, West. Alam ko ring patuloy ang pagtaas ng expectations niyo sa akin. Handa naman akong tanggapin lahat ng case na ibibigay niyo sa akin, pero ‘yang ganiyang kaso, hindi ko pa kaya iyan.”
Mukhang naintindihan naman ako ni West. Ang sabi niya ay siya na ang magpapaliwanag sa Head na tumanggi ako.
Gabi na nang umuwi ang karamihan sa mga empleyado. Paisa-isa na ring pinapatay ang ilaw sa bawat floor ng building. Tumayo ako sa kinauupuan ko at naglakad palapit sa bintana ng floor na iyon. Mataman kong pinagmasdan ang mga ilaw na nagmumula sa mga streetlights at mga building na kalapit ng sa amin.
“Hindi ka pa uuwi? You look tired. Mas makabubuti kung makakapagpahinga ka nang maaga.”
Pagkabaling ko kay Dean ay ngumiti ako.
“Mauna ka na, may tatapusin pa akong reports.”
Tumango naman ito bago tumalikod sa akin. Marahan akong naglakad pabalik sa cubicle ko at pabagsak na umupo sa sarili kong swivel chair. After I declined the offer from the Head, for some reason, I kept on thinking about it.
Tama bang tinanggihan ko iyon? If I win the case, for sure dadagdag iyon sa achievements ko bilang abogado, pero kapag natalo ako, for sure bababa ang expectation sa akin ng mga katrabaho ko.
Isinandal ko ang aking ulo sa headrest ng upuan. Ilang sandali pa ay nag-vibrate ang phone ko na nasa lamesa. Kinuha ko ito at tiningnan kung sino ang tumatawag.
Napangiti ako nang makitang si Ismael iyon, ang bunso kong kapatid.
“Ate, congratulations!” bungad niya sa akin.
“Congratulations dahil?” kunwaring hindi ko alam ang tinutukoy niya.
“I heard you win your fifth case. I’m so proud of you. Kailan ka ba uuwi ng Ilocos? Gustong-gusto na kitang makita. I’m missing you a lot.”
I sighed heavily. Ismael Kristoff Fortalejo is my youngest sibling. Sa aming magkakapatid, ako lang ang babae. On the second thought, let me correct myself. Sa henerasyon naming magkakapatid at magpipinsan, ako lang ang nag-iisang babae.
“Ikaw lang naman ang nakakamiss sa akin.”
Narinig ko ang kaniyang mahinang pagtawa sa kabilang linya.
“That’s not true. Alam mo namang namimiss ka rin nila Mommy at Daddy pati na rin nina Kuya Isaac at Ivan.”
Sandali akong tumahimik.
“Masaya ba si Dad na naipanalo ko ang ikalimang kaso na hinawakan ko?” alanganing tanong ko sa kapatid ko.
“You know the answer to your question, Ate. Mukhang hindi talaga gusto ni Dad na maging abogado ka. Malapit na ang eleksiyon. Our clan is expecting you to come home. And I know that you knew already what will they say right? Pipilitin ka ng mga iyon na tumakbo sa isang local position dito sa atin. Mayoral position at the very least.”
Bumuntong-hininga ako.
“Hindi pa rin ba sila sumusuko sa bagay na iyan. Hindi ba ilang beses na akong tumanggi? Alam naman nilang hindi sapat ang credentials ko para pumasok sa pulitika.”
“I don’t know, Ate. But I really suggest na umuwi ka rito next month. Kapag hindi, paniguradong may susundo sa’yo riyan sa Metro Manila. Alam mo kung paano magalit si Dad.”
Nang matapos ang pag-uusap naming magkapatid ay saka lang ako nagdesisyong ayusin ang mga gamit ko. Mag-aalas nuebe na nang tuluyan akong makalabas ng building. Nasa taxi na ako nang maalala kong kailangan ko nga palang mag-grocery ngayon dahil wala na akong stock ng pagkain sa fridge. Imbes na magpadiretso sa condo, ay sinabi ko na lang sa driver na ibaba ako sa supermarket.
Abala ako sa pagkuha ng mga instant noodles nang bigla na lang sinigawan ng lalaki ang kasama niyang babae hindi kalayuan sa kinaroroonan ko. Napahinto ako sa ginagawa kong pagkuha ng brand ng noodles at napatingin sa dalawa. Kung tama ang hinala ko ay mag-asawa ang dalawa.
Mabilis na dumako ang tingin ko sa braso ng babae na may bakas ng mga pasa. Ganoon din sa kaniyang paa. Kung hindi mahaba ang suot niyang palda ay paniguradong kitang-kita ito.
I know what this is. Domestic violence.
Bumuntong-hininga ako nang makitang patuloy sa pagsigaw ang lalaki sa kaniyang asawa. Pati tuloy ibang mga costumer na dapat ay dadaan lang sa area ay napapahinto upang makiusyoso.
Nang lumipas ang ilang minuto at hindi pa rin tumigil ang lalaki sa pagsigaw at pangmamaliit sa kaniyang asawa ay doon na ako nagdesisyong makialam.
“Tama na ho ‘yan.”
Masama ang tingin na ibinigay sa akin ng lalaki.
“At sino ka para makialam sa away naming mag-asawa?!” singhal nito sa akin.
Humugot ako nang malalim na hininga.
“Hindi po ba kapag away mag-asawa dapat sa bahay nagaganap? Itong ginagawa niyo ho ay pamamahiya na.”
Bakas ang pagkainis na tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa. Halatang nanghahamak ang tingin nito.
“Wala kang pakialam, Miss. Asawa ko ang kausap ko at pinagsasabihan ko. Kahit anong gusto kong gawin sa kaniya, gagawin ko .”
Marahan akong natawa sa sinabi niya.
“Hoy Mister. Lilinawin ko lang ho. Hindi naman porket asawa niyo ang babaeng kasama niyo ay may karapatan na kayong saktan siya. Kahit sino pa ‘yan, kahit anak niyo pa ‘yan wala kang karapatang saktan sila dahil lang nagkamali sila.”
Mas lalong sumama ang timpla ng hitsura nito.
“Ano bang pakialam mo ha? Akala mo kung sino ka para makialam ah. Pinapakain mo ba kami? Ikaw ba ang nagpapalamon sa amin para makialam ka buhay namin?!”
Napapikit ako nang mariin. Bakit nga ba may mga ganitong uri ng tao sa mundo? Pagmulat ko ay bigla na lang ako nitong tinulak sa aking balikat dahilan para mapaatras ako.
“Anong pinagyayabang mo ha? Na maganda ang damit mo? Na mayaman ka?”
Patuloy lang siya sa pagtulak sa balikat ko nang bigla kong bumangga sa taong nasa likuran ko. Dahan-dahan akong napalingon sa lalaking iyon. Hindi ko mawari kung bakit unang kita ko palang dito ay bumilis agad ang pagtibok ng puso ko.
Nakasuot ito ng longsleeves na puti at ang sleeves ay nakalilis hanggang sa kaniyang siko. Tumingin ito sa akin sandali pero mabilis ding ibinaling ang kaniyang paningin sa lalaking hawak pa rin ang balikat ko.
Walang emosyon ang lalaki sa likuran ko nang tumingin siya sa lalaking nasa harapan ko. Walang sabing mabilis niyang kinuha ang kamay nito at agad na pinilipit dahilan para mapahiyaw ang lalaking tumulak sa akin.
“Ipapapulis ko kayong dalawa.” sigaw ng lalaki saka tumingin sa aming dalawa ng lalaking nasa tabi ko na ngayon.
“Go on, do it. I’ll face the charge. Pero ipapapulis din kita.”
Gulat ang mga mata ng lalaki na tumingin sa amin.
“Bakit, anong ginawa ko?” kinakabahang tanong nito.
Bigla namang hinawakan ng lalaki ang braso ko at hinila ako palapit sa kaniya.
“Sinaktan mo ang girlfriend ko."
Kung nagulat ang matandang lalaki sa kaniyang narinig, mas lalo naman ako. Maang lang akong nakatitig sa guwapo nitong mukha. Nang tumingin siya sa akin saka lang ako natauhan. He gave me a kind of look that tells me to pretend that I am his girlfriend. “Ano Sir, ipapapulis niyo pa ba ako?” tanong ng lalaking katabi ko. Agad namang umuling ang matandang lalaki at mabilis na tumakbo papalayo sa amin. Pati ang asawa niyang nagmukhang kawawa dahil sa pag-iyak ay iniwan niya. That was the time when I looked at the man beside me. “You don’t have to do that, you know.” saad ko saka pinagpag ang coat ko na hinawakan ng lalaki kanina. “If I didn’t do that, paniguradong sinaktan ka na noon nang tuluyan.” aniya saka naglakad pabalik sa push cart na may lamang mga groceries na pinamimili niya. May nakita ako roong mga milk formula ng bata. Napasimangot naman ako sa sarili ko. Mukhang may anak na yata. But he looks so young to have a baby. Sayang naman!
The truth is, I was shocked hearing that news from my brother. I didn’t even expect that the Congressman of Ilocos Norte is that young and handsome. Sa totoo lang naman kasi, bihira talaga ang pulitiko na guwapo. Iilan nga lang iyong kilala ko.Nang makabalik ako ng aking upuan ko ay napatingin ako sa isang folder sa aking lamesa. Kumunot ang noo ko at agad na kinuha ito. Nang basahin ko iyon ay bahagyang nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat. Wala naman ito kanina rito ah. Sino kaya ang naglagay? Sandali lang akong umalis para sagutin ang tawag ng kapatid ko, tapos pagbalik ko mayroon ng ganito?Bumaling ako agad kay Leona para magtanong pero hindi rin nito alam kung sino ang naglagay noon sa lamesa ko dahil pag-alis ko kanina ay umalis din daw siya para mag-yosi break. Nagtanong din ako kay Dean pero kibit-balikat lang ang sinagot nito. Mukhang busy rin ito sa kaniyang ginagawa. Ni hindi ito makaharap sa akin para sagutin ang tanong ko. Sa pagkak
Pakiramdam ko ay natulos ako sa aking kinatatayuan nang marinig ko ang kaniyang sinabi. Anong ginagawa niya rito? Bakit kung kailan ganito ang hitsura ko, saka pa kami magkikita? Dahan-dahang bumaba ang aking paningin sa aking suot na pantulog. I was just wearing my button-down pajamas and my hoodie. And for Pete’s sake, naka-tsinelas lang ako! Tapos siya ang ganda ng suot. Iyong tipong a-attend ng isang semi-formal event. He’s wearing a dark blue longsleeves partnered with black pants. Bahagyang naningkit ang aking mga mata nang makita ko ang kaniyang suot na buckle belt. Even his belt screams elegance. Louis Philippe brand huh?“So, you’re living here?”Agad naman akong napaangat ng tingin sa kaniya. I put my left hand on my nape. My mannerism when I’m nervous and I don’t know what to say.“Ah, yeah. Dito ako nakatira.”Bumaling siya sandali sa pinto ng unit ko at saka muling tumi
Pasara na ang pinto ng elevator nang bigla niyang iharang ang kaniyang paa, dahilan para bumukas itong muli.Nanatili pa rin ang kaniyang ngiti sa akin habang naglalakad siya papasok ng elevator. Hindi ko tuloy maiwasang mapairap. Isiniksik ko nalang ang sarili ko sa left wall para lang magkaroon kami ng sapat na distansiya.“I was wondering…”Napaangat ako ng tingin nang marinig ko siyang magsalita.“I just heard a while ago that you’re a Fortalejo.”Umayos ako sa pagkakatayo at ipinag-ekis ang aking mga braso.“If you’re wondering if I am a part of Fortalejo clan in Ilocos, tama ka.”Dahil sa sinabi ko ay napatingin siya sa akin nang diretso kaya nagsalubong ang aming paningin. Hindi ko napigilang hindi pagmasdan ang kaniyang mukha. Napakaamo ng mukha nitong lalaking ito. Nang mahuli ko ang aking sarili sa ginagawa ay agad akong umiwas nang tingin. Sakto namang bum
Maaga akong nagising kinaumagahan para pumasok. Kailangan kong makausap ang boss ko tungkol sa kasong ibinibigay niya sa akin. I can’t accept it. Kahit pa sabihin niyang malakas ang laban naming defense counsel sa hearing, ayoko pa ring tanggapin. Kapag tinanggap ko iyon ay para na rin akong nag-suicide.Froilan Dela Vera is my ex-boyfriend way back in college. We’ve been together for almost two years but eventually, we broke up because we have to focus on our studies. Back then, I thought we still have a chance to get back together pero nagulat na lang ako na may iba na pala siyang dini-date. To make the story short, nasaktan ako. Kaya ipinangako ko sa sarili ko na kahit anong mangyari, hindi-hinding na ako makikipag-usap sa kaniya.Pagdating ko sa opisina ay agad kong tinanong kay Dean kung nariyan na ba si Boss. Tumango naman ito sa akin. Gaya kahapon ay hindi ako nito nilingon. Mukhang abala pa rin siya sa ginagawa niya.
“What would you like to order, Ma’am?” tanong agad ng waiter pagkaupo ko sa malambot na upuan ng café na pinasukan ko.Inilapag ko ang aking bag sa lamesa at saka inabot ang hawak nitong menu.“Three shots of espresso please.” sabi ko sa waiter at saka inabot pabalik sa kaniya ang menu. Mataman itong nakatitig sa akin at mukha siyang naguguluhan base sa kaniyang ekspresyon.“What? Did I say something wrong? May mali?” I asked. I feel so clueless about his reaction.Umayos naman siya sa pagkakatayo saka ngumiti sa akin nang pilit.“Sigurado po ba kayo na three espresso shots?”Wait, what? Is he really asking me that? What’s that supposed to mean?“Yes, can you make it three long shots?” saad ko sa waiter na mas lalong nagpabago ng kaniyang hitsura.“Ma’am sorry po ha. But espresso long shots are way bitter than the normal esp
Matagal siyang napatitig sa akin at saka umiling.“I’m not joking nor kidding or whatever you call it.”And I’m pretty sure I wasn’t nervous at all a while ago. Pero ngayon, hindi ko na alam. My heart just suddenly beats faster than normal. Dahil hindi ko alam ang sasabihin ko ay napatitig nalang ako sa kaniya.“So, you not remember me at all? We’re classmates in St. Joseph Parish Kindergarten & High School.”In the back of my mind, iniisip ko kung kilala ko ba siya o kung nagkaroon man lang ba kami ng interaction noong mga bata pa kami. When I was studying kindergarten, wala akong gaanong kaibigan dahil ang sabi ni Mommy, hindi ko naman daw kailangan ng kaibigan kapag lumaki na ako. All I need is myself so I don’t have to make an effort to befriend my classmates. I used to be aloof with other people. But then there’s a little boy who has the same as my age that time, used to si
“Hindi nga kami, Kuya.” pag-uulit ko sa kapatid ko.I told him everything about it but he won’t believe me. Lalo na at mayroon pang second article na sumunod. He even read the content of it out loud. Halos patayan ko na nga siya ng tawag dahil sa ginawa niya. Pasalamat nalang siya dahil mataas ang respeto ko sa kaniya bilang nakatatandang kapatid ko. But I didn’t like what he did. Para siyang isang high school na nambu-bully ng kaklase.“Okay? How am I going to believe what you’re saying right now? Just give me one reason that will make me believe in you.”Humugot ako ng malalim na hininga saka napaupo sa kama.“You know how I hate people.”“At paano naman iyon naging konektado sa ipinaglalaban mo ngayon?”Sandali akong natigilan nang marinig ang kaniyang tanong. Bata palang ako, nasanay na akong mag-isa. Just like what I’ve said, wala akong gaanong kaibiga
Ten years later… “Why are you always late, Papa? Alam mo namang graduation ko ngayon pero hindi ka pumunta.” reklamo ni Archer pagkarating ng kaniyang ama. Sandro looked at me. I gave him a small smile and went back again to the kitchen were all of the food are currently in preparation. Graduation event ni Archer ngayong araw. Maya-maya lamang ay darating na ang buong pamilya nina Sandro at ang pamilya ko para sa aming family dinner kaya ngayon ay naghahanda na kami. Ang problema, nangako si Sandro sa anak niya na pupunta siya sa school at sasamahan ako sa pagsasabit ng medal sa kaniyang anak na gumraduate bilang top student pero hindi niya nagawang makarating dahil marami siyang lakad na biglaan ngayong araw. It's been ten years after our wedding. I am now officially a Romualdez, ang maybahay ni Sandro Romualdez na nananatili pa ring Congressman ng unang distrito ng Ilocos Norte. And Archer, he’s not a small kid anymore. Hindi
Medyo madilim na nang magdesisyon kami ni Dad na umuwi na. Saktong naglalakad kami pabalik ng sasakyan nang tumawag ang kapatid kong si Ismael sa kaniya. Ang sabi nito ay umuwi na kami dahil pareho na kaming hinahanap ni Mommy. Habang nasa biyahe pauwi ay pareho kaming tahimik na nakikinig sa kanta na nagpe-play sa music player ng kaniyang sasakyan. Kapag nagkakatinginan kami ni Dad ay sabay kaming napapangiti.Habang nakamasid ako kay Dad, na-realize kong masuwerte pa rin ako sa kabila ng mga pinagdaanan ko. Masuwerte ako kasi kahit na ilang taon kaming hindi ganoon ka-okay, nagkaroon pa rin kami ng pagkakataon na magkaayos. Yung totoong magkaayos. Bumaling ako sa labas ng sasakyan at nakangiting pinagmasdan ang mga puno na aming nadaraanan.Ilang minuto lang ay nakarating na rin kami sa bahay. Kumunot agad ang aking noo nang makitang lahat ng ilaw sa aming bahay ay nakapatay. Inikot ko ang aking paningin sa paligid. Mas lalong kumunot ang aking noo nang
Nang sumunod na linggo ay naging abala na ang mga tao sa bahay. Ang mga kapatid ko ay may kaniya-kaniyang inaasikaso, ganoon din si Sandro kaya palaging wala ang mga ito sa bahay. Si Mommy naman ay laging nakasunod kay Kuya Isaac, kaya kadalasan ang naiiwan sa bahay ay kami ng anak ko, ang yaya niyang si Faye, ang iba pang helper sa bahay at si Dad. Tuwing MWF, palagi akong nasa opisina. Pag sumapit naman ang TTh ay sa bahay ako nagtatrabaho. Hindi kasi sanay si Archer na lagi akong wala sa bahay. Masyado siyang naging dependent sa amin ni Sandro sa mga nakalipas na araw. Sinulit din kasi ni Sandro ang pananatili niya sa bahay bago nagsimula sa pangangampanya.“Anak, may ginagawa ka ba?”Mabilis kong tinapos ang aking pag-inom ng tubig ay saka bumaling kay Dad na nakatayo sa pintuan ng dining room.“Wala naman po, katatapos ko lang. Bakit Dad, may iuutos po ba kayo sa akin?”Umiling naman siya.“Tinatanon
“Puwede bang huwag mo nalang ituloy ang kaso?”Marahas akong napalingon kay Sandro na kasalukuyang nakaupo sa aking kama. Pinagmasdan ko ang kaniyang posisyon. Ang kaniyang likod ay nakalapat sa headboard ng kama habang may maliit namang table na nakapatong sa kama. Nakapatong doon ang kaniyang laptop, dahil pansamantalang doon muna siya nagtatrabaho. Sa kaniyang kanan naman ay natutulog si Archer.“Huwag ituloy ang kaso?” pag-uulit ko sa kaniyang sinabi.Kunot-noong huminto sa aking ginagawa at walang ganang sinipa ang edge ng table. Gumalaw naman ang swivel chair na inuupuan ko palayo sa lamesa. Umayos ako sa pagkakaupo at pinag-ekis ko ang aking braso saka tuluyang humarap sa kaniya.“Gano’n nalang iyon?” taas-kilay kong tanong.He heaved a sigh. Alanganin siyang tumingin sa akin at saka marahang tumango.“Can you please let it go?”I scoffed at the idea of letting
“Mama, wake up!”Boses ni Archer at ang kaniyang marahang tapik sa aking braso ang nagpagising sa akin. Pagkamulat ko ng aking mga mata ay agad napansin kong gabi pa rin. Naroon pa rin sina Tita Louise at Tito Ferdinand, magkatabing natutulog sa isang kama. Sina Simon at Vincent naman ay magkatabing natutulog sa sofa nang nakaupo. Bumaling ako sa aking anak na ngayon ay nakangiti sa akin.“Let’s visit Papa.” excited na saad niya.Tipid akong ngumiti sa kaniya at hinaplos ang kaniyang pisngi. I heaved a sigh when I noticed him being hopeful that I will allow him at his request.“Papa is still asleep, Aki. Nagpapahinga pa siya.”Archer pouted his lips.“But the nurse entered and said Papa’s already awake.”Bigla namang nanlaki ang aking mga mata sa sinabi ng anak ko. Napatayo ako sa kama nang wala sa oras at nagmadaling sinuot ang aking sandals. Hawak ang kaniyang
Nagpalipat-lipat ang tingin ng mga magulang ni Sandro sa akin at kay Archer. Habang papalapit sila sa anak ko ay nagtatanong na tingin ang ibinibigay nila sa akin.“Ira, is this the little boy Sandro is talking about?”Bahagya akong yumuko dahil hindi ko kayang salubungin ang tingin na binibigay ng ama at ina ni Sandro. Marahan akong tumango at saka naglakad palapit sa anak ko na kasalukuyang nasa harapan ni Tita Louise.Instead of getting afraid, ngumiti si Archer sa kaniyang Lola.“Are you Sandwo’s Mommy?” Archer asked his grandmother.Tita Louise nodded. Hindi ko alam kung masaya siya o malungkot nang makita niya ang kaniyang apo dahil sa biglang namuo ang luha sa kaniyang mga mata. Napaluhod ang mag-asawa sa harapan ng kanilang apo.“Are you his Dad?” this time, he asked his Lolo.Tito Ferdinand nodded. Mabilis na lumapit si Tito Ferdinand sa kaniyang apo at niyakap ito.
“Good morning, Mama.”Napangiti ako nang marinig ang boses ng anak ko. Kasalukuyan itong nakaupo sa pagitan nina Mommy at Daddy at salitang sinusubuan ng aking mga magulang ng pagkaing inihanda ni Faye para rito. Kumpleto ang mga kapatid ko na nasa hapag. Nasa tabi naman ni Ismael si Faye na tahimik din na kumakain ng agahan.“Tinanghali ka yata nang bangon.” puna ni Kuya Ivan.Ngumiti naman ako sa kaniya at marahang naglakad sa bakanteng upuan sa tabi ni Mommy. Nang bumaling sa akin si Archer ay kumaway pa ako sa anak ko.“Siyempre, pagod. Ikaw ba naman ang nakasama sa iisang kuwarto si—aray!”Agad na siniko ni Kuya Isaac si Ismael kaya napatigil ito sa pagsasalita. Alam kong dapat hindi ako magpahalata na apektado ako sa sinabi ni Ismael kaya naman ngumiti lang ako sa kanila at inabot ang lalagyan ng kanin at sumandok doon. Inabot na rin sa akin ni Kuya Ivan ang ulam kaya naman nagpasalamat
Ang buong akala ko ay mababaw ang pool na pinagbagsakan namin. I tried to reach for the ground, ang kaso hindi maabot ng paa ko.“Malalim!” kabadong sambit ko.Naramdaman ko naman ang pagpaikot ng braso ni Sandro sa aking beywang para maalalayan niya ako. Don’t get me wrong, I know how to swim, ang kaso hindi ako makabalanse sa tubig dahil naka-dress ako.“Okay ka lang ba?”Mabilis naman akong tumango bilang sagot sa tanong niya. Nang hapitin niya ang beywang ko ay bigla akong napahawak sa kaniyang balikat. Sa pagkakataong iyon ay nagkatitigan kaming dalawa. I swallowed hard when I noticed he was looking at me. Nakagat ko ang aking ibabang labi at sinubukang umiwas sa kaniya ng tingin. Ang kaso ay hinawakan niya ang aking baba gamit ang kaniyang hintuturo.“Ira…” he said in a low voice.Ilang beses akong napakurap nang dumako sa kaniyang labi ang aking paningin. Bahagyang nakaawa
“Anak hindi ka ba sasama sa meeting meeting ng partido ng kuya mo?”Huminto ako sa pakikipag-usap kay Faye nang marinig ko ang sinabi ni Mommy. Bihis na bihis ito at mukhang may lakad din siya ngayong araw.Umiling naman ako.“I have to go to the office to start my work.” I said, smiling to her.Umayos siya sa pagkakatayo at mataman akong pinagmasdan.“Today is a very important event for your older brother, Ira. I appreciate and I’m sure Isaac will appreciate if you will come.”Napaisip naman ako. Mommy is right. This event is so important to my brother. I remember him telling us about it days ago. I can see the excitement in his eyes and hear the happiness in his voice. Kung hindi ako pupunta, sigurado akong magtatampo iyon sa akin. But I have a problem. If I come, posibleng makita ko si Sandro. But I’m not sure if he’s coming though.“Is Sandro coming?”