"Ano bang nangyayari kay Venuz? Napapadalas na ang kaniyang pagsigaw at panginginig tapos magigising sa pagtulog?" nag-aalalang tanong ni Dexie na abalang nagtatanggal nang bala sa kaniyang tagiliran.
Halos mangiwi ang ilan sa kaniyang mga kasamahan dahil pakiramdam nila ay sobrang sakit ng ginagawa niya. Hindi nila alam kung saan galing ang alak na pinambuhos niya sa kaniyang sugat, tila hindi ito nasasaktan dahil nagawa pa nitong magtanung sa kabila ng kaniyang sitwasyon."Sigurado ka bang ligtas iyang ginagamit mo sa pagtanggal ng bala sa katawan mo?" usal ni Marie, ang estudyanteng nakapukaw ng atensyon ni Kurt noong makapasok sila sa lugar.Siya iyong babaeng naka-puting t-shirt at jeggings ang suot, Nagpakilala ito sa kanila bilang isang nursing student, nag-alok din ito kay Dexie na siya ang maggagamot dito pero tinanggihan lamang siya ni Dexie dahil sanay itong siya lang mismo ang gumagamot sa"Hanggang ngayon pala, mahina ka pa rin." Bakas sa mukha ng babae ang pang-iinsulto nito kay Dexie.Nanggagalaiti namang tumayo mula sa pagkakasalampak sa sahig si Dexie at muling hinarap ang babae. Hanggang ngayon ay umaalab pa rin ang galit sa kaniyang puso lalo na ng makita niyang muli ang mga taong pumatay sa kaniyang minamahal."Mga wala kayong puso!" Sigaw niya at saka muling sumugod."Parehas lang tayo."Mabigat ang hininga ni Dexie dahil muli siyang napahiga at ngayon ay may nakatutok sa kaniyang dagger, nakatukod din sa kaniyang dibdib ang tuhod nito habang hawak ang kaniyang isang kamay kaya't nahirapan siyang makakilos."See? Weak ka pa rin at sisiguraduhin kong hindi ka na mabubu – "Bigla na lamang naagawa ang atensyon ng babae at ni Dexie sa biglaang pagsigaw ni Venuz. Napatingin sila sa gawi nito at nakita ni Dexie na nanginginig itong nakatingin sa kanilang dalawa. Napakunot noo
"Paano ba 'yan mukhang ikaw na lang ang natitira sa grupo mo," nakangising usal ni Dexie sa nag-iisa na lang nilang kalaban."Wala akong pakialam sa mahihinang nilalang na iyon." sagot nito sa kaniya habang nakangisi rin.Natawa na lang si Dexie sa tapang na ipinapakita nito kahit na siya na lamang ang natira sa kaniyang grupo. Pero, hindi niya rin maitatanggi sa kaniyang sarili na masyadong malakas ang taong ito kahit pa duguan na ang kanang braso nito sa kaniyang pagsaksak dahil kinakaya pa rin nitong makatayo ng tuwid.Nagawa pa nitong magbalat nang kaniyang bubble gum at muling ngumuya nito. Nagagawa rin nitong ngumisi na para bang walang iniindang sakit sa braso."Tignan natin kung magawa mo pang maka-ngisi pag nakahandusay ka na sa sahig."Nakahanda na ring sumugod ang iba nang pigilan sila ni Dexie kaya't napatingin sila sa kaniya."Hayaan niyo ng ako ang tumapos nito, nang maipaghiganti ko man lang
"Susundan ko sila, may pakiramdam akong hindi magandang mangyayari," usal ni Alex sa kaniyang mga kasamahan."Sasama na kami, hindi ka namin puwedeng iwan.""Pero Clariss... ""Wala ng pero pero. Sasamahan ka namin ni Thea.""At sinong may sabing maaari kayong maka-alis?" Isang palaso ang mabilis na tumama sa kanilang direksyon na muntik ng tumama sa kanilang mga bungo.""F*ck! Muntik na kami doon ah!" sigaw na usal ni Clariss sa lalaki na nagpakilala na bilang si Eleazar."Ha, patikim pa lang 'yan sa inyo pag sinubukan niyong muli umalis sa kinatatayuan ninyo." Nakangisi pa ito sa kanila habang pinaglalaruan ang kunai sa kaniyang kamay."Asar naman, oh!" Napapadyak na saad ni Alex."Binayaran ka ba ng nerd na 'yon?! Sabihin mo sa amin!" Halos magdugo na ang kamay ni Steve sa kaniyang pagkakakuyom ng kamao."Ah, iyong babaeng 'yon ba? Oo. Isa pa, dagdag na rin sa pera
Buhat-buhat ni Kevin si Venuz pangkasal habang tahimik na naglalakad. Napatingin siya sa gawi ni Marie na tahimik lang din na naglalakad katabi niya. Pinaglalaruan nito ang kutsilyong ginamit nito kanina lamang, hanggang ngayon ay pala-isipan pa rin sa kaniya kung ano nga ba talaga ang katauhan nito."Bakit?" Napaiwas siya ng tingin nang bigla na lamang ito lumingon sa kaniya."W... wala.""Huwag mo sabihing, natatakot ka sa akin gayong parehas lang naman tayo." Nagtataka siyang napahinto at napatingin muli kay Marie."Pero hindi ako ganoong kabrutal pumatay gaya ng ginawa mo." Isang ngisi lamang ang binigay sa kaniya nito at naglakad ng muli.Napa-iling na lamang si Kevin. Pinili nilang hindi na manatili sa lugar na kanilang pinaghintuan kani-kanina lamang dahil sa pag-aakalang baka may mga iba pang sumunod sa kanila."So, saan na tayo nito?""Hindi ko alam. Mabuti pa dito na tayo magpalipas
"Ano pala nangyari sa pakikipaglaban ninyo sa mga bwisit na butcher na iyon?"Napatingin si Steve kay Kevin dahil sa biglaan nitong tanong. Muntikan niya ng makalimutan ang ginawa nilang pagtakas sa mga iyon."Iyon ba, tinakasan na lang namin 'yong mga yon." Natatawa pang sagot ni Steve."Ano?!" Halos napasigaw na usal ni Kevin."Bingi ka ba, tol? Ang lapit-lapit na natin sa isa't-isa hindi mo pa narinig ang sinabi ko.""G*g* ka talaga. So, ano nga?""Tinakasan nga namin, pare! Bingi ka ba talaga?" Nakatanggap ng batok si Steve sa pamimilosopo nito."Kailan pa kayo naduwag, ha?""Inamo pare, sa dami ng mga lintek na 'yon. Kala mo kaya namin? Tignan mo nga kung iilan na lang kaming lumaban sa mga hayop na 'yon!" Biglang singit ni James sa kanilang usapan.Hinawakan pa ni James ang mukha ni Kevin para ilingon sa kanilang mga kasamahan. Sa limang araw na nagdaan doon niy
"Mukhang naabala ko kayo sa inyong pagkakasiyahan."Gulat ang rumihestro sa kanilang mga mukha sa paglitaw ni Eleazar kasama ang mga tauhan nito pagkawala ng usok galing sa pagsabog. Nakangisi ito sa kanila ng malawak habang pinaglalaruan ang kunai sa kaniyang kamay. Tila tinatanya rin nito ang tulis ng kunai sa kaniyang kamay."Sh*t, nahanap na nila tayo.""Bakit hindi? Sa lugar na ito hindi kayo basta-basta makakatakas lang sa lugar na ito.""Mukhang wala na tayong takas ngayon, we have no choice but to fight them," saad ni Dexie sa kaniyang mga kasamahan."Sasama ako makipaglaban.""Pero Venuz, halos kakagising mo lang galing sa natamo mo," nag-aalalang usal ni James sa kaniya."Oo nga, babe. Kami ng bahala rito.""Hindi, tutulong ako. Konti na lang tayo kaya kailangan natin lumaban lahat.""Venuz, huwag ka ng makulit. May isang araw pa tayo, malamang meron pa tayo
Akmang tatayong muli si Eleazar ngunit bigla na lamang lumapit sa kaniya si Dexie at inapakan ang kaniyang dibdib. Hinawakan niya ang pa ni Dexie para maakawala sa pagkaka-apak nito sa kaniya, pero mas diniinan pa nito ang ginawa sa kaniya. Napadaing naman siya sa sakit. "Subukan mong tumayo riyan, sisiguraduhin kong tatarak tong hawak ko sa leeg mo." Nakatutok ngayon sa leeg niya ang katana. "Hindi ka na rin naman makakaligtas pa, ikaw na lang ang natitira sa miyembro mo." Lumingon siya sa kaniyang mga kasamahan. Mga nakahandusay na ang mga ito at wala ng mga buhay pa. Napangisi na lamang si Eleazar at nagawa pa niyang tumawa na para bang nababaliw na. Sa inis ni Dexie ay mas lalo pa nito diniinan ang kaniyang pag-apak. "Stop laughing, old man," usal ni Kurt. Nanlaki ang mata ni Eleazar nang makita nito ang baril na ngayon ay nakatutok na sa kaniya. Napangisi naman si Kurt sa kaniyang naging reaksyon at natawang napa-iling
VENUZ POV"Nasaan na naman ako?" saad ko sa aking sarili habang pinagmamasdan ang kwartong kinalalagyan ko.Hindi puti ang paligid ko, kaya malamang wala pa ko sa langit. Ewan ko na lang tanggapin pa ako do'n. Pero, teka nga."Sino ka?" Baling ko sa babaeng ngayong ko lang napansin na nasa gilid ko pala."Pinatulog lang kita, te. Ano nakalimut agad?" sarkastiko nitong sagot sa akin.Napa-irap naman ako sa babaeng 'to, malay ko ba naman kasi. Sino nga ba ulit siya? Rosy? Rossie? Russ?"Rose, Rose ang pangalan ko. Naalala mo na?" Ngayon naman ay nagtataray na ito sa akin. Moodswing, ah!"Ah! Tama, ikaw 'yong babaeng bumaril sa akin."
Hello ka-Nerdys, Gusto ko lang magpasalamat sa inyo, lalo na sa 'yo na sumuporta sa aking akda hanggang dulo. Lubos ang aking pasasalamat sa pagsubaybay ninyo sa journey ng buhay ng mga taong nasa loob ng aking kwento na ito. Nawa'y patuloy ninyo akong suportahan sa mga susunod ko pang akda. I am truly grateful to have you, guys! Sa mga matyagang nagke-claim ng rewards, at lalo na sa gumagastos para mabasa ang mga lock chapters ng aking kwento, maraming salamat! Sa inyong mga pagboto ay akin ring ikinagagalak ng lubos-lubos. Nawa'y napahanga ko kayo sa ating bida na si Angelica na parang kabute madalas. HAHAHA Hanggang sa muli aking mga ka-Nerdy! Maraming salamat, Nagmamahal, _iamlezy / Bebe
ANG PAGTATATAPOS5 years later ..."Nasaan na ba si Alex? Magsisimula na," saad ni Trixie sa kaniyang mga kasama.Napalingon silang lahat sa babaeng halos masira ang pinto dahil sa lakas ng pagbukas nito. Hingal na hingal ito na para bang tumakbo ng ilang kilometro."Ayan na pala si Alex, e," tumatawang usal ni Alicia kay Alex na nakasalampak na sa sofa at naghahabol ng kaniyang hininga."Anong nangyari sa 'yo, te?" usal ni Trixe."Hinintay ko pa si Angelica." Hinihingal nitong sagot."Ha? Gaga ka, alam mo naman sumusulpot lang iyon pag gusto niya.""Ay, hindi puwede 'yon. Alam niyang importanteng araw ito.""Hintayin na lang natin siya, baka mamaya nandito na rin iyon." Napabuntong hininga na lang si Alex sa sinabi ni Venuz at hindi na nagsalita pa."O siya, umupo ka na roon pa
"Hi dad, kumusta ka riyan?" mahinang sambit ni Angelica.Narito siya ngayon sa sementeryo kung saan nakalibing ang kaniyang ama. Ilang araw bago pa siya nakadalaw dito at siya lang mag-isa.Umupo siya sa at saka hinawi niya ang mga dahon sa lapida ng kaniyang ama at saka niya nilapag ang mga bulaklak na kaniyang binili. Nagsindi na rin siya ng puting kandila at tinirik iyon. Nakangiting pinagmasdan niya ang lapida ng kaniyang ama."Pasensiya ka na ngayon lang ulit ako nakadalaw sa 'yo. Tinupad ko lang iyong pangako ko sa 'yo na hindi ako magpapakita sa puntod mo hanggat hindi kita naipaghihiganti. And look dad, nandito na ako. Sana masaya riyan kung nasaan ka man, medyo natagalan lang ako sa pagdalaw.""Oo nga pala, dad. May kasalanan din ako sa 'yo, napatay ko si Romnic. Ihingi mo na lang ako ng tawad sa kaniya kung sakaling magkita kayo riyan, ha?" Hindi napigilang matawa ni Angelica sa kaniyang sinasabi at unti-unting bumu
Angelica's POVWala akong maramdaman na kahit ano sa pag-alis ko sa lugar na iyon. Walang kahit na anong awa o pagsisisi akong naramdaman sa nagawa ko sa pamilyang iyon, puro galit lang ang natira sa akin."Sa wakas dad. Naipaghiganti na rin kita," usal ko sa aking sarili habang nagmamaneho.Patungo ako ngayon sa taong kikitain ko ngayon pero bago 'yon ay may dadaanan muna ako. Kinuha ko ang cellphone ko at nag-dial ako sa aking telepono."I'm already here, baby." Napangiti ako sa sinabi nito."Alright. Malapit na ako," sagot ko rito ng hindi natatanggal ang ngiti sa aking labi."Okay, baby. Take care!"
Isang malaking pagsabog ang narinig nila Dexie mula sa bodega na kanilang pinanggalingan. Hininto ni Steve ang sasakyan at napatingin sa direksyon sa gawing iyon. Hanggang sa mapansin nila ang sasakyan na dumaan sa kanilang gilid.Napatitig sila sa sasakyan at na dumaan at may hinala na sila kung sino ang taong nagmamaneho no'n."May binuhay kaya si Angelica doon sa tatlo?" biglang sambit ni Trixie."Wala," diretsong sagot ni Venuz habang nakatitig pa rin sa sasakyan na palayo na sa kanila."Kilala ko ang babaeng iyon, sa tagal naming magkaibigan alam ko na takbo ng utak no'n. Walang bubuhayin 'yon sa tatlo, iyong galit niyang matagal niya ng kinikimkim ay nailabas niya na,
Nanatili pa ring nakapikit si Angelica at pinapakiramdaman lang ang kaniyang paligid."Angelica, si Romnic nandito," usal ni Dexie sa kaniya.Dumilat si Angelica at malamig lang ang tinging ibinigay nito kay Romnic. Dahan-dahan niya itong nilapitan at biglang napasinghap ang mga naroon dahil sa biglaang pagsampal ni Angelica rito gamit ang likuran ng palad niya."Anong ginagawa mo rito?" Malamig ang tinig ni Angelica maging ang mata nito ay wala man lang emosyon na pinapakita. Diretso lang ang tingin nito kay Romnic."Anong ginawa mo kay Octavius?" mariing tanong pa rin ni Romnic."Wala kang pakialam, sagutin ko ang tanong ko. Anong ginagawa mo rito?" Sa bawat salitang binibitawan ni Ang
"Octavius..." tawag ni Angelica sa bawat pasilyong inaakyatan niya."Ang akala ko ba ay gusto mo ako mamatay? Bakit ngayon ay tinataguan mo naman ako?" bulalas pa niyang muli.Biglang napangisi si Angelica dahil may biglang bala na lumipad papunta sa direksyon niya pero mabilis niya itong naiwasan. Para siyang demonyong natawa dahil hindi man lang siya nito madaplisan."Ano ba 'yan, Octavius. Paano mo ako papatayin niyan? E, hindi nga tumatama ang bala mo sa akin," pang-aasar pa ni Angelica.Umakyat siya muli sa isa pang palapag dahil alam niyang umakyat muli ang dalawa niyang kailangan. Lalong gumuhit ang malaking ngisi sa kaniyang labi dahil ilang armadong lalaki ang nag-
"Victoria!" nag-aalab sa galit ang ina ni Kurt habang nakatitig kay Victoria na nakangisi pa sa kaniya."Bakit? Hindi ba totoo? Inagaw mo sa akin si Octavius kahit pa alam mong pinagbubuntis ko na ang anak namin!"Napasinghap ang lahat ng bisita sa kanilang narinig, maging sina Venuz ay hindi makapaniwala. Si Alex naman ay napatitig na lang kay Kurt at parang siya ang nasaktan para dito. Hindi niya inaasahan ang malalaman niya sa pamilya nila Kurt, pero nanatili lang na malamig ang tingin ni Kurt at hindi ito umiimik.Tumayo muli si Victoria mula sa ilang ulit niyang pagkakasalampak. Hindi nito maalis ang ngisi sa kaniyang mukha at nakatitig ng matalim sa dalawang taong nasa harap niya."Shut up!" Nagtatagis na ang ngipin ng ina ni Kurt habang ang ama naman nito ay naka
Angelica's POV"Baby, mag-iingat, ha? Promise me." Napangiti naman ako sa lalaking naglalambing sa akin kanina pa.Kanina pa dapat ako nakaalis pero dahil sa kaniya ay hindi ako makaalis-alis, gusto kasi niyang sumama. Buti napilit kong huwag na muna, kakaligtas ko lang ng buhay niya pagpahingahin niya naman sarili niya. Jusko! Ewan ko na lang talaga."Of course, I will." Nakayapos pa ito mula sa likuran ko habang nag-aayos ako ng aking sarili.Hindi na muna ako maglalagay ng pekeng bangs at pekeng freckles dahil baka mahirapan ako makakilos mamaya. Matagal ko ng pinlano ito kaya't hindi ako makakapayag na hindi ako magtatagumpay, sisiguraduhin kong mabubura sila sa mundong ito."Tawagan mo na lang ako kapag kailangan mo na ako, just like before." Napangiti akong muli at humarap sa kaniya.Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at binigyan siya ng mabilis na halik sa labi. Mukhang nag