Third Person POV
“Please welcome, Miss Sanchez!”
Isang babae ang lumabas sa entablado na naka-bodycon dress na talaga namang bumagay sa kaniyang balingkinitang katawan. May suot pa itong killer heels, ang kaniyang make-up ay tama lamang sa kaniyang mala-anghel na mukha. Ngunit, sa loob nito ay wala lamang. Hindi nababakasan ng kaba at nakangiti itong humarap sa entablado.
Maraming ilaw na galing sa camera ng mga media at photographer. Iba’t-ibang klaseng media personality ang dumalo sa kaniyang press conference sa gabing ito.
Ang press conference na ito ay napapanuod hindi lamang sa bansa nila, kundi pati na rin sa ibang bansa. Inaabangan ng karamihan dahil hindi lamang sa impluwensya ng Sanchez Family, kundi sa babaeng nakatayo ngayon sa entablado at nakangiting nakaharap sa kanila ngayon.
“Okay, we can start now,” Pag-uumpisa ng kaniyang manager para simulan na ang mga katanungan sa kaniya.
Nagsimula na silang mag angatan ng kamay para makapag-tanong na sa kaniya. Napiling magtanong ang babaeng nasa harap lamang niya.
“What is your real name, Miss Sanchez?”
“I’m sorry but I can’t answer that,” sagot nito sa kaniya na hindi man lang nawawala ang ngiti sa kaniyang labi.
“Why? It’s that too precious to know your name?” tila ba nang-iinsultong tanong nito sa babae na binigyan lamang siya ng maiksing tawa. Maiksing tawa na bibigyan ka ng kilabot sa iyong katawan.
“No, Dear. I have a personal reason why I don’t want to expose my name,” malambing man ang boses nito ay mararamdaman pa rin ang lamig sa bawat salita niya.
“Can I have a last question?”
“Yes. What is it?”
“All of a sudden, why you introduce yourself with us? This is your first exposure in media,”
“Ow, regarding on that. Maybe, this is the time to introduce myself. And besides, my mother is busy right now. As the only daughter of the successful businesswoman, she wants to protect me,”
Hindi na muli pang nagtanong ang babaeng reporter sa kaniya. Kaya naman sumunod naman na nagtanong ang lalaking nakaupo sa pangatlong hilera.
“Miss Sanchez, what school are you attending now?”
“Uhm…Sorry, but I can’t answer that too. Hope you guys don’t mind, please ask me a relevant topics, not my personal information.”
“I’m sorry,” Ngumit lamang ang babae sa kaniya.
“So, who’s next?” her manager ask them.
“Me,” sagot ng babaeng nakaupo sa hulihan.
“Yes, go ahead.”
“Thank you, Sir,” usal nito,
“Well…Miss Sanchez, I wanted to ask if you have any business that you want to introduce with us,” malumanay na sunod na tanong nito.
"Yes, I have. That's why I did this press conference, and I have some important announcement,"
“Ow, that’s great. Can you share us some information about that?”
“Yes, of course. I want to introduce our Orphanage for the abandoned child, a child that there is no house to call home. For the parent that can't raise a child, instead of aborting, please let them live and let us take care of them," marahan at malumanay nitong pagkakasabi.
“Wow, just wow. That’s really great. But, Miss Sanchez that’s not a business, right?” nagtataka nitong tanong sa kaniya.
“Yes. I know, but I can say this is my free business – a project to be exact,”
Ang lahat ay namangha maging ang mga nanunuod sa kaniya, sa isip ng mga ito ay hindi biro ang kaniyang gustong gawin. Ang gumastos sa mga batang hindi naman siya ang nag-ere. Ngunit, ang tanging nasa isip lang ng babaeng ito ay tumulong at mabigyan ng bahay na uuwian ang mga batang pinagkaitan ng tirahan.
“That’s an awesome project, Miss Sanchez. I think Mrs. Sanchez is proud of you,”
“Of course, she is. She’s always proud of me,” taas-noo niyang usal na may ngiti sa kaniyang labi.
"You're absolutely the perfect daughter that probably every mother's want; you’re a kind-hearted and a drop dead gorgeous woman,"
“I think, no. We have a different perspective, and strategy to be a good daughter. Also, we are all beautiful in our own way,”
“I think, this is the end of our press conference for now,”
Yumuko ang babae sa kanila bilang pamamaalam. Inalalayan siya ng kaniyang manager pababa ng entablado. Marami pa rin ang ilaw na tumatama sa kaniyang mukha. Naiirita na siya rito, ngunit wala siyang magawa kundi tiisin. Nasa isip nito ay saglit na lang naman at siya’y makakabalik ulit sa kaniyang komportableng suot.
Sumakay na ito ng kaniyang limousine na nanghihintay sa kaniya, sakay nito ang kaniyang kaibigan at ang kaniyang ina.
“Sa wakas naman, baby. Pumayag ka na humarap sa media,” bungad na sabi ng kaniyang ina.
“Ma, I’m not a baby anymore,” walang emosyon nitong sinabi.
“Ito talaga, proud lang saiyo si tita, sis!”
“Tigilan mo ako, Venuz,” at saka ito sumandal at pumikit. Gusto niyang magpahinga muna dahil parang pakiramdam niya ay mas nakakaubos ng enerhiya ang kaniyang ginawa kani-kanina lamang kesa sa kaniyang self-exercise.
**
Kinabukasan…
“Sis, ano hanggang ngayon pagod ka pa rin?” tanong ni Venuz kay Angelica na wala sa wisyo, kanina pa kasi niya ito dinadaldal pero tila wala itong naririnig.
“Yes,” maikling sagot lang nito sa kaniya.
“Haynako. Hindi ka naman nakipagbugbugan pero ‘yong pagod mo, grabe. Nag-introduce ka lang naman sa – asdfghjk,” hind na nito natuloy ang sasabihin niya nang salpakan siya sa bunganga ng panyo sa bibig.
“Alam mo ikaw, ang ingay mo talaga,” walang gana nitong sabi.
Tumayo si Angelica para pumunta sa kaniyang mini-pantry, kumuha siya nang inumin at makakain. Nakatambay ngayon sa kwarto niya si Venuz dahil linggo ngayon at wala silang klase.
Bumalik ito na may dalang softdrinks at burger na siya mismo ang gumawa, nagdala na rin siya ng mga chips.
“O, pagkain mo,” walang emosyon niyang sabi rito.
“Thank you, sis. Oo nga pala, tignan mo itong nasa website ng school natin.”
“Bakit anong meron?” nakakunot-noo siyang nagbabasa sa cellhpone ni Venuz, “Ang corny kamo nila,” dugtong na usal nito pagkabasa sa ibang mga komento tungkol sa press conference na naganap kahapon.“Yieee, sis! Dalaga ka na,” panunukso ni Venuz sa kaniya kaya’t nahampas siya nito ng unan sa mukha.
“Aray ko naman, sis! Sakit kaya,” nakanguso pa ito na tila batang inagawan ng lollipop.
“Nako, Venuz. Tigilan mo ako.”
“Hala, ano ka diyan? Sexy mo nga kagabi, sis! Grabe. Sana ganoon ka rin araw-araw,” tumawa ito at nawala rin agad nang tingnan siya nito ng matalim.
“Ito naman, pero seryoso nga. Hindi lang sa website natin pati na rin sa ibang site, halos ganoon ang statement nila, sis. Nakakaloka ‘yang ganda mo,” naiirita man sa kaniya si Angelica ay kinuha nito ang kaniyang cellphone at muling nagbasa.
“Ano ba mapapala nila pag nakita ako? Manahimik nga sila,” usal ni Angelica sa kaniyang mga nababasa.
Naiinis siya sa mga komento ng mga ito na tila obsess na obsess ito sa kaniya, at gusto pa siya makita ulit.
“Diba…Sabi sa ‘yo, e. Grabe kahit naman siguro ako mahuhumaling ako sa ganda mo ng gabing iyon, sis!” umiiling pa ito habang kinukuha ang kaniyang cellphone, “Sana all, maganda!” sabay sigaw nito na nang-aasar.
Masaya siya para sa kaniyang kaibigan, dahil kahit hindi niya lubos na pinakilala ang sarili ay napakita niya ang kaniyang tunay na gandang mukha. At nasa isip niya, ‘yon nga lang ay talagang nakakatakot, lalo na pag-bwisit ito. Kahit pa natatakpan ng malaking salamin ang kaniyang mga mata ay hindi pa rin nababawasan ang mga nakakakilabot na tingin nito.
"Isa pa talaga, Venuz,"
Nanahimik na si Venuz at nag-sign pa na isini-zipper ang kaniyang bibig at saka nag-thumbs up pa.
Angelica’s POV“Sis, hintayin mo naman ako,” habol hininga na sabi ni Venuz sa 'kin habang nagmamadali maglakad.“Ang bagal kasi,” naiirita kong sabi sa kaniya. Paano naman kasi, alam naman niyang nagmamadali ako dahil may kutob ako na hindi magiging maganda ang araw ko ngayon.“Ito na.”Sumakay na siya sa sasakyan. Papasok kasi kami ngayon, sa amin na siya natulog dahil lunes ngayon at tinatamad daw siya umuwi sa kanila kahapon.Pinaandar ko na ang sasakyan pagkaupo na pagkaupo niya. Kita ko naman sa gilid ng mata ko ang pagkagulat niya sa ginawa ko, pero wala na akong oras para intindihin pa iyon. Ayaw ko sana pumasok pero hindi pwede dahil may kailangan akong gawin.Kalahating oras lang ay nakarating din kami agad sa eskwelahan. Wala naman nakakita sa amin dahil private park ko ito
Third Person POV “Okay ka lang ba?” nag-aalala na tanong ni Venuz sa babae. “O…Oo. Maraming salamat pala sa inyo, lalo na sa ’yo,” nahihyang usal nito kay Angelica. “Wag kang magpasalamat, hindi ako tumulong para sa ’yo,” walang gana nitong sabi at tinuloy ang pagbabasa sa libro na kaniyang hawak. Nasa field sila ngayon, maayos na rin ang lugar na pinagsabogan ng bomba noong mga nagdaang araw. Nakaupo sila sa lilim ng malaking puno. “Sis naman!” pagsaway ni Venuz sa kaniyang inasal na kinataas lang ng kilay ni Angelica. “Wag mo na lang pansinin ‘yang kaibigan ko,” hinayaan na lang ito ni Venuz at kinausap muli ang babae. “Ano nga palang pangalan mo?” “Aaliyah, kayo ba?” “Ah, ako si Venuz. Siya naman si Angelica.” “May tanon
Third Person POV“Attention to all, classes is suspended. You guys may now go home,” mag-uumpisa pa lang ang klase sa oras na ‘yon ng mag anunsyo sa buong campus.Marami ang natuwa sa anunsyong ito dahil makakapagpahinga ang iba sa kanilang tambak na gawain sa klase at ang iba ay makakapasyal sa lugar na kanilang gustong puntahan.“Dude, may alam ka ba kung bakit na-suspend ang klase ngayon?” nagtatakang tanong ni Steve sa kanilang leader na si Kurt.Nakatambay sila ngayon sa kanilang hideout, maaga silang pumapasok para makapunta muna dito dahil meron silang mga importanteng ginagawa madalas.“No, I don’t have any idea.”“Okay.”“So…Let’s go. Dating gawi?” aya ni Steve sa kaniyang mga kasamahan, tinangohan lamang siya ng
"Nasaan na kaya 'yon si Angelica?" tanong sa isip ni Venuz habang mag-isang naglalakad papunta sa kanilang classroom.Kahapon pa kasi wala ang kaibigan niya pagkatapos ng mga nangyari kahapon ng umaga, nagpaalam lang ito sa kaniya saglit na pupunta ulit sa kaniyang opisina ngunit hindi na nakabalik hanggang magpa-dismissed na ng klase."Hays. Iyong babae na 'yon talaga kahit kailan parang kabute, mawawala tapos biglang susulpot," inis na turan niyang muli sa kaniyang sarili.Pagpasok niya sa klase ay naabutan niya ang Vermin na ando'n, ang isa sa kanila ay may tapal ng bandage sa kanang bahagi ng kaniyang pisngi."Mukhang napaaway itong mga to, ah? Buti na lang din pala wala 'yong Alex na impakta," lihim siyang natawa sa kaniyang naisip.Umupo na siya sa kaniyang upuan at hinintay na dumating ang kaniyang kaibi
"Walanghiya pare, ngayon lang ako kinilabutan sa babae," usal ni Kevin."Gag*, palibhasa libog nararamdaman mo, e," sabat na sabi sa kaniya ni James na tinawanan lang ni Kevin.Nandito sila ngayon sa kanilang hideout pagkatapos ng insidente, hindi na rin natuloy ang susunod nilang klase dahil sa nangyari. Pinauwi agad sila matapos no'n, kaya't nag-decide na lang silang pumunta na muna sa hideout nila."That's crazy, she's totally crazy," hindi makapaniwalang bulalas ni Kurt at nilagok ang alak sa kaniyang shot glass."Tignan mo, pati siya hindi makapaniwala.""Pare, ganoon mo ba nakilala 'yong babaeng 'yon?" umiling lamang si Romnic sa tanong ng kaniya kaibigan at uminom rin ng alak.Pinapakalma niya ang kaniyang sarili sa nasaksihan dahil kahit siya ay hindi makapaniwala.
Tahimik akong nakaupo sa sofa ng bahay na aking binili noon na ngayon ko na lang ulit nadalaw, ilang taon na rin pala ang lumipas mag mula ng huling punta ko rito. Parang kalian lang, ang bilis ng panahon.“Ito kasi si Trixie, e. Hindi ko tuloy nabili ‘yong dapat kong bibilhin.”“Aba, ang tagal mo kaya kumilos. Mahiya ka naman sa amin, ikaw na lang kaya inaantay namin.”“Oh, dito pa nagtalo. Pumasok na nga tayo.”Naririnig ko na ang mga boses ng mga inaabangan ko sa pintuan pa lang. Biglang bumakas ang pinto at nasubsob pa sa sahig pagkapasok si Jasper. Saglit silang natigilan ng mapansin na nila akong lima. Daig pa nakakita ng multo sa gulat."Aba't babaita ka, saan ka nanggaling?" tanong ni Trixie sa akin nang maka-recover sa
"Hoy babae.""Hoy!""Ay wow, feeling maganda," inis na lumingon si Venuz sa kanina pang nang-aasar na si James."Ikaw na animal ka, tantanan mo 'ko. Pwede ba?! Ang aga-aga ha!" mabilis na lumakad palayo si Venuz habang nakasimangot."Kalma, may regla ka ba ngayon? Sungit ah?"Nakasunod lang si James sa kaniya sa paglalakad at patuloy na inaasar si Venuz na nagmamadaling lumakad. Bigla naman siyang hinampas ng hand bag ni Venuz sa mukha kaya't napahawak siya sa mukha niya dahil sa sakit."Sh*t! Ang brutal mo talagang babae ka.""Dapat lang sa'yo iyan." Tumakbo na paalis si Venuz, napailing na lang si James habang hinihi
"Ang boring pala maglakad-lakad ng nag-iisa sa mall," bulong na sabi ni Venuz sa kaniyang sarili.Nakapag-decide siyang pumunta sa mall para magliwaliw muna dahil hindi rin naman siya makakatulog agad pag-uwi niya.Pumasok siya sa isang boutique ng mga bag, nagtitingin siya hanggang sa may mapansing siyang mini hand bag that looks a pale sandy yellowish-brown color. It caught her eyes, she wanted to buy it pero may kamay na kumuha dito.Gustong-gusto niya ang bag na ito pero ayaw niya naman makipagtalo pa sa babae para lang sa isang bag. Nagtanong na lamang siya sa isa sa mga sales lady."Hi Miss, Can I ask? Do you still have stock of that bag?""Sorry, Ma'am. That's the on
Hello ka-Nerdys, Gusto ko lang magpasalamat sa inyo, lalo na sa 'yo na sumuporta sa aking akda hanggang dulo. Lubos ang aking pasasalamat sa pagsubaybay ninyo sa journey ng buhay ng mga taong nasa loob ng aking kwento na ito. Nawa'y patuloy ninyo akong suportahan sa mga susunod ko pang akda. I am truly grateful to have you, guys! Sa mga matyagang nagke-claim ng rewards, at lalo na sa gumagastos para mabasa ang mga lock chapters ng aking kwento, maraming salamat! Sa inyong mga pagboto ay akin ring ikinagagalak ng lubos-lubos. Nawa'y napahanga ko kayo sa ating bida na si Angelica na parang kabute madalas. HAHAHA Hanggang sa muli aking mga ka-Nerdy! Maraming salamat, Nagmamahal, _iamlezy / Bebe
ANG PAGTATATAPOS5 years later ..."Nasaan na ba si Alex? Magsisimula na," saad ni Trixie sa kaniyang mga kasama.Napalingon silang lahat sa babaeng halos masira ang pinto dahil sa lakas ng pagbukas nito. Hingal na hingal ito na para bang tumakbo ng ilang kilometro."Ayan na pala si Alex, e," tumatawang usal ni Alicia kay Alex na nakasalampak na sa sofa at naghahabol ng kaniyang hininga."Anong nangyari sa 'yo, te?" usal ni Trixe."Hinintay ko pa si Angelica." Hinihingal nitong sagot."Ha? Gaga ka, alam mo naman sumusulpot lang iyon pag gusto niya.""Ay, hindi puwede 'yon. Alam niyang importanteng araw ito.""Hintayin na lang natin siya, baka mamaya nandito na rin iyon." Napabuntong hininga na lang si Alex sa sinabi ni Venuz at hindi na nagsalita pa."O siya, umupo ka na roon pa
"Hi dad, kumusta ka riyan?" mahinang sambit ni Angelica.Narito siya ngayon sa sementeryo kung saan nakalibing ang kaniyang ama. Ilang araw bago pa siya nakadalaw dito at siya lang mag-isa.Umupo siya sa at saka hinawi niya ang mga dahon sa lapida ng kaniyang ama at saka niya nilapag ang mga bulaklak na kaniyang binili. Nagsindi na rin siya ng puting kandila at tinirik iyon. Nakangiting pinagmasdan niya ang lapida ng kaniyang ama."Pasensiya ka na ngayon lang ulit ako nakadalaw sa 'yo. Tinupad ko lang iyong pangako ko sa 'yo na hindi ako magpapakita sa puntod mo hanggat hindi kita naipaghihiganti. And look dad, nandito na ako. Sana masaya riyan kung nasaan ka man, medyo natagalan lang ako sa pagdalaw.""Oo nga pala, dad. May kasalanan din ako sa 'yo, napatay ko si Romnic. Ihingi mo na lang ako ng tawad sa kaniya kung sakaling magkita kayo riyan, ha?" Hindi napigilang matawa ni Angelica sa kaniyang sinasabi at unti-unting bumu
Angelica's POVWala akong maramdaman na kahit ano sa pag-alis ko sa lugar na iyon. Walang kahit na anong awa o pagsisisi akong naramdaman sa nagawa ko sa pamilyang iyon, puro galit lang ang natira sa akin."Sa wakas dad. Naipaghiganti na rin kita," usal ko sa aking sarili habang nagmamaneho.Patungo ako ngayon sa taong kikitain ko ngayon pero bago 'yon ay may dadaanan muna ako. Kinuha ko ang cellphone ko at nag-dial ako sa aking telepono."I'm already here, baby." Napangiti ako sa sinabi nito."Alright. Malapit na ako," sagot ko rito ng hindi natatanggal ang ngiti sa aking labi."Okay, baby. Take care!"
Isang malaking pagsabog ang narinig nila Dexie mula sa bodega na kanilang pinanggalingan. Hininto ni Steve ang sasakyan at napatingin sa direksyon sa gawing iyon. Hanggang sa mapansin nila ang sasakyan na dumaan sa kanilang gilid.Napatitig sila sa sasakyan at na dumaan at may hinala na sila kung sino ang taong nagmamaneho no'n."May binuhay kaya si Angelica doon sa tatlo?" biglang sambit ni Trixie."Wala," diretsong sagot ni Venuz habang nakatitig pa rin sa sasakyan na palayo na sa kanila."Kilala ko ang babaeng iyon, sa tagal naming magkaibigan alam ko na takbo ng utak no'n. Walang bubuhayin 'yon sa tatlo, iyong galit niyang matagal niya ng kinikimkim ay nailabas niya na,
Nanatili pa ring nakapikit si Angelica at pinapakiramdaman lang ang kaniyang paligid."Angelica, si Romnic nandito," usal ni Dexie sa kaniya.Dumilat si Angelica at malamig lang ang tinging ibinigay nito kay Romnic. Dahan-dahan niya itong nilapitan at biglang napasinghap ang mga naroon dahil sa biglaang pagsampal ni Angelica rito gamit ang likuran ng palad niya."Anong ginagawa mo rito?" Malamig ang tinig ni Angelica maging ang mata nito ay wala man lang emosyon na pinapakita. Diretso lang ang tingin nito kay Romnic."Anong ginawa mo kay Octavius?" mariing tanong pa rin ni Romnic."Wala kang pakialam, sagutin ko ang tanong ko. Anong ginagawa mo rito?" Sa bawat salitang binibitawan ni Ang
"Octavius..." tawag ni Angelica sa bawat pasilyong inaakyatan niya."Ang akala ko ba ay gusto mo ako mamatay? Bakit ngayon ay tinataguan mo naman ako?" bulalas pa niyang muli.Biglang napangisi si Angelica dahil may biglang bala na lumipad papunta sa direksyon niya pero mabilis niya itong naiwasan. Para siyang demonyong natawa dahil hindi man lang siya nito madaplisan."Ano ba 'yan, Octavius. Paano mo ako papatayin niyan? E, hindi nga tumatama ang bala mo sa akin," pang-aasar pa ni Angelica.Umakyat siya muli sa isa pang palapag dahil alam niyang umakyat muli ang dalawa niyang kailangan. Lalong gumuhit ang malaking ngisi sa kaniyang labi dahil ilang armadong lalaki ang nag-
"Victoria!" nag-aalab sa galit ang ina ni Kurt habang nakatitig kay Victoria na nakangisi pa sa kaniya."Bakit? Hindi ba totoo? Inagaw mo sa akin si Octavius kahit pa alam mong pinagbubuntis ko na ang anak namin!"Napasinghap ang lahat ng bisita sa kanilang narinig, maging sina Venuz ay hindi makapaniwala. Si Alex naman ay napatitig na lang kay Kurt at parang siya ang nasaktan para dito. Hindi niya inaasahan ang malalaman niya sa pamilya nila Kurt, pero nanatili lang na malamig ang tingin ni Kurt at hindi ito umiimik.Tumayo muli si Victoria mula sa ilang ulit niyang pagkakasalampak. Hindi nito maalis ang ngisi sa kaniyang mukha at nakatitig ng matalim sa dalawang taong nasa harap niya."Shut up!" Nagtatagis na ang ngipin ng ina ni Kurt habang ang ama naman nito ay naka
Angelica's POV"Baby, mag-iingat, ha? Promise me." Napangiti naman ako sa lalaking naglalambing sa akin kanina pa.Kanina pa dapat ako nakaalis pero dahil sa kaniya ay hindi ako makaalis-alis, gusto kasi niyang sumama. Buti napilit kong huwag na muna, kakaligtas ko lang ng buhay niya pagpahingahin niya naman sarili niya. Jusko! Ewan ko na lang talaga."Of course, I will." Nakayapos pa ito mula sa likuran ko habang nag-aayos ako ng aking sarili.Hindi na muna ako maglalagay ng pekeng bangs at pekeng freckles dahil baka mahirapan ako makakilos mamaya. Matagal ko ng pinlano ito kaya't hindi ako makakapayag na hindi ako magtatagumpay, sisiguraduhin kong mabubura sila sa mundong ito."Tawagan mo na lang ako kapag kailangan mo na ako, just like before." Napangiti akong muli at humarap sa kaniya.Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at binigyan siya ng mabilis na halik sa labi. Mukhang nag